QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Sunday, October 24, 2010

Ano Balita???


Sorry naman at madalang akong mag-update ng blog ko ngayon. Medyo stressful talaga ang trabaho ngayon unlike dati hindi talaga. Ngayon pang medyo naglilipat na muli ako ng bahay lalong naging abala ako sa mga bagay bagay.

Una muna, gusto ko sanang ipaalala yung sa WACKY PIC na hinihingi ko bday ko!!! Maraming salamat nga pala sa nagpadala ng pic alam kong pagpapalain talaga kayo ni Papa Jesas, at sa mga hindi pa nagpapadala……NAMANNNNN!!! Padala na kayo, dali!!

Sa loob ng isang buwan, medyo hindi ganun kadali sa akin ang buhay, baket?? Dahil sa pukanenang traffic na yan. PUTARAGIS talaga, kasi ang 20 minutes na byahe pag walang traffic eh umaabot ng 2 oras! Syet talaga nakakapanginig laman.

Malalaki ang kalsada ng Saudi kumpara sa Pinas, at walang mga epal na bus na naghahari-harian sa daan. Wala din mga dyip, sidewalk vendor, pink urinal o kung ano ano pang maging sagabal sa mga byahero. Ang dahilan kung bakit traffic ay dahil…....ubod sa dami na ng sasakyan meron dito sa Saudi. (Mura kasi nga ang sasakyan dito)

Dito madali mong malaman kung pinoy ang may-ari ng kotse. Paano mo malalaman? basta humanap ka lang ng stuff toys o unan sa likod ng kotse at may kung ano anong palawit naman sa harap.Asahan mo pinoy ang may-ari nun. Atisa pa, tanging pinoy lamang din na pilit pinapaganda ang kotseng alam mong napag-iwanan na ni Yamasita. Hehehhe!

Okay balik tayo sa kwento ko, so hayun na nga 8:30AM ang pasok ko pero umalis ako ng 6:30AM dahil sa pukanenang traffic na yan, at ano ang ibig sabihin nun? Ano pa kundi isa akong unggong puyat na kailangan gumising ng 5:30AM. Hindi ako sanay gumising ng ganyan lalo pat alam ko namang hindi naman ganun kalayo ang opisina sa bahay ko. Kaya nakakapanginig laman talaga. At pag mamalasin ka pa naman, masasakay ka pa sa isang taxi na tila nakakadiring upuan dahil baka nag-fi-field trip ang mga surot doon. Malas malasan mo pa, pag pasok mo ng taxi, isang Pakistaning may ubod sa lakas na putok ang pwedeng sumuntok at gumising sa iyo sa umaga (di mo na kailangang magkape). Syet talaga!!! Hindi pa kasama ang mala-poso negrong amoy sa tuwing nagsasalita dahil nga bagong gising. See paano ka ba naming gaganahang pumasok sa umaga nyan. Bukod pa sa gumagastos ako 700 pesos (converted na) araw-araw para lang sa pamasahe. Isipin nyo nga yun! Grabe ang sakit sa gums!!

Kaya by next week lilipat na ako sa bagong bahay. Medyo mahirap ang maglipat lalo pat mag-isa lang akong naglilipat, pero kailangan talaga kasi kung hindi pa ako lilipat, baka pamahayan na ng surot ang pwet ko, baka maimmune na ako sa baho, at higit sa lahat mamulubi dahil sa laki ng pamasahe.

Haysssss! That’s life!! (naks)

Kaya para pasayahin nyo naman ako sa bday ko, magpadala na kayo ng wacky pic nyo. Sige na! Pabertdey nyo na yan sa akin. Inuulit ko sa November 8 na ang deadline at ipadala nyo dito sa drake_kula@yahoo.com.

Yun lang mga kautak nag-update lang ako at nagpapaalala sa inyo! Miss ko na kayo eh!Ano na ba balita sa inyo???

Ingat

Monday, October 11, 2010

Psssssttttttttt Mga Kautak............... (REVISITED)




Dear Kautak,

Kamusta na kayo? Pasensya na at medyo busy ang inyong lingkod nitong mga nakaraang lingo. Medyo alam nyo na pabibo pa muna kasi nasa “probation period” pa ako ngayon. Baka kung hindi ako magpasikat sa boss ko , malamang sa pagbebenta ng laman ang kababagsakan ko nito (laman ng baboy o baka yun, tange!)

Kaya sumulat ako sa inyo ngayon ay para ipaalala sa inyo na sa susunod na buwan ay magdidiwang ako ng ika-21 kong kaarawan (mamatay na ang umangal). Alam nyo naman na nung isang taon, napakaespesyal na kaarawan ko yun dahil dalawang wish ko ang natupad. Una, ang daming bumati sa akin ng happy birthday sa pamamagitan ng kanilang creative na “picture greetings” at ang ikalawa ay naka-ihip na rin ako ng kandila sa ibabaw ng cake ( hindi tulad ng dati sa ibabaw ng bibingka).

Ito ang link nun: POGI MO TALAGA DRAKE

Pero hindi ako manghihingi ng “picture greetings” sa inyo pramis. Medyo syempre gusto ko naman ng kakaiba at astig. Saka ayaw ko na ng hirap na hirap kayo kakaisip kung ano ang gagawin nyong mga pautot para bumati lang.

Simpleng simple lang ang hihingin ko sa inyo……..uhhhmmm….bigyan nyo ako ng pera. (JOKE). Bale ganito, bigyan nyo ako ng wacky picture nyo, o pinakamagandang picture nyo, o kahit pinakapanget na picture nyo. O kung ayaw nyo talagang magpakilala, kahit pictures na pina photoshop. Basta padala kayo ng pictures kahit ano, kahit anong porma. Picture noong bata pa kayo, picture nyo nung nagpatuli kayo, picture ng una kayong nakaapak sa Luneta, at kung ano ano pa . Basta kahit anong pictures padala kayo at may supresa ako para sa lahat ng magpapadala. Please din po, wag naman kayong magpadala ng picture ni mickey mouse, bundok, aso, puso, isla, litrato ni Angel Locsin o Dingdong Dantes, pulitiko at kung sino sino pa. Basta kayo at kung ayaw nyo namang ma-expose ang kagwapuhan o kagandahan nyo okay lang ang tinakpan ng dyaryo ang mukha, blurred, itinago ang ulo sa buhanginan, nakabalandra ang kamay sa mukha, kuyukot lang ang kita, anit lang ang naaninag o kahit putol pa ang ulo, basta ang mahalaga KAYO yun.
MAS WACKY MAS MAGANDA, YUNG PINAKAKWELANG O NAKAKATAWANG PICTURE NYO ANG IPADALA NYO!
AT ANG PINAKAWACKY O NAKAKATAWANG PICTURE (NA MUKHA NYO MISMO) MAY PREMYO. (ipapadala ko sa address nyo mismo ang premyo, PRAMIS)
Ang premyo ay maaring................
a) 24k na ginto
b) camel
c) arabong may anghit
d) magic carpet
e) ksa whitening cream
f) jovan perfume
g) SUPRISE!!!!!Bold

Pangako walang babuyan ng pictures ng may pictures. Huwag kayong matakot magpadala at wag nyong isipin na ibebenta ko kayo o pagpapantasyahan ko ang mga pictures nyo (pwede rin,Why not?). Pramis walang babuyan ng pictures. Birthday ko naman kaya pagbigyan nyo na ako.
Ipadala nyo dito drake_kula@yahoo.com ipadala nyo before November 8,2010 dahil November 10 ang bday ko (ayon sa hula, swerte daw ang isinilang sa araw na ito)
MORE ENTRIES YOU SEND MORE CHANCES OF WINNING!!!! SALI NA!!

Para sa mga kaibigan ko sa facebook paki tag na lang ako sa picture na gusto nyong ipadala sa akin at ako ng bahala dun.

Iintayin ko ang pictures nyo mga kautak.

Nagmamahal,

DRAKE KULA

Saturday, September 25, 2010

KARANASAN KO SA MRT


Madalas akong sumakay ng MRT noong nasa pinas pa ako, dahil ito na ang pinakamabilis na paraan para makaikot-ikot sa Quezon City na hindi tinubuan ng ugat dahil sa traffic. Kaya naman kapag uuwi ako sa pinas lagi pa rin akong sumasakay dyan sa MRT, hindi lang dahil sa namimiss ko sya kundi dahil nagtitipid ako at nauubusan na ako ng pera.

Noong nakaraang uwi ko sa pinas, may tatlong karanasan ako sa MRT ang ikukuwento ko ngayon, dahil ngayon ko lang din naalala.

SCENE NO.1


Rush hour noon at Sabado pa. Kagagaling ko lang sa ES-EM MIGAMOL noon at dahil may usapan kami ng barkada ko na magkikita ng ganitong oras kinailangan kong sumakay at makipagsiksikan sa MRT, dahil tyak mala-late na naman ako.

Kaya naman hindi na ako nag-atubili pa, agad akong sumakay ng MRT at nakipagsiksikan. Tulukan dito, tulakan doon! Habang para akong lamog na mangga na pinagpapasapasahan ng mga pukanenang mga commuters na yan, may isang babae sa likod ko na mukhang “brick game” ang kurot ng kurot sa akin at salita ng salita, kala mong nabili na nya ang MRT sa sobrang kaepalan, at tila gusto pa nya atang lataran sya ng RED CARPET dahil paimportante ang potah!

Babae: Ano ba yan, ke sakip sakip na nga, siksikan pa ng siksikan. Ano ba kuya, dun ka ng sa susunod na tren sumakay!! Dun ka na lang! (sabay sigaw sa tenga ko at kurot sa likod ko) !DUN KA!! DUN KA !!!!!

At dahil bwisit na biwist na ako sa mala MATUTINA nyang boses, sumigaw na ako sa loob ng MRT.

Ako: PUTRAGIS NA!........Hoy Miss, kung gusto mo ng maluwag bumababa ka at sumakay ng mag-taxi, hindi nakikipagsiksikan ka dito! (sabay tigtig ng masama na para syang lalamunin ng buhay)

Tahimik si babaeng mukhang brick game, dahil isang salita at isang kurot pa, papasakan ko na talaga sya ng binili kong baygon sa bunganga.

SCENE NO. 2

Kasama ko noon yung kapatid kong babae papuntang POEA, at dahil traffic na naman ang kahabaan ng EDSA, nag MRT uli kami. Medyo maluwag pa dahil 10:30 yun ng umaga at hindi rush hour, kaya naman medyo maluwag ang loob ng tren.

Habang nakaupo kami ng kapatid kong babae, biglang may dalawang lalaki ang umupo sa tabi naming. At dahil hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha nila, bigla akong nagsabi

AKO: Rose (pangalan ng kapatid ko), dumikit ka sa akin may SNATCHER sa tabi mo, ingatan mo ang bag mong maigi.

Akala ko pabulong lang ang pagkakasabi ko, medyo pasigaw pala. (sori naman) Kaya biglang natakot ang mga pasahero sa loob ng tren, bigla silang nag-alisan at hinawakan ang kanilang mga bag sabay titig ng masama sa 2 lalaki. Samantalang yung dalawang lalaki, ay tila nagulat din sa sinabi ko at medyo napahiya kaya bumaba na sila sa sumunod na istasyon.

Pagbaba nila, medyo nahiya naman ako sa ginawa ko, inisip ko baka hindi naman talaga sila snatcher. At hindi naman nila siguro kasalanan kung ganun ang pagmumukha nil (mukha snatcher). Kaya habang nagsisisi at humihingi ako ng tawad kay papa jesas sa aking ginawa, at bigla ko uling tinanong ang kapatid ko

AKO: Ano nandyan pa rin ba yung 3210 mo??? (at nandun pa rin naman pala)

SCENE NO.3

Hayan na naman, rush hour na naman nung sumakay uli ako sa MRT. Palibhasa din at may “date” ako nung araw na yun, medyo isputing na isputing ako. As usual, nakipagbrasuhan uli ako sa mga commuters. At kahit pagabi na noon, mga amoy araw pa rin ang mga tao dun.Halos bumaligtad din ang sikmura ko ng tinaas ni kuya ang kanyang braso at lumabas sa kilikili nya ang isang milyon bumbay sa lakas ng BAKTOL/PUTOK.

Dagli akong umalis para umiwas kay kuya at humanap ng makakapitan. At habang nakakakapit ako sa estribo ng MRTbiglang akong may naramdamang may kumikiskis sa kwan ko. Medyo hindi ko naman pinansin kasi baka naman hindi sinasadyang nakikiskis ng katabi ko si “putotoy”. Pero nagulat ako dahil biglang may dumakma sa aking putotoy. Bigla ako napasigaw

AKO: PUTANGINA NAMAN!!! (malutong na malutong)

Paghanap ko sa dumakma ko sa aking putotoy, isang namumutlang bading ang nakangisi sa akin at nagpi-peace sign pa (ano kala nya sa putotoy ko, bisugo??)

Gusto ko sanang umbagin at hamunin ng “square”, pero dahil medyo siksikan hindi ko na nagawa. Natakot na rin yung bading dahil nung sumunod na istasyon bumaba na at nagmamadaling umalis. Hindi ko na rin hinabol para hampasin sa mukha ng pututoy ko para lumabas ang mata nya sa nostrils nya. Medyo pinakalma ko na lang ang sarili ko at hayaan na lang ang pangyayari
______

So yan lang naman ang mga memorable experiences ko sa MRT. Medyo kahit hindi magaganda pero namimiss ko pa rin ang pagsakay dyan, dahil bahagi na yan ng kulturang Pilipino natin. Kaya balik balikan ko pa rin yan kapag uuwi uli ako ng pinas.


Yun lang mga kautak, ingat

Wednesday, September 15, 2010

MY NEW OFFICE



Gusto kong magmura, gusto kong magwala, gustong maglupasay…….baket? Dahil sa bwisit na mga restrictions ng bago kong trabaho. Sasabihin ko sa inyo ang pagkakaiba ng dati kong trabaho sa bago kong trabaho ngayon.

DATI, meron akong unlimited access sa internet. Kahit mag-youtube, facebook, twitter, blogspot ako buong maghapon walang problema. Kahit manood ako ng online tv at 24 hour porn sa opisina walang makakapigil sa akin. Basta walang nagingialam sa akin kahit san pa ako magsusuot sa sapot ng internet. Kaya madalas ako rin ang dahilan kung bakit may virus ang server namin (bwisit na pornsite yan!!LOLS)

NGAYON, pagbukas mo ng internet explorer wala kang pwedeng gawin kundi titigan ang logo, basahin ang mission and vision ng kumpanya. At basagin ang monitor mo sa sobrang inis.

DATI, buong maghapon din ako nakaonline sa YM atSKYPE kaya anytime na kailangan ako ng aking mga online friends lagi akong available. Kahit na ang laging bukambibig nila ay MUZTAH NA U? ANO GAWA U? at TOTOONG BANG NASA NOO DAW ANG BAYAG MO? Eh lagi naman ako sumagaot ng UKINAMEN! Hanggang sa mauwi ang tsikahan sa kalaswaan este sa kalokohan, walang problema ito sa opisina habang umiinom ng OVALTINE saka pumapapak ng chichacorn.

NGAYON, wala, zero at butata. Eh internet nga bawal , umasa pa ba akong may ganito.. At alam nyo bang pati ang company email ko hindi pwedeng makareceive ng email mula sa public account (tulad ng yahoo, gmail, hotmail at etc). Kailangang official ang lahat ng e-mail sa outlook mo. TANGINIS NA YAN!!!

DATI, pwede akong magkamot ng betlog, matulog habang tumutulo ang laway, dutdutin ang ilong hanggang makuha ang kulangot na may buhok, magtelebabad kausap ang malabedroom voice na call center agent at tumambay sa CR para tumae.

NGAYON, bawal pumikit kahit na antok na antok ka, gumawa at kumilos na parang timang para sabihing hindi ka petiks. Basta kailangan mong magbusi-busihan para hindi ka masita.

Basta marami pa yan, sobrang dami. Kapag kinukumpara ko yan, nadedepress lang ako. Oo tama ang hinala nyo, ang aking opisina ay isang internet café slash extension ng bahay ko slash entertainment room slash kung ano ano pa.

Kung nagtataka kayo bakit ganun ang dati kong opisina , iyon ay dahil madalas nasa Business Trip ang boss ko, nakahiwalay ang ofis ko sa karamihan at higit sa lahat mag-isa lang ako doon. At dahil sanggang dikit ko ang dati kong boss ,protektado ako mula sa mga epal ng kumpanya. Palibahasa din nakuha ko na ang kiliti ng boss ko (nasa may bandang puwet sya) kaya medyo madali na para sa akin ang trabaho.

Ngayon medyo ibang mundo talaga ito. Kung tutuusin ako rin naman ang may gusto nito dahil nga masyado ako ambisyoso na makalipat ng medyo mas malaking kumpanya. Nakalimutan kong kapag malaking kumpanya , mas marami nga palang restriction at mas marami kailangang ingatan. Kumbaga sabi nga ng lolo ni SPIDERMAN “ with great power comes great responsibility” (naks kumukonek pa ng ganun)

Alam nyo kung babalikan nyo yung unang paragraph ko sa entry na ito (sige na tingnan mo uli). Ang totoong dahilan kung bakit gusto kong magwala at maglulupasay ay dahil……… MISS NA MISS KO NA KAYO!!! Yun talaga yon!

Medyo kahit na hindi na pwede yung dati na lagi akong updated sa inyo at kayo sa akin, alam kong may paraan pa. Pero gusto kong magpasalamat sa lahat bumibisita sa kwarto ko kahit medyo matagal ang update. Dahil sa inyo nagiging exciting ang buhay ko dito sa disyerto. Naks. Hehehe

Yun lang mga kautak, salamat uli,


Sunday, September 5, 2010

HAYBLAD



Kamusta mga kautak?Sori naman at medyo naging busy ako sa aking bagong trabaho. Nakakainis dahil sa bago kong kumpanya, restricted ang internet ng pukenena.

Oo tama ang narinig nyo wala na ang dati kong gawain, na halos minuto-minuto nakababad sa internet para magfacebook, magtwitter, kumamot ng betlog, magblog, magbloghop, mangulangot, uminom ng kape habang nanood ng porn, nagpapalobo ng laway, magyoutube, at maglaro ng plants and zombies…..in short wala na ang office-slash-internet café ko. Syet lang oh!!!

Dito sa bago kong trabaho bilang GWAPONG BANGKERO (may gwapo pa talaga!), eh trabaho talaga. BAWAL ANG PETIKS (tae, laking adjustment yun sa akin)
.
Pero naisip ko, ganun talaga kailangan kong umalis sa aking kahon at pumunta sa mas malaking pang kahon. (naks may kahon pang nalalaman)
.
Teka, hindi naman sa bago kong work ang kwento ko ngayon. May iba pa, ito ay walang iba kundi ang PUTANG-INIS kong BLOOD PRESSURE.

Ano ang kwento dyan?Pwes makinig ka…..

Hindi ko alam kung may phobia ako sa ospital at clinic. Basta alam ko kapag nasa loob ako ng ospital/clinic bigla akong kinakabahan. Dati, bago ako magpunta ng Saudi, dapat mag qa-Qatar ako, at dahil sa PUTANG-INIS na BP na yan , bumagsak ako sa Medical . San ka nakakita na ang BP readings ay 160/120, 140/110, 165/115 . SYET talaga!

Kaya sino ba naman ang hindi babagsak dyan? At pag nasa bahay naman ako, at kinukuhanan ako ng kapatid kong nurse ng BP, eh normal naman! Pag nagpunta naman ako sa kakilala kong doktor sa bahay nila, okay din naman! Basta alam ko wala akong hypertension dahil nga healthy-healthy ako. Dahil talaga sa bwisit na KABA ko na yan tuwing nasa loob ako ng clinic o ospital kaya tumataas ang BP ko.

So heto na nga, isa sa requirements para sa pre-employment ko sa bangko ay MEDICAL EXAMINATION ko. At pagkarinig ko nyan, kinabahan na naman ako.

Kinabukasan, pumunta ako agad sa Ospital. Hayun kinabog na naman ang dibdib ko. Tapos ang dami pang seksi at magagandang nurse kaya lalo akong kinabahan. Nung tinawag na ako para sa BP

Nurse Anna: Sir, pakiaalis po ang T-Shirt, pantalon at brief!!
Ako: Okay payn, No problem! Gusto mo sabay tayo?

Joke, walang ganyan.Imagination ko lang yan! Heto talaga ang totoong nangyari

Nurse Anna; Sir relax lang po kayo bakit po parang kabado kayo
Ako: Eh di ko nga alam eh!

Kinuhanan ako ng BP…

Nurse Anna: Sir, nakupo 160/110
Ako: ha? (namutla), pwede isa pa

Kinuhanan uli ako

Nurse Anna: Sir, 170/120 tumaas pa. Anubayan
Ako: OMAYGAD!!! Miss pwede bang alisin mo yung dede mo sa may braso ko, lalo akong hinahayblad eh!

(joke lang uli yan!yung OMAYGAD lang talaga ang nasabi ko)

Pinabalik ako ng limang beses at limang beses din akong bumagsak. Nilagay na lang nila sa Medical report ko ang pinakamababa kong BP which is 149/97! Syet talaga, kung grades yan sa school malamang First Honor ako.

Umalis ako sa Ospital ng kinakabahan, dahil baka bumagsak pa ako sa medical at pauwiin sa Pilipinas para magtanim na lang ng kamote at magbenta ng aking murang katawan. (huwattt??mura??)

After 2 days, kabado ako sa resulta. Expected ko na na babagsak ako dahil sa bwisit na BP na yan. Kaya pagkakuha ko ng resulta dahan dahan ko syang binuksan habang nanginginig pa ang aking mga kamay hanggang sa Makita ko ang resulta………………………….. FIT TO WORK!

YEHEY!!!Napalundag ako sa sobrang tuwa dahil hindi ko akalain na…………umepekto ang pakikipaglandian ko sa mga nurses dun.

TAMA!!nilandi ko ang si Nurse Anna at iba pang nurse dun para makipagtawaran sa resulta ng aking BP (palengke?). Binabaan nya ang BP ko ng 10 points kaya naging 139/87 na lang sya!hahahhaha! Alam kong bawal yun sa mga nurses pero ika nga minsan mas matimbang ang ICE CREAM (suhol) kesa sa mga bawal na yan!
.
Ganyan ba talaga pag hindi ka LAKI SA GATAS o LAKING BEARBRAND??LOLS.
.
Yun lang ang kwento.

Ingat

Monday, August 23, 2010

WILKAM BAK



I’MMMM BACKKKKKKKKKKKKKKKK

Sorry at halos isang buwan din akong nawala, bukod sa RAMADAN ngayon dito sa Saudi. Kung saan bawal uminom at kumain sa publiko (okay lang kung patago). Medyo may isang pangyayari sa buhay ko na medyo BIGDEAL para sa akin. At dahil nasabi ko rin na ikukuwento ko sa inyo kung ano ang dahilan, kaya heto kukuwento ko na........

Okay, Lilipat na kasi ako ng kumpanya ......

Wow, big deal ba yun?? . Sa Saudi kasi hindi normal para sa expat o dayuhang manggagawa ang bigyan ng karapatang humanap ng trabaho ng hindi na kailangang umuwi sa Pinas. Kalimitang kasing pinapauwi ang mga OFW kung sila ay aalisin sa trabaho.

Aalisin sa trabaho? Eh di terminated ka??. Oo na hindi rin. Oo dahil terminated ako, pero hindi dahil unproductive employee ako (pero baka rin!LOLS) . Kaya ako natanggal sa trabaho ay dahil magsasara ang kumpanya.

Huwaattt??? nalugi ang kumpanya nyo kaya magsasara? Hindi nalugi ang kumpanya. Kasalanan ito ng kupal na may-ari dahil sa mga panloloko nya sa gobyerno ng Saudi ang epekto nun, sinira nya ang magandang pangalan ng produktong binebenta namin.

Kung hindi nyo naitatanong. (hindi nga naming tinatanong??) medyo kilala ang produkto namin (KOTSE yun) sa buong mundo. Tanging mga mayayaman, lamang ang may kakayahang bumili dahil ang isang kotse ay nagkakahalaga lang naman ng 5 MILLION pesos. (See bahay at lupa na yan na may mini-garden pa!). Kaya may inaalagaang pangalan ito sa buong mundo at hindi ito pwedeng masira sa anong bansang binebentahan nito.At dahil sa kagaguhan ng may-ari, biglang inalis sa amin ang karapatang magbenta nito sa buong Saudi Arabia. Kaya damay kaming mga empleyado. Walang magagawa kundi isara na lang ang kumpanya dahil ibang kumpanya na angn magbebenta nito sa Saudi.
.
Ako ang humiling na tanggalin nila ako, para hindi ako abutan ng pagsasara. Mabait naman sila at binigyan nila ako agad-agad.

Totoo ba yan, aminin mo tinerminate ka talaga?? (KUPAL ka, hindi nga sabi eh!)

Ngayon, nakalipat na ako ng kumpanya. Hindi sya kumpanya kundi isang BANGKO. Hindi ako Accountant at lalong hindi ako magaling sa MATH. Kaya ako nakuha sa bangko ay dahil kumain ako ng blade at nagpasok ako ng screwdriver sa ilong ko habang nagsasayaw ng WAKA WAKA. At kaya naman ako lumipat sa bangko at hindi sa ibang kumpanya ay dahil............ sa pera. (Isang pagpapatunay na MUKHA AKONG PERA!LOLS!).
.
Joke lang! Kaya ako lumipat ay dahil mas maraming akong matutunang bago sa bangko. At alam kong lalago ako bilang isang empleyado dito (nice answer!!ano satisfied na ba mga kulangot??)
.
Medyo nalulungkot ako kasi 5 years din akong nagtrabaho sa aking dating kumpanya. Maraming mga ala-ala din namang naiwan sa akin ng kumpanya. Naging mabuti sa akin ang kumpanya, halos lahat ng gusto ko naman ay binibigay, pero yun nga lang ang lahat ng bagay ay may katapusan.
.
Pero ika nga nila ang lahat naman ng katapusan ay may simula.

Kaya heto magsisimula ako, panibagong kumpanya. Panibagong kapaligaran, panibagong mga katrabaho at panibagong mga kaibigan.

Totoong mahirap tanggapin ang pagbabago, pero kung di tayo magbabago hindi tayo lalago at yayabong. Mahirap baguhin ang nakasanayan na, pero kung hindi natin tatanggapin ang pagbabago baka wala na tayong matutunan pa sa buhay.

Hayan babalik na muli ako, hindi ko alam kung na-miss nyo ako, pero KAYO NAMISS KO.

WELCOME BACK TO ME!!

Ingat


Wednesday, August 4, 2010

TULOG MUNA AKO



Mga kautak medyo maghi-hiatus muna ako ng isang buwan. Isang buwan lang naman, medyo may aasikasuhin lang akong napakaimportanteng bagay. Kung ano man yun .... sikret muna, next month ko na lang ikukwento.


Pero you can still reach me sa Facebook account ko, sa Twitter , at sa chatbox ko. Magbabasa pa rin naman ako ng mga post nyo at magcocomment.Naks


Nga pala, napansin ko lang ang mga message ko sa chatbox kakaiba. Madalas exchange link daw may nakikipagtextmate at nagbebenta pa ng glutathione. Nakamputcha ayos yun ah!
So heto muna ang iiwanan ko sa inyo bago ako maghiatus ng isang buwan!

TIPS PARA DI MA-OFFEND ANG MINAMAHAL

Marumi ang kuko: “Sweetheart, may bukid ba kayo?”

Pasmado: “Babe, ilang percent ang share mo sa MWSS?”

May muta: “Cupcake, magdamag ka bang umiyak?”

May putok: “Ho¬ney, may kamag-anak ka ba sa Middle East?”

Maitim ang kili-kili: “Sugar, anong deodorant mo? Kiwi?”

May libag sa leeg: “Darling, saan mo binili ‘yung black gold necklace mo?”

Bad breath: “Love, humihinga ka ba o umuutot?”



REMARKABLE Classmates, Dialogues and Events:

“Hindi ako nakapag-review, eh!” (Pero ang daming sagot sa test paper)


“Ang dali ng test!” (Pero siya ang lowest)


‘Pag walang maisagot, titingin sa bintana, hoping makakita ng lumilipad na sagot!


Nagpuyat para gumawa ng kodigo pero hindi rin nagamit.


Magsusulat ng kung anu-ano sa armchair, pero hindi naman related sa exam.


Ginawang notebook ang hita.


Sinisipa ang chair ng classmate sa harapan para makakopya. Galit pa ‘yan ‘pag hindi mabasa!

Hindi magre-review sa gabi, sa madaling-araw na lang. Pero gigising lang para i-off ang alarm clock.


Group study raw pero mag-iinom lang. Pagpasok, may hang over pa


TRABAHO NG BAGONG GRADUATE

Nursing: kumad¬rona


Education: tambay


Criminology: tanod


Medicine: albularyo


I.T.: tagabantay ng computer shop


Accountancy: tindera


Fine Arts: pintor ng dingding


Psychology: manghuhula


Tourism: GRO


Midwifery: yaya


Pharmacy: drug pusher


HRM: waiter


Ingat po at maraming salamat