Wednesday, March 31, 2010
Jepoy at Glentot
Bago pa lang ako noon sa mundo ng blog, at halos ang bumabasa lang ng blog ko ay mga lamok at langaw . Wala pa akong mga PWENS noon, dahil nga medyo suplado ako (artista eh, pakealam nyo ba). Habang ako ay kumakandirit dirit sa mundo ng blog, napadpad ako sa blog ni Jepoy. Medyo natuwa ako sa mga hirit ni PONKAN (tawag ko kay Jepoy) dahil nga kakaiba at talaga namang nakakagaan ng pakiramdam (yung tipong pagkatapos mong umutot, ang sarap sa feeling). Tapos sobra akong tawa ng tawa noon (na kita ang gums) sa mga pinopost nya,minsan nga binatukan ako ng kasama ko dahil mukha daw akong tanga (sya naman mukhang bayabas). Eh kasi nga sobra akong naaaliw sa mga hirit ng “Nagsasalitang Ponkan” na si Jepoy.
Akala ko nga isa ng batikang blogger itong si Jepoy dahil nga ang daming nyang FANS, tapos ang dami nyang followerseseseseses (see watusi, madami talaga), kaya nga nahiya akong magcomment sa kanya kasi nga sino ba naman ako para pansinin ng isang sikat na blogger. Kaya nilakasan ko ang loob ko, lumunok ng laway at presto nagcomment ako. At natuwa ako sa kanya dahil hindi nya ako pinahiya.
Tawa ako ng tawa sa post nyang BAKIT KUMAKATI ANG SINGIT KO. Tapos nasingit pa ang blog ko dun. Sobrang lumundag ang aking esophagus sa sobrang tuwa ko sa kanya.
.Kaya sino ba namang reader ang talagang hindi mamimiss ang isang blogger na katulad ni Jepoy?
Si Glentot naman, nakita ko sya sa bakuran ni Paps (Pablong Pabling). Medyo natuwa ako sa mga hirit nyang comment kay Paps. Kaya naman sinubukan kong puntahan ang blogsite nya. Medyo umpisa akala ko isang HOODLUM si Glentot, kasi nga puro mura ang nababasa ko sa kanya. Tapos akala ko rin isa syang RAPIST kasi nga puro bastos rin ang nababasa ko sa blog site nya. Tapos tawa ako ng tawa sa nickname ng kaibigan nyang si………………. KHIKHI (sino ba namang hindi matatawa dyan). Para akong kinikiliti sa kuwan…. sa kilikili pag nababasa ko ang nickname ni……KHIKHI (inulet pa talaga). Kaya naman binasa ko talaga ang buong blogsite ni Glentot, at tawa ako ng tawa talaga sa mga nababasa ko sa kanya. Tapos alam mong isa syang special child… sori gifted pala dahil nga alam mong matalinong lamang lupa itong si Glentot. Magling pang magdrowing (Okay ikaw na ang batang promil!!)
Pero nalaman ko na sa likod ng isang maangas at bastos na Glentot, ay ang isang mabait at mapagmahal na tao. Medyo nung nabasa ko ang kwento nyang KATRINA, nalaman ko na may puso talaga si Glentot (kahit hindi sya saging). At alam ko na isang mabuti at mabait na kaibigan talaga itong si Glentot. (Totoo yun walang halong stir)
Noong nagkita kaming tatlo sa MOA (ang peyborit place ni Jepoy), nag-click kaming tatlo agad. Dahil siguro pare-parehong may tagas ang mga bumbunan namin kaya naman swak agad kami sa isat-isa. Dahil pasko noon, nagpalitan pa kami ng regalo sa isat-sa. Yung dalawa niregaluhan ko ng keychain na galing Saudi ( na alam mong kakalawangin after 5 days) tapos pabango kay Jepoy at bag kay Glentot (request nila yun). Ako naman brief ang hiningi ko sa kanila para pag suot ko yun maalala ko sila (pero totoo kasi nyan, kulang kasi ang dala kong brief nung umuwi ako sa Pinas). Tapos T-Shirt din na 3 stars and a sun ni Francis M.
Kain dito, nood ng sine doon ang ginawa namin noong nag-EB kami. Tapos inom ng kape sa istarbaks, kwentuhan at gaguhan. Halos lahat na ata napag-usapan namin, kaya naman napakasaya ng nangyaring EB na yun. Tapos nung bumalik ako sa Saudi, sobra akong na-tats nung nagbigay ng HOPIAng ENG BEE TEN si Jepoy. At wag ka limang box ng Hopia yun (mayaman) tapos si Glentot naman binigyan nya ako ng book ni Bob Ong. Ako naman binigyan ko sila ng………TENK YOU at MALUTONG NA KISS!!
Wala akong masabi sa kabaitan ng dalawang nilalang na yan. Kaya nga naging kaibigan ko na sila dito sa mundo ng blogosphere. At hanggang sa ngayon naggaguhan pa kami. Pero sabi nga nila ang lahat ng bagay ay may katapusan.
Nakakalungkot na parehong magsasara ang dalawa sa mga paboritong kong mga blogs sa mundong ito. Dahil na rin siguro sa mga hindi naasahang pagkakataon, nagpagdesisyunan nilang tapusin ang kanilang blog. Malungkot pero wala tayong magagawa kasi desisyon nila yun.
Pero ang bawat katapusan ay umpisa ng panibagong pagsisimula. Marahil natapos man ang blog nila, baka naman may magbukas ng magandang simula para sa kanila. Siguro dapat na lang nating gawin ay igalang kung ano man ang desisyon nila at maghangad na lang tayo ng mabuti sa kanila.
Salamat sa mga tawa binigay nyo sa akin at sa iba pang reader. Salamat sa libre mo Jepoy at Glentot. Salamat sa mga masasayang post na sinusulat nyo. Salamat sa magagandang comment na binibigay nyo sa akin. Salamat sa pambuburaot nyo sa akin. Salamat sa brief na bigay nyo sa akin. Salamat sa Tshirt, Hopia, at book na bigay nyo sa akin. At salamat sa pagkakaibigan na meron tayong tatlo.
Mamiss ko ang mga tawang idinulot sa akin ng blog nila, mamiss ko sila bilang blogger. At namimiss ko sila bilang aking mga kaibigan. Kung natapos man ang blog nila, sana hindi matapos ang pagkakaibigan na meron kaming tatlo.
Ayokong magpapaalam sa inyo dahil alam kong magkikita kita pa tayo hindi man sa blog baka sa ibang pagkataon, lugar at panahon. Siguro ang pwede kong sabihin ay SEE YOU LATER. At kung sakalaing maisipan nyong bumalik, tyak marami ang matutuwa at marami ang masisiyahan muli. Pero sa ngayon mabuting intindihin na lang namin ang mga dahilan nyo.
Kaya para sa inyo JEPOY at GLENTOT ang masasabi ko sa inyo ay…………………… UTOT NYO BLUE joke lang .......................Mamimiss ko talaga kayo ng sobra!!!! (sana bumalik kayo agad!!)
Ingat at maraming salamat.
Saturday, March 27, 2010
SUICIDE
Alam nyo ba naisip ko dati, , ano kaya ang pinamabisang paraan para madiretso tigok ? Teka, teka, teka…. Wala akong balak tapusin ang buhay ko, masarap kayang mabuhay. Naisip ko lang yan dahil wala akong maisip noon. Kaya wag kayong mag-alala sa akin, dahil magpaparami pa ako ng lahi at gusto ko pang yumaman.
So hayun na nga, naisip ko kung magpakalunod kaya?? Nyemas mahirap yun, aba mahirap kaya mawalan ng oxygen sa katawan, takpan mo nga lang ang ilong mo ng 3 minuto hindi mo na kaya, pahihirapan mo pa ba ang sarili mo! Isa pa ang panget mo pag naahon ka na sa tubig. Tyak magiging kamukha mo si Arnold Clavio o si Arn-arn dahil namanas ang buong mukha mo sa tubig. Siguro naman ayaw mong magmukhang siopao o plastic baloon.
Naisip ko, sa paglaslas kaya ng pulso madali kaya yun. Medyo mahirap din yun, kasi nga medyo matagal pa bago ka matigok. At karamihan sa naglalaslas ng pulso, naabutan pang buhay. Tuloy nalalaman ng ibang tao ang mga kadramahan mo sa buhay. Kokonti ang nagiging successful sa paraan ng pagsusuicide na ito. Kumbaga pan TV o pampelikula lang ito, dahil nagpapansin lang kasi yung bida. Kaya wag na ito ang gawin mo dahil hindi ka naman siguro KSP at lalong hindi ka naman artista.
Lason kaya? Kaso alam naman natin na hindi masarap ang lasa ng lason. Kaya katulad ng nanay ko, para makain ng daga ang Dora Rat Killer, hinahaluan nya ito ng Piatos (sosyal na daga). So kung maglalason ka ng sarili, haluan ng chocolate para diretso ang lagok. Tingnan din ang expiration date ng lason baka expired na (baka hindi umepek yun) Kung napurnada pa rin ang pagkakamatay mo sa pag-inom ng lason, malas mo dahil mahihirapan ka ng kumain, dahil tunaw na ang lalamunan mo. Kaya baka sa puwet na lang padaanin ang pagkain mo.
Magbigti kaya?Pero siguraduhin na matibay ang kisame. Dahil baka imbes na mamatay ka sa bigti eh mamatay ka dahil nabagsakan ka ng kisame. Kaya malas mo patay ka na, sabog pa mukha mo. Panget naman nun! Hindi tuloy matutupad ang pangarap mong mamatay ng parang natutulog lang (pwera na lang kung bihisan ka ng pajama saka takpan ng unan ang wasak mong mukha)
OKAY TAMA NA NGA YANG USAPANG SUICIDE NA YAN!!!
Kaya ko lang naman nailabas itong usapan na ito ay para ipabatid sa iba na hindi “cool” ang pagsusuicide. Maigsi lang buhay kaya imbes na sayangin ito, gamitin na lang ang maigsing buhay na ito sa kapani-kapanibang na bagay.
Isipin mo na lang, kung gusto mong mamatay, marami naman ang gustong mabuhay. Yung iba nga dyan kumakain na ng basura, mabuhay lang. Yung iba naman halos ubusin ang kayamanan at dumugo ang tuhod kakadasal, madugtungan lang ang buhay nila. Samantalang ikaw iniiwan lang ng gerlpren/boypren akala mo namang inalisan ng hininga. Sarap mong batukan ng isa!
Tandaan natin “Walang permanante sa mundo, ang lahat ay lumilipas din”. Kung ano man ang problema mo sa buhay, lilipas din yan. Siguro marami ang hindi makaalis sa kalungkutan ay dahil naging komportable na sila sa kalungkutan. Kung nasaktan ka, payn! Malungkot ka, umiiyak ka, at magemo ka. Pero kung nag-eemo ka pa kahit lumipas na ang mahabang panahon, aba kapuwitan na yun.
Kung nalulungkot ka dahil iniwan ka ng taong mahal mo. Sampalin mo ang sarili mo ng isangdaan beses. Isipin mo na lang na may siyam na bilyong tao sa mundo na pwedeng mahalin at pwede ka ring mahalin. Kung ang aso, pusa o daga nga may nag-aalaga, sa iyo pa kaya?Siguro naman di hamak na mas masarap kang mahalin kaysa sa mga hayop na ito? Kaya wag kang papayag sa ganun?
Kung miserable ka dahil sa problema, aba wag ka ngang epal dyan. Sino bang taong walang problema?Lahat may problema, depende lang yan sa pagdadala. Ngayon kung pinoproblema mo ang buhay mo, isipin mo na lang kung ang mga ibon nga na walang isip nabubuhay, ikaw pa kayang may isip. Baka maisulto ang ibon sa iyo kapag sinabing “bird brain” ka, kasi ang totoo mukhang mas may isip pa ang mga ibon kaysa sa iyo. Kaya gumawa ka ng paraan, imbes na magmukmok sa kadiliman.
“DON’T BE A SLAVE TO YOUR EMOTIONS, BE A MASTER OF YOUR EMOTIONS”.
Tayo dapat ang kokontrol sa emosyon natin, at huwag tayo ang kokontrolin ng emosyon natin. Ikaw ang may utak, ikaw ang may puso kaya nasa sa iyo kung paano mo ito kokontrolin. Ang emosyon ay produkto lamang ng ating utak (pati puso rin), kaya hindi dapat mas dominante ang emosyon kaysa sa utak natin ( at puso natin). Ikaw ang may hawak ng “remote” kaya dapat ikaw ang kokontrol dito. Walang sariling buhay ang emosyon kaya huwag kang magagapi dito. Kasama lamang ang emosyon sa buhay kaya hindi pwedeng mabuhay tayo sa emosyon.Parte sya ng buhay at hindi sya ang ating buhay.
Maraming bagay kasi ang hindi natin nakikita pag napangungunahan tayo ng emosyon. Kung hahayaan natin bulagin tayo ng emosyon, hindi natin makikita ang kagandahan ng buhay. Malaki ang mundo at marami ka pang hindi nakikita dito. Malawak ang daigdig kaya wag mong ikulong ang sarili mo sa madilim na kwarto ng kalungkutan. Huwag mong ipagkait sa sarili ang maging masaya, hindi iniintay ang saya dahil anuman oras pwede kang maging masaya. Hindi pwedeng pangarapin ang kaligayahan dahil wala ngang permanente sa mundo, pero pwede mo itong makamtam ngayon din at ienjoy ang kasiyahan hanggang sa huli.Maigsi lang ang buhay, kaya wag kang masyado atat na matapos ito. Dahil minsan sa pagmamadali natin sa buhay, nawawala sa atin ang tsansa at oportunidad na maging.....……MASAYA.
Tuesday, March 23, 2010
SARAP MAGING BATA
Okay back tayo sa pagkabata ko, alam nyo ba dati mayroon akong isang box ng sapatos na teks ,isang supot na holen, 8 gagambang panabong, dalawang trumpo, gabrasong goma at kung ano ano pang laruan.
Madalas din akong mamulot ng balat ng sigarilyo dahil napingot na ako ng nanay noong minsang nagtatsing ako ng totoong pera. Dahil nga bawal ang pera-pera, yung balat ng sigarilyo na lang ang ginagawa naming taya. Heto pa nga yung denomination noon eh :
Evergreen – 5 pesos, Camel/Hope- 10 pesos, Marlboro- 50 pesos at Phillip - 100 peso
Madalas amoy araw ako at mukhang pabrika ng kuto ang ulo ko ,kasi nga masarap maglaro ng ipunang langgam, moro-moro, putbal, at patintero. Tuwing gabi naman naglalaro ako ng taguang pung, piko, hali-halimawan at taguang singsing. Kapag medyo nagkapikunan na, may laro rin kaming….. paduguan ng nguso, sabugan ng ilong at pilipitin ang ngala-ngala ng kalaban.
Madalas akong dumalaw sa mga lolo dahil malaki ang taniman nila ng mangga, santol, bayabas, duhat at kaymito. Aakyatin ko ang bawat puno at manginginain ako na parang unggoy. At kapag nakarami na, doon din ako……….. tenen…… tumatae. Ang saya kaya kapag nakikita mong nahuhulog ang tae mo sa lupa tapos imbes maghugas ng tubig dahon na lang ng bayabas. Sing linis ngunit hindi sing mahal! Malas mo lang kung may pulang langgam ang dahon na kinuha mo, kikimbot ang puwet mo sa kati at sakit. Minsan naman pag may sumasama pang tae sa kamay, pinapahid na lang namin sa puno saka nagdodrowing ng aso o di kaya taong patpat (how gross namen!!)
Tuwing umuulan naman, tuwang tuwa ako! Bakit? Eh kasi pwede na kaming maminlit ng palaka. Una muna naming ihahanda aang bulateng gagamitin naming pain. Madalas kaming makakita ng matatabang bulate sa likod ng babuyan namin. Syempre atraksyon kaya sa mga bulate ang masasarap na tae ng baboy. Kaya hayun na nga, matapos maihanda ang pain, diretso na kami sa bukid at mamiminlit na kami ng palaka.
Madalas naming laruin ang SYATO, at madalas akong atchoy o taga sigaw ng SIIIIYYYYYAAAATTOOO!! Tapos madalas din akong maglaro ng putik, mula sa NUNO sa PUNSO (o bahay ng anay). Masarap kayang gumawa ng kotse-kotsehan, truck saka refrigerator mula sa putik. Kapag medyo sawa na kami dyan, maglalaro na kami ng bangka-bangkaan sa may pusalian. Ihip doon, ihip dito, minsna sa pag-ihip ko nahalikan ko na pala yung pusaling kulay black.YUCKKKKK talaga, dahil may kasama pang TAE ni KA IKANG yun.
Halos mabulok naman ang ipin ko kakain ng CHOKOBOT, o yung choknat na may litrato ng transformer sa balat. Kapag kasi nabuo mo ang A-Z sa likod ng balat ng CHOKOBOT , makakakuha ka ng TRANSFORMER ROBOT. Eh adik na adik ako sa palabas na yun (okay na yun kesa naman rugby o katol), kaya naman ubos din ang baon ko doon. Sa huli hindi ko nabuo ang alphabet na yun kasi puro letter A ang nakukuha ko. Pnujemas na yan.Pero yung kapitbahay namin meron na syang OPTIMUS PRIME. Kaya naman halos mamatay ako sa inggit sa kanya. Kinakaibigan ko nga sya eh kahit pa bulok bulok ang ipin nya saka amoy bulok na sibuyas ang hininga nya tinitiis ko malaro ang Transformer Robot nya. Pero sa huli puro yung robot nyang walang kamay at ulo ang pinapahiram nya sa akin. Letche sya!
Prrrrttttttttttttttt (okay tama na yan)
Ang dami ko pang kwento tungkol dyan pero sa susunod na lang uli ako magkwekwento.
Alam nyo minsan masarap maging bata uli, bakit? Kasi kung bata ka, kapag may nanakit sa iyo, pagkalipas ng ilang araw, BATI na uli kayo. Kapag nasugatan ka at sinabi ng nanay mo na “gagaling din yan anak”, titigil ka na sa pag-iyak at makakalimutan mo na lang na masakit pala ang sugat mo. Pero bakit kung kailan na tayo lumaki saka pa nagiging kumplikado ang lahat?
Yun lamang po at maraming salamat.
Saturday, March 20, 2010
MAHIRAP KUMITA NG PERA
TAGABENTA NG PRUTAS
Palibhasa bata palang ako mahilig na talaga ako sa…..PERA (okay payn mukhang pera na ako!). At dahil madalas nagbabaon lang ako ng Rebisco (yung butter flavor pa!yuckk) at Orange juice na putlang putla (basta magkulay orange sya, orange juice na ang tawag), kaya naman gusto kong magkapera pambili ng POMPOMS (chiz curls yun tange!) at Bazooka Bebelgam! Kaya naisipan kong magbisnes, at ang naisip ko ay magbenta ng.....tenen....... mga prutas.
Tuwing Sabado at Linggo dumadayo ako sa mga Lolo para manungkit at manguha ng bayabas, mangga, mabolo, alatiris, duhat at santol. At tuwing hapon naman ay nagnunungkit ako ng kaymito sa kapitbahay naming mukhang RAKETA NG PINGPONG , para may ibenta ako sa mga kaklase kong may baon na pera. Kaya kahit magkadasugat sugat kakakuha ng mga alatiris, mangati sa dami ng higad sa puno ng mabolo at magkandakulani kakasungit ng bayabas......wala akong pakialam, basta kailangan kong kumita ng pera. Yun lang! At dahil mga mukhang unggoy ang mga kaklase ko…. madalas maubos ang bayabas na tinitinda ko, at matagal namang maubos ang kaymito na ninenok ko sa kapitbahay namin.
TAGAPASTOL NG ITIK
Siguro alam nyo naman ang “itik”, ito yung bibeng kulay brown. Yung itlog nya ginagawang balot at penoy! Tuwing bakasyon naman noong elementary pa ako, sumasama ako sa mga pinsan kong magpastol ng ITIK. At kada madaling araw naman, tagapulot ako ng itlog ng itik. Kahit pa mukha akong nognog dahil bilad na bilad ako sa araw, wala akong pakialam basta gusto kong kumita ng pera pambili naman ng ROBOT na BIOMAN. Kumita din naman ako ng mga 200 piso sa loob ng dalawang buwan kong bakasyon.Pero natigil lang ang raket ko na yan nung nagpaTULE na ako. Syempre nakakahiya namang magpastol ng itik kapag binata ka na. Kaya di na ako sumama sa mga pinsan ko kasi binata na nga ako, kaya nilaro ko na lang yung ROBOT na BIOMAN na binili ko. Chungggg chunggg barabambambamam (tunog ng laser sword ng robot ko yan! )
TRICYCLE DRIVER
Tama ang nabasa nyo, nagtrabaho din ako bilang tricycle driver. Tuwing bakasyon noong hayskul pa ako, madalas akong rumaket sa pilihan ng tricycle namin.Dahil myembro ang tatay ko ng TODA, ako ang naglalabas ng tricycle ng tatay. Talagang patyagaan ang pagpila dahil halos kalahati ng araw, wala kang ginagawa kundi pumila ng pumila. Tapos habang nag-iintay ka ng byahe, kailangan mong libangin ang sarili, kaya wala akong inatupag kundi ngumuya ng CEDIE (kornik yun), at SUGO (maning kalbo naman yan). Dyan din ako natutong magkara-krus, magbidyo games, at magbidyo karera. Kumikita ako ng 150 pesos kada araw, at 100 binibigay ko sa nanay at 50 naman napupunta sa akin pambaon at gamit ko sa eskwela sa susunod na pasukan.
FACTORY WORKER SA PAGGAWAAN NG CERAMICS
May programa sa gobyerno noon na na ang tawag ay SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS (SPES). So kagagraduate ko lang noon ng port dyir, at wala akong perang pang tuition sa kolehiyo , uniporme, sapatos at bag kaya naisipan kong patulan ang programa ng gobyerno na yan. Isipin nyo walo kaming nag-aaral at apat na kaming kolehiyo kaya wala talagang pera ang nanay ko kahit itaktak nyo pa sya na parang Ajinomoto, wala talaga. Kaya sa loob ng 3 buwan...... naging "factory worker ako".Ako ang naglalagay sa molde ng malabnaw na putik. Halos maubos ang dugo ko sa dami ng lamok at magka-cholera sa dami ng langaw sa“workplace” namin. Tapos lagi pa akong sinisigawan ng matandang tagapagturo sa akin. Kaya nakakaliit at nakababa ng moral, pero tiis tiis lang. Ganun talaga kailangan kumita ng pera.
Ang sunod na naging trabaho ko ay yun nga sa Jollibee, isang taon ako dun tapos nagtrabaho rin ako sa Burger King.
.
Sa tuwing kinukwento ko ito sa mga kakilala ko walang naniniwala.Paano daw mangyayari yun eh maputi daw ako saka mukhang kay tamad tamad ko.(GANUN??). Bakit naman ako magsisinungaling ?Bakit naman ako magiimbento ng ganito? May premyo ba yun?? Wala naman di ba!!Pero bahala sila!hehhe
.
Alam nyo pinilit ko lang maging magaan ang pagkwento ko sa inyo ,ayaw ko na kasing maging madrama, at lalong ayaw ko namang iparamdam sa inyo ang mga paghihirap ko noon. Okay na sa akin na nalaman nyo ang napagdaan ko. Di naman ako nagpapaawa dito, pero siguro magbigay ng kaunting parte ng buhay ko.Sapat na yun sa akin. Marahil inspirasyon na rin.
Maaga akong namulat sa kahirapan kaya maaga din akong namulat sa katotohanang”MAHIRAP KUMITA NG PERA”. Masasabi kong maswerte ako, dahil naranasan ko ang ganitong bagay dahil natuto akong magpursige pa sa buhay. Bawat sentimong kinkita ko ay binibigyan ko ng importansya at halaga.
Ang mga natutunan ko noon ang ginagamit kong sandata ngayon. Mas masarap ang tagumpay kapag nilagyan mo ng ito ng sakripisyo, pagod, pawis, pagsisikap at mananalig sa Dyos. Wala pa man akong napapatunayan sa ngayon pero masaya na ako na hanggang ngayon may bitbit pa rin akong pangarap at pag-asa sa buhay.
Sabi nga nila “KUNG MAY TYAGA, MAY NILAGA”, siguro di pa luto ang nilaga ko sa ngayon, pero sana pagdating ng araw matitikman ko na ang nilagang bunga ng pagtyatyaga ko. Alam kong mas masarap yun dahil matagal itong pinakuluan para mas lumabas ang lasa. Alam kong matitikman ko rin sya, siguro hindi pa nga ngayon, pero baka bukas na! Sana..........
Yun lang po ingat!
Tuesday, March 16, 2010
JABI! JABI!!
Natanggap ako sa Grill Area, bilang dakilang tagaprito ng patty para sa burger. Ako din ang gumagawa ng Jolly Hotdog, Aloha, Cheese Burger at kung ano ano pang burger doon.
Unang araw palang ng aking pagtatrabaho, may umepal nang crew ng Jollibee. Isang bading na ubod ng selan, mukha syang contruction worker na may makeup at sabog na labi dahil sa lipistik! Kaya nakakatakot ang itsura nya , heto ang eksena noon:
Ako: Opo Sir!
Sa hitsura ng bading na yun, halatang masamang masama ang loob nya dahil mukhang hito ang magiging trainee nya (oo ako nga yun, letche sya). Sarap bigwasan sa ngala-ngala ang bading na yun. At maniwala kayo at sa hindi, sa loob na isang buwang training, puro sigaw ang inabot ko sa kanya at mangmamaltrato. Hindi sya makarecover sa kras na kras nyang gwapong trainee kaya sa akin binubunton ang galit nya sa mundo.
Buti naman at madali akong natuto (hindi nauto), dahil makalipas ang isang buwan eh humanga naman ang Manager namin sa akin dahil kaya kong magbalot ng sampung burger sa loob ng isanng minuto. San ka pa! Pang PINOY RECORDS ang dating!!
Dahil Franchise lang, ang Jollibee sa amin, kaya hayun medyo tinitipid kami. Hindi tulad ng ibang Jollibee store na libre ang lunch o dinner, sa amin libre naman kaso kailangan mong tiisin kung ano ang luto sa Mini Canteen namin. (Kamusta naman yun Mini-Canteen sa loob ng fastfood)
Ako: Ate ano ulam natin ngayon?
Ako: Ganun ba yun so mag-iimagin na lang ako!
Ate: Ganun na nga, eh wala tayong magagawa kuripot ang may-ari
Sa ganun na nga, sa loob ng isang taong kong pagtatrabaho sa Jollibee, madalas ang ulam ko ay sopas, miswa na may patola at lucky me. (Ulam ba yun??) Minsan naman BABOY NA BINABOY dahil ubod sa baboy ng pagkakaluto. Para kaming nasa Evacuation Center o hindi kaya mga preso sa Muntilupa. Nyemas naman oh!Kung gusto namin ng produkto ng Jollibee kailangan naming bumili na may discount na 3%. Ano yun???
Madalas din ang nakawan sa mga locker, ultimo suklay at sanitary napkin ninakaw! Langya, may klepto atang crew sa amin, at pati ang panyo kong puro uhog hindi pinatawad ninakaw din (Kahit may uhog yun Caruso naman yun!Sosyal). Kaya hayun kada pasok namin kailangan isulat naming sa notepad ang mga nakalagay sa bag namin, at chechekin naman ni Manong Guard mamayang pag-out namin.
Madalas ding panggabi ang duty ko, dahil nga pumapasok ako sa school sa umaga. Dahil hindi nman 24 hours ang dyip sa amin, madalas wala akong masakyan pauwi. Kaya ang ginagawa ko, iniintay ko na lang ang mga dyip na nagdadala ng gulay sa palengke malapit sa Jollibee. Kaya hayun inaabot ako ng 3 ng madaling araw at sanayin ang sarili ko sa amoy ng nabubulok na kamatis, sibuyas at............. paa ng katabi ko! Ganyan talaga kailangan pagtyagaan.
Kaya hayun dumami ang bagsak ko, dahil nga kung hindi ako late, lagi akong napapaalis ng titser ko sa klase. Hindi ko naman mahinto ang pagjo-jollibee dahil wala naman akong baon. Saka isa pa di ko panabibili ang pinapangarap kong Nokia 5110. Na ngayon ay pwede ng pamukpok ng pako o di kaya pamalo sa pwet ng batang maepal.
Monday, March 15, 2010
SOSI MO NAMAN!!!
Alam nyo bang bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagiging “SOSYAL” at “FEELING MAYAMAN”. Bakit?? Eh hindi nyo ba napapansin na halos ng lahat ng Filipino ( mga 70%) ay gustong maging sosyal at magmukhang mayaman. Hindi ko alam baka may kinalaman ito sa ating kasaysayan, dahil nga nasakop tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Kaya hanggang ngayon mayroon tayong ganyan mentalidad.
Napansin ko lang na karamihan sa atin ,nabubuhay na lagpas sa kanyang katatayuan sa buhay. Kaya naman halos kahit magkanda baon-baon sa credit card at mangutang kung kani-kanino mabili lang ng mga gamit na pang- “SOSYAL”.
Bakit kapag may bagong gadget, hindi magpapahuli ang mga Filipino? Bakit punong puno ang mga kapehang pangmayaman tulad ng Starbucks? Bakit nauuso ang mga konyo o salitang pangmongoloid? Well dahil dyan sa kaisipang “SOSYAL” at “ FEELING MAYAMAN”.
Narito ang mga palatandaan ng mga taong nagpapa-SOSYAL
1. Namimili sa Mall na nakapamasko ang mga damit (pupunta langn sa mall para pumorma)
2. Laging nakashades kahit nasa loob naman sya ng isang mall o building (feeling artista ba, mas malaking shades mas mukhang sosyal)
3. English ng English (Kahit alam mong hirap na hirap na ang dila at sumasabog na ang ilong nya kakaenglish)
4. Ginagawang studio ang Starbucks at kung ano ano pang restaurant na mamahalin (syempre kailangang ipopost yun sa Facebook at Friendster na kumakain at umiinom sila ng mamahalin,ebidnesya yun)
5. Kailangan ipangalandakan ang kanyang ubod sa mahal na cellphone, ipod, laptop at kung ano ano pang gadget.
6. Kailangang alam na alam nya ang mga sikat na American TV shows at kabisado nya ang MTV. .
7. Kailangan may mga kaibigan din silang sosyal, sikat at mayaman.
8. Magsalita ng may MAKE saka pandiwa sa lahat ng sentence nya.
9. Conscious na conscious sa tatak ng kanilang damit, bag , sapatos at kung ano ano pa.
.
10. Pinagtatawanan ang mga jologs at baduy.
Pag mayaman ka talaga (yun tunay na mayaman) karamihan simple lang silang umasta. Tingnan nyo si Bill Gates, si Zobel de Ayala, si Gokengwei at si Danding Cojuangco. Simple lang sila at hindi sila masyado nagpapanggap na mayaman kasi mayaman talaga sila.
Aminin natin pag SOSYAL ka, parang tanggap ka ng lipunan. Pag sosyal ka sikat ka. Iniisip ko nga siguro kaya nauso ang pagpapasosyal ng mga Filipino dahil para tanggapin sya ng nakakararami, tumaas ang tingin sa kanya ng iba at magkaroon sya ng respeto dahil sa kanyang status sa buhay.
Pero marami din sa atin dahil sa kagustuhang maging sosyal, mas lalong silang nahihirapan. Nabubuhay sila malayo sa kanilang kakatayuan sa buhay. Marahil dala na rin siguro ito ng midya. Mga nakikita natin sa TV at magazine, at mga napapakinggan natin sa radyo. Pagpapakita na kapag sosyal ka, hinahangaan ka ng ibang tao. Kapag sosyal ka, kalevel mo na ang mga artista. Kapag sosyal ka, angat ka sa iba.
Siguro sa malaliman pang pagtingin, marahil ang kaisipang SOSYAL, ay dahil na rin sa mga “frustrations “natin bilang Filipino. Dahil pilit natin tinatakasan ang katotohanang naghihirap ang bansa natin. Pilit nating pinipikit ang mga mata sa mga nangyayari sa ating lipunan sa ngayon. Maari rin kayang likas sa ating mga Filipino ang pagiging “ingitero/ingetera” at “pagalingan (wala ka sa lolo ko)?”
Ako rin naman naging biktima ng kaisipang “SOSYAL” o "PAG-AASTANG MAYAMAN", marahil kayo din naman. Pero ngayon, pinipilit kong buksan ang mata ko sa katotohanan. Pinipilit ko ring maging praktikal at huwag mabuhay sa isang mababaw na pagtingin ng lipunan. Pero minsan napapasabay pa rin ako sa agos ng kaisipang ito, marahil ito'y sakit na matagal gamutin.
Ang sinulat ko na ito ay hindi pangungutya sa mga “SOSYAL” at NAGFEFEELING MAYAMAN dahil lahat naman tayo ay guilty dyan (ako din naman, weh). Pero ito’y isang pagtingin lamang at marahil paggising na rin sa iba na nabubuhay lagpas sa kanilang kakatayuan sa buhay.
Ikaw ,tatanungin kita sosyal ka ba?Bakit mo gustong maging sosyal? (Guilty naman ang lahat eh, kaya okay lang yan)
Ingat
P.S
Ano ang kinalaman ng picture ni Mystica sa post ko na ito?? Wala naman , pero di ba napakasosyal nyang tingnan! LOLS
Friday, March 12, 2010
Isang Napakagandang Kwento
Noong minsan may pinadalang email sa akin yung kras ko noong grade two pa ako, ang nakalagay sa subject ” I have a secret to tell, I like you…” eh di kumakabog kabog na yung puso ko, atat na atat kong buksan yung email! Pagbukas ko………. PUNYEMAS Chain letter lang pala. Ang sarap pagmumurahin ang mga taong walang magawa kundi magpost at magpadala ng mga chain letters na ito
.
Minsan naman kung hindi mo raw pinansin yung chain letter na iyun mamatay ang mga mahal mo sa buhay. PUTCHA!! Nakakabuwang naman yun, ano ba ito DEATH THREAT?? Siraulo pala sila eh. At heto pa, hindi pa sila masaya dun, isusumpa ka pa nila at sasabihing mamalasin ka raw ng buong isang taon, pati pamilya mo pinagbantaan din ang buhay!!!Ano sila Dyos??? Kaya paano ka naman hindi mabwibwisit dun, tinakot ka na nga, inaabala pa ang oras mo kababasa ng mga hinayupak na mga chain letters na yun.
Madalas sa mga text din uso yan, sasabihing promo ng Globe, ipadala ang message n aiyon sa sampung Globe subscribers at bibigyan ka raw ng autoload na 1,000 pesos mula sa Globe. Eh uto uto lang at tanga ang kakagat dyan eh.
Kaya payo ko lang, wag kayong papauto sa mga chain letters na kumakalat sa internet o cellphone. Maluwag ang turnilyo ang sino mang magfoforward ng mga chain letters na yun. At tanga lang ang naniniwala sa mga chain letters na iyan. At sa mga nagpopost ng mga chain letters na yan ang masasabi ko lang…. MGA TIMANG KAYO!
Salamat,
P.S
Pagkabasa ng letter na ito ay ipadala sa pito mong kaibigan sa loob ng pitong araw at ipost mo sa subject ang: Isang Napakagandang Kwento, kung hindi mo susundin ito, pitong taon kang mamalasin kaya wag balewalain ang babalang ito!!
Monday, March 8, 2010
NI-REJECT AKO NI JOLLIBEE
Kung di nyo naitatanong,eh alam nyo bang nagtrabaho ako sa Jollibee?(eh ano naman ngayon??). Okay ganito yan! Dati bibihira ang nakakapasok bilang Service Crew sa Jollibee. Marami silang qualifications at masyado silang mapili.
Ganito, kagagraduate ko lang ng Port Dyir noon. At dahil pangarap kong makapasok sa Jollibee noon, kaya nagkukumarat akong nag-apply, noong nagkaroon sila ng HIRING para sa mga estudyante. Kaya naman binibitbit ko na ang BIO DATA ko.Kailangan daw ng 1X1 piktyur kaya ginupit ko lang yung piktyur ko noong nagfield trip kami sa Manila Zoo. Kaya naman may umekstra pang unggoy sa background. At dinikit ko sya sa pamamagitan ng …..tenen….…kanin.
.
Manong Guard: Ikaw ba yun? naku bata! Mukha ka lang pinabili ng suka ng nanay mo ah! (Tumawa sya, saka ang ibang aplikante)
Ako: Eh hindi po! mag-aaplay po talaga ako, saka nabili ko na po yun suka ng nanay kaninang umaga!
Manong Guard: Naku totoy!Umuwi ka na lang! Saka may height requirement oh, 5’5 dapat!
Ako: Ha?Ma’am wala naman po akong landline at cellphone ah paano nyo po ako matatawagan?
Interviewer: Ah ganun ba?eh ano ehhhhh
Ako: Ma’am parang awa nyo na! Kailangan ko po ng trabaho dahil di na po ako makakapag-aral! Yung ate ko po pumasok na lang pong katulong para lang makatulong. Wala na rin po kaming pagkain,nagdidildil lang po kami ng asin para makain. (sino ba namang di maantig sa mala MMK kong istorya)
Interviewer: Sige na nga (naiyak sya!) punta ka bukas sa Final Interview.
Awa uli ng Dyos nakapasa ako sa Final Interview (ng walang drama-drama hehhee! )Kaya naman tuwang tuwa ako kasi at last makakapasok na rin ako sa Jollibee (Nyemas! taas ng pangarap ko).Okay na sana ang lahat pero bigla uli ako nireject. Bakit? kasi ganito:
Ako: Pwede po bang sa Dining na lang po ako? (Dining ang tawag sa mga waiter sa Jollibee)
.
Salamat po!
Friday, March 5, 2010
TALENT SHOWS!!!
Hindi ako marunong kumanta, syete !!!. Di ko alam kung anong nangyari sa boses ko. Eh myembro ako ng choir noong bata at madalas din akong pakantahin ni Lolo ng “Blue Jeans” sa harap ng mga kumpare nya. Pero ngayon…………… langya naman oh,ang silbi lang ng bibig ko ay panglamon at pangnguya lang!Hays!
Sinubukan ko ding tumugtog ng Keyboard at Piano. Nagkaroon ako ng Piano Lesson tuwing sabado ng hapon, pero hayun …dahil adik na adik ako sa Bioman, Mask Rider Black at Buknoy (ang nagsasalitang bola) eh hindi ako umaaten ng praktis namin. Kaya makalipas ang ilang buwan, lahat ng ng kasabayan ko kay gagaling tumugtog, ako wala. Hays (butong hininga uli)
.
Okay, wala rin akong future sa pagsayaw. Tae naman oh!! Dahil sa aking mahiwang beywang at paa na ubod ng titigas. Parang may sariling buhay ang mga bwisit na beywang at paa na yan. Ayaw makisama at gusto lang nilang umepal. Sinubukan ko naman! pwamis! Kaya noong grade 2 ako, sumali ako sa program ng school namin. At sumali ako sa isang dance number.
Ang sayaw naming ay ICE ICE BABY (okay payn, luma na yan nahahalata ang edad ko! Kayo na fetus!!). Syempre nagpabili ako ng bagong sapatos sa nanay ko. Matagal pa akong naglulupasay sa simbahan (pasikat kumbaga tinapat kong nagsisimba para walang kawala si nanay) para lang ibili nya ako ng SHAIDER shoes na umiilaw ilaw pa.. At epektib naman sya dahil binili nya ako, yun nga lang may kasamang kurot yun na maliliit. at batok na pasimple (syempre nasa loob kaya kami ng simbahan para di halata). Pero okay lang at least may Shaider shoes na ako.
Hayun na nga sumayaw na ako, dahil bago ang aking sapatos nagpakitang gilas ako. Feeling ko nun ang ganda ganda ng sayaw ko. Magkatapos naming magsayaw sa stage, nilapitan ako ng ate kong grade six na noon. Sabi nya “ano bang nangyari sa iyo? Bat nagwawala ka sa stage. Baluga ka ba? Pinagtatawanan ka kaya ng mga kaklase ko!Para ka daw tanga. Kakahiya ka!”.
.
At natauhan ako noong mga araw na yun! Nalaman ko na wala talaga akong future sa pagsasayaw. Kaya hayun simula noon hindi mo na ako mapapasayaw. Kung sumayaw man ako, mukha akong TIMANG!!
Ngayon minamaster ko na ang paglulon ng apoy, habang ngumunguya ng bubog. Ayaw ko ng tumulay sa alambre dahil luma na yan, tutulay na lang ako sa barb wire para astig. Basta bwisit na yan! Wala talaga akong talent. Kaya ang lakas ng insecurities ko pagdating sa talent talent na yan.
Hays (ikatlong butong hininga). Sige okay na ako! Siguro nga hindi naman pwedeng ibigay ng Dyos lahat sa isang tao. Yun nga lang “wala” naman binigay sa akin si Lord kahit isang talent.Hahaha!Joke lang
Eh sabagay naiisip ko, ang lahat naman ay pwedeng pag-aralan. Siguro kung bibigyan ko lang ang time ang sarili ko, matuto rin akong kumanta at sumayaw tulad ng napapanood ko sa mga Talent Shows na yan!
Ganun naman nga talaga eh, ang lahat ng bagay ay pinagsisikapan at pinaghihirapan. Tulad ng talent o kakayahan itoy pinagsisikapan din. Ang lahat ay hindi nakukuha ng bigla bigla, kung gusto kong gumaling kailangan kong pagsumikapan ito. Di pa naman huli ang lahat eh! Baka may isa pang purpose ang bibig ko bukod sa paglamon, baka pwede ko naman itong ipangkanta. At siguro may silbi pa naman ang paa at baywang ko, baka pwede ko iton pagkakitaan pa (mag mamacho dancer ako)
Pero siguro sa ngayon manood muna ako ng mga Talent Shows na ito. Nga pala! Ang galing nito oh! Lalo na yun keyboardist!Partida kulang pa daliri ng keyboardist! (Teka bakit parang nahiya naman ako dun!Kumpleto pa kamay ko ah!)
Heto pa:
Ingat
Tuesday, March 2, 2010
HAYSKUL LAYP
High school life, ba't ang high school life
Hindi ba si ate Shawie ang kumanta nyan, nung mga panahong medyo di pa sya nakakalulon ng pakwan at lumulobo na parang siopao ang pisngi.
Siguro kung tatanungin nyo ako kung anong stage sa buhay ko ang aalisin ko, siguro sasabihin ko yung HAYSKUL LAYP, gulat kayo noh, ipapaliwanag ko kung bakit.
Noong hayskul ako, na kung saan nagsisimula akong tubuan ng kung ano anong buhok sa katawan, at pumipiyok piyok ang boses, naranasan ko ang mga ganitong mga bagay;
AKO RAW AY ISANG LATAK
Alam nyo ba yung latak? Impurity sa Ingles. Natatandaan ko nun mayroon kaming “School Play” at ka-partner ko yung kras na kras kong kaklase (greyd por pa lang ako eh pinapantasya ko na sya.) Aba walang kaabog abog ba namang sabihin,
“Alam mo Drake, ikaw lang ang latak sa pamilya mo. Kasi mga kapatid mo gwapo, mapuputi at magaganda, ikaw payatot, maitim saka pangit.” Sabi nyang ganun
Aba medyo nabingi ako sa lakas ng dating ng mga salita nya, kaya pinaulit ko para makuha ko ng maayos baka kasi mali lang ang dinig ko. Kaya inulit nya, aba iyon din ang sinabi may dagdag pa kamo, UNANO daw ako, at di pa sya nasiyahan hinigan pa nya ng komento yung isa ko pang kaklaseng babae.
“ Diba noh, ibang iba ang mukha ni Drake?”
“Ay, Oo nga” (sabay tawa na parang mga mangkukulam)
Noong mga araw na yun gustong gusto kong pagbuhol-buholin at gawing pretzel ang mga lungs at esophagus ng mga kaklase ko na yan sa sobrang inis. Kung may hawak lang akong bolpen nun malamang tinusok ko na ang mga mata nila at ipapagulong ko sa haraninang kulay orange para gawing KWEK KWEK
Basta ang sarap bangasan ng isa ang mukha ng KRAS ko. At batukan ng dalawa yung sidekick nya. Aba sabihin ba naman yun INMAY PEYS.
CADET OFFICER TAE
Naku ngayon ko lang isasambulat ang isang ito, buti na lang at walang nakakakilala sa akin dito. Well di naman sya ganun kahiya hiya, Ganito ang kwento, HELL DAY namin sa COCC. So isang araw ng pagpapahirap para patunayan ang “TEAMWORK” naming mga cadet officer. So dahil kamo ako yung mukhang uto uto. AKo yung kinustaba ng aming Commandant.
Ang sitwasyon: Habang nasa kalagitnaan kami ng aming Drill, Magkukunwari akong sasakit ang tyan at tatae sa damuhan, at para mapatunayan DAW ang aming “Teamwork”, ipapakain ang kunwari kuwariang tae ko (pinagsasama samang kornik, tinapay at puti ng itlog, medyo magaling ang pagkakagawa ng japek na tae, kasi may mais mais pa). At walang magawa ang mga ka-officer ko kundi lasapin at kainin ang aking madilaw dilaw na TAE. Hahahaha!!
Halos isumpa ako ng mga kasamahan ko, pati yung EKS GERLPREN na kasamahan ko rin, halos murahin ako nang pagkalutong lutong.
Okay sana kung hanggang ganun lang ang nangyari, kasi naipaliwanag naman ng Commandant namin sa mga kasamahan ko na paepek lang nya yun. Pero ang hindi ko kinaya eh, nung kinabukasan SUMAMBULAT na parang tae ang chismis, na natae daw ako sa aming Room, at lahat ng nakasalubong ko ang tawag sa akin ay “BOY TAE” sabay tawa ng pagkalakas lakas. Lahat ng kaskulmeyt pag nakikita akokung hindi nandidiri eh tumatawa sa akin na halos lumubo ang sipon.Eh sige nga sino ba naman ang matutuwa sa ganung pangyayari, halos isumpa ko ang buong iskwelahan namin, kasi napahiya ako ng sobra sobra, eh nagbibinata na ako nun, tapos pagtutuksuhin ka ba namang “BOY TAE”.
Talaga namang isinusumpa ko yung pangyayari na iyun.
DAKILANG TALUNAN
PERS DYIR palang ako nun medyo aktibo na ako sa klase, dahil nga medyo lider lideran ako noong elementary at Onor istyudent mula greyd wan hanggang greyd siks, kaya naman pinangarap kong maupo sa aming pinagpipitagang “ ISTYUDENT KAWNSIL” .
KAMPEYNDEY na, at halos lahat na ata ng gimik na pwede kong gawin ay ginawa ko na. Nandyan kumanta ako ng piyok piyok para maaliw ang mga baluga kong kaklase, magpasirko sirko na parang unggong nakasinghot ng acetone o rugby, sumayaw kahit parehong kaliwa ang paa ko at matigas pa sa adobe ang beywang ko,at maubos ang lahat ng kapangyarihan ko para idakdak ang mga plataporma namin(tulad ng pahabain ang oras ng recess, walang pasok tuwing exam day, at pwedeng mangulangot habang recitation, hehehe, joke lang).
Basta lahat lahat ay ginawa ko na makuha ko lang ang boto ng mga hinayupak kong mga kaklase. Pero talagang gusto lang nila akong pagtawanan, kasi hindi naman ako binoto. Ang nakakainis pa eto sasabihin sa iyo
“Congratulation siguradong panalo ka na”
Sasagot naman ako “ Salamat po”.
Pagkatapos malalaman mo na milya milya ang lamang ng kalaban at ikaw ang kulelat. Eh mga plastik pala sila eh. Ang sama pa nyan dadalawa dalawa kaming lumaban ako pa ang natalo.
Kaya nung kinukuha uli ako noong TERD DYIR para lumaban, eh umaayaw na ako. Syempre kailangan ko namang isalba ang maganda kong pangalan. Pakiramdam ko kasi ginagawa akong UTO-UTO o kaya clown tuwing nangangampanya.
TITSER ENEMINAMBER WAN
Eh komo, nawala na ang gana ko sa pag-aaral, lahat naman ng kagaguhan ay ginawa ko na. Ako ang suki ng pagdadamo at paglilinis ng buong skul namin kasi lagi akong leyt .Hindi na ako nag-aaral, nagnungulakot na lang ako buong maghapon, at iniintay ko na lang mag-bel. Pero sabi nila natural daw ang katalinuhan ko (Naks naman!), kasi kahit bulakbol at di ako nag-aaral eh lagi akong nasa Top Ten (hehehe!!). Ako kasi yung tipong “GUD BOY” ang dating, kahit na daw magpakagago at magpakabulakbol ako sa klase mukha pa rin daw akong uto-uto.Kaya hindi sineseryoso ng mga titser ko ang pagkabulakbol at pagiging leyt ko. Madalas sa akin pa rin inuutos ang pagtitinda ng pulburon at yema, sabay sulat sa “Class Record” ng plus 5 sa bawat pulburon at yemang bibilhin nila.
Ngayon kungtatanungin mo daw ang mga Hays skul titser ko kung ano ang naalala nila sa akin sasabihin nila:
“Ah si Drake, yung batang maliit na nahulog sa sapa at gumulong sa pilapil, whahahhaha” sabay tawa na kita ang wisdom tooth at ang maliit na bituka” iyon ang naalala nila sa akin, hindi ko alam kung bakit, gusto ko sanang sabihin:
“Ma’am ako po yung nanalong Best Presentor sa buong prabins natin, at ako rin po ang pinanlalaban nyo sa mga Quiz Bee at contest, Best in Science po ako Ma’am”
Eh sa dinami-dami rin naman ng mga binigay kong karangalan sa skwelahan namin, ewan ko ba kung bakit yun ang lagi nilang naalala sa akin. Ginagawa na naman akong katatawanan at UTO UTO. Kawawang Drake. Hahahah
Ngayon, medyo kahit papaano eh nagbago na ang lahat, medyo hindi na akong tinatawag na latak, kasi pumusyaw pusyaw na ang kulay ko, tumangkad at gumwapo na (walang pakialamanan blog ko ito!!!), Marami nga ang nagtatanong sa mga nanay at tatay
“ Anak nyo ba ito? bakit mukhang artista” hahahaha, dagdag ko na yun. Joke lang!!
Yung pagiging loser ko naman ay nakatulong para di ako sumuko agad sa buhay, kumbaga minsan kailangan nating maranasang mabigo para magtagumpay,tanggapin ang bawat pagsubok ay hamon para sa ikabubuti at ikakaunlad mo. (Naks may lesson pala!!!)
Yung pagiging Cadet Officer Tae ko naman………………. hayun wala namang naitulong sa buhay ko, hahaha!!Minsan ganyan talaga, may bahagi sa buhay natin na masarap burahin ng eraser o kaya lagyan ng LIKWIDPAPER, pero sabi nga nila kung hindi dahil sa mga kabiguan natin at mga paghihirap natin hindi tayo magtatagumpay. Masasabi ko na yung mga naranasan ko noong hayskul ang naging daan ko para makuha ko kung ano ang meron ako ngayon.
Totoong gusto kong alisin ang yugto nayan sa buhay ko pero ano pa man ang nangyari sa nakaraan ko sisiguraduhin kong hindi sya magiging balakid para sa buhay ko ngayon at sa hinaharap pa. Tandaan “Minsan kailangan natin matikman ang pait bago natin mas lalong manamnam ang tamis ng isang bagay”. Maramdaman nating magiging mababa para kung mapunta ka naman sa mataas marunong tayong abutin at maintindihan ang mga nakakababa sa atin at ituntong ang mga paa natin sa lupa.
Ngayon tinatawanan ko na lang ang lahat ng mga nangyari sa akin noon, alam ko kasi kung hindi dahil sa UTO UTONG DRAKE na yan, hindi siguro lilitaw ang totoong DRAKE ngayon.