QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, August 1, 2011

Halo halong ewan


KAMUSTA ARAW NYO MGA KAUTAK???


Talaga naman oh! Sabi ngang mag-uupdate ako eh pero bakit ganun pa rin, late pa rin akong mag-update! Nga pala mga kautak, Ramadan ngayon dito sa Saudi. Kaya naman medyo patago-tago ang paglamon ko ngayon, pero sa kabilang banda nakakatuwa naman dahil 10AM-4PM lang ang pasok namin! San ka pa! Ang saya kaya, lalo pat mga latang lata ang mga Arabo dito, dahil tiniis ang di pagkain at pag-inom, kaya less work din naman. Yun nga lang pagkausap mo sila, parang laging may morning breath, as in tanghali na amoy panis na laway pa rin ang bunganga, at halos malaimburnal ang hininga kahit hapon na!

Lately nga pala naggygym ako ngayon dahil nga pauwi na ako sa pinas, at dahil parang akong may tumor sa apdo sa laki ng aking tyan, eh nag-enroll ako sa isang Gym malapit dito sa amin. Kamusta naman ang gym dun, nasa kalagitnaan palang tayo ng taon...eh mukhang new year na new year dun...as in PUTUKAN ng PUTUKAN ang mga kili-kili ng mga Pakistaning at Indyanong nagygygym dun. As in ang sakit sa ilong at babaligtad ang larynx mo sa pukanenang PUTOK na yan. Pero tiis tiis lang.. ganun talaga kailangan magpayat.

After Ramadan eh magbabakasyon lang ako ng 2 linggo sa atin dahil may aayusin akong napakaimportante (wow ano naman yun???) at sana yung mga malalapit na blogger friends ko dito ay makadaupang palad kong muli. Hayssss sana may makasabay din akong OFW blogger din para naman masaya (at may kahati sa gastos, hahaha!)

Basta ang dami kong namimiss sa pinas, siguro sa susunod na update ko na lang yun para naman may maisulat ako dito... hay sa wakas naupdate din!

Ingat mga kautak!