QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, November 29, 2008

ANG REGALO BOW



Usaping regalo ito kaya ang mga sumusunod ay ang mga regalong karaniwan kong natatanggap:


1. MUG


Minsan niisip ko mukha ba akong adik sa kape, aba tuwing pasko eh halos isang dosenang Mug ang natatangap ko. Aba nagamit ko na sa ibat ibang bagay ang mahiwagang MUG na yan, ginawa ko ng tabo, ginawa ko na ring lalagyan ng mga ngingatngat kong lapis at bolpen, at ginawa ko na ring pantakal ng bigas namin.

Minsan naman nakatanggap ako ng MUG na may SODJAK SAYN pa, eh nung natanggap ko yun gustong gusto kong ibalibag sa kanya. Sukat ba naman ang nakalagay ay ARIS, eh ISKORPYO ako, iniisip ko baka nakalimutan lang nya ang bertdey ko kaya nagkamali lang. Pero naisip ko rin “Putcha, eh sya yung ARIS ah”. Tapos makita kita mo may may pinagtuyuan pa ng kape.


2. PIKTYUR PREYM


Napakamakaysaysayan sa akin ng regalong yan, alam nyo ba kung bakit? Okay, ganito kasi ang eksena.


Grey siks, ako nun tapos may paek-ek ang mga titser ko nun na magkakaroon kami ng EKSCHENS GIPT sa Krismas Parti namin , tapos dapat ang regalo namin ay nagkakahalaga ng Bente Pesos. Eh ewan ko rin nga ba sa sarili ko nun, kasi nakaututan kong bumili ng regalo ng lampas bente, at kapal peys ba namang mag ekspek na mahal din ang makukuha ko

Heto na kamo, araw ng Krismas Parti, pagkatapos naming libutin ang buong bayan dala dala ang mga gawa naming parol (yung sa akin binili ko lang sa Divisoria), bunutan na ng regalo

“Okay namber piptin” sabi ng titser

“Ako po yun” , sabay abot ng namber ko na talaga namang nagkadapa dapa pa ako sa sobrang eksaytment, sobrang ekspek na ekspek ako nun, kasi mahal yung binili kong limang bimpo na ibat ibang Kolor (aba betsingko yun). Pagbukas ko ba naman ng regalo, halos mahimatay ako sa natuklsan ko. Isang makapanindig balahibong “PIKTYUR PREYM”, na may piktur pa ni Manilyn Reynes. (aba greyd wan pa lang ako piktyur preym na natatanggap ko)

Galit na galit ako nun, kasi pakiramdam ko nautakan ako ng kaklase ko, kasi tig kikinse lang yun samantalang yung sa akin betsingko pesos. Nung malaman ko kung sinong nagbigay, hinamon ko ng suntukan, sabay tapon sa basurahan ng piktyur preym. Nagsabi pa ako sa kaklase ko na yun
“Kapal ng mukha mo piktyur preym lang bigay mo eh tig kikinse lang yun, yung sa akin nga betsingko yun,Kapal ng apog mo!”

Tingnan mo naman ang kahanginan ng utak ko noong bata pa ako, talaga naman nanghamon pa ng suntukan dahil sa piktyur preym ni Manilyn Reynes. Akala ko nun pag mahal ang ineregalo mo mahal din ang makukuha mo . Grabe adik talaga ako noong bata.


3. PIGURIN AT KANDILA


Medyo pinag-iisa ko na yang dalawang regalo na yan, kasi halos pareho lang naman yan. Halos tuwing bertdey ko, pasko, bagong taon at kung ano ano pang okasyon yang dalawa yan ang di nawawala. Sa tagal tagal ko ng nakakatanggap ng regalo halos hindi pa ako natatanggap ng buong pigurin, pakiramdam ko sa tuwing nakakatanggap ako ng Pigurin kailangang pahirapan pa akong pagdikit dikitin na parang puzzle ang mga basag na Pigurin, katulad ng mga Piguring Angel na putol ang ulo, sira ang pakpak, barag ang mukha o di kaya naman hati hati ang katawan. Kaya nagmumukha tuloy manananggal ang mga Angel na Pigurin ( Kawawang mga Anghel, nakalog at nagkalasog lasog pa ang katawan.) Minsan naman ginagawa kong TSOK ang mukha ng mga anghel na pigurin, kaya may “work of art” ako nun sa mga dingding namin.

Yung kandila naman, okay naman sana kung medyo pangmayaman, yung iba kasi akala lahat ng kandila pwedeng pangregalo, minsan pinagloloko ka pa ,kasi kandilang pampatay pala yun, sasabihin pa sa iyo, “Uyyy may amoy yan”, nung inamoy ko naman amoy GAAS . Minsan naman magreregalo ng kandilang santa claus, o di kaya mickey mouse, pero itong mga kandila ito ang hindi pwedeng sindihan, kasi pag ginamit mo at sinindihan, matatakot ka na lang, kasi si Santa Claus naaangnas ang mukha o di kaya si Mickey mouse mukhang nalitsong bubwit, kaya naman matatakot ka pa. Hindi ko na nga nagagamit yun pag brownout kasi nakakatakot ang itsura nila paglulusaw kaya pinagdidiskitahan kong gawing plorwaks.


4. PANYO O BIMPO


Medyo iyan din naman ang madalas kong panregalo pag wala na talaga akong maisip. Paepek pang sasabihin kong, “kasi alam kong mahilig ka sa panyo”. Pinaganda ko lang na “Kasi uhugin ka at nagmamantika ang katawan mo sa pawis kaya panyo bigay ko sa iyo”. Hahahaha!! Pero ako rin naman isandamakmak na panyo ang natatanggap ko (yun rin kaya iniisip nila sa akin??).

Madalas yan ang natatanggap kong regalo sabay sabi pa na “Uyy, Caruso yan!!”. Nice para bang sinabing “Iyan ang pinakamahal na pamahid ng sipon at kulangot”, kahit na mukhang KATCHA o basahang ginawang square eh todo hiyaw pa ng tatak. Minsan naman Bimpo, na may nakalagay na “GOOD MORNING”. Sabay lagay sa batok at sisigaw ng “Ay Quiapo Quiapo, upong tig ootso lang!! (barker pala).


5. SUBENIR


Naalala ko yung ate ko, noong bata pa sya at hindi pa nagpapanty. Krismas Parti namin sa Choir noon at syempre may EKCHENS GIPT uli, dis taym tig tetrenta na (tinaas ang level). So ang ate ko eksayted din at namili na ng Curly Top at Serg (yung kalaban ng Nips noon), kaya naman ganun din sya ka-ekspek na maganda ang makukuha rin nya (magkapatid nga kami).
Heto dumating na ang araw ng Krismas Parti, at bigayan na ng regalo,
“Okay namber payb” sabi ng maestro namin

“Ako po yun, ako po yun!!” nagkukumarat ang ate kong may hangin din ang utak

Pagkaabot ng regalo sa ate ko, hayun binuksan agad, eksyated na eksayted eh.
Pagbukas nya ng regalo halos lumuwa ang mata nya (hulaan nyo ang regalo nya??? Uhhmmm hindi piktyur preym), pagbukas nya ng regalo isang wallet na kulay puti na medyo pamilyar ang hitsura, Kaya pala pamilyar eh "GIVE AWAY"pala yun ng suking tindahan ng nanay ko , tapos may nakalagay sa gitna “Aling Miling's Store”


Umatungal ng pagkalakas lakas ang ate ko, sabay sabi “PURUROT ANG NAKUHA KO, PURUROT”, eh hindi ko naman masisisi ang ate ko, eh kasi naman eh sandamakmak na wallet na may “Aling Miling's Store” ang meron sa amin.


Pag-uwi ng bahay, nasa gate pa lang ang ate ko, umaatungal na, na parang baka.

NANAY, NANAY!! Pururot ang nakuha ko, pururot!!! Na halos lumubo ang sipon at tumutulo ang laway.

Eh takang taka ang nanay ko bakit ganun na lang ang atungal ng kapatid ko.

“Eh ano ba ang nakuha mo?” tanong ng nanay ko

“Ito po!!” sabay ipinakita ng ate ko yung regalong natanggap nya, sabay singhot ng uhog

“AY!! PURUROT NGA!!!” sigaw ng nanay ko.

Naalala ko pa yung mga eksena yan sa amin. Eh nung i-trace namin kung sino ang nagbigay ng pururot na yun, napag-alaman naming yung pinsan ko pala, tapos sya rin ang nakatanggap ng regalo ng ate ko. Hehehehe!napakautak ng pinsan ko na yun, hindi man lang nag-effort.


6. KUNG ANO ITINANIM SYANG AANIHIN


Yung kuya aba, kahit malaki at nanliligaw na, talaga namang may lahing intsik ata yun at pinaglihi ng nanay ko sa belekoy sa sobrang kuripot. Akalain mo bang ginagawang SM o tyangge ang Displeyan namin. Aba kala mong nagshoshopping kasi titingin tingin sa mga pigurin o kahit anong nasa Displeyan namin, ipapabalot at gagawing regalo ng LUKO. Ayaw mabawasan ng pera kaya doon nagnenenok sa mga dating regalo sa amin. Aba kahit ba naman yung Angel na halos mukhang demonyo na dahil sa ubod ng dungis aba pinapatos. Kaya madalas wala na rin akong mapanregalo (ako rin pala)


Nung minsan naman nagregalo ako sa isang kaibigan ko ng libro, yung libro na yun eh bago pa saka hindi ko pa nababasa kaya tamang tama panregalo, kaya binalot ko na at umaten na ako ng bertdey parti nya (syempre chibugan yun kaya dapat nandun ako). Pagdating dun inabot ko na yung libro, pagbukas nya ng regalo:


“Wow, ganda naman ng regalo mo, siguro tagal mong pinag-isipan ito”


Sabi ko lang “Oo naman halos mapudpod ang sapatos ko kakahanap nyan” habang lulon lulon ang hita ng praydchiken


“Eh gago ka pala eh, regalo ko sa iyo ito nung bertdey mo” sabay batok sa akin.


“Ah ganun ba, sori”


Buti na lang barkada ko yun. Hehehe. Dapat pala gayahin ko yung istayl ng nanay ko pagpyesta sa amin. Ginagawa nya, inililista nya kung ano ang binigay ng bisita para kung magreregalo sya hindi nya maibigay ang mga ineregalo sa amin. Minsan din hinahangin din ang utak ng nanay ko. (alam ko na kung saan ako nagmana)


Opppsss…. Tama na yan seryoso mode na ito. Well sa totoo lang hindi naman mahalaga kung ano ang regalo ng isang tao ang mahalaga eh kung bukas ba sa loob nya ang pagbibigay. Sabi nga nila “it better to give than to receive”, kung sino ang nagsabi alam nya na kung magbibigay ka makakatanggap ka rin naman, maaring kaligayahan kasi nakita mong naging Masaya ang kapwa mo, o kasiyahan kasi naibahagi mo sa iba ang mga biyaya mo.


Maraming mga bagay na hindi maaring bilhin ng pera, kaya kung magreregalo tayo, isama natin ang bahagi ng sarili natin sa regalo natin. Masarap makatanggap ng regalo pero mas lalong masarap sa pakiramdam kung yung taong pinagbigyan mo ay masayang Masaya dahil sa ibinahagi mo sa kanya. Hindi nasusukat ang halaga ng regalo sa presyo nito, nasusukat ito kung gaano karaming pagmamahal ang inilagay mo kasama ng mga regalo mo.


Ngayong pasko gawin natin maging makabuluhan ang bawat regalo natin, ito ang araw ng pagbibigayan, at magandang ibigay mo ang sarili mo sa iba, tulad ng Panginoon natin ibinigay Nya ang Kanyang sarili ng buong buo para sa atin kaya tayo may Pasko ngayon.


Iyan lamang po at maraming Salamat, Merry Christmas at Happy New Year.

Sunday, November 23, 2008

HAYSKUL LAYP


High school life, oh my high school life

Ev'ry memory, kay ganda

High school days, oh my high school days

Are exciting, kay saya

High school life, ba't ang high school life

Ay walang kasing saya?

Bakit kung Graduation na'yLuluha kang talaga?


Hindi ba si ate Shawie ang kumanta nyan, nung mga panahong medyo di pa sya nakakalulon ng pakwan at lumulobo na parang siopao ang pisngi.


Siguro kung tatanungin nyo ako kung anong stage sa buhay ko ang aalisin ko, siguro sasabihin ko yung HAYSKUL LAYP, gulat kayo noh, ipapaliwanag ko kung bakit.


Noong hayskul ako, na kung saan nagsisimula akong tubuan ng kung ano anong buhok sa katawan, at pumipiyok piyok ang boses, naranasan ko ang mga ganitong mga bagay;


AKO RAW AY ISANG LATAK


Alam nyo ba yung latak? Impurities sa Ingles. Natatandaan ko nun mayroon kaming “School Play” at ka-partner ko yung kras na kras kong kaklase (greyd por pa lang ako eh pinapantasya ko na sya.) Aba walang kaabog abog ba namang sabihin,


“Alam mo Drake, ikaw lang ang latak sa pamilya mo. Kasi mga kapatid mo gwapo, mapuputi at magaganda, ikaw payatot, maitim saka pangit.” Sabi nyang ganun


Aba medyo nabingi ako sa lakas ng dating ng mga salita nya, kaya pinaulit ko para makuha ko ng maayos baka kasi mali lang ang dinig ko. Kaya inulit nya, aba iyon din ang sinabi may dagdag pa kamo, UNANO daw ako, at di pa sya nasiyahan hinigan pa nya ng komento yung isa ko pang kaklaseng babae.


“ Diba noh, ibang iba ang mukha ni Drake?”


“Ay, Oo nga” (sabay tawa na parang mga mangkukulam)


Noong mga araw na yun gustong gusto kong pagbuhol-buholin at gawing pretzel ang mga lungs at esophagus ng mga kaklase ko na yan sa sobrang inis. Kung may hawak lang akong bolpen nun malamang tinusok ko na ang mga mata nila at ipapagulong ko sa haraninang kulay orange para gawing KWEK KWEK


Basta ang sarap bangasan ng isa ang mukha ng KRAS ko. At batukan ng dalawa yung sidekick nya. Aba sabihin ba naman yun INMAY PEYS.


CADET OFFICER TAE


Naku ngayon ko lang isasambulat ang isang ito, buti na lang at walang nakakakilala sa akin dito. Well di naman sya ganun kahiya hiya, Ganito ang kwento, HELL DAY namin sa COCC. So isang araw ng pagpapahirap para patunayan ang “TEAMWORK” naming mga cadet officer. So dahil kamo ako yung mukhang uto uto. AKo yung kinustaba ng aming Commandant.


Ang sitwasyon: Habang nasa kalagitnaan kami ng aming Drill, Magkukunwari akong sasakit ang tyan at tatae sa damuhan, at para mapatunayan DAW ang aming “Teamwork”, ipapakain ang kunwari kuwariang tae ko (pinagsasama samang kornik, tinapay at puti ng itlog, medyo magaling ang pagkakagawa ng japek na tae, kasi may mais mais pa). At walang magawa ang mga ka-officer ko kundi lasapin at kainin ang aking madilaw dilaw na TAE. Hahahaha!!


Halos isumpa ako ng mga kasamahan ko, pati yung EKS GERLPREN na kasamahan ko rin, halos murahin ako nang pagkalutong lutong.


Okay sana kung hanggang ganun lang ang nangyari, kasi naipaliwanag naman ng Commandant namin sa mga kasamahan ko na paepek lang nya yun. Pero ang hindi ko kinaya eh, nung kinabukasan SUMAMBULAT na parang tae ang chismis, na natae daw ako sa aming Room, at lahat ng nakasalubong ko ang tawag sa akin ay “BOY TAE” sabay tawa ng pagkalakas lakas. Lahat ng kaskulmeyt pag nakikita akokung hindi nandidiri eh tumatawa sa akin na halos lumubo ang sipon.Eh sige nga sino ba naman ang matutuwa sa ganung pangyayari, halos isumpa ko ang buong iskwelahan namin, kasi napahiya ako ng sobra sobra, eh nagbibinata na ako nun, tapos pagtutuksuhin ka ba namang “BOY TAE”.


Talaga namang isinusumpa ko yung pangyayari na iyun.


DAKILANG TALUNAN


PERS DYIR palang ako nun medyo aktibo na ako sa klase, dahil nga medyo lider lideran ako noong elementary at Onor istyudent mula greyd wan hanggang greyd siks, kaya naman pinangarap kong maupo sa aming pinagpipitagang “ ISTYUDENT KAWNSIL” .


KAMPEYNDEY na, at halos lahat na ata ng gimik na pwede kong gawin ay ginawa ko na. Nandyan kumanta ako ng piyok piyok para maaliw ang mga baluga kong kaklase, magpasirko sirko na parang unggong nakasinghot ng acetone o rugby, sumayaw kahit parehong kaliwa ang paa ko at matigas pa sa adobe ang beywang ko,at maubos ang lahat ng kapangyarihan ko para idakdak ang mga plataporma namin(tulad ng pahabain ang oras ng recess, walang pasok tuwing exam day, at pwedeng mangulangot habang recitation, hehehe, joke lang).


Basta lahat lahat ay ginawa ko na makuha ko lang ang boto ng mga hinayupak kong mga kaklase. Pero talagang gusto lang nila akong pagtawanan, kasi hindi naman ako binoto. Ang nakakainis pa eto sasabihin sa iyo


“Congratulation siguradong panalo ka na”


Sasagot naman ako “ Salamat po”.


Pagkatapos malalaman mo na milya milya ang lamang ng kalaban at ikaw ang kulelat. Eh mga plastik pala sila eh. Ang sama pa nyan dadalawa dalawa kaming lumaban ako pa ang natalo.
So unang pagkabigo, iniisip ko nun ,eh baka sa una lang yun, kaya nung nag SEKON DYIR lumaban uli ako, at nangampanya, pero dis taym medyo itinaas ko na yung level ng pangangampanya ko, meaning kumain na ako ng buhay na manok, naglalakad sa baga at tumulay sa alambre.At maraming nagsasabi na dis taym, syur win na daw. Eh medyo pakiramdam ko nga panalo na ako, pero talagang puro kalahi pala ni Hudas ang mga kalsmeyt ko, kasi hayun kulelat uli ako.


Kaya nung kinukuha uli ako noong TERD DYIR para lumaban, eh umaayaw na ako. Syempre kailangan ko namang isalba ang maganda kong pangalan. Pakiramdam ko kasi ginagawa akong UTO-UTO o kaya clown tuwing nangangampanya.


TITSER ENEMINAMBER WAN


Eh komo, nawala na ang gana ko sa pag-aaral, lahat naman ng kagaguhan ay ginawa ko na. Ako ang suki ng pagdadamo at paglilinis ng buong skul namin kasi lagi akong leyt .Hindi na ako nag-aaral, nagnungulakot na lang ako buong maghapon, at iniintay ko na lang mag-bel. Pero sabi nila natural daw ang katalinuhan ko (Naks naman!), kasi kahit bulakbol at di ako nag-aaral eh lagi akong nasa Top Ten (hehehe!!). Ako kasi yung tipong “GUD BOY” ang dating, kahit na daw magpakagago at magpakabulakbol ako sa klase mukha pa rin daw akong uto-uto.Kaya hindi sineseryoso ng mga titser ko ang pagkabulakbol at pagiging leyt ko. Madalas sa akin pa rin inuutos ang pagtitinda ng pulburon at yema, sabay sulat sa “Class Record” ng plus 5 sa bawat pulburon at yemang bibilhin nila.


Ngayon kungtatanungin mo daw ang mga Hays skul titser ko kung ano ang naalala nila sa akin sasabihin nila:


“Ah si Drake, yung batang maliit na nahulog sa sapa at gumulong sa pilapil, whahahhaha” sabay tawa na kita ang wisdom tooth at ang maliit na bituka” iyon ang naalala nila sa akin, hindi ko alam kung bakit, gusto ko sanang sabihin:


“Ma’am ako po yung nanalong Best Presentor sa buong prabins natin, at ako rin po ang pinanlalaban nyo sa mga Quiz Bee at contest, Best in Science po ako Ma’am”


Eh sa dinami-dami rin naman ng mga binigay kong karangalan sa skwelahan namin, ewan ko ba kung bakit yun ang lagi nilang naalala sa akin. Ginagawa na naman akong katatawanan at UTO UTO. Kawawang Drake. Hahahah


Ngayon, medyo kahit papaano eh nagbago na ang lahat, medyo hindi na akong tinatawag na latak, kasi pumusyaw pusyaw na ang kulay ko, tumangkad at gumwapo na (walang pakialamanan blog ko ito!!!), Marami nga ang nagtatanong sa mga nanay at tatay
“ Anak nyo ba ito? bakit mukhang artista” hahahaha, dagdag ko na yun. Joke lang!!
Yung pagiging loser ko naman ay nakatulong para di ako sumuko agad sa buhay, kumbaga minsan kailangan nating maranasang mabigo para magtagumpay,tanggapin ang bawat pagsubok ay hamon para sa ikabubuti at ikakaunlad mo. (Naks may lesson pala!!!)


Yung pagiging Cadet Officer Tae ko naman………………. hayun wala namang naitulong sa buhay ko, hahaha!!Minsan ganyan talaga, may bahagi sa buhay natin na masarap burahin ng eraser o kaya lagyan ng LIKWIDPAPER, pero sabi nga nila kung hindi dahil sa mga kabiguan natin at mga paghihirap natin hindi tayo magtatagumpay. Masasabi ko na yung mga naranasan ko noong hayskul ang naging daan ko para makuha ko kung ano ang meron ako ngayon.
Totoong gusto kong alisin ang yugto nayan sa buhay ko pero ano pa man ang nangyari sa nakaraan ko sisiguraduhin kong hindi sya magiging balakid para sa buhay ko ngayon at sa hinaharap pa. Tandaan “Minsan kailangan natin matikman ang pait bago natin mas lalong manamnam ang tamis ng isang bagay”. Maramdaman nating magiging mababa para kung mapunta ka naman sa mataas marunong tayong abutin at maintindihan ang mga nakakababa sa atin at ituntong ang mga paa natin sa lupa.


Ngayon tinatawanan ko na lang ang lahat ng mga nangyari sa akin noon, alam ko kasi kung hindi dahil sa UTO UTONG DRAKE na yan, hindi siguro lilitaw ang totoong DRAKE ngayon.

Sige po, salamat sa time nyo,

Saturday, November 15, 2008

Masakit ang Ipin ko!!!

ASTIG TO AHHH!!! Binabarena ang ipin ni Lolo, ano kala nila dun pader!!hehehehe

Ginawang kahoy ang ngipin ni Kuya,pinapaet kasi eh!!hehehe

______________________________________________________________
Medyo ngayon ko lang napag-isip isip na talaga palang napakahalaga ng ngipin natin, eh sa maniwala kayo o hindi (malamang di kayo maniwala, hehehe) isang beses palang ako nakakapagpabunot sa Dentista. Di ko naman masasabing perfect ang ngipin ko, pero nabunutan na rin naman na ako noong bata pa ako. Kund hindi pa mamaga ang ngipin ko ng Todo ay hindi ko naman talaga ako magpapabunot sa Dentista


Teka heto yung istayl ng nanay ko noong bata pa ako para makalibre ako sa pagbababunot ng ngipin.


MAHIWAGANG SINULID

Pag umuuga na si IPIN, eh simula na ng operasyon ni Nanay, kukunin na nya ang sinulid nya at ipapalibot sa IPIN ko, habang gumagalabog na parang yabag ng elepante ang dibdib ko sa kaba. Kasi anytime, eh hihilahin na ng nanay ko yung sinulid na yun na ubod ng lakas, kasing lakas ng utramagnetic top ni Voltes V. Sabay bilang ng one, two, three…….. hayun bunot na ang bulok na bulok kong IPIN, resulta ng pagkahilig ko sa TSOKOBOT at TIRA-TIRA (di kami mayaman kaya hindi chocolate ang dahilan).

PINTO NG LANGIT

Heto pa ang isa pang gamit ni nanay, ang mahiwagang pinto namin. Eh kasi naman minsan natatakot akong sya ang bumunot sa akin, madalas kasi hindi kinakaya ng kapanyarihan ni nanay ang IPIN ko, kaya bahang baha ng luha ko ang bahay namin, eh kasi naman hindi pa mabunot-bunot ang IPIN ko kahit anong gawing hila, kaya gumagamit si nanay ng makakatulong nya sa operasyon, at ito nga ang napakalaking pinto namin. Itatali nya ang kurdon sa umuuga ugang ngipin ko, ikakabit sa nakabukas na pinto, at BANGGGGG sabay sara ng pinto. Kasama ng doorknob ang maitim itim na ngipin ko, sabay takbo sa LABABO, mumog ng maligamgam na tubig.

MAKAPANGYARIHANG DALIRI NI NANAY

Eh minsan kasi kumakain ako ng mais, o di kaya tubo o kornik, eh komo umuuga na sya, at dahil sa kasibaan ko medyo madali na syang bunutin. At dahil hindi ko kayang bunutin ang sarili kong ngipin eh tawag agad ako kay nanay, sabay pasok ng daliri sa bunganga kong punong puno ng mais, TSUKKKKK, tanggal.

Eh kaya bakit kailangan mo pa ng dentista, eh yakang yaka naman ni nanay yan. Yun nga lang nung medyo lumaki na ako, eh ayoko ko ng pagbunot ng ngipin sa kanya.Hehehe, kasi masakit na kasi yun, wala kasing anestisya.

Noong malaki laki na ko at nung minsan natutulog ako, nanggising ang bwisit na IPIN na yan, palibhasa may butas kasi kaya naman sumakit sya habang himbing na himbing ang lahat, at talaga namang tinapat pa nyang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog, kung hindi ba naman inis yang IPIN ko na yan, eh tinapat pa ng madaling araw. Hindi ko na maitindihan ang pakiramdam ko nun halos mabaliw ako sa sakit, eh sa lahat naman ng sakit, ang sakit ng IPIN ang talaga namang kasumpa sumpa. Hindi na baleng kahit anong parte ng katawan mo ang sumakit, wag lang ang IPIN mo, kasi halos lahat dinadamay nya, kaya mananakit sa iyo ang lahat. Dyos ko po, halos lahat ng santo ay ginigising at binulabog ko na, pero talaga namang ayaw mawala, nangangapal at nalalapnos na ang bunganga ko kakamumog ng maligamgam na tubig na may asin talaga namang ayaw maalis ang sakit. Nandyan lagyan ko isang galong pabango ang bulok na IPIN ko dahil mabisa raw yun, o di kaya pagsasampalin ko at pagsusuntukin ko ang pisngi ko mawala lang din ang sakit, pero talagang PASAWAY yang IPIN ko na yan. O di naman kaya pasakan ko ng earphone ang tenga ko at magpatugtog ng ubod lakas na music para masalisihan ko ang sakit ng IPIN ko. PEro para talagang may sariling utak yung bulok na IPIN ko na yun, kasi namumuswit talaga. Hayun tiniis ko na lang at wala akong magawa kundi mag-intay hanggang umaga at bumili ng UBOD LAKAS to the HIGHEST LEVEL na pain reliever. Noong mga panahon na yun, halos nagpagulong gulong na ako sa buong bahay at laging nakatingala sa orasan, pakiramdam ko iyon na ang pinakamahabang gabi ko at ang hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko.

Pagkatapos kong lulunin ang isang banig na Pain Reliever na parang NIPS, hindi na ako nag-aksya pa ng panahon at nagkukumahog na akong pumunta sa Dentista.

“Doc, parang awa nyo bunutin nyo na ang bwisit na ngipin na ito” sabi ko

“Naku hindi pa pwede namamaga eh, siguro bumalik ka na lang pag wala na yung maga. Hindi kasi pwedeng bunutin yun eh”. Tugon ng denstista habang nabuyang buyang sa Planet Earth ang esophagus at yung kampana sa loob ng bunganga ko.

“Seggggge nahhh Dooooc” pagmamakaawa ko habang bukang buka ang bibig ko

“Di talaga pwede eh, sorry intay ka na lang ng mga 4-5 day” sabi nya.

So wala akong magawa kundi mag-intay kasi nakasampung dentista na rin ang pinuntahan ko noong araw na yun at lahat sila tumanggi. Kaya naman ngitngit na ngitngit ako nun.
Makalipas ang ilang araw nawala na rin ang maga, at sa wakas matatanggal na rin ang nakapanginig lamang IPIN ko na ito. Pagkatapos matanggal ang ngipin ko sinabi ko kay Doc.

"Doc pwede bang maarbor ko na lang yang bulok kong ngipin” sabi ko sa kanya na lulon lulon ang bola ng bulak.

“Ha!bakit ano gagawin mo dyan?”

“Eh souvenir lang po, heheheh”. Sabi ko sa Doc.

Pagkauwi ko sa bahay, naisip ko sa sarili ko ito na ang araw na pinakiintay ko, makakaganti na rin ako sa bwisit na IPIN na yun. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang malaking martilyo ng tatay ko, at pinagdidikdik ko ng TODO TODO ang bulok na IPIN , sabay sabi “YAN PUPULBUSIN KITA, IKAW ANG NAGPAHIRAP SA BUHAY KO”, hehehhe gigil na gigil talaga ako noon. Pagkatapos kong mapulbos ang IPIN ko, ginawa ko tinapon ko sya sa pusali, unti unti ko syang pinamudmod sa pusalian na parang cheese sa ibabaw ng spaghetti habang ngisi-ngisi ako. Hahahahhaha. Kahit papaano naibsan na yung inis ko sa ipin ko.
Ganda ng kwento ko noh, hehehehe, yung una medyo siguro mapapahawak ka sa panga mo kasi MORBID ang mga estayl ng nanay ko eh. Pero meron akong gustong ibigay sa inyong lesson tungkol sa kwento ko na ito (naks may moral lesson pala).

Sa buhay natin minsan may mga taong mananakit sa iyo ng sobra sobra, gaya ng pagsakit ng IPIN natin. Minsan lahat na ng paraan ay nagawa na natin para lang maibsan o kaya mawala ang kirot na nararamdaman natin. Pero hanggat nandyan pa rin ang bulok na ngipin (tao) sa buhay natin, uulit at uulit ang sakit anumang oras. Minsan ang tanging paraan pala para mawala ang sakit na yun, ay tanggalin sa buhay mo ang taong nagbibigay sa iyo ng sakit. Kumbaga sa IPIN kailangang natin bunutin din ang mga taong magbibigay pa sa atin ng mamasakit na mga bagay. Kung minsan kailangan natin mag-intay ng ilang panahon at palipasin muna ang sakit na nararamdaman natin, o di kaya umimom muna ng gamot, mga gamot tulad ng paglilibang sa sarili natin o di kaya sumama sa mga taong tutulungan kang mapagaan ang kalooban para lang mawala ang maga. Ang pagkatapos ay tuluyan na syang ipabunot at tanggalin na sa buhay mo. At kung kailangang pulbusin mo at ibuhos ang lahat ng hinanakit mo sa taong yun gaya ng pagdidikdik ko sa IPIN ko,gawin mo pero dapat pagkatapos noon ay matutong kang magpatawad at itapon sa kalaliman ng pagkalimot (pusali) ang lahat ng inis at galit mo sa taong yun. Tandaan mo tyak may sisibol at sisibol na bagong ngipin (tao) na kukumpleto sa buhay mo, kailangan mo lang ay mag-intay, pero kung di sya sumibol, okay lang at least di na kailanman sasakit pa ang bahagi ng IPIN mo na yun.

Yun lamang po at maraming salamat.

Thursday, November 13, 2008

Kakaibang mga Signage (Oni in da Pilipins)

Teka ako lang ay may ipapakita sa inyong mga signage na talaga namang takaw pansin, eh grabe sa katalinuhan natin mga Pilipino, kakaiba talaga, wala akong masabi, da best talaga, okay isa isahin natin ha ito na

1. ALE PA-EHI NGA PO!!!

Okay tingnan nyo itong piktyur na ito. Mahabagin Dyos, onli in da Pilipins lang makikita mo ang mga signage ito na kung saan may bayad ang Pag-ihi at Pag tae (ay sori EHI pala), at sosyal si ate talaga namang may “COUNTER” pa sya. Teka talaga namang kakaiba, alam kong sari-sari store din ang MINI COUNTER ni ate, pero ang nakalagay naman sa tindahan nya ay naghuhumiyaw na karatulang TAE at IHI at may presyo pa. Paano kaya kung bumili ka sa kanya “ATE PAGBILHAN MO NGA AKO NG TAE YUNG TIG DO-DOS”. Astig talaga ito.


2. ANO PO BA ANG ISPELING NG SPELLING


“TODO NA ITO”, tayong mga Pilipino ay may problema sa Fi (P) at saka sa EP (F), at madalas pinagbabaliktad natin. Eh kasi naman wala namang F sa alpabetong Pilipino, kaya di mo masisisi! Yung nga lang talaga namang TUMODO ang isang ito, at talaga namang nakaCAPS LOCK pa at nakapaskil pa. Pakitingnan mo yung ELECTRECT PAN, pinahirapan pa yung ispeling. TEka ganda ng apelyedo ni kuya ah ALULOD, tamang tama maulan ngayon.

3. DRINK FOR THE WEEK

KUMUSTA NAMAN YAN???, Ganda ng pangalan ng drink ah “PUNETA”(punyenta). Kunwari pupunta ka sa restoran tapos umorder ka “ PA-ORDER NGA NG PUNYETA” o di kaya “PUNYETA ORDER KO!!” grabe tyak kung sino ang makakarinig nito aba talagang mapapamura sya. Pag nasarapan ka dito pwedeng nyong sabihin “ANG SARAP NAMAN NG PUNYETA ” o di kaya “PUNYETA ANG SARAP ” hahahahha!! Ibang klase talaga ito PUNYETA (teka dipo ako nagmumura)

4. AYOS AH!!!

DYUS KO PONG PINEAPPLE JUICE!! Hello, spelling nalang ng Juice nagkakamali pa?? Lilimang letra na lang yan talagang nagkakabaligtad pa. Si Nene walang kamuwang muwang na minumurder na ng nanay nya ang ispeling ng JIUCE este JUICE pala. Para sa iyo Nene ikampay mo!!!!

5. BAWAL UMIHI SA PADER (ASO????)

“KAKATAKOT NAMAN NG BABALA ITO” teka sa aso po ba ito o sa tao. Teka may lettering pa talaga, binigyan talaga ng panahon para sa masyadong informative na karatulang ito. Kawawa naman yung mahuhuli at umiihi sa sahig at pader. Teka may nahuli na ba??

6. MAHIWAGANG KARINDERYA (LAST BUT NOT THE LEAST…..DANDANDANAN…

TEKA ANO PO BA ANG TINITINDA DITO??, hahahahhaha!! Wag mong sabihin ang may-ari ng karinderya na ito ay si ALING PEKP*K, ayaw ko munang magkumento tungkol dito kasi medyo WHOLESOME ang image ko. Pero balita ko malakas daw ang karinderya ni ALING P……. (oppss) lalo na sa mga KONTRAKSYON WORKER , heheheh (hindi raw construction kundi contraction daw) .

GRABE NO!! DI KO KINAYA ANG MGA SIGNAGE NA ITO!! ONLI IN THE PILIPINS

Wednesday, November 12, 2008

Love Letter ko sa Sarili ko!!!



Grabe 26 na ako, medyo malapit na akong tumuntong sa 30 (kabeberday ko lang kasi last November 10) . Matagal na akong nakikita ng katulad ng sinulat ko sa ibaba pero this time gagawan ko ang sarili ko ng love letter,heheh


Dear Drake,


Happy Birthday bro, aba akalain mong umabot ka na ng 26, medyo tumatanda ka na ah. Ano kamusta na ang buhay natin dyan sa Saudi, okay naman ba? Eh mukhang okay ka naman dyan eh?


Well, kukunin ko na ang pagkakatong ito para sabihin yung mga nakikita kong mali sa iyo eh sana wag mong masamain.


Una, bro marami akong naririnig sa iba na masyado ka raw mataas (hindi yung height mo!), masyadong mataas daw ang standards mo, yung tipong masyado kang diretso sa mga plano mo sa buhay at parang bawal magkamali. Aba loosen up bro, galaw galaw para di ka mastroke. Aba baka naman mafrustrate ka nyan, basta hinay hinay lang, saka one at time lang. Ganun bro. Sabi nila “Too good to be true”ka daw kasi parang lahat ng perceptions mo sa buhay ay halos perfect(yung iba hindi na kapanipaniwala), aba baka magmukha ka nang ALIEN nyan, kasi iba ka sa karamihan. Eh ipagpaliban mo muna ang ibang plano mo, at mag-enjoy ka muna ng konti. Basta magpakasaya ka muna, wag magseryoso masyado, sige ka baka kunin ka agad ni Lord.


Pero sa totoo lang bro natatawa ako kasi alam ko namang masyado kang mababaw, kung tumawa ka nga kita utak mo . Tapos buraot ka pa, saka alam ko kasing ENG-ENG (tatanga tanga) ka rin eh. Eh saksi ako sa pagiging ENG ENG mo, hahaha, tulad nung nagmarunong kang magmicrowave, imbes na maluto ang pagkain hayun pinasabog mo yung microwave sukat ba naman ilagay sa 220V eh 110 yun! Saka di mo ba napapansin lagi kang niloloko ng mga officemate mo kasi mapaniwalain ka sa lahat ng bagay in other words “UTO-UTO”.


Bro, isa pa masyado ka raw “CONCEITED”, hehehe!! Eh yung iba nga tingin sa iyo suplado, mayabang nagfefeeling pogi (eh hindi naman), eh alam kong biro biro mo lang yun, pero sa iba na hindi ka kilala, eh baka bangasan ka na lang bigla bigla. Baka mahanginan sa iyo yun, daig mo pa kasi ang bagyong Rosing kung manalanta. Wag ganun, be friendly bro, smile smile and smile. Ngiti lang ng ngiti kahit sumakit na ang panga mo. Hehehe.


Isa pa, eh kalimutan mo na yang EX mo, kalimitan kasing bukang bibig mo yun. Eh alam mo namang may pagkakamali ka rin kung bakit nagkaganun, so hayaan mo na move forward bro (mas maganda yun kesa sa move on). Eh tutal hindi na nga kayo magkakabalikan pa, so hayaan mo na lang. Wag ka ngang BITTER, eh darating naman sa iyo ang tamang babae para sa iyo. Intay intay ka lang, malay mo mas maganda at sexy ang maging kapalit. Hehehe. (baka babaeng aso ang ibibigay sa iyo)


Eh alam kong may pagkaulyanin ka, so sana medyo mabawas bawasan mo na yun. Aba nagtataka nga ako sa iyo eh kay bata bata mo pa daig mo pa ang lolo mo sa pagkaulyanin mo. Tamad ka ring masyado, kasi medyo maraming gawain sa bahay ang tinutulugan at kinakatamaran mo, tulad ng paglilinis mo ng Aquarium, paglalaba, paglilinis ng kwarto, at kung ano ano pa. Bro, hindi nabibili sa botika ang kasipagan, nasa iyo yun bro,kaya kumilos kilos ka at wag tatamad tamad.


Bro, medyo kontrolin mo rin yung inis mo, alam kong yung ibang kasamahan mo sa trabaho ay talagang nakakainis, kasi sa iyo tinatambak ang mga trabaho nila, o di kaya inaabala ang pagfre-friendster at panonood ng youtube, kontrol lang. Medyo ikaw na ang mag-adjust kung sakaling mahinang umintindi yung kasamahan mo sa trabaho, o di kaya aabalahin ka para mga walang kabuluhang bagay. Pagpasensyahan mo na lang.


Iwasan mo na rin ang pagiging gastador pag nagbabakasyon ka, aba para kang galit sa pera ah. Medyo mag-ipon ipon ka na rin dahil tumatanda ka na. Basta hinay hinay sa paggastos, aba nauubos din yan, kung dyan sa Saudi nagtitipid ka pagdating mo naman sa Pinas aba daig mo pa si Asyong Aksaya sa paggastos. Bro mahirap din kitain ang pera, kaya magtipid ka na.


Bro marami pa akong nakikitang mali sa iyo, pero iyan muna. Basta bro masya ako kasi alam ko naman naging makabuluhan ang 26 years mo dito sa lupa, eh basta ipagpatuloy mo lang yan. Eh kita ko naman sa iyo Masaya ka eh, saka medyo nagmamature ka na din ng konti. Si GF eh darating yan sa hindi mo inaasahan, malay mo bukas matalisod mo na yun (ginawang bato si GF,hehehe)


Eh sana magkaroon ka pa ng maraming maraming birthday, para naman mas lalo ka pang makatulong sa iba. Eh di ba kwento mo sa akin, gusto mo pang mabayaran ang utang nyo, gusto mo pang magpatayo ng bahay, magkaroon ng sariling kotse, magtayo ng sariling negosyo at kung ano ano pa. ( Huuuuuu, Grabe yang kapasidad ng pangarap mo, ang tatatas bro, sana maabot mo)


Saka tandaan huwag kang makakalimot sa itaas (hindi sa kisame, bugok, sa Dyos), saka sana yumaman ka pa, hahahah!!


Bro sana nakatulong yung sulat ko para naman medyo ma-improve ka pa, eh kung wala na talaga eh sige pwede pa namang pagtyagaan. Hehehehe

Basta ingat lagi


Drake (ako din)

Tuesday, November 11, 2008

MANDY (Part 2 of 2)


Ito na ang pagpapatuloy ng kabata ng kwentong pinamagatang “MANDY”
Ang Nakaraan ……


Nagkaroon ng bagong pinapantasya si Bentong sa Katuhan ni Mandy, at sa maikling panahon ay nakuha na nya ang loob ni Mandy, at sila ay naging magkaibigan. At dahil sa kakapalan ng mukha ni Bentong ay yayain na nyang makipagdate sa kanya si Mandy at heto na ang kasunod……..da da da dan
________________________________________________________________


Pagkatapos ng klase, hindi ko na tinantanan si Mandy , tuwing class break laging kasama kong kumain si Mandy. Ang sarap ng pakiramdam ,mas masarap pa sa menudong kinakain ko na kahapon lang ay adobo ( nirerecyle lang kasi yung pagkain sa canteen). Halos din a nga ako makakain sa sobrang saya habang kausap ko sya. Sa tuwing tumatalsik ang laway nya sa mukha ko, pakiramdam ko hinahalikan na rin nya ako. Mukhang laway lang nya ang pwedeng dumikit sa pisngi ko!!


O bat ka naman nakatitig sa akin, nahihiya tuloy ako”sambit ni Mandy


Eh kasi ganda mo kasi , Mandy pwede bang humingi sa iyo ng pabor?


“Ano yun” tugon nya


Pwede ba kitang mayayang mag date


Ha?Bakit? halatang naglilito sya


“Wala lang, gusto kita kasing makasama, yung tayo lang”


Matagal nag-isip, “Ummmmm, sige na nga”


Pagkabanggit ng salitang yun, halos umikot ang pwet ko sa saya! Yahooo!!! Para akong isang siraulong gago na nakawala sa zoo, ganun ganun ang hitsura, pero wala akong pakialam sa mga lamok na nasa loob ng canteen, basta Masaya ako, Masaya ako, Masaya ako!!!
Ibinalita ko agad to kay Alex, bagamat may halong pagdududa ang kumag eh mukhang Masaya rin naman sya sa akin


“Maiba ako bro, kamusta na kayo nung kachatmate mo “tinanong ko sya.


“Pare saya, eh nung isang araw may nakachat ako, willing daw syang mag-all the way basta load ko lang daw ang cellphone nya ng 300”


“Eh ano ginawa mo”paikli ko


“ Eh sabi ko next time na lang, magchat na lang muna kami, wlaa kasi akong pera eh”sabi nya


“Palibhasa walang pumapatol na babae sa iyo, kaya pati mga babae sa chat room pinapatos mo, gayahin mo bespren mo, matinik” Sabay batok kay kumag na Alex.


Dumating ang araw ng Sabado, ito ang araw na napagkasunduan namin ni Mandy. Gabi pa lang halos din a ako makatulog kakaisip kung ano ang mangyayari sa date namin. Iba yung excitement,parang katulad ng excitement ko nung minsang nagfieldtrip ako sa Enchanted Kingdom nung elementary pa ako.


Alas nuebe ang usapan namin ni Mandy na magkikita sa SM, kaya alas 8:00 pa lang eh nasa labas na ako ng Mall nay un, kasabay ng mga Sales Lady na mukhang galit na galit sa make-up at parang iginulong ang mukha sa gawgaw.


Mga quarter to nine, wala pa rin si Mandy, medyo di na ako makapakali, saka hindi nya kasi sinasagot ang tawag ko. Halos bumagsak na ang loob ko, pero makalipas ang ilang minuto dumating na ang Anghel mula sa casa ni San Pedro. Dumarating na si Mandy. Oh la la la, grabe sa dating, halos lumuwa at lumubo ang sipon ko sa pagkamangha.


“Sorry na late ako ha,saka di ko napansin yung tawag mo” panimula nya


“Okay lang yun” habang namumula ako sa init ng katawan ko


Inaya ko sya sa Max, nakasalubong ko pa nga si Piolo Pascual dun eh (yung karton lang), at dun kami kumain. Grabe halos nakahawig ko na si Piolo kasi kasama ko si Mandy. Hayyyyyy!! Iba yung feeling.


Pagkatapos naming kumain, nag-malling muna kami, at as usual, tinginan ang mga lamok, bulungan ng bulungan. At mukhang ako na naman ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko na pinansin yun basta Masaya akong kasama si Mandy, habang naglalakad kami bigla ba namang may isang matabang bakla na kamukha ni Chokoleit ang lumapit sa amin.


“Mandy ikaw bay an, napakaganda mo naman ngayun? Sino yang kasama mo alalay mo?

hahahah!!” Sabi ng balyenang bakla.


“Si Bentong yan classmate ko.” Sabi nya


“Ah ganun ba, nice to meet you Bentong, behave ka ha, wag kang mangangagat”. Sabi ni balyena habang tumatawang kita ang utak.


“Ah harmless ako” sabay ngiti ng pilit na pilit


Hindi pa rin natapos ang baklang yun kakalait at kakatawa sa akin, kaya ako halos manlilisik ang mata ko sa galit, gusto kong salaksakin ng muriatic acid ang bunganga ni chokoleit para tumigil. Pero nagtimpi na lang ako kasi kaibigan sya ni Mandy.


Pagkarakay bigla na silang nag-usap nang di ko maintindihan ang pinagsasabi nila,Parang salitang alien ata iyun.mamaya maya umalis na si Chokoleit este yung kaibigan ni Mandy. Agad akong nagbuntong hiniga at sinabi ko”atlas wala na ang balyena”.


Inaya ko si Mandy na magsine, palibhasa medyo may magandang palabas ngayun. Ang palabas noon ay “ Tikman mo ang talong ko at kakainin ko ang petchay mo” medyo mahaba ang title pero mukhang okay yun at syempre R18 to, medyo pagkakataon ko ng makaiskor.


Sa loob ng sinehan, mahigpit ang hawak nya sa akin. MAlamig sa loob at medyo kokonti ang tao. Karamihan mga magkasintahan pa. Kaya umupo kami sa bandang gitna syempre para masolo ko sya at hindi mahalata ng gwardya na may gagawin kaming masama.


Makalipas ang ilang minuto, medyo nag-iinit na ako sa palabas, kasi kinakain na ng bidang artista yung petchay ng bidang babae (nagluto kasi ng nilagang baka na may petchay yung bidang babae).


Hindi na ako nakatingin sa pinapanood ko kundi kay Mandy na lang ako nakatingin. Hanggang hinawakan ko sya sa kanyang hita. Aba hindi pumalag, mukhang okay kay Mandy. Tapos lumapit ako sa knaya hanggang sa naglapit na ang aming mga labi at unti unti naming ninanamnam ang lamig sa loob ng sinehan, tila para rin kaming mga karakter ng pelikula nay un. Masyadong mabilis ang pangyayari. Sarap na sarap ako sa mala kending labi ni Mandy. Lasang Juicy fruit gum ang tamis.


Hanggang lumakad na ang aking mga kamay, itoy napunta sa kanyang malusog na dibdib, agad ko itong pinaglaruan,habang wala kaming pakialam sa mga nakakita sa amin, di ko na alam kung ano ang pinapanood ng mga nasa likod namin, kung kami o yung pelikula. Basta enjoy ako sa ginagawa ko


Hanggang bumababa na ang aking kamay sa kanyang harapan, Pilit kong kinakapa ang kanyang matambok na harapan hanggang sa hanggang sa………………………………………………………………….. may bigla akong nakapa na kung ano,


“Ano ito?” bulong ko sa aking sarili


Pakiramdam koy pamilyar yung nakapa ko. Hanggang sa ...


” Putcha, ano ito, bakit parang matigas, Langya, eh bayag to, ah!


Hindi ko maintindihan yung naramadaman ko. Pakiramdam ko bigla akong nagising sa isang magandang panaginip. Pakiramdam ko nikakawan ako ng cellphone ng isang snatcher sa Divisoria. Pakiramdam ko niloko ako.


Sa galit ko bigla kong pinagsusuntok si Mandy


“Gago kang bakla ka niloko mo ako!!!.


Madilim kasi kaya di ko na maalala kung gaano kaganda nag mukha ni Mandy, basta ang pakiramdam ko nun ay isang lalaki ang kaharap ko.


Halos masuka suka ako, paglabas ng sinehan. Langya ang kahalikan ko pala ay isa palang binabae, ang pinagpapantasyahan ko pala ay may lawit din. Ang alindog na aking pinapanaginipan ay dulot lang pala ng syensya at teknolohiya. Isa pala syang RETOKADA. Halos nadurog ang puso ko, parang binombahan ang ulo ng Granada, at binubuhasan ng napakalamig na tubig.Halos gumuho ang buhay ko. Umuwi na lang akong lulugo lugo at parang sabog na pumasok sa aking kwarto. Naiinis ako sa sarili ko na hindi ko man lang naramdamang binabae sya, magaling kasi syang magtago ng kasarian nya.


Di ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko desperado na talaga ako.


Kinabukasan di na ako pumasok pa sa klase namin, balak ko ng lumipat ng swelehan para di na kami magkita ni Mandy. Basta magdodrop out na lang ako at mag-aaral sa susunod na taon. Lutang na lutang ang isip ko.


Makalipas ang tatlong araw pinuntahan ako ni Alex sa bahay, at sinabi nya rin sa akin na wala na rin syang balak pumasok sa klase namin, gulat ako sa naging reaksyon ng kumag. At nagtataka kung bakit di na rin sya papasok.


“Pare ano ba ang nangyari” Pauna ko


“Pre alam mo ba yung kinukuwento kong kachat ko na mag-aall the way”tugon nya


“Oo pare, teka ano na nga pala ang nagyari dun.” Sabi ko


"Pre kachat ko sya nung isang gabi at sinabi nya na papayag na syang mag-all the way para sa 500 load na ibibigay ko “ hikbi ni Alex.


“So anong nangyari”


“Pre nung pinasa ko na yung 500 load, hayun bigla na rin syang mag-all the way, medyo may katandaan na rin yung katawan nya pre, pero di ko iniisip yun sabi ko mature na siguro yung kachat ko kaya ganun, saka okay na rin yun, kumbaga laman tyan na rin” habang maluha luhang nagkukuwento


“Eh di pare, nung nagshoshow na sya, habang nilalaro nung kachat mate ko yung sarili nya parang may naalala ako, at nung medyo tintigan ko na yung katawan nya, at ng biglang nahagip ng web cam yung mukha. Putcha pare naduwal ako!!! Tangina pare, kilala mo kung sino yung kachatmate ko……


“Sino?”


“Si Miss Pretoria” sabay ngawa ni Alex


“Ano!!!” Sabay tawa ng pagkalakas lakas, yung tawa ni Hudas na nangnungutya pa hahaha!
Sa sobrang tawa ko halos mautot ako sa kinauupuan ko. Ang pinagpapantasya din ni kumag ay isa palang matandang dalaga!!hahahah!!!


Inis na inis ang luko sa mga pang-aasar ko, pero bigla iyun napalitan ng pang-aasar din nya sa akin dun ikunwento ko na yung kasaranasan ko kay Mandy.


Iyakan at tawanan kaming umaatikabo ni Alex, at habang pinagtatawanan namin ang isat isa bigla sumigaw ang barakuda kong nanay


“Bentonggggggggg!!! Halika ka nga dito tulungan mo akong ipasok sa kulungan yung dalawang bagong baboy nabili ko galing kay Mang Pablo.


Pagkarinig ko nun, biglang may pumasok na kung ano sa utak namin ni Alex. Parang bigla akong may naisip na hindi maganda.


Agad kong sinabi kay Alex. “Halika pare gantihan natin si Mandy at Miss Pretoria. Humanda sila, bobombitin namin ng tubig yung dalawang nagloko sa amin, eto na ang araw nila”.


“Tingnan ko lang kung may kainin pa sila, he he he” mala demonyong sambit ko.


Habang para kaming demonyong naglalakad na nakangisi kaming pareho habang hawak hawak naming ang malaking hose papuntang babuyan.


“ Humanda sila sa paghihiganti namin, He he he he ha hah ah”

===== END============

MORAL LESSON:
NOON: Hindi lahat ng babae ay maganda
NGAYON: Hindi lahat ng maganda ay babae
Hahhahahah!!!! Mag-ingat sa manloloko…. Manigurado

MANDY (Part 1 of 2)

Medyo nahihilig po ako sa paggawa ng mga maiikling kwento, kaya sana magustuhan nyo ang isinulat ko. Medyo malayo ito sa aking tunay na buhay kaya itoy pawang kathang isip lamang. Sana ay magustuhan nyo ito.




Ako si Bentong, isang simpleng mamayan lang. Gwapo, matalino, matangkad, at mabait….. yan ang sabi ko , pero pag tinanong ko ang nanay ko , eh mukhang di naman sya naniniwala. Pag tinanong ko yung mga kaklase ko sabi nila “May Itsura naman ako” masagwa nga lang. Sabi ng nanay ko nung pinagbubuntis nya daw ako mahilig daw syang manood ng pelikula ni Fernando Poe Jr. nagulat daw sya nung pinanganak nya ako imbes si FPJ eh si Paquito Diaz daw ang nakamukha ko.


Ewan ko ba, sa tuwing haharapan ako sa salamin, maganda naman ang mata ko, maganda naman ang ilong ko, maganda namang ang bibig ko eh bat ganun pag pinagsasama sama talagang may problema.


Sige na nga tanggap ko na nga Panget na ako, hindi na ako gwapo. Pero kahit ganun ako eh malakas naman ako sa chicks!(Nice, yan ang kumyansa) Meron din akong Bespren si Alex. Si Alex sya naman ang sidekick ko, kumbaga dakilang extra sa buhay ko. Eh kung ako ay panget ay ano na lang si Alex, siguro lamang ako ng mga 30 paligo kay Alex. Itong si Alex, computer adik yan naku halos maubos ubos ang oras sa kakakchat at yung nga friendster account nya piktyur ni Dennis Trillo ang nalagay para raw maraming manginvite sa kanya, kung ilalagay nya yung totoong piktyur nya malamang ako lang ang nas friends’ list nya.


Isang araw nasa loob kami ng klase ni Ms. Pretoria( titser naming sa Accounting na kahawig ni Miss Tapia, matandang dalaga din), may biglang pumasok ng isang anghel. Grabe sa ganda at seksi, sya raw ang bago naming kaklase sa Block namin. Pinakilala sya ni Ms. Pretoria sa buong klase, at nalaman ko na galing pala syang Tate at nandito para magpatuloy ng pag-aaral kasi may negosyo dito ang pamilya nya.


Ewan ko ba, parang ngayon lang ako nahiya, ang ganda nya kasi eh Ang mata nya parang yema mabilog at mapungay, tapos yung bibig nya parang candy ang sarap tikman at dilaan, tapos yung pisngi nya mamula mula, mwaaahhhh!! yung ngipin nya maputi sa mga labada ng Surf, ang puti puti walang bukbok tulad ng kay Tina o katulad ng pustiso ni Carla na nilagyan pa ng retainer.
Sabi ko kay Alex, “Pare naininlove ata ako ”


“Naku pare eh halos lahat ata ng babae pinatulan mo na, eh kung yung babaeng aso nagpanty at nagpalda baka pati yun nilagawan mo na” Sabi ni Alex.


Binatukan ko nga ang epal na yun, siraulo sya ah!! Sabagay naisip ko nakailan na ba ako ng nilagawan halos di na ata mabilang sa kamay ko. Pero ang hindi ko makakalimutan ay yung tatlong babaeng nagpahirap sa akin ng sobra, si Ana na magaling sa volleyball pero malakas ang putok, si Kim na mukhang matigas pa sa bakal ang mukha, si Janice namukhang tinidor. Sa sobrang galit ko dyan, halos ipakulam ko na kay Aling Bebang yung magkukulam sa kanto namin. Hay, naisip ko nga mukhang kahit sino na lang ata niligawan ko na pero bakit ganun kahit isa sa kanila walang sumagot sa akin. Basta isinusumpa ko sila.


“Naku basta pare iba siya, para akong lumutang sa hangin ang gaan gaan ng feeling. Ang sarap uli mainlove pre” sabi ko kay Alex


Pare, wag ka ng umasa, pustahan tayo basted ka uli” sambit nya


Tumigil ka kumag!! Sabay batok uli sa kanya


Nung nadismiss na ng klase agad kong pinuntahan yung magandang chikas nay un at syempre nagpakilala.


“Klasmeyt, kmusta”bati ko


“okay naman” tungon nya.


Nakamputsa namula ang itim kong pisngi, grabe nag blush ako, sinagot nya ang tanong ko. Tumibok ng tumibok ang puso ko ng kay bilis bilis. Halos himatayin ako, buti napigil ko.


“Ano name mo klasmeyt” pacute kong tanong


“MANDY” sabi nya


“Bago ka lang dito? Tanong ko uli


“Oo, bago pa lang ako sa Pilipins kaya nga wala pa akong gaanong friends dito eh


“Gusto mo ,pwede mo akong maging kaibigan dito” sabi ko


“Ahhh, sige, mukhang mabait ka naman eh” sagot nya sa akin


WOW, narinig nyo yun mukha daw akong mabait, pers taym may nagsabi sa aking mukhang mabait ako, kasi madalas pag sasakay kami ng LRT ni Alex, mga puro nakahawak sa mga bag nila ang mga katabi namin, o di kaya iwas sa amin. Mukha daw kasi kaming mga snatcher at mandurukot eh. O Di kaya pag gabing naglalakad kami ni Alex, madalas napagkakamalan kaming mga rapist. Pero tama ba ang narinig ko…… mukha daw akong Mabait. Wowoweee.
“Bukas sabay uli tayo maglunch ha”sabi ko


“Sige, no problem”


Hay!!!Sa sobrang high ng feeling ko, nilibre ko ng lugaw si Alex sa Karinderya ni Aling Miling. Iba talaga yung pakiramdam, para akong kinausap ng isang anghel na galing sa langit.


Paguwi ko sa bahay, hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking labi, para akong isang durugistang suminghot ng isang bote ng rugby at isang kahong katol. Tulala lang ako sa isang tabi. Sarap managinip ng gising, kaso biglang may sumingit na halimaw.


“BENTONGGGGGGGGG” hiyaw ng Barakuda kong Nanay


“Ano bat para kang namantanda dyan, mag-igib ka ng ng tubig tapos magsaing ka na, tapos magpaligo ka ng baboy.”


Kabwisit naman ang ganda ganda na panaginip ko, may umepal pa, pero ewan ko ba para akong si Superman nun kasi parang hinid ako nawawalan ng lakas, saka sa unang pagkakataon ngayon lang ako nagenjoy sa pagpapaligo kina Ana, Kim at Janice (pangalan ng baboy namin at ipinangalan ko yan sa tatalong babaeng bumasted sa akin) dati dati binobombit ko yun ng tubig o kaya dindedelay ko yung pagkain nila pag naaalala ko yung mga karanasan ko sa mga bumasted sa akin. Pero , Hayy, hanggang ngayun high na high pa rin ako kay Mandy.


Kinabukasan, maaga akong gumising, at syempre nagpapapogi. Sinuot ko na yung paborito kong damit at halos isang oras akong nanalamin, Excited akong pumasok nun, at por da pers taym papasok ako ng maaga. Kaya gulat na gulat ang tatay ko,paglabas ko ng kwarto, mga nakatakip ang mga ilong ang mga kapatid ko kasi sa dami ng pabango na nilagay ko sa katawan. Mistula akong belyas na nagaantay ng parokyano. Hindi na ako kumain dumeretso na ako sa skewelahan ko habang ngingiti ngiti at syempre dinaanan ko na rin si Alex.


Pagpasok ko pa lang sa classroom namin hinanap ko na si Mandy, halos mahulog ang brief ko nung makita ko siya, ang ganda ganda nya, suot suot nya ang hapit na hapit na pantalon , umbok na umbok ang kanyang matambok na puwet at suot din nya ang maliit na kamiseta, yung tipong damit ng siyam na taong gulang na pilit pinagkakasya ang katawan ng isang dalaga kaya bakat na bakat ang malulusog nyang dibdib. Wala syang maupuan noon kasi magsisimula na ng klase kaya ginawa ko pinaalis ko si Alex sa upuan nya at sinabi kong wag na syang pumasok ng klase. Eh kahit na inis na inis si kumag sinabi ko na ililibre ko na lang sya ng Lugaw tokwa’t baboy sa karinderya ni Aling Miling, hayun pumayag din ang kumag.


“Dito ka na umupo” Sabay tulak ko kay Alex, para lumayas na sya.


“Ah, sige” tugon nya


“Napakaganda mo ngayon ah, mamaya sabay tayong maglunch”


“Sige”


Grabe, para akong kinuryente ng Meralco, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Kahit nagsisimula na ang klase at dakdak ng dakdak na si Ms. Pretoria yung professor naming sa Accounting eh wala akong pakialam basta gusto ko ng mag alas 12 para break na namin at makakain na kami ni Mandy ng sabay.


Pagkatapos ng klase di na akong humiwalay kay Mandy, alam ko kasing maraming mga bangaw na aaligid aligid sa kanya. Kaya uunahan ko na sila. Kahit na puro panlalait ang nakukuha ko sa mga malalaking bangaw nay un, wala akong pakialam sa kanila kasi mas maswerte ako sa kanila, kasama ko kaya si Mandy.


Pagdating namin sa Canteen, aba tinginan ang mga tao, parang mga nakakita ng artista. Tapos magtingnan hayun parang mga lamok na nagbubulungan, sabay tawanan. Eh alam ko na kung sino ang pinagtatawanan ng mga pesteng mga lamok na yan, syempre ako na naman. May naringgan akong “Beauty and the Beast”, siraulong mga lamok yun sinasabihang Beast si Mandy. Joke lang! Ako nga yung beast, obvious naman eh, sobrang seksi at ganda ni Mandy, ako medyo di kaputian, okay in short panget. Pero bakit ganun yung mga hinayupak na yun, kasalanan ba sa Dyos ang makasama sa pagkain ang isang magandang babae. Kasalanan ba sa dyos yun??!! Mano bang ang atupagin nila yung lalamunin nila hindi yung lalaitin nila. Pagpapatayain ko yung mga lamok na yun eh. EPAL


Uwian sabay kami ni Alex, hindi ko kasi maihatid si Mandy kasi may kotse sya, eh alangan namang maki-hitch pa ako, aba kapal mukha na yun.


“Grabe sarap talaga ng feeling inlove” sabay batok kay Alex


“Oo nga pare mukha kang unggong di matae”


“Ano nab a ang standing mo bro” sabi ni Alex


“Pare mukhang naiinlab na sya sa akin”pagmamayabang ko


“KAPAL FACE, uminom ka kaya ng kape para nerbyosin ka” panlalait nya


“Basta pre, subukan mo ang charm ko , bukas yayain ko syang mag-date ”sabi ko


“Sigurado kaba dyan pare, basta good luck sa lakas ng loob mo bro, kakaiba ka talaga, kapal ng mukha mo” Sabay ganti ng batok.


ITUTULOY.............................



* Ano kaya ang mangyayari kay Bentong, mayaya nya kaya si Mandy na makipagdate? Pumayag naman kaya si Mandy? Ano kaya mangyayari sa panliligaw nya kay Mandy? Tunghayan sa susunod na issue sa kwentong pinamagatang "MANDY" (sabay tunog ng Matud Nila) Matud nila...akoy dili amin...........

EMO KA BA????

Alam nyo nung nagbakasyon ako sa Pilipinas (kasi nasa abroad ako), mayroong craze noon na kung tawagin ay EMO or Emotional Music Overload. Well at first hindi ko naman alam yung EMO-EMO nay an, pero mahilig ako sa music kaya naman sinubukan kong pakinggan yung music na yun (kasi sikat ang My Chemical Romance), masasabi ko maganda yung melody, pero yung lyrics ay masasabi kong masyadong emosyonal. Kaya nga siguro tinawag na EMO ito eh, masyadong malalim yung pinanghuhugutang emosyon. Madalas puro kabiguan sa pag-ibig, pagrerebelde, pag-iisa at kung ano ano pang kadramahan sa buhay.

Na uso rin ang EMO look, na kung saan aminado akong nakiuso rin, kahit pakiramdam ko matanda na ako for that fashion (bata pa naman ang 25 di ba?heheh), bumagay naman pero hindi ko rin kinaya, siguro mga ilang beses akong lumabas ng naka-EMO, pakiramdam ko noon mukhang akong adik, hahaha!adik sa katol! Siguro dahil na rin sa halos limang araw akong nakakurbata sa opisina, kaya parang asiwa ako. Pero kasi sa bawat kanto sa amin, aba puro naka EMO look sila, so naki EMO na rin ako. Merong EMOng GRASA, kasi mukhang madumi sila at di nilalabhan ang damit. Meron ding EMOng CLOWN, kasi sa kapal ng eyeliner sa ilalim ng mata mukha silang Clown o di kaya kahawig ni Marilyn Manson na lalapa ng tao. EMOng snatcher, kasi mukhang silang snatcher at mandurukot. Meron ding EMOng mayaman, kasi mukha puro may tatak yung suot nila, at meron din namang EMO-EMOHAN lang , na palagay ko kasama ako dyan, nagfefeeling EMO lang at dinadaan sa porma lang para makiuso. Medyo guilty ako ng ilang lingo dyan, hehehe.


Teka alam nyo kung bakit tungkol sa EMO ang topic ko dito, kasi medyo nababahala lang ako sa dami ng kaso ng mga kabataang nag-su- suicide o di kaya may suicidal tendency. Karamihan sa mga kabataan na ito ay mahilig sa music na ganito, kaya mag-iisip ka, parang kasing isa itong hypnotic music or chant na nageenganyo sa mga kabataan na magrebelde o di kaya ang magpatiwakal. Mayroong akong kakilala na dahil sa kahiligan sa music na ito, nagdesisyon syang magbigti. Nakakatakot pero totoo, EMO rin ang hitsura nya at napagalitan lang ng nanay nya, hayun nagkulong sa kwarto pinatugtog yung EMO music nya, pag bukas ng pinto, nakabigti na sya.


Alam nyo marami ang nagagawa ng music sa pag-iisip ng tao, hindi ba mas madali nating mamemorize ang isang kanta kesa sa tula. Ako pag nagrereview ako nun dati sa exams ko kinakanta ko yung notes ko para madali kong matandaan. Isa pa hindi pa mas madali ang recall ng tao sa isang commercial o patalastas kapag maganda ang jingle nito. At paglagi mong naririnig syempre may epekto sa iyo. Tuloy naaalala ko yung NANO CANDY, eh kasi ang ganda ng kanta sa TV kaya bumili ako nun, nung kinain ko yung kendi nay un halos masusuka suka ako, kasi lasang kulangot (hahaha, nakalasa na pala ako ng kulangot?aminin, kayo din?) Pero kahit ganoon ang lasa aba marami pa rin ang bumibili.


Pag lagi mong naririnig ang isang bagay nagkakaroon ito ng epekto sa iyo. Hindi ba pagmaraming nagsasabi sa iyong TANGA ka, at lagi mong naririnig ito, hindi ba parang naniniwala ka na rin sa kanila at tatanggapin mo na lang sa sarili mo na tanga ka nga .Ganun din sa music, kung lagi mong naririnig yun mapapaniwala ka tuloy ng mga lyrics na nasa kantang yun. Kaya mag-ingat tayo.


Naalala ko rin tuloy yung SHAIDER na kung saan ginamit ni Puma Lay-ar yung music para baguhin ang pag-iisip ng mga kabataan. Ang music pa nga ay “U shigi shigi man kantari Uwahhh, shi shi” (uyy, kinanta nya!) . Gumamit si Puma Lay –ar ng isang halimaw na magbabalat-kayong isang sikat na singer. At sa pamamagitan ng music nagiging masasama ang tao.E baka si Puma Lay ar ang nagimbento ng EMO music,nakakatakot ah, baka magkatotoo yun ngayon.
Sabi nila, na si Lucifer daw ang pinakamaestro ng mga anghel noon sa langit. Sya ang pinakapinuno ng “CHOIR” sa langit. Kaya ngayon ang music din ang ginagamit nya para makahikayat ng mga kaluluwa at lokohin ang tao. Kaya dapat mag-ingat tayo. Teka naaala nyo pa ba yung BACKMASKING (Hindi yung mask rider black o mask man, kundi yung pagpapatugtog ng mga kanta pabaligtad, para lumabas ang hidden message ng kanta.)Di ba kayo nagtataka bakit puro mga sikat na kanta ang may hidden message. Bakit nga kaya? Hindi kaya dahil sikat na sikat ito kasi may chant pala si Lucifer dito?Ano sa tingin mo?Ewan ko di ko alam siguro pag nagkita kayo pakitanong na lang, bka kasi di kami magkita nun eh!! hehehehe
I’m not against EMO, kasi trip trip yan eh!! Eh kasi mahilig din kasi ako sa lahat ng music, from classical to alternative. Mapa- Rnb, Jazz, Pop, rock, bosa nova, new wave, acoustic kahit ano pinapatos ko. Medyo naalarma lang ako sa kanta ito kasi nakikita ko yung epekto sa tao.
Eh marami sigurong di sasang-ayon sa akin kasi trip nila yun, pero talagang nakakatakot na ang panahon ngayon eh. Nasa atin yun kung maniniwala kayo sa akin o hindi pero kayo ano ang tingin nyo? EMO KA BA?

Naghihirap na ba ang Pilipinas?(TOP 20 HITS)


Paano mo malalaman kung naghihirap na ang Pilipinas o nawawalan na ng pag-asa ang mga Pilipino.



Heto ang ilang mga palatandaan:



1. Kapag ang DIP SEA (yung chitcharong tigpipiso) na ang pambansang ulam ng Pilipinas



2. Kapag kumakain ka sa karienderya ni Aling Bebang, sinigang na sitaw (kasi puro sabay at walang karne) at ikinalat na kanin sa plato (para mukhang marami) ang ibibigay sa iyo



3. Kapag ang TUYO at sardinas ay pagkain na ng mayayaman at sosyal



4. Kapag ang tukneneng ay galing na lang sa itlog ng butike(imbes na sa pugo) at binalutan ng napakaraming harinang kulay orange.



5. Kapag ang kape ay parang tsaa na lang, basta kumulay lang solb na.



6. Kapag mas marami ang instik sa Pilipinas kesa sa Pinoy



7. Kapag ang piso ay pamato na lang sa tatching at paper weight na lang sa opisina



8. Kapag ang tumor ng baka o baboy ay pwede na ring gawing adobo (kulani ng baboy kasi ginagawa na ring ulam eh)



9. Kapag ang MEGA SALE sa SM ay pinasosyal na ukay ukay na lang kasi mukhang galing sa mga donasyon na lang ito punit-punit at halos di na pwedeng isuot pero marami pa ring bumibili.



10. Kapag ang hangin ay may VAT na rin.



11. Kapag naniniwalapa kayo sa pangako ng Gobyerno



12. Kapag wala ng nagtatapon ng basura sa “Bawal Magtapon ng basura dito”



13. Kapag walang nakahaing impeachment complaint sa Supreme Court kahit si Jesus Crist pa ang pangulo natin.



14. Kapag ang pagnanakaw (maliit man o malaki) ay legal na.



15. Kapag ang presyo ng isang litro ng gasolina ay pwede ng bumuhay ng isang pamilya



16. Kapag pati ang mga batang Pilipino ay ineexport na rin kasi nagmumukhang na tayong factory ng bata.



17. Kapag ang Payatas ay maging National Park na natin (kasi ang National Park natin ay para ng Payatas)



18. Kapag si Manny Pacquiao na ang naging Pangulo.



19. Kapag ang mga susmusunod na ang maging bagong Pambansang Simbulo



a. Pambansang Isda…… Dyesebel



b. Pambansang Hayop …… Yung mister/misis ko (hayup sya…walanghiya)



c. Pambansang Kasuotan….. Makapal na mukha at shades (pwedeng panyo lang o tali)



d. Pambansang Laro……. Gobingo o Game K nab a? (sa sipa, wlang pera dun!)



e. Pambansang Bayani……. Si Piolo Pascual o si Marian Rivera, sikat eh (wala na kasing nakakakilala kay Dr. Jose Rizal! Teka sino yun???)



f. Pambansang Libangan ……. Pagchismisan ang buhay ng may buhay



g. Pambansang Bulaklak……… bibig ng mga pultiko pag malapit na ang halalan (mabulaklak eh)



h. Pambansang Prutas……….. Del Monte Fruit Cocktail (wala ng fresh puro preservatives na)



i. Pambansang Dahon………. Dahon ng marijuana



AT ANG PINAKAIMPORTANTE AT HULING HULI



20. Kapag naniniwala kayo sa mga pinagsasabi ko!! Hahahaha!!



* Karamihan sa mga nabanggit sa itaas ay nangyayari na sa atin. Kaya nakakatakot na po talaga!!



Salamat po

Pormula ng Pelikulang Pilipino (Huling Hinga)

Sa pagpapatuloy ng ikaapat at huling review ko sa Pelikulang Pilipino (buti naman at naisipan ko ng tumigil, hahahah) heto ang mga obserbasyon pa

Dekada 90

Sa unang bahagi ng dekadang ito halos karamihan mga comedy ang tema, tulad ng mga pelikula ni Joey de Leon, Vic Sotto, Dolphy, Andrew E at kung sino sino pang komedyante.Dito usong uso ang mga sayawan sa beach na talaga namang nakakapanginig laman sa kabaduyan. Marami akong kasama sa trabahong mga Indians, at nakita ko na halos ganun din sila pagpelikula ang pag-uusapan. Kaso sa kanila mapa-actions, drama , comedy ay puro may kantahan at sayawan. Yung tipong nadikit lang ang katawan sa dahon o puno, at mga nagkikisay na dahil nagsasayaw.
Akala ko nga tulad natin medyo din a uso yung mga kantahan at sayawan nay an, pero nung huli kong napanood na Indian movie (2007) aba may sayawan pa rin. Hay my gulay

Dahil nasa gitna tayo ng sobrang hirap na ekonomiya at krisis noon kaya nauso ang comedy at kailangan ng mga ganitong pelikula para naman matawa ang tao. Eh lagi pang brownout nun kaya ang mga tao sa sinehan ang punta kasi may generator at aircon pa.
Mga mid 90’s hayan nauso na ang mga ST Films, napinangungunahan nila Gretchen Baretto, Kring Kring (Kristina Gonzales, Gardo Versosa, Rosanna Roces. Nung mga panahon na yan bumuka lang ang hita ng bida eh kwento na. O kaya naliligo lang sa ilog eh istorya na. Ganyan umiikot ang pelikula noon pero kahit papaano naman may masasabi pa rin tayong mga matitonong Pelikula tulad ng “Ang Lalaki sa Buhay Ni Celia” o “Ang babae sa Bintana”.

SAMPLE



Heto pumasok na ang year 2000

Unang bahagi ng taon, halos bumulusok pababa ang kalidad ng pelikula dahil ang ST ay napalitan ng TF (titillating Films) na pinagbibidahan ng mga sandamakmak na mga artista di mo naman kilala. Yung tipong nakikita mo lang sa tabi tabi kamulat mulat mo ay bida na ng Pelikula. May mga pangalan pa na hindi mo alam kung san pinagkukuha. Nauso ang mga pangalan ng mga sikat na artista o pulitiko na ginawang babae tulad ni Ida Manzano (Edu Manzano), Ynez Veneracion (Ian Veneracion) ,Ramona Revilla (Ramon Revilla) at kung sino sino pa. Bakit hindi sila gumawa ng female version ni Amay Bisaya, gawin nilang Amy Bisaya. Yung iba naman nung sumiklab ang OAKWOOD mutiny, lumabas si Gloreitta, Kudeth Honasan at kung sino sino pa, ewan ko bakit di nila sinama Ping Lacson, gawin nilang Ping Ping Lacson (naks parang litson lang ah). Meron naman brand name ng Shampoo, tulad ni Ivory, Rejoice, at Pantene. Nagtataka lang ako bakit wala ang sexy star na Mane n Tail, di ba okay din naman yun.

Di tulad ng ST na kahit papaano ay mga sosyaling mga sexy star ang bida, sa TF eh talaga naman hindi mo na talaga madi- differentiate kung alin ang artista at alin ang ordinaryong tao. Sa ST kahit papaano may istorya, dito eh talagang wala na talaga. Kaya nakakaawa talaga ang mga panahon nay un, na kung saan halos wala ka ng makikitang matinong pelikula noon.
Buti naman at medyo nawala wala na yung mga Pito pito movies (pitong araw lang ginawa) at TF, at napalitan naman ito ng mga Horror Films, syempre dahil ito sa mga Hapon at Koreano na nagpasimula ng ganitong trend. Kaya halos nagsulputan din ang mga horror films na kahit pasko ay mukhang pang haloween pa rin ang mga pelikula. MEdyo kahit papaano naman ay gumaganda ganda na ang kalidad ng ating pelikula, dahil medyo nag-iisip isip na rin ang mga writer ng magandang script. Pero hanggang ngayon may manaka naka pa ring mga Horror Films na sumusulpot.

Sa kasalukuyan, usong uso ang mga independent films, ngayon lang nauso ito pero noon pa ako nakakapanood nito. Nakaktuwang isipin na kinikilala ang mga pelikula natin sa ibang bansa. Medyo halong emosyon ako, natutuwa ako kasi kinilala ang pelikula natin, nalulungkot ako kasi kwento ito ng mga kababuyan at kabulukan ng Pilipinas. Basta mahirap ipaliwanag, pero malakas pa rin naman ang paghanga ko sa mga Pelikula natin

Sa panahon ngayon parang di ko alam kung ginagamit lang nila ang indie films para makatipid ang ibang malalaking movie outfit. O di kaya para lang din ST films o pito pito movies ito na mura lang ang production cost. Kasi halos puro sex din ang tema, although sabihin natin may magagandang istorya meron dun kaso parang ito ang kanilang pambeta sa manonood-and SEX. Kaya nga siguro halos pabrika ng bata ang Pilipinas, at halos maapakan mo na sila. Nakakalungkot na ginagawang sankalan ang indie films para lang sa mga porno films,kumbaga trend kasi kaya makikiuso din.

Masasabi ko namang marami pa ring de kalidad na pelikula na hindi ito ang tema, tulad ng Kubrador, Adela, Foster Child, Batanes at Tribu. Humahanga ako sa direktor nila at sa istorya syempre, katibayan lang na hindi naman kailangan ay puro sex ang tema.
Ito ang panahon ng indie films, ito na siguro ang nagsasalba sa naghihingalong industriya ng Pelikula. Sana dumating ang isang araw na pwede na tayong makipagsabayan sa mga Hollywood Films. Pero alam kong marami pa rin tayong kakaining bigas pero buti na lang din at nagsisimula na tayong kumain.hehheeh

SAMPLE



Pero sa ating mga mahihilig sa Pelikula, maganda ring mapanood natin ang sariling atin. Marami kasing pelikulang banyaga ngayon na dinadaan na lang sa special effects o sa mga sikat na artista. Sana magtulungan din tayo, yun nga lang kailangan ding husayan nila ang paggawa ng Pelikula.
Ano kaya ang susunod na uso pagdating sa Pelikula, may isisilang pa kayang Lino Brocka? Basta manonood na lang ako ng manood basta maganda ang istorya,pero kung parang basura lang ang papanoorin ko, eh bibili na lang ako sa Jolibee ng value Meal no. 1, nabusog pa ako.hehehe
Sige salamat sa time nyo!Sign off na rin ako sa review kasi yung iba hindi makarelate!!

Ingat lagi!!

Pormula ng Pelikulang Pilipino (Part 3)

Aba talaga namang marami pala talagang mahilig sa pelikula sa atin, kasi nga BAKS OPIS yung isang post ko. Eh di ko nga alam na kahit papaano pala ay may sense naman pala yung mga isinulat ko kaya heto naglagay ako ng ikatlong parte (eh di ko lang alam kung nagsawa na yung iba, hehehe)

Maraming nagsasabi na kung isa kang manunulat, mahilig ka rin sa pelikula. Hindi ko rin alam kung totoo yun, pero mukhang totoo nga dahil maraming ang talagang nagbigay ng komento tungkol dito. Sabagay dahil ang istorya ng pelikula ay galing sa mga writer. Kaya alam ko rin na ito ay isang akda na may gumagalaw na totoong karakter lang.
Sa pagkakataon namang ito kasama sa Pormula ng Pelikulang ang panahon o yung timing kung kelan ito ipinapalabas, ipapalabas, o ipinalabas. Kasi nga kung ano ang uso yun ang patok. Dati halos mabaliw tayo sa brick game at game watch, , ngayon parang sa museum mo lang makikita ito. Kung dati halos maloko tayo sa mga tamagotchi natin eh, ngayon pamato na lang ito sa piko. Ganun, uso uso lang, trip trip lang ba. at aminin mo halos mabaliw ka rin kina Dao Ming Zu, Watselai, at kay Zansai nun kaya tyak may stationaries ka nila, kumot, unan at kung ano ano pa (hahahhaa, KADIRI).

Heto ang ilan sa mga trend ng ating Pelikulang Pilipino

Dekada Singkwenta –sitenta (50-‘s- early 70’s)

Dito nabuo ang mga loveteam noong araw, kumbaga sikat sila NIda Blanca at Nestor de Villa, Gloria Romero at Luis Gonzales sila ang mga Dingdong at Marian o Piolo at Angel noong araw. Ganun sila kasikat noon, na halos samabahin sila ng mga tao, kulang na lang ay pinusan mo ng panyo ang katawan nila at ipahid sa mga masasakit sa katawan mo.
Sikat na sikat din ang kontrabidang si Bella Flores na halos isumpa at sunugin ng taon bayan sa galit dahil apektadong apektado sila sa pelikula.Sabi ng lola ko ay halos ipakulam daw nya yang si Bella Flores o di kaya sabunutan at pagsasampalin dahil sa inis. Ganyan sila ka panatiko
Kalimitang mga simpleng ang istorya dahil ang mas pinagtutunan ng mga lolo’t lola natin noon (o yung mga fans noong araw) ay yung mga artista o di kaya kung galing ang sila sa dalawang malalaking film outfit noon ang Sampaguita at LBM ay sori,………. LVN pala!!

Black and White pa noon ang mga sinehan at makikita mong halos walang buhay ang mga artista noon (mga maputla at maitim ang labi kasi nga black and white) at mga may lahi o dugong kastila ang mga artista noon.Hindi uso ang pangkaraniwang mga mukha, pag artista ka noon, dapat mukha ka talagang manika o di kaya manikin. Kailangan sobrang ganda at sobrang gwapo ka, kung medyo pangkaraniwan lang ang mukha mo eh wag mo ng pangarapin mag-artista baka pagbabatuhin ka ng kamatis ng mga manood. Kung talagang makapal talaga ang mukha mo eh sa komedya ka na lang basta kaya mong pagbabatukan ng bida.

Kalimitan ding parang tumutula ang bawat dialogue dun, pati ang mga expression ng mga artista ay tumutula din na akala mong makikipaglaban ng Balagtasan. Mababaw ang istorya kasi mababaw pa naman ang kaligayahan ng mga tao noon, hindi katulad ngayon medyo mabibigat tulad ng pag wala kang load (ang cellphone mo) e mo naku, napakabigat na problema yan.TSK TSK TSK.

Ang maganda noong panahon na yun, masigla at mabenta ang mga pelikula noong araw. Halos di mahulugang karayom ang mga sinehan o teatro noon sa Avenida (tulad ng Galaxy) sa dami ng mga fans at manonood .Ito ang pinaka-busing kalye sa Maynila. Pero sa kasamaang palad ang mga sinehan na yun ay paradahan na lang ng Dyip ngayon!! Ohh!!QUIPO!! QUIPO!!! QUIPO (Sigaw ng mga mananahol o barker)

SAMPLE



Dekada sitenta at otsyenta (Late 70’s early 80’s)

Halos ganun pa rin ang trend noon, love team pa rin, Ang pumalit sa trono nila noon ay walang iba kundi sila Guy and Pip, Vi at Bot. Sila ang mga sikat na sikat at pinagtitilian noong araw. Sa pagkakataong ito, mga totoong tao ang mga tinitilian noon, sa simpleng salita eh mga pangkaraniwang mukha. Ayaw na ng tao ng sobrang ganda o gwapo, yung tama at sakto lang ang gusto nila.

Ang klasikipasyon ng mga Pilipino noon ay nasa dalawang kategorya lang, ito ay kung ikaw ba ay Noranians o Vilmanians. Kung wala ka sa nabanggit malamang di ka Pilipino, hahahah..Joke lang. Tapos, ang mabigat na problema ng bansa noon ay hindi tungkol sa ekonomiya kundi kung mas mabenta ba ang pelikula ni Nora o ni Vilma o di kaya kung mas sikat ba ang tambalang Guy and Pip o kaya Vi at Bot. Sa kanila medyo umiikot ang mundo ng pelikula, kay akala mong magkakalabang mortal ang dalawang panig pag nagkasalubong.Kasi tyak giyera ito!!

Subalit nabago uli ang moda o trend ng magkaroon ng Batas Militar. Sa mga panahon na rin yan medyo sikil ang kalayaan sa pagpapahayag. Ngunit dito naman sumibol ang mga magagaling at matatalinong direktor. Umusbong ang “Golden Age” ng Philippine Cinema dahil sa magagaling na director na sila Lino Brocka, Ismael Bernal, Celso Ad Castillo at marami pang iba. At medyo nawala ang love team love team at unti unti itong napalitan ng totoong mga artista. Nag evolve ang mga artista noon, pinakita nila kung ano ang tinatawag na pag-arte. Kung di ka magaling kawawa ka, kahit gaano ka pa kaganda o kagwapo kung di ka magaling umarte eh sa kangkungan ka ng Ilog Pasig pulutin kasama ng mga diaper at mga napkin.

Sa panahon nay an, marami ring mga Pelikulang fantasy ang nauso. Nauso si Darna, anak ng Bulkan, Dyesebel (yung orig) at pati na rin si Darna Kuno ni Dolphy. Sabi nila kaya raw tinatangkilik daw ito ng manonood dahil sa hirap ng buhay, at kailangan natin ng Super Hero, para pagbibigay ito ng pag-asa.

Tapos nauso din ang Pene Movies, o yung mga BOMBA (akala ko nun atomic bomb, o kaya yung poso), pero kahit medyo bold ang tema ay may istorya naman, saka may artistic value naman ang iba. Dyan sumikat ang direktor na si Celso Ad Castillo saka ang mga artistang sila Jacylyn Jose, Rico Locsin, Amy Austria, Mark Gil at kung sino sino pa. Pero tingnan mo sila ang magagaling na artista ngayon.

Pero Mukhang din a rin talaga maaalis sa kulturang Pilipino ang love team kay abumalik na naman ito noong dekada otsyenta,sumikat ang sandamakmak na loveteam.Sa US di gaanong uso yan, kumbaga kung magaling kang artista magaling kang artista, sa ating kung magaling kang artista magaling na rin yung kaloveteam mong artista, na kahit parang pinainom ng sukang Paombong ang mukha pagnagdadrama o di kaya nilalagyan lang ng Vicks ang mata para maluha eh swak pa rin kasi sikat ang kapareha nya. Dyan nauso sila Maricel Soriano at William Martinez, Janice de Bellen at Aga Mulach, at maraming pang iba.

Nauso ang mga Pelikulang pangbagets o pang teenager, tulad na lang ng pelikulang “Bagets”, at Ninja Kids medyo active kasi mga kabataan noon, kaya nasa kanila din ang pulso ng nakakararami. Medyo dyan na rin ata nauso ang pagdidisco!! Basta sikat na sikat ang mga kabataan noon. Nung mga time na rin nay an, panay lovesong ang uso din kaya halos lahat din ng pelikula ay may themesong. Medyo ito ang nagdadag kilig sa mga Pelikula noong araw, na mukhang dala dala natin hanggang ngayon.

SAMPLE



OOOPPPSSS. Medyo mahaba na uli ang naisulat ko, may part 4 pa yan para sa Dekada nubenta (90’s) at hanggang ngayon. Abangan nyo na lang yung susunod.
Salamat sa time nyo, medyo talagang nakahiligan ko lang ang Pelikula, nasubaybayan ko yan kahit na wala pa kaming Betamax at VHS noon. Medyo iniintay ko na lang na ipalabas ito sa T.V.
Sige hanggang sa Part four.

Pormula ng Pelikulang Pilipino (Part 2)

Sa pagpapatuloy ng Pormula ng Pelikulang Pilipino.

Mukhang may bumabasa naman pala ng mga review ko eh, so lulubos lubusin ko na!!

HORROR

Okay sa tagal ko ng nanood ng horror na pelikula, di ko alam kung bakit hindi man lang ako matakot sa mga kwento doon. Umabot na ang Shake, Rattle and Roll ng sampung pelikula, ni isa episode walang nakatakot sa akin (pwera lang pala yung ref na ngangain ng tao, kasi naman eh 7 taon lang ako nun) Hindi ako na Shake , at hindi ako na rattle pero nag-roll ako, nagroll ako kakatawa.hahahahah.Heto ang ilan sa mga palasak na at pwedeng hagisan ng bulok na kamatis na may amag pa ,ang sumusunod:

Zombie na nakataas ang kamay.

Bakit nga ba ang mga zombie nakataas ang kamay, di ba sila nangangawit? Aba, nagpipiyesta na nga yung mga uod sa mga singit nila at kilikili eh nakataas pa rin ang kamay. Tapos bakit yung damit butas butas, eh alam ko mas mauuna pang mabulok ang ilong mo kesa sa damit mo eh (pero yung may silicone implant eh eh intact pa naman)

KRus ang mabisang panlaban

Natatandaan ko noon yung dalawang patpat na gawing krus, aba eh ngarag na ang mga kalaban o di kaya yung dalawang daliri lang na pinaglapat aba naginginig na sa takot ang mga aswang at malign. Astig!! Eh paano naman nalaman ng mga aswang at maligno na krus yun, eh tingin ko ekis (X) yun eh. Sabagay kanya kanya ng trip yan, eh trip ng mga aswang matakot sa ganun eh walang pakialamanan

Kawawang matanda.

Sa dami ng napanood kong pelikulang horror, aba iyon at iyon din ang aswang.Yung matandang payat na mahaba ang buhok na puti. Aba ilang pelikula na ang namatay na sya, abat hanggang ngayon buhay pa yung aswang na yun.Naku marami namang matanda sa Pilipinas, eh hanap naman ng ibang cast kaya tuloy pag nakita ko yung matanda na yun sa pelikula alam ko sya na yung aswang.

SAMPLE



Naku marami pa yan, nandyan na ang multong galit sa pulbos, ang mananaggal na kumukulo pa ang bituka (siguro naimpatso), Mga nagliliparang gamit at gumagalaw na kama (kasi nga nagdadabog yung multo, may attitude problem/sumpong kasi.At kung sino ang bida asahan mo na sya lang ang matitira kasi lahat nakain na ng aswang (wala pang namamatay na bida).

ST O BOLD FILMS

Ang walang katorya toryang pelikula, aba naghubad lang si nene at si boy aba kwento na pala yun. At ang pamagat o title na pamatay tulad ng talong, petchay o pinya at pwede na rin ang lahat ng gulay sa bahay kubo. Kung pwede bang gawin title ang mga maseselang bahagi ng katawan natin eh tyak maguunahan ang mga producer nyan. Pero heto ang ilan sa pormula pa

Laging may wet scene

Kung hindi naliligo sa ilog sa dagat naman, at hindi ko alam kung bakit maliligo sila nakakamison sila, pang beach attire ba yun. E bakit yung mga kaklase kong babae noong college naligo kami sa beach, eh hindi naman nakakamison, ang suot suot eh yung basketball short ng kuya nila o nung tatay nila. Eh sabagay bold nga pala yun, eh bakit hindi na lang bathing suit o kaya panti’t bra, eh noon pa yang kamison na yan eh.

Konti ang Dialogue (kung may dialogue man puro ungol)

Sabagay eh bold films nga eh, pero hindi ba pwedeng lagyan man lang ng medyo mabigat bigat na istorya. Yung tipong may kwento naman kung bakit nila gagawin yung ANO (alam nyo na yun). Eh kumbaga nagkatitigan lang gagawin nay un, nagkadikit lang aba gagawin uli yun. Puro aksyon hahahah!! Kumbaga parang palabas ni Michael V sa Bubble gang yung “SUMBONG SUMBONG KAY BONGGANG BONGGANG BONGBONG” na may tagline na “Dito ka na magsumbong diretso pa ang AKSYON”. Nice!!Puro aksyon eh walang istorya.

SAMPLE



Konti lang ang masasabi ko sa BOLD FILMS (kasikonti lang din ang Dialogue dun) kasi nga alam na rin natin!Eh yun lang naman ang tinatangkilik nila eh!! Pero nung mga panahon kasi nila ISmael Bernal at Celso Ad Castillo eh may sense talaga. Hindi puro bilad lang ng katawan o kaya ungol, may istorya at may kwento.

INDIE FILMS

Eh sa panahon ngayon mukhang natatabunan na nga mga independent films ang mainstream. Maraming mga indie films ngayon ang talaga namang malaman at makabuluhan at sila ngayun ang hot cake. Teka bakit nga ba hot cake ang tawag pag mabenta, eh di na man uso ang hot cake sa Pilipinas. Okay baguhin natin, ang indie films ngayon ang parang NFA RICE.Pero syempre may mga pormula din yan heto ang obserbasyon ko

Sex

Halos lahat ng indie films ngayon laging may kinalaman sa SEX, eh parang ito ang pambenta nila sa manonood. Halos kapareho ng ST o Bold anng kaibahan lang ay may magandang istorya ang nakapaloob dito. Pero kasi minsan puro ganun na lang ang pormula. Iilan lang na indie films ang hindi sumsaklaw sa sex,kaya minsan iniisip ko na mukhang maeel talaga ang mga Pilipino.Kaya nga sandamakmak ang pabrika ngayon…….pabrika ng bata.

Parang mga kwento ni Lola Basyang

Karamihan sa indie films ngayon laging may narrator, kumbaga kinukwento nila ang buhay nila. Kaya minsan nakakatamad o nakakantok din kasi nga para kang binbasahan ng Fairy tale bago matulog. Yung iba pati yung expresyon aba pasalasay na rin, hindi ba natural halatang binasa lang tulad nga “Aray , o kaya yung eh o kaya yung ah”

Parang Bitoy’s Funniest Video lang

Yung ibang indie films talagang sobrang amateur, yung tipong nagkandaduling duling na ang mata mo kasi magalaw ang camera. O di kaya makikita mong may kumakaway sa likod ng bida o di kaya naka peace sign o kaya ubod ng ingay halos di mo na marinig ang dialogue ng character kasi nga parang video lang sa kasal o binyag. (kulang sa budget eh)

Laging sa skwater ang setting

Eh halos karamihan sa napanood ko puro sa skwater ang setting, alam kong simbulo yun ng maralitang tagalungsod, pero meron din naman maralitang taga probinsya.Hindi ba pwedeng dun na lang. Saka hindi ba pwedeng mayayaman ang bida, pero sabagay dun kasi maraming kwento eh. Yun nga lang karamihan sa mga indie films ngayon ay tungkol sa kapangitan ng Pilipinas, wala ba yung kagandahan ng Pilipinas naman. Eh maganda naman ang bansa natin ah!! Kaya kung minsan di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot pag may nanalong indie films na tungkol sa kapangitan ng Pilipinas sa international film festival, matutuwa ka ba kasi narerecognize ang creativity ng pinoy o malulungkot ka kasi ibinabandera natin ang kabulukan o kapangitan ng Pilipinas sa ibang bansa. Ewan di ko laam.

SAMPLE


Syempre hindi naman pwede na kritisismo lang ang gagawin ko pero magbibigay ako ng mga pelikulang naging swak sa panlasa ko;

1. Himala (napanood ko ito noong Mahal na Araw)

Paglalarawan ng kulturang Pilipino, paggising sa kamalayan natin tungkol sa panloloko at pagiging bukas sa katotohanan na nasa ating mga kamay ang ating Kapalaran.

2. Kubrador (dahil tyuhin ko kubrador din)

Pagbibigay ng mukha sa kahirapan ng Pilipinas. Makatotohanang paglalarawan ng bawat buhay ng mga Pilipino,

3. Anak ( anak ng $@$#)

Paglalarawan ng buhay OFW, OFW din ako kaya malapit sa akin ang istoryang ito. At halos lahat ng kamag-anak ko ay mga OFW din. At nagawang ipakita ng pelikula ang buhay ng isang OFW, ina at asawa, pagsasakripisyo at pagpupunyagi

4. Tinimbang ka Ngunit Kulang (malnourished kasi)

Nakapagandang kwento na sumasalamin sa mapanghusgahang mga mata ng tao. Pagaalipusta at paghahamak ng isang taong may problema sa pag-iisip na gustong mamuhay ng normal din.Bagamat sad ending subalit ang ending ang tumatak sa isip ko, hanggang ngayon naiisip ko sino kaya ang mas tunay na baliw?

5. Minsan may isang Gamo gamo (My brother is not a pig……. Hindi sya baboy damo , sabi yan ni Nora Aunor pero teka diba wild boar ang twag dun,naku ewan ko ba kay Ate Guy)

Ang kagandahan sa pelikulang ito, paglalarawan ng mga pansasamantala sa kapangyarihan. Pagpapakita ng mga nangyayari noong Panahon ng Batas Militar (kahit hindi ito tuwiran). Harassment o pagsikil sa ating demokrasya.



Teka hindi ako Noranians hehehehhe!! Nagkataon lang na magagandang pelikula ang naibigay sa kanya. Halos di pa ako isinisilang nung pinalabas ang iba dyan, pero noong napanood ko yan, humanga ako sa istorya at sa pagkakagawa ng Pelikula. Ibang Klase,wala akong masabi. Sa Panahon ng mga independent films mukhang nagbabago na rin ang Pelikulang Pilipino, medyo hindi na budget ang labanan ng pelikula kundi istorya na. Sana magtuloy tuloy pa ang pagunlad ng Pelikulang Pilipino. Alam kong darating din ang araw na magiging kasing galing natin ang Pelikulang banyaga, hindi man tayo pwedeng maipagsabayan sa special effects at budget dadaanan na lang natin sa creativity natin at istorya.

Basta Mabuhay ang PELIKULANG PILIPINO

Mga Pormula ng Pelikulang Pilipino (Part 1)

Medyo mahilig ako manood ng sine, madalas inaabangan ko sa TV ang mga trailer ng pelikula, ika nga kung medyo impressive ang trailer malamang panoorin ko, pero kung ngetpa, eh di sasagi sa isip ko na panoorin yun. Madalas nanonood lang ako mag-isa, kasi nga hindi ako bumili ng makakain o chitchirya, dahil syempre walang pera, kaya puro aircon lang ang nginangata at kinain ko dun. Pag di ko gaanong naintindihan ang istorya o kaya nakatulog ako habang nanonood, inuulit ko yung palabas. Kaya dyaheng may kasama. Hehehe.

Mahilig ako sa movies,lahat ng pelikula eh pinapanood basta swak sa panlasa ko, karamihan mga foreign movies (lalo na yung gawa ni Steven Spielberg), sa Pelikulang Pilipino medyo madalang lang. Pero dahil nakabisado ko na ang pormula ng Pelikulang Pilipino, eh iisa-isahin ko sa inyo.

MGA PORMULA NG PELIKULANG PILIPINO

Comedy Films

1. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa, kaso bakit karamihan sa mga pelikula na comedy ang tema lagi na lang may nagsasayaw sa beach. Kakantahin yung themesong ng pelikula o di kaya yung baduy na kanta, sabay sayaw ng mga dancer na kunwari mga turista rin. Eh makita kita mo halos lahat ng tao dun eh sumasayaw . Eh pwede bang magkaganun sa totoong buhay. Eh nung nagpunta naman kami sa Beach ng Pangasinan, imbes na mga taong nagsasayaw ang makikita mo, mga taeng naglulutangan ang maabutan ko, malas malasan mo pa eh makakinom ka pa ng tubig dun. SAWAPPPP….

2. Usong usong slapstick, kundi babambuhin ng dyaryo, babasain ng ihi, o di kaya pagsasampalin ang mga kaawa awang mg a extra (Eh sabagay dun sila kumikita). Eh bakit yung mga pangit lang ang pinagtitripan. Eh kung sa totoong buhay yun, subukin mong ganunin yung mga taong yun, katakot takot na mura ang aabutin mo.

3. Magaganda o sexy ang leading lady at laging may sidekick ang bida. Eh bakit nga ba may sidekick pa? Hindi ba pwedeng wala na lang, tuloy siya yung napagdidikitahan ng bida. Eh eto pa, kahit di gaanong kagwapuhan yung bida eh hinahabol sya ng magaganda at seksing mga babae. Eh sa totoong buhay eh hanggang tingin na lang yun, hehehe. Kaya minsan iniisip ko mag komedyante na lang kaya ako.

Eh marami pa yan, pero ito patok at mabenta sa mga manonood, eh sabagay kanya kanya ng trip yan, eh meron kasing mababaw ang kaligayahan. Yung lolo ko nga nauntog lang yung bida eh todo tawa na, halos mautot kakatawa, eh ako naman hayun kumain na lang ako ng butong pakwan pampaalis bagot.

SAMPLE




Action Films

1. Bakit sa tuwing hinahanap ng mga kontrabida o goons ang bida, eh doon mismo sila humihinto sa pinagtataguan ng bida. Talaga bang may ganun (eh sabagay suspense ika nga, pero hanggang ngayun naman wala pa naman akong napapanood na nahuli yung bida habang nagtatago malapit sa pinaghintuan ng goons). Eh lagi na lang ganun, hindi ba pwedeng malayo layo ng konti. Eh kami pag naglalaro ng taguan nung mga bata pa kami eh hindi naman nagkakaganun, pero minsan nahuhuli rin kasi tawa ako ng tawa (Engot kasi yung taya ang lapit lapit na hindi pa nya ako makita)



2. Chismisan to the max.Pagmalapit nagkaharap na ang bida at kontabida (sa huling bahagi ng pelikula) eh puro chismisan pa ang ginagawa at kung ano ano pa ang sinasabi, mano bang magbarilan na lang at malaman na kung sino ang panalo. Eh nauubos na ang oras (aba kahit sugatan eh di nauubusan ng dugo) .

Tulad ng “Gawa na ang balang papatay sa iyo” (tapos wala na palang bala) o di kaya “Humanda ka na magkikita na kayo ni San Pedro” (Eh paano kung sa impyerno sya mapupunta) .hehehhee!!Sa bandang huli naman syempre bida pa rin ang panalo eh kung hindi pagbabatuhin ng bote ng mineral water ang loob ng sinehan



3. Laging naka-Leather Jacket ang bida. Ang Pilipinas ay Tropical Country pero astig ang mga action star natin, nakaleather jacket. Yung tipong kahit nagkanda pawis pawi ang kilikili at singit, ay suot pa rin (di kaya mangamoy putok yun).



4. May pagkasuperman ang bida. Eh lagi na lang ganun, na kahit sampung tao ang bumaril sa bida (take note armalite pa ang gamit ng mga goons) eh may pagkainvinsibleman at hindi sya tinatamaan, at pag sya naman ang bumaril siguradong may babagsak sa mga goons. Galing noh!! Sa suntukan naman, ang mga goons, nag-iintayan pa sa pagsuntok, eh sabog sabog na nga ang mukha ng kakampi nilang goons, aba nag-aantay lang! Hindi ba pwedeng pagtulungan na lang nila kay lalaki ma naman ng katawan.



5. Nagtatransform ang mga kotse. Hindi sila mga transformer, pero magtataka ka, yung kani-kanina lang ay magandang kotse biglang na lang magiging box type na kotse, at alam nyo kung bakit, kasi syempre pasasabugin!!! O di kaya kay yaman yaman ng bida o kontrabida ang gamit na kotse eh yung kakarag karag at lumang model kasi nga papasabugin yun habang naghahabulan sila. (Yung tipong naghahabulan sa kalsada tapos paputok ng baril, ni wala man lang rumerespondeng pulis.Tapos habang naghahabulan eh susuruin naman ang mga nagtitinda ng samalamig o di kaya ng fishball. Habang nagliliparang mga ibon ang mga paninda.). Kaya alam ko na kung sakaling nagtransform ang kotse alam ko nang may pagsabog na mangyayari.



6. Syempre ang laging late na mga pulis. Sila yung laging pang-closing sa pelikula. Laging late at huli na kung dumating, tapos na ang bakbakan at hindi mo na pwedeng pakinabangan. Kahit puro pagsabog na ang nangyayari sa loob ng warehouse (dito kasi lagi yung setting eh, di ba pwede sa ibang lugar) eh wala silang ideya na may nangyayari na palang gulo (baka natutulog). At heto pa, tila may psychic ability ang mga pulis kasi alam nila kung sino ang bida at mga kontrabida. (nahulaan nila kumbaga). Wala nang tanong tanong basta alam nila kung bida ka o kontrabida.Nakang putcha!hehehe

SAMPLE



Mukhang sa action films ata maraming pormula, pero wala naman akong nababalitaan may ganitong kaso sa tunay na buhay, sabagay pelikula yun eh.

Drama Films

1. Magkakamag-anak ang mga bida, eh kung hindi magkapatid yung nag-iibigan, magpinsan o magtiyuhin naman. Basta sa laki ng Pilipinas eh nun lang nila matatagpuan ang isat isa na magkakamag-anak pala sila.

2. Sampalan na umaatikabo, eh usong uso yun, yun tipong kahit mamaga ang panga ng bidang babae eh okay lang syang pagsasampalin. Minsan iiyak minsan naman gaganti, eh sa panahon ngayon demandahan na ang uso. Eh kung sakaling naggrabyado ka eh di idemanda mo.,di na uso ang sampalan. Sabunutan marami akong nakikitang ganyan pero sampalan medyo madalang lang. Siguro pangmayaman lang ang samapalan, ang sabunutan medyo pang mahirap.



3. Mga makata ang mga bida. Dyan ka naman bibilib sa mga dialogue kasi talagang mga makakata at mga malalim ang mga sinasabi ng mga bida o kontrabida. Yung tipong mapapahanap ka pa sa diksyunaryo, o di kaya parang huhula ka ng bugtong para maunawaan ang gustong sabihin ng bida. Basta sobrang lalim. Eh kaya pati yung pinsan kong walong taong gulang na mahilig manood ng Drama, pinalo kasi ng nanay nya sa sobrang likot sabi ba naman ng pinsan ko

“Inay bakit mo ginawa sa akin ang mga bagay na ito, anak mo ako….. at dapat minamahal mo ako at inaalagaan… pero bakit mo ginagawa sa akin ang mga bagay na ito….huhuhu (sabay pasok sa kwarto nila na umiiyak).

Aba nung marinig ko yun, sumakit ang tyan ko kakatawa eh, gusto kong pingutin sa tenga yung batang yun kasi puro kaartehan.Dyaskaheng bata sarap batukan ng isa. At hindi pa dun natatapos yun, ayaw pang kumain nung inaaya na nung nanay nyang kumain ng hapunam. Naku nahahawa na talaga sa mga napapanood nya.



4. Api-apihan. Eh laging ganun, api-apihan ang bida. Yung tipong ilulublob sa tubig, sasaktan. Basta yung kawawang kawawa. Martir kumbaga, na kahit anong gawin ng kontrabida sa kanya, eh okay lang. Eh minsan di ko alam kung naawa ako o naiinis ako sa bida dahil sa pagkamartir. Aba bakit hindi n alang isumbong sa imbestigador o sa XXX. Pero syempre sa huli naman lalaban. Kasi matatapos na yung pelikula eh, so kailangang lumaban kundi magagalit ang manonood. Kaso bago lumaban yung bida kailangang yumaman muna sila. Nice. Pera lang pala para magkalakas ng loob.



5. Ang kontrabida parang pumapatay lang ng daga kung pumatay ng tao. Mukhang wala na talagang konsenysa, sukdulan ba ang sama ng ugali, parang kapatid ni Lucifer. Sabagay marami na talagang masasamang tao ngayon, pero yung kontrabida na yun halos lahat ng kasamaan ay napunta na sa kanya. Ibang klase!!!

SAMPLE



Naku marami pa yang mga pormula na yan. May part 2 pa yan kasi meron pang Horror, Bold or ST, saka Indie films. Sa ngayon iyan muna, kasi tyak inaantok na kayo kakabasa.

Eh ako napansin ko lang naman yan sa pelikula natin, yung tipong kahit gasgas na eh mabenta pa rin sa ating mga Pinoy. Kahit medyo iyon at iyon din ang istorya, at iba iba ang lang ang artista eh box office pa rin.

Sige sa susunod na lang ulit.. heheheheh.