QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, August 26, 2009

STAGES NG BUHAY!

Dumarating sa isang stage ang mga lalaki na kung saan sobrang EL nya (alam nyo nayun) yung tipong miski aso o baboy papatulan nya. Ako, dumating sa akin ang stage na ito noong college na ako.Pero hindi ko naman inisip patulan ang aso o baboy pero meron akong koleksyon ng mga pelikula. Ito ang klase ng pelikula na puro aksyon pero wala namang away, pelikulang maganda kahit walang istorya, pelikulang walang dialogue kundi puro ungol lang at pelikulang nakakaubos ng lakas at kapangyarihan.

Ako suki ako ng mga tinderang nagbebenta ng mga pelikula na yan at todo tawad pa ako sa tindera para bumaba ng kahit limang piso ang mga pelikulang malalaswa na yun (sayang yun pangsamalamig na rin). Halos nauubos na rin ang baon ko makabili lang ng mga iyon (fishball na nga lang ang tanghalian ko eh). At halos lahat ng bansa at nasyon meron ako sa aking koleksyon (pati mga eskimo, tiga-antartica at tiga-buwan meron ako, name it I got it). Kaya umiisip ako ng paraan para makarami ng bili sa mga pelikula na yan, at dito nakaiisip ako ng istayl kung paano makakagoyo.

Dahil komo halos lahat ng pelikulang meron ako ay paulit ulit ko nang napanood. Halos kabisado ko na rin ang gagawin nila at nagsawa na rin sa iba kong kolesyon . Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ko sya mapapalitan. At heto ang istayl dyan:

Step by step panloloko sa mga tindera.

Karaniwan sa mga pelikula na yan ay iba ang loob sa cover nila. Hindi na rin ito binibigyan ng importansya ng mga tindera basta sa kanila for as long na malaswa iyon okay na. Kaya kahit iba ang title sa loob at labas, okay lang .

Heto na paki tandaang mabuti lalo na yung maeel dyan

1. Dalhin ang mga napagsawaang pelikula at magdala rin ng bag para doon ito itago

2. Pumunta na sa target na tindera at mamili ng gusto mong malalaswang pelikula

3. Magpapansin sa tindera, para matandaan ang mukha mo dahil yang mukha mo na yan ang gagamitin mo sa pangogoyo

4. Bilhin na ang pelikula at magbayad

5. Magtago sa isang gilid at doon palitan ang loob ng supot ng mga pelikulang napagsawaan mo ng panoorin. Kunin mo ang bago at itago sa bag.(Gawin ito sa loob ng 2 minuto)

6. Bumalik sa tindera at sabihing papalitan mo ang binili mo kanina dahil napanood mo na ito kunwari at mukhang meron ka na nito. (At dahil kilala ka naman na ng tindera bunga ng pagpapakyut mo sa kanya at 2 minuto pa lang ang nakakalipas tyak papayag si Manong o Ate)

7. Ihalo ang unang binili at mamili ng bago. Presto dalawang bagong pelikula na ang meron ka.

8. Gawin ito sa iba pang tindera. Tandaan gawin ito sa iba pang tindera at huwag sa iisang tindera lang.

*Para sa detelyadong procedures paki-email lang ako!!

Ganyan ang istayl ko, medyo ako lang ang nakaisip nyan at walang ibang taong nagturo sa akin ng kagaguhan nay an. Kaya naman sinasalin ko na ito sa iba pang sobrang maeel para kapulutan ng aral.

Medyo natigil lang ako sa pangongolekta noong nahuli na ako ng nanay. Binuksan nya kasi yung cabinet ko at magtitiklop sana sya ng aking mga damit. Pero halos himatayin sya at nagulat sa dami ng pelikula meron ako sa aking cabinet. Gusto ko sanang ikatwiran yung sinabi ni Pablong Pabling na “Okay lang yan nay!, eh kesa mag drugs ako!!”.

Kaya isang buwang sermon ang inabot ko sa aking mga magulang at sari-saring pangaral ang inabot ko sa kanila.At isang araw nagulat na lang ako dahil dinala nila ako sa isang prayer meeting at sinimulang ipray over ng mga kachurchmate ng mga nanay. Halos mabingi ako sa lakas ng mga bunganga nila sabay sabi "Lumayas ka Satanas sa katawan ng batang ito! Lumayas ka!!" habang sinabuyan ako ng holy water , sori laway pala nila yun. Akala ata nila sinasapian ako ng masamang ispiritu o ng demonyo pero totoo ang eh ako lang talaga yun. Hindi si Satanas yun, Ako lang po yun Nay!

Ngayon , tapos na ako sa stage na yan (naks depensib). Napagdaan ko na yan at graduate na ako sa ganyang mga bagay. Wala na yung koleksyon ko kasi pinagsusunog na ng nanay ko (sayang dapat binenta ko na lang, kumita pa ako). At marahil eh hindi na ako ganung ka-el tulad ng dati (minsan na lang,hehhee!Eh kesa naman magdrugs ako)

Maraming mga stages ang buhay natin, pati rin naman ang kabiguan,kalungkutan at kadramahan bahagi ng stages sa buhay natin. Darating din ang araw na matatapos din ang lahat, at masasabi natin sa ating mga sarili na napagdadaanan na natin ito. Lilipas din ang lahat at mapupunta tayo sa ibang stage pa ng buhay natin. Kaya huwag nating isipin na habang buhay na lang tayong manatili sa isang stage na yun. Dahil maiiba din ito. Kaya subukan na lang bigyang motibasyon ang sarili na ang lahat ay hindi permante dahil matatapos din ang lahat.

Kapag naalala ko ang mga kagaguhan ko noong nagbibinata ako, nakatatawa na lang.Akala nga ng magulang ko makapag-aasawa ako ng maaga. Pero buti na lang nakapagpigil pa ako! Hahahaha. Meron na akong bagong kinokolekta ngayon……………. ano yun ??? ….nangongolekta ako ngayon ng….......... basura (ika nga may pera sa basura), okay na yun eh kesa naman magdrugs o magrugby ako!

Ingat at salamat

Saturday, August 22, 2009

Justine



Hindi ba kailan lang ay pinag-usapan natin yung tungkol kay Lady Gaga dahil isa pala syang TIKI-TIKI, kahapon lang ay nagulat ako bakit heto sya.

Dito sa GMA-Pinoy TV first time pinalabas ang Survivor-Philippines, kaya nga medyo excited akong panoorin ito. Yung una kasing Survivor ay hindi napalabas dito, pero napanood ko sa internet. Sikat na sikat nga si ENDAY dun eh (Patani) pero ngayon parang wala na syang EKSPOYSHUR. Kaya inaabangan ko itong Survivor Philippines-Palau, syempre gusto kong makita kung ano ang mga kapuwitang bumabalot sa palabas na ito.

Syempre para sa aming mga manyak este mga lalaki ang inaabangan namin dun ay ang mga naggagandahan at nagseseksihang mga ebababs. Lalo pa’t beach ang location ng Survivor kaya lalabas ang mga swimsuit nila habang nakakipagpatayan manalo lang ng 3 milyon (aba pwede!) kaya tyak may kung anong sisilip dun na di dapat sumilip (manyak na manyak)

May isang ebababs dun ang talaga namang naka-agaw ng aking atensyon, sa seksi at ganda nya talaga namang mahuhumaling ka sa kanya. Kamukha nya si Heart Evanghelista na may pagka Rica Paralejo. Kaya nung makita ko talaga eh pinapantasya ko na sya, at mula kuto hanggang kuyuko nya sa paa ay talagang katakam takam. (nice ginawang ulam ah)

Pero ano itong natuklasan ko na talaga namang nagpatindig ng aking balahibo, ang aking pinapantasya ay isa palang............... dating lalaki. HUWWWWWWWAAATTT! Tama ka sa iyong nabasa dahil isa syang retokada, ang kanyang kwan ay bunga lang ng syensya. Kumbaga pinatabas na parang damo ang kanyang YOU KNOW at saka biniyak ito na parang buko para maging YOU KNOW ng babae. Sya ay pinanganak na may lawit. Kung ang lawit ko ay tanda ng aking kakisigan (naks, meganun), eh para sa kanya eh keychain lang pala yun.

Medyo nanlumo ako sa natuklasan ko kasi parang ang gara sa pakiramdam. Kumbaga parang bumili ka ng sapatos na akala mo original yun pala eh peke pala yun. Ganyan ang aking nararamdaman ngayon, hehehhe! Pero sa totoo lang hindi mo talaga mahahalata dahil mukha talaga syang babae, boses babae at katawang babae. Meron kasing mga bading na kahit na anong retoke ang gawin sa katawan nila ay matigas pa rin ang kanilang pagmumukha...in short mukha silang kargador. Pero sya talagang walang kabakas-bakas ng pagiging kargador.

Natatandaan ko noon ng minsan nagyaya ang girlfriend ko sa Klownz-Quezon Ave, nagpunta kami dun at umupo sa may unahan. Hindi ako natakot kung lait-laitin ako ng mga hosts basta umupo kami malapit sa stage medyo game naman ako eh (game akong pasabugin ang mga thyroid glands nila,hhhehe joke lang) . At nagulat na lang ako ng makita ko yung isang hosts dun, kasi mas maganda at makinis pa sa girlfriend ko. Ubod ng puti at seksi, at talagang babaeng babae ang dating. Pero halos magshutdown ang utak ko ng hindi nya maproseso kung babae o lalaki ang nakikita ko, kasi sa ganda at seksi nyang yun eh ang kinakanta nya ay “SEX BOMB” na mas malalim pa sa boses ni Tom Jones. Talagang hindi kinaya ng 512MB kong utak dahil hindi tugma ang nakikita sa naririnig ko. (Kailangan kong iupgrade ang utak ko..gagawin kong 2GB)

Kaya talagang iba na talaga ang panahon ngayon, hindi mo talaga alam kung sino ang totoong babae at sino ang hindi. Kung sino ang magbibigay sa iyo ng anak at kung sino ang joke joke lang o magsasabi sa iyo ng YARI KA!

Tandaan natin na sa buhay natin, hindi lahat ng nakikita ng mata natin ay sapat na. Hindi ibig sabihin ng maganda sa ating paningin ay totoo at tunay na ito. Kung minsan nadadaya tayo ng ating mga mata, at napapangunahan na tayo ng ating mga nakikita. Sa huli matutuklasan natin na kaya pala meron tayong iba pang mga senses ay para mas lalo natin malaman ang katotohanan. Hindi lang mata dapat na ating ginagamit kundi dapat lahat ng ating mga senses ay gamitin para alamin ang katotohanan. Tandaan na ang nakikita ng ating mga mata ay pabalat laman at hindi ibig sabihin na kung maganda ang pabalat ay maganda ang nilalaman din nito. Alamin ang mga bagay sa ibat ibang perspektibo at hindi mula sa ating mga mata lang.

Sa akin hindi ko huhusgahan si Justine Ferrer kasi buhay nya yun, at wala naman akong kinalaman sa kanya. Katawan nya yun at malaya syang gawin kung ano ang gusto nyang alisin o biyakin sa katawan nya.

Pero meron lang akong katanungan na kanina pa nagswiswimming sa malabnaw kong utak.....

Ano kaya ang tunay nyang pangalan....Justiano kaya, Justino ahhhh...... baka naman BADONG???

Yun lang at salamat sa pagbasa

Saturday, August 15, 2009

Five School Facts (Itag-tag mo tag!!)

Salamat sa pagtatag sa akin ni Jepoy para sa “Five School Facts”, at dahil sa adik ako eh susunod ako sa kanyang mga pinaguutos (basta bigyan mo pre ng isang pakete ha!,hehhee):


FIVE SCHOOL FACTS NI DRAKE


1. Sa lahat daw ng naging kaklase natin, meron daw isang taong hindi natin makakalimutan. Kahit na umabot pa ng mahabang panahon, sya pa rin ang lagi nating naalala. Sya yung taong halos lahat ng buong klase pati mga guro natin alam nila kung sino yun. Naintriga kayo kung sino sya?Well tyak kilala nyo sya ,kasi sya yung kaklase mong……… dyaran………….. natae sa school. Tyak naalala nyo na yung pangalan ng kaklase nyo na yun ngayon (at tyak nabibilaukan na rin yun). Kalimitang sa mga natataeng estudyante na ito ay ang pinakatahimik sa klase at ayaw umalis sa upuan nya, kasi naka epoxy na ang pwet nya dahil sa tae. Buti naman at hindi ako ang natae na yan, pero katabi ko sya. Francisco ang pangalan nya (nasa row 2 sya nun). Tandang tanda ko nun, akala ko mabaho lang talaga ang hininga ko, yun pala nagpasabog na pala sya ng bioweapon sa tabi ko daig pa ang lindol intensity 8 sa lakas ng aftershocks ng amoy (dumidikit sa balat). At dahil sa kanyang krimen na ginawa, nag-umepal tuloy ang titser ko nung greyd wan, dahil napagdesisyunan nilang magpagawa ng C.R. At dahil ako ang Presidente ng aming klase eh awtomatiko na tatay ko ang pagpapagawa ng C.R. Kaya kung mapupunta sa eswelahan naming eh nakaukit na ang pangalan namin ng tatay ko sa indoro hehehehe! Nakalagay “Donated by Drake at Tatay ni Drake”!!!Wow sosyal na sosyal! Yan ang malaking kontribusyon ko sa school namin noon.

2. Ako ang dakilang tagalista ng mga maiingay sa klase namin noong grey por pa ako. Nagtataka nga ako sa titser ko kasi ako yata ang pinakamadaldal sa klase pero sa akin binigay ang paglilista ng maiingay. Sa bawat lista ko ay piso ang katumbas nun, syempre kahit hindi maingay yung mga kaklase ko, gumagawa ako ng ikaiingay nila. At gagawin ko ilalabas ko ang bago kong pencil case na may piano. Syempre manghang mangha ang mga timawa kong kaklase dahil nun lang sila nakakita nun (wala kasi sa bundok nila yun eh). Habang kinakalikot nila ang pencil case ko, sabay sulat ko na ng mga pangalan nila. Hehehe! Nakarami din ako nun. Heto na kamo ang twist dyan, dahil nga nakarami na ako ng lista at marami na rin akong naipon, pakiramdam ko noon eh akin yung perang nakolekta ko, kaya nagfefeeling mayaman ako. Kada uwi ko sa bahay lagi akong may nguya-nguyang chippy o di kaya bagong laruan. Takang taka ang nanay ko nun kasi maliit lang naman ang baon ko pero ang dami kong pera, kaya ang press release ko sa kanya eh napulot ko lang yun (chippy napulot??). Nung kukunin na ng titser ko yung nakolektang kong pera. Ang ginawa ko umatungal ako sa harap nya at sinabi “nanakawan ako”. Hindi ako tumigil kakaiyak hanggat hindi ko napapabilib ang titser ko. Sa huli lusot din ako at pinarusahan yung kaklase kong lagi kong inililista kasi sya ang napagbintangang nagnakaw ng pera.(kawawa naman)

3. Nakatapos ako ng college na hindi nag-aaral. Engineering ang course ko, at sympre puro MATH yun. Nakakatawang isipin na sa limang taon ko sa Engineering (kasama pa dyan ang 4 na summer classes) eh wala akong sariling calculator. Eh hindi dahil sa wala akong calculator pero kasi iniiwanan ko na lang sa bahay dahil mas kailangan yun ng nanay ko sa pagkukwenta nya ng mga utang namin. Sosyal ang nanay kasi gusto nya scientific pa. (Grabe gumagamit pa si nanay dun ng square root, cosine, x to the nth power). Kaya ako pagkatapo mag-kompyut ng katabi ko eh nakaabang na ako dun at makikikompyut din. Sanay na ako dun, kaya iwas na iwas naman sa akin ang mga katabi ko . Pero sa huli, nakakapasa pa rin ako (sila bagsak, belat…). Utakan lang yan. Wala din akong notebook, wala din akong ballpen. Lahat yun hinihiram ko lang sa kaklase ko, ang tangi ko lang dala eh yung bag kong puro basura lang ang laman.


4. Noong nag-aaral na ako ng kolehiyo, syempre medyo mapusok na mapusok ka pa (in short malibog hehehe). Ako ang dakilang tagahiram ng mga VCD/DVD ng mga bold movies ng aking mapupusok na mga barkada (eh alam nyo na ang equivalent ng mapusok di ba?). Syempre manghihiram na nga lang ako eh dinamihan ko na rin ! Mga pito siguro yung nahiram ko! Mistula akong bumbay na pwedeng magtinda sa Quiapo ng mga VCD/DVD. Okay na sana kasi sa bag ko lang naman nilalagay yun, sa secret pocket ng bag ko. Pero nung minsan nagkaroon ng nakawan sa aming klasrum, (ninakawan yung prof ko), eh nagkaroon ng inspeksyon ng mga bag. Medyo kampante pa ako kasi sa secret pocket ng bag ko yun nakalagay, pero ang nagulat na lang ako ng magtitili ang prof ko (babae yung prof ko), at iwinagayway na parang watawat ang mga VCD collection ko. Hayun dahil sa kanya, nasira ang “wholesome” image ko, at tinawag na akong manyak ng mga siraulong kaklase ko. Hindi naalis yun hanggang ngayon. Kaya iyan ang pinakanakakahiyang pangyayari noong college pa ako. Pero ngayon hindi na ako gaanong nanonood nyan kasi “good boy na ako”. (bumawi pa eh)

5. Marami akong bagsak noong college ako, dahil sa aking angking KATAMARAN. Hindi ako nagrereview basta kung ano pumasok sa utak ko yun lang. Kung ang mga kaklase ko napupuyat kakareview, ako hindi, sarap na sarap ang pagtulog ko. Nung minsang sinubukan kong magreview sa kwarto, isang sentence palang nagparamdam na yung mata ko at nagyaya na ring humiga ang katawan ko kaya nakisama na rin ako sa kanila! Kaya nga hindi ko na rin kinaya ang pagpapanggap at natulog talaga ako to the maximum level, kahit pa Finals namin kinabukasan. Ang sarap palang matulog pag nagpupumilit kang magreview. Heto pa kapag nagtuturo naman ang mga prof kong kapatid ni Lola Basyang, ang ginagawa ko pasimple akong nakikinig sa aking CD player sa kabilang tenga. Kaya kahit paano eh naeenjoy ko rin naman ang klase kahit ubod sa boring ang tinuturo nya. Madalas din akong umupo sa likod na aming klasrum, dahil dito ako natutulog. Namaster ko na rin ang pagtulog habang nakadilat ang mata,kaya hindi ako nahuhuli. At halos nalibot ko na ang buong mundo dahil sa paglipad ng aking utak. Pero kahit na puro katamaran ako ng kolehiyo at natapos ko naman ang Engineering sa loob ng limang taon. (naks nagmayabang pa). Eh yung iba ko ngang mga kaklase aba nagrereview na nga at tutok na tutok sa turo ng mga prof namin, hanggang ngayon estudyante pa rin!hehhehe!

Iyan eh ilan lamang sa aking “Five School Facts”. Medyo marami pa yan!Pero sabi ni Jepoy lima lang daw. At nais ko namang itag ang ilang blogistang mga adik din sa dahon ng kamoteng kahoy. Sana gawin din nila ito, ngayon kung ayaw nila. Eh wala na akong magagawa dun , eh sa ayaw nila eh! Wala ng pakialaman.


Heto ang ilan sa kanila. Hari ng Sablay, SuperJaid, Yiennarda, at Pareng Gillboard.


Teka nga pla naisulat ko na noon dito yung tungkol sa hayskul layp ko, kung hindi nyo pa nababasa yun pwedeng magrequest?Pwedeng pakibasa na din please! May kiss ka sa akin, promise! Heto yun oh…


HAYSKUL LAYP

Wednesday, August 12, 2009

ISA SYANG TIKI TIKI

Nung minsang nanood ako ng balita, at kasalukuyang mainit na mainit ang isyu tungkol sa pagiging “gastador” ni GMA at pagyaman nya bigla nang maging Pangulo sya, eh halos kasama rin sa headlines nito ang pagdating ni “Lady Gaga” sa Pilipinas. Gulat ako sa hitsura nya kasi mukha syang alien na nababakasyon lang sa planet earth. Wala naman akong balak kilalanin sya, at hindi naman ako tagahanga nya o ng music nya. Pero nung minsang nagbobrowse ako sa internet (habang nangungulangot) nagulat ako sa natuklasan ko. May hiwaga palang bumabalot sa mukhang alien na ito dahil sya pala ay isang ....... (drum roll please).............hermaphrodite, ang ibig sabihin nun meron syang ari ng lalaki at babae o isa syang TIKI-TIKI. (kung gusto nyo ng maraming paliwanag tungkol sa hermaprodism tanungin mo si Pareng Wiki). Kaya doon ako nagulat, na totoo palang may ganoong kaso.

Heto nga pala video nya na nagpapatunay na meron syang tit*:


Ito naman yung article na hermaprodite daw sya: pindutin mo dito! alam kong tsismoso/tsimosa ka!

Medyo hindi na bago sa akin ang salitang yan, kasi yan din ang isyu kay Nancy Navalta. Sino si Nancy Navalta? Sya yung kontrobersyal na atleta (track and field kasabayan ni Elma Muros), na pinapadisqualify sa Palarong Pambansa dahil hindi naman daw sya tunay na babae . Sumasali kasi sya sa kategorya ng mga babae at syempre lagi syang panalo dahil sa mala-bardagul nyang katawan. Sa hitsura at dating palang mukha talaga syang kargador este lalaki pala. Ang baba pa ng boses at may adam's apple pa. Kaya alam monng lalaki talaga si Nancy. Pero nagtataka kayo bakit sya napapabilang sa katergorya ng mga babae at sa tagal nyang sumali sa katergorya ng mga babae bakit hindi sya nahalata na lalaki . Kung titignan mo talaga sya, walang kabahid bahid ng pagiging babae (kahit kabadingan wala din).Ang sagot ay dahil meron syang........ (drum roll uli)................ PUK* (talagang capitalized pa?). Sya ay lalaking may PUK*? Hehehe (hindi naman sya retokado) .Kaya nga pinasuri sya at doon nalaman na wala syang matres at lalaki talaga sya. Yung puk* nya ay deformity lang pala yun (nawasak lang yung tit* nya kumbaga kaya napagkamalang puk*). Kaya dineklara syang Lalaki ng mga espesyalista. Natatandaan ko noon nagpa-press release pa sya nun na may boypren daw sya (kahit mukha silang magkakosa) pero syempre walang epek yun kasi ang Syensya (science) ang may katibayan na lalaki sya, kaya pa-sensya na lang rin.


Sa kaso naman ni Lady Gaga, babae talaga sya dahil nasa hitsura at boses nya eh.Yun nga lang meron syang “bird”. Totoong hindi lang sya kakaiba sa hitsura pati rin pala yung ano nya, kakaiba din.

Pero dapat pinapalitan na ang pangalan nya .Dapat ang tawag sa kanya ay Lady Gago o kaya Boy Gaga para swak na swak sa kanya. Pero sabagay hindi naman talaga mahalaga kung isa syang TIKI-TIKI dahil mas mahalaga yung musikang binibigay nya. Bibig naman nya ang ginagamit sa pagkanta hindi yung ari nya. At pwedeng pwede rin pala nyang paligayahin ang kanyang sarili dahil……………………….magaling syang kumanta pwede syang mag videoke (kayo bastos ang iniisip nyo)

Sa ngayon medyo napapaisip ako kung paano kaya sya umiihi?Pwede nya kayang idefault ang isa at gamitin ang isa (ginawang computer). Saka ano kaya nakalagay sa birth certificate nya, babae kaya o lalaki? Sabagay di ko na problema yun problema na nya yun.

Ano pa man ang depekto ng isang tao mahirap syang husgahan sabi nga nila Don’t judge the book by its cover (because she not a book and you’re not a judge). Ang mahalaga talaga ay yung ugali ng isang tao. Sa panahon ngayon lahat ay pwede ng pagandahin, dagdagan o alisin, pero ang pag-uugali ng tao ay maari lang mabago sa pamamagitan lang ng ating mga sarili.

Teka nga pala bago ko tapusin ang entry ito panoorin nyo ang bidyo na ito, panalo:


Parang hindi ko ata kakayanin yun. Hahaha!!

Totoo pala ito:

NOON: Hindi lahat ng babae, maganda.

NGAYON: Hindi lahat ng maganda, babae!!

Saturday, August 8, 2009

Eh kung sya kaya ang pinaparada......

Pagkatapos ng libing ni Tita Cory, marami ang nagsasabing dapat gawing santo (santa) si Tita Cory. Para sa akin parang OA na ata yun, kaya naman natuwa ako ng minsang ininterbyu ng isang reporter ang isang dyipni drayber at ganito ang usapan nila.

Reporter: Payag ka ba na maging santo (santa) si Tita Cory?

Dyipni Drayber: Parang sobra naman po ata yun. Tao lang din naman sya at saka hindi sya pwedeng maging santo kasi wala naman syang Kapangyarihan!!!

Nyeek!!! Buwal ako kay Manong Drayber, okay na sana yung unang sentence nya eh kaso sinabi pa nya “kasi wala naman syang kapanyarihan!!"

Ginawang mga superhero ang mga santo na kailangang may special powers din. (Teka eh di si Darna pwedeng maging santo??). Talagang napangiti ako dun, ibig bang sabihin kung sakaling may super punch at ultramagnetic top si Tita Cory ay pwede na syang maging santo (santa)?hehe . Ano kaya ang kapanyarihan ni San Pedro? Meron kaya syang x-ray vision at flying kick? Saka bakit si Santa Claus, santa ang tawag eh hindi naman sya babae?(hehhee, KORNIK)

Para sa akin okay lang na ilagay sa pera si Tita Cory pero ang gawing santa pa parang OA na yun. Marami pa rin kasing unresolved issues tungkol kay Tita Cory eh.

Speaking of Tita Cory,ngayon sikat na sikat na naman si Willie( basta sa kayabangan at kaepalan, sikat sya). Masyado kasi syang nagfefeeling dyos eh tao lang naman sya at wala syang kapangyarihan.

Alam nyo nung one time naging studio audience ako ng Wowowee (oo, sige na jologs na kung jologs). Nabiwisit ako sa kayabangan ng taong nyan, kasi kung paanong bait nya sa TV kabaligtaran naman OFF cam. Nandyan sigaw sigawan ang mga dancer at mga staff at nandyang supladuhan ang mga audience tapos saka magbebenta ng CD at jacket.

Ako ang magpapatunay kung paanong hiyain ni Willie ang mga staff nya. Manliliit ka sa mga sinasabi nya, akala mong kay galing galing at walang bahid kasalanan. Kaya talagang doble-kara ang kumag na yan, pero ganun talaga malakas ang mass appeal nya! Kaya kahit ano ang gawin nyang kabalastugan sa TV eh halos gawing dyos pa rin sya ng ibang tao. Pero aaminin ko natatawa talaga ako sa mga patawang kalbo ni Willie.

Kaya naman tawa rin ako ng tawa ng minsang napanood ko si Willie at Rico J. Puno

Rico: Alam mo Willie dalawang tao lang ang may ganyang boses!

Willie: Eh sino naman yun, aber?

Rico J: Ikaw lang at si Manny Pacquiao!!

Astig ka Rico J. nadale mo ang gusto kong sabihin. Pero hindi lang naman dalawang tao yan. May dalawa pa, si Gretchen Baretto at si Doc Manny Calayan na masyadong inaabuso ang bibig. Pero talagang nakapagtataka kasi nag nunumber 1 ang album ni Willie. Minsan mapapakamot ka na lang kasi sayang yung perang pinambili sa CD na yun dahil pwede na sanang pambili ng tinapa yun o tatlong kilos bigas.

Basta tandaan natin na ang pagiging panatiko natin sa isang tao ay nakakasama sa atin. Nagiging bulag kasi tayo kung minsan dahil sa labis na paghanga. Masyado nating inilalagay ang isang tao sa isang pinakamataas na luklukan o pedestal kaya nagmimistulang nagiging Dyos na rin natin sila.

Hindi masama ang humanga subalit ilugar natin ang paghanga natin. Gamiting inspirasyon ang mga taong ating hinahangaan at huwag gawing “Dyos” na kailangang luhuran at maging sunod sunuran lang. Kung sakaling may mabuting naidudulot ang paghanga na ito, sundan na lang ang mga yapak nila at huwag sila ang mismong bigyan ng malaking atensyon at labis na pagpapahalaga. Tandaan din natin na ang sobra ay nakakasuka, at ang labis na nakakasaman na.

Oo nga pala kung sakaling hindi nyo pa napapanood ang kaepalan ni Willie, heto ang video. Pero para mas masya, heto naman ang sagot ni Vic at Joey sa kanya.

Natawa ako sa sabi ni Joey “ Eh kung sya kaya ang pinaparada………”hahahha!! The best ang dalawang to!



HETO ANG PATUTSADA NI VIC AND JOEY KAY LORD WILLIE



P.S

Baka may magtanong, bakit ayaw ko kay Willie pero nanonood ako ng Wowowee at naging studio audience pa ako?

Sagot: TFC subscriber kasi ako dati kaya no choice kundi panoorin ko ang Wowowee, kaya ako naging studio audience kasi nanalo ako sa isang pakontes dito sa TFC (raffle yun!) kaya naimbitahan ako. Pero ngayon GMA Pinoy TV na kami!hehehhe

Monday, August 3, 2009

Tips kung paano gumawa ng entry kung tinatamad kang magsulat

Hindi ba minsan medyo nakakaubos ng ideya kung halos lagi kang naguupdate ng blog mo. At kahit itaktak mo ang utak mo sa plato eh walang lalabas kundi luga lang.

Kaya heto ang mga tips kung paano gumawa ng isang blog entry kung tinatamad kang magsulat:
  • Humanap ng mga picture na nakakatawa sa internet at lagyan ito ng caption
  • Tumingin tingin sa youtube, humanap ng pinakacool na bidyo at ipost din
  • Gumawa ng music video at subukang magpakyut
  • Maglagay ng mga jokes kahit luma ,malay mo baka bumenta pa rin
  • Humanap ng mga quizzes at kung ano pang nakakapagbuhay ng iyong mga braincells

Panghuli………….
  • Magpost ng tips kung paano gumawa ng isang blog entry kung tinamad kang magsulat.


PAANO NA NGA KAYA????


1. Paano kaya kung ito ang pangarap ng anak mo?

*mukhang malaki kita dyan

2. Paano na lang kung biglang sumali ang pusa sa volleyball?

*magaling umispike yan


3. Paano kung ang inaasam asam mong PSP ay ito pala ang laman?

*Malas mo kung 2 in 1 pa yun

4. Paano na lang kung ang inaakala mong seksi sa myspace o friendster eh ito talaga ang picture

*hita lang nya katawan ko na!


5. Paano na lang kung ganito ang amuzement park?

HIS Vagina talaga eh!!


6. Paano kung bigla kang maihi habang naggygymnastic ka?

*Kinabahan lang siguro?? Agaw eksena ang ihi!


7. Paano kung ganito ang discount mo?

*nice mukhang nakamura ka ah!!


8. Paano kung ganito ang headlines sa dyaryo?

* paano nangyari yun?Lakas tama ng dyaryong to!


9. Paano kung ang ninuno mo ay isang EMO ?

Meron na palang EMO nun! Adik!


10. Paano na lang kung ganito ang hitsura ng anak mo

*Eh kay cute namang bata, sarap tampalin sa nguso!


JOKE TIME


Sigaw ng nire-rape na babae, “Tulong! Tulong!”Sabi ng rapist, “Huwag ka nang humingi ng tulong! Kaya ko ‘tong mag-isa!”“Sure ka?” sey ng babae. “Ok. Huwag na! Huwag na! Kaya na raw niya!”
______________________________

Umuwing umiiyak ang anak…

ANAK: Inay, sabi ng kalaro ko… pangit daw ako! Hu! Hu! Hu! Hu!

INAY: Anak, ang kagandahan ay nasa loob… kaya huwag kang lumabas

____________________________

May nakapagsabi na ba sa ‘yong, “Ang cute mo”?Kung wala pa… wala tayong magagawa.

__________________________

Hinoldap ng limang lalaki ang isang bus…

HOLDAPER: Rereypin namin lahat ng babae rito!

POKPOK: Ako na lang po! Maawa kayo sa kanila!

LOLA: Wooooo! Epal ka! Lahat nga raw, eh!
_______________________

“Nay Oh!”

NGONGO, kumakanta ng JAI HO
________________________

BINATA: Pangit ba ‘ko?

DALAGA: Walang ginawang pangit ang Diyos… pero ewan ko lang kung may Diyos ka. Baka anti-Christ ka?
________________________

Sa mall…

LOLA: Huwag kang bibitiw sa palda ko, baka ka mawala.

APO: Opo.

(Makalipas ang dalawang oras…)

LOLA: Guard, may nakita ka bang bata na may dalang palda?

___________________________

Sabi niya, guwapo siya… napansin ko nga…Mula ulo… mukhang paa.

_________________________

PULIS: Lola, ba’t pinagsasaksak n’yo ‘yung rapist?

LOLA: Aba! Pagkatapos niya akong hubaran, bigla siyang tumayo at nagsabi na, ‘Joke-joke lang, lola!’ Eh hindi naman ako nakikipagbiruan sa kanya!
____________________________

SIR: Inday, naalis mo na ba ‘yung mantsa sa barong Tagalog ko?

INDAY: Yes, sir!

SIR: Good! Ano’ng pinang-alis mo?

INDAY: Gunting po, sir!
______________________________

DALAGA: Ano’ng tinitingnan-tingnan mo d’yan?!

BINATA: Sorry. Akala ko kasi, maganda ka. Hindi pala!


Hehehe , see instant entry!!!! ASTIGGGGG