QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, November 11, 2008

EMO KA BA????

Alam nyo nung nagbakasyon ako sa Pilipinas (kasi nasa abroad ako), mayroong craze noon na kung tawagin ay EMO or Emotional Music Overload. Well at first hindi ko naman alam yung EMO-EMO nay an, pero mahilig ako sa music kaya naman sinubukan kong pakinggan yung music na yun (kasi sikat ang My Chemical Romance), masasabi ko maganda yung melody, pero yung lyrics ay masasabi kong masyadong emosyonal. Kaya nga siguro tinawag na EMO ito eh, masyadong malalim yung pinanghuhugutang emosyon. Madalas puro kabiguan sa pag-ibig, pagrerebelde, pag-iisa at kung ano ano pang kadramahan sa buhay.

Na uso rin ang EMO look, na kung saan aminado akong nakiuso rin, kahit pakiramdam ko matanda na ako for that fashion (bata pa naman ang 25 di ba?heheh), bumagay naman pero hindi ko rin kinaya, siguro mga ilang beses akong lumabas ng naka-EMO, pakiramdam ko noon mukhang akong adik, hahaha!adik sa katol! Siguro dahil na rin sa halos limang araw akong nakakurbata sa opisina, kaya parang asiwa ako. Pero kasi sa bawat kanto sa amin, aba puro naka EMO look sila, so naki EMO na rin ako. Merong EMOng GRASA, kasi mukhang madumi sila at di nilalabhan ang damit. Meron ding EMOng CLOWN, kasi sa kapal ng eyeliner sa ilalim ng mata mukha silang Clown o di kaya kahawig ni Marilyn Manson na lalapa ng tao. EMOng snatcher, kasi mukhang silang snatcher at mandurukot. Meron ding EMOng mayaman, kasi mukha puro may tatak yung suot nila, at meron din namang EMO-EMOHAN lang , na palagay ko kasama ako dyan, nagfefeeling EMO lang at dinadaan sa porma lang para makiuso. Medyo guilty ako ng ilang lingo dyan, hehehe.


Teka alam nyo kung bakit tungkol sa EMO ang topic ko dito, kasi medyo nababahala lang ako sa dami ng kaso ng mga kabataang nag-su- suicide o di kaya may suicidal tendency. Karamihan sa mga kabataan na ito ay mahilig sa music na ganito, kaya mag-iisip ka, parang kasing isa itong hypnotic music or chant na nageenganyo sa mga kabataan na magrebelde o di kaya ang magpatiwakal. Mayroong akong kakilala na dahil sa kahiligan sa music na ito, nagdesisyon syang magbigti. Nakakatakot pero totoo, EMO rin ang hitsura nya at napagalitan lang ng nanay nya, hayun nagkulong sa kwarto pinatugtog yung EMO music nya, pag bukas ng pinto, nakabigti na sya.


Alam nyo marami ang nagagawa ng music sa pag-iisip ng tao, hindi ba mas madali nating mamemorize ang isang kanta kesa sa tula. Ako pag nagrereview ako nun dati sa exams ko kinakanta ko yung notes ko para madali kong matandaan. Isa pa hindi pa mas madali ang recall ng tao sa isang commercial o patalastas kapag maganda ang jingle nito. At paglagi mong naririnig syempre may epekto sa iyo. Tuloy naaalala ko yung NANO CANDY, eh kasi ang ganda ng kanta sa TV kaya bumili ako nun, nung kinain ko yung kendi nay un halos masusuka suka ako, kasi lasang kulangot (hahaha, nakalasa na pala ako ng kulangot?aminin, kayo din?) Pero kahit ganoon ang lasa aba marami pa rin ang bumibili.


Pag lagi mong naririnig ang isang bagay nagkakaroon ito ng epekto sa iyo. Hindi ba pagmaraming nagsasabi sa iyong TANGA ka, at lagi mong naririnig ito, hindi ba parang naniniwala ka na rin sa kanila at tatanggapin mo na lang sa sarili mo na tanga ka nga .Ganun din sa music, kung lagi mong naririnig yun mapapaniwala ka tuloy ng mga lyrics na nasa kantang yun. Kaya mag-ingat tayo.


Naalala ko rin tuloy yung SHAIDER na kung saan ginamit ni Puma Lay-ar yung music para baguhin ang pag-iisip ng mga kabataan. Ang music pa nga ay “U shigi shigi man kantari Uwahhh, shi shi” (uyy, kinanta nya!) . Gumamit si Puma Lay –ar ng isang halimaw na magbabalat-kayong isang sikat na singer. At sa pamamagitan ng music nagiging masasama ang tao.E baka si Puma Lay ar ang nagimbento ng EMO music,nakakatakot ah, baka magkatotoo yun ngayon.
Sabi nila, na si Lucifer daw ang pinakamaestro ng mga anghel noon sa langit. Sya ang pinakapinuno ng “CHOIR” sa langit. Kaya ngayon ang music din ang ginagamit nya para makahikayat ng mga kaluluwa at lokohin ang tao. Kaya dapat mag-ingat tayo. Teka naaala nyo pa ba yung BACKMASKING (Hindi yung mask rider black o mask man, kundi yung pagpapatugtog ng mga kanta pabaligtad, para lumabas ang hidden message ng kanta.)Di ba kayo nagtataka bakit puro mga sikat na kanta ang may hidden message. Bakit nga kaya? Hindi kaya dahil sikat na sikat ito kasi may chant pala si Lucifer dito?Ano sa tingin mo?Ewan ko di ko alam siguro pag nagkita kayo pakitanong na lang, bka kasi di kami magkita nun eh!! hehehehe
I’m not against EMO, kasi trip trip yan eh!! Eh kasi mahilig din kasi ako sa lahat ng music, from classical to alternative. Mapa- Rnb, Jazz, Pop, rock, bosa nova, new wave, acoustic kahit ano pinapatos ko. Medyo naalarma lang ako sa kanta ito kasi nakikita ko yung epekto sa tao.
Eh marami sigurong di sasang-ayon sa akin kasi trip nila yun, pero talagang nakakatakot na ang panahon ngayon eh. Nasa atin yun kung maniniwala kayo sa akin o hindi pero kayo ano ang tingin nyo? EMO KA BA?

Naghihirap na ba ang Pilipinas?(TOP 20 HITS)


Paano mo malalaman kung naghihirap na ang Pilipinas o nawawalan na ng pag-asa ang mga Pilipino.



Heto ang ilang mga palatandaan:



1. Kapag ang DIP SEA (yung chitcharong tigpipiso) na ang pambansang ulam ng Pilipinas



2. Kapag kumakain ka sa karienderya ni Aling Bebang, sinigang na sitaw (kasi puro sabay at walang karne) at ikinalat na kanin sa plato (para mukhang marami) ang ibibigay sa iyo



3. Kapag ang TUYO at sardinas ay pagkain na ng mayayaman at sosyal



4. Kapag ang tukneneng ay galing na lang sa itlog ng butike(imbes na sa pugo) at binalutan ng napakaraming harinang kulay orange.



5. Kapag ang kape ay parang tsaa na lang, basta kumulay lang solb na.



6. Kapag mas marami ang instik sa Pilipinas kesa sa Pinoy



7. Kapag ang piso ay pamato na lang sa tatching at paper weight na lang sa opisina



8. Kapag ang tumor ng baka o baboy ay pwede na ring gawing adobo (kulani ng baboy kasi ginagawa na ring ulam eh)



9. Kapag ang MEGA SALE sa SM ay pinasosyal na ukay ukay na lang kasi mukhang galing sa mga donasyon na lang ito punit-punit at halos di na pwedeng isuot pero marami pa ring bumibili.



10. Kapag ang hangin ay may VAT na rin.



11. Kapag naniniwalapa kayo sa pangako ng Gobyerno



12. Kapag wala ng nagtatapon ng basura sa “Bawal Magtapon ng basura dito”



13. Kapag walang nakahaing impeachment complaint sa Supreme Court kahit si Jesus Crist pa ang pangulo natin.



14. Kapag ang pagnanakaw (maliit man o malaki) ay legal na.



15. Kapag ang presyo ng isang litro ng gasolina ay pwede ng bumuhay ng isang pamilya



16. Kapag pati ang mga batang Pilipino ay ineexport na rin kasi nagmumukhang na tayong factory ng bata.



17. Kapag ang Payatas ay maging National Park na natin (kasi ang National Park natin ay para ng Payatas)



18. Kapag si Manny Pacquiao na ang naging Pangulo.



19. Kapag ang mga susmusunod na ang maging bagong Pambansang Simbulo



a. Pambansang Isda…… Dyesebel



b. Pambansang Hayop …… Yung mister/misis ko (hayup sya…walanghiya)



c. Pambansang Kasuotan….. Makapal na mukha at shades (pwedeng panyo lang o tali)



d. Pambansang Laro……. Gobingo o Game K nab a? (sa sipa, wlang pera dun!)



e. Pambansang Bayani……. Si Piolo Pascual o si Marian Rivera, sikat eh (wala na kasing nakakakilala kay Dr. Jose Rizal! Teka sino yun???)



f. Pambansang Libangan ……. Pagchismisan ang buhay ng may buhay



g. Pambansang Bulaklak……… bibig ng mga pultiko pag malapit na ang halalan (mabulaklak eh)



h. Pambansang Prutas……….. Del Monte Fruit Cocktail (wala ng fresh puro preservatives na)



i. Pambansang Dahon………. Dahon ng marijuana



AT ANG PINAKAIMPORTANTE AT HULING HULI



20. Kapag naniniwala kayo sa mga pinagsasabi ko!! Hahahaha!!



* Karamihan sa mga nabanggit sa itaas ay nangyayari na sa atin. Kaya nakakatakot na po talaga!!



Salamat po

Pormula ng Pelikulang Pilipino (Huling Hinga)

Sa pagpapatuloy ng ikaapat at huling review ko sa Pelikulang Pilipino (buti naman at naisipan ko ng tumigil, hahahah) heto ang mga obserbasyon pa

Dekada 90

Sa unang bahagi ng dekadang ito halos karamihan mga comedy ang tema, tulad ng mga pelikula ni Joey de Leon, Vic Sotto, Dolphy, Andrew E at kung sino sino pang komedyante.Dito usong uso ang mga sayawan sa beach na talaga namang nakakapanginig laman sa kabaduyan. Marami akong kasama sa trabahong mga Indians, at nakita ko na halos ganun din sila pagpelikula ang pag-uusapan. Kaso sa kanila mapa-actions, drama , comedy ay puro may kantahan at sayawan. Yung tipong nadikit lang ang katawan sa dahon o puno, at mga nagkikisay na dahil nagsasayaw.
Akala ko nga tulad natin medyo din a uso yung mga kantahan at sayawan nay an, pero nung huli kong napanood na Indian movie (2007) aba may sayawan pa rin. Hay my gulay

Dahil nasa gitna tayo ng sobrang hirap na ekonomiya at krisis noon kaya nauso ang comedy at kailangan ng mga ganitong pelikula para naman matawa ang tao. Eh lagi pang brownout nun kaya ang mga tao sa sinehan ang punta kasi may generator at aircon pa.
Mga mid 90’s hayan nauso na ang mga ST Films, napinangungunahan nila Gretchen Baretto, Kring Kring (Kristina Gonzales, Gardo Versosa, Rosanna Roces. Nung mga panahon na yan bumuka lang ang hita ng bida eh kwento na. O kaya naliligo lang sa ilog eh istorya na. Ganyan umiikot ang pelikula noon pero kahit papaano naman may masasabi pa rin tayong mga matitonong Pelikula tulad ng “Ang Lalaki sa Buhay Ni Celia” o “Ang babae sa Bintana”.

SAMPLE



Heto pumasok na ang year 2000

Unang bahagi ng taon, halos bumulusok pababa ang kalidad ng pelikula dahil ang ST ay napalitan ng TF (titillating Films) na pinagbibidahan ng mga sandamakmak na mga artista di mo naman kilala. Yung tipong nakikita mo lang sa tabi tabi kamulat mulat mo ay bida na ng Pelikula. May mga pangalan pa na hindi mo alam kung san pinagkukuha. Nauso ang mga pangalan ng mga sikat na artista o pulitiko na ginawang babae tulad ni Ida Manzano (Edu Manzano), Ynez Veneracion (Ian Veneracion) ,Ramona Revilla (Ramon Revilla) at kung sino sino pa. Bakit hindi sila gumawa ng female version ni Amay Bisaya, gawin nilang Amy Bisaya. Yung iba naman nung sumiklab ang OAKWOOD mutiny, lumabas si Gloreitta, Kudeth Honasan at kung sino sino pa, ewan ko bakit di nila sinama Ping Lacson, gawin nilang Ping Ping Lacson (naks parang litson lang ah). Meron naman brand name ng Shampoo, tulad ni Ivory, Rejoice, at Pantene. Nagtataka lang ako bakit wala ang sexy star na Mane n Tail, di ba okay din naman yun.

Di tulad ng ST na kahit papaano ay mga sosyaling mga sexy star ang bida, sa TF eh talaga naman hindi mo na talaga madi- differentiate kung alin ang artista at alin ang ordinaryong tao. Sa ST kahit papaano may istorya, dito eh talagang wala na talaga. Kaya nakakaawa talaga ang mga panahon nay un, na kung saan halos wala ka ng makikitang matinong pelikula noon.
Buti naman at medyo nawala wala na yung mga Pito pito movies (pitong araw lang ginawa) at TF, at napalitan naman ito ng mga Horror Films, syempre dahil ito sa mga Hapon at Koreano na nagpasimula ng ganitong trend. Kaya halos nagsulputan din ang mga horror films na kahit pasko ay mukhang pang haloween pa rin ang mga pelikula. MEdyo kahit papaano naman ay gumaganda ganda na ang kalidad ng ating pelikula, dahil medyo nag-iisip isip na rin ang mga writer ng magandang script. Pero hanggang ngayon may manaka naka pa ring mga Horror Films na sumusulpot.

Sa kasalukuyan, usong uso ang mga independent films, ngayon lang nauso ito pero noon pa ako nakakapanood nito. Nakaktuwang isipin na kinikilala ang mga pelikula natin sa ibang bansa. Medyo halong emosyon ako, natutuwa ako kasi kinilala ang pelikula natin, nalulungkot ako kasi kwento ito ng mga kababuyan at kabulukan ng Pilipinas. Basta mahirap ipaliwanag, pero malakas pa rin naman ang paghanga ko sa mga Pelikula natin

Sa panahon ngayon parang di ko alam kung ginagamit lang nila ang indie films para makatipid ang ibang malalaking movie outfit. O di kaya para lang din ST films o pito pito movies ito na mura lang ang production cost. Kasi halos puro sex din ang tema, although sabihin natin may magagandang istorya meron dun kaso parang ito ang kanilang pambeta sa manonood-and SEX. Kaya nga siguro halos pabrika ng bata ang Pilipinas, at halos maapakan mo na sila. Nakakalungkot na ginagawang sankalan ang indie films para lang sa mga porno films,kumbaga trend kasi kaya makikiuso din.

Masasabi ko namang marami pa ring de kalidad na pelikula na hindi ito ang tema, tulad ng Kubrador, Adela, Foster Child, Batanes at Tribu. Humahanga ako sa direktor nila at sa istorya syempre, katibayan lang na hindi naman kailangan ay puro sex ang tema.
Ito ang panahon ng indie films, ito na siguro ang nagsasalba sa naghihingalong industriya ng Pelikula. Sana dumating ang isang araw na pwede na tayong makipagsabayan sa mga Hollywood Films. Pero alam kong marami pa rin tayong kakaining bigas pero buti na lang din at nagsisimula na tayong kumain.hehheeh

SAMPLE



Pero sa ating mga mahihilig sa Pelikula, maganda ring mapanood natin ang sariling atin. Marami kasing pelikulang banyaga ngayon na dinadaan na lang sa special effects o sa mga sikat na artista. Sana magtulungan din tayo, yun nga lang kailangan ding husayan nila ang paggawa ng Pelikula.
Ano kaya ang susunod na uso pagdating sa Pelikula, may isisilang pa kayang Lino Brocka? Basta manonood na lang ako ng manood basta maganda ang istorya,pero kung parang basura lang ang papanoorin ko, eh bibili na lang ako sa Jolibee ng value Meal no. 1, nabusog pa ako.hehehe
Sige salamat sa time nyo!Sign off na rin ako sa review kasi yung iba hindi makarelate!!

Ingat lagi!!

Pormula ng Pelikulang Pilipino (Part 3)

Aba talaga namang marami pala talagang mahilig sa pelikula sa atin, kasi nga BAKS OPIS yung isang post ko. Eh di ko nga alam na kahit papaano pala ay may sense naman pala yung mga isinulat ko kaya heto naglagay ako ng ikatlong parte (eh di ko lang alam kung nagsawa na yung iba, hehehe)

Maraming nagsasabi na kung isa kang manunulat, mahilig ka rin sa pelikula. Hindi ko rin alam kung totoo yun, pero mukhang totoo nga dahil maraming ang talagang nagbigay ng komento tungkol dito. Sabagay dahil ang istorya ng pelikula ay galing sa mga writer. Kaya alam ko rin na ito ay isang akda na may gumagalaw na totoong karakter lang.
Sa pagkakataon namang ito kasama sa Pormula ng Pelikulang ang panahon o yung timing kung kelan ito ipinapalabas, ipapalabas, o ipinalabas. Kasi nga kung ano ang uso yun ang patok. Dati halos mabaliw tayo sa brick game at game watch, , ngayon parang sa museum mo lang makikita ito. Kung dati halos maloko tayo sa mga tamagotchi natin eh, ngayon pamato na lang ito sa piko. Ganun, uso uso lang, trip trip lang ba. at aminin mo halos mabaliw ka rin kina Dao Ming Zu, Watselai, at kay Zansai nun kaya tyak may stationaries ka nila, kumot, unan at kung ano ano pa (hahahhaa, KADIRI).

Heto ang ilan sa mga trend ng ating Pelikulang Pilipino

Dekada Singkwenta –sitenta (50-‘s- early 70’s)

Dito nabuo ang mga loveteam noong araw, kumbaga sikat sila NIda Blanca at Nestor de Villa, Gloria Romero at Luis Gonzales sila ang mga Dingdong at Marian o Piolo at Angel noong araw. Ganun sila kasikat noon, na halos samabahin sila ng mga tao, kulang na lang ay pinusan mo ng panyo ang katawan nila at ipahid sa mga masasakit sa katawan mo.
Sikat na sikat din ang kontrabidang si Bella Flores na halos isumpa at sunugin ng taon bayan sa galit dahil apektadong apektado sila sa pelikula.Sabi ng lola ko ay halos ipakulam daw nya yang si Bella Flores o di kaya sabunutan at pagsasampalin dahil sa inis. Ganyan sila ka panatiko
Kalimitang mga simpleng ang istorya dahil ang mas pinagtutunan ng mga lolo’t lola natin noon (o yung mga fans noong araw) ay yung mga artista o di kaya kung galing ang sila sa dalawang malalaking film outfit noon ang Sampaguita at LBM ay sori,………. LVN pala!!

Black and White pa noon ang mga sinehan at makikita mong halos walang buhay ang mga artista noon (mga maputla at maitim ang labi kasi nga black and white) at mga may lahi o dugong kastila ang mga artista noon.Hindi uso ang pangkaraniwang mga mukha, pag artista ka noon, dapat mukha ka talagang manika o di kaya manikin. Kailangan sobrang ganda at sobrang gwapo ka, kung medyo pangkaraniwan lang ang mukha mo eh wag mo ng pangarapin mag-artista baka pagbabatuhin ka ng kamatis ng mga manood. Kung talagang makapal talaga ang mukha mo eh sa komedya ka na lang basta kaya mong pagbabatukan ng bida.

Kalimitan ding parang tumutula ang bawat dialogue dun, pati ang mga expression ng mga artista ay tumutula din na akala mong makikipaglaban ng Balagtasan. Mababaw ang istorya kasi mababaw pa naman ang kaligayahan ng mga tao noon, hindi katulad ngayon medyo mabibigat tulad ng pag wala kang load (ang cellphone mo) e mo naku, napakabigat na problema yan.TSK TSK TSK.

Ang maganda noong panahon na yun, masigla at mabenta ang mga pelikula noong araw. Halos di mahulugang karayom ang mga sinehan o teatro noon sa Avenida (tulad ng Galaxy) sa dami ng mga fans at manonood .Ito ang pinaka-busing kalye sa Maynila. Pero sa kasamaang palad ang mga sinehan na yun ay paradahan na lang ng Dyip ngayon!! Ohh!!QUIPO!! QUIPO!!! QUIPO (Sigaw ng mga mananahol o barker)

SAMPLE



Dekada sitenta at otsyenta (Late 70’s early 80’s)

Halos ganun pa rin ang trend noon, love team pa rin, Ang pumalit sa trono nila noon ay walang iba kundi sila Guy and Pip, Vi at Bot. Sila ang mga sikat na sikat at pinagtitilian noong araw. Sa pagkakataong ito, mga totoong tao ang mga tinitilian noon, sa simpleng salita eh mga pangkaraniwang mukha. Ayaw na ng tao ng sobrang ganda o gwapo, yung tama at sakto lang ang gusto nila.

Ang klasikipasyon ng mga Pilipino noon ay nasa dalawang kategorya lang, ito ay kung ikaw ba ay Noranians o Vilmanians. Kung wala ka sa nabanggit malamang di ka Pilipino, hahahah..Joke lang. Tapos, ang mabigat na problema ng bansa noon ay hindi tungkol sa ekonomiya kundi kung mas mabenta ba ang pelikula ni Nora o ni Vilma o di kaya kung mas sikat ba ang tambalang Guy and Pip o kaya Vi at Bot. Sa kanila medyo umiikot ang mundo ng pelikula, kay akala mong magkakalabang mortal ang dalawang panig pag nagkasalubong.Kasi tyak giyera ito!!

Subalit nabago uli ang moda o trend ng magkaroon ng Batas Militar. Sa mga panahon na rin yan medyo sikil ang kalayaan sa pagpapahayag. Ngunit dito naman sumibol ang mga magagaling at matatalinong direktor. Umusbong ang “Golden Age” ng Philippine Cinema dahil sa magagaling na director na sila Lino Brocka, Ismael Bernal, Celso Ad Castillo at marami pang iba. At medyo nawala ang love team love team at unti unti itong napalitan ng totoong mga artista. Nag evolve ang mga artista noon, pinakita nila kung ano ang tinatawag na pag-arte. Kung di ka magaling kawawa ka, kahit gaano ka pa kaganda o kagwapo kung di ka magaling umarte eh sa kangkungan ka ng Ilog Pasig pulutin kasama ng mga diaper at mga napkin.

Sa panahon nay an, marami ring mga Pelikulang fantasy ang nauso. Nauso si Darna, anak ng Bulkan, Dyesebel (yung orig) at pati na rin si Darna Kuno ni Dolphy. Sabi nila kaya raw tinatangkilik daw ito ng manonood dahil sa hirap ng buhay, at kailangan natin ng Super Hero, para pagbibigay ito ng pag-asa.

Tapos nauso din ang Pene Movies, o yung mga BOMBA (akala ko nun atomic bomb, o kaya yung poso), pero kahit medyo bold ang tema ay may istorya naman, saka may artistic value naman ang iba. Dyan sumikat ang direktor na si Celso Ad Castillo saka ang mga artistang sila Jacylyn Jose, Rico Locsin, Amy Austria, Mark Gil at kung sino sino pa. Pero tingnan mo sila ang magagaling na artista ngayon.

Pero Mukhang din a rin talaga maaalis sa kulturang Pilipino ang love team kay abumalik na naman ito noong dekada otsyenta,sumikat ang sandamakmak na loveteam.Sa US di gaanong uso yan, kumbaga kung magaling kang artista magaling kang artista, sa ating kung magaling kang artista magaling na rin yung kaloveteam mong artista, na kahit parang pinainom ng sukang Paombong ang mukha pagnagdadrama o di kaya nilalagyan lang ng Vicks ang mata para maluha eh swak pa rin kasi sikat ang kapareha nya. Dyan nauso sila Maricel Soriano at William Martinez, Janice de Bellen at Aga Mulach, at maraming pang iba.

Nauso ang mga Pelikulang pangbagets o pang teenager, tulad na lang ng pelikulang “Bagets”, at Ninja Kids medyo active kasi mga kabataan noon, kaya nasa kanila din ang pulso ng nakakararami. Medyo dyan na rin ata nauso ang pagdidisco!! Basta sikat na sikat ang mga kabataan noon. Nung mga time na rin nay an, panay lovesong ang uso din kaya halos lahat din ng pelikula ay may themesong. Medyo ito ang nagdadag kilig sa mga Pelikula noong araw, na mukhang dala dala natin hanggang ngayon.

SAMPLE



OOOPPPSSS. Medyo mahaba na uli ang naisulat ko, may part 4 pa yan para sa Dekada nubenta (90’s) at hanggang ngayon. Abangan nyo na lang yung susunod.
Salamat sa time nyo, medyo talagang nakahiligan ko lang ang Pelikula, nasubaybayan ko yan kahit na wala pa kaming Betamax at VHS noon. Medyo iniintay ko na lang na ipalabas ito sa T.V.
Sige hanggang sa Part four.

Pormula ng Pelikulang Pilipino (Part 2)

Sa pagpapatuloy ng Pormula ng Pelikulang Pilipino.

Mukhang may bumabasa naman pala ng mga review ko eh, so lulubos lubusin ko na!!

HORROR

Okay sa tagal ko ng nanood ng horror na pelikula, di ko alam kung bakit hindi man lang ako matakot sa mga kwento doon. Umabot na ang Shake, Rattle and Roll ng sampung pelikula, ni isa episode walang nakatakot sa akin (pwera lang pala yung ref na ngangain ng tao, kasi naman eh 7 taon lang ako nun) Hindi ako na Shake , at hindi ako na rattle pero nag-roll ako, nagroll ako kakatawa.hahahahah.Heto ang ilan sa mga palasak na at pwedeng hagisan ng bulok na kamatis na may amag pa ,ang sumusunod:

Zombie na nakataas ang kamay.

Bakit nga ba ang mga zombie nakataas ang kamay, di ba sila nangangawit? Aba, nagpipiyesta na nga yung mga uod sa mga singit nila at kilikili eh nakataas pa rin ang kamay. Tapos bakit yung damit butas butas, eh alam ko mas mauuna pang mabulok ang ilong mo kesa sa damit mo eh (pero yung may silicone implant eh eh intact pa naman)

KRus ang mabisang panlaban

Natatandaan ko noon yung dalawang patpat na gawing krus, aba eh ngarag na ang mga kalaban o di kaya yung dalawang daliri lang na pinaglapat aba naginginig na sa takot ang mga aswang at malign. Astig!! Eh paano naman nalaman ng mga aswang at maligno na krus yun, eh tingin ko ekis (X) yun eh. Sabagay kanya kanya ng trip yan, eh trip ng mga aswang matakot sa ganun eh walang pakialamanan

Kawawang matanda.

Sa dami ng napanood kong pelikulang horror, aba iyon at iyon din ang aswang.Yung matandang payat na mahaba ang buhok na puti. Aba ilang pelikula na ang namatay na sya, abat hanggang ngayon buhay pa yung aswang na yun.Naku marami namang matanda sa Pilipinas, eh hanap naman ng ibang cast kaya tuloy pag nakita ko yung matanda na yun sa pelikula alam ko sya na yung aswang.

SAMPLE



Naku marami pa yan, nandyan na ang multong galit sa pulbos, ang mananaggal na kumukulo pa ang bituka (siguro naimpatso), Mga nagliliparang gamit at gumagalaw na kama (kasi nga nagdadabog yung multo, may attitude problem/sumpong kasi.At kung sino ang bida asahan mo na sya lang ang matitira kasi lahat nakain na ng aswang (wala pang namamatay na bida).

ST O BOLD FILMS

Ang walang katorya toryang pelikula, aba naghubad lang si nene at si boy aba kwento na pala yun. At ang pamagat o title na pamatay tulad ng talong, petchay o pinya at pwede na rin ang lahat ng gulay sa bahay kubo. Kung pwede bang gawin title ang mga maseselang bahagi ng katawan natin eh tyak maguunahan ang mga producer nyan. Pero heto ang ilan sa pormula pa

Laging may wet scene

Kung hindi naliligo sa ilog sa dagat naman, at hindi ko alam kung bakit maliligo sila nakakamison sila, pang beach attire ba yun. E bakit yung mga kaklase kong babae noong college naligo kami sa beach, eh hindi naman nakakamison, ang suot suot eh yung basketball short ng kuya nila o nung tatay nila. Eh sabagay bold nga pala yun, eh bakit hindi na lang bathing suit o kaya panti’t bra, eh noon pa yang kamison na yan eh.

Konti ang Dialogue (kung may dialogue man puro ungol)

Sabagay eh bold films nga eh, pero hindi ba pwedeng lagyan man lang ng medyo mabigat bigat na istorya. Yung tipong may kwento naman kung bakit nila gagawin yung ANO (alam nyo na yun). Eh kumbaga nagkatitigan lang gagawin nay un, nagkadikit lang aba gagawin uli yun. Puro aksyon hahahah!! Kumbaga parang palabas ni Michael V sa Bubble gang yung “SUMBONG SUMBONG KAY BONGGANG BONGGANG BONGBONG” na may tagline na “Dito ka na magsumbong diretso pa ang AKSYON”. Nice!!Puro aksyon eh walang istorya.

SAMPLE



Konti lang ang masasabi ko sa BOLD FILMS (kasikonti lang din ang Dialogue dun) kasi nga alam na rin natin!Eh yun lang naman ang tinatangkilik nila eh!! Pero nung mga panahon kasi nila ISmael Bernal at Celso Ad Castillo eh may sense talaga. Hindi puro bilad lang ng katawan o kaya ungol, may istorya at may kwento.

INDIE FILMS

Eh sa panahon ngayon mukhang natatabunan na nga mga independent films ang mainstream. Maraming mga indie films ngayon ang talaga namang malaman at makabuluhan at sila ngayun ang hot cake. Teka bakit nga ba hot cake ang tawag pag mabenta, eh di na man uso ang hot cake sa Pilipinas. Okay baguhin natin, ang indie films ngayon ang parang NFA RICE.Pero syempre may mga pormula din yan heto ang obserbasyon ko

Sex

Halos lahat ng indie films ngayon laging may kinalaman sa SEX, eh parang ito ang pambenta nila sa manonood. Halos kapareho ng ST o Bold anng kaibahan lang ay may magandang istorya ang nakapaloob dito. Pero kasi minsan puro ganun na lang ang pormula. Iilan lang na indie films ang hindi sumsaklaw sa sex,kaya minsan iniisip ko na mukhang maeel talaga ang mga Pilipino.Kaya nga sandamakmak ang pabrika ngayon…….pabrika ng bata.

Parang mga kwento ni Lola Basyang

Karamihan sa indie films ngayon laging may narrator, kumbaga kinukwento nila ang buhay nila. Kaya minsan nakakatamad o nakakantok din kasi nga para kang binbasahan ng Fairy tale bago matulog. Yung iba pati yung expresyon aba pasalasay na rin, hindi ba natural halatang binasa lang tulad nga “Aray , o kaya yung eh o kaya yung ah”

Parang Bitoy’s Funniest Video lang

Yung ibang indie films talagang sobrang amateur, yung tipong nagkandaduling duling na ang mata mo kasi magalaw ang camera. O di kaya makikita mong may kumakaway sa likod ng bida o di kaya naka peace sign o kaya ubod ng ingay halos di mo na marinig ang dialogue ng character kasi nga parang video lang sa kasal o binyag. (kulang sa budget eh)

Laging sa skwater ang setting

Eh halos karamihan sa napanood ko puro sa skwater ang setting, alam kong simbulo yun ng maralitang tagalungsod, pero meron din naman maralitang taga probinsya.Hindi ba pwedeng dun na lang. Saka hindi ba pwedeng mayayaman ang bida, pero sabagay dun kasi maraming kwento eh. Yun nga lang karamihan sa mga indie films ngayon ay tungkol sa kapangitan ng Pilipinas, wala ba yung kagandahan ng Pilipinas naman. Eh maganda naman ang bansa natin ah!! Kaya kung minsan di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot pag may nanalong indie films na tungkol sa kapangitan ng Pilipinas sa international film festival, matutuwa ka ba kasi narerecognize ang creativity ng pinoy o malulungkot ka kasi ibinabandera natin ang kabulukan o kapangitan ng Pilipinas sa ibang bansa. Ewan di ko laam.

SAMPLE


Syempre hindi naman pwede na kritisismo lang ang gagawin ko pero magbibigay ako ng mga pelikulang naging swak sa panlasa ko;

1. Himala (napanood ko ito noong Mahal na Araw)

Paglalarawan ng kulturang Pilipino, paggising sa kamalayan natin tungkol sa panloloko at pagiging bukas sa katotohanan na nasa ating mga kamay ang ating Kapalaran.

2. Kubrador (dahil tyuhin ko kubrador din)

Pagbibigay ng mukha sa kahirapan ng Pilipinas. Makatotohanang paglalarawan ng bawat buhay ng mga Pilipino,

3. Anak ( anak ng $@$#)

Paglalarawan ng buhay OFW, OFW din ako kaya malapit sa akin ang istoryang ito. At halos lahat ng kamag-anak ko ay mga OFW din. At nagawang ipakita ng pelikula ang buhay ng isang OFW, ina at asawa, pagsasakripisyo at pagpupunyagi

4. Tinimbang ka Ngunit Kulang (malnourished kasi)

Nakapagandang kwento na sumasalamin sa mapanghusgahang mga mata ng tao. Pagaalipusta at paghahamak ng isang taong may problema sa pag-iisip na gustong mamuhay ng normal din.Bagamat sad ending subalit ang ending ang tumatak sa isip ko, hanggang ngayon naiisip ko sino kaya ang mas tunay na baliw?

5. Minsan may isang Gamo gamo (My brother is not a pig……. Hindi sya baboy damo , sabi yan ni Nora Aunor pero teka diba wild boar ang twag dun,naku ewan ko ba kay Ate Guy)

Ang kagandahan sa pelikulang ito, paglalarawan ng mga pansasamantala sa kapangyarihan. Pagpapakita ng mga nangyayari noong Panahon ng Batas Militar (kahit hindi ito tuwiran). Harassment o pagsikil sa ating demokrasya.



Teka hindi ako Noranians hehehehhe!! Nagkataon lang na magagandang pelikula ang naibigay sa kanya. Halos di pa ako isinisilang nung pinalabas ang iba dyan, pero noong napanood ko yan, humanga ako sa istorya at sa pagkakagawa ng Pelikula. Ibang Klase,wala akong masabi. Sa Panahon ng mga independent films mukhang nagbabago na rin ang Pelikulang Pilipino, medyo hindi na budget ang labanan ng pelikula kundi istorya na. Sana magtuloy tuloy pa ang pagunlad ng Pelikulang Pilipino. Alam kong darating din ang araw na magiging kasing galing natin ang Pelikulang banyaga, hindi man tayo pwedeng maipagsabayan sa special effects at budget dadaanan na lang natin sa creativity natin at istorya.

Basta Mabuhay ang PELIKULANG PILIPINO

Mga Pormula ng Pelikulang Pilipino (Part 1)

Medyo mahilig ako manood ng sine, madalas inaabangan ko sa TV ang mga trailer ng pelikula, ika nga kung medyo impressive ang trailer malamang panoorin ko, pero kung ngetpa, eh di sasagi sa isip ko na panoorin yun. Madalas nanonood lang ako mag-isa, kasi nga hindi ako bumili ng makakain o chitchirya, dahil syempre walang pera, kaya puro aircon lang ang nginangata at kinain ko dun. Pag di ko gaanong naintindihan ang istorya o kaya nakatulog ako habang nanonood, inuulit ko yung palabas. Kaya dyaheng may kasama. Hehehe.

Mahilig ako sa movies,lahat ng pelikula eh pinapanood basta swak sa panlasa ko, karamihan mga foreign movies (lalo na yung gawa ni Steven Spielberg), sa Pelikulang Pilipino medyo madalang lang. Pero dahil nakabisado ko na ang pormula ng Pelikulang Pilipino, eh iisa-isahin ko sa inyo.

MGA PORMULA NG PELIKULANG PILIPINO

Comedy Films

1. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa, kaso bakit karamihan sa mga pelikula na comedy ang tema lagi na lang may nagsasayaw sa beach. Kakantahin yung themesong ng pelikula o di kaya yung baduy na kanta, sabay sayaw ng mga dancer na kunwari mga turista rin. Eh makita kita mo halos lahat ng tao dun eh sumasayaw . Eh pwede bang magkaganun sa totoong buhay. Eh nung nagpunta naman kami sa Beach ng Pangasinan, imbes na mga taong nagsasayaw ang makikita mo, mga taeng naglulutangan ang maabutan ko, malas malasan mo pa eh makakinom ka pa ng tubig dun. SAWAPPPP….

2. Usong usong slapstick, kundi babambuhin ng dyaryo, babasain ng ihi, o di kaya pagsasampalin ang mga kaawa awang mg a extra (Eh sabagay dun sila kumikita). Eh bakit yung mga pangit lang ang pinagtitripan. Eh kung sa totoong buhay yun, subukin mong ganunin yung mga taong yun, katakot takot na mura ang aabutin mo.

3. Magaganda o sexy ang leading lady at laging may sidekick ang bida. Eh bakit nga ba may sidekick pa? Hindi ba pwedeng wala na lang, tuloy siya yung napagdidikitahan ng bida. Eh eto pa, kahit di gaanong kagwapuhan yung bida eh hinahabol sya ng magaganda at seksing mga babae. Eh sa totoong buhay eh hanggang tingin na lang yun, hehehe. Kaya minsan iniisip ko mag komedyante na lang kaya ako.

Eh marami pa yan, pero ito patok at mabenta sa mga manonood, eh sabagay kanya kanya ng trip yan, eh meron kasing mababaw ang kaligayahan. Yung lolo ko nga nauntog lang yung bida eh todo tawa na, halos mautot kakatawa, eh ako naman hayun kumain na lang ako ng butong pakwan pampaalis bagot.

SAMPLE




Action Films

1. Bakit sa tuwing hinahanap ng mga kontrabida o goons ang bida, eh doon mismo sila humihinto sa pinagtataguan ng bida. Talaga bang may ganun (eh sabagay suspense ika nga, pero hanggang ngayun naman wala pa naman akong napapanood na nahuli yung bida habang nagtatago malapit sa pinaghintuan ng goons). Eh lagi na lang ganun, hindi ba pwedeng malayo layo ng konti. Eh kami pag naglalaro ng taguan nung mga bata pa kami eh hindi naman nagkakaganun, pero minsan nahuhuli rin kasi tawa ako ng tawa (Engot kasi yung taya ang lapit lapit na hindi pa nya ako makita)



2. Chismisan to the max.Pagmalapit nagkaharap na ang bida at kontabida (sa huling bahagi ng pelikula) eh puro chismisan pa ang ginagawa at kung ano ano pa ang sinasabi, mano bang magbarilan na lang at malaman na kung sino ang panalo. Eh nauubos na ang oras (aba kahit sugatan eh di nauubusan ng dugo) .

Tulad ng “Gawa na ang balang papatay sa iyo” (tapos wala na palang bala) o di kaya “Humanda ka na magkikita na kayo ni San Pedro” (Eh paano kung sa impyerno sya mapupunta) .hehehhee!!Sa bandang huli naman syempre bida pa rin ang panalo eh kung hindi pagbabatuhin ng bote ng mineral water ang loob ng sinehan



3. Laging naka-Leather Jacket ang bida. Ang Pilipinas ay Tropical Country pero astig ang mga action star natin, nakaleather jacket. Yung tipong kahit nagkanda pawis pawi ang kilikili at singit, ay suot pa rin (di kaya mangamoy putok yun).



4. May pagkasuperman ang bida. Eh lagi na lang ganun, na kahit sampung tao ang bumaril sa bida (take note armalite pa ang gamit ng mga goons) eh may pagkainvinsibleman at hindi sya tinatamaan, at pag sya naman ang bumaril siguradong may babagsak sa mga goons. Galing noh!! Sa suntukan naman, ang mga goons, nag-iintayan pa sa pagsuntok, eh sabog sabog na nga ang mukha ng kakampi nilang goons, aba nag-aantay lang! Hindi ba pwedeng pagtulungan na lang nila kay lalaki ma naman ng katawan.



5. Nagtatransform ang mga kotse. Hindi sila mga transformer, pero magtataka ka, yung kani-kanina lang ay magandang kotse biglang na lang magiging box type na kotse, at alam nyo kung bakit, kasi syempre pasasabugin!!! O di kaya kay yaman yaman ng bida o kontrabida ang gamit na kotse eh yung kakarag karag at lumang model kasi nga papasabugin yun habang naghahabulan sila. (Yung tipong naghahabulan sa kalsada tapos paputok ng baril, ni wala man lang rumerespondeng pulis.Tapos habang naghahabulan eh susuruin naman ang mga nagtitinda ng samalamig o di kaya ng fishball. Habang nagliliparang mga ibon ang mga paninda.). Kaya alam ko na kung sakaling nagtransform ang kotse alam ko nang may pagsabog na mangyayari.



6. Syempre ang laging late na mga pulis. Sila yung laging pang-closing sa pelikula. Laging late at huli na kung dumating, tapos na ang bakbakan at hindi mo na pwedeng pakinabangan. Kahit puro pagsabog na ang nangyayari sa loob ng warehouse (dito kasi lagi yung setting eh, di ba pwede sa ibang lugar) eh wala silang ideya na may nangyayari na palang gulo (baka natutulog). At heto pa, tila may psychic ability ang mga pulis kasi alam nila kung sino ang bida at mga kontrabida. (nahulaan nila kumbaga). Wala nang tanong tanong basta alam nila kung bida ka o kontrabida.Nakang putcha!hehehe

SAMPLE



Mukhang sa action films ata maraming pormula, pero wala naman akong nababalitaan may ganitong kaso sa tunay na buhay, sabagay pelikula yun eh.

Drama Films

1. Magkakamag-anak ang mga bida, eh kung hindi magkapatid yung nag-iibigan, magpinsan o magtiyuhin naman. Basta sa laki ng Pilipinas eh nun lang nila matatagpuan ang isat isa na magkakamag-anak pala sila.

2. Sampalan na umaatikabo, eh usong uso yun, yun tipong kahit mamaga ang panga ng bidang babae eh okay lang syang pagsasampalin. Minsan iiyak minsan naman gaganti, eh sa panahon ngayon demandahan na ang uso. Eh kung sakaling naggrabyado ka eh di idemanda mo.,di na uso ang sampalan. Sabunutan marami akong nakikitang ganyan pero sampalan medyo madalang lang. Siguro pangmayaman lang ang samapalan, ang sabunutan medyo pang mahirap.



3. Mga makata ang mga bida. Dyan ka naman bibilib sa mga dialogue kasi talagang mga makakata at mga malalim ang mga sinasabi ng mga bida o kontrabida. Yung tipong mapapahanap ka pa sa diksyunaryo, o di kaya parang huhula ka ng bugtong para maunawaan ang gustong sabihin ng bida. Basta sobrang lalim. Eh kaya pati yung pinsan kong walong taong gulang na mahilig manood ng Drama, pinalo kasi ng nanay nya sa sobrang likot sabi ba naman ng pinsan ko

“Inay bakit mo ginawa sa akin ang mga bagay na ito, anak mo ako….. at dapat minamahal mo ako at inaalagaan… pero bakit mo ginagawa sa akin ang mga bagay na ito….huhuhu (sabay pasok sa kwarto nila na umiiyak).

Aba nung marinig ko yun, sumakit ang tyan ko kakatawa eh, gusto kong pingutin sa tenga yung batang yun kasi puro kaartehan.Dyaskaheng bata sarap batukan ng isa. At hindi pa dun natatapos yun, ayaw pang kumain nung inaaya na nung nanay nyang kumain ng hapunam. Naku nahahawa na talaga sa mga napapanood nya.



4. Api-apihan. Eh laging ganun, api-apihan ang bida. Yung tipong ilulublob sa tubig, sasaktan. Basta yung kawawang kawawa. Martir kumbaga, na kahit anong gawin ng kontrabida sa kanya, eh okay lang. Eh minsan di ko alam kung naawa ako o naiinis ako sa bida dahil sa pagkamartir. Aba bakit hindi n alang isumbong sa imbestigador o sa XXX. Pero syempre sa huli naman lalaban. Kasi matatapos na yung pelikula eh, so kailangang lumaban kundi magagalit ang manonood. Kaso bago lumaban yung bida kailangang yumaman muna sila. Nice. Pera lang pala para magkalakas ng loob.



5. Ang kontrabida parang pumapatay lang ng daga kung pumatay ng tao. Mukhang wala na talagang konsenysa, sukdulan ba ang sama ng ugali, parang kapatid ni Lucifer. Sabagay marami na talagang masasamang tao ngayon, pero yung kontrabida na yun halos lahat ng kasamaan ay napunta na sa kanya. Ibang klase!!!

SAMPLE



Naku marami pa yang mga pormula na yan. May part 2 pa yan kasi meron pang Horror, Bold or ST, saka Indie films. Sa ngayon iyan muna, kasi tyak inaantok na kayo kakabasa.

Eh ako napansin ko lang naman yan sa pelikula natin, yung tipong kahit gasgas na eh mabenta pa rin sa ating mga Pinoy. Kahit medyo iyon at iyon din ang istorya, at iba iba ang lang ang artista eh box office pa rin.

Sige sa susunod na lang ulit.. heheheheh.

Getting Over you



There are things I should leave behind; there are things that I must forget; there are things that I should use as a lesson in life and there are things that I should divert into hope and optimism.
Pains and sufferings are just part of my life, sadness and sorrows are elements of getting the complete happiness that I’m looking for so long. Agony and miseries are ingredients of a balance life. I know I’m just human, a human who’s vulnerable to all kinds of emotions.
I thought things will happen according to my plans; I thought that everything will run smoothly as I wished to be. I thought that I’m heading to a clear path….. I thought….. I thought……. I thought

So many occasions led me to solitude and silence. So many instances brought me to emptiness and foolishness. So many circumstances carried me to misfortune and seclusion.
I don’t want to be defeated by my grievances. I don’t want to dwell on the negative side of my life. I don’t want to loose my sanity, and I don’t want to see loosing MY OWN SELF again.
The word that I’m avoiding to hear has been uttered to me. That word has eaten me up wholly. A word of truth that echoes in my heart, a reality that yells in my ears and a powerful scream that tortures my mind and sanity. I hope it will end soon and I hope it’s over now.
Before, I thought I’d already recovered, but now I realized I’m not. I thought I was already healed, but unconsciously the wound refreshes by itself. I thought I’m okay, but I realize I’m just faking it. I thought there’s no more pain, but why it’s reviving into a more painful feeling?
I know I should regain my strength. I know I should stand and move forward. I know that I must overcome my problem victoriously. And I know that I must face the truth courageously. Sometimes truth hurts, like a strong slap on my face but I should withstand these all, to be back in my life and be able to see myself again.

I will wait for the same great feeling to come again. I will wait for wounds to mend and heal. I will wait for other great things in life. I hope I’m not just waiting in vain. I hope in next coming days, weeks, months and years the happiness that I’m searching for so long will be in my doorstep and enter into my life.I HOPE THAT I CAN GET OVER THESE FEELINGS, THIS TIME.