QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, June 26, 2010

MUKHA MO!!!!!



Alam nyo naman kung kung ano-anong panlalait ang nakuha ko sa mga kaklase ko noon nong hayskul pa ako! Bukod sa sinasabihan akong “TULOK” , “TUTURYOK” at “BUTETENG LAOT” madalas din akong ali-alipustahin ng mga kaklase ko noong hayskul.


Aaminin ko, medyo hindi pa rin ako nakakarecover sa mga panlalait nila. At hanggang ngayon naalala ko pa rin ang mga panunukso nila sa akin. Kaya nga hindi ko sila ma-iadd add sa friendster o facebook ko at hindi rin ako ganun ka-excited na sumama sa mga REUNION. Ayaw ko na kasing maalala pa ang masasakit na pangyayaring yan.


Walang nagkaka-crush sa aking “gerls” noon, dahil bukod sa mukha daw akong mabaho at masyado daw akong ma-epal. Lahat ng crush ko noon hindi ko madiskartehan dahil “choosy” sila at lagi rin akong sinasabihang “Alam mo Drake mukhang kang TADPOLE na nagkatawang tao, hahahaha”. (see sarap tadyakan sa gums)


Lalo akong nakaramdam ng pagkahabag sa sarili ko noon,ng pumasok ang isang transferee sa aming klase. Galing sya sa isang “Private school” at lumipat sa Public school (siguro naghihirap na sila) at napunta sa klase namin. Kutis mayaman, mukhang mayaman at halatang peyborit sya ni Papa Jesas dahil lahat ng pwedeng ibigay sa tao binigay nya sa kanya. Samantalang ang binigay sa akin ay mga napaglumaan na lang ng iba. (damit???). Naging INSTANT CRUSH NG BAYAN ang loko, at ako naman nagmistulang INSTANT PANCIT CANTON kapag katabi nya.


Ang mga babae halatang halata pag may gusto sila sa isang lalaki. Dahil bukod sa masyado silang nagpapakyut, namumula din ang mga mukha na parang puwet ng batang may rashes. Halatang halata din ang kilig nila dahil kapag dumadaan ang bwisit na transferee na yun dahil hindi matanggal ang mga ngite nila sabay beautiful eyes. Samantalang pag ako ang dumaan sa harap nila sisigaw pa sila ng “SHOOOOOO! Alis ka nga dyan!!!” (potah ano ako ASO??).


Ayaw ko na ring manligaw noon, dahil yung crush kong nilagawan ko ng isang taon noon ay sinabihan akong YUCKKKKYYYY (tae ako ha???) at nung nilagawan sya nung TRANSFEREE tatlong araw lang sinagot na nya agad! (kakaskasin ko kaya ng papel de leha ang mga mukha nila!)


Kapag botohan ng mga opisyales sa klase, sya kahit ayaw nya lagi syang binoboto sa “ESCORT” samantala ako kahit gusto ko, eh laging P.R.O lang ako binuboto ng mga hinayupak kong kaklase. Kaya kahit kalian hindi man lang ako na-escort nung hayskul (kahit nung elementary naman eh).


Kaya naman aaminin ko wala akong gaanong kaibigan noong hayskul ako (naks emeemo na!). Dahil bukod sa lagi nila akong inaapi, pinamumukha pa nila sa akin kung ano ang kaibihan ng PANGET sa GWAPO. (okay payn! Aminado na ako dun)


Pero ika nga hindi lahat ng oras ay nasa itaas ka, baket? Well, ganito yun.... umuwi ako last December,2009 at napagdesisyunan nila na magkaroon ng HIGHSCHOOL REUNION. Dahil sa pinilit ako ng kabarkada ko, wala akong nagawa kundi sumama. (naks artesta si dudong?!?Papilit!!)


At doon ko nakita ang mga kaklase kong mahilig manlait noon sa akin pati na rin ang kaklase kong CRUSH NG BAYAN noon. At ang masasabi ko lang ay.......... BUTI NGA SA INYO!!! (Sama eh! Biro lang)


Wala talagang permanante sa mundo! Dahil pati ang kagwapuhan at kagandahan ng isang tao ay nagbabago. At kahit gaano pa nating hangarin na mapanatili ang kagandahan at kagwapuhan natin isang araw kukulubot at mawawala din ito.


Yun lamang po! Salamat sa time nyong lahat.

Saturday, June 19, 2010

Dear Tatay

Medyo HIATUS MODE ako ngayon dahil sa "PAYANIG SA PASIG" sa akin ni Papa Jesas, kaya repost ko lang itong entry ko na ito! Salamat


DEAR TATAY




Dear Tatay,


Kamusta na po kayo dyan sa Pilipinas, Tay?Ako po awa ng Dyos ay okay naman po dito sa Saudi. Oo nga po pala bago ang lahat ay gusto ko sana kayong batiin ng Happy Father’s Day. Kung pwede nga lang po akong umuwi dyan muna para makasama kayo, gagawin ko po. Kaso medyo mahal ang pamasahe sayang naman. Pero sana kahit man lang sa sulat na ito ay maiparating ko sa inyo ang aking pagmamahal at taos pusong pasasalamat.


Tay, maraming salamat po sa pagiging isang mabuti at responsableng tatay. Batid ko po noon ang hirap ng trabaho nyo sa bukid, kitang kita po sa mga ugat nyo sa kamay at paa. Minsan nga awang awa ako kasi nung minsang nabiyak yung paa nyo dahil nakaapak kayo ng bubog sa putik pero pinilit nyo pa ring ipagpatuloy ang pag-aararo nyo. Kahit na halos magkandakuba kayo sa pagdadamo sa bukid natin at mabilad sa ilalim ng araw, tinitiis nyo yun para sa akin at sa pito ko pang kapatid para makakain kami ng sapat at makapag-aral. Alam ko pong wala akong gaanong naitulong sa inyo sapagkat nag-aaral po ako nun, pero ramdam na ramdam ko po ang pagsisikap nyo para sa amin. Alam ko pong mahal na mahal nyo kaming lahat na magkakapatid.


Tay, salamat po sa pagtuturo sa amin sa tamang landas. Siguro hindi kami magiging matagumpay na magkakapatid kung hindi dahil sa inyo. Kayo ang nagmulat sa amin sa Dyos at sa tamang asal.Hangang -hanga po ako sa inyo sapagkat sobra sobra ang kabaitan nyo sa lahat ng tao. Kahit na minsan niloloko na kayo pero tuloy pa rin kayo sa pagtulong na hindi naghihintay ng kahit na anong kapalit. Hanga din po ako sa pagiging relihiyoso nyo, na kahit pagod na pagod at puyat na puyat kayo nagagawa nyo pa ring magrosaryo at magsimba araw araw kahit madalas tinutulugan lang namin kayo. Sobrang saludo po ako sa inyo, alam ko pong lagi nyo akong kasama sa mga panalangin nyo lalo na ang aking kaligtasan at kalusugan dito sa Saudi.


Tay, salamat po sa pagiging ulirang ama sa amin. Lagi kayong nakasuporta sa lahat ng laban namin sa buhay . Minsan nabibigo kami pero kayo pa rin ang nagpapalakas ng loob namin. Kahit kailan hindi nyo po kami pinilit sa mga bagay na hindi namin gusto , lagi lang kayong nandyan para alalayan kami. Kung sakaling kami ay bumagsak dahil sa pagkabigo kayo ang nagtatayo sa amin, at kung sakaling kami naman ay nagtagumpay kayo ang una naming tagahanga.

Tay, kung may bibigyan ng medalya o sertipiko ng pagiging ulirang ama tiyak pasok kayo dito. Hindi dahil anak nyo po ako kaya ko nasabi ito pero alam ko din na hindi lang ako ang kayang magpatunay na karapat dapat kayo sa titulong ito. Madalas ko ngang naririnig sa iba na sinasabi nilang “Sana sya na lang ang tatay ko”, sobrang saya ko po kapag naririnig ko iyon. Kasi hindi ko na kailangang mangarap at humiling sapagkat tatay ko ang pinakamabait at pinakaresponsableng tatay sa buong mundo.


Tay, hindi po sapat ang papuri at parangal kung gaano ko kayo pinagmamalaki bilang tatay ko. Daig ko pa ang nanalo ng mega lotto dahil kayo ang tatay ko. Kaya po bilang ganti , ipinapangako ko po na ako na po ang bahala sa inyo at kay nanay syempre. Ipaparamdam ko po sa inyo ang kaginhawahan ng buhay na hindi pa nyo nararanasan dahil pagsasakripisyo sa amin. Nangangako po ako na maging mabuti at responsableng tao din na may labis na takot sa Dyos. Pangako din na lahat ng gintong aral na binigay nyo sa akin ay aking isasabuhay at pagyayamanin.




Alam nyo tay,kung sakaling pamimiliin ako ng Dyos sa aking susunod na buhay kayo pa rin po ang pipiliin ko ng bilyong beses pa. Hindi po ako magdadalawang isip baka kasi maunahan pa po ako ng iba. Hindi ko po kayo ipagpapalit kahit sino pang sikat, mayaman at makapangyarihang tao sa mundo, kayo pa rin ang siguradong pipiliin ko bilang tatay.


Tay, kulang ang mga salita ko para maiparamdam sa inyo kung gaano ko kayo kamahal, nirerespeto at hinahanggan.Mapalad po ako bilang anak nyo at saludo po ako sa pagiging isang mabuting tao nyo. Pipilitin ko pong gayahin kayo sa abot ng aking makakaya. Di man kapantay kahit man lang kalahati lang nito.


Ang tagumpay ko po ay utang na loob ko sa inyo, sapagkat kayo ang naghubog sa akin at kayo rin ang unang naniniwala sa akin. Alam ko pong darating ang araw na magkakasama sama rin tayo dyan sa Pilipinas at susubukan ko pong tumbasan kahit man lamang sa maliit kong kaparaanan ang lahat ng sakripisyo at paghihirap nyo sa buhay para sa amin . Tandaan nyo sana palagi na proud na proud po kaming magkakapatid kasi kayo ang tatay namin at MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO


HAPPY FATHERS PO ULI TATAY!!


Nagmamahal,


Drake



P.S



Tay, ano po ba ang gusto nyong pasalubong??Kahit ano tatay kahit man lang sa pasalubong makabawi ako. Ingat po palagi at ingatan lagi ang kalusugan nyo.

Monday, June 7, 2010

ANG K NI SHIELA!!!

* Hindi si Shiela to, nasuka este natuwa lang ako sa piktur ni Madam Auring! HOT NA HOT!LOLS

Birthday noon ng isa kong barkada noong hayskul, kaya nakakatuwa ng magkita kita kami ni Shiela, Obet at ako sa bday ng common friend namin. Medyo matagal na rin kasi kaming hindi nagkita kita dahil nga sa ibat-ibang unibersidad kami nag-aaral.

Dahil sa tagal na hindi rin naming pagkita-kita , nagkwentuhan kami tungkol sa buhay namin at sa buhay estudyante.Medyo all-out kung magkwento si Shiela at bangka ng bangka .

Nagkukwento si Shiela noon tungkol sa kaklase nyang may PUTOK, na talaga naman daw nanunuot hanggang sa lungs nya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari habang nasa kalagitnaan sya ng kwento biglang nangati ang kanyang ilong at sabay……….HATTTTTTCHIIIIINGGGGG!!

Dagli nyang kinuha ang panyo nyang kulay violet at pasosyal nyang pinahid ang kanyang ilong. Pero sa hindi inaasahang pangyayari at paghawi nya ng kanyang panyo bigla kaming nagulat ni Obet dahil sa aming nasaksihan……………..

May ubod ng laking kulangot sa pisngi ni Shiela (at may buhok buhok pa na parang rambutan lang?) Sa laki ng kulangot ni Shiela pwede ka ng magtanim ng patola, okra, pumpkins at magpatayo ng town house. (OA?!??)

Agad kaming nagkatinginan ni Obet, medyo pinipigilan naming huwag tumawa kasi nga baka mapahiya Si Shiela. Hindi namin alam kung paano namin sasabihin sa kanya. Hindi rin naman naming pwedeng sabihin to:

“Uyy Shiela may kanin ka sa pisngi oh!!”

C’mon mamon.. year 2010 na hindi na uso yun at lalo hindi epektib yun dahil pansit kaya ang handa ng barkada ko. Saka isa pa , paano kung biglang abutin ng dila ni Shiela ang kulangot nya sa pag-aakalang kanin yun, eh di ba mas nakakadiri yun.

So hindi namin alam kung paano ko sasabihin sa kanya, Si Obet medyo natulala at nashock ata sa kanyang nakita. Hanggang ngayon hindi nya lubos maisip kung paano nagkasya ang ganung kalaking kulangot sa ilong ni Shiela?

Pero dahil nga hindi ako nakatiis, naglakas na lang ako ng loob at sinabi ko na lang

Ako: “Shiela may lamok ka ata sa pisngi, wag kang gagalaw”……at POKKKKKK!

Nagkunwari ako na may lamok sya sa pisngi at ako na mismo ang kumuha ng kulangot nya.(Yuckkkkkk!) Ako na ang nagprisintang papatay ng lamok kasi kung sya ang gagawa nun baka ito ang sabihin nya…….

“Hello!! Hindi kaya lamok yun, kulangot ko kaya yun!!Duhr!” (yan ang naiisip kong maarin nyang sabihin)

Di ba kakahiya naman yun , baka hindi nya na kami kausapin pa dahil napahiya na sya sa amin. Ayaw ko naman mangyari yun , na dahil lang sa MALAKING KULANGOT ay masisira ang magandang pagtitinginan namin ni Shiela (uyyy!! Ligawwwww!)

Heto na na nga pala yung next na usapan namin:

Shiela: “Aray ang sakit ha, mukhang sinampal mo lang ata ako eh!”

Ako: “Hindi ah, may lamok talaga yun”

Shiela: Owss kung lamok nga yun, asan na?

Ako: Wala na shiela, binilot ko na saka ko pinitik!!

Shiela: Hahaha! Ganun parang kulangot lang! Yuckies!!

Ako: Huh?!? (Nakuha pa nyang mandiri?? Musta naman yun?Hehehe )

Pero hayaan na lang natin na ganun ang paniniwala nya, at least may pride pa rin sya sa kanyang sarili!. Ang tanging nakakaalam lang nito ay ako, si OBet at KAYO (atin-atin lang yun ha!) .
Sa ngayon magkakaibigan pa rin kami nila Shiela, may anak na sya ngayon at asawa. Sa tuwing nakikita ko ang maputi nyang pisngi hindi ko maiwasang maisip ang mala rambutan nyang kulangot. Kaya napapasmile lang ako ng KONTING KONTI lang.

Basta Masaya na ako na nakatulong ako sa kapwa sa pamamagitan ng pagkuha ng kulangot ng ibang tao na hindi sya mapapahiya.

MORAL LESSON: Bago mo amuyin ang putok ng kaklase mo, tingnan mo muna baka may kulangot ka sa pisngi mo! LOLS

Ingat

DRAKE