Saturday, April 24, 2010
CERTIFIED JOLOGS ME!!
__________________________________
Oo Jologs ako! Baket?? Anong problema?
Aaminin ko na JOLOGS ako, medyo maraming mga bagay na nagpapatunay ng aking pagkajologs at ang mga sumusunod ay tatlo lang sa palatandaan ng aking KAJOLOGSAN:
BIHIS ALA HIPHOP
Nung third year high school ako noon, usong usong ang mga HipHop get up na tinatawag. Yung litaw ang brief (kita ang garter na mala-bacon) at baggy pants (yung tipong hanggang tuhod ang pundya). Tapos ang T-Shirt ko noon ay extra large ang size kaya mukha talaga akong ewan nun. At dahil sa aking hanggang tuhod na pundya nagmumukha akong MAY TAE sa pantalon na naghihintay na bumagsak sa lupa (nice parang papaya lang) Basta mukha akong nakakasukang tingnan. Ganun ang hitsura ko.
So isipin nyo na lang na kamukha ko si Andre E, habang suot suot ko yan. Madalas akong nilalayuan ng mga kaklase ko dahil mukha daw akong ...........mabahong tingnan(sensya naman!). At kahit nangingitim na ang garter ng brief ko,wala akong pakealam…USO EH! !LOLS!
Medyo hilig ko rin magsuot ng technicolor na damit, kaya mukha rin akong NAGLALAKAD NA BANDERITAS. Pero 'wag ka proud na proud ako sa suot ko na yan, basta feeling ko KEGWAPO GWAPO ko!
(UPDATE: Nagbagong bihis na ang mga hiphop ngayon, madalas silang nakasuot ng extra large na TSHRT at skinny jeans. Kaya mistula silang mga TRUMPO at ICE BUKO dahil sa porma nilang yun! Pero ika nga trip nila yun kaya walang basagan ng trip)
WOWOWEE
So kakayanin nyo ba to? Oo naging Studio Audience ako ng Wowowee (sorry naman dun,hahaha). Alam nyo ang Saudi , nakaka-jologs talaga (isa akong living proof nyan)
Dahil syempre kailangan mo ng pampatanggal homesick , kaya nakakatuwa lang na sasalubong sa iyo mula sa opisina ay ang mga babaeng litaw-litaw na ang mga kaluluwa. Kahit nabwibiwisit ako sa pagmumukha ni Wille,at pinipilit nyang kumanta kahit parang busina ng trak ang boses nya, eh tinitiis ko yun makita ko lang sila Luningning, Mariposa at Milagring (wala na sila sa Wowowee, kalungkot naman!) habang nagsasayaw sila sa LIVE BEERHOUSE ON TV ang Wowowee
Kaya nung nabigyan ako ng tsansa na makapunta sa Studio nila, hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Syempre sinama ko na rin ang tyahin at nanay ko (nice kalevel ko ang mga matatanda) dahil mga dakilang fans sila ni Willie. Ako naman todo sayaw ng BOOM TARAT TARAT noon, pero hindi naman ako napili bilang BIGATEN, dahil mas inuna ni OWEN ang mga Balikbayan galing STATES (Siraulong yun). Kaya nalungkot naman ako dun kasi hindi ako makakabati sa TV, pero natuwa naman ako kasi may souvenir photo ako kasama si………BENTONG.
Teka siguro kwento ko na lang yung karanasan ko na yan next time. Medyo marami akong maikukuwento dyan at ipopost ko rin ang picture namin ni Bentong kaya abangan......
JAPANESE RESTO
Hindi ako mahilig sa mamahaling resto,para sa akin pare-pareho lang yang pagkain.Sa huli mabubusog ka rin naman at itatae mo rin yan sa kubeta (at kahit gaano pa kasarap at kabango ang pagkain mo, ilalabas mo rin itong mabaho at kulay brown! ).
So hayun na nga, nung minsang kumain ako sa isang susyal na Japanese restaurant dito sa Saudi,masyado akong naexcite. Dahil syempre Japanese Restaurant yun, naka chopstick sila. At dahil pakiramdam ko kay dali-daling gamitin ang mga dyaskhaeng patpat nayan , nagmagaling ako (pasikat lang ba). Pero bwisit na chopstick yan akala ko madali lang, yun pala ke hirap hirap. Hindi man lang umabot sa bibig ko ang mga pagkain kasi nahuhulog sya sa sahig. Kaya nagmukha akong timawa sa mga oras na yun!
Dahil sa inis, hindi na ako nakapagpigil pa, tinusok ko na lang ng chopstick yung fresh tuna na parang fishball. At dahil mukhang masarap kinain kong bigla yung tuna. Pero punyemas na yan, hindi pala masarap yung fresh tuna na yun. Lasang luga (uyyy nakakain na sya ng luga!) kaya sinuka ko lang iyon sa plato ko (parang pusang sumuka lang kung saan). Di ko napansin nakatingin na pala sa akin ang mga kasamahan ko , kaya patay-malisya ako at nagsabing “SIGE KAIN LANG KAYO” habang kumakatay pa ang laway ko sa plato (yakiiii). At dahil dyan nawalan sila ng gana at binayaran na nila ang bill namin. Okay payn, hindi nakakagana ang suka! Napatunayan ko na yun!
Marami pa akong kajologsan sa buhay kaya ang magsasabi ko lang ay isa akong Certified JJ o JUMPING JOLOGS!Hahahha!
Lahat naman tayo may kanya-kanyang kajologsan. Pero kung minsan nahuhusgahan at nalalait natin sila dahil kasi nakakatawa sila. Nakakatawa ang mga kajologsan at kabaduyan nila sa buhay.
Ako, madalas na akong pagtawanan ng ibang tao dahil sa aking pagiging jologs ,pero okay lang yun sa akin, dahil GANUN NA AKO EH! Wala na akong magagawa dyan. At hangga’t wala naman akong ginagawang masama at hindi ako nakaapak ng ibang tao, patuloy ko pa ring aaminin sa sarili ko na JOLOGS ako. JOLOGS AKO , at JOLOGS AKO!!! Tandaan sana natin na "HINDI MASAMA ANG MAGING JOLOGS".
Isipin rin natin na nasa bansa tayo na mas marami ang mahihirap kaysa sa mayayaman. At marami ang MASA kaysa sa ELITISTA. Kaya marami rin ang mga JOLOGS kaysa sa mga PASOSYAL. Pero mas pipiliin ko pang maging Jologs dahil TOTOONG TAO ako kaysa sa isang PASOSYAL na nagtatago lang sa kasingungalingan . Sa huli kahit balutin mo ng ginto ang isang JOLOGS lalabas at lalabas din ang pagkajologs nya. Kaya kung katawa-tawa ang isang CERTIFIED JOLOGS kagaya ko, mas hindi hamak nakatawa -tawa ang mga JOLOGS na nagpapanggap na hindi sila JOLOGS! At hindi lang sila mas katawa-tawa mas kaawa-awa pa sila.
Kaya ang tanging masasabi ko lang ay "MABUHAY ANG MGA JOLOGS! "
Ingat
Tuesday, April 20, 2010
PARA SA IYO NANAY!!
Ngayon ay April 20, at makalipas ang tatlong araw April 23 na! Ano ang meron sa April 23? Wala lang, bertdey lang naman ng aking kyut na kyut na NANAY!!
Alam ko lab na lab ako ng nanay ko, sabi daw ng mga kapatid ko lagi daw akong pinagmamalaki ng nanay sa kanyang mga kumare at kakilala. Kaya sobrang tuwang tuwa naman ako sa aking Nanay.
At dahil bertdey nya, gusto kong mag-emo . Wala lang gusto ko lang pasalamatan ng Nanay ko sa lahat lahat ng binigay nya para sa amin.
Pakner ko kasi si Nanay sa lahat ng bagay eh. Dahil nga masyado akong maselan sa pagkain, lagi nya akong binibilhan at pinagluluto ng paborito kong pagkain. Kaya nga masasabi kong beybing beybi ako ni Nanay. Kaso dahil sa aking angking kakulitan at kagaguhan ,madalas eh hinahayblad sya sa akin. (Sorry naman po Nay!)
Madaling araw kung gumising si Nanay, bago sila magsimba ng tatay, hinahanda na ni Nanay ang lahat ng papabunin namin at kakainin namin sa umaga. Laging masasarap at masusutansya ang luto ng nanay. At dahil alam ni nanay na hindi ako mahilig sa gulay laging may nakatabing pinipritong baboy sa mesa. Alam kasi ni nanay na paborito ko yun.
Alam nyo kaya ako nagsumikap na mag-abroad ay dahil na rin sa Nanay ko. Madalas kasing umiiyak si Nanay gabi gabi dahil hindi nya alam kung saan kukuha ng pera pambaon sa mga kapatid ko. Iyak sya ng iyak sa kwarto, samantalang ako nakatingin lang sa kanya. Halos pinupunit ang puso ko pag nakikita ko si Nanay na ganun ang sitwasyon.Ang gagawin ko na lang ay aalis ,papasok sa kwarto at doon na lang ako iiyak. Wala naman kasi akong magagawa para tulungan ang nanay eh. Estudyante pa ako noon, kaya paano ako makakatulong sa kanya? Kung pwede nga lang bang pumasok ng walang baon gagawin ko, kaso halong milya milya ang layo ng unibersidad ko sa bahay namin. Kaya lalo akong nafufrustrate kapag nakikita ko ang nanay na ganun ang sitwasyon.
Noong isang araw naman, sumakit ang dibdib ng nanay. Kasi napagod yata sya kakalaba maghapon. Sa dami naming magkakapatid (8 kami), halos sya lahat ang naglalaba ang damit namin. Halos nababakbak na nga ang kamay at kuko ni nanay kakakuskos ng mga uniporme namin. Kailangan kasing matuyo at malabhan ang uniporme namin, kasi dalawang set ng uniporme lang ang meron kaming lahat. Kaya sabi ko nanay kapag nagkatrabaho ako bibilhan ko sya ng washing machine. Pangako ko yun sa kanya.
Nung minsan naman, halos hinimatay ang nanay dahil sinugod sya ng pinagkakauntangan nya. Sinisingil na si Nanay at kung ano-ano pa ang sinasabi sa kanya. Saksi ako sa lahat ng pangyayari kung paano alipustahin ang nanay sa harap ko pa mismo. Gusto ko sanang suntukin ang naniningil kay nanay, kaso hindi pwede kasi kami ang may utang. Kaya kahit inaalipusta na sya, panay hingi pa rin ng pasensya ang nanay. Nangingilid ang luha ko noon at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking ulo. Nakita ko na lang na umiiyak si nanay sa isang tabi. Di ko alam kung paano ko matutulungan ang nanay sa mga sitwasyon na iyon.
Kinagabihan, naalimpungatan ako .May naririnig kasi ako sa may kusina namin. Naguusap ang nanay at tatay tungkol sa amin. Sabi ng nanay, hindi na raw nya kaya, nahihirapan na daw sya sa buhay.Hirap na hirap na raw sya kung saan hahanap ng pera. Habang nakikita kong bumubuhos ang patak ng luha sa mata ng nanay . Awang awa ako sa kanya dahil kitang kita sa mukha ng nanay ang labis na hirap, pag-aalalala at kalungkutan. Dali akong pumasok sa kwarto , umiyak at damang dama ko ang hinagpis ng nanay . Parang kinukurot ang puso ko sa sakit kaya sinabi ko sa aking sarili na “Nay, pangako tutulungan kita! Hinding hindi na kayo muli pang iiyak.”.
Simula noon, nagpursige na akong mag-abroad. Pagkagraduate, naghanap na ako ng trabaho sa ibang bansa. Kahit ano na lang papasukin ko, kahit waiter o service crew papasukin ko pa rin. Hindi na ako namimili kung anong trabaho ang nag-iintay sa akin sa abroad, basta ang iniisip ko lang noon ay kung paano matutulungan ang nanay. Ayaw ko na syang nakikitang umiiyak, at ayaw ko na rin syang nakikitang nahihirapan.
Mabait si Lord, dahil hindi naman ako nabigo. Inilihim ko ang lahat sa nanay na paalis na ako papuntang Saudi. Ayaw ko na kasing mag-aalala pa ang nanay sa akin, ayaw ko rin na mag-isip pa sya tungkol sa gagawing kong pakikipagsapalaran sa abroad. Sinugurado ko na muna ang lahat na ayos na ang lahat ng papel bago ko sabihin sa aking pamilya. Kaya nung gabi sinabi ko na sa amin na mag-aabroad ako, tinatagan ko ang sarili na hindi ako iiyak. At hindi ko ipapakita na mahirap sa akin ang mag-abroad at lumayo sa piling nila.
Noong pinaalam ko na ang lahat sa amin, lahat ng kapatid ko ay natuwa. Lahat sila masyaang masaya dahil pakiwari nila, malaki ang maitutulong ko sa buhay namin. Akala ko lahat masaya, pero nalungkot ako, na sa isang sulok iyak ng iyak ang nanay ko. Pinuntahan ko sya at inamo amo:
“Nay, bakit pa ba kayo iiyak?Lalayo lang naman ako para tulungan na kayo”
“Anak, dito ka na lang! sama sama na lang tayo dito. Ayaw kong malalayo ka sa amin.Mahirap ang buhay sa Saudi, anak!Dito ka na lang!” sambit na nanay ko
“Nay, kailangan eh! Saka ayoko na kayong nakikita umiiyak pa dahil sa paghihirap. Pagkakataon nyo ng makaranas ng ginhawa. Sapat na yung mga paghihirap nyo. Tutulungan ko kayo, Nay. At pangako nyo sa akin, hinding hindi na kayo iiyak pang muli”. pangako ko kay nanay
Yan ang pangako namin sa isat-isa. Hanggang ngayon, pinilit kong tuparin ang pangako ko kay Nanay na hindi na sya iiyak pa dahil sa paghihirap at dahil lang sa pera.Sinusubukan ko sa abot ng aking makakaya na guminhawa na rin si nanay sa buhay. Nararansanan na nya ang lahat ng paghihirap at nararapat lang na maranasan na nya ang sarap ng buhay. Pinipilit kong hindi na mag-intindi ang nanay sa usaping pinansyal. Binili na rin namin sya ng malaking washing machine at umupa na rin kami ng labandera para aming mga labahin.
Sa ngayon, sa tuwing nag-uusap kami sa Skype. Lagi ko syang tinatanong kung umiiyak pa rin ba sya? Natutuwa ako sa sagot nya kasi sabi nya “Bakit naman na ako iiyak anak?Eh dyan ka naman sa amin palagi! Salamat anak sa lahat ha!”. Halos tumulo ang luha ko sa tuwing sinasabi yun ng nanay. Tinupad ni nanay ang pangako nya sa akin, at ako rin naman tinutupad ko rin ang pangako ko kay nanay.
Kung sakaling makita ko muling umiiyak ang nanay. Nais ko sanang pagluha yun dahil sa labis na kagalakan. Patuloy kong tutuparin ang pangako ko sa kanya. Pagkakataon na rin naming magkakapatid na ibalik kay nanay ang lahat ng pasasalamat at pagmamalaki. Basta sobrang prod na proud ako kasi sya ang aking nanay.
Kaya para sa inyo nanay “MALIGAYANG KAARAWAN PO, AT MAHAL NA MAHAL PO NAMIN KAYO”.
Ingat
Wednesday, April 14, 2010
Ma'am Manalastas aka Ma'am Powkie
Habang nagdidiscuss si Ma’am Powkie ( gamitan natin ng alyas baka mabasa nya itong blog ko eh), napunta ang discussion namin tungkol sa “Pang-uri”. Heto ang senaryo.
Ma’am Powkie: Class, ang pang-uri ay ang paglalarawan sa pangalan at panghalip. Tulad ng sentence na ito…..”Ako ay magandang babae”.
Class: Hahahhahaah (biglang tumawa ang klase kahit hindi naman nagjojoke si Ma’am)
Ma’am Powkie: MGA LETCHE KAYO!!!! (galit na!) Anong nakakatawa?? (tumitig na ng masama)
Biglang tumahimik ang buong klase. Kaya pinagpatuloy nya ang kanyang pagturo.
Ma’am Powkie:Okay Drake! Magbigay ka nga ng isang pangungusap na may pang-uri.
Ako: (nabigla ako) Ma’am ano po…. Uhmmmmm “ Kayo po ay ubod ng ganda , at kamukha nyo po si Zorayda Sanchez!!!Hahahaha”. (ako lang ang tumawa).
Akala ko matatawa ang mga kaklase ko pero mga siraulo sila hindi man lang nakisama
Dahil sa sinabi ko na yan, biglang nagliparan ang notebook, eraser, libro patungo sa aking pagmumukha.Parang torong galit na galit si Ma’am Powkie. At dahil sa pangyayaring yan suspindido ako ng isang linggo at mula din noon hindi na nya ako binentahan ng yema sa klase.
Noon ko lang napagtanto, na masama na ngayon ang pagsasabi ng totoo.
So akala ko hindi na kami magtatagpong muli ni Ma’am Powkie. Pero nagkamali ako dahil muling nagkrus ang aming landas (wow parang teleserye lang ah). Sya ulit ang aming titser sa Filipino. This time, medyo mabait na sya dahil siguro sa ipit nyang kulay pink, sa sapatos nyang pink, damit nyang pink, panyo nyang kulay pink at BABA nyang kulay pink.
So heto na uli, ang topic namin ay tungkol sa Homonyms.
Ma’am Powkie: Mayroon tayong mga salitang iisa ang baybay at iisa din ang tunog pero magkaiba ng kahulugan. Tulad nito sala (sin) at sala (living room). Ikaw Andrea magbigay ka ng example.
Andrea (kaklase kong mukhang vicks): Baga (lungs) at baga (ember)
Ma’am Powkie: Magaling (palakpakan ang buong klase) o ikaw naman Tonio magbigay ka ng isa pang halimbawa.
Tonio (kaklase kong adik): Supot (plastic ) at Supot’ (di pa tule)
Tawanan ang buong klase pati si Ma’am Powkie tumatawa din habang may mamuo muong laway sa gilid ng bibig at kita din ang bulok na bagang nya malapit sa kanyang wisdom tooth.. Dahil masaya ang mood ng klase, gusto ko ring magjoke (aba di pwedeng si Tonio lang ang sikat). Kaya talagang pabibo ako at sobrang nagtaas ako ng kamay. Kaya nung tinatawag ako ni Ma’am Powkie nagjoke ako.
Ma’am Powkie: Okay Drake magbigay ka rin ng Halimbawa
Ako: Ma’am ano po!hehehe!! BABA (down) at BABA!!!! (chin) …..(sabay turo sa baba ni Ma’am Powkie at tawa ng WHAHAHHAAHA)
Tumawa ang buong klase ng ubod ng lulutong.Dumadagundong ang tawa ng mga baluga. Syempre feeling sikat ako kasi nakakatawa kaya ang joke ko. At habang proud na proud ako sa aking joke bigla akong natakot dahil nakita kong nagliliyab sa galit si Ma’am Powkie. Pulang pula ang mukha nya sa galit, at mukhang tutusin na nya ako ng BABA nya ..........kaya nsobra akong natakot sa kanya (sorry naman!!)
At ika nga “history repeats itself” dahil biglang lumipad ang mga chalk, teksbook, ballpen at eraser na parang may mga magnet at sariling buhay dahil saktong sakto sa pagmumukha ko. At malamang kung kayang buhatin ni Ma’am Powkie ang blackboard baka hinampas nya sa akin yun . At dahil dyan hindi sya nagturo ng isang buwan sa klase namin. At lahat kami muntik ng bumagsak dahil sa inyong lingkod (ahem)!!SIKAT!! (**please insert feeling pogi pose here***)
Kaya mula noon ayaw ko ng magjoke. Ayaw ko ng magjoke lalo nat hindi naman ako CLOWN.
At ang moral lesson ng kwento ko na ito ay:
1. Huwag mong gagawing pang-uri si Zorayda Sanachez ( sumalangit nawa)
2. Huwag mong gagawing halimbawa ang BABA (down) at BABA (chin) kapag kamukha ng titser mo si Pokwang at Ai Ai delas Alas COMBINED.
Salamat po!
Saturday, April 10, 2010
HANGSELAN MO!!!
Okay tama na nga yang seryus-seryus pwet na yan! Kailangan ibalik ang totoong Drake, kaya “Time and space warp ngayon din…….(***insert usok here***) …dyaran…. AKO na uli ito!
.
Hindi ko alam kung maselan ako sa pagkain o hindi. Pero alam ko lahat naman kinakain ko, tulad ng lugaw na pinagbackstroke-an ng mga langaw, ice cream na may uhog ko, cake na napapanis at kung ano ano pang kadugyutan na pagkain ang nilalamon ko.
Pero yun nga lang marami din naman akong hindi kinakain tulad ng mahiwagang…….tenen…..Gulay. Tanging mga dahong gulay lang ang kinakain ko (kalabaw??) at ayoko ng mga gulay na may matatapang na lasa (yung tipong nanununtok ba?). Kaya ayaw ko ng ampalaya, okra, sigrailyas, bataw at kung ano ano pang gulay na nasa bahay kubo kabilang ang SINGA (uhog??) sorry … LINGA pala (sesame seed). Sinubukan ko namang kainin pero wala eh sinuka ko rin! Di ko talaga gusto!
.
Hindi rin ako mahilig sa Seafoods tulad ng Talaba (lasang sipon kasi), alimango, hipon, tulya at kung ano ano pang seafoods. Hindi dahil mayaman ako at may “allergy” ako sa ganyan, kundi hindi ko lang trip na pinahihirapan ka pa bago mo makain ang kakarampot na laman.
.
Ayoko ko rin ng Adobo pusit, dahil mukhang pusali o kanal ang hitsura nya. Pero mahilig ako sa calamares, inihaw na pusit at peyborit ko rin si Tya Pusit (dahil kamukha nya ang nanay ko). Tatlong klaseng isda lang ang kilala ko……. tilapia, bangus at galunggong. Ayoko ng ibang luto sa isda bukod sa pinirito lang. Yun lang ang gusto ko at yun lang ang kinakain ko.
Mahilig ako sa manok, kahit anong klase ng luto sa manok kinakain ko. Adobong manok, piniritong manok, afritadang manok at kahit tubuan pa ako ng pakpak, okay lang sa akin dahil mukha naman akong anghel (naks, gumaganun ka drake!). Basta paborito ko pa rin ang manok. Mahilig din ako sa baboy, kahit siguro araw araw kong ulam ang piniritong baboy,wala kang reklamong makukuha sa akin.Pwera lang kung baboy na binaboy! Ayoko ko nun!
Kahit ano kinakain ko, kahit palaka, bayawak, ahas,aso, pusa, camel, kalabaw, kambing , kuneho, at lahat ng hayop sa zoo. Nakakain na din ako ng langaw at lamok (bwisit na langaw kasi yan eh, kala ata ng langaw na yun dumpsite ang loob ng bibig ko. Siraulo yun! ano akala nya dun may lamang basura ang esophagus ko?Suntukan na lang eh). Kaya ang maipapayo ko lang sa iyo “wag nyong subukan kumain ng langaw, hindi masarap dahil mapait sya! Pero kung bubudburan ng asukal, pwede na rin- bukayong langaw”.
Kaya hindi ko alam kung maselan ako sa pagkain?
Sa buhay natin, marami tayong mga choices (parang mga panlasa natin sa pagkain).Minsan kung ano pa ang mabuti yun pa ang hindi natin pinipili (katulad ng hindi ko pagkain ng gulay). At kung ano pa ang nakakasama sa atin yun pa ang gusto natin (tulad ng hilig ko sa pinirito).Namimili tayo batay sa sarili nating panlasa. Pero ika nga hindi lahat ng gusto natin ay nakakabuti sa atin. Kung minsan nabubulagan tayo ng sarili nating kagustuhan at nakakalimutan na natin ang mga bagay na nararapat at mabuti. Dahil sa ito anng hilig ng katawan natin, nagiging iresponsable na tayo sa mga bagay na mabuti at tama. Huwag tayong maging makasarili.
Ngayon pinipilit ko ang sarili na tanggapin ng palasa ko ang gulay kahit hindi ako nasasarapan. Dahil alam kong nakakabuti iyon para sa akin at iniiwasan ko na ang prito dahil baka bigla na lang ako mastroke dahil sa taas ng cholesterol ko sa katawan.
Tulad ng mga kagustuhan ko sa buhay, pinipilit kong balansehan kung ito ba ay makakatulong sa akin at kung ito ba ay tama. Hindi lang dahil sa gusto ko yon, pero dahil ito ang nakakabuti para sa akin at sa iba. Minsan mahirap tanggapin ang mga bagay na taliwas sa kagustuhan natin, pero kung pipilitin nating intindihan ang lahat mas makikita natin ang magandang epekto nito sa atin sa hinaharap.
Kaya ngayon kakain na ako ng gulay at iniiwas-iwasan ko na ang pagkain ng…………..langaw!
Yun lamang po at maraming salamat.
Tuesday, April 6, 2010
Ano ba ang kaibahan ng blog mo??
Isang araw biglang may nagtanong sa akin “Ano ba ang kaibahan ng blog mo sa blog ng ibang blogger?”. Uhmmmm napaisip ako ng konti at ginamit ang natitira pang 4MB ng utak ko.
Aamin ko nagsusulat ako hindi para lang sa sarili ko kundi para rin sa mga nagbabasa ng blog ko. Masarap magkwento ng karanasan ko sa buhay pero mas gusto kong ibahagi ang mga natutunan ko sa buhay sa aking mambabasa. Naniniwala ako na mula sa mga ideya, opinyon at kuro-kuro ng ibang tao mas marami ako natutunan sa buhay. Mahilig akong makipagkwentuhan sa ibang tao dahil marami akong nalalaman mula sa karanasan nila. At tulad ng mga aral na nakuha ko mula sa kanila, nais ko rin itong ibahagi sa ibang tao.
Naniniwala ako na ang tunay na kaalaman sa buhay ay hindi matatagpuan sa libro o eswelahan, kundi nasa ating mga karanasan at napagdaanan sa buhay.
Bakit puro kalokohan at kagaguhan ang blog ko?Dahil ito ang pinakamabisang paraan para makakuha ng atensyon ng ibang tao, pero sinusigurado ko na sa bawat halakhak o tawa na maari kong maibigay sa mambabasa ay ang mga butil ng aking kaisipan at pag-asa para sa kanila.
Nagsimula akong magsulat ng mga seryosong mga sulatin at ang iba naman ay tungkol sa relihiyon. Subalit nakakalungkot isipin na iilan lamang ang may ganang bumasa nito. Siguro nga may mga bagay na mahirap kasing tanggapin lalo na kung ibibigay sa iyo ito sa isang seryosong paraan. Ang paglalagay ng humor sa bawat sulatin ang nagbigay sa akin ng magandang paraan para maging kumportable ang bawat mambabasa at matanggap ang mga maliit na butil ng aral na natutunan ko sa buhay. Kung hindi man ako nakapagbigay ng inspirasyon, masaya na rin ako na kahit sa impit na halakhak at ngiti napagaan ko ang kanilang kalooban.
Karamihan sa mga blog ngayon ay mga diary-type o journal type ng blog. Pagkukuwento ng bagong pangyayari sa kanilang buhay. Sa akin karamihan sa aking mga post ko ay ang mga karanasan ko noon pa. Binabalikan ko kasi sa aking memorya ,ang mga karanasan kong nagbigay sa akin ng aral sa buhay. Ito ang mga bagay na gusto kong ibahagi sa iba na baka pwedeng kapulutan din ng aral.
Madalas din akong magbigay ng kwento na may kaugnayan sa sosyal at polikal na aspeto ng ating bansa. Pagpapahayag ng aking sariling opinyon na baka makatulong para mapansin natin ang ating kapaligiran at mabigyan tayo ng ibang pagtingin tungkol sa mga bagay bagay.
Ako, hindi ko hangad maging sikat, kaya nga piniling kong magkubli na lang sa mata ng nakararami. Hindi ko nais na ako mismo ang mabigyan ng atensyon kundi sana ang aking mga naisulat. Hindi ko rin hangad ang napakaraming komento, dahil kung iyun lang ang nais ko eh di sana nang-away na lang ako ng ibang blogger o di kaya gumawa ng mga topic na gusto ng nakararami tulad ng pag-usapan ang buhay ng ibang tao o usaping may temang sekswal. Kung mapapansin nyo halos puro karanasan ko ang aking mga sinusulat. Ang nais ko lang kasi ay magbahagi ng aking mga natutunan sa buhay dahil baka sakaling makatulong ako sa iba. Hangad ko lang na sa munting kaparaanan, makapagbigay ako ng kahit konting inspirasyon sa ibang tao. Sapat na sa akin yion.
Hindi ako napapagod sa pagsusulat dahil bawat gabing lumilipas sa buhay ko ay panibagong aral na natutunanan ko. At ang bawat araw na dumarating sa akin at panibagong pag-asa na pwede kong ibahagi sa iba.
Kapag tayo ay namatay, hindi naman sasabihin ng mga tao “Naku magaling na tao yan o mayaman na tao yan” . Hindi nila titingnan ang mga nakuha mo sa buhay . Mas tinitingnan nila kung anong klaseng tao ka o kung ano ang naibahagi mo sa iba. Iyon ang maiiwan sa kanila at iyon ang lagi nilang maalala.
Tulad din sa pagharap natin sa Dyos, tyak hindi naman Nya tatanunging kung gaanong karami ang kayamanan mo o gaano ka kasikat o kung gaano kalawak ang talino mo?Bagkus mas nais malaman kung “GAANO BA KARAMING TAO ANG NATULUNGAN MO AT NABIGYAN MO NG INSPIRASYON?”
Sana naipaliwag kong mahusay kung ano ang layunin ng blog ko o kung ano ang kaibahan ko sa iba. At para sa inyong lahat na sumusubaysay at bumabasa ng mga sulatin ko.
MARAMING MARAMING SALAMAT
Ikaw tatanungin kita ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?
P.S
Hindi po ako nagpapaalam gusto ko pa ring magsulat ng magsulat.Hehehe! Heto nga pala ang link ng isa ko pang blog. Wag kayong magugulat sa inyong matutuklasan!hahahaha!
AKING KWARTO
Saturday, April 3, 2010
Matakpan lang!
Nga pala yung tribute ko sa dalawang yun ay bahagi rin ng April Fool’s Day, kaya pinagluluko ko lang yung dalawang yon! Makabawi lang ba sa mga taragis na yon!
At para matakpan lang ang entry ko na yun! Magrerepost ako (sorry naman!)
________________________
Anu-ano ba ang mga una mo sa buhay?Ako, marami akong una o first na naranasan ko sa aking buhay, at isasambulat ko dito na parang tae sa blog ko ang tatlong mahahalagang una sa buhay ko:
UNANG HALIK (FIRST KISS)
Heto ang siste, naglalaro laro kami ng bahay bahay, at syempe kunwari gabi na kaya matutulog na kami. Humiga ako sa maliit na kama sa loob ng bahay bahayan namin, tapos sumunod sya. Syempre matutulog ako kaya pinikit ko ang aking mga mata . Pero nagulat na lang ako nang may biglang dumampi sa aking labi, akala ko lamok lang at balak ko sanang hampasin ng ubod ng lakas. Pero pagdilat ko si Nene pala ang humahalik sa akin (Porno??) Wala naman akong kamali-malisya noon kaya nag-iiyak ako (Malay ko bang may pagnanasa pala sa akin si Nene).
UNANG GELPREN (FIRST GF)
Medyo okay naman sya kaso yun nga lang mas kilos lalaki pa sya kesa sa akin, boyish kasi sya (pero di sya tomboy). Madalas pag nakaupo yun eh nakabukaka at parang pinapahanginan ang ………. (alam nyo na!). Kaya sinasaway ko, sabi ko isara sara nya yun kasi baka sya kabagan o di kaya pasukan ng langaw. Pero madalas di naman sya nakikinig at binabatukan pa ako sabay konyot.
Nagbreak kami kasi napakaselosa nya, at nasasakal na ako. Sabi nya isip bata daw ako, eh di naman totoo yun at wala syang pruweba. Sya ang selosa kasi madalas nyang pagselosan yung teks, holen, gagamba at goma ko. O kaya pag hindi ko sya inahahatid kasi nga busy ako sa pagtataching, kara krus at pag hinahabol ko yung palabas sa TV na “VOLTRON” tuwing alas kwarto.Kaya nakipagbreak na ako sa kanya kasi napakaselosa nya talaga. Kaya wag nyang sabihing isip bata ako, dahil sya ang immature. Ayaw ko sa ganung gelpren na immature, kaya hindi ko SYA BATE!!!
UPDATE: Ikakasal na sya sa December, 2010. Nasa Japan sya ngayon (hindi sya Japayuki dun, banker sya….BANKER!!! )
Biruin nyo halos tatlong taon ko syang niligawan. Inaway ko na ang mga barkada kong naging karibal ko sa kanya. Umuwi ng hatinggabi maihatid ko lang sya (dulo kasi sya ng Pampanga, ako naman dulo ng Bulacan) at mag wantu tri gabi gabi, pero sa huli BINASTED din nya ako at nauwi sya sa isang barkada kong simple kung umatake. Kaya halos pagsakluban ako ng langit at lupa nun, ayaw ko na ngang pumasok sa skul noon eh. Pinag-isipan ko na rin syang reypin (joke lang, di pa naman akong desperadong tao)
Kung tuusin din naman sya gaanong maganda (alangan pa nga sa akin eh, hahahhaha kapal ng mukha ). Kamukha nya si Sugar Mercado ng sex bomb, pero meron talagang mga babaeng malakas ang appeal. At aaminin kong malakas talaga ang appeal nya. Sya ang una kong pag-ibig at sya rin ang unang bumasted sa akin. Pero ganun talaga ang buhay , pinag NOVENA ko pa yun kay Lord na sana maghiwalay agad sila. Pero mukhang mahina ako kay Lord, hehehe!!
**********************************************************************
Yan ang mga una ko sa aking buhay, sabi nga nila sa ingles , there’s always “first”in our life. Laging may una sa buhay natin, lahat naman ng bagay ay kailangan may una. Kumbaga sa unang pagkakataon duon natin masusubukan ang ating mga sarili.. Maaring sa unang beses pa lang mabigo na tayo, pero okay lang yun kasi sa ikalawang beses susubukan na nating magtagumpay. Maaring sa mga unang subok natin sa buhay mahirapan tayo pero alam ko sa susunod sisiguraduhin natin madadalian na tayo.
Tandaan sana natin na sa mga una nating karanasan dun tayo madalas matuto. Duon natin naiintindihan ang bagay bagay. Duon tayo nakakahanap ng solusyon, duon tayo nakakita ng paraan at duon tayo mas tumatatag bilang isang tao. Huwag tayong matakot kung ito ay una palang sa ating buhay, sabi nga nila “mas mabuting sumubok ka at mabigo kesa maging bigo ka kasi di ka sumubok”.
Salamat po.