Buti talaga nakahanginan kong gumawa ng year end report ko tungkol sa aking buhay last 2007 (nasa isa ko pang blog yun). Syempre, naglagay din ako dun kung ano ano pa ang inaasahan ko sa year 2008. Ngayon irereview ko kung ano ang natupad at kung ano naman ang hindi, samahan nyo ako dito:
1. MY FIRST PAMANGKIN
NOON
Sometime in April magkakaroon na ako ng pamangkin, unang pamangkin ko ito, kaya masaya. Nag-iisip na nga ako ng pangalan sa pamangkin ko!!! Lahat kami payag sa KING LORITITO, Loritito kasi sunod sa pangalan ng tatay ko Loreto,eh kamo first apo nya kya parang little version nya. Yung King para lang sumosyal sosyal. Pero mabaho pa rin
NGAYON
Naipanganak na ang aking napaka-kyut na pamangkin na manang mana sa kanyang Tito. Babae ang pamangkin ko at Hyacinta Fiona ang pangalan nya, tapos ang nickname nya ay Water Lily este HYA pala. Syempre ninong ako, oo nga pala April 9 ang bertdey nya.
2. KASAL NG ATE KO
NOON
Before, we have so many misunderstandings ng Ate ko, Kalabang mortal ko yun eh, ngayon bestfriend ko na ata si Ate kasi Accountant yan ng pamilya, so pagdating sa finances at budgeting eh sya ang inaasahan ko, lalo na sa mga pinapadala ko. Hehehe. Ikakasal na rin sya by April sakto sa bday nya, kaya bago man lang sya magtrenta eh kasal na sya!!
NGAYON
Ikinasal na nga sya, at dapat nga eh buntis sya ngayon, kaso may nangyaring problema, nagkaroon sya ng MOLE pregnancy. Medyo 1 out of 1,000 women nakakaranas ng ganun. Sad to say eh sya pa yung 1 na yun. Hopefully next year eh magkaroon na ako ng pamangkin sa kanya.
3. Graduation ng Dalawa kong kapatid!!!
NOON
Ibang klase nakapag patapos na rin ako!!! Sobrang hirap din ang dinananas ng Nanay at tatay ko maitaguyod lang yung 4 na kapatid ko na kay lalakas pang lumamon. Buti kamo nandito ako sa abroad at least natulungan ko sila sa pagpapaaral ng mga kapatid ko. Oo nga pala, yung isa Electronics and Communication Engineering, yung isa naman Architecture.
NGAYON
Nagtatrabaho na yung Archi kong kapatid sa Maynilad, tapos yung isa naman ay maraming offer from different companies pero kukuha muna ng board exam this March. Nakakaproud lang talaga, kahit wala akong naipon eh nakatulong naman ako sa kanila.
4. Magpapataba ako ng Konti
NOON:
Sa mga nagsabing mukha daw akong Adik, humanda sila at Magpopot session kami!!! Joke!!! Medyo payat ako dati at kita ang aking cheek bone, kaya naman nagmukha akong bangkay noon.
NGAYON:
Medyo tumaba taba ng konti, at maraming nagsasabi kamukha ko raw si Piolo (syempre puro kapatid ko lang ang nagsabi nun). Medyo kasabay ng pagtaba ko ay ang pagkakaroon ko naman ng bilbil kaya ngayon naman ang pagpapayat ang gagawin (ano ba talaga kuya??)
5. Second Vacation ( April 2008 )
NOON
Napakaraming plano pag uwi ko, Baguio daw, sabi ng kapatid ko. Una, gusto ko sanang itreat ang mga nanay at tatay ko sa Hongkong. Kasi nga 35th anniversary na ng mga nanay at tatay, kaso sabi nga nila masya kung sama sama. Kaya palagay ko Baguio na nga lang!!
NGAYON
Walang natuloy sa lahat ng plano ko as usual, kasi dahil na rin heartbroken ako noon (huhuhu!!) at ngayon ko lang din napag-alaman na madali pa lang ubusin ang pera.GRABE.Pero bumawi naman ako sa nanay at tatay ko dahil binigyan ko sila ng GOLD RINGS (mabigat yun pwedeng isanla ng 10 libo ang isa, hehehe) at pinera ko na lang yung pang Hongkong nila kasi mahihiluhin daw ang nanay ko sa byahe. (eh mukhang mas masaya sila sa pera kesa sa Hongkong)
6. New Company, New Career
NOON
Eh nag-iisip isip din talaga akong lumipat ng company, medyo nagiging stagnant na ako eh wala na akong natutunan (teka ako ba talaga ito) Balak ko talagang lumipat ng ibang kumpanya ang lakas ng kutob ko na talagang sa ibang kumpanya na ako magtatrabaho!!
NGAYON
Dapat talaga lilipat na ako ng company this December, at natutuwa nga ako kasi mukhang totoo yung pakiramdam ko dati, pero napurnada talaga yung paglipat at pagyaman ko (hahahah!!). Naku tiis tiis na lang muna dito sa company sabi naman ng boss ko sya ang bahala sa increase ko. (Sana naman pleaseeeee)
7. Bagong Kaibigan Uli!!!
NOON
Mangongolekta ako ng katropa at kaibigan dito!!! Anti Social ako dati, although di talaga halata, but I prefer to stay at home kesa makipagsocialize sa ibang tao. Makapal ang mukha ko sa mga kaibigan at kapamilya ko, pero tiklop ako pag nasa harap na ng ibang tao. Madalas kasi di maganda ang impresyon sa aki. Masyado daw akong mayabang, saka minsan inis na inis sa akin kasi puro raw ako kahanginan at kapormahan.
NGAYON
Ganun pa rin ang dami ng kaibigan ko, pa-isa isa ay nadadagdagan naman. Medyo mahirap talaga na opisina-bahay-opisina, tuloy kahit medyo nasusuka ka na sa pagmumukha ng mga kasamahan mo, no choice ka na lang kundi lunukin mo uli ang suka mo!hahahah!! SAWAP!!
8. Mag-iipon na talaga ako!!!
NOON
Starting next year talagang ipon na talaga ako. Ayaw ko ng gumastos ng gumastos, basta alam kong kailanagn ko ng magsimulang mag-ipon para sa magiging bahay ko at sa bahay ng magulang ko. Matagal ko ng ipinangako yun sa magulang ko at pipilitin ko talagang mag-ipon para magbago ang bahay namin!!!
NGAYON
Hindi ako nakapag-ipon dahil na rin sa dami ng gastos lalo na sa pag-aaral ng dalawa ko pang kapatid na nursing ang course. Pero ang accomplishment ko naman ay napagawa ko kahit konti ang bahay namin. Mukhang bahay na sya at hindi na mukhang Haunted House. Bagong buong, bintana, pinto, at pinapinturahan ko an buong bahay, kaya halos di ko nakilala, kaya kahit papaano ay okay na rin.
Hay!! Ito ang naging review for the Year 2008. Medyo maraming hindi nasunod, meron din namang nasunod kahit papaano. Pero nakakatuwa lang balikan na parang kailan lang isinusulat ko ang gusto kong mangyari sa 2008 at ngayon tapos na ang taon at nagsusulat naman ako for the Year 2009.
Maraming nagbago sa akin this year, pero alam kong marami pang magbabago sa buhay ko next year. Bukas isisulat ko naman kung ano ang inaasahan ko sa Year 2009, pero kung bibigyan ko ng rating ang YEAR 2008 ko, siguro 70% kasi halos nasunod naman lahat ng gusto kong mangyari.
Iyun lamang at maraming salamat.