QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, November 15, 2008

Masakit ang Ipin ko!!!

ASTIG TO AHHH!!! Binabarena ang ipin ni Lolo, ano kala nila dun pader!!hehehehe

Ginawang kahoy ang ngipin ni Kuya,pinapaet kasi eh!!hehehe

______________________________________________________________
Medyo ngayon ko lang napag-isip isip na talaga palang napakahalaga ng ngipin natin, eh sa maniwala kayo o hindi (malamang di kayo maniwala, hehehe) isang beses palang ako nakakapagpabunot sa Dentista. Di ko naman masasabing perfect ang ngipin ko, pero nabunutan na rin naman na ako noong bata pa ako. Kund hindi pa mamaga ang ngipin ko ng Todo ay hindi ko naman talaga ako magpapabunot sa Dentista


Teka heto yung istayl ng nanay ko noong bata pa ako para makalibre ako sa pagbababunot ng ngipin.


MAHIWAGANG SINULID

Pag umuuga na si IPIN, eh simula na ng operasyon ni Nanay, kukunin na nya ang sinulid nya at ipapalibot sa IPIN ko, habang gumagalabog na parang yabag ng elepante ang dibdib ko sa kaba. Kasi anytime, eh hihilahin na ng nanay ko yung sinulid na yun na ubod ng lakas, kasing lakas ng utramagnetic top ni Voltes V. Sabay bilang ng one, two, three…….. hayun bunot na ang bulok na bulok kong IPIN, resulta ng pagkahilig ko sa TSOKOBOT at TIRA-TIRA (di kami mayaman kaya hindi chocolate ang dahilan).

PINTO NG LANGIT

Heto pa ang isa pang gamit ni nanay, ang mahiwagang pinto namin. Eh kasi naman minsan natatakot akong sya ang bumunot sa akin, madalas kasi hindi kinakaya ng kapanyarihan ni nanay ang IPIN ko, kaya bahang baha ng luha ko ang bahay namin, eh kasi naman hindi pa mabunot-bunot ang IPIN ko kahit anong gawing hila, kaya gumagamit si nanay ng makakatulong nya sa operasyon, at ito nga ang napakalaking pinto namin. Itatali nya ang kurdon sa umuuga ugang ngipin ko, ikakabit sa nakabukas na pinto, at BANGGGGG sabay sara ng pinto. Kasama ng doorknob ang maitim itim na ngipin ko, sabay takbo sa LABABO, mumog ng maligamgam na tubig.

MAKAPANGYARIHANG DALIRI NI NANAY

Eh minsan kasi kumakain ako ng mais, o di kaya tubo o kornik, eh komo umuuga na sya, at dahil sa kasibaan ko medyo madali na syang bunutin. At dahil hindi ko kayang bunutin ang sarili kong ngipin eh tawag agad ako kay nanay, sabay pasok ng daliri sa bunganga kong punong puno ng mais, TSUKKKKK, tanggal.

Eh kaya bakit kailangan mo pa ng dentista, eh yakang yaka naman ni nanay yan. Yun nga lang nung medyo lumaki na ako, eh ayoko ko ng pagbunot ng ngipin sa kanya.Hehehe, kasi masakit na kasi yun, wala kasing anestisya.

Noong malaki laki na ko at nung minsan natutulog ako, nanggising ang bwisit na IPIN na yan, palibhasa may butas kasi kaya naman sumakit sya habang himbing na himbing ang lahat, at talaga namang tinapat pa nyang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog, kung hindi ba naman inis yang IPIN ko na yan, eh tinapat pa ng madaling araw. Hindi ko na maitindihan ang pakiramdam ko nun halos mabaliw ako sa sakit, eh sa lahat naman ng sakit, ang sakit ng IPIN ang talaga namang kasumpa sumpa. Hindi na baleng kahit anong parte ng katawan mo ang sumakit, wag lang ang IPIN mo, kasi halos lahat dinadamay nya, kaya mananakit sa iyo ang lahat. Dyos ko po, halos lahat ng santo ay ginigising at binulabog ko na, pero talaga namang ayaw mawala, nangangapal at nalalapnos na ang bunganga ko kakamumog ng maligamgam na tubig na may asin talaga namang ayaw maalis ang sakit. Nandyan lagyan ko isang galong pabango ang bulok na IPIN ko dahil mabisa raw yun, o di kaya pagsasampalin ko at pagsusuntukin ko ang pisngi ko mawala lang din ang sakit, pero talagang PASAWAY yang IPIN ko na yan. O di naman kaya pasakan ko ng earphone ang tenga ko at magpatugtog ng ubod lakas na music para masalisihan ko ang sakit ng IPIN ko. PEro para talagang may sariling utak yung bulok na IPIN ko na yun, kasi namumuswit talaga. Hayun tiniis ko na lang at wala akong magawa kundi mag-intay hanggang umaga at bumili ng UBOD LAKAS to the HIGHEST LEVEL na pain reliever. Noong mga panahon na yun, halos nagpagulong gulong na ako sa buong bahay at laging nakatingala sa orasan, pakiramdam ko iyon na ang pinakamahabang gabi ko at ang hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko.

Pagkatapos kong lulunin ang isang banig na Pain Reliever na parang NIPS, hindi na ako nag-aksya pa ng panahon at nagkukumahog na akong pumunta sa Dentista.

“Doc, parang awa nyo bunutin nyo na ang bwisit na ngipin na ito” sabi ko

“Naku hindi pa pwede namamaga eh, siguro bumalik ka na lang pag wala na yung maga. Hindi kasi pwedeng bunutin yun eh”. Tugon ng denstista habang nabuyang buyang sa Planet Earth ang esophagus at yung kampana sa loob ng bunganga ko.

“Seggggge nahhh Dooooc” pagmamakaawa ko habang bukang buka ang bibig ko

“Di talaga pwede eh, sorry intay ka na lang ng mga 4-5 day” sabi nya.

So wala akong magawa kundi mag-intay kasi nakasampung dentista na rin ang pinuntahan ko noong araw na yun at lahat sila tumanggi. Kaya naman ngitngit na ngitngit ako nun.
Makalipas ang ilang araw nawala na rin ang maga, at sa wakas matatanggal na rin ang nakapanginig lamang IPIN ko na ito. Pagkatapos matanggal ang ngipin ko sinabi ko kay Doc.

"Doc pwede bang maarbor ko na lang yang bulok kong ngipin” sabi ko sa kanya na lulon lulon ang bola ng bulak.

“Ha!bakit ano gagawin mo dyan?”

“Eh souvenir lang po, heheheh”. Sabi ko sa Doc.

Pagkauwi ko sa bahay, naisip ko sa sarili ko ito na ang araw na pinakiintay ko, makakaganti na rin ako sa bwisit na IPIN na yun. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang malaking martilyo ng tatay ko, at pinagdidikdik ko ng TODO TODO ang bulok na IPIN , sabay sabi “YAN PUPULBUSIN KITA, IKAW ANG NAGPAHIRAP SA BUHAY KO”, hehehhe gigil na gigil talaga ako noon. Pagkatapos kong mapulbos ang IPIN ko, ginawa ko tinapon ko sya sa pusali, unti unti ko syang pinamudmod sa pusalian na parang cheese sa ibabaw ng spaghetti habang ngisi-ngisi ako. Hahahahhaha. Kahit papaano naibsan na yung inis ko sa ipin ko.
Ganda ng kwento ko noh, hehehehe, yung una medyo siguro mapapahawak ka sa panga mo kasi MORBID ang mga estayl ng nanay ko eh. Pero meron akong gustong ibigay sa inyong lesson tungkol sa kwento ko na ito (naks may moral lesson pala).

Sa buhay natin minsan may mga taong mananakit sa iyo ng sobra sobra, gaya ng pagsakit ng IPIN natin. Minsan lahat na ng paraan ay nagawa na natin para lang maibsan o kaya mawala ang kirot na nararamdaman natin. Pero hanggat nandyan pa rin ang bulok na ngipin (tao) sa buhay natin, uulit at uulit ang sakit anumang oras. Minsan ang tanging paraan pala para mawala ang sakit na yun, ay tanggalin sa buhay mo ang taong nagbibigay sa iyo ng sakit. Kumbaga sa IPIN kailangang natin bunutin din ang mga taong magbibigay pa sa atin ng mamasakit na mga bagay. Kung minsan kailangan natin mag-intay ng ilang panahon at palipasin muna ang sakit na nararamdaman natin, o di kaya umimom muna ng gamot, mga gamot tulad ng paglilibang sa sarili natin o di kaya sumama sa mga taong tutulungan kang mapagaan ang kalooban para lang mawala ang maga. Ang pagkatapos ay tuluyan na syang ipabunot at tanggalin na sa buhay mo. At kung kailangang pulbusin mo at ibuhos ang lahat ng hinanakit mo sa taong yun gaya ng pagdidikdik ko sa IPIN ko,gawin mo pero dapat pagkatapos noon ay matutong kang magpatawad at itapon sa kalaliman ng pagkalimot (pusali) ang lahat ng inis at galit mo sa taong yun. Tandaan mo tyak may sisibol at sisibol na bagong ngipin (tao) na kukumpleto sa buhay mo, kailangan mo lang ay mag-intay, pero kung di sya sumibol, okay lang at least di na kailanman sasakit pa ang bahagi ng IPIN mo na yun.

Yun lamang po at maraming salamat.

No comments: