QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Friday, February 5, 2010

Standard Electric Fan



Hindi usaping bentelidor ito! Trip ko lang na ganun ang title, pero usaping “standard” pa rin naman ang pag-uusapan natin.


Gusto ko lang i-expound (naks!) yung naisulat ko about “setting standards” (paki-refresh lang ang RAM ng inyong utak)


heto ang sinabi ko noon:


4. Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo


Medyo bibigyan ko kayo muna ng mga senaryo tungkol dyan!

SENARYO No. 1


Naalala ko nung college pa ako, sumali yung ka-section ko sa “Miss U-Bet” (beauty contest sa loob ng school namin). Syempre mandatory na suportahan ang kaklase namin na iyon. Kaya naman todo “cheer” ang ginawa namin para sa Audience Impact daw (at dahil may plus 5 sa exam!).


Medyo nauuhaw ako noon kaya bumili ako ng samalamig sa labas. At pagbalik ko, nakita ko ang kaklase naming nasa entablado. Nang biglang may malakas na usapan ng dalawang babae sa gilid ko:

Babae1: Hoy!!Tingnan mo naman yung Contestant No2 (ito yung kaklase ko), paanong napasama dyan eh napakapanget naman!


Babae2: Oo nga, eh kay panget panget sumali pa, eh mukhang nagbebenta ng turon sa kanto! Hahaha (sabay tawa na kita ang mga utak)


Hindi na ako kumibo noong mga panahon na iyon, dahil nung makita ko ang pagmumukha ng dalawang babae yon, gustong gusto ko silang regaluhan ng ubod laking “salamin”.
.
Ako ang napahiya sa mga sinasabi nila at tyak kapag sumagot ako ng "Ate wala bang salamin sa inyo?" malamang mag-asawang (na may anak pa) na sampal ang aabutin ko sa kanila .Hehehe!
.
Kaya hindi na ako kumibo at inubos ko na lang ang samalamig na lasang tubig lang na may asukal (sabi ng tindera pineapple juice daw yun)

SENARYO No. 2


Nung minsan namang bumili ako ng suka sa tindahan malapit sa amin, may grupo ng mga kalalakihang nag-iinuman. Niyaya ako, pero di naman ako sumama dahil iniintay ng nanay ko ang suka para gawing sawsawan ng kanyang paboritong chitcharon na tig-pipiso. Habang nag-aantay ako ng sukang binili ko, narito ang usapan ng mga kalakihan doon


Note: Pinag-uusapan nila ang tipo nilang babae


Lalaki1: Alam nyo mga pare ang gusto ko sa mga babae maganda ang ngipin.Kapag pustiso ang ngipin nya, wala OLATS na yun!


(nung tiningnan ko sino nagsasalita, nakita ko puro bulok naman ang ngipin nya at manilaw nilaw pa)


Lalaki2: Ako naman pare gusto ko sa babae, yung seksi at malaki ang suso!!

(nung tiningnan ko naman kung sino ang nagsabi nun, napahiya ako sa laki ng tiyan nya na parang nakalulon ng bola ng volleyball at may peklat pa sya sa mukha)


Lalaki3: Ako naman gusto ko yung babaeng mayaman, kahit hindi na seksi at maganda

(galing naman yan sa dakilang tambay sa kanto namin!Nagfufull time syang tambay at nagpapart time palamunin)


Napakamot na lang ako sa ulo, nung marinig ko yung mg tipo nilang mga babae. Napailing na naman ako na may tunog pang TSIK..TSIK (yung sa butike) nung makita ko naman kung kanino nanggagaling yung matataas na standards na iyon!


Naisip ko, buti na lang kay tataas ng mga standards nila sa babae dahil sigurado ako na ang mga babaeng gusto nila ay ang mga babae ding tyak HINDI sila magugustuhan.


SENARYO NO2


Nanood ako ng isang “Amateur Singing Contest” noong fiesta sa amin.Kaya naman pumwesto ako malapit sa entablado. At nakatabi ko si Aling Merly. Kung di nyo naitatanong si Aling Merly ang dakilang tsismosa sa amin. Madalas tuwing nagsisimba kami, halos mabingi kami sa lakas ng boses nya pag kumakanta. At parang kampanang nilalagare ang boses sa sobrang sintunado.

Basta pasikat yan pag kumakanta sa simbahan, at halos lahat ng nakakatabi nya nakatakip ang tenga at nakangiwi. (akala mo may miting de avanse ng mga palaka, kapag kumakanta si Aling Merly)


Habang kumakanta ang isang Contestant sa entablado, biglang sumigaw si Aling Merly


Aling Merly: Boooooooo!!! Sintunado ka, bikaka ang boses mo! (halos maputol ang litid ng leeg nya kakasigaw, at muntik na nyang batuhin ng bote ng mineral water ang contestant sa sobrang apekted!!)


Ako: huh? (kamusta naman yun!)


Wala sigurong tenga itong si Aling Merly! Kung meron man hindi kaya galon galong ng tutuli ang meron sa tenga nya para hindi marinig ang boses nya sa simbahan . Ngayon naman nag-aala SIMON COWELL sya sa sobrang gigil sa contestant!
_______________


Gusto ko sanang bigyan pa kayo ng marami pang senaryo pero palagay ko sapat nay an para maintindihan nyo yung punto ko.


Hindi masamang magset tayo ng mga standards para sa ibang tao, pero siguraduhin na maging tayo ay pasok sa mga standards natin. Katulad nung mga babae sa Senaryo No.1, mas malinaw ang mata nila sa ibang tao samantalang bulag naman sila sa kanilang mga sarili. Madalas nakikita natin ang kapangitan ng iba, kaysa sa kapangitan natin. Subukan mong ibalik sa kanila ang panghuhusga magagalit naman sila. Minsan kasi madali tayong manghusga pero nahihirapan naman tayong tanggapin ang panghuhusga ng ibang tao sa atin.


Sa SENARYO No.2, madalas nagseset tayo ng mga standards sa gusto nating makasama sa buhay. Kumbaga may mga ideal man o woman tayo . Wala namang masama din doon, pero isipin muna natin kung gusto natin ng ganitong ugali dapat tayo rin ganun. Kung may ideal man o woman tayo, dapat “ideal man/woman” din tayo para sa kanya. Suriin ang kapasidad at ating mga ugali bago tayo maghanap sa ibang tao. Tingnan natin kung pareho ba tayong makikinabang o baka tayo lang ang makikinabang. Subukan muna nating i-assess ang ating sarili bago gumawa ng mga panuntunan o standards sa iba. Kung kaabot abot ba ito o masyado tayong nagseset ng mataas ng standards na maging tayo at hindi natin kayang abutin


Sa Senaryo 3, madalas kung sino pa ang walang karapatang magbigay ng “judgment” ay sila pa yung malakas manlait. Kumbaga paano ka papaniwalaan ng ibang tao kung wala ka namang kredibiladad sa mga sinasabi mo. Kung nais mo na “perfection”, dapat maging perfect ka muna sa lahat ng gingawa mo. Ikaw muna ang mag set ng standards para sa sarili mo, at abutin mo muna yun bago mo iaaplay sa ibang tao.


Tandaan natin, walang masama sa pagseset ng standards, pero dapat attainable ito at maging tayo ay kaya nating abutin ito. Walang masama sa paglalagay ng panuntunan o magbibigay ng intelehenteng opinyon tungkol sa isang tao, pero dapat may kredibilidad tayo at responsable tayo sa sasabihin natin.
Kung marunong kang humusga, matuto ka ring tumanggap ng panghuhusga! Sabi nga sa bibliya at sabi ng iba:


“Kung ano ang takalang ginamit mo sa iyong kapwa ay syang din takalang gagamitin sa iyo”.

Sana matutong nating gamitin ang takalang ito. Tingnan ang mga bagay na kaya nating ibigay at saka na lang isipin ang mga bagay na pwede nating tanggapin. Magbigay muna tayo bago tumanggap!

Yun lamang po at maraming salamat

Wednesday, February 3, 2010

Ano?? Pag-ibig na naman!!!



Ayokong pag-usapan ang usaping puso,dahil nababaduyan ako. At dahil pakiramdam ko gasgas na gasgas na ang mga ito. Hindi rin ako gaanong nanonood ng mga “romantic movies" dahil kinakahon nito ang kaisipan at ideya natin tungkol sa pagmamahal. Mahilig ako sa musika pero napapansin ko halos lahat ng tugtugin ngayon ay puro kasawian at kabiguan ng pagmamahal. Tuloy binibigyan din tayo ng maling impresyon tungol sa pag-ibig.


Hindi ako nagbabasa ng mga romantic novel, dahil pakiramdam ko masyado nilang ine-exaggerate ang pagmamahal para lamang makabenta sila ng kanilang mga akda.

Sa matagal na panahon umiikot ang persepyon natin sa pag-ibig ayon sa napapanood natin sa pelikula, base na naririnig natin sa musika at mula sa mga nababasa natin sa mga nobela. Tuloy hindi na natin makita ang tunay na katotohanan tungkol sa pag-ibig.


Hindi ako perpekto sa larangan ng pag-ibig dahil ako man ay naging biktima nito. Subalit nitong mga nakaraang araw nabigyan ako ng bagong pananaw tungkol sa pag-ibig. Para sa akin,


1. Huwag mong ibase ang pag-ibig ayon sa iyong emosyon. Hindi ka nagmamahal dahil sa masaya ka at dahil sumasaya ka kasama nya. Dahil kung sakaling hindi ka na masaya kasunod din bang mawawala ang pagmamahal? Kung sakaling galit ka sa iyong minamahal kasunod na rin bang kasusuklaman mo ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay isang pangako, na kahit ano pa ang emosyon mo mangangako kang mahalin sya at mananatili ka para sa kanya.

2. Huwag mong ipangsangkalan ang “pag-ibig” kaya ka naging miserable. Ito’y isang desisyon at hindi bunga ng pagkakataon. Kung nasaktan ka umiyak ka, walang masama sa pagiging malungkot pero ang ipamuhay ang kalungkutan sa ating buhay, iyon ang kailanman ay hindi nakakabuti sa atin.

3. Huwag mong mahalin ang isang tao sa mga bagay na naibigay/nagawa nya sa iyo, mahalin sya sa mga bagay na hindi nya kayang ibigay /gawin sa iyo. . Ang pagmamahal sa kanyang kakulangan ay pagbibigay ng pagkakataon sa iyong punuin ito para sa ikakukumpleto ng pagsasamahan ninyo.

4. Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

5. Huwag kang magtakda ng obligasyon o responsibiliad sa iyong minamahal. Ang pagmamahal ay hindi isang obligasyon o tungkuling kaakibat ng pagmamal, kundi ito ay ugnayan sa bawat isa. Mula sa unawaan doon makikita ang limitasyon ninyo at mula sa pagkakaintindihan matuto kang maging responsable sa iyong minamahal.

6. Huwag sukatin ang tagal ng pagsasama base lamang sa pag-ibig, dahil ang sikreto ng matagal na pagsasama ay hindi lang nakukuha sa pagmamahal kundi sa “pagkakaibigan”. Na kahit wala na kayong pagmamahal sa isat’isa, mananatili pa rin kayong magkasama dahil sa pagkakaibigan na mayroon kayo.


7. Huwag mong sukatin o bilangin ang iyong naibigay para sa iyong minamahal. Dahil kaya tayo napapagod sa pagmamahal kasi binibilang natin ang lahat ng ating ibinigay at kinakalkula ang mga bagay na hindi pa naibabalik sa atin. Hindi nasusukat ang pag-ibig at lalong hindi ito nilalagyan ng presyo.

8. Huwag mong sabihing “mas mahal kita” sa iyong minamahal, dahil wala kayo sa isang kumpetisyon at huwag mong ikumpara ang laki ng pagmamahal mo sa kanya.

9. Huwag kang maglagay ng “expectation” sa iyong minamahal at huwag ka ring mapaghanap. Sa taong mapaghanap kailanman ay hindi makukuntento, ang taong laging naglalagay ng expectation sa ibang tao kailanman ay hindi masisiyahan.


10. Huwag mong ibase ang pag-ibig dahil lang sa ito’y masarap sa pakiramdam at dahil kinikilig ka. Dahil kapag nawala ang “kilig”mawawala din ba ang pagmamahal? Isipin din na hindi lahat ng “masarap” sa pakiramdam ay nakakabuti sa katawan.

11. Huwag mong sabihing “mahalin mo ako kung ano ako” dahil ang totoong nagmamahal ay nagbabago para sa ikabubuti at ikakagaganda ng iyong samahan.


12. Huwag kang magmahal ng higit pa sa iyong sarili. Ibigay ang nararapat at ibigay lang ang sapat (lalo't hindi nya hinihingi na magbigay ka ng labis). Baka sa huli ikaw ang mawalan . Tandaan ang lahat ng labis ay nakakasama.

13. Huwag mong paikutin ang mundo mo sa isang tao, dahil kung nawala ang taong iyon kasunod din bang pagtigil ng mundo mo? Malaki ang mundo para ipaikot ito sa isang tao. Maraming tao para mahalin, at maraming tao din para mahalin ka.

14. Huwag kang magmahal sa taong hindi ka kayang mahalin. Nauubos din ang pagmamahal lalo na't wala naman syang ginagawang paraan para punuin ito.

15. Huwag mong mahalin ang isang tao dahil lamang sa magagandang katangian nya, mahalin mo ang hindi magagandang nyang katangian ,tanggapin ito at ipamuhay.
.
.
HUWAG KANG MAIN-LOVE SA PAKIRAMDAM LANG NG ISANG TAONG INLOVE!!!
(kaya ka tuloy miserable ka pag-iniwan at kaya ka nabubulagan sa tunay na depinisyon ng "pag-ibig")

******************

Hindi ako naniniwala sa “One True Love”, dahil ang tunay na pagmamahal ay pwedeng makuha hindi lang sa iisang tao at lalong pwedeng kang magbigay ng tunay na pag-ibig hindi lang rin sa iisa kundi pwede rin sa marami,

Hindi rin ako naniniwala sa “Love at First Sight”, dahil ang pag-ibig ay hindi nakukuha ng biglaan. Itoy pinagsisikapan at pinagtutulungan sa pagdaan ng panahon. Ang tunay na pagmamahal ay makukuha rin sa pagpupursigeng paunlarin at pagyabungan ang pagmamahalan,

Hindi ako naniniwala sa kasabihang “Love is Blind”, dahil ang tunay na nagmamahal hindi mata ang ginagamit para makakita, puso ang tumintingin . Kaya nya minamahal ang isang tao hindi dahil bulag sya kundi malinaw ang mata nya para makita ang hindi nakikita ng ibang tao sa kanya.

Hindi ako naniniwala sa “Soulmate”,. Ang pagkakaroon ng isang minamahal ay mula sa ating desisyon at nasa atin kung sino ang pipiliin natin .Hindi ito tinakda at lalong walang pang magpapatunay na may naitakda na sa atin bago pa man tayo isilang. Binigyan tayo ng Dyos ng “free will” para tayo ang pumili para sa sarili natin, kasama na riyan ang pagpili kung sino ang makakasama natin sa buhay. Baka sa pag-aantay sa “Soulmate” na ito, hindi na natin mabigyan ang pagkakataon ang ating sarili na pumili kung sino ang ating mamahalin.

Hindi rin ako naniniwala sa “Destiny”, dahil ang bawat pagkakataon ay likha o bunga ng ating mga desisyon sa buhay. Tayo ang magdidikta ng kapalaran at tayo ang may hawak ng sarili natin buhay.

Marami akong ideya tungkol sa “pag-ibig” na marahil iba ito sa karamihan. Maaari ring marami ang tumaas ng kilay. Pero hindi ko naman pipilit ito sa inyo. Nasa atin naman yun kung ano ang nakakabuti sa atin at kung ano ang hindi. Tayo pa rin ang magdedesisyon kung ano ang papaniwalaan natin.
Iiwanan ko sa iyo ang kahulugan ng pag-ibig na nakasaad sa bibliya, sana magamit natin ito para lalo nating maintihan ang kahulugan ng “pag-ibig”

Mga Taga-Corinto 13:4-13


4Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. 5Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. 6Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. 7Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay.

Maraming salamat at Maligayang Araw ng mga Puso.

Saturday, January 30, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON (huling hirit)

Ito na nag last part ng “MGA EKSENA SA AKING BAKASYON”, di ko alam kung nag-enjoy kayo o wala lang sa inyo. Narito na aking kwento……………………….

Hindi ako mahilig sa party, lalong hindi ko trip ang makinig ng mga kay iingay na mga music. Di rin ako gaanong pumupunta sa mga comedy bar dahil puro laitan lang ang nandun (pero minsan masarap pa rin pumunta). Hilig ko ang tumambay sa mga “chill-out place” ko kung tawagin. Tamang ambience, tamang usap at tamang inom ng san mig light. At ito ang mga napuntahan ko noong nagbakasyon ako bukod sa Enchated Kigdom (Jologs ko!hahah)


Mogwai

Yan ang madalas kong puntahan tuwing uuwi ako (sa Cubao lang to) Masarap tumambay dyan, dahil walang basagan dyan ng trip. Karamihan mga indie film directors ang mga nandyan at may film showing din sa 2nd floor nito (mga indie films din). Kalimitang mga estudyante (yung mahihilig sa art) at mga stage actors/actresses ang madalas din tumambay dito. Masarap dito walang mangingialam kahit umutot ka, mangulangot, manghinunuli at kung ano ano pang trip mo. Basta kwento mo kwento ko. Walang gaanong music tamang usap lang talaga at malamig na beer. (Presyo ng San Mig Light 45)



Edsa Shangrila Hotel

Nagpunta kami sa pinakalobby ng hotel na ito na kung saan merong bar dun. Mahangin ang itaas at may overlooking pa ng cubao/ortigas dahil nasa itaas ka nga ng hotel (kulit mo ah!). Halos walang gaanong tao dito dahil konti lang din ang tumatambay. Kaya dito masarap makipagkwentuhan at kumain ng Dingdong. Karamihan puro mga foreigner ang makikita mong nandun (kasama ang mga asawa nilang Pilipina na mukhang katulong..... sa buhay! Hindi sa bahay, okay!Sama nyo!) kahit humilata ka sa upuan, walang mangingialam sa iyo. Yun nga lang mala ginto ang presyo ng mga pagkain dito (Presyo ng San Mig light 150)



Tagaytay

Napakasarap tumambay dito dahil bukod sa malamig talaga ang lugar medyo maganda rin yung mga music na mapapakinggan mo dito.Tapos makikita mula sa itaas ang mga mala-alitaptap na mga bahay sa ibaba.Medyo mahaba lang ang byahe pero sulit naman. Masarap ang mga pagkain at mukhang kay babait naman ng mga tao dun at kami lang ang hindi, hehehe! (Presyo ng San Mig light 45)


The Fort-Serendra

Medyo okay din dito kahit maraming tao pero masasarap naman yung mga pagkain nila dito lalo na yung mga pasta -the best. Saka yung mango icre cream cake ba yun!Sarap talaga! Maingay lang dahil nga halos napakaliit ng lugar pero solb naman nga sa pagkain, mura pa! kaya okay na rin (Presyo ng San Mig Light 45)




*Bakit may presyo ng San Mig Light dyan? dahil yan ang madalas kong inumin!Walang pakialaman.

Dyan ako madalas pumunta dahil ayaw ko talaga ng magulo!Kasama ng mga barakda kong mahilig din sa kwento.


Moving on…………………………………….

EB NG MGA BLOGGERS

Si Jepoy at Glentot ang aking kinontrata noong nagbakasyon ako. Medyo sila ang nakasama ko sa kaguguhan at kapuwitan. Dahil na rin isang RICH KID si Jepoy, nilibre nya kami ni Glentot sa ubod na sososyal na kainan.(ngayon, alam nyo na kung sino ang kikidnapin)




Tapos madalas din kaming tumambay sa paboritong tambayan ng mga Jologs ang dyaran……STARBUCKS!! Hindi naman ako mahilig sa kape pero mahilig ako sa hot chocolate nila kaya madalas yun at iyon lang ang inoorder ko.

Pagkatapos ay nagpapampam si Glentot at gustong gusto nyang manood ng Porno este ng AVATAR. At dahil dyan nagThreesome kami sa panonood ng Avatar. Nanood kami sa mumurahing sinehan lang naman ito ay ang…….. IMAX. At grabe sa ganda ng graphics tapos feeling mo pa tinatamaan ka ng boobs este ng pana ng bidang babae dahil nga 3D (you know). Sulit ang 500 pesos mo, tapos may libre pang shades (pero ibabalik mo rin pagkatapos).Medyo nakatulog lang ako sa una, pero kinurot ako ni Glentot (sa singit) kaya nagising naman ako. Astig talaga yung movie na yun panalo.

At dahil mga mongoloid kami, napagdesisyunan naming regaluhan ang isat isa(Eh kay swet namen!). Ang regalo ko kay Jepoy ay pabango ( na pinipilit nyang imitation daw!Tae ka Jepoy), Car magazine and poster, at keychain (Saudi Flag). Tapos kay Glentot naman ay bag na mamahalin (hoy hindi gawang Divisoria yan! utot ka!, DOCKERS yan!!) key chain at…. at… yun lang!Hahaha yun lang pala. Ako naman ang nakuha ko kay Glentot ay ang Tribal T-Shirt (na mukhang sa lolo nya dahil ubod ng laki), Bag Tag (nakalsulat ang blogsite nya! putares na yan ginawa pa kaming walking billboard), brief (request ko yun dahil konti lang uwi kong briefs) at Kapitan Sino Book (na hanggang ngayon ay nasa page 10 palang ako).


Si Jepoy naman naghihirap dahil binigyan lang naman nya ako ng 2 Tshirts na mamahalin (pero mukhang pinagliitan lang nya dahil malaki sa akin!joke lang), Eng Bee Ten na hopia (sarap nun grabe!) , Briefs uli (dahil wala talaga akong suot na brief noon) at kung ano ano pa (kasama dito ang panlilibre nya sa mga mamahaling resto).


Sobrang saya talaga ng EB na yun at sana maulit yun next December.Kaya nga ako nahohomesick dahil talagang nag-enjoy ko ang bakasyon kasama ang dalawang “MONGOLOID ALIENS” na sina Glentot at Jepoy!Salamat talaga sa oras nyo mga parekoy!! Maraming maraming salamat sa lahat.


REUNION


Dalawang reunion ang napuntahan ko, ito ay ang reunion namin ng mga kaklase ko nung hayskul at mga kaklase ko ng college. Nagkainan lang kami ng mga kaklase ko na yan. Kwento-kwentuhan ng mga kakaguhan noong estudyante pa kami. Sariwain kung sino ang mga titser o propesor na talagang nageepal sa amin nun, at balikan ang mga kaklase naming nagkaroon ng tatak sa amin.


Katulad ni Boy Tubol (kasi natae sa skul), Neneng Kuto (kasi parang hacienda ng mga kuto ang anit nya), si Mimi Nguso (kasi sipsip sya sa mga titser), si Totoy Pigsa (dahil nagkapigsa sya sa kilkili at pumutok yun habang recitation), si Karen Dukleng (kasi lagi syang binabato ng eraser dahil sa kadaldalan nya, nadukleng tuloy) at si Teteng Kabayo (Hindi dahil kasing laki ng Tete nya ang Tete ng kabayo, dahil ang totoo nya mukhang lang syang kabayo! Dahil dyan napahiya si Charles Darwin dahil hindi talaga galing sa unggoy ang mga tao, pagpapatunay ang existence ni Teteng!Sama ko!hehe)
____________________________________


Masarap balikan ang magagandang alaala na yan! Iyan ang mga bitbit ko sa aking pagbalik dito sa Saudi. Natutuwa ako na kahit sa 30 araw na pagbabakasyon ko sa Pinas naging masaya at makabuluhan ito. Aaminin ko nahohomesick pa rin ako,kahit na sabihin natin 4 na beses ko ng ginagawa itong pagbabalik bayan at pangingibang bansa, hindi pa rin yata ako masasanay sa pagsasabi ng “Goodbye”. Iba talaga ang bigat ng nagpapaalam at masakit pa rin ang kaisipang iiwan mo ang pamilya at mga kaibigan mo sa Pinas.

Ayokong mag-eemo dahil wala akong bangs,hehhe!Pinipilit ko na lang palitan ang aking pangungulila ng mga masasayang alaala ko sa Pilipinas. Okay na ako dun, masaya na ako dun. Alam kong darating din ang isang araw na hindi ko na kailangan magbakasyon pa sa Pilipinas, dahil sa Pilipinas na ako mananatili habambuhay. Kahit ano pa sabihin nilang hindi magagandang bagay tungol sa Pilipinas, para sa akin wala ng mas sasarap pa kundi ang makasama mo ang kapamilya, kaibigan, ka blogger, kaeskwela, at kapwa mo Pilipino sa bansang ating atin. Sa Pinas ako isinilang at sa Pinas din ako mamatay! Naks!


Sana nagustuhan nyo ang 4-Parts na kwento ko!Alam kong naboboringan na kayo at pipilit nyo lang basahin dahil sa pagmamahal nyo sa akin. MEGANUN! Sana wag kayong magbabago!


Ingat at maraming salamat sa pagbasa nyo!


Tuesday, January 26, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON (Part 3)

Akalain mong nakapart 3 na ako! Para sa sumusubaybay ng kwentong bakasyon ko, maraming salamat.Oo nga pala mga kautak hanggang Part 4 lang ang “EKSENA SA AKING BAKASYON ” kaya isang hinga na lang ,tapos na rin ang epic na ito (hay salamat!!)

Matapos ang adbentyur ko with Nanay, syempre pagkakataon ko na para naman gumala, magliwaliw at mamasyal. Kaya narito ang mga eksena sa aking pamamasyal.

EKSENA SA MGA MALLS

Halos lahat ng malls ay nalibot ko na, mula sa SM, Trinoma, MOA, Gateway, Glorietta, Greenbelt, at Eastwood ay talagang hindi ko pinatawad. Maraming nagsasabi na naghihirap daw ang Pilipinas pero sa tingin ko kalokohan lang yun, bakit? Dahil halos lahat ng pinuntuhan kong mall, PUNO lahat. Miski ang MOA na pinakamalaking mall sa buong Asya ay puno din. Halos mahalikan ko na nga ang mga taong nakakasalubong ko eh (tinutuloy ko ang halik pag maganda at seksi ang kasalubong ko,hehehe). Pero syempre di mawawala ang mga eksena dyan.

EKSENA 1.


Habang ako'y nakatambay sa Trinoma may nakita akong grupo ng mga kabataan na nag-uusap:
(Mga pasosyal na mga kabataan sila)


Kabataan 1: Guys I’m so hungry na eh! Wer ba tau eat?

Kabataan2: Pizza hut na lang tayo mga frenz.

Kabataan3: Ayoko dun di masarap pizza dun?Yellow Cab na lang!

Kabataan4: Ewww! I don’t like there! Dencio or Max’s na lang!

Kabataan5: I’m so tired na eh! Sige lakad na lang tayo at hanap na lang tayo ng makakainan there!


Sinundan ko sila ng tingin kung saan sila pupunta at sa huli nakita ko silang sabay-sabay pumasok sa……(drumroll please)……… tenen……………JOLLIBEE (at mukhang burger steak lang ang kanilang binili)


EKSENA 2.


Dahil masyado akong nainip kakaintay sa ate kong bumili ng damit sa “bossini” (dumayo pa ng Trinoma para sosyal na sosyal na Bossini, siguro SALE dun!). Naisipan kong uminom ng “Signature Hot Chocolate”ng Starbucks na paboritong paborito ko talaga (mas masarap sya kaysa sa Milo at Ovaltine) kaya dun ako tumambay.

Habang ako’y nasa pila, bumibili rin ang isang babaeng nakabubuyog shades (yung malaki pa sa buwan ang shades nya) at magtataka ako kung bakit sya nakashades gayung nasa loob sya ng mall, walang araw doon at lalong wala naman siguro syang sore eyes.

Nasa harap sya ng cashier kasi turn na nya.

Miss Bubuyog: ahhmmm

(bwisit sya! tagal nakapila dun pa sa cashier namili ng bibilhin)

Cashier: Yes ma’am ano po yun

Miss Bubuyog: I would like to order a Frappucino.

Cashier: Ano pong Frappucino ma’am?

Miss Bubuyog: Uhmmm, I don’t know !All I know is that...... there’s a chip on it and it has a bitter-sweet taste, Sorry I really don’t know what kind of Frap is that…. (halos mangongo na sa pagka-slang)

Cashier: Baka Java Chip Frappucino Ma’am?

Miss Bubuyo: No! Lem'me choose for a moment? (Presidente ka?paimportante ka pala eh!)


Buwisit sya, dun pa namili. At huwag nga syang mag-eenglish ng mag-eenglish dahil nasa Pilipinas sya!Tinatagalog na nga sya ng cashier dahil mukha syang tindera sa Divisoria, tapos todo nosebleed pa sa kaka-English.

Makalipas ang 3 minuto nakuha din nya ang gusto nya (sa wakas, dahil kung hindi babasagin ko ang shades nya) . At syempre sinundan ko sya ng tingin. At hayun nakita ko syang picture ng picture ng kanyang sarili gamit ang cellphone habang nakadikit sa kanyang pagmumukha ang Frappucinong binili (siguro ipopost nya yung pix nya sa kanyang facebook o friendster). Tae pala sya, ano akala nya sa Starbucks, “Studio” kasi nagphotoshoot sya dun. At di lang yun, tinawag pa nya ako (kasi napadaan ako) at piktyuran ko raw sya. Feeling nya ata nasa parke sya at akala nya ata photographer ako!
____________________

Marami pang eksena sa mall ang talaga nakaagaw sa akin ng atensyon. Siguro gagawa na lang ako ng isang entry tungkol dito. Kaya diretso ko na muna ang kwento ko.

Moving on......................


EKSENA SA ENCHANTED KINGDOM

* Makuha nga si ate at gagawin kong keychain.

*Huli ka!!!



Kada bakasyon ko, hindi pwedeng wala kaming “bonding moments” ng aking mga kapatid. Kaya lagi ko silang tinatanong kung saan nila gustong pumunta.Medyo mababaw lang ang kaligayahan ng aking mga kapatid kaya naisipan nilang ilibre ko sila sa ……..DISNEYLAND, kaya dumeretso kami ng ENCHANTED KINGDOM (ganun din yun)

Huling punta ko pa sa Enchanted Kingdom ay noong first year college pa ako, kaya gusto ko ring makita kung ano ang bago sa Theme Park na yun.

Dumating kami sa Sta. Rosa, Laguna ng 11 A.M, katanghaliang tapat. At dahil dyan mistula akong magsasaka ng palay dahil nakabilad kami sa init ng araw. Tapos ubod dami pa ng tao sa loob (adik sa mga rides eh). At ang pila halos himatayin ka sa haba (daig ang pila ng bigas at MRT). At dahil nanghihinayang ako sa 500 pesos na binayad ko. Sinubukan kong pumila na lang at syempre may umeksena na naman.

Nasa gitna kami ng pila ng biglang may 2 binatilyong sumingit

AKO: Ronald may naamoy ka ba? (tanong ko sa kapatid ko)

Kapatid ko: Wala kuya, bakit?

Ako: Kasi mabaho ang SINGITTTTT (pinagdidiinan ko). At ayaw ko ng SINGITTTTT (pinaparinggan ko na)

Kapatid ko: Oo nga kuya ,ayaw ko rin ng singit (saby tingin sa 2 binatilyong sumingit)

Ako: Galit ako sa SINGIT, at pag galit ako pumapatay ako ng SINGIT!

Natakot din naman yung 2 binatilyong sumingit dahil tinitigan ko sila ng masama (yung parang tingin ng mangkukulam) kung hindi sila umalis sa pila sasabog ang mga ngala-ngala nila sa lupa (warfreak??, oo makikipagpatayan ako para sa bumped car)

Makalipas ang halos isang oras na pagpila, sa wakas kami na ang sumakay. Inabot lang ng hanggang 3 minuto ang “rides”. Nabwisit lang ako at nainis dahil sa haba ng pila ay ganun naman kaiksi tinatakbo ng rides at handa pa akong makipagpatayan para dun. (Tae!!)

Kaya nung niyaya na ako ng mga kapatid ko sa iba pang rides, di na ako sumama. Ayaw ko ng pumila at ayaw ko na ring makipag-away sa mga mababahong “singit”. Iikot na lang ako ng 3 minuto at hihiluhin ko na lang ang sarili ko ,tutal yun lang rin naman ang ginagawa ng mga dyaskaheng rides na yan.

Dahil sa gutom. Humanap ako ng resto para kainan. Dahil puno ang mga resto hindi na ako tumuloy .Isa pa, may nakita kasi akong booth ng “rice in a box” sa tabi ng “Merry go round”.
.
At muli may umeksena rin dyan

Habang bumibili ako ng pagkain:

Ako: Kuya pagbilan nga ng rice in a box.

Kuya Tindero: Sir, ano po ba Adobo Flavor , Chicken Ala King, o Beef Steak?

Ako: Adobo Kuya!!!

Kuya Tindero: Sir, wala na po eh!

Ako: Okay !Chicken ala King na lang

Kuya Tindero: Wala rin po sir

Ako: Langya naman eh ano ba available sa inyo?(umuusok na ilong ko sa inis)

Kuya Tindero: Beef Steak lang po!

Ako: Eh yun lang pala available sa inyo, tinanong mo pa ako kung ano gusto ko?Adik ka pala eh!
(pipigtasin ko na ang tenga nya saka ko ipiprito para gawing chitcharon sa galit ko)


Kuya Tindero: Eh sir, kaya ko po kayo tinatanong kasi sasagutin ko po yun kung “meron o wala” kaya may mga choices po Sir.
.
(aba nagpaliwanag pa ang luko)

Ako: eh pilosopo ka pala eh! (hahamunin ko na sana ng away buti napigilan ko sarili ko)

Kuya Tindero: Sir anything for drinks? (putcha, parang walang nangyari ah!)

Ako: C2 green tea! (nanlilisik na ang mga mata ko)

Kuya Tindero: Sir wala na po kaming C2 noon pa.
.
AKo: Eh mga biwist pla kayo, bakit nakalagay pa dito sa Menu nyo! Heto oh! ang laki laki ng pangalan at may picture pa! (sabay dutdot sa menu)

Kuya Tindero: Sorry Sir, di po updated yan!

Halos lumuwa na ang mata ko sa galit at hamunin na ng “square” si kuya Tindero. Gusto ko ng sunugin ang booth ni Kuya at gawing palaman sa tinapay ang dila ni Kuya sa sobra kong inis.Hinahayblad na ako sa kanya, at baka hindi ako makapagpigil eh masakal ko si kuya. Pinakalma ko na lang ang sarili at kumain ng bubblegum. Syete!

Okay, hindi ko gaanong naenjoy ang Enchanted Kingdom pero naenjoy naman ng mga kapatid ko! Kaya okay na ako dun! Tutal para sa kanila yun at hindi yun para sa akin. Pero kung tatanungin mo ako kung babalik pa ako dun ang sasabihin ko lang ay ………………….”ISANG MALAKING HINDEEEE”.

Itutuloy.....................................

P.S
Abangan ang last part ng kwentong bakasyon ko! Hanggang sa muli at maraming salamat sa pagbasa.

Ingat.


Saturday, January 23, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON (Part 2)





**Picture 1: ang aking kyut na kyut na pamangkin

**Picture 2: Isa ko ring kyut na kyut na pamangkin.

.



**Picture 3: Okay picture ko yan ng bata, alam kong hindi ako kyut. At hindi rin akong magpapanggap na kyut!Okay!



Okay heto na ang part 2 ng aking kwentong bakasyon. Medyo hindi ko na dadamihan ang kwento dahil baka nagsasawa na kayo sa kwento ko!

Di ba naikuwento ko na sa inyo ang nangyari sa akin sa Airport so narito na ang mga ilang eksena talaga na namang nageepal nung aking bakasyon.

EKSENA SA VAN

Pagkatapos akong sunduin ng aking mga kapatid at magulang syempre excited akong kausapin sila isa-isa at kamustahin.Tinanong ko kung ano na ang nagbago sa barangay namin, kung sino na ang nagpakasal at kung sino na ang mga namatay sa lugar naming. Habang kwento sila ng kwento eh napansin kong tahimik ang nanay kaya tinanong ko na sya:

Ako: Nay, bat tahimik ka dyan?Kamusta na nga po pala kayo.

Nanay Ko: (walang imik)

Ako: Eh kamusta na nga pala yung babuyan natin, okay naman ba?

Nanay Ko: (walang imik)

Ako: Eh yung kalusugan nyo kamusta na?

Nanay Ko: (walang imik)

Ako: Nay, bat di kayo nagsasalita may problema ba??

Nanay Ko: Eh kasi Anakkkkkkk….. (sabay kuha ng supot sa gilid) huwaakkkkkkkk (nagsuka ng marami ang nanay sa supot)

Di ako umimik kasi nagulat ako sa aking nasaksihan para tuloy lumalapot ang aking laway ( isa pa ako rin kasi ang may hawak ng supot ni nanay kay ramdam na ramdam ko ang init ng suka ni nanay)

Nanay ko: Ano ulit yun anak? (nice parang walang nagyari ah!!)

Ako: Okay mga kapatid……. Sino may gusto ng lugaw??? Mainit-init pa!!! (sabay taas ng supot)

Walang umimik ang mga kapatid ko, palagay ko busog sila at ayaw nila ng lugaw ni Nanay! (Okay lang at least may pagkain na si Tog-tog, yung aso namin )

EKSENA SA BALIKBAYAN BOX

Nakarating kami sa bahay ng mga alas 8 ng gabi! At dahil na rin sa excitement na nararamdaman ng aking pamilya para buksan ang balikbayan box ko, wala na akong magawa kundi buksan ito. Hayun parang fiesta sa loob ng bahay. Feeling ko rin para akong namimigay ng relief goods o di kaya nagpaparaffle kasi nga ......... "bigayan time" na.

Pero syempre pati dyan may umeeksena din

Kapatid Ko: Kuya, bakit puro sabon ang uwi mo.

Ako: eh yan na lang ang ibibigay natin sa mga kapitbahay at mga kamag-anak natin. Okay na yan kaysa sa chocolate. Mahal yun ngayon.

Kapatid ko: Ganun, eh bakit naman sabon?

Ako: Aba ang chocolate isang kainan lang ubos na, ang sabon medyo matagal ang buhay. Aba ayaw mo yun, habang pinapahid nila ang sabon sa katawan nila, ako ang naalala nila. Ngayon kung gusto nilang kainin ang sabon, eh nasa kanila yun!hehehe!

Kapatid ko: Eh okay sana kung ngayon ka lang nagbigay ng sabon, eh kaso kada uwi puro sabon tapos yun din ang tatak!wala ba talagang chocolate?

Ako: Aba mahirap ang buhay ngayon! Meron din namang chocolate pero hahaluan natin yung mahal na chocolate ng murang chocolate. Heto oh (sabay pakita ng chocolate na mumurahin)

Kapatid ko: Ito??? (halatang gulat na gulat)

Ako: Weno ngayon! Aba sa Saudi lang available yan oh, wala silang makikita nyan dito sa Pinas! Saka lasang KITKAT naman yan ah! Yun nga lang lasa pa ring cheap, pero masarap na yan! Talo talo na sila! (isa yang cheap chocolate na nagpapanggap na Kitkat)

Kapatid ko: Eh puwet ka pala kuya eh! TIGER ito eh (brand ng chocolate) Available na available dito yan . May commercial pa nga yan dito! Eh tigsasais lang dito nyan. (sabay tawa ng malakas)

Ako: Putchek! Muntik na akong magoverbaggage sa dyaskaheng chocolate nayan! Meron pala dito! Eh dapat pala dinamihan ko na lang ng sabon! (bigla akong nanlata)

Sa huli pinamigay ko rin yung Tiger chocolate kasi walang kakain nun sa amin, dahil maseselan daw ang mga dyaskahe nilang mga dila. Sa tuwing binibigay ko yung cheap chocolate na yun lagi kong sinasabi ko na “arabic” yung nakasulat sa balat ng chocolate.

Dagdag Trivia: sa tuwing nakikita ko yung Tiger Commercial na yun, sumasama ang loob ko sa inis!!

EKSENA SA WALTERMART

May bagong bukas na Waltermart sa amin, kaya naman nagkukumarat akong tingnan kung ano ang meron dun sa “mall” na yun kaya isinama ko na ang Nanay. Meron din kasi kaming gift check na galing sa kapatid ko (ito raw ang bonus nila sa kumpanya) na pwede naming ipan-shopping. Kaya nakukumahog ang nanay sa paglalagay ng groceries sa trolley namin. Akala ata ng nanay eh magtatayo sya ng sari-sari store dahil na rin sa dami ng kanyang pinamili. Kaya masayang masaya ang nanay.

Habang kasama ko ang nanay, nakasalubong namin ang kababaryo na matagal na hindi naming nakikita.

Nanay ko: Hoy Nena, kamusta na? Tagal na nating di nagkita ah

Nena: Kayo po pala yan! Dito rin pala kayo nanimimili.

Nanay ko: Oo naman,mukhang mura dito eh!Teka lang Nena mukhang gumaganda ka ata ngayon ah! Ano ba sikreto mo?

Nung tiningnan ko si Aling Nena, wala akong nakitang ganda este wala akong nakitang pagbabago mula ng makita ko sya dati hanggang ngayon. Ganun pa rin naman sya! Taong tao pa rin naman!

Nanay ko: At di lang yun sumeseksi ka pa!

Nung narinig ko yun, umalis na ako! Medyo hindi ko na kinaya ang pambobola ng nanay. Saka natatakot akong baka maniwala si Aling Nena sa mga sinasabi ni Nanay.

Iniwan ko na lang ang nanay at binalikan ko na lang sya, mas maiging bumili muna ako ng baygon sa kabilang side ng mall (saka ko singhitun) medyo nabibingi ako sa mga pautot ni nanay. (At ngayon alam ko na kung saan ako nagmana)

Kaya nung binalikan ko si Nanay matapos nyang chikahin si Aling Nena, ito ang sinabi ko sa kanya.

Ako: Ano ba naman yung mga pinagsasabi nyo kay Aling Nena?

Nanay Ko: (biglang tumawa ng malakas)

Ako: huh??


Wala buwal ako kay nanay! Pwedeng pwede syang kumandidato sa susunod na elesyon.hehehe!
_________________________

Priitttttttttt ( whistle) . Medyo okay na muna yan! Mas maganda kung pakonti konti ang kwento. Marami pang susunod na eksena kaya sana patuloy nyo pa rin itong basahin.

Tingnan nyo mukha masya talaga ang naging bakasyon ko, basta marami pang kwento yan!Sana wag kayong magsasawa.

Salamat uli sa time at intayin nyo ang susunod na mga eksena

Yun lang ang maraming salamat.


Monday, January 18, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON


Pers op ol, gusto ko munang ipaalam sa inyo na maysakit ako ngayon. Batet? Kasi dahil pagdating ko sa Saudi eh ubod pala ng lamig dito. Kaya nanibago ang aking murang katawan (nice!). At dahil halos kinain ko lahat ang pabaon sa akin ng aking mga kapatid, kaibigan at kamag-anak. Masyado akong na-excite sa pagkain ng pulburon at yema. Halos sumakit ang ngipin ko sa dried mangoes at pastiyas. In short ako ay MA…………………………MASUNGIT (dahil di ako namigay) . Buti nga sa akin!!



Teka dahil naipangako ko na magkwekwento ako tungkol sa aking bakasyon. Gagawin kong installment ang aking pagkukuwento (BUMBAY??). So Part 1 muna para masaya, then part 2, part 3 hanggang maging libro na sya at ipantatapat ko sa Harry Potter ni J.K Rowling.
Okay heto na ang Part 1.



MGA EKSENA SA AIRPORT


Dumating ako sa airport ng mga alas singko ng hapon. Medyo masarap ang “mood” dahil nga magpapasko. Habang naglalakad ako sa Airport, walang bumabati sa akin man lang ng “Merry Christmas o Happy New Year” mula staff ng airport. Eh very unusual yun para sa akin, dahil darati-rati tuwing nagbabakasyon ako ng March eh marami ang bumabati sa akin ng “Merry Christmas at Happy New Year”, sabay sabi “wala ba tayong Aguinaldo dyan???” (March pa lang, nanghihingi na sila ng aguinaldo, kamusta naman yun??). Napag-alaman ko na painagbawal pala ni Pangulong Gloria ang pagbati sa mga OFW dahil nga sa “Aguinaldo Syndrome” ng mga staff ng airport.



Okay moving on na……



Dahil excited na excited ang aking pamilya na makita akong muli hayun “late” sila. Kaya medyo wala akong nadatnang susundo sa akin. Kaya naman bumili na ako ng SIM Card sa may lobby ng airpot para malaman kung sang lupalop na sila nagsuot.



EKSENA SA LOBBY



Pagdating ko sa lobby nakita ko na agad yung bilihan ng SIM Card, kyut si Miss Tindera kaya nakipagtsikahan na ako sa kanya at nagpakyut.



AKO: Miss ikaw ba nagtitinda ng SIM CARD?



Miss Tindera: Opo ako nga po KUYA



AKO: Wag mo na akong Kuyahin di naman kita kapatid (sabay pakyut)



Miss Tindera: Ah ganun po ba, sige po SIR.



AKO: Naku wag na akong i-Sir di mo naman ako TITSER, Drake na lang!! (putcha, D.O.M na D.O.M ang linya)



Miss Tindera: Sige po Drake, ano po bang SIM CARD, Globe o Smart?


AKO: Globe na lang kasi Smart ako! (Meganun pautot!)


Miss Tindera: Heto po DRAKE (pinagdiinan nya ang name ko, na parang gigil na gigil)


AKO: Salamat Miss????Ano uli pangalan mo?


Miss Tindera: Sheila po!


AKO: Ahhh, Shiela! ang ganda pala ng pangalan mo, tulad ng pangalan mo maganda ka rin(yan ang pambobola 101)


Miss Tindera: (nagblush)


AKO: Shiela, di ko pa kasi alam ang number ko, pwede bang makuha ko na lang yung number mo. (Yan ang astig na line)


Miss Tindera: Naku naman, kayo ha!May ganun kayong mga linya


AKO: Hehehe, Sige na ,ano nga ba uli yung number mo?


Nilabas nya ang kanyang antigong cellphone na 3310.


Miss Tindera: Ano po ,0917XXXXXXX, (binigay naman)

AKO: Thanks


Miss Tindera: Ah nga pala, ipasaload mo ako ha kahit 30 pesos lang! wala kasi akong load eh, para mareplayan ko naman kayo!


AKO: Ahhh Ganun!


Noong narinig ko yun, umalis na ako. Tuloy, lalo kong naramdaman na mukha akong D.O.M (bwisit!). Medyo tinitingnan pa ako ni Miss Tindera kung magpapasaload ako sa kanya, kaso umalis na lang ako sa inis. Kaya tinawagan ko na lang ang mga kapatid ko kung nasan na sila. Sabi nila 10 minutes na lang daw at nasa Arrival Area na raw sila, kaya pumunta ako sa Arrival Area ng Airport.


EKSENA SA ARRIVAL AREA


Aba, 20 minuto na ang lumipas wala pa rin ang mga kapatid ko! Halatang excited na excited sila! Ang sinalubong mukhang siya pa ang sasalubong!Kaya hindi ko napigilang mag-obserba sa aking mga nakita sa Arrival Area ng Airport.


Nagulat ako ng may todo-kaway at todo ngiti sa akin na babae. Yung babae, naka ubod iksing short (pekpek short daw ata tawag dun) at naka sando lang. Para syang maliligo lang, ganun ang porma . Kulay blonde pa ang buhok kahit hindi bagay sa maitim nyang balat. Basta para syang babaeng nakikita mo sa mga beerhouse (Oyy, bakit ko alam yun??,hehehe). So kaway sya ng kaway sa akin, ako naman nakikaway din at ngumiti din. Pero nagulat na lang ako ng may dumaan mula sa likod ko na isang Amerikanong ubod ng laki.Sya pala ang kinakawayan nung babaeng mukhang maliligo lang sa Ilog Pasig.


Medyo napahiya ako ng konti, pero naiintindihan ko na ang lahat, bumulong na lang ako sa sarili ko na.


“Siguro nakilala lang nya ito sa chatroom!! Jackpot si Ate,hehehe, instant millionare!”
.
Isa pang eksena…..


Pilipina (sa States ata sya galing, suot ang malahula hoop na hikaw ): Oh my God, its so init naman here sa Pilipins! Where na ba sila? (tiningan ko sya mula ulo hanggang paa, mukha syang galing Cubao lang!)


Sabay tawag sa kanyang phone (inpernes mukhang mamahalin)


Pilipina: Kuya, where na ba u? I’ve been waiting here for more than two hours na!!! Blah blah!!

Gusto ko sanang tampalin ang nguso nya, kasi alam ko mas nauna pa akong dumating sa kanya sa Arrival Area. Kaya hinahayan ko na lang syang mag-cacarabao ingles sa isang tabi, habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mala-yerong kamay)


Mamaya maya dumating ang isang pulang van.


Lalaki (ito yung sasalubong): Hey! Where here na!!! (sabay yayakapin ang Pilipina)


Pilipina (yung mukhang tiga Cubao lang): Eh PUTANGINA NYO BAT NGAYON LANG KAYO!!!

Hayun lumabas ang pagiging palengkera ni Ate, hehhee!Paingles ingles pa, pag nagalit naman daig pa ang tindera sa Divisoria!hehehe)


Ako naman, makalipas ang 20 minuto pa, (sinungaling sila, sabi nila 10 minutes lang daw,ano akala nila sa akin tanga sa oras?hehehe) sa wakas dumating na rin ang sundo ko. At dahil sa sobrang na-excite sila na makita ako. Agad nilang hinanap ang ……….. balikbayan box ko. Sabay sabi..... "O nandyan ka pala"
Nice mga kapatid! Astig nyo!! Galing nyong mang-inis ah! Sarap bangasan ng isa ang mga wisdom tooth nyo! Pero alam ko naman joke lang nila yun. Lab naman nila ako!Kahit hindi gaanong halata!Hehehe

Opps medyo bibitinin ko muna kayo dyan ng konti medyo yan muna for now. Maganda yung hindi mo ikukuwento lahat. Dahil sabi ko nga mahaba yang kwentong bakasyon na yan. Basta marami pang eksena ang susunod pa. May eksena pa sa VAN, eksena sa Waltermart, eksena sa simbahan….. and so on and so fort….. Naks meganun.


Malay natin maging isang buong libro ang kwento ko na ito, at isa pelikula pa. Basta hindi si Manny Pacquiao ang bida okay na ako dun!


Basta ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat, sa patuloy na pagbisita sa aking kwarto. Sana hindi kayo magsawang bisita dito. Pramis maglalagay ako ng butong pakwan, chikito at choki-choki sa kwarto ko para madalas kayo dito.


Ingat parati


Friday, January 15, 2010

I'M BACK BALAKUBAK



Mga kautak, I’M BACK!!!!!!!! Hays grabe naman, para lang akong nanaginip at heto nagising na uli ako at bumalik na naman ako sa realidad. Masyadong maigsi pala ang 30 days pero kahit paano naman ay naging makabuluhan at maganda ang aking bakasyon sa aking Lupang Tinubuan (ng aking buhok sa kilikili at bu.......... bu....... bugote). At naging sobrang masaya ako sa maraming bagay na nangyari sa aking bakasyon.


Pasensya na kung nagmukha akong “autistic” o may sariling mundo dahil hindi talaga ako nag-uupdate ng aking blog. Ganun talaga busy ako kakagala sa ibat ibang lugar sa Pinas tapos lagi rin akong puyat dahil sa inuman. Tipikal na OFW galing Saudi na makikita natin sa mga pelikula ( minus the jacket at naglalakihang alahas na gold).



Medyo hindi muna ako magkukuwento tungkol sa aking bakasyon, sa susunod na mga post ko na yun. Itong post na ito ay isang pagpaparamdam lang na…….buhay pa ako at hindi ako isang kaluluwang ligaw!!!



Natabunan na nga ako sa dami ng ikukuwento ko kaya kailangan isa-isa lang dahil mahina ang kalaban.Nais ko rin sanang magpasalamat sa aking mga kautak na walang sawang bumibisita sa aking blog. Kung pwede lang bang ilibre ko kayo ng “scramble” at isang tusok ng kwek kwek ay ginawa ko na, dahil sa labis na pasasalamat! Lab na lab nyo talaga ako!Hehehe



Nais ko rin sanang magpasalamat sa PEBA, dahil sa award na binigay nila sa akin, at dahil dyan may………… NAGTEXT (tae ang korni)



“Mrming slamat po slamat sa pgkilala n bnigay nyo. Lubos po ang aking pssalamat na khit medyo may tagas s ulo ang may –ari ng blog na ito eh nakuha nyo pa rin syang bigyan ng pgkilala. Kahit na mongoloid sya, pinatunayan nyo na di hadlang kapansanan sa utak. Kaya maraming maraming salamat sa inyo. Pramis mgpapasaload ako s inyo. Sige po ako’y gagapang muna papunta sa aking cocoon”------------ UOD (na nasa header)

.



Nagreply ako sa text ni UOD

.



"Hoy Uod, tae ka!! nakuha mo pang magtext eh wala ka namang kamay paano nangyari yun???Adik ka ba?? Pls reply back ASAP, mwaahhhh!!---- Drake"



Ang baduy ko, syete! Sensya na!!



Basta maraming salamat sa inyo mga kautak at sa bumubo ng PEBA dahil sa award na binigay nyo, at promise gagawa ako ng entry para dito.



Alam nyo mga kautak ,namiss ko talaga kayo, ako kaya namiss nyo??? (pa-emo lang)



Yun lang mga kautak at intayin nyo ang mga kwento ko.



Ingat at maraming salamat