QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, December 12, 2009

Namamasko po

Masarap maging bata, lalo na kung Pasko, at alam mo na yung bakit? Dahil maraming pera (Aguinaldo) at maraming regalo. Syempre pagkakataon mo ng gumimik para kumita ng marami, kaya naman kahit fourth year high school na ako eh,,,,, namamasko pa ako (pakialam nyo ba!!) Kaya narito ang mga tatktika para makarami ng Aguinaldo.


Magpapansin sa Ninong at Ninang- Kapag dumating na December 1 subukang itext na sila Ninong at Ninang ng mga “quotes” at “jokes”. At subukan din itext ng “kumain na po ba u?”, “have a gud day po” at kahit ano pang pang-uutong text.


Sumama sa mga kapatid- Maging chaperon ng iyong kapatid kapag mamasko sa mga Ninong at Ninang nya, tyak kahit papano ay maambunan ka kahit 20 pesos at libreng chibog pa (subukan din magdala ng supot para mag-uwi ng prutas)


Mamasko ng maaga- Dahil karamihan sa iyong mga Ninong at Ninang ay busy (kakatago), mamasko ng maaga,yung tipong magkakagulatan pa! Tyak naman may mahohold-up este may makakuha ka sa kanila kasi naibigay na ang mga bonus nila.

Bigyan ang Ninong at Ninang ng card- Dahil mahal ang regalo, card na lang (minsan na pi-free lang ito sa mga krispap), maglagay ng emo message at ibigay ito sa mga Ninong at Ninang. Aakalain nila na sobra mo silang naaalala at maiisip din nila na hindi lang ang Aguinaldo ang habol mo. (Pero pautot lang yun ang totoo, taktika mo yun para lakihan nila ang bigay)


Tandaan umalis ng gutom – Dahil ang lahat ng tao ay may handa, tyak aalukin ka ng mga Ninong at Ninang mong kumain ng halaya (na lasang pandikit), buko salad (na walang buko puro gulaman), spaghetti (may anemia) at kung ano ano pang pagkain. Nakakahiya naman na pera lang ang habol mo sa kanila kaya pakitang tao ka na rin, at ipilitin itong isaksak sa iyong bunganga. Purihin ang handa ng iyong Ninong at Ninang at sabihing masarap kahit lasang puwet naman ito dahil tyak dadagdagan nila ang Aguinaldo mo.


Pwede pera na lang po – Dahil mauutak na rin ang mga Ninong at Ninang mo, bibili lang yun ng generic na regalo (o regalong hindi pinag-isipan tulad ng panyo, mug, bimpo at etc), Kapag inaabot na ang regalo sa iyo ng mga Ninong at Ninang magmatigas na huwag na lang dahil nahihiya ka at hindi naman dahil sa regalo kaya mo sila dinalaw (tae ka, plastikkkkkk!!). Gamitin ang linyang ito “Ninang/Ninong, hindi po okay na po ang makita kayo, medyo baka di ko kayo makita next year dahil magtatrabaho po muna ako, medyo wala na po kasi akong pera ngayon eh!” (tandaan diinan ang pasasabi ng pera). Siguro hindi naman bato ang Ninong at Ninang mo para hindi nya makuha na..................................mukha kang pera.


Prrrrrrrrrttttttttttttttttttt


Tama na muna ako, bibitinin ko muna kayo. Oo nga pala mga kautak, ako ay pansamantala munang magpapaalam sa inyo baket? Dahil…………………………………………… magbabakasyon ako sa Pinas !Yehey!!! Ito ang unang Pasko ko sa Pilipinas pagkatapos kong mag-abroad (after 4 years). Medyo noong mga nakaraang Pasko kasi nandito ako sa Saudi . Kaya halos tumulo ang sipon ko sa lungkot dahil walang Pasko dito. Walang Christmas light, parol, simbang gabi , bibingka, nangangaroling at kung ano ano pang pampasko(dahil nga Muslim Country nga ito) Kaya naman ganito ako kaexcited umuwi katulad ng pagka-excite ko noong nagfield trip kami sa Enchanted Kingdom noong grade six. Syempre sama-sama kami ngayong Pasko ng aking pamilya,at kumpleto kami!Kaya ang saya!


Medyo isang buwan lang naman ako mawawala dahil ako ay magagagala sa SM.MOA at Trinoma. At magpapakasarap muna kahit isang buwan lang! Basta intayin nyo ang mga kwento ko pagbalik ko ulit dito. Susubukan ko ring mamasko sa mga Ninongat Ninang ko para kumita man lang kahit bakasyon. Hehehe!


Tandaan, hindi nasusukat sa halaga at ganda ng regalo ang pagmamahal natin sa ating kapwa. Itoy batay sa laki o dami ng pagbahagi ng sarili sa bawat regalo natin sa iba katulad ng pagbabahagi ng ating Dyos sa atin ng isang napakahalagang regalo sa buong sangkatauhan, ito ay walang iba kundi ang kanyang bugtong anak na si Hesus. Na kung saan dahil sa Kanya kaya tayo may Pasko. Kaya ibahagi ang ating sarili sa ating kapwa at mahalin ang bawat isa.


"The mystery of the Holy Night, which historically happened two thousand years ago, must be lived as a spiritual event in the ‘today’ of the Liturgy. The Word who found a dwelling in Mary’s womb comes to knock on the heart of every person with singular intensity this Christmas." - Pope John Paul II


Sa nais magpadala ng regalo, greetings, Aguinaldo, mensahe o death threat (meganun) pakisend lang po ito sa aking email (YM na rin) na drake_kula@yahoo.com


Iyon lang , maraming salamat sa inyong lahat at Maligayang Pasko.

Monday, December 7, 2009

Ang Taong 2009



Taon taon ko ng ginagawa ang pagrereview ng mga isinulat ko noon tungkol sa mga inaasahan ko sa bagong taon. Kaya nararapat lang na tignan ko kung ano ang mga natupad at ano ang hindi ngayong 2009.

Heto nga pala yung links na yun kasi baka isipin nyo eh imahinasyon ko lang ang lahat.



Heto na yung review


1. Mataasan ng sweldo


Nataasan naman ako kaso ng 5% lang, medyo hindi ko inaasahan na ganun lang kaliit pero okay na rin yun kaysa sa wala. Pambili ng load na rin yun. (Kapal ng mukha eh petiks na nga humingi pa ng malaking increase!!)


2. Makalipat pa rin ako ng ibang kumpanya at bansa na rin kung pwede

Walang nangyari dito dahil nandito pa rin ako sa Saudi at nandito pa rin ako sa company! Ibig sabihin nyan isa akong pusali o stagnant water!

3. Bakasyon Grande


Dalawa ang bakasyon ko this year isa nung last April at ngayong December (malakas ako sa boss ko eh). Yung last April masyadong limited ang time (pati budget) at ngayong December ganun din limited ang budget lalo pat akala ata ng lahat ng kamag-anak ko ay si Santa Claus ako! Kamusta naman yun! Pero naenjoy ko ang last vacation ko kasi nagpunta ako sa Puerto Gallera, Laguna, Zambales at kung saan saan pa. Ngayon tyak na enjoy din dahil nagyon lang uli ako magpapasko sa Pinas makalipas ang 4 na taon.

4. Book Launch

Next year ito malamang kung aaprubahan pa ng editor, kasi ngayon lang natapos ang sinulat ko. Yung isang libro na dapat ipaprint namin, hindi natuloy dahil sa sobrang busy ng lahat!

5. Mag-iipon at magtatayo ako ng business

Kahit man lang pataniman ng kamote wala ako! Hindi ako nakapag-ipon dahil ubod sa dami ng gastos, at isa pa masyado akong galit sa pera at ayaw ko syang makita sa wallet ko kaya pinambibili ko na lang sya!

6. Nakapagradweyt uli ako

Successful ako dyan dahil nakapagpagraduate ako ng isa kong kapatid na NURSE, at isa na rin syang “Registered Nurse”, ako kasi sumumporta dun mula tutuion fee, baon pati ang pampareview nya, seminars, bayad sa PRC, training basta lahat as in lahat lahat. (May isa pa akong pinapaaral na kapatid na nurse, kaya di pa ako nakakaboundary)

7. Bagong Lovelife

Meron naman this year, at masyadong makulay ang lovelife ko na parang crayons lang!No need to explain this further dahil masyadong marami para ikwento, hayaan nyo irerequest kong gawing movie, ang title “Drake’s Scandal”LOL

8. My new gadgets

Bumili ako ng Iphone last January medyo sumakit ang bulsa ko. Bumili rin ako ng Digicam at medyo hindi ko rin naman ginagamit. Binigyan ako ng company ng Portable Harddisk (320GB) at puro porno este movies lang ang nakalagay. Mayroon din ako ng DELL NETBOOK na kyut na kyut katulad ng may-ari. Nagkaroon din ako ng 32 inches LCD TV (okay payn hindi sya gadget, gusto ko lang ipagyabang). At ngayon naman……………………….broke na ako!! (wala na akong pera!!)

9. Pagbutihan pa ang aking pagsusulat

Hindi umabot ang entry ko sa Palanca (dahil nagbakasyon ako), nasali ako sa Philippine Blog Award kaso hanggang nominee lang. Sumali ako sa PEBA (Pinoy Expat Blog Awards) pero sa December 27 pa ang awarding. At yung tinatapos kong libro sana maaprub ng editor, kung hindi next year na lang, subok pa uli.

10. Maraming marami pang prens

Hayaan marami akong pwens dito sa blogosphere, mga matatalino at magdadaldal na blogero at blogera! Kaya naman nagpapasalamat ako dahil lumalawak na ang network ko at ibig sabihin nyan marami na akong pwedeng utangan! Maraming salamat sa laging pagbabasa ng aking blog. Minsan napapatawa ko kayo, minsan naiinis,minsan napapaiyak at kung minsan inuuto ko kayo (Joke lang).


Sa buhay natin masarap balikan ang nakaraan at isipin kung ano ano ba ang natutunan natin sa buhay. Ako, ang ginagawa kong pagrereview ay isang repleksyon lamang ng mga pangarap ko sa buhay at kung natutupad ko ba ang mga pangarap ko na ito. Maaring ang iba hindi natupad pero hindi naman ako titigil sa pangangarap. Maaring ang iba nagkatotoo at itoy nagpapahiwatig lang na ang lahat ay pwedeng mangyari kung maniniwala tayo sa ating pangarap. Tandaan natin libre ang mangarap at walang masama dito, kaya wag nating ipagkait ito sa ating mga sarili.


Ako, natapos ang taong 2009 na maganda at maayos. UMaasa ako sa susunod na taon ay mas lalong maging maganda ang taon ko. Sa ngayon nagpapasalamat ako sa Dyos dahil isang buong taon na naman ang ibinigay nya sa akin at sana bigyan pa nya ako ng maraming marami pang taon.


Yun lang mga KAUTAK, next kong gagawin ay yung mga inaasahan ko sa 2010.


Maraming salamat!!

Friday, December 4, 2009

PATAY KANG DRAKE KA!!!

Nitong mga nakaraang mga araw, may nabasa ako sa dyaryo. Medyo nakakatakot na nga pala ang panahon ngayon at hindi ka na rin nakakasiguro sa buhay mo. Sobrang takot na takot ako noong nabasa ko ang balitang yun, at medyo naalarma na rin ako. Kaya ayaw ko na rin maglalabas ng bahay dahil delikado na talaga.


Hindi naman talaga ako matatakutin sa balita,dahil realidad ito ng buhay natin. Pero talagang ang balitang yun ang nagpatakot sa akin ng sobra. Dahil sa balitang yun, tila nanganganib na ang ang aking buhay. Alam ko at nakakasiguro akong pinaghahanap na ako ng mga taong ito.


Ayoko ng ganitong pakramdam na tila wala ng kasiguraduhan ang aking pinakaiingatang buhay. Doble o tripleng ingat na ako! Dahil delikado na talaga at hindi malayo na ako na ang isunod nila. Kaya dapat akong magtago at huwag magpakita sa kanila.


Basta nananalig ako sa Poong Maykapal na sana ingatan nya ako at huwag pababayaan dahil maaring bukas makalawa ay ako na ang isunod nila! Alam kong hindi ako pababayaan ng Dyos. Sana hindi ako makita ng mga masasamang tao ito.

Heto yung balitang nagpatakot sa akin ng sobra at nangangamba rin ako na ako na ang next target nila. Alam ko AKO NA ANG ISUSUNOD NILA!!!

CLICK MO ITO! AT TYAK SASABIHIN MONG" NAKU PATAY KANG DRAKE KA!!!"

Wednesday, December 2, 2009

ANG REGALO BOW




Usaping regalo ito kaya ang mga sumusunod ay ang mga regalong karaniwan kong natatanggap:


1. MUG


Minsan niisip ko mukha ba akong adik sa kape at tuwing pasko na lang eh halos isang dosenang Mug ang natatangap ko. Aba nagamit ko na sa ibat ibang bagay ang mahiwagang MUG na yan, ginawa ko ng tabo, ginawa ko na ring lalagyan ng mga ngingatngat kong lapis at bolpen, at ginawa ko na ring pantakal ng bigas namin.

Minsan naman nakatanggap ako ng MUG na may SODJAK SAYN pa, eh nung natanggap ko yun gustong gusto kong ibalibag sa kanya. Sukat ba naman ang nakalagay ay ARIS, eh ISKORPYO ako, iniisip ko baka nakalimutan lang nya ang bertdey ko kaya nagkamali lang. Pero naisip ko rin “Putcha, eh sya yung ARIS ah”. Tapos makita kita mo may may pinagtuyuan pa ng kape.Siraulong yun!!


2. PIKTYUR PREYM


Napakamakaysaysayan sa akin ng regalong yan, alam nyo ba kung bakit? Okay, ganito kasi yun.


Grey siks, ako nun tapos may paek-ek ang mga titser ko nun na magkakaroon kami ng EKSCHENS GIPT sa Krismas Parti namin , tapos dapat ang regalo namin ay nagkakahalaga ng Bente Pesos. Eh ewan ko rin nga ba sa sarili ko nun, kasi nakaututan kong bumili ng regalo ng lampas bente, at kapal peys ba namang mag ekspek na mahal din ang makukuha ko

Heto na kamo, araw ng Krismas Parti, pagkatapos naming libutin ang buong bayan dala dala ang mga gawa naming parol (yung sa akin binili ko lang sa Divisoria), bunutan na ng regalo

“Okay namber piptin” sabi ng titser

“Ako po yun” , sabay abot ng namber ko na talaga namang nagkadapa dapa pa ako sa sobrang eksaytment, sobrang ekspek na ekspek ako nun, kasi mahal yung binili kong limang bimpo na ibat ibang Kolor (aba betsingko yun). Pagbukas ko ba naman ng regalo, halos mahimatay ako sa natuklsan ko. Isang makapanindig balahibong.................(tenen).......... “PIKTYUR PREYM”, na may piktur pa ni Manilyn Reynes sa loob. (aba greyd wan pa lang ako piktyur preym na natatanggap ko)

Galit na galit ako nun, kasi pakiramdam ko nautakan ako ng kaklase ko, kasi tig kikinse lang yun samantalang yung sa akin betsingko pesos. Nung malaman ko kung sinong nagbigay, hinamon ko ng suntukan, sabay tapon sa basurahan ng piktyur preym. Nagbanta pa ako

“Kapal ng mukha mo piktyur preym lang bigay mo eh tig kikinse lang yun, yung sa akin nga betsingko yun,Kapal ng apog mo pwet ka”


3. PIGURIN AT KANDILA


Medyo pinag-iisa ko na yang dalawang regalo na yan, kasi halos pareho lang naman yan. Halos tuwing bertdey pasko, bagong taon at kung ano ano pang okasyon yang dalawa yan ang di nawawala. Sa tagal tagal ko ng nakakatanggap ng regalo hindi pa ako natatanggap ng buong pigurin, Mukha tuloy jigsaw puzzle na kailangang pahirapan pa akong pagdikit dikitin ang mga basag na Pigurin.


Yung kandila naman, okay sana kung medyo pangmayaman yung kandila, pero yung iba akala ata lahat ng kandila ay pwedeng pangregalo, minsan pinagloloko ka pa ,kasi kandilang pampatay pala yun, sasabihin pa sa iyo, “Uyyy may amoy yan”, nung inamoy ko naman amoy......... GAAS . Ano yan gaguhan?

Minsan naman magreregalo ng kandilang santa claus, o di kaya mickey mouse, Pero pagsinindihan mo matatakot ka pa kasi pagsinindihan mo ito makikita mo si santa claus naaagnas ang mukha!!. Hindi ko na nga nagagamit yun pag brownout kasi nakakatakot ang itsura nila pagnalusaw kaya pinagdidiskitahan ko na lang gawing plorwaks.


4. PANYO O BIMPO


Medyo iyan din naman ang madalas kong panregalo pag wala na talaga akong maisip. Paepek pang sasabihin kong, “kasi alam kong mahilig ka sa panyo”. Pinaganda ko lang na “Kasi uhugin ka at nagmamantika ang katawan mo sa pawis kaya panyo bigay ko sa iyo”. Pero ako rin naman isandamakmak na panyo ang natatanggap ko (yun rin kaya iniisip nila sa akin??).


5. SUBENIR


Naalala ko yung ate ko, noong bata pa sya at hindi pa nagpapanty. Krismas Parti namin sa Choir noon at syempre may EKCHENS GIPT uli, dis taym tig tetrenta na (tinaas ang level). So ang ate ko eksayted din at namili na ng Curly Top at Serg (yung kalaban ng Nips noon), kaya naman ganun din sya ka-ekspek na maganda ang makukuha rin nya (magkapatid nga kami).

Heto dumating na ang araw ng Krismas Parti, at bigayan na ng regalo,
“Okay namber por” sabi ng maestro namin

“Ako po yun, ako po yun!!” nagkukumarat ang ate kong may hangin din ang utak

Pagkaabot ng regalo sa ate ko, hayun binuksan agad, eksyated na eksayted eh.
Pagbukas nya ng regalo halos lumuwa ang mata nya (hulaan nyo ang regalo nya??? Uhhmmm hindi piktyur preym), pagbukas nya ng regalo isang wallet na kulay puti na medyo pamilyar ang hitsura, Kaya pala pamilyar eh "GIVE AWAY"pala yun ng suking tindahan ng nanay ko , tapos may nakalagay sa gitna “Aling Miling's Store”


Umatungal ng pagkalakas lakas ang ate ko, sabay sabi “PURUROT ANG NAKUHA KO, PURUROT”, eh hindi ko naman masisisi ang ate ko, eh kasi naman eh sandamakmak na wallet na may “Aling Miling's Store” ang meron sa amin.


Pag-uwi ng bahay, nasa gate pa lang ang ate ko, umaatungal na, na parang baka.

NANAY, NANAY!! Pururot ang nakuha ko, pururot!!! Na halos lumubo ang sipon at tumutulo ang laway.

Eh takang taka ang nanay ko bakit ganun na lang ang atungal ng kapatid ko.

“Eh ano ba ang nakuha mo?” tanong ng nanay ko

“Ito po!!” sabay ipinakita ng ate ko yung regalong natanggap nya, sabay singhot ng uhog

“AY!! PURUROT NGA!!!” sigaw ng nanay ko.

Naalala ko pa yung mga eksena yan sa amin. Eh nung i-trace namin kung sino ang nagbigay ng pururot na yun, napag-alaman naming yung pinsan ko pala, tapos sya rin ang nakatanggap ng regalo ng ate ko. Hehehehe!napakautak ng pinsan ko na yun, hindi man lang nag-effort.


6. KUNG ANO ITINANIM SYANG AANIHIN


Yung kuya ko may lahing intsik ata yun at pinaglihi ng nanay sa belekoy sa sobrang kuripot. Akalain mo bang ginagawang SM o tyangge ang Displeyan namin.Nagwiwindow shopping! Titingin tingin sa mga nakalagay sa Displeyan namin, ipapabalot at gagawing regalo ng LUKO. Minsan yun Angel na pigurin na mukhang demonyo dahil sa dungis aba pinapatos. May tagas ang utak. Kaya madalas tuloy wala na rin akong mapanregalo (ako rin pala)


Nung minsan naman nagregalo ako sa isang kaibigan ko ng libro, yung libro na yun eh bago pa saka hindi ko pa nababasa kaya tamang tama panregalo, kaya binalot ko na at umaten na ako ng bertdey parti nya (syempre chibugan yun kaya dapat nandun ako). Pagdating dun inabot ko na yung libro, pagbukas nya ng regalo:


“Wow, ganda naman ng regalo mo, siguro tagal mong pinag-isipan ito”


Sabi ko lang “Oo naman halos mapudpod ang sapatos ko kakahanap nyan” habang lulon lulon ang hita ng praydchiken


“Eh gago ka pala eh, regalo ko sa iyo ito nung bertdey mo” sabay batok sa akin.


“Ah ganun ba, sori”


Buti na lang barkada ko yun. Hehehe. Dapat pala gayahin ko yung istayl ng nanay ko pagpyesta sa amin. Ginagawa nya, inililista nya kung ano ang binigay ng bisita para kung magreregalo sya hindi nya maibigay ang mga ineregalo sa amin. Minsan din hinahangin din ang utak ng nanay ko. (alam ko na kung saan ako nagmana)


Opppsss…. Tama na yan seryoso mode na ito. Well sa totoo lang hindi naman mahalaga kung ano ang regalo ng isang tao ang mahalaga eh kung bukas ba sa loob nya ang pagbibigay. Sabi nga nila “it better to give than to receive”, kung sino ang nagsabi alam nya na kung magbibigay ka makakatanggap ka rin naman, maaring kaligayahan kasi nakita mong naging Masaya ang kapwa mo, o kasiyahan kasi naibahagi mo sa iba ang mga biyaya mo.


Maraming mga bagay na hindi maaring bilhin ng pera, kaya kung magreregalo tayo, isama natin ang bahagi ng sarili natin sa regalo natin. Masarap makatanggap ng regalo pero mas lalong masarap sa pakiramdam kung yung taong pinagbigyan mo ay masayang Masaya dahil sa ibinahagi mo sa kanya. Hindi nasusukat ang halaga ng regalo sa presyo nito, nasusukat ito kung gaano karaming pagmamahal ang inilagay mo kasama ng mga regalo mo.


Ngayong pasko gawin natin maging makabuluhan ang bawat regalo natin, ito ang araw ng pagbibigayan, at magandang ibigay mo ang sarili mo sa iba, tulad ng Panginoon natin ibinigay Nya ang Kanyang sarili ng buong buo para sa atin kaya tayo may Pasko ngayon.


Iyan lamang po at maraming Salamat, Merry Christmas at Happy New Year.

Sunday, November 29, 2009

Happy Birthday Yanie

Dahil bertday ng aking kalabtim na si Yanie, gusto ko sanang handugan sya ng isang napakagandang bidyo, na ikakatutuwa nya sa araw ng kanyang birthday! Sana magustuhan nya ang bidyo na ito.

Ito ay kinatatampukan ng aking mga kaibigan sa Blogosphere na sina Jepoy, Xprosiac, Glentot, at Jag. Nga pala sorry mga parekoy ginamit ko ang inyong napakagwapong mga piktyurs, sige na pagbigyan nyo na ako ito na rin ang bday gift natin sa aking ka-labtim! Mababait naman kayo kaya pagpapalain kayo ni Papa Jesas. Libre ko na lang kayo pag nagkita tayo! Sensya na uli!heheh For the sake of fun lang!hehhe

Heto na ang bidyo sana magustuhan mo YANIE. HAPPY HAPPY BIRTHDAY ULI!!!!!



Try JibJab Sendables® eCards today!




Heto ang link pag hindi gumana

PINDUTIN MO ITO SABI EH!!!!!!!

P.S

Ano pwede na tayong mag-artista mga Pre??hehehe

Wednesday, November 25, 2009

COMMENTATOR




Bukas, bakasyon namin ng isang linggo dahil holiday dito sa Saudi. At isang linggo kong bubulukin ang aking mga mata sa tulog, magsasawa sa pelikula, pabubundatin ko ang tiyan sa kain at magpapalaki ng betlog (at yung katabi nun). Pero bago ako magbakasyon gusto ko magpauso. Anong pauso, ganito ang post ko na ito ay extended version ng mga comment ko sa mga top commentators ko dito sa aking blogsites (2 sya pero ito ang main ko).


Kumbaga ito na rin ang paraan ko sa pasasalamat sa patuloy na pagbasa ng aking mga sulatin. Minsan iniisp ko lang na baka kaya kayo nagcocomment sa blog ko eh dahil nagcocomment ako sa blog nyo! Hahhaa! Kumbaga gantihan lang ba!Pero ang totoo nyan hindi naman lahat ng nagcocomment sa blog ko ay inaadd ko sa blogroll ko! Ina-assess ko muna yun kung okay yung blog o hindi! Hindi lang basta add lang ng add. At kung magcomment naman ako ginagamit ko naman yung leftside ng utak ko!Ibig sabihin eh nag-iisip talaga ako sa icocomment ko sa inyo at binbasa ko talaga ang post nyo.



Ang mga sumusunod ay ang mga commentator na hindi nawawala sa aking comment box kung may bago akong entry.



ACTIVE COMMENTATOR (no particular order)



1. Jepoy – Hindi ka ba nagtataka bakit “ponkan” ang tawag ko sa iyo?Dahil paborito ko ang ponkan at kyut ang ponkan. Pero wala naman itong kinalaman kung bakit “nagsasalitang ponkan” ang tawag ko sa iyo. Wala lang trip ko lang tawagin kang ganun!Peace man!

2. Glentot – Pre ang puso ang puso! Hehee, parang kilala ko yung si Idiot #1. Pre alam kong matalino kang blogger (walang halong biro yun) at gwapo din (iyon nagbibiro na ako!). May mga tao talagang mahilig mamburaot at dalawa dun ay nasabi mo na sa blog mo!hehhe! Kaya wag na lang pansinin, nagpapansin lang yun sa iyo sikat ka na kasi!

3. Kosa Pogi- Bakit ka ba EMO ngayon?Siguro nakasinghot ka na naman ng katol na nasa box pa!Wag ganun be Happy ……. Jollibee

4. Xprosiac- Pre hinay hinay lang sa paglamon! Parang puro kain ang inaatupag mo ngayon, hindi ka naman namimigay! Pwede bang ipabalot mo ako ng crispy pata saka morcon,embutido, menudo, afritada at menudo (Fiesta??)

5. Al Kapon – Pre bakit parang iisa tayo ng iniisip…..puro kabastusan? Ibig kayang sabihin nun MALI………... malinaw lang ang mata natin. Bait mo pre ( may halong kaplastikan!Lol)

6. Lord CM- gusto ko sanang magsend sa iyo ng piktyur na nakaSMILE ako, kaso imbes na mapa-smile ang makakita baka sumakit lang ang tiyan nila kakatawa o baka ma-usog sa hindi magandang pangitain!

7. Pope – NOON DAW: Ang mga pera may mga bayani, NGAYON: Ang mga bayani may pera!! (naisip ko lang, pwedeng gawing bisnes yan ah)

8. Jag- Pre mukhang hindi mo sinunod ang payo ko, mukhang may sakit ka pa! Sabi ko sa iyo uminom ka ng Royal saka aspilet na kulay dilaw, tanggal ang lagnat mo.

9. Super Jaid- Alam mo sa tuwing nakikita ko si Efren, naiisip ko…………pareho pala kaming mabait. (bakit parang walang naniniwala)

10. Kox- Ayan bagong sem na uli! At tandaan mo ang payo kong ito….. HONESTY IS THE BEST POLICY (wala akong maisip na payo eh!Sori)

11. Scofield – What are 3 things that make me smile? Sagot ko. 1.PERA 2.Maraming pera 3. Nasabi ko na ba na PERA (joke lang) Seryus 1. Family 2. My niece 3. Mga comment sa aking blog

12. Noel- Pareng Noel “EID MUBARAK!!!” Libre mo naman ako dyan sa Jeddah

13. Dhianz- Tama na ang pagiging EMO, ngite ka naman kasi di ka naman bunge!hehehe!Miss kita ah!

14. Iyakhin –Umiiyak ka ba ngayon?Bat parang hindi kita nakikita lately!heheh


15. Nightcrawler –Use guava and Ice buko in a sentence? ICE BUKO, masa-GUAVA (transleyson :Ayos ba buhok ko, masagwa ba?) Bagong gupit ka kasi eh!Paberger ka naman!

16. Azel – Alam kong busy ka ngayon kaya sige okay lang, saka ka na comment!

17. Yanie- Halimaw ka! Yun lang! sweet ko di ba?Heypi bday nga pala! Akala ko hindi nagbebertdey ang mga ALIEN?? (halimaw na alien pa!whahah)

DI GAANONG ACTIVE MAGCOMMENT (Sila naman yung talagang napadaan lang at medyo busing busy sa pictorial at sa taping)



1. Kablogie-magresign ka na dyan at magfulltime blogger ka na lang!
2. Gillboard- Medyo busy siguro sa taping
3. Scud – Busy naman sa mga guesting
4. Mr. Panguyab – Drowing ka pre! Drowing!
5. Chie- Pre san ka ba nagsusuot?Hindi kita mahagilap!
6. Manik Makina- Busy sa photoshoot!
7. Ate France- para makabawi ka , uwian mo na lang ako ng toblerone
8. Mulong – Wer na u?
9. Yanah- D2 na me!
10. Wait (john) – pre di ka nagpaparamdam, buti pa ang multo!hehehe
11. Pamatay Homesick – pre mukhang nagka-amnesia ka ata!
12. Gasdude- mukhang natabunan ka na ng gasoline dyan pre
13. Anthony – pre kamusta na tagal ng walang balita ah!
14. Kheed- Ikaw din kamusta na?
15. Klet-Bat di ka na ngungulet?
16. Lady in Advance- Nawawala ka rin?

Basta kahit ano ka man active o hindi gaanong active ang masasabi ko lang ay MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG PAGDALAW SA AKING MUNTING KWARTO!


Mahal na mahal ko kayo! (Plastic!)


Ingat palagi mga KAUTAK!



P.S


Sa mga hindi nabanggit pasensya na!Ibig sabihin nun hindi ka nagcocomment sa blog ko!hehhehe

Salamat din nga pala kay Roanne sa bigay nyang badge sa akin!Tenk yu!


Saturday, November 21, 2009

HUMORSCOPE



Sagittarius (Tikbalang o kabayong Potro)


Iwasan ang paggastos kasi baon baon ka na sa utang, aba kapal peys ka pang utang ng utang.


Paalala: Ang credit card ay binabayaran din, kaya wag mong isipin na libre ang mga pinamili mo pag gumamit ka ng credit card


Lucky Colors: White (paghinahabol ka ng pinagkakautangan mo gamitin mo ito para ka sumuko)


Lucky Number: 9 (pag nanalo ka sa lucky 9, ipambayad mo na ng utang)


Capricorn (Ang sirenang kambing)


Mahuhuli ka ng misis mo na nangangaliwa ka, okay lang sana kung si Mare ang tinangay mo eh kaso si PARE pala ang kinakasama at kinakalantari mo ngayon.


Lucky Color: FUSYA, este FUSHHHSIYA, mali este FUSSSSHIYA, naku RED na lang


Lucky Number: 11 (uhmmmm, kasi espadahan)



Aquarius (NAWASA)


May good new at bad news ako sa iyo;


GOOD NEWS: Makapag-abroad ka na rin sa wakas, dahil ito ang matagal mo ng pinapangarap


BAD NEWS: Kaso makalipas ng 5 araw babalik ka ulit sa Pilipinas, recession kasi ngayon kaya nagsara yung pabrikang pinapasukan mo


Lucky Color: Brown (kulay yan ng kamote, simulan mo ng magtanim kasi wala ka ng trabaho)


Lucky Number: 5 and 6 (ang taong gipit sa payb siks lumalapit)



Pisces(ang sign ni NEMO)


Maswerte ka kasi makakapag-asawa ka ng mabait , mayaman at gwapo. Kaso yun nga lang sya naman ang minalas kasi ikaw ang napapangasawa nya.


Lucky Color: Black (kasi hanggat bulag sya sulitin mo na)


Lucky Number: 0 (zero, as in wala akong maisip kung bakit swerte yan sa iyo)


Aries (Kalderetang Kambing)


Tatama ka sa Lotto ng tatlumpung milyon, pagkatapos mapropromote ka pa sa trabaho at magiging mabait sa iyo ng misis mo. Kaso bigla ka na lang magigising at malalaman mong panaginip lang pala ang lahat.


Lucky Color: Yellow (Yellow, sino po sila?)


Lucky Number: 8 ( walong stars ang makikita mo kung hindi ka pa rin makakakita ng trabaho)


Taurus (Argentina Corned beef))


Magiging maganda ang araw mo ngayon, yun nga lang magiging maulan pala at hindi sisikat ang araw kaya Pangit pala mangyayari para sa iyo ngayon. Sorry!!!


Lucky Color: Kulay Tae (pangalan pa lang mukhang maswerte na!!)


Lucky Number: 7 (pitong araw uulan kaya wag ng umaasang maganda ang linggo mo)



Gemini (Kambal tuko)


Magtatalon ka sa sobrang tuwa kasi magkakaroon ka na ng baby at kambal pa, kaso bigla ka na lang magagalit kasi BAOG ka nga pala


Lucky Color: Blue (kasi mangangasul sa pasa ang asawa mo kung magkataon)


Lucky Number: 2 (kambal kasi ang anak mo eh, eh sorry baog ka nga pala)



Cancer ( pinakawawang sign kasi may sakit agad)


Iwasan magagalit ngayon kasi baka atakahin ka sa puso, kaya panatiliing laging kalmado. Oo nga pala yung asawa mo sumama na sa ibang lalaki, tapos yung anak mong dalaga buntis at yung paborito mong sapatos ningatngat pala ni bantay.

Lucky Color: Violet (kasi mukhang ibuburol ka na sa natuklasan mo)


Lucky number: 3 (wala lang bigla ko lang naisip ang number na yan)


Leo (Pusang pampalaman sa siopao)


Matutuwa ka kasi nagpa-tattoo sa braso ang anak mong si Junior na pinagdududahang bading, kaso magugulat ka nalang kasi si HELLO KITTY pala ang design ng tattoo nya. Dahil dito it’s CONFIRM!!


Lucky Color: FINK (may lambing sa dulo)


Lucky Number: 10 (mahilig kasi sa unat at bilog)


Virgo (ang sign ni Madonna “like a virgin, touched for the fifty first time”)


Isang pangyayari ang hindi mo inaasahan na mangyayari sa iyo. Pag utot mo nagulat ka na lang na parang nabasa ang underwear mo, at pagsilip mo, nakikita mo may kulay brown (yaks, pururot)


Lucky Color: Red and Yellow (Kulay ng Jollibee at ng McDo, dyan ka tatae pag emergency)


Lucky Number: 1, 2, 3, sabay ire.



Libra (kilohan)


Pupurihin ka ng teacher mo kasi nakarami ka ng yema sa klase. At dahil komo paninda nya yun may plus 5 ka sa periodical exam mo. Bukas maghanda sa isang mahalagang project uli ng teacher, mabuti mag-ipon sapagkat tocino at longanisa naman ang ititinda nya.


Lucky Color: Red uli (kulay ng longanisa at tocino)


Lucky number: 5 (laging iyan ang plus mo)


Scorpio (da best na sign)


Magiging maswerte ka sa buong taon,yayaman ka at pinakagigiliwan ka ng lahat ng tao. Isinilang kang mabait, masipag at higit sa lahat cute


Lucky Color: lahat ng kulay maswerte sa iyo


Lucky Number: lahat ng number maswerte din


Hahaha, wala pakialamanan eh birth sign ko yan eh!!Eh kung inggit ka, e di gumawa ka ng sarili mo!heheheh

Monday, November 16, 2009

PACQUIAO FEVER (ISANG PAGTINGIN)



Marami sa atin na isang bayaning maituturing si Pacquiao, ang tanong ko bakit?


Marami ang nagsabi na nagbigay karangalan si Pacquiao sa lahing Pilipino, ang tanong ko paano?


Marami ang nagsasabi na dahil kay Pacquiao nagkaisa ang mga Pilipino, ang tanong ko sa saan at sa paanong paraan?


Hayan may “Pacquiao Fever” na naman, at inaasahan ko na talagang sobrang garbo ng pagsalubong ang gagawin sa kanya ng gobyerno at maging nating mga Pilipino.


Bayani nga ba si Pacquiao?Bakit? Dahil ba nagkaroon na sya ng pitong titulo sa kanyang pangalan? Dahil ba mayroon siyang sinturon na puro diamante at ginto? Dahil ba sya ang kauna-unahang Asyanong umabot sa ganong estado? Paano sya naging bayani?


Hindi naman sya nakipaglaban sa kahirapan at hindi rin nya tinalo ang katiwalian. Hindi rin nya pinagtanggol ang bayan sa mga nang-aapi sa ating lahi. Kaya paanong naging bayani sya? Hindi ba “overstatement”na nakikipaglaban sya para sa bansang Pilipinas. Sino ba ang nasa likod ng laban ni Pacquiao?Sino ba ang nag-aayos ng lahat ng laban nya? Mga Pilipino ba?Hindi, kundi ang mga Amerikanong negosyo ang turing sa pagboboksing. Negosyo ito at sila lang ang yumayaman dito at hindi tayong mga Pilipino. Kung sakaling ibibigay ni Manny ang premyo nya sa mga biktima ng bagyo at landslide, iyon masasabi kong lumalaban sya para sa mga Pilipino at para sa bansa. Pero hindi naman eh!Alisin kaya ang premyo, lalaban pa kaya sya para sa bayan?
Marami ang nagsasabi na nagbigay karangalan si Pacquaio sa lahing Pilipino?Paano? Karangalan bang maituturing para sa milyon milyong Pilipino ang pabagsakin nya ang kalabang Mehikano, Amerikano, Briton at kung ano ano pang lahi, samantalang ang kahirapan sa Pilipinas ay hindi naman natin mapabagsak?Sports lang yan at hindi sa sports sinisukat ang kagalingan o kaunlaran ng isang bansa.


Noong tinanong ko ang mga Manager kong Briton, Indiyano, Arabo, at kung ano ano pang lahi, kung kilala nila si Pacquiao, sagot nila sa akin “We are not interested in boxing!!”. Ibig bang sabihin nun na marami din ang walang pakialam sa pagkakapanalo ni Pacquiao. Tinanong ko rin ang boss kong mahilig naman sa boksing sabi nya” Yeah, Pacquiao is the best boxer in the World” . Sabi nya si Pacquiao at hindi naman nya sinabing “Filipinos are great or Filipinos are the best in World” . Kaya sa kanya ang kredito at hindi sa mga Pilipino. Maari ring dahil kay Freddie Roach hindi ba?


Pwede ba nating maipagmamalaki sa buong mundo na tayo ay bansa ng mga boksingero? O mas higit tayong matutuwa kung tayo ang bansa ng mga displinado at magagaling. Bansa tayo ng mga matatalino at mas malasakit sa kapwa.


Nakakahiyang isipin na kung minsan ibang bansa pa ang kumilala sa galing at talino ng ating kababayan. Samantala sa atin tila walang pumapansin sa kanila. Hindi ba mas nauna pang kilalanin ng CNN o ng dayuhang mamahayag ang kababayan nating si Efren Penaflorida na isang bayani ng mahihirap. Wala naman nagbibigay ng tulong sa kanila eh at lalong walang kumikilala sa ginagawa nya sa sarili nyang bansa. Siguro kung naging boksingero sya baka sakaling kilalanin ang galing nya.


Marami ang nagsasabi na pinagkaisa ni Pacquiao ang mga Pilipino?Saan at paano? Pinagkaisa sa panonood ng TV. Ibig din bang sabihin nito na pinagkaisa ni Santino at Darna ang mga Pilipino dahil marami ang nanonood sa kanila?Paano pinagkaisa ni Pacquiao ang mga Pilipino?Dahil ba walang gaanong krimen na nagaganap sa mga oras na yun?Pagkakaisa ba yun o dahil abala lang sila sa panonood?


Kung magkaganun man, at sinasabing pinagkaisa ni Pacquiao ang mg Pilipino, maari nya kayang pagkaisahin ang mga Pilipino para labanan ang katiwalian at kahirapan. Tutal bayani naman syang itinuturing baka pwede nyang gawin yun para sa ating bayan.
Kung nagawa nyang patigilan ng isang oras ang mga magnanakaw at masasamang loob, maari rin nya kayang patigilin ang mga pulitiko sa pangungurakot o di kaya pigilan silang magdidikit sa kanya para sa kanilang ambisyon sa susunod na eleksyon?


Paano kaya kung may isang Pilipinong makatuklas ng gamot laban sa Aids o Cancer?Ganun ding kayang parangal ang makukuha nya tulad ni Manny?O baka ibang bansa pa ang makinabang sa kanyang natuklasan dahil ayaw syang tulungan ng gobyerno natin. Paano kung may isang Pilipinong pilit na nilalabanan ang katiwalian?Papalakpakan kaya sya at bibigyan ng medalya?O baka dudukutin sya at papatayin na lang?


Paano kung may mga Pilipino sinusubukang iaangat ang pamumuhay ng kapwa nya Pilipino at sinusubukang ibsan ang kagutuman at kahirapan sa Pilipinas?Paparangalan kaya sya ng mga kapwa Pilipino o di kaya’y sasalubungin ng confetti at pagbati? O baka hindi sya tutulungan at hayaan na lang syang mag-isa sa kanyang adhikain.


Maari kayang nagiging “icon” na lang si Manny, tulad ni Michael Jackson at hindi talaga totoong bayani?O maari kaya nagiging simbolo lang sya ng “pag-asa” ng ating mga kababayan, na baka isang araw ma-knockout nya ang kahirapan ng Pilipinas. Pero kung magkaganun man, hindi kaya kadesperaduhan na ito sa ating sitwasyon?Umaasa tayo sa wala. O maari nga kaya na ginagawa lang magarbo at malaki ang kanyang pagkakapanalo para makisakay ang pulitiko o gobyerno dahil malapit na ang eleksyon? Ano nga kaya?


Ako kung tatanungin nyo hanga ako kay Manny kasi magaling talaga syang boksingero. Tulad ng tatay kong No.1 Fan nya, ako rin ay hindi ko pinapalampas ang lahat ng laban nya sa ring. Maraming tao ang humahanga sa bilis nya sa ring at lakas ng mga suntok nya. Subalit pagkatapos ng laban at pagkadeklera kung sino nanalo, ay pinapatay ko na ang TV at itituloy ko nang muli ang aking gawain. Tapos na ang palabas kaya tapos na para sa akin ang lahat. Dapat hindi na ito mauwi sa circus at lalong hindi na dapat mapunta sa kung saan-saan pa .


Tandaan natin sa paglipas ng panahon, maraming bagong magagaling na boksingero ang lilitaw. Maaring Pilipino o maaring ibang lahi naman. Maaring my bumawi ng titulong ito kay Manny at lalong maaring may mas gagaling pa sa kanya. Kung naging bahagi sya ng kasaysayan sa larangan ng boksing, aalahanin natin na ang lahat din ay mababaon din sa limot. Subalit ang kahirapan sa Pilipinas ay tila hindi natin kayang ibaon sa limot at ilagay sa kasaysayan.

Marami pang dapat pagtuunan ng pansin. Marami pang dapat harapin maliban sa boksing. Sana mas bigyan ng importansya ang kalalagayan ng ating bansa. Sana mas bigyan halaga ang nakakarami kaya sa iilan. At sana mas parangalan natin ang totoong mga bayani. Unahin ang dapat unahin, bigyan ang dapat bigyan. Tingnan ang dapat tingnan.Magbigay ng sapat at nararapat na pagkilala at huwag ang sobra sobra.


Para sa iyo Manny Pacquiao, akoy lubos na humahanga sa iyo bilang boksingero at binabati kita sa iyong pagkapanalo. Sana marami ka pang mauwing tropeo. At sa ating mga Pilipino sana gumising na tayo!

Iyon lamang po at maraming salamat.


DISCLAIMER:

Ito ay aking pansariling kuro-kuro. Ang mga nabanggit ay aking sariling opinion.

Saturday, November 14, 2009

Are you a loser?



Ayaw ko ng pakiramdam ng natatalo at ayaw ko rin ng pakiramdam ng nanalo. Hindi ako mahilig sa kumpetisyon at ayaw ko rin ng sports. Basta ayaw ko ng natatalo kasi pikon ako, ayaw ko rin ng nanalo kasi maawain ako sa mga natalo.


Natatandaan ko noong mga bata pa ako, madalas kaming maglaro ng “PUTBOL” at lagi kong suot-suot ang aking secret weapon ………ang makapal kong tsinelas na RAMBO. Syempre kariran kung kariran kahit mapilayan ako sige lang manalo lang.


Madalas kaming matalo dahil madudupang ang mga kalaro kong mukhang mga tiyanak. Aba! pisikalan na talaga at nanakit. Kaya hayun umuwi kaming talunan at pikon. Madalas akong manisi kung sino ang may sala at madalas din akong sisihin dahil hindi ko masipa ng malayo yung bola. Madalas kaming tutuksuhin na “ LOSER LOSER LOSER!!” kaya bago pa napauso ni Angelina ang salitang yan, nauna na ang mga tyanak kong kaklase.


Kaya madalas sinusunggaban ko sila ng suntok pero wala din, ako din ang talo at laging bugbog sarado. Lagi naming sinasabi na babawi kami, pero sa huli talo pa rin kami dahil…….. puro bago ang tsinelas nila at inuulan kami ng balya ng mga kalaro ko.

Noong ako’y nag-aaral pa, lagi naman din akong napanlalaban sa klase namin. Awa naman ni Papa Jesas, nanalo naman ako (dahil sa daya) dahil sa aking angking kagalingan. At iba talaga ang pakiramdam ng nanalo, para kang nangungulangot lang ,saka mo bibilugin at ipipitik sa iyong katabi. Ganun ang feeling, nakakaluwag ng hininga. Pero sa kabilang banda naman kapag nakikita ko nang umiiyak ang mga katunggali kong natalo, para bang gusto ko na lang ibigay sa kanya ang aking medalya at kapalit ko na lang ng isang dangkal na teks at isang bungkos na goma.


Pikon ako pag natatalo, at halos hindi ako makatulog sa sobrang inis. Naalala ko pa noong minsan natalo ako sa tatsing ng mga balat ng sigarilyo, hindi ko pinansin ng isang buong taon yung kalaro kong tumalo sa akin. Basta namumula at umiinit ang tenga ko sa sobrang inis ko sa kanya. Gustong gusto kong gumanti at pakainin sya ng lupa pero hindi pwede yun kasi lagot ako sa nanay nya. Pero naalala ko rin na nung minsan namang kinarir ko ang paghoholen at ubusin ang holen nya, binalik ko din sa kanya at sinabing kwits na lang tayo. Kasi nakita kong tumulo na ang sipon nyang green na green at nakakain na nya ito. Naawa naman ako.


Kaya mula noon ayaw ko ng sumali sa isang kumpetisyon, kung sasali man ako hindi ko kakaririn. Kung manalo okay lang at kung matalo okay lang din. Wala ng dibdiban at wala na rin kariran. Ibibigay ko pa rin ang best o isangdaan porsyento ko pero hindi ako mageexpect kung mananalo o matatalo man ako. Basta kung iacknowledge nila, maraming salamat pero kung hindi tenk u pa rin.


Ngayon, nagbago ang persepyon ko sa kumpetisyon. Sabi nga nila “Winning isn’t everything” hindi ibig sabihin na kapag nanalo ka magaling o matalino ka na, at hindi rin ibig sabihin na kapag natalo ka, titigil na ang mundo mo sa pag-ikot. Ang pagkapanalo at pagkatalo ay magkapareho lang………ito ay para magbigay motibasyon pa sa iyo sa buhay.


Its not whether you win or lose, its how you play the game”.Marami kasi sa atin na gagawin ang lahat manalo lang, sa madumi at pangit mang paraan. Pero ang tamis ng tagumpay ay hindi makukuha ng pilit. Katulad ng sa mangga mas masarap ang hilaw na mangga kaysa sa manggang hinog sa pilit dahil mapakla ito sa kabuuan.


Being a winner, it’s not all about winning”. Ang pagkabigo ay pwede ring maging katagumpayan. Kung paano mo nabago ang sarili mo mula sa pagkakabigo ay isa nang katagumpayan sa buhay. Hindi ito kung gaano ka kadalas nanalo kundi kung gaano ka kadalas tumayo kung ikaw ay nadapa. Hindi ito kung gaano karaming tao ang humahanga sa iyo kundi kung gaano karaming tao ang nabigyan mo ng inspirasyon at motibasyon sa buhay.


Hindi umiikot ang buhay sa pagkapanalo, at hindi rin ito natatapos sa pagkatalo. Ang pagkapanalo at pagkatalo ay mga bahagi lang ng buhay natin. Hindi ito ang sukatan ng ating pagkatao at lalong hindi ito batayan ng KATAGUMPAYAN AT KABIGUAN SA BUHAY.

Tandaan sana natin ito, na ang pagkapanalo o pagkatalo ay nangangahulugan lamang ng isang bagay, at ito ay…………………………………………………. PANIBAGONG SIMULA.


Iyon lamang at salamat sa oras nyo kaibigan sana may napulot kayo kahit singkong duling man lang.!heheheh!

Monday, November 9, 2009

PIKTYUR GRITINGS

Weeeeeeeeeeee!!! Bertdey ko ngayon!!!

Tuwang tuwa ako sa inyo, sobra nyo akong napasaya. Nakakalaglag brief lang na marami ang nagpadala ng kanilang piktyur gritings. Aaminin ko matagal kong pinag-isipan ito kung hihingi ba ako,kasi baka mapahiya lang ako. Hindi ko nga alam kung may nagbabasa ba talaga ng blog ko, isa pa konti lang naman kayong kaibigan ko dito (kaibigan ko na kayo pwede ba?). Konti din naman kayong nasa bloglist ko kaya sobra talaga akong nagulat na talagang nagbigay kayo ng panahon para dito.

Gusto kong umiyak sa sobrang tats kung alam nyo lang. Hahahhaha!! (pwedeng pangstarstruck) At kung pwede bang puntahan ko kayo isa-isa para i-kiss at ilibre eh ginawa ko na kasi nga di ko naman inaasahan ito. Kaya maraming maraming salamat talaga!

Hindi ko kayo makakalimutan isa-isa. Ayaw ko ng patagalin ang kwento ko, saka dalawang linggo talagang di ako nagpost para dito. Basta mga ASTIGGGGGG KAYO!!! Taas ang kamay ko sa inyo!!

Kaya heto ang aking video, pagpasensyahan nyo na ha!!!


P.S Mga Kautak, iwan na rin kayo ng comment para sa bday ko!!hehehe!Salamat uli!!

Saturday, October 31, 2009

HABERDEY!!!!



November na pala bukas, grabe ang bilis talaga ng panahon. Ibig sabihin din nyan malapit na ang pasko, at higit sa lahat malapit na rin ang BERTDEY ko!



Oo tama ang iyong nabasa, hindi ako putok sa buho o isang nilalang na biglang nalang sumulpot dito sa ating planeta. Nagbebertdey din ako , kala nyo ba! Pero alam nyo mayroon akong sasabihin sa inyo. Ka-emohan mang matatawag pero alam nyo ba na kahit minsan ay hindi pa ako nakakaranas na magkaroon ng keyk sa aking bertdey. Pangarap kong umihip man lang ng kandila sa ibabaw ng aking bertdey keyk habang nakapikit at nagwiwish. Pero talagang wala eh, gusto ko sanang regaluhan ang sarili ko nito pero naisip ko..parang niloloko ko lang ang sarili ko. Mongoloid??


Umabot ako sa ganitong edad na hindi ko man lang nararanasan ang ganyan, at isang beses lang ako pinaghanda ng aking magulang sa aking berdey (palabok at tinapay lang ang handa ko, tinipid pa ang rekado at palaman ng tinapay ko). At ang hindi ko pa makakalimutan ay noong pinaalalahan ko ang aking tatay na magsisimba ako kinabukasan kasi bertdey ko, kaya gisingin nya ako ng maaga. Pero hayun hindi ako ginising at nagsimba sila. Pagdating sa bahay nagulat pa sila kung bakit maaga akong nagising! Sabi ko wala ba kayong naalala?Sabi nila…uhmmm wala bakit may ano ba? Akala ko ginugudtaym lang nila ako, pero yun pala totoong nakalimutan nila na bertdey ko at nakalimutan nilang gisingin ako ng maaga para magsimba. Hayun natampo talaga ako dahil para namang wala akong kwenta at silbi. Minsan lang sa isang taon ako bebertdey at misan lang din ako magsisimba, nakalimutan pa nila. Lahat ng kapatid ko ginigising nila pag bertdey nila, may bati pa yun samantalang ako wala lang.. Alam ko namang lab na lab nila ako pero yun nga lang lagi ko pa ring naalala ang pangyayaring iyon kapag sasapit na bertdey ko.


Kakaunti lang ang bumabati kapag bertdey ko dahil halos hindi ko na naman kasi pinapahalata na bertdey ko. Hindi ako nagsuuot ng pula, at lalong hindi ako ngumingiti bawat oras kapag bertdey ko. Parang ordinaryong araw lang, at tanging mga malalapit na tao lang sa buhay ko ang nakakaalam nito. Kaya sobrang tats na tats ako kapag binabati nila ako, kahit na minsan forwarded messages lang yun kasi ibang pangalan ang nakasulat imbes na pangalan ko. Pero okay lang!


Dati noong estudyante pa ako, ayaw kong pumasok kapag bertdey ko kasi ayaw kong maging “center of attention”nila. Ibig sabihin nun ayaw kong lagi nila akong kantyawan na kailangan lagi akong maging mabait sa kanila at kailangang ilibre ko sila. Ano sila sinuswerte,sino ako, si Santa Claus? Kaya mas maiging pang umabsent na lang at manood ng Sesame’s Street sa bahay. Dahil pagkatapos ng bertdey ko, wala lang nakalimutan na nila.


Sobrang natatats din ako kapag may nagreregalo sa akin. Minsan lang ako regaluhan at madalas pang brief saka panyo at regalo nila sa akin.Yung brief extra large pa ang size, eh wala naman akong luslos! Hindi ko alam kug bakit brief at panyo ang regalo nila siguro dahil nakikita nila parang bacon ang garter ng brief ko, o di kaya nakikita nilang tumutulo ang sipon kong green na green. O baka dahil mura lang yun at ito rin ang regalong hindi nangangailangan ng sobrang pag-iisip. Sabagay sino ba naman ako para regaluhan? Pero ano pa mang regalo yun tats na tas ako.
Nga pala November 10 ang bertdey ko, ngayon kung gusto nyo akong bigyan ng “picture greetings” maraming maraming salamat, paki padala nyo na lang dito: drake_kula@yahoo.com. Ayaw kong magmakaawa pero kung pinadalhan mo ako n picture greeting ibig sabihin nun labs mo ako,kaya labs na rin kita!Pakiss nga! Pero sabi ko nga ulit, sino ba naman ako para bigyan ng picture greeting?Asa pa!


Konti lang kayong kaibigan ko dito sa blosphere, kaya hindi naman ako nageexpect na marami ang magbibigay ng picture greetings, pero sa mga babati eh hindi nyo lang alam kung gaano ako magiging masaya kahit dalawa lang kayo o tatlo. Hindi naman ako naiingit kay Jepoy, kasi marami naman talagang kaibigan ang nagsasalitang ponkan na yun (peace man) . Masaya na akong may bumabati sa akin, at sa mga hindi babati sa akin, next year magbebertdey kayo at sana maging last bertdey nyo yun este sana magkaroon pa kayo ng maraming marami pang bertdey!Babatiin ko kayo pramis!Hidni naman ako gumaganti.hehhee!


Emo ako ngayon dahil madadagdagan na naman ang edad ko! Salamat sa pagbasa.


Ingat

Sunday, October 25, 2009

CHILDHOOD STAGE

Habang ako ay nagbobrowse ng aking mga files kanina, eh meron isang file dun ang talaga namang umagaw ng aking atensyon. Medyo syempre nung nakita ko yun natawa at talagang tinitigan ko sya ng matagal.


Nangingig ang aking laman noong makita ko ito, ito ang pagkakyut kyut na piktyur ko nung bata. DYARAN…..

Noong mga panahon na yan bungal ako dahil mahilig akong kumain noon ng TIRA-TIRA at MIKMIK.Maitim din at puro kuto pa ako, dahil gusto kong magbabad sa araw.
At medyo dahil sa pagmumukha na yan sari-saring mga panlalait ang inabot ko sa mga tao. Isa na dyan ang kumare ng nanay ko.

Kumare ng Nanay ko: Anak mo ba ito?Bat parang kakaiba sa mga kapatid nya?Ahhh mare kaya nyo pala itinigil ang pag-aanak ni pare kasi panget na ang susunod!hahahaha

Yan ang sabi ng kumare ng nanay kong mukhang mangkukulam, parang sinabi nyang dahil panget na “genes” ng nanay eh kailangan na nilang tumigil sa pag-aanak ( Noong mga panahon na yun gusto ko sanang salaksalin ng sandok ang ngala-ngala nya!).

Isa pa, ito naman ang sabi ng kaibigan ng kuya ko:

Kaibigan ni Kuya: Bro, kung ano ang ikina-gwapo mo eh sya namang ikinapanget ng kapatid mo! Whahahah

Iyan naman ang sinabi ng kaibigan ng kuya kong kamukha ni BABALU. (eh kung sunugin ko kaya ang baba nya at gawin kong barbeque!)

Heto pa kamo, hindi rin ako nakalusot sa nagbabagang dila ng mga kaklase ko

Kaklase ko: Alam mo sa inyong magkakapatid, ikaw ang PINAKALATAK (sa ingles impurity)
Kamusta naman yun? Wow !dumadagundong sa tenga! Sarap tampyasin ang mga dila at ipakain sa buwaya!

Basta marami pa yan, at ikukuwento ko sa inyo sa mga susunod na araw. Kaya tuloy lumaki akong mahiyain (daw), at dala na rin siguro ng mga panlalait na yan, kaya heto hukot ako!(dahil lagi akong nakayuko). Kulang sa kumpansya sa sarili, at pakiramdam ay laging pinagtatawanan ng mga tao. Basta ang laki ng naging epekto ng mga panlalait na yan sa aking makulay na”childhood”.Kaya ano ang aking panlaban………....tenen………… magyabang!!!

Okay buti na lang at medyo lumaki, tumangkad at ……………….bumait (sige pwede na rin yung gumwapo). Yun nga lang kahit na puri-purihin ako, hindi ko pa rin maramdaman! Dahil talaga malaki ang naging epekto nito sa aking buhay sa ngayon.

Kaya minsan kahit pinipilit na nila akong mag-artista, ayaw ko talaga!(hahahha!).Minsan naman halos kaladkarin na nila akong sumali sa Ginoong Bulacan,ayaw ko pa rin! (KAPALPEYS!!) Ayaw ko, kasi nga pakiramdam ko may sisigaw sa mga manonood ng “Bakit sumali yan, eh kay panget panget naman nyan!!”. Eh baka hindi ako makapagpigil eh hagisan ko ng dinamita ang bunganga nya!Hehhehe

Oo nga pala, alam nyo ba na ayon sa pag-aaral ng mga sikolohista (psychologist) na pinakamahalaga sa buhay ng tao ay ang kanyang “childhood stage” (edad 1-12). Dahil dito nanggagaling kung anong ugali meron tayo sa ating pagtanda. Malaki ang epekto ng ating pagkabata sa buhay natin ngayon. Kaya tingnan nyo yung mga inaabusong kabataan, lumalaki din tuloy silang nanakit din. Ang mga batang spoiled brat sila naman yung nagiging mga mainipin at magagalitin.
At natatandaan nyo pa ba ang Marshmallow Test?( ngayon kung hindi pa,pakisearch na lang!)Basta ganito yung resulta, ang mga batang sumunod sa instruction na wag kainin ang marshmallow agad ay sila yung mas naging matagumpay sa buhay noong lumaki na sila kaysa sa mga batang kinain agad yung marshmallow at hindi sumunod sa instruction. Ganun yun!

Kaya mahalaga talaga ang childhood stage dahil ito ang magsasabi kung anong klaseng tao tayo ngayon. Kaya tandaan natin mahalaga ang pagkabata, at sa anak o magiging anak natin, ingatan natin ang kanilang pagkabata at kamusmusan. Dahil ito ang pinakakritikal na estado ng buhay ng isang tao. NAKS MEGANUN!. Sabi ko sa inyo may mapupulot rin kayong aral sa blog ko!hahahah

P.S

Sa tuwing pinapakita ko yung piktyur ko na yan nung bata pa ako, walang naniniwala na AKO yun (akala kasi nila si Rene Requiestas yun nung bata, sumalangit nawa ang kaluluwa nya). Walang kabakas bakas na ganun daw ang hitsura ko noon dahil ngayon ang kamukha ko daw ay si Piolo Pascual (after the accident and head injury)hahahha! Ayaw nyong maniwala pwet este pwes paki click lang ITO

Saturday, October 17, 2009

Magbigay ng Tatlong Bagay..............



Mayroon akong naimbentong laro, na kung saan magbibigay ako ng tatlong bagay na maiisip ko sa bawat kategorya. At ito ang unang tatlong bagay na naiisip ko!

Magbigay ng tatlong bagay na makikita sa bubong


1. Antenna
2. Gulong
3. Cristine Reyes


Magbigay ng tatlong bagay na masarap gawin habang nakapikit

1. Matulog
2. Pitik bulag
3. Kamutin ang betlog


Magbigay ng tatlong bagay na ikagagalit ng mga babae


1. Sabihang tumataba sya
2. Sabihang mataba sya
3. Sabihang balyena


Magbigay ng tatlong bagay na ikagagalit ng lalaki


1. Duwag
2. Supot
3. Liit Titi


Magbigay ng tatlong bagay na mabaho pero masarap


1. Bagoong
2. Durian
3. Yung kwan (basta yung kwan)


Magbigay ng tatlong bagay na hindi mo pwedeng gawin kapag nagdedeyt

1. Pagbayarin ang ka-deyt
2. Dighayan ang ka-dyet
3. Mangulangot saka ipinitik sa kadeyt


Magbigay ng tatlong bagay na sasabihin mo pag nautot ka sa public place


1. Excuse me
2. Sorry tumunog ang cellphone ko
3. Syet! Mamatay na umutot!


Magbigay ng tatlong paaralan na sasabihan mo pag tinanong ka kung saan ka nag-aaral

1. Sa State po…….State Univeristy
2. UK po……….. Unibersidad ng Kalookan
3. Sa PARIS po……… PARIS-TERN University malapit sa Morayta


Magbibigay ng tatlong gulay na maputi


1. PUTITO (Potato)
2. MAS PUTITO ( Mashed potato)
3. Ang pinakapinuno sa pinakamaputi …….PUTITO CHIEFS ( Potato Chips)


Magbigay ng tatlong gulay na hindi kinakain


1. Kamote……. na puro ulalo
2. Ampalaya……… na may lason
3. Kamatis .………. na bulok

Magbigay ng tatlong bagay na nagpapatunay na gwapo ka


1. Gagawa ng blog na ang title “magbigay ng tatlong bagay”
2. Drake ang pangalan
3. May blog na ang title ay UTAK NI DRAKE

Ganda ng laro ko grabe!Pwedeng gawing PAMBANSANG LARO ng Pilipinas!


ingat!

Sunday, October 11, 2009

PEYR BA SI PAPA JESAS???



Hays minsan naiisip mo peyr ba talaga si Papa Jesas? Bakit sila mayaman na, magaganda ang pagmumukha, matatalino, magaling pang sumayaw at kumanta samantalang ako KYUT lang (nice parang poodle lang ah). Bakit sila habulin ng chicks? ako humahabol na nga ng panget na chick, aba nagdadalawang isip pa (choosy??) gusto ko sanang isigaw sa kanya “Hoy! Naniniwala na akong walang nilikha ang Dyos na Panget………IKAW lang….IKAW LANG!!”.


Nakakafrustrate rin talaga, lalo na’t napapadaan ka sa La Salle at Ateneo, bigla ka na lang bang manlilit. Eh ako tuhog tuhog lang ng kwek-kwek sa tabi ng eskwelahan nila, samantalang sila kwek kwek nila nasa cup.Sosyal! Tapos makikita mo talagang kay gaganda ng mga kotse nila tapos kay gaganda din ng mga chicks nila. Yung tipong para kang nasa palasyo ng FHM Tapos mga magulang nila sikat kundi mga artista, pulitiko, ambassador at........................ drug lord. Tapos sila din mga sikat, mga matatalino at magaling pang mag-eenglish samantalang ako hanggang “YOU KNOW” lang ang alam ko. Kaya pag dumadaan nga sila sa harap ko, pakiramdam ko para akong tissue paper (na may tae tae pa) na dinadaanan lang nila at inaapakan.

Kaya minsan para mawala ang panliliit sa sarili ko, iniiisip ko na lang “Naku mabaho din ang tae nyan!” o di kaya “May baktol yan, hadhad, maitim ang singit nyan, kulangot nya blue, amoy bulok na gatas ang utot nya, may almuranas yan, tatay nya adik , kilay nya may kuto, walang butas ang pwet nya, esophagus nya may buni, may bulate sya sa tyan at kung ano ano pa.”
Ganun ,nag-iisip na lang ako ng negatibong katangian nya para kahit papaano eh hindi naman ako maawa sa aking sarili. Siguro ito ang tinatawag na “defense mechanism”.(What the heck ano yun??? nosebleed ako!! Tissue please……..tissue hoy!)

Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay ang aking “ beybi peys” (yung mala bondying ang pagmumukha) at medyo special din ako (in a mongoloid kind of way) Ganun! Iyon lang ang aking magandang katangian. Hindi ako marunong sumayaw, kumanta at umakting, kaya hindi talaga ako pwedeng sumali sa Starstruck sa Startrek lang ako pwede. Samantalang yung iba talagang mga talentado at artistahin pa ang mga dating. Ang sarap pagsasabuyan ng asido at pagpipilyain ang kanilang mga paa. Para makabawi man lang ako sa kanila. Akala nila sila lang ang anak ng Dyos. Ako din kaya!

Okay fine, INSECURE ako! Bold and capitalized, Weno ngayon! tapos na ba ang kwento?Hindi pa basahin mo kaya, don’t judge me coz you are not a judge and I’m not a book! Wala tayo sa library, okay! Kaya basahin mo pa, sige basa.

Kaya talagang hina-hotseat ko si Papa Jesas at tinatanong ko sya , kung peyr ba sya?O baka naman nakalimutan lang nya na anak nya ako, at hindi ng kalaban nya.( Malay mo din namisplace lang ako ni Lord).

Kaya nung minsan talagang hindi ko makuha ang sagot habang nakatingin sa malayo at nangungulangot, pumunta na lang ako sa Baclaran at nagsimba. Duon ko sya tinanong, pakiramdam ko kasi ako si Santino at bigla lilitaw sa Bro sa aking harapan, kaso si KUYA pala ng PBB ang lumitaw (impostor sya). Pero hindi nangyari yun kasi hindi nga lumitaw si Bro. Kaya lumabas na lang ako ng simbahan, at paglabas ko bigla akong natauhan sa aking nakita. Nakita ko ang mga batang nanlilimos, ang mga taong walang mga paa’t kamay, mga matatandang hirap na hirap sa buhay, , mga kababayan nating walang maayos na damit, at mga pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay. Naisip ko noon…………..Yuck! how gross!! Joke lang! Naisip ko noon napakapalad ko pa pala at marami akong dapat ipagpasalamat sa Panginoon.

Kung minsan kasi lagi tayong nagtatanong kung patas ba ang Dyos?Kung tuusin pala tayo pala ang hindi patas sa Dyos! Madalas tayong tumitingin kung ano ang kulang sa atin, kung ano ang wala tayo at nakakalimutan natin ang mga bagay na ibinigay sa atin ng Panginoon. Nakukuha pa nating umaangal kaysa sa magpasalamat. Marahil kung hindi man tayo naging kasing palad ng ibang tao sa mundo ito at hindi man tayo nabibiyaan ng kayamanan, kasikatan at pagkakaroon ng magandang mukha, binibiyaan naman tayo ng Dyos sa ibang mga bagay na mas higit pa sa mga nakikita ng mata at nabibili ng pera. Nabubulagan kasi tayo ng paghahangad at inggit natin, at nawawalang bahala na natin ang biyayang binigay ng Panginoon . Hindi na natin nakikita ang magagandang bagay na pinagkaloob sa atin ng Dyos. Kung sakaling man na mas higit sila sa bagay namateryal hindi naman ibig sabihin nun ay lamang na sila kaysa sa atin. Na mas mabuting tao na sila kaysa sa atin, o mas totoong tao na sila kaysa sa atin. Hindi sa material na bagay nasusukat ang pagkatao ng isang tao.

Kaya patas ang Dyos, at dapat naging gawin ay makuntento kung ano ang meron tayo para makita natin ang pagiging patas Nya. Nasa atin ang sagot wala sa Dyos, matuto lang tayong pahalagahan ang bawat biyayang pinagkaloob Nya, tyak mas lalo mararamdaman ang pagiging pantay na pagtingin ng Panginoon.

See Watusi, hayan sabi ko sa inyo may moral lesson ang kwento ko! Masyado kasi kayong nag-eepal dyan. Akala nyo puro lang ako kalokohan!

Kaya sa mga naging kaibigan ko dito sa blogosphere maraming maraming salamat sa inyo. Habang nakikita ko kayo lalo kong naiisip na peyr talaga sa akin si Lord (sa inyo hindi!hahaha Joke lang) Basta salamat sa panahon nyo sa pagbasa at pagdalaw sa aking munting kwarto
MGA HULOG TALAGA KAYO NG LANGIT…………………………………..KASI BAWAL KAYO DOON!hahahah!
Ingat

Tuesday, October 6, 2009

Usapang Trabaho

Usapang trabaho ito at dahil usapang trabaho, narito ang listahan ko na gusto ko sanang kuhaning course noong ako’y nagtapos na ng hayskul. At heto yun.

1.Dentista



Pangarap ko talagang maging dentista dahil takot ako sa dentista. At kung sakaling magiging dentisa ako malamang ako na lang ang bubunot ng aking ngipin.Isa pa gusto ko ring kutkutin ang ngipin ng may ngipin. Sa akin kasi ang ngipin ay mahalaga kaya medyo OFF ako sa mga taong may pustiso na nilalagyan pa ng retainer. Okay na sana kung pustiso lang dahil hindi naman talagang maiiwasang masira ang ngipin natin. Pero kung lalagyan mo pa ng retainer?Bakit?Para san yun?Para ba maretain ang pustiso mo! Isa pa, malaki talaga ang kita dyan dahil maraming Pilipinong may bulok na ngipin, dahil likas sa atin ang pagkakaroon ng SWEET TOOTH o minatamis na ngipin!heheheh


2. Chef ( F ang dulo hindi T ha! Baka Shet mabigkas mo)


Gustong gusto ko ang uniporme nila, para bang kahit hindi masarap ang niluluto mo eh , mukha pa rin akong masarap este mukha pa rin masarap yung niluluto ko. Ito rin ang tawag sa sosyal na kusinero/kusinera – CHEF . Aminadong bopol ako sa pagluluto dahil dito na lang ako natuto sa abroad maglinis ng isda at maghiwa ng karne. Kaya naman gusto kong mag-aral nyan. Malay mo magkaroon ako ng karinderya in the future (hu knows runny nose) Saka isa pa, gusto kong magluto ng gulay na hindi lasang gulay. Dahil allergic ako sa mga gulay.

3. Nurse





Maraming nagsasabi na bagay daw sa akin ang uniporme ng nurse. Dahil mabango daw akong tingnan kapag nakaputi akong damit. Hindi ko alam kung bakit nila nasabi yun siguro, gusto nila lang sabihin sa akin na mukha akong mabaho kapag ibang kulay ng damit ang suot ko!hehehe. Isa pa dahil ito ang Pambansang “course” ng Pilipinas (kadedeklara lang ni Gloria kahapon). At imposible sa bawat Pilipino na walang kamag-anak na nurse, nais kong maki-in din. Bukod sa malaki ang kita nito sa abroad ,eh dito pa ibinuhos ng Dyos ang mga nagseseksihan at naggagagandahang mga kolehiyala. Hulala!!


4. Psychologist/psychiatrist


Dahil mahilig akong kumilatis ng tao at dahil may tagas din ang aking utak nais ko talagang maging espesyalista sa utak. Masarap kasi pag-aralan ang ugali at kautakan ng tao. Saka gusto ko rin talagang alamin o tuklasin ang karakter ng bawat tao (para utuin). Dahil alam ko malaki ang epekto ng utak nya sa kanyang buhay at sa kanyang kapaligiran. Kaya nga madalas lang akong nagmamasid at pinag-aaralan ang bawat galaw ng mga taong nagdadaan sa akin harapan sabay kanta ng” Ushigi shigi makantawi uha!Shigi Shigi!” (Dahil kampon ako ni Puma Ley-ar)


5. Piloto.




Gusto ko talagang maging piloto kahit noong bata pa. Kaya naman nung nakatapos na ako ng hayskul eh nag one –on- one kami ng nanay ko


Ako: Nay, may gusto po akong kuhaning kurso pag nag-college na ako

Nay: Aba ano naman yun anak!

Ako: Gusto ko pong maging Piloto (na may halong pagmamayabang)

Nanay (binatukan ako): Bakit mayaman ka ba? Magtitser ka na lang!

Okay hindi na ako nakipagkulitan pa sa nanay ko ,marahil ayaw lang nyang magkaroon sya ng anak na “pilotong kyut”. At dahil ayaw ko ring magtitser dahil baka palamunin ko lang sila ng binilot na eraser at may mugmog ng chalk sa ibabaw. Napagdesisyon ko na lang mag-Engineering .


Alam kong mahina ako sa Math dahil madalas akong utakan ng mga dyipi driver dahil mali ang kwenta ko sa sukli nila. Kaya naman humanap ako ng pinakamadaling Engineering , kaya heto bumagsak ako sa Computer Engineering. Dahil walang Board Exam at mukhang magagamit ko ang kahiligan ko noon sa Solitaire at Minesweeper . Ito ang kinuha kong course. Awa naman ng Panginoon natapos ko ang course ko ng limang taon lang (at 7 bagsak).

Ngayon, hindi ko nagamit ang napag-aralan ko dahil nandito ako sa opisina at hindi sa I.T department. Ubod sa layo ng natapos kong course sa aking trabaho ngayon, at halos may sapot na ng gagamba ang aking mga brain cells. Pero ang mahalaga naman eh okay naman ang kita dito. Kaya pwede na!

Sa totoo lang hindi naman talaga ako “career-driven” na tao, yung tipong kinakarir ang career nila, mas “business-minded” akong tao kaya malamang magtatayo na lang ako ng business sa atin sa Pilipinas pagkatapos kong mag-ipon dito sa abroad. Nag-iisip ako ng negosyong malaki ang kita. Kaya napag-isipan kong magtayo ng pabrika ng…………shabu. Hahahha!joke lang. Basta isang business na pwede sumoporta sa pang-araw araw na buhay ko. (subukan ko kayang magsaka na lang…….....................magsaka ng marijuana!hahaha)


Alam nyo, dalawa lang talaga ang dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho. Ito ay para kumita at ikalawa ay para sa ating mga pansariling kaligayan. Dito lang talaga umiikot yan. Ngayon kung anong trabaho man ang tahakin mo o maging businessman ka pa , tyak dito rin lang iikot sa dalawang ito ang lahat. Kaya kung sakali wala dyan sa dalawa yan ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho, aba tanungin mo ang sarili mo? Tao ba ako? Baka robot na ako?hehehe

Kaya tanungin mo ang sarili mo , bakit ba ako nagtatrabaho? Baka kasi hindi ka na tao, robot ka na pala hindi mo pa alam! (Naks interactive na ang blog ko! Wag showbiz ang sagot, lalo nat di ka naman artista!hehehe).

Ngayon kung sinagot mo ang tanong ko at wala ka namang trabaho malamang......... adik ka sa facebook at hindi ito isang quiz sa Facebook!okay

Yun lamang po at maraming salamat

Saturday, October 3, 2009

Telebisyon!!!

At katulad ng aking sinabi dati, kapag nabili ko na ang TV ko ay ipapakita ko ito sa inyo. Sobrang atat na atat ako sa TV na yan, kaya hindi na rin ako makatiis at kating kati na akong magkaroon ng ganyang TV. Teka just to refresh your memory heto ang yung post ko tungkol dyan (maikli lang yun kaya basahin mo na, kung ayaw mo eh di wag! Di na kita bate): ICLICK MO NA SABI EH!!

Kaya heto na yung Samsung LCD TV -32 inches ( naks complete details talaga) na nabili ko lang kahapon. Mainit init pa parang pandesal lang:



Nagdadalawang isip ako kung Sony o Samsung ang bibihin ko dahil hindi naman nagkakalayo ng presyo. Pero napansin ko mas malinaw ang Samsung kaysa sa Sony kaya Samsung na lang! Dapat matagal na akong meron nyan yun nga lang ang dami ko pang kailangan bayaran kaya medyo nadelay ng konti, tapos nauna ko pang bilhin yung NETBOOK ko kasi nga sayang yung internet sa bahay kung hindi ko magagamit.


Oo nga pala may kwento yung NETBOOK na yan saka yung LCD. Nag-iisip kasi ako nun kung isang high end na laptop ba ang bibilhin ko o isang 42 inches LCD TV, medyo nagdadalawang isip ako nun. Pero napagdesisyunan ko na bilhin yung NETBOOK (mura lang kasi to eh) at yung 32 LCD naman ang gagawing kong monitor kaysa sa isang high end na computer o 43 inches LCD TV ( Yung dalawang yan ay kasing presyo nung high-end na laptop at ng 43 inches na TV)

Sa ngayon medyo excited na akong manood ng Dora the Explorer saka ng Ben 10 sa aking bagong TV. Siguro by next year bibili ako ng Lazy Boy Chair, para mas lalong masarap manood sa TV.



Oo nga pala, hindi ko naman pinagmamagaling o pinagyayabang iyan.. Medyo natutuwa lang ako kasi ito ang regalo ko sa aking sarili ngayong 2009. Alam nyo naman na lahat ng kinikita ko dito sa Saudi ay pinapadala ko sa aking pamilya.Kaya siguro hindi naman kalabisan kung sakaling rewardan ko ang sarili ko sa mga bagay na yan. Ngayon, kung nayayabangan ka sa akin eh…………………………………. inggit ka lang, Belat!!! Hahahhaha!! Joke lang!


Aba hindi biro ang magtrabaho sa ibang bansa, kaya ito na ang pampatanggal homesick namin dito. Meron sigurong magsasabi dyan na dapat ipantulong ko na lang yung perang yan sa mga nasalanta ni Ondoy. Pero nagawa ko na yun, nagbigay na ako ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyo. At pati ang mga nanay at tatay ko ay mamimigay na rin ng damit para sa kanila. Nagawa na rin naming mamigay ng bigas sa kanila. Kaya siguro naman walang eepal dyan. At kung umeepal ka! aba huwag ako ang putaktahin mo, ang epalan mo ay yung mga pulitikong kay yayaman pero barya lang ang binigay kumpara sa kinukurakot nila.


Back uli tayo sa kwento ko at least hindi ko na uli hihiramin pa yung projector ng kumpanya (pero pwede rin pag special occasion). Medyo next year pa uli ako magreregalo sa aking sarili at kailangan ko muling magbanat ng buto para may pambili muli ako. Basta sa ngayon eh magpapakaduling muna ako sa aking TV.Hehhehe!

P.S

Dumating na pala si Bagyong Pepeng sa Pinas, sana hindi sya gaanong manalasa sa atin. Kung pwede lang bang imbitahan muna si Pepeng para magkape at mauto kong umiwas sya sa Pilipinas gagawin ko eh. Kahit sa Starbucks pa, maligtas lang ang Pilipinas sa hagupit nya. At sana Papa Jesus sawayin mo naman yang si Pepeng, kasi pasaway yan!

Monday, September 28, 2009

Inosente si Ondoy!!!!!!!








.
,

,
,
,
,
,

OO NGA PALA: Kung mapapansin nyo pareho lang itong entry na ito sa isa ko pang blog, nais ko kasing ipalaganap ang magandang mensaheng gusto kong ipahatid, baka sakaling may mapulot kayo dito kahit singkong duling man lang.

____________________________


Kasabay ng pagsikat ng bagyong Ondoy dahil sa kanyang taglay na kabangisan at pagsikat ni Jacque Bermejo dahil naman sa kanyang angking kaepalan (sino sya?I-google search at tyak maiinis ka sa mga banat nya), marami talagang taong naapektuhan ng bagyong ito. Pati ang lugar naming hindi bahain ay binaha na rin kaya nag-alaga muna ang nanay ng tilapia sa loob ng aming sala para mapakinabangan naman namin ang baha.

Subalit,ngunit, dadapwat hindi natin pwede isisi ang lahat kay Ondoy, kasi sa totoo lang wala sa kanya ang problema. Dahil bagyo syang likha lamang ng kalikasan, inosente sya sa lahat ng ito. Wag natin syang husgahan at paratangan na mamatay tao dahil ang totoo TAYO ang may kasalanan nito. Bakit? dahil......................

Una, sino ba ang kumakalbo ng kagubatan?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangalawa, sino ba ang nagtatapon ng basura sa mga estero o kanal para magbara ito at bahain?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangatlo, sino ba ang nagpapatayo ng mga village sa gilid ng bundok?Si Ondoy ba?Hindi, si Manny Villar este TAYO pala. Kaya natatapyas ang bundok at nagkakaroon ng landslide



Pang-apat, sino ba ang hindi nagtatanim ng puno para pumigil sa baha?Si Ondoy ba?Hindi, kundi dapat TAYO


Pang-lima, sino ba ang hindi nag-aayos ng Drainage System natin?Si Ondoy ba?Hindi, kundi ang MMDA este TAYO pala (at ang MMDA kasi dapat Team Effort yun)


Pang-anim, sino ba ang dapat mangalaga at magmalasakit sa kalikasan?Si Ondoy ba?Hindi, si Lito Atienza ba ng DENR (na tatay ni kuya Kim, tama ba ako?) .Hindi, kundi TAYO rin at responsibilidad natin ito.


Mahirap magsisihan kasi pare-pareho tayong guilty (at mukhang si Jacque lang ang hindi guilty dahil sya ay banal at walang bahid kasalanan.......sabi nya). Hindi ito ganti ng kalikasan o parusa ng Dyos kasi tayo ang gumawa nito at tayong lahat ang may kasalanan nito. Hindi gumaganti ang kalikasan kasi wala naman syang isip, at TAYO ang may isip.

Kaso natuto ba tayo sa pagkamaling ito?Hindi rin, ganun uli at mag-iintay na lang uli ng isa pang superbagyong eepal uli sa ating bansang PILIPINS.


Ika nga “prevention is better than cure”, kung sana’y magagawa nating magmalasakit sa kalikasan baka sakaling maiwasan ang sakunang ito sa mga darating na araw pa. Pero duda ako kung gumawa tayo ng aksyon tungkol dito, tulad din ng bagyong Rosing, Miling at kung sino sino pang bagyong nagpapakyut, eh ganun din babalik lang din sa dati. Hindi pa ba tayo natuto sa nangyari sa Ormoc?Nagyon ba matuto na tayo sa nangyari? Ewan ko parang hindi rin!


Kaya inosente si ONDOY, tayo ang GUILTY! Sana hindi na maulit ito sa atin. Ako, guilting-guilty dyan kaya tutulungan ko na ang tatay ko sa bukid para magtanim ng puno ng Alatiris at bayabas para makatulong ako sa buong sangkatauhan.


Praise God at safe ang pamilya ko!


Oo nga pala, alam nyo ba na habang todo nagpapakyut si bagyong Ondoy ay kasalukuyan namang binibiyak ang ate ko (ceasarian kasi) kasi manganganak na siya. Buti talaga saktong tinatahi na ng duktor ang tyan nya nung nawalan ng kuryente at pumasok ang baha sa ospital. Saktong sakto talaga kaya Praise God uli.


At dahil lalaki ang anak ng ate ko at kasalukuyang nagpapakyut ang bagyong Ondoy nung pinapanganak ang baby nya, ang ipinangalan nila sa anak nila ay …………………………………………… Kenneth.hehhehe akala nyo Ondoy noh!kawawa naman yung bata kung yun ang pangalan nya!Jologs na jologs!




Ayaw ko rin ang palayaw ng aking pamangkin ay "undoy"dahil parang kapangalan ng halimaw ni Manilyn sa Shake Rattle and Roll (UNDIN pala yun). Ang gusto kong palayaw ng aking kyut na kyut na pamangkin (na manang mana sa tito) ay........................DRAKE, grabe ganda ng nikneym


Sana okay kayong lahat!!!


P.S

Tungkol kay Jacque, hayaan nyo na sya at wag na lang patulan may tao talagang insensitive meaning wala silang apdo, baga at esophagus, kaya hayaan mo na lang kasi may balik din ang lahat.

Pero kyut sya sa pix ah, mukhang type ko syang syotain! Pero iniisip ko baka kung maging syota ko yun at kunwari naaksidente ako baka imbes na tulungan ako bigla nya akong sabihang:

"You know Drake you're such a loser" saby L sign sa noo na parang si Angelina

Eh baka pitikin ko ang tenga nya sabay pahid ng siling labuyo sa mata nya, hahahha joke lang

Saturday, September 26, 2009

Mini-Sinehan

Hay kakatapos lang ng bakasyon at balik trabaho na uli ako! Medyo katulad ng inaasahan heto puyat ako kasi hindi ako makatulog kagabi dahil sobra ang naging tulog ko sa buong isang linggo. Gawain ko kasing magpuyat at matulog ng alas kwatro ng madaling araw at gigising ng alas dos ng hapon. Bakit? Wala lang trip ko lang magpuyat. At medyo nakatipid ako sa pagkain kasi tanghalian na ang inaabutan ko.


Tulad ng aking sinabi noon, binulok ko lang ang aking mga mata kakatulog! Medyo sumasakit ang ulo ko sa sobrang tulog at halos lumapad ang aking likod dahil mas matagal pa ang inalagi ko sa kama kaysa sa upuan. At syempre nanood ako ng sandmakmak na pelikula/ movies gamit ang Sony Projector ng kumpanya. Hahah kapal ko noh, kaya nagmistulang mini-sinehan ang aming sala at Heto yun:



.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.




.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Narito ang listahan ng aking napanood na pelikula


1. District 9- Ang galing ng computer graphics. Mocumentary ang style ng movie na ito pero medyo nabitin ako sa huli. Siguro may part two pa! (Rating: 4 out 5 )

2. G.I Joe Rise of Cobra- Ang ganda ng action scenes kaso tulad ng District 9 bitin din at mukhang marami pang sequel ang movie na ito (Rating: 4 out 5)


3. Night at the Museum 2- medyo marami pang flaws pagdating sa computer graphics (Rating: 3 out 5)

4. Ice Age 2 – Pambata ito talaga pero maganda ang pagkakagawa ng animation. (Rating: 3 out 5)


5. X Men Origins: Wolvorine: - Naku ang baduy ng climax, nadismaya lang ako sa huli (Rating: 3 out 5)

6. Harry Potter (Order of the Phoenix at Half Blood Prince)- Bias ako, kasi Harry Potter Fan ako kaya ayaw kong magbigay ng rating


7. House Bunny – low budget movie, pero natatawa ako sa main character ng movie at okay na rin kasi marami namang seksing bebot dun. (Rating: 2 out 5)

8. Kimmy Dora – Medyo okay lang yung movie at hindi naman ako humagalpak kakatawa. Tamang ngiti at tawa lang. As usual may ingredient ng kakornihan at kabaduyan pero all in all okay naman yung movie (Rating: 3 out 5)

9. Cloverfield- Mocumentary din ang style ng movie. Maganda at panalo sa kwento yun nga lang nakakahilo ang kasi nga may pagka Blair Witch Project ang atake nila. (Rating: 4 out 5)

10. My Bloody Valentine – Waste of time (Rating: 1 out 5)

11. My Super Ex-Girlfriend- Light ang movie at nakakatawa rin kaso parang ubod ng bilis ng istorya at may pagkabaduy din ng konti (Rating: 3 out 5)

12. Final Destination 4- walang pinag-iba sa 1,2,3 ganun ganun din at walang bago. Nakakaumay (Rating: 2 out 5)

Yan ang mga pinanood ko habang ako’y nagbabakasyon. Medyo marami rami din yan, medyo nabundat din ako kakain ng pop corn at chitchirya. Mahilig ako sa movies lalo na ang porn este ang sci-fi movie.

Ngayon nag-aadjust pa ang katawan ko mula sa pagiging batugan eh kailangan kong i-shift uli sa work mode. Kaya medyo nare-reboot pa ang utak ko. May ikukuwento ako sa inyo tungkol sa pagpunta ko sa isang British Compound, pero next time na yun! Nagparamdam lang ako sa inyo at nagpacute. Ganun lang!
.
Ingat at Salamat!

Saturday, September 19, 2009

EID MUBARAK/HAPPY WEEKEND!!




Hayyy!! Salamat at bakasyon kami ng isang lingo dahil sa pagtatapos ng Ramadan. Kung sa atin may long weekend dito sa Saudi meron kaming one-week vacation! Yehey! Medyo mahaba haba na rin yun. Pero yun nga lang medyo halos wala ka rin namang gagawin sa one-week vacation na yun dahil wala naman gaanong mapupuntahan dito. Kaya naisip ko masarap pa rin ang long weekend ng pinas kesa sa one week vacation sa Saudi. Bakit?Ganito kung sakaling nasa Pilipinas ako malamang ang mga gagawin ko sa Biyernes, Sabado, Linggo at Lunes ay ang mga sumusunod.


1. Magpalamig sa mga Mall. Malamang sa SM, Trinoma, Glorietta, Robinson at kung ano ano pang mall, tyak nandun ako at umiinom ng kape habang nakatingin sa mga taong nagdadaan. Kasi ginagawan ko sila ng kwento sa aking isip. Autistic ako eh pakialam nyo ba!!

2. Pupunta ako sa mga chill-out places tulad ng Mogwai , Reggae Bar at kung ano ano pa sa palibot ng The Fort, Quezon Ave at Araneta, kasama ang mga barkada kong mahilig manlibre.

3. Pumunta sa National Bookstore at Powerbooks para tumingin tingin ng mga Magazine at libro. Kahit alam kong wala akong hilig magbasa ng libro pero maraming namang mga kolehiyalang tumatambay dun!hahahah!

4. Manood ng sine habang bitibit ko ang Value Meal No.1 ng Jollibee (hamburger at French fries) at manood ako sa Gateway, Imax, o sa Greenbelt. Papanoorin ako ang lahat ng movie sa araw na yun kahit mag-isa lang ako. (Sosyal na sosyal ang sinehan pero Jollibee ang snacks ko).

5. Magfofood trip ako, at kakain ako sa Dencio, Itallianis, Outback at sa karinderya ni Aling Miling (masarap kaya ang lugaw tokwat baboy nya, masarap na may sakit ka pa) sa palibot ng Ortigas Center at Paseo De Roxas.

6. Bisitahin ang mga barkada kong hindi nagbabayad ng utang!! Pupuntahan ko sila sa bahay para maglaro ng monopoly, uno, scrabble, mad , ungoy-ungoyan at pitik bulag. At bawat talo ay pipitikin sa bayag este sa tenga o di kaya lalagyan ng lipstick mula sa bunganga ni Menggay (kamukha sya Pokwang na may ilong na katulad ng kay Allan K).

7. Family bonding at pumunta sa Star City, Boom na Boom (meron pa ba nito), Ocean Park, Avilon Zoo. O di kaya magbarbeque sa labas ng bahay (pag may natira pwede ring ibenta)



Pero dito sa Saudi na kung saan ay wala naman akong gaanong gagawin sa one week vacation ko,kaya malamang ito ang aking pagkakaabalahan.



1. Pabubulukin ko ang mata sa tulog. Magpupuyat ako sa gabi para tanghali na akong magising, at makakatipid pa ako sa pagkain kasi isang beses lang ako kakain (hapunan lang!hehhe)

2. Dalhin ang sine sa loob ng aking kwarto. Hihiramin ko ang projector ng opisina at manonood ako habang ngumunguya ng pop corn at kung ano ano pang chitchirya.(Totyal na totyal ah)


3. Pumunta sa British Compound at maglaro ng tennis, badminton, bowling at swimming kahit di ako marunong sa alin man dyan sa nabanggit. Inimbitahan kasi ako ng Manager kong Briton eh! Medyo nakaka-OP (out of place) pero okay lang mababait naman sila at di sila nangangagat.

4. Pumunta sa Pinoy Market, at tumingin tingin ng bagong labas na cellphone, gadget, mp3 player, video cam. O di kaya bumili ng boy bawang, choki-choki, champola at Lala fish cracker sa tindahan doon.

5. Manood ng TV buong maghapon habang kinakabisa ko ang mga dialogue sa TV at memoryahin ang nunal ng mga artista doon. (Paulit ulit kasi ang palabas sa GMA Pinoy Tv at TFC)

6. Mag-internet at makipagkulitan dito. Magdownload ng kanta at pelikula sa Limewire habang nag-iiskype kausap ang kapatid kong laging isisiksik sa usapan kung ano ang shoe size nya kahit di ko naman tinatanong.

7. Pagurin ang sarili ko sa exercise at pagbubuhat ng kutsara este ng barbel. Para naman maging katawang pangmodelo, at mag-aaplay akong bilang modelo ng diatabs o Canesten. Ngayon kasi isang pack lang ang abs ko, medyo malaki sya at nakapagpa bacon ng brief.



Sa totoo lang wala yan sa dami o haba ng bakasyon mo kundi nasa kalidad ng oras na ginugugol mo dito. Kahit na sabihin nating mas mahaba ang bakasyon dito sa Saudi kesa sa Pinas, mas gugustuhin ko pa rin sa atin sa Pinas kasama ng kaibigan at pamilya ko kaysa magkaroon ng mahabang bakasyon sa Saudi na mag-isa. Kahit gaano pa ka-exciting o kaganda ang bakasyon mo, kung wala ang mga kaibigan o pamilya mo parang kulang pa rin. At sila ang nagbibigay saya sa buhay natin! Kaya sila lang ang magpapakumpleto nito
.
Gusto kong iwanan ang quotes mula kay Pareng Henry David Thoreau


"The finest workers in stone are not copper or steel tools, but the gentle touches of air and water working at their leisure with a liberal allowance of time."

Salamat at EID MUBARAK o HAPPY WEEKEND sa lahat!!!


P.S

Commercial muna dyan!hehehhe!!