HELLLO!!! Kamusta na mga kautak?? Dyos ko pong pineapple juice, halos isang taon na pala akong walang post. Dyos miyo…pasensya naman medyo hindi ko rin akalain na ganito pala kahirap kumita ng pera ngayon sa Saudi at kailangan ubusin ko ang 100 porsyento kong kapangyarihan araw araw. Kaya pasensya na rin mga kautak.
Oo nga pala, umuwi ako nitong Disyembre lang para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa atin. Nakakatuwa lang na naimbitahan ako ni Roanne (aka B2) para sa isang EB at finally na kita ko na sa personal si Roanne. Aaminin ko medyo nablush ako ng BUNGGANG BUNGGA kay Roanne, ang DANDA DANDA kasi nya eh. Para isa syang anghel na bumagsak sa lupa at sakto ko namang nasapo ko!hahahah!Meganun! Basta iba sya sa personal kesa sa pictures, mas kamukha nya si POCAHONTAS, hindi dahil mukha syang cartoons kundi dahil ganun sya kaganda (DANDA BABAI).
Kasama rin naming sa EB si kuya AIM ng indecent mind(nakiki-kuya??). Unang pagkikita namin kahit na sabihin natin tiga Saudi rin sya pero perstaym ko syang nakita. Medyo natuwa ako sa kanya kasi hindi naman pala sya INDECENT….hahhaa, disente nga sya eh.hahaha! Basta sobrang cool kasama nya… hindi ka maiilang sa kanya kasi mukhang mabait naman sya (may naman talaga?hehe)
Kasama rin naming si kuya Chinggoy, although hindi na bago sa akin si kuya Chinggoy, kasi lagi naman kaming nagkikita nyan. Ang napansin ko lang sa kanya…..wala pala syang KILAY….hahhaha! Nasobrahan ata sa pag-ahit!Hahaha!Joke lang! Sobrang bait na tao nyang si Kuya Chinggoy at amoy mayaman sya!hahaha!
Nakikilala ko rin si Gillboard. Ito rin ang unang pagkakataon nakita ko sya. Anonymous din kasi sya. Kaya naman natuwa akong makita ang mukha sa likod ng mga kwento nya. Medyo tahimik nga lang sya, hindi ko lang alam kung personalidad nya yun o talagang naunahan lang sya ng mga kwento hehehe.
Nameet ko rin si Madz at isa pang blogger na hindi na active sa ngayon. Natuwa ako sa kanila dahil kahit hindi nila ako kilala at hindi nila nababasa ang blog kong inaamag na, eh talagang hindi nila hinayaang mapanis ang laway ko.
Kaya Roanne, maraming salamat sa pag-imbita sa akin sa EB na yan sobrang naenjoy ko ang gabi na yun at maraming salamat sa bigay nyong regalo sa akin nila kuya AIM at Manong hayaan nyo ipapalaminate ko yun!heheheh! Heto yung pic nga pala mga kautak nga regalo nila.
Sayang at wala akong ng pic na magkakasama kami, na kay Roanne ang lahat ng pics namin, hehehe!Hinge na lang ako sa kanya!hehehe!
At hindi lang yan, dahil nagstay ako ng kalahating araw sa Singapore hindi ko na rin sinayang ang pagkakataon na makilala ang isang sikat na blogger na walang kahilig hilig sa picture ng mukha nya!hahahah!joke lang. Medyo patpatin lang sya at walang kabuhok buhok sa katawan, yan ay walang iba kundi dyaran….si GASDUDE!.
Sobrang saya ang travel ko sa Singapore dahil sinulit ko talaga ang oras at halos tumulo ang laway ko sa sobrang pagkamangha sa mga nakikita ko! Siguro sa mga susunod na araw ay maikwento ko sa inyo yun!
Kaya Gasdude salamat sa pagtotour sa akin sa Singapore hayaan mo pagpupunta ka ditto sa Saudi, ipapatira kita sa CAMEL este papakainin kita ng CAMEL meat!hhahhahaha!Gawa ako ng isang entry tungkol ng tour ko sa Singapore syempre extra ka dun!hehehhe!
Basta sa inyo lahat, maraming maraming salamat sa oras na ibinigay nyo para magkita kita tayo! Isang karangalan na mameet ko ang mga hinahangaan kong blogger na katulad nyo, matatalino, magaganda, gwapo, mababait, at mga kalog na tao katulad nyo, sana this year mabigyan uli tayo na pagkakataon na magkita kita muli!MARAMING SALAMAT ULI!