After ko nang mareview kung ano ang mga nangyari sa taong 2008 ko, ito naman ang pagkakataon ko para mag-ekspek ngayong 2009. Ito sana ang gusto kong mangyari,
1. Mataasan na ako ng sweldo.
Dahil hindi na rin ako pinayagan ng boss ko na lumipat ng ibang kumpanya (or else magtatanim na lang ako ng kamote sa bundok), eh ine-ekspek ko naman na kahit papaano ay tataasan nila yung sweldo ko (para may pambili naman ako ng IPHONE). Medyo malaking maitutulong yun sa pagbabayad ko ng credit card at ng aking mga gatusin sa buhay ( telephone bill, kotse, cable, pagkain). Hindi naman ako maluho, gastador lang talaga ako.
2. Makalipat pa rin ako ng ibang kumpanya at bansa na rin kung pwede
Sa totoo lang masyado lang akong maarte, kung tuusin eh maganda yung company ko (kung sasabihin ko ang company ko dito, tyak tatanungin nyo ako bakit pa ako lilipat?). Medyo nakuha ko na kasi yung pinaka-peak na aking career dito sa company na ito at nagiging stagnant na ako ( nagmumukha na akong pusali). I need to grow naman kahit papano sa aking propesyon, at medyo kumita ng 3 libong dollar buwan buwan.hahahha!! Gusto ko rin makalipat ng Bharain o kaya Qatar para medyo open open ng konti, dito kasi sa Saudi lahat bawal ultimo pakikipag-usap sa babae (in public places) bawal kaya nakakabuwang pero okay din naman dito kasi makakaipon ka talaga.
3. Bakasyon Grande
Sa tuwing uuwi na lang ako puro may kasal. Unang bakasyon kasal ng diko ko, pangalawang bakasyon kasal naman ng ate ko, ngayong bakasyon na ito kasal naman ng ditse ko. Sana naman sa susunod eh kasal ko naman. Heheheh!!
Isa pa, sa tuwing uuwi din ako lagi kaming nagpaplano pumuntang magpapamilya sa Baguio, yun nga lang hanggang ngayon ay hindi matuloy tuloy dahil conflict daw sa schedule. Nagfefeeling artista ang mga kapatid ko eh!! Kaya sana nga lang this time tuloy na tuloy na. This year nga pala dalawang beses akon uuwi, una sa April sunod sa December para doon naman akong magpasko sa Pinas.
4. Book Launch
Akalain mong magkakaroon na ako ng libro. Magme-meet kaming mga kasamahang kong amateur writers sa Pinas , sa pag-uwi ko magcoconceptualize na rin kami. Nakakita na kami ng publisher at editor kaya mukhang tuloy na tuloy na. Sana nga lang makapagsulat na rin ako ng sarili ko talagang libro. Yung tipong pwedeng ipantapat sa Twilight at Harry Potter, tapos isasapelikula din, papakiusapan ko yung prodyuser kung pwedeng ako na lang yung bida at si Katrina Halili ang aking liding leydi na X rated ang istorya este love story pala. Huwow!!
5. Mag-iipon at magtatayo ako ng business
Sana ngayon taon na ito ay makapagpatayo na ako ng business. Noon pa dapat ako magtatayo ng business sa Pinas kaso wala naman akong maisip kung sino ang magpapatakbo nun. Kaya nauwi lang din sa wala yung pera, at hindi ko na rin maisip kung paano ko naubos yung perang iyon, kaya heto betlog uli ang aking bengk akawnt. Talagang mag-iipon na ako ngayon, kasi narealize ko na hindi permanente ang trabaho ko at may pandaigdigang krisis pa, kaya dapat mag-isip por may putyur naman kung hindi baka magtinda n alang ako ng mani sa Divisoria. Kaya mag-iipon na ako at magtatayo ng business. Nakauto este nakakita na rin ako ng magiging business partner ko, kaya sana magtuloy tuloy talaga.
6. Nakapagradweyt uli ako
Yehey!! Isa na namang accomplishment para sa akin. Yung kapatid kong NURSING ang kinukuha, gagradweyt na rin sa March. Sana nga lang makapasa sya sa board exam para naman makabayad na kami sa lahat ng pinagtataguan ng nanay ko. Medyo dumugo din ang bulsa ko sa pagpapaaral kasi ang lalaki ng tuition fee nila. Pero syempre may isa pa akong kapatid na NURSING din ang kurso na pinapaaral din (dalawa kasi sila). So by 2010 gradweyt na rin yun, at medyo makakahinga hinga na rin ako ng maayos. Hehehe (3 down and 1 to go)
7. Bagong Lovelife
Medyo inalat ako last year, kasi nagkahiwalay kami ng GF ko at masyado ko yung dinamdam . Medyo hanggang nagyon ay may pait pa rin ng konti, pero I need to move on. (Nice drama, pwede nab a akong artista). Kaya kailangan ko ng isang babaeng papawi sa aking lungkot at lumbay, magpapasaya sa buhay ko at sasalubong sa akin tuwing uuwi ako ng bahay (teka babaeng aso ba ito). I really need a GF right now, kaya kung gustong nyong mag-aapply eh sabihin nyo na, wala akong qualifications or requirements, basta ang mahalaga ay babae ka!! (pero kung sasamahan pa ng kagandahan at kaseksikahan, eh wala ng tanong tanong ,tanggap na agad). Pero seriously, sana makita ko na yung RIGHT WOMAN por me. (Hay enday akuy nalolongkot at nalolombay!!)
8. My new gadgets
Ako talaga ay atat na ata dyan sa bagong IPHONE na yan, kaya iniisip ko pa kung ito na ba ang regalo ko sa sarili ko this year. Last 2007 niregaluhan ko ang sarili ko ng IMATE na nakabagak na lang sa bahay kasi nalalakihan akong dalhin. Year 2008 naman, niregaluhan ko ang sarili ko ng IPOD NANO 3rd Generation, na gamit na gamit ko naman. Ngayong Year 2009 eh iniisip ko pa kung bibilhin ko IPHONE o bibili ako ng pinakaastig na DIGICAM o LCD TV. Kasi kung IPHONE iniisip ko may IPOD naman ako at may IMATE, kaya bakit ko pa bibilhin yun, pero talagang nagtatalo ang mga katauhan ko!hehhehe!! Basta bahala na! (Hirap ng problema ko, grabe)
9. Pagbutihan pa ang aking pagsusulat
Medyo ito ang aking plano talaga -ang maging magaling na manunulat, by April sasali ako sa Palanca (isang sikat na contest sa pagsusulat), tapos subukan ko ring sumama sa mga writing workshop. Pagbubutihan ko pa ang mga teknikal na aspeto , at medyo seseryosohin ko na ang pagsusulat talaga. Gagawin ko uli ang pagpopost ng mga makabuluhang sanaysay sa ibat ibang website, at syempre lalo pa akong pagsusulat sa blog ko.hehhehe!! (teka mukhang puro petiks lang ata ako sa trabaho ah). Basta itataas ko na ang level ko sa pagsusulat. (medyo yung seryosong sulatin eh iba ang pangalan na gagamitin ko para mas okey)
10. Maraming marami pang prens
Sana ay marami pa akong makilala at maging kaibigan lalo na sa mundo ng internet, kasi exciting. Medyo ingat ingat na rin ako sa pagbibigay ng sobrang importansya sa kaibigan kasi sa huli iiwan at tatraydurin ka rin naman. Medyo lalo ko pang pagaganahin ang ESP ko para makilala ko ang totoong kaibigan at ang hindi. At higit sa lahat medyo palalawakin ko pa ang aking network para naman kahit saan ako mapunta eh may kaibigan ako dun (na pwedeng kang patulugin sa bahay at pakainin ng chibog ng libre)
-END-
Marami pa akong gustong mangyari ngayong 2009. Alam kong maraming mga supresa ang unti unting mabubunyag habang tumatagal. Sana nga maabot ko ang gusto kong mangyari ngayong taon na ito, pero kung hindi naman okay lang din. Sa susunod na taon, titingnan ko uli kung alin dito ang natupad at alin ang hindi. Sabi nga nila hindi mahalaga kung ano ang narating o nakuha mo, ang mahalaga ay kung gaano karaming tao ang natulungan at nabago mo ang buhay. Hindi rin mahalaga kung gaano ka madalas manalo, pero kung gaano ka katatag na tumayo pag natalo o nabigo.
Marami akong natutunang noong 2008, at maaring iapply ko yun ngayon 2009. Alam kong hindi ako pababayaan ng Dyos at lagi syang nakaalalay sa akin. Nandyan din ang pamilya ko na “SOURCE” na aking kaligahayan, kaya nararapat lang din na bigyan ko sila ng saya.
Ang drama ko noh(and the best actor award goes to me)!! Sige na nga, sana samahan nyo uli ako sa 2010.
2 comments:
Teka, isa lang ang alam kong company sa Saudi na talagang bigatin. Sa SAUDI ARAMCO ka ba? Huwaw! *LOLz*
'Yung Gi-Ep, sabi nila hindi daw 'yan hinihintay. Kusang dumadating. Kaya' wag ka naman sa babaeng aso pumatol 'pag nagkataon. Mahirap na, hindi ko mawari kung ano magiging anak niyo. Errr... = P
Salamat sa pagkumento bro, well hindi ako sa Saudi Aramco, isa sang company ako ng luxury car. Maganda ang position at maayos din ang sweldo. Kaya palagay ko nag-iinarte lang talaga ako!!heheh
Salamat sa komento
Post a Comment