Batid ko ang kalalagayan ng buhay naming dati, alam kong hindi kami mayaman. Nagsimula akong magkaroon ng insecurities tungkol sa pagiging mahirap namin, noong nag-aaral ako noong elementary. Karamihan sa mga kaklase ko may mga lunchbox, samantala sa akin eh supot lang ng pandesal. Madalas ang baon nila chicken sandwich saka juice (minsan zesto pa nga eh, sosyal) samantala sa akin naman, eh Rebisco lang saka tubig mula sa poso na may kala-kalawang pa. (Totoo yan ,hindi drama yan). Sila may piano pa ang kanilang mga pencil case, samantala sa akin eh kahon lang ng pretzel na binalutan ko lang ng art paper. Alam ko na ang buhay namin noon, kaya naman ganun na lang ako kainggit sa mga kaklase ko dati.
Noong naghighschool naman ako, mas lalong lumakas ang insecurities ko sa buhay. Bibihira lang akong bilhan ng nanay ko ng sapatos. Sa loob ng apat na taon ko sa highschool, eh isang beses lang akong nabilhan ng sapatos. Madalas suot suot ko ang sapatos ng tatay, pero mukha akong boyoyong (o si Mcdonald) dahil sa laki ng sapatos ko. Basta papalitan lang ni nanay yun kapag nakita nyang upod na upod ang swelas nito, biyak na biyak na, at nakakanganga na ito. Palibhasa binili lang yun ni nanay sa tyangge! 300 pesos lang kaya yun at tinawaran pa nya ng 250. Kaya naman inggit na inggit ako sa mga kaklase kong bago ang sapatos lalo na yung may tatak pa.
Hindi ako sumasakay sa dyip, kasi nilalakad ko lang ang skul namin at bahay, kahit medyo tirik na tirik ang araw, eh talaga naman naglalakad ako pauwi. Kaya nga hayun kinuto ako! Tapos nung minsan sumakay ako ng dyip, nakasabay ko yung mga estudyante ng isang pribadong paaralan (na kung saan mga mayayaman lang ang nag-aaral dun). Pagsakay ko ng dyip, akala mong nakakita ng pulubi, dahil diring diri, tapos nagtatawanan pa. May nagsasabi pa na “Ano ba yan amoy araw!!”. Kaya halos manliit ako ng sobra sa kanila. Yung uniporme nila puting puti samantala yung sa akin parang may HEPA, dilaw na dilaw.Tapos tawanan sila ng tawanan sa loob. Sino ba ang nakakatawa? Ako ba?
Noong nagkolehiyo naman ako, inggit na inggit ako sa mga kaklase kong kay gaganda ng mga bag at sapatos. Sa akin biyak pa rin ang sapatos ko, at yung bag ko, bag pa yun ng kuya ko. Kaya para makaiwas ako sa panunukso ng mga kaklase ko tungkol sa sapatos ko, bumili na lang ako ng mumurahing sandals at nagsasandals na lang ako na may medyas (jologs na jologs).
Wala kaming computer noon, alam nyo bang 2nd year college lang ako nakahawak ng computer (Di ako nagsisinungaling, totoo!). At nanginginig pa ako na gamitin yung computer kasi baka masira ko sya! Kaya madalas pag may term paper kami sa school, makinilya (o typewriter) lang ang gamit ko. Ang baon ko noon 50 pesos lang at 40 pesos ang pamasahe. So yung sampung piso pilit kong pinagkakasya sa loob ng isang araw. Minsan fishball at kwek-kwek lang ang kinakain ko makatawid lang sa gutom. Kaya sobrang awang awa ako sa sarili ko noon. Dahil ni minsan hindi ko naranasang maging mayaman, ni minsan hindi ako nakaramdam ng ginhawa sa pag-aaral.
Kaya heto ngayon ako, nagsisikap at pilit na bigyan ng kaginhawahan ang nanay at tatay ko sa abot ng aking makakaya. Aaminin ko kung makasarili ako, siguro mayaman na ako. Pero dahil ayaw kong maranasan ng mga kapatid ko ang hirap na naranasan ko noon. Kaya pinipilit kong mapag-aral sila.Pinilit kong suportahan ang kanilang pag-aaral at kalimutan panandalian ang mga kagustuhan ko sa buhay.
Kaya nga sinagot ko na ang lahat ng gastusin sa pag-aaral ng apat kong kapatid sa kolehiyo. Mahirap pero pilit kong kinaya. Sinsikap kong hindi sila nakaramdam ng kagipitan sa araw ng enrollment, at lalong hindi nila naranasang magbaon na halos pamasahe lang . Pinupursige ko at ipinatitikim sa kanila ang mga hindi ko naranasan noong ako’y nag-aaral pa. Lahat ng gastusin nila sa kanilang pag-aaral ay pilit kong punan, bago lagi ang kanilang mga sapatos at bag kada taon. Binilhan ko rin sila ng LAPTOP para magamit nila sa kanilang pag-aaral. Ayokong maranasan nila ang hirap ko noon para magpasa lang ng mga research at term paper Ayokong problemahin nila ang gastos sa pag-aaral miski ang mga gamit nila sa pag-aaral , ang tanging gusto ko ay mag-aral lang sila. Yun lang.
Nakaka-proud lang na nakakatatlo na akong napagtapos sa pag-aaral. Yung kapatid kong nurse ay nagkapasa sa board exam at nagvovolunteer na sa isang pampublikong ospital. Yung 2 kapatid kong inhinyero at arkitekto ay kapwa nagtatrabaho na rin at tumutulong sa aking mga magulang. At ang isa ko pang kapatid na kumukuha ng nursing ay nasa huling taon na nya sa pag-aaral. At kay gaganda ng mga grades.
Sa tuwing sinasabi nilang “KUYA MARAMING MARAMING SALAMAT”, gusto kong mapaiyak sa sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko. Alam ko sa sarili ko na kahit paaano naging bahagi ako ng tagumpay nila sa buhay. Alam ko sa sarili ko na naging parte ako ng kanilang kinabukasan.
Hindi man ako mayaman, hindi man ako nagkaroon ng maraming pera ngayon. Masaya na ako na makatanggap ng simpleng pasasalamat mula sa mga kapatid na kong labis kong pinagmamalaki. Sapat na sa akin yun! Parang lahat ng pagod, sakripisyo, paghihirap at kalungkutan ko ay talagang sulit na sulit!
Hehehe! Parang ang drama ko ata ngayon ah!
Nga pala heto latest pic namin! Ayaw din nilang magpakashowbiz kaya ganyan ang kuha nila!hahaha!
Ingat!



40 comments:
ahem ahem.. pakilala nmn ako sa kapatid ng RN. ahem ahem. haha
lahat naman tayo mayaman in our own way. may ganun?
waaahh. kakaaliw yung quotes sa taas. astig
dapat isali ka sa cnn heroes pareng drake eh. hehe. astig talga ng kwento mo. bhira lang ang taong ganyan. congrats bro.
Ang kinis ng kamay ni Drake kahit nakatip ang face, kamay palang alam na alam mo ng hindi sya ang nasa profile pix. Kamay palang alam na alam mo ng hindi nag daan sa hirap ng buhay walang traces ng pagiging nognog. Kutis labanus. Eh yung muka pa kaya?!
Repost ba'to papi?! Lalong maiinlove ang mga chikas dito sa'yo nyan because of the fact that you are kutis labanus hanggang betlogs (lol) and how you turn out to become a responsible kuya to your 'sibs. Keep up you are an inspiration to others not me you know that ahahhaha
I know right?! :-D
GOd Bless!
@Kakilabotz
Taken na yung kapatid ko, kaya di pwede. Saka kilala ko karakas mo! Hahaha!
Sobra naman yung sinabi mo!hahah! Di naman akong pang CNN Heroes!hehhe!Masya na akong matulungan sila sa abot ng aking makakaya!
@Jepoy!
Tae ka anong repost! Puro ka repost! Hindi repost to, bagong bago ito! Kanina ko lang sinulat!
At regarding kutis labanos?Sino ang kutis labanos? Kutis mahirap lang ako, timang!
Oo ikaw na ang perfect at hindi na kailangan ng inspirasyon! ikaw n jepoy!Ikaw na!hahaha
wafu moh kuyah...nxt tine na koh kokomentz nang bongga...nde ren akoh nagbasa...tinatamad akoh...nite...Godbless!
Bakit ako umiiyak? shet naman dito pa ko sa office nagbasa... habang nagbabasa ako nakikita ko ung sarili ko... siguro nga parepareho lang ang mga ofw ng storya sa buhay... sinasakripisyo ang sariling kaligayahan mabigyan lang ng magandang buhay ung mga mahal nila sa buhay... na kung maari wag na iparamdam sa kanila lahat ng hirap na naranasan. parang movie lang nakakarelate... mabuhay ka!
moral lesson: wag magbasa ng blog ng iba kapag petiks sa opisina.
awwww naluha nmn ako sa post mo..God has really blessed you and deserve mo lahat ng natatanggap ngayon kac pinaghirapan mo talaga.. Sobrang blessed ng family mo to have you in their lives..napakabuti mong kapatid at anak....ipagpatuloy mo yan and God will give you more.....(ammpp d makapagcomment ng maayos dahil sa ngayon tumutulo luha ko,hmmpp!)
pero in fairness ha lahat sila gwapo at maganda...at cute ung architect,, ipakilala mo ko...lolz!
PS: cguro drake matanda ka na like nasa 35?!..hahahahha
parekoy naman eh. first time ko atang muntik nang maluha sa post mo! haha. i hate you. pero, sa tototoo lang, kahanga-hanga ka talaga parekoy! for you to be able to accomplish those things.. karapat-dapat kang i-clapclap! haha. apir tayo jan kuya drake!
@Dhianz
Next time na rin akong magrereply sa comment mo!hhaha joke lang! sige tulog ka muna!
@Roanne
Oo naman roanne, kaya nga ewan ko ba relate na relate din ako sa buhay mo lalo nat pinag-uusapan eh pamilya mo! nakikita ko kasing napakabait mong anak at responsableng kapatid!kaya bilib din ako sa iyo! Taas paa pa!hehheIngat!
@Ladyinadvance
I know God is using me to be a channel of His blessing. Hidni ko pwedeng i-claim na dahil yun sa akin dahil ang totoo ay galin yun sa Dyos . At nakakatuwa lang na ako ang ginamit nyang instrumneto!Naks (drake ikaw bayan)
Tungkol sa mga kapatid ko, tama ka medyo nasa lahi namin ang HABULIN... ng aso!hahaha
Teka 27 lang ako! at 4.5 years na ako dito sa Saudi (23 ako nagabroad)
@Nightcrawler
Salamat parekoy! Sabi ko nga masaya na ako na inaacknowledge ng mga kapatid ko yung pagtulong ko sa kanila!hehhe okay na ako dun! Pero having them as siblings talagang masasabi mo...its all worth it.
Naluha naman ako. Ang masasabi ko lang isa kang mabait na kuya, swerte ng mga kapatid mo sayo dahil ikaw yung kuya nila.At masasabi kong swerte din yung mapapangasawa mo at magiging anak mo dahil sa kapatid at magulang pa lang mabait ka na paano pa kaya kung magkaroon ka ng sarili mong pamilya panigurado gagawin mo din ang lahat para hindi nila maranasan ang hirap na pinag daanan mo.. Pwede kuya na din kita?
Pareng drake.. emo mode ka ngayon ha.. pero saludo ako sayo parekoy. Nainspire tuloy ako sa story mo. Kung ganyan lang ang isip ng tatay ko noon eh di sana maganda ang buhay namin (NOTE: tay wag mo ako mumultuhin dahil dito).. Kung ikaw ayaw mo iparanas sa mga kapatid mo yung naranasang mong paghihirap, kaming mga magkakapatid ay pinaranas ng tatay namin kung paano maging mahirap kahit maykaya naman kami, waah! Pinagaral sa public school, bawal magpakabit ng cable, hindi binibilhan ng bagong gamit kung hindi pa sira, kakarampot lang ang baon, at de poso pa ang pinagawang source ng tubig sa amin para mag-igib araw araw ng panligo! Pero may benefits naman ang mga nangyaring un.. dahil dun, kaming mga magkakapatid ay puro down to earth at madaling makuntento sa kung anong meron kami. "Our hardships make us better people" ika nga..
parekoy, nakaka-relate din ako sa kwento ng buhay mo. tumulo ung uhog ko sa pagka-emo mo ngayon. masarap talaga kapag nakakapagpasaya ka ng mga taong mahal mo sa buhay. lalo na kapag pinaghirapan mo.
pero teka, nagkaroon ako dati ng pencil case na may piano pero di kami mayaman.
CONGRATS BRO! you deserve to be recognized.
naks.. mabait ka palang kapatid at anak? di halata, nyahaha. nakaka-inspire naman tong kwento mo, pwedeng isapelikula at si dindong dantes ang bibida (naks bumabawi, mukhang may ipapakiusap na favor..).
ganda naman ni "sis". hello kuya drake!
@Darklady
Bakit ngiting ngiti ako dun! Oo naman pipilitin ko talagang maging responsable sa aking magiging pamilya. Eh walo na aing magkakapatid so kung idadagdag ka eh di 9 na tayo!hahah! Salamat sa laging pagdalaw darklady!Ilang taon ka na ba?
@Ardiboi
Isa ka palang haciendero!Naks mayaman!hahah! Joke lang! Eh may purpose nga ang tatay mo kung bakit nya ginawa yun! at least natuto kayo sa buhay! Saka ngayong mayaman na kayo, hindi nyo agad uubusin ito bagkus papalaguin nyo pa! Kaya dahil dyan pwede bang mangutang sa iyo!hahhaa! Maraming salamat sa laging pagbista at naiadd na rin kita sa aking FB!thanks talaga!
@No Benta
Talaga may piano yung pencil case mo! Yaman! Aminin mo na kasi bro ikaw ay anak ng mga nasa alta de siyudad!naks! Salamat sa pagbati mo, kahit paano nakakaproud din para sa akin ang mga ito!Kaya nga sabi ko "ITS ALL WORTH IT"
@Sly
Oo maganda talaga kapatid ko nayan dahil kamukha nya si Kim Chu, ako naman kamukha ko si Gerald Anderson! Ikaw kamukha mo si......... Bugoy!hahahha! joke lan pre! Sige na kamukha mo na si Dingdong Dantes!LOL
Ayaw mo nun One big happy family tayo. Dami ka na kapatid.hahahaha..^_^
Ilan taon na ako? 19.. E di ako ba pinaka bunso kuya? ^_^
Lagi ko inaabangan ang post mo dito sa blog. 24 oras ako nakabantay..(hehehe kaya pala lagi akong huli kung mag comment).
Pero totoo yun lagi ako excited na basahin yung post mo kapag nakita ko na may bago ka na ulit gawa.
Mas lalo mo akong napahanga sa post mong ito kapatid...
Napapugay-kamay mo ako parekoy!
True...tama lahat ng sinabi mo kaya dapat we should always be thankful kay God like every hour sa lahat ng blessings na binigay Niya satin...
uu nga lahat sila gwapo pero mas gwapo ATA ung nakatakip ang mukha eh....(not sure though)hahaha.....regards mo nlang ako sa kung sino mang single na kapatid mo...hehehehe
uhhmm okey d ka naman nag todo explain sa edad mo...hahahaha...pero mas matanda ka pa rin sken...lolz!
Naks! isa ka palang ulirang kapatid... dapat kang iclap clap... jijijijijiji...
i admire you, that's all i can say=)
...and why do you need to hide your gwapong face? LOL
Loko ka pareng drake! NOTE: hindi kami mayaman noon.. maykaya lang.. ung tipong may damit na maisusuot, may natutulugang bahay, nakakapag-aral, at nakakakain ng 3 beses sa isang araw (charing!)
At hindi pa rin kami mayaman ngayon! wahahaha! Nagpapayaman pa!
Kuya drake,
Matagal na akong nagmamanman sa blog mo.. Napilitan akong mag comment dahil sobrang nakarelate ako sa entry na ito.. Parehas tyo kasing tanganay at parehas ng pinag daanan.. Lalo tuloy akong naging emo mode ngayon..
Kuya drake, saludo ako sayo at sa mga tulad mo!!
Kudos!
Natouch naman ako (sa singit) sa post mong ito kahit hindi ako makarelate dahil wala akong pinag-aaral na kapatid kaya hindi ko alam ang feeling na maging bahagi ng tagumpay ng iba...
Sige ikaw na ang tunay na mahirap taoob na si Villar hihihi
Haizt Ok na sana nagpost pa ng pic na may takip ang pagmumukha at ang mga speech ballons may mga red grammar correction underline pa ng Microsoft word!
You're an inspiration. Pwede ka nang tumakbo sa senado! Vote Drake for ______!
mas taas ang paa ko sayo drake.. kalahati lang siguro sa mga nagawa mo ung sa akin, wala pa yata sa half. even if you're a faceless-blurry-creature, i can sense the beauty of your soul. May God continue to bless you because you're definitely one of his treasured disciples.
http://iheartroanne.blogspot.com/2009/08/celebrating-life-at-26.html
iba ka talaga.
sana ganyan din ako sa iyo.
nice. paaralin mo rin ako. hahah
brace urself, mahaba ang post ko ngayon:
mahaaabaaaaaaaaa.......
pareho tayo ng pinagdaanan. bagamat wala akong kapatid na pinag-aral, AKO ang pinag-aral nila, syempre unang una ni Nanay Geny. At ang aking naging panumbas sa kanilang kabutihang loob ay ang pag-aaral ng mabuti at ang pagiging ULIRANG anak (hikbi). Yan ay sa maliban sa isang malaking SALAMAT PO, mga Ate Ko at Nanay ko; dahil sa inyo, ay mayroon na akong magandang buhay at hinaharap.
Mabuhay ka Drake, at ang mga katulad mong napagtagumpayan ang kahirapan.
***di ko pa rin iboboto si Villar hehehehe
@darklady
17 pa lang yung bunso namin , so malamang pangalawa ka sa buno Darklady! Sige kailangan maayos na natin yung adaption paper mo!hahah
Maraming salamat talaga sa pag-aabang ng aking mga post, kahit walang kwenta eh napagtyatyagaan mo pa!heheh!salamat
@Jag
Salamat parekoy, sige pagpakasaya ka muna dyan sa Pinas! Sana maalala mo naman akong pasalubungan!hehehe!Ingat
@Ladyinadvance
Single pa lahat yun (kasama ba ako dyan??hahaha) Basta sa amin hangga't wala pang asawa pwede pa!hahaha! Okay hindi naman siguro nagkakalayo ang edad natin kaya may pag-asa pa ako sa iyo (MEGANUN!!) Salamat sa laging pagbisita! Kung pwede lang kitang yakapin sa sobra kong tuwa sa iyo !ginawa ko na!naks!
@Xprosiac
Naks naman napakahaba ng comment mo! Masyado mong pinagbuhusan ng effort!LOL! Salamat parekoy!
@Karen anne
Salamat karen!hayaan mo ng takpan ko yung face di naman kasi gwapo! hahaha! Ingat parati!
@Ardiboi
Masyado ka namang humble pare! Basta pagnagkita tayo ha, pautangin mo ako!hahah joke lang! Saka sana ipasyal mo naman ako sa hacienda nyo ha!hahah!Ingat
@Tiano
Salamat sa pagiispy sa blog ko! Masyado naman akong nangiti dun! Oo nga pala na-add na kita sa blogroll ko!
Saka hindi rin ako panganay! Panggitna po ako. Yung Tatlong kapatai d kong mas matanda sa akin mga may -asawa na!kaya ako ang kailangang kumayod para sa amin!heheh
@Glentot
May punso ka rin palang dwende ka! puso pala!sori!
Oo ako na ang tataob kay manny villar dahil ako nakaligo na sa DAGAT NG BASURA!
Sorry naman kung hindi ako photoshop expert! Okay ikaw na ang magaling sa photos!ikaw na henyo puwet ka!LOL
@Roanne
Hehhe mabuhay tayong mga OFW! Alam ko rin naman kasi na bayani ka rin ng pamilya mo! Kaya swerte ang mapapangasawa mo!naks! Teka babasahin ko rin yung nilink mo!Salamat sa pagbisita!ingat parati
@Kaitee
Salamat kaitee, hayaan mo next election, tatakbo na ako sa senado!Ingat parati!
@Pablo
Ikaw ng ang mayaman dyan kasi nasa TATE ka! Kaya ako na lang ang pahiramin mo ng PERA!hahaaha
@Chingoy
I'm in the midst of shock right now! Ano si Chingoy nagcomment ng mahaba, anbelibabol!
Palagay ko naman proud na proud sa iyo ang lahat ng nagsakripisyo para makapagpatapos ka! Dahil naging mabuti kang tao ngayon (Joke yun!hahahha)
axuli sau naman talaga ako magpaparegards dinaan ko lang sa mga kapatid mo para hindi obyus (bumanat din).....two years lang agwat natin kaya pwede pa (nagpaparinig)...
naxxxx naman bago ata sa pandinig ko este sa mga mata ko ang mga sinabing mong yan ah..hihihi...
cge na nga bigyan kita madaming cyber hug! at wag kang magalala natutuwa talaga ako sa u este sa blog mo kaya pabalik-balik ako...>:D<
Pangalawa din ako sa bunso? akala ko bunso na talaga ako.hehehe..Sige sige ayusin mo na kuya yung papers.hehehehe..
wooooooooow kuya. idol na kita. ang bait bait mong kpatid.amen. mswerte sila at ngkaron sila ng kapamilya sa katauhan mo. at hndi ako aangal ,mga gwapo at mgnda tlga kayo type ko nga yung isa ih hahahahahahah, ttwgin n tlga kitang kuya simula ngayon. hahahaha. ilakad mo ko kuya. hahahaha
sori nlate ako ng koment.
hands up...
bat kaya ganun? parang halos pareho tayo ng pinagdaanan, nagsumikap din naman ako, pero hindi tulad mo, puno pa rin ako ng insecurities at hindi umaasenso
Post a Comment