QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, December 31, 2008

ANG TAONG 2008 (Pagbabalik tanaw)



Buti talaga nakahanginan kong gumawa ng year end report ko tungkol sa aking buhay last 2007 (nasa isa ko pang blog yun). Syempre, naglagay din ako dun kung ano ano pa ang inaasahan ko sa year 2008. Ngayon irereview ko kung ano ang natupad at kung ano naman ang hindi, samahan nyo ako dito:


1. MY FIRST PAMANGKIN


NOON


Sometime in April magkakaroon na ako ng pamangkin, unang pamangkin ko ito, kaya masaya. Nag-iisip na nga ako ng pangalan sa pamangkin ko!!! Lahat kami payag sa KING LORITITO, Loritito kasi sunod sa pangalan ng tatay ko Loreto,eh kamo first apo nya kya parang little version nya. Yung King para lang sumosyal sosyal. Pero mabaho pa rin


NGAYON


Naipanganak na ang aking napaka-kyut na pamangkin na manang mana sa kanyang Tito. Babae ang pamangkin ko at Hyacinta Fiona ang pangalan nya, tapos ang nickname nya ay Water Lily este HYA pala. Syempre ninong ako, oo nga pala April 9 ang bertdey nya.


2. KASAL NG ATE KO


NOON


Before, we have so many misunderstandings ng Ate ko, Kalabang mortal ko yun eh, ngayon bestfriend ko na ata si Ate kasi Accountant yan ng pamilya, so pagdating sa finances at budgeting eh sya ang inaasahan ko, lalo na sa mga pinapadala ko. Hehehe. Ikakasal na rin sya by April sakto sa bday nya, kaya bago man lang sya magtrenta eh kasal na sya!!


NGAYON


Ikinasal na nga sya, at dapat nga eh buntis sya ngayon, kaso may nangyaring problema, nagkaroon sya ng MOLE pregnancy. Medyo 1 out of 1,000 women nakakaranas ng ganun. Sad to say eh sya pa yung 1 na yun. Hopefully next year eh magkaroon na ako ng pamangkin sa kanya.


3. Graduation ng Dalawa kong kapatid!!!


NOON

Ibang klase nakapag patapos na rin ako!!! Sobrang hirap din ang dinananas ng Nanay at tatay ko maitaguyod lang yung 4 na kapatid ko na kay lalakas pang lumamon. Buti kamo nandito ako sa abroad at least natulungan ko sila sa pagpapaaral ng mga kapatid ko. Oo nga pala, yung isa Electronics and Communication Engineering, yung isa naman Architecture.


NGAYON


Nagtatrabaho na yung Archi kong kapatid sa Maynilad, tapos yung isa naman ay maraming offer from different companies pero kukuha muna ng board exam this March. Nakakaproud lang talaga, kahit wala akong naipon eh nakatulong naman ako sa kanila.


4. Magpapataba ako ng Konti


NOON:


Sa mga nagsabing mukha daw akong Adik, humanda sila at Magpopot session kami!!! Joke!!! Medyo payat ako dati at kita ang aking cheek bone, kaya naman nagmukha akong bangkay noon.
Adik na bangkay!!

NGAYON:


Medyo tumaba taba ng konti, at maraming nagsasabi kamukha ko raw si Piolo (syempre puro kapatid ko lang ang nagsabi nun). Medyo kasabay ng pagtaba ko ay ang pagkakaroon ko naman ng bilbil kaya ngayon naman ang pagpapayat ang gagawin (ano ba talaga kuya??)


5. Second Vacation ( April 2008 )


NOON


Napakaraming plano pag uwi ko, Baguio daw, sabi ng kapatid ko. Una, gusto ko sanang itreat ang mga nanay at tatay ko sa Hongkong. Kasi nga 35th anniversary na ng mga nanay at tatay, kaso sabi nga nila masya kung sama sama. Kaya palagay ko Baguio na nga lang!!


NGAYON


Walang natuloy sa lahat ng plano ko as usual, kasi dahil na rin heartbroken ako noon (huhuhu!!) at ngayon ko lang din napag-alaman na madali pa lang ubusin ang pera.GRABE.Pero bumawi naman ako sa nanay at tatay ko dahil binigyan ko sila ng GOLD RINGS (mabigat yun pwedeng isanla ng 10 libo ang isa, hehehe) at pinera ko na lang yung pang Hongkong nila kasi mahihiluhin daw ang nanay ko sa byahe. (eh mukhang mas masaya sila sa pera kesa sa Hongkong)


6. New Company, New Career


NOON


Eh nag-iisip isip din talaga akong lumipat ng company, medyo nagiging stagnant na ako eh wala na akong natutunan (teka ako ba talaga ito) Balak ko talagang lumipat ng ibang kumpanya ang lakas ng kutob ko na talagang sa ibang kumpanya na ako magtatrabaho!!


NGAYON


Dapat talaga lilipat na ako ng company this December, at natutuwa nga ako kasi mukhang totoo yung pakiramdam ko dati, pero napurnada talaga yung paglipat at pagyaman ko (hahahah!!). Naku tiis tiis na lang muna dito sa company sabi naman ng boss ko sya ang bahala sa increase ko. (Sana naman pleaseeeee)


7. Bagong Kaibigan Uli!!!


NOON


Mangongolekta ako ng katropa at kaibigan dito!!! Anti Social ako dati, although di talaga halata, but I prefer to stay at home kesa makipagsocialize sa ibang tao. Makapal ang mukha ko sa mga kaibigan at kapamilya ko, pero tiklop ako pag nasa harap na ng ibang tao. Madalas kasi di maganda ang impresyon sa aki. Masyado daw akong mayabang, saka minsan inis na inis sa akin kasi puro raw ako kahanginan at kapormahan.


NGAYON


Ganun pa rin ang dami ng kaibigan ko, pa-isa isa ay nadadagdagan naman. Medyo mahirap talaga na opisina-bahay-opisina, tuloy kahit medyo nasusuka ka na sa pagmumukha ng mga kasamahan mo, no choice ka na lang kundi lunukin mo uli ang suka mo!hahahah!! SAWAP!!


8. Mag-iipon na talaga ako!!!


NOON


Starting next year talagang ipon na talaga ako. Ayaw ko ng gumastos ng gumastos, basta alam kong kailanagn ko ng magsimulang mag-ipon para sa magiging bahay ko at sa bahay ng magulang ko. Matagal ko ng ipinangako yun sa magulang ko at pipilitin ko talagang mag-ipon para magbago ang bahay namin!!!


NGAYON


Hindi ako nakapag-ipon dahil na rin sa dami ng gastos lalo na sa pag-aaral ng dalawa ko pang kapatid na nursing ang course. Pero ang accomplishment ko naman ay napagawa ko kahit konti ang bahay namin. Mukhang bahay na sya at hindi na mukhang Haunted House. Bagong buong, bintana, pinto, at pinapinturahan ko an buong bahay, kaya halos di ko nakilala, kaya kahit papaano ay okay na rin.

Hay!! Ito ang naging review for the Year 2008. Medyo maraming hindi nasunod, meron din namang nasunod kahit papaano. Pero nakakatuwa lang balikan na parang kailan lang isinusulat ko ang gusto kong mangyari sa 2008 at ngayon tapos na ang taon at nagsusulat naman ako for the Year 2009.


Maraming nagbago sa akin this year, pero alam kong marami pang magbabago sa buhay ko next year. Bukas isisulat ko naman kung ano ang inaasahan ko sa Year 2009, pero kung bibigyan ko ng rating ang YEAR 2008 ko, siguro 70% kasi halos nasunod naman lahat ng gusto kong mangyari.


Iyun lamang at maraming salamat.

Tuesday, December 30, 2008

DA ADBENTYUR OP ALING PEKLA


PAAALA: Ang ibang mga salita dito ay medyo bulgar. Ito’y TOTOONG nangyari kaya hindi ko pwedeng baguhin ang diyalog.


Isang araw, nakita ko ang nanay ko na halos maiyak iyak sa kakatawa. Medyo natakot ako nun kasi baka naloloka na ang nanay ko, at magsasalita na lang ng “BASILIO, CRISPIN mga anak ko….”. Pero buti naman kilala pa nya ako, kasi inutusan pa nya akong mangutang ng isang kilong baboy sa tindahan ni Aling Josie. Pero nakakagulat lang na halos mahimatay ang nanay ko kakatawa kaya nagtanong na ako:


Ako: Nay, mukhang nakasinghot na naman kayo ng Rugby ah, bakit ba kayo tawa ng tawa? (close kasi kami ng nanay ko kaya ganyan ang biruan namin)


Nanayko: Eh kasi itong si Lumeng eh, may kinukwento sa akin tungkol kay Aling Pekla, whahahah!!(tawa)


Kaya ikinuwento na nya yung nakuha nyang chismis sa kapitbahay naming si Aling Lumeng.


Heto ang istorya………


Si Aling Pekla ay ang sikat na sikat na mangkukulam este manghihilot sa bayan namin, nasa edad na 75 na sya, payat at medyo MALI MALI. Lumuwas daw ng Divisorya si Aling Pekla nung isang araw at sumakay sa mumurahing bus ( yung hindi erkon). Nasa kalagitanaan ng byahe ang bus papuntang Maynila nang bigla na lang may naamoy si Aling Pekla na hindi kagandahan sa kanyang mag-amoy.


Bigla nyang tinanong yung katabi nya:


Aling Pekla: Hindi mo ba naamoy yun? Bakit parang amoy puke dito… (singhot) amoy puke eh!!! amoy puke talaga.Hindi mo ba naamoy yun, iho?


Mama: Eh, wala naman po akong naamoy eh!!!


Aling Pekla: Naku, eh amoy puke talaga e, amoy PUKKEEE. Napakabantot.Amoy Puke!!


Ngingisi ngisi lang daw yung Mama,sa sinabi ng matanda. Inintindi na lang nya yung matanda pero talagang mapilit itong si Aling Pekla, talagang bantot na bantot sya sa naamoy nya, kaya pati na rin yung driver ng bus na nasa unahan nya eh tinanong nya:


Aling Pekla: Naku iho, hinde mo naamoy yun, eh napakabantot eh, AMOY PUKE!! Baka naman nagkarga kayo dito ng sako sakong PUKE sa bus na ito, kaya ganun kabaho!!


Driver: Naku lola, wala po (sabay tawa), baka po siguro yung mga katabi nyo lang po at medyo hindi nakapaligo!!


Aling Pekla: Hay naku, eh talagang amoy PUKE eh!!


Hindi na kinulit ni Aling Pekla yung driver, kaya bumalik na lang sya sa kinauupuan nya. Pero para talagang syang pusang hindi matae, at patuloy na inaalam kung saan nanggagaling yung amoy. Pero biglang sumabat yung isang ale din sa likod nya:


Ale: Eh Manang ano ba yang nasa balikat nyo na parang may nakabukol???


Kinapa ni Aling Pekla ang balikat at nagulat sya sa natuklasan


Aling Pekla: Hay naku,eh ito pala yung Panty ko, Eh PANTY ko pala yung naamoy ko na yun!! Dito ko nga pala nilagay yung panty ko kanina nung umihe ako dun sa damuhan. Hay naku ito pala yun!!! Dyaskaheng PANTY to!!


Halos sumakit ang tyan ng mga katabi ni Aling Pekla pati na rin yung driver na nasa unahan nya. Pero si Aling Pekla, eh dedma lang, tiniklop nya yung panty at nilagay sa malaking wallet.


Yan ang kwento ng nanay ko sa akin, ito rin ang ichinismis ni Aling Lumeng sa nanay ko, kaya ganun na lang makahagalpak sa kakatawa ang aking mahal na ina. Pero hindi pa natatapos ang adbentyur ni Aling Pekla, nagkuwento uli ang nanay ko tungkol sa isang pangyayari pa sa Health Center.


Heto ang isa pang kwento:


Nagpunta daw si Aling Pekla kasama yung anak nyang si Aling Naty (na 36 na siguro ang edad) sa Health Center kasi may libre pakonsulta sa amin noon, Medical Mission kumbaga. Nandun din yung mga duktor mula sa Maynila, para tulungan ang mga kababaryo namin, at isa na nga dito si Aling Pekla.


Health Worker: Okay Mrs. Pecissima at Mrs Nenita (si Aling Pekla at si Aling Naty) pasok na po kayo sa loob.


(Sabay pasok ang matanda kasama ang kanyang anak)


Doktor: Ano po ba ang problema natin nanay?


Aling Pekla: Eh kasi itong anak kong si Nenita, eh mukhang may bukol sa likod nya, eh hindi ko nga po alam kung ano yun? Akala ko noon kulani lang o pigsa, pero hanggang ngayon eh hindi naman pumuputok pa o nawawala. Ano po ba kaya ang problema dok?


(Sinalat ang likod ni Aling Naty)


Doktor: Eh nanay, mukhang tumor po ata itong nasa likod ng anak mo, kailangan matingnan po natin baka malala na po ito


Aling Pekla: Ganun ba dok, Eh anong gagawin namin, eh paano kung malala na dok?
Doktor: EH KIKI MO!!!!


(Biglang namula si Aling Pekla at nagulat sa kanyang narinig, galit na galit sya)

Aling Pekla: Eh NAPAKABASTOS MO PALANG DOKTOR KA EH,!! (sabay hampas ng payong sa doktor)


Doktor: Teka lang po!! Teka lang po, nay (sabay ilag din ng duktor)


Aling Pekla: Damuho kang doktor ka!! Maysakit na nga ang anak ko, tapos sasabihin mong KIKI MO!! KIKI MO!! (Sabay hampas uli ng payong)


Inawat na ng Health Worker ang matanda, at pero hindi pa rin maalis ang inis ng matanda:


Aling Pekla: EH TITI MO RIN!!! DAMUHO KANG DOKTOR KA!! TITI MO RIN!! (sabay duro ng payong sa doktor)


Health Worker: Sandali lang po Aling Pekla, sandali lang po!!


(Biglang naghimasmasan ang matanda)


Doktor: Nay, ang ibig ko pong sabihin ng “KIKI MO” ay IKI- CHEMOTHERAPHY, kasi kung cancerous na po yung tumor kailangan po natin I-CHEMO. I-CHE-CHEMO (IKIKIMO)


Medyo tumigil na rin ang matanda, naintidihan na nya ang sinabi ng doktor at tila natauhan na rin.


Aling Pekla: Eh ganun ba doktor, pasensya ka na, akala ko kasi yung KWAN ko ang pinagdidiskitahan mo. Eh sige dok, babalik na lang po kami ng anak ko. (halatang hiyang hiya ang mag-ina)


Tinginan na ang tao sa kanya, at syempre kasama dun si Aling Lumeng na nagkwento sa nanay ko!!

Nagpag isip isip ko rin nga noon, hindi kaya adik itong si Aling Pekla at baka maraming syang nalalaklak na cough syrup na galing Health Center. kaya sya ganun, Pero hindi naman siguro!!!
Halos hindi matapos tapos ang kwento ng nanay ko tungkol sa adbetyur ni Aling Pekla dahil nauuna pa ang tawa nya kesa sa kwento. Medyo hindi nga ako natawa sa mga pinagkukuwento nya pero ng makita ko ang nanay na magkanda UTOT UTOT na kakatawa eh dun na lang ako talagang tumawa dahil sa kanya. . Kaya nawala na yung pagkaCOMEDY

Madalas nakakasalubong ko si Aling Pekla sa Munisipyo namin at lagi nya akong tinanong kung kaninong anak daw ako. Pag sinasabi kong anak ako ni Loreto (pangalan ng tatay ko) bigla ba namang magsasabi yun “ Aba eh paanong mangyayaring magiging anak ka nun eh kay itim-itim ng tatay mo, eh maputi ka iho”. Kahit na nilait lait ang tatay ko bumawi naman sya sa akin!hehhehe!!ASTIG KA ALING PEKLA!!!

Salamat sa pagbasa, iyon lamang at maraming salamat

PS.

Kung medyo nabastusan kayo sa dayalog, pasensya na si Aling Pekla ang bastos, hindi ako!!Hehehe!! Totoong nangyari ito at hindi kathang isip.Oo nga pla yung piktyur na nasa itaas ay kahawig lang ni Aling Pekla at hindi si Aling Pekla mismo.

Sunday, December 21, 2008

Ano ang gagawin mo? (Life and Death Situation)

Nasa kalagitnaan kayo ng seryosong meeting ng bigla ka na lang naUTOT na ubod ng lakas. Ano ang gagawin mo?

a. Ituturong salarin ang katabi at magagalit kunwa kunwarian sa kanya at sa amoy ng utot

b. Humingi ng sorry, at sabihing ito ang bagong RINGTONE ng cellphone mo.

c. Magdeny at magsabi ka na lang ng “MAMATAY NA ANG UMUTOT”


Meron kayong isang sosyal na Dinner kasama ng boss mo at mga katrabaho mo ng bigla kang nahatsing at lumabas ang green na green mong sipon. Ano ang gagawin mo?



a. I-uga uga ang sipon na parang mga BELL sabay kanta ng “Jingle Bells, Jingle Bells, Jingle all the way” .

b. Kunin ang mangkok at ilapit sa bibig, sabay singhot para akalain ng iba eh humihigop ka lang ng mainit na sabaw (kailangan gawin mo ito within 5 seconds)

c. Biglang takpan ang ilong at sabihing nagno-nose bleed ka lang, sabay magdrama na kunwaring nanghihina ka (kung sakaling may nakakita na green ang lumabas sa ilong mo sabihin mong bading ka kaya berde ang dugo mo)



Nasa kalagitnaan ka ng panood ng TV ng biglang may nangangaroling sa kapitbahay nyo, alam mong ikaw na ang susunod na pangangarolingan pero ayaw mong magbigay kasi makunat ka. Ano ang gagawin mo?



a. Biglang patayin ang ilaw, para magkunwa kunwaring natutulog na. Kung sakaling may nag “TAO PO”, sumigaw ng “HOY!! WALANG TAO DITO”.

b. Alisin ang parol at krismas layt . Palitan ito ng malaking buddah, at sabihing hindi ka naman Katoliko at wala kamong pasko sa relihiyon nyo.

c. Magtali sa gate ng pinakamabangis na aso, huwag pakainin ng isang araw para mukhang lalapa ng tao. Tyak wala ng magtangkang mangaroling sa inyo.



Medyo taghirap ang buong mundo ngayon, kaya kailangan mong magtipid at kumita, naisip mong medyo magandang rumaket ngayong Pasko, Ano ang gagawin mo?



a. Ipunin ang napamaskuhan ng anak mo at sabihin kailangan nilang bayaran ang damit nila, at dahil ikaw ang nanay doble o triple ang presyo ng damit.

b. Umaga pa lang simulan na ang pamamasko kasama ang mga anak mo, double purpose yun, para hindi ka maabutan ng mga inaanak mo sa bahay, at para naman makarami kayo ng mapamamaskuhan. Libre chibog pa!!

c. Sa tuwing pupunta ka sa mga kaanak mo para mamasko, magdala ng malaking bag, subukang magpuslit ng ilang mansanas, orange, ubas, tinapay, at kung kaya mong kuhanin yung isang garapong Chiswiz na hindi mahahalata, mas mainam. Tyak meron ka ng handa sa Media Noche (New year’s Eve), pwede ka na ring magtayo ng maliit na tindahan sa harap ng bahay mo.



Alam mong hindi gaanong maganda ang pagkakagawa sa iyo ng Dyos (in short PANGIT)at medyo malakas ang apog mo,gusto mong yumaman at maging sikat. Ano ngayon ang gagawin mo?




a. Pakapalin mo ang mukha at mag-apply ka bilang maging Artista. Kahit magbabatuk batukan ka ng mga bidang artista sa pelikula, eh tanggapin mo na lang baka sumikat ka pa . Maari ring sumali sa mga Reality TV, para magkaroon ng “EKSPOWSHUR”.


b. Subukan mong pumasok sa Pulitika o maging pulitiko, ang kailangan mo lang ay marunong sa magic o hokus pokus at dapat hindi ka magaling sa MATH para sa Dagdag Bawas. Then magugulat ka na lang sisikat ka na, yayayaman ka pa.

c. Subukang maging Boksingero ( habulin ka na ng chicks, kukuhanin ka pang artista, at ngayon aalukin ka namang maging pulitko, 3 in 1 parang kape lang)



Nagchichikahan kayo ng mga amiga mo ng biglang, nahulog mula sa buhok mo ang dalawang malulusog at naglalakihan KUTO mula sa ulo mo (nice ,bigtime sa iyo ang mga kutong yan), ano ang gagawin mo?



a. Sabihing ito ang bagong usong ipit ngayon “ROBOTIC”

b. Sabihin mugmog lang yun ng BROWNIES na kinain mo kanina (kung sakaling kayang kainin, eh kainin mo para REALISTIC ang dating)

c. Sabihing itim na ang Dandruff mo ngayon dahil sa mamahaling shampoong gamit mo (at least nakapagmayabang ka pa)

Ang mga TIPS na yan ay maaring makatulong sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Matagal itong sinaliksik at pinag-aralan para matulungan ang bawat isa na makaisip ng mga paraan sa mga pangyayari medyo mahirap takasan at lusutan.



Nawa’y itoy nakatulong para lalo pa nating ma-improve ang ating mga buhay at sarili. At para sa mga katanungan pa at problemang gustong hanapan ng solusyunan mangyayari sumangguni sa akin, heto ang aking address:


DOC LENG
LUWAG TURNILYO MENTAL HOSPITAL
P.O Box, Tae in a Box, UTO- 10
Quezon City.
Tel No. 123 (asawa ni marie) 456 (pick up stick)

Tuesday, December 16, 2008

HUMORSCOPE



Sagittarius (Tikbalang o kabayong Potro)


Iwasan ang paggastos kasi baon baon ka na sa utang, aba kapal peys ka pang utang ng utang.


Paalala: Ang credit card ay binabayaran din, kaya wag mong isipin na libre ang mga pinamili mo pag gumamit ka ng credit card


Lucky Colors: White (paghinahabol ka ng pinagkakautangan mo gamitin mo ito para ka sumuko)


Lucky Number: 9 (pag nanalo ka sa lucky 9, ipambayad mo na ng utang)


Capricorn (Ang sirenang kambing)


Mahuhuli ka ng misis mo na nangangaliwa ka, okay lang sana kung si Mare ang tinangay mo eh kaso si PARE pala ang kinakasama at kinakalantari mo ngayon.


Lucky Color: FUSYA, este FUSHHHSIYA, mali este FUSSSSHIYA, naku RED na lang


Lucky Number: 11 (uhmmmm, kasi espadahan)



Aquarius (NAWASA)


May good new at bad news ako sa iyo;


GOOD NEWS: Makapag-abroad ka na rin sa wakas, dahil ito ang matagal mo ng pinapangarap


BAD NEWS: Kaso makalipas ng 5 araw babalik ka ulit sa Pilipinas, recession kasi ngayon kaya nagsara yung pabrikang pinapasukan mo


Lucky Color: Brown (kulay yan ng kamote, simulan mo ng magtanim kasi wala ka ng trabaho)


Lucky Number: 5 and 6 (ang taong gipit sa payb siks lumalapit)



Pisces(ang sign ni NEMO)


Maswerte ka kasi makakapag-asawa ka ng mabait , mayaman at gwapo. Kaso yun nga lang sya naman ang minalas kasi ikaw ang napapangasawa nya.


Lucky Color: Black (kasi hanggat bulag sya sulitin mo na)


Lucky Number: 0 (zero, as in wala akong maisip kung bakit swerte yan sa iyo)


Aries (Kalderetang Kambing)


Tatama ka sa Lotto ng tatlumpung milyon, pagkatapos mapropromote ka pa sa trabaho at magiging mabait sa iyo ng misis mo. Kaso bigla ka na lang magigising at malalaman mong panaginip lang pala ang lahat.


Lucky Color: Yellow (Yellow, sino po sila?)


Lucky Number: 8 ( walong stars ang makikita mo kung hindi ka pa rin makakakita ng trabaho)


Taurus (Argentina Corned beef))


Magiging maganda ang araw mo ngayon, yun nga lang magiging maulan pala at hindi sisikat ang araw kaya Pangit pala mangyayari para sa iyo ngayon. Sorry!!!


Lucky Color: Kulay Tae (pangalan pa lang mukhang maswerte na!!)


Lucky Number: 7 (pitong araw uulan kaya wag ng umaasang maganda ang linggo mo)



Gemini (Kambal tuko)


Magtatalon ka sa sobrang tuwa kasi magkakaroon ka na ng baby at kambal pa, kaso bigla ka na lang magagalit kasi BAOG ka nga pala


Lucky Color: Blue (kasi mangangasul sa pasa ang asawa mo kung magkataon)


Lucky Number: 2 (kambal kasi ang anak mo eh, eh sorry baog ka nga pala)



Cancer ( pinakawawang sign kasi may sakit agad)


Iwasan magagalit ngayon kasi baka atakahin ka sa puso, kaya panatiliing laging kalmado. Oo nga pala yung asawa mo sumama na sa ibang lalaki, tapos yung anak mong dalaga buntis at yung paborito mong sapatos ningatngat pala ni bantay.

Lucky Color: Violet (kasi mukhang ibuburol ka na sa natuklasan mo)


Lucky number: 3 (wala lang bigla ko lang naisip ang number na yan)


Leo (Pusang pampalaman sa siopao)


Matutuwa ka kasi nagpa-tattoo sa braso ang anak mong si Junior na pinagdududahang bading, kaso magugulat ka nalang kasi si HELLO KITTY pala ang design ng tattoo nya. Dahil dito it’s CONFIRM!!


Lucky Color: FINK (may lambing sa dulo)


Lucky Number: 10 (mahilig kasi sa unat at bilog)


Virgo (ang sign ni Madonna “like a virgin, touched for the fifty first time”)


Isang pangyayari ang hindi mo inaasahan na mangyayari sa iyo. Pag utot mo nagulat ka na lang na parang nabasa ang underwear mo, at pagsilip mo, nakikita mo may kulay brown (yaks, pururot)


Lucky Color: Red and Yellow (Kulay ng Jollibee at ng McDo, dyan ka tatae pag emergency)


Lucky Number: 1, 2, 3, sabay ire.



Libra (kilohan)


Pupurihin ka ng teacher mo kasi nakarami ka ng yema sa klase. At dahil komo paninda nya yun may plus 5 ka sa periodical exam mo. Bukas maghanda sa isang mahalagang project uli ng teacher, mabuti mag-ipon sapagkat tocino at longanisa naman ang ititinda nya.


Lucky Color: Red uli (kulay ng longanisa at tocino)


Lucky number: 5 (laging iyan ang plus mo)


Scorpio (da best na sign)


Magiging maswerte ka sa buong taon,yayaman ka at pinakagigiliwan ka ng lahat ng tao. Isinilang kang mabait, masipag at higit sa lahat cute


Lucky Color: lahat ng kulay maswerte sa iyo


Lucky Number: lahat ng number maswerte din


Hahaha, wala pakialamanan eh birth sign ko yan eh!!

Thursday, December 11, 2008

Boksing ng Buhay

BAGONG LIMANG PISONG PAPEL





ANG MAGBESPREN




LORD OF THE RINGS




BOKSING NG BUHAY

Kagagaling ko lang ng isang linggong bakasyon, ang sarap palang pabulukin ang mata mo kakatulog at pabondatin ang tyan mo kakalamon. Syempre hindi ko rin pinalampas ang laban ni Pacquiao.


Sikat na sikat si Manny Pacquiao ngayon, halos lahat ata ng tao talagang tutok na tutok sa laban nya. Numero unong fan ang tatay ko ni Manny , at napapasuntok sya sa bawat sapak at bugbog ni Pacquiao sa mga kalabang Mehikano. Nakakatuwa at nanalo sya, at talaga namang napatalon din ako sa labis na kasiyahan. Yun nga lang habang tutok na tutok ako sa telebisyon, bigla na lamang akong naiinis sa nakita ko.



Hanggang ngayon hindi ko lubos maiisip kung ano ang ginagawa ng ilang mga kilalang pulitiko sa ibabaw ng Ring. Halos nawala sa ibabaw ang mga trainor ni Pacquiao at napalitan ito ng mga pulitiko na hindi mo alam kung sabik na sabik lang ba sa camera, o talagang nagpapansin lang. Katulad na lang ng ating bise president, iniisip ko ano ang ginagawa ng ating pangalawang pinakamataas na pinuno ng ating bansa sa ibabaw ng Ring, isa ba itong napalaking isyu ng Pilipinas kaya sya nandun.Hindi ba maraming bagay na kailangang unahin kaysa sa laban ni Pacquiao.


Eh si DENR Secretary Lito Atienza, nandun din, inuna pang manonood ng boksing kesa asikasuhin ang budget ng DENR, kaya tuloy puro katiwalian ang nangyayari sa DENR, at panay baha ang inaabot ng ilang probinsya kasi pinabayaan nyang mamutol ng mamutol ang mga illegal loggers sa kagubatan. Sana maisip nya na itoy budget para sa isang taon, at mahalaga sya sa deliberasyon nito. May TV naman at pwede namang dun na lang sya manood, bakit kailangan pa nyang ipagpaliban ang mahalagang gampanin nya sa kanyang departamento para lamang makita ang laban ni Pacquiao ng malapitan?



Si Gov. Chavit Singson, daig pa ang promoter sa pagpapapogi nya sa harap ng camera.Hindi na ako magtataka kung bakit nandun sya,kasi alam kong malaki ang pusta nya, kaya sya nandun.
Bayani ang tawag kay Manny, kaya namang halos sambahin sya ng ibang tao sa kanyang angking kakayahan sa larangan ng boksing at talagang pinagbuhusan sya ng malaking importansya pagdating nya sa Pilipinas. Pero hanggang ngayon hindi ko rin maunawaan kung bakit ganun na lang ang atensyong binigay ng ating Gobyerno sa kanya, ano ba ang malaking kontribusyon ni Manny sa ekonomiya natin?Naitaas ba ni Manny ang kabuhayan nating mga Pilipino? Guminhawa ba ang buhay natin dahil sa pagkapanalo nya? Itutulong ba nya sa mahihirap ang milyon milyong dolyar nyang kinita sa laban niya kay Dela Hoya? Bakit aligagang aligaga ang mga pulitiko sa pagdating ng ating tinatawag na “Pambansang Kamao”at talaga namang nakikisakay sila sa kasikatan ni Manny. Dahil kaya malapit na ang eleksyon?


May usap usapan pa na tatakbo sya bilang kongresista, at maraming pulitiko ang nanliligaw sa kanyang tumakbo sa eleksyon. Kung maging kongresista kaya sya, kaya ba nyang i-knockout ang kahirapan ng bansa? kaya nya bang bugbubugin ang katiwalian sa gobyerno? Kaya ba nyang i-uppercut ang mga hinaing ng publiko. O baka maging tau-tauhan lamang sya ng mga nakakataas sa kanya at gamitin lamang sya sa kanilang mga pansariling interes. Sana huwag ng subukan pang pumasok ni Manny sa pulitika kasi tyak masisira lamang ang pangalan nya at kakalawangin ang mga tropeo nya kung nagkataon. Kung gusto nyang magsilbi sa bayan, magtayo na lang sya ng mga Foundation na tumutulong sa mahihirap, kung papasok sya sa pulitiko para maging sikat, hindi na kailangan yun kasi sikat na nga sya. Kaya bakit pa sya papasok sa pulitika?



Sa maisip ng ating gobyerno na maraming bagay na dapat pagtuunan ng pansin, maraming bagay ang dapat bigyan ng importansya. Walang masama ang humanga, o di kaya parangalan ang isang taong nagbigay sa atin ng karangalan sa mundo ng boxing pero sana tandaan natin na SPORT lamang yan at wala namang epekto yan sa nararamdamang kahirapan ng bansa. Hindi naman dadami ang investor sa bansa natin sa pagkapanalo ni Manny, hindi naman tayo papatwarin sa ating pambansang pagkakautang kung natalo niya si Dela Hoya, at hindi naman tayo yayaman kung sakaling manalo sya ng milyon milyon sa laban nyang iyon.



Ako hanga ako kay Manny, kasi magaling syang boksingero. Wala akong nakikitang mali sa ginagawa nya at talagang nagbibigay karangalan sa ating bansa. Subalit sana bigyan din ng malaking atensyon ang ibang suliranin ng ating bansa ng ating gobyerno, at bigyan importansya ang ibang bayani ng bayan natin na natumutulong sa pagunlad ng ating ekonomiya. Sana dumating ang isang araw na ang sasalubungin natin at bibigyan ng parangal ay ang mga Pilipinong nagbigay ng malaking kontribusyon sa ating ekonomiya. Dumating din ang pagkakataong magbubunyi ang buong Pilipinas dahil nanalo rin tayo sa wakas sa boksing ng buhay at naknock out natin ang katiwalian sa Gobyerno.


Iyun lamang po at maraming salamat!!

Wednesday, December 3, 2008

HAPI BERTDEY TATAY

Malapit na bertdey ng tatay ko December 10, medyo piptiseben na ata sya. Alam nyo maraming bagay ang talaga namang nakakabilib sa tatay ko. Kapuwitan mang sabihin na sya talaga ang “dabes tatay in da hol wayd unibers” (naku, lagi kong naririnig yan sa mga batang may hihingin lang na paekek sa mga tatay nila). Isang hamak na magsasaka ang tatay ko at kami ay nagmamay-ari lamang ng isang maliit na hasyenda na umaabot na libo libong ektarya (joke lang), madalas nakikita ko ang tatay ko na talaga namang hirap na hirap sa pag-aararo, tumatagaktak ang pawis sa pagtatrabaho, at magkandakuba kuba na sa pagtatabas ng damo. Samantala ako, ay pakuya kuyakoy at pakula kulangot lang sa isang tabi. Ayaw ko kasing mabilad sa araw kasi pakiramdam ko magiging nognog ako (eh pangit na nga ako, nognog pa). Eh wala ng magawa ang tatay ko kundi pagpasensyahan na lang ang suwail, tamad at napakakyut nyang anak.

Madalas pagdating ng sabado (kung saan wala akong pasok) eh mag-iisip na ako ng dahilan. Minsan sasabihin kong may “group project” kami, pero manonood lang ako ng sine, o hindi kaya magpapaulan ako at pagpapatiyo ng pawis para magkasakit ng Sabado. Yan ang paraan ko para makatakas sa bukid naming. Kaya naman nakakaawa naman talaga ang tatay ko kasi talagang nagbabanat sya ng buto para buhayin ang walo nyang anak na parang mga konstraksyon worker kung lumamon.

Madalas naman pag pinagsusuga ako ng kalabaw namin sa bukid, eh talaga namang halos takpan ko na ang buong mukha ko ng sombrero at mag mistulang parang ninja para hindi ako makita ng mga kaklase ko at tuksuhin, kasi nga ang press release ko noon “Mayaman kami”(hahaha!! kapal peys talaga). Basta halos hindi ko na matulungan ang tatay ko sa bukid, madalas pag pinipilit akong pumunta ng bukid talaga namang parang lindol sa amin kasi nagdadabog ako sabay banta sa nanay ko “Sige papuntahin nyo ako sa bukid, pag natuklaw ako ng ahas, mamatay ako” (kala mo namang napakahalaga ng buhay ko?hahaha)
Ang tatay ko araw na araw yun kung magsimba, santo nga kung tawagin ko yun eh. Saka kilalang kilala sa amin yan na napakabait na tatay, at ako naman kilalang kilala sa amin na napakasuwail na anak (joke lang, gud boy po ang pautot ko sa amin). Basta sya yung napakabait na tatay, kaya naman ang naging produkto nila ay mga mababait na bata katulad ko (kyut pa!!).

Marami pang mga ginuntuang aral ang binigay sa akin ng tatay ko na isinanla ko na sa mga pawnshop tulad nito
“Mag-aral ka ng mabuti anak, para magtagumpay ka” (Eh kitams kaya ako naging Onor istyudent)”
“Ang tao matuto lang mahiya, tao na” (Tao po ba ako tay?paano yan makapal peys ko)
“Huwag kang makakalimot sa Dyos, at laging magpakumbaba” (Amen po itay)
Iyan ay ilan lamang sa mga aral na bigay ng aking butihing tatay. Kaya ngayon nasa abroad ako at medyo nagmature na (parang hindi naman eh), medyo nagsisisi na rin ako sa mga pagkasuwail ko noong bata. Kaya naman bumabawi na ako sa tatay ko ngayon, hanggat maaari talaga namang ayaw ko ng mahihirapan ang tatay ko. Ayaw ko ng paountahin yun sa bukid at pinapaupa ko na lang sa iba. Madalas din pag tumatawag ako sa kanila laging may “AY LAB YU” kahit na baduy sa iba, pero sa akin eh makahulugan yun.Ayaw ko kasing maubos ang panahon na hindi ko man lang nasasabi ang mga bagay na iyon at maparamdam ko sa kanila hindi lang sa gawa pati sa salita. Masayang Masaya ako na sya ang naging tatay ko kasi wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kundi dahil sa kanya, kaya utang na loob ko sa kanya ang lahat ng tagumpay ko. Kaya naman sa bawat pag-uwi ko rin, kinakailangan bibigyan ko sya ng pinakamahal na pasalubong sa lahat. Kahit man lang sa mga material na bagay eh magantihan ko ang kabutihan ng tatay ko.

Marami pa akog gusto sabihin sa kanya pero tyak aapaw ng luha dito (hahahha, may ganun kadramahan). Basta gusto ko lang ipagsigawan sa mundo kung gaano kabait at karesponsable ng tatay ko, para malaman nila kung gaano ako kapalad bilang anak nya.


Kaya sa Tatay Loreto ko, HAPI HAPI BERTDEY!!!