QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, January 17, 2009

Sir, yung Increase Ko!!!





Hay buhay, ang pinakamahirap pala sa lahat ay mag-intay ka na lang ng grasyang darating sa langit at ipupukol sa napakagwapo mong mukha. Mag-intay na hindi mo alam kung kelan darating, o kung darating ba talaga!!!


Nito kasing mga huling araw ay medyo namutla na ako sa kakaintay sa increase ko, naipangako kasi sa akin yan ng boss ko noon pa, at hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad. Nagawa ko na ring suhulan ang mga santo para lang lumakas ang panalangin ko kay Papa Jesus, tumulong na rin ako sa mga mahihirap at naging mabait na rin ako for two months (hanggang dalawang buwan lang ang kaya ng kapangyarihan ko) pero alam kasi ni Lord na pa epek ko lang yun. Nagawa ko na ring magpapansin sa boss ko, sumayaw na ako sa harap nya habang may nakapasok na espada sa ilong ko. Kumain na rin ako ng buhay na manok, tumulay sa alambre at magpiko sa baga habang nagja-jackstone ng labintador sa kamay ko , pero dedma pa rin kay boss ayaw pa rin nya akong pansinin.

Nagawa ko na ring magsipsip sa boss ko, kulang na lang ay dilaan ko yung sapatos nya pagdating nya sa opis para lang maibigay na sa akin ang matagal ko ng hinihingi sa kanya. Pero hanggang buntong hininga na lang ata ang kaya kong gawin.


Kainis kasi yang “recession” na yan, dapat kasi dyan binabala sa kanyon at tinatadtad ng pinong pino, yan tuloy nakakita ng rason ang boss ko para hindi ibigay ang INCREASE ko na matagal ko ng inaawitan sa kanya. Eh ngayon humahanap lang ako ng magandang tayming para maipasok ko uli ang topic na yan sa usapan namin, pero paano ko kaya sasabihin yun……uhhhhhmmm pwede kaya itong pasimpleng pambobola;


“Sir mukhang napakagwapo nyo ngayon ah, tyak na maraming chicks ang maghahabol sa inyo pag nakita kayo ngayon at tyak din itatanong nila kung kamusta na yung increase ko, eh sir kamusta na nga ba yung increase ko???? (sumesegway)”



Ano pwede kaya yang linya na yan? Kung dramahan ko na lang kaya;



“Sir parang awa nyo na ibigay nyo na sa akin yung increase ko, kasi wala na po kaming makain, naghihirap na po kami at baka hindi na po makapag-aral ang mga kapatid ko sa susunod na taon kung hindi nyo ibigay ang increase ko, sige na po (sabay tulo ng luha at singhot ng uhog)”

Ano pwede na ba akong maging bida sa teleserye?? Iniisip ko lang baka napansin ng boss ko yung bagong bili kong IPHONE nung isang araw. Baka di maniwala yun. Kung medyo pagalit ng konti;



“Sir, eh ang tagal tagal na po akong nag-iintay eh wala pa yung increase ko, eh di ba pinangako nyo na sa akin yun nun pa,bakit ngayon wala pa.Wala pala kayong isang salita eh, ang dami dami nyong pinagpagawa sa akin yun pala drowing lang yung increase na yun.Eh drowing pala kayo, DROWING!!!


Hindi kay imbes na bigyan ako ng increase eh i-terminate pa ako ng boss ko.


Kaya, naku wala na akong pwedeng gawin kundi mag-intay na lang sa grasya nya. Medyo tiis tiis muna habang umiinom inom ng kape sa opis at painter-internet. Aba mahirap din ang icheck lagi ang friendster ko every minute, mangulangot sa harap ng computer, at magbasa ng mga kalokohan sa blogosphere at intayin ang alas singko ng hapon. Hay hay buhay, nasan na ba ang increase ko!!! BOSS, PARANG AWA NYO NA IBIGAY NYO NA ANG INCREASE KO!!!!

8 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Nyak! Hahaha asa ka pa sa increase mo eh wala ka naman palang ginagawa sa opisina niyo. *LOLz*

Anonymous said...

Hay buhay, ang pinakamahirap pala sa lahat ay mag-intay ka na lang ng grasyang darating sa langit at ipupukol sa napakagwapo mong mukha. -IT PAYS TO WAIT PERO DAPAT ALAM MO KUNG HANGGANG SAAN KA LANG DAPAT MAGHINTAY. PAG HINID DUMATING S APANAHON NA INASAHAN MO THEN YOU SHUD DO SOMETHING. :)

DRAKE said...

Yup, good advice Joshmarie, I will do something about it. Planning to look for other job na rin.

Anonymous said...

hello drake! astig! naaliw ako s akoment mo. medyo naiyak pa. hehehe. salamat! :)

Anonymous said...

sama kita sa blogroll ko :)

DRAKE said...

Salamat Joshmarie!!!

Anonymous said...

NO PROBLEMO! ;)

Noel Ablon said...

Naaalala ko noon na for almost 3 years kaming naghintay ng pinangakong increase. Di naman umabot ng 3 years at ibinigay din. Kumusta na ang increase? Naibigay na ba ngayon?

Actually, dito sa aming company noong recession ay tinaasan pa kami ng sahod, gawa ng pag-increase din ng mga presyo ng bilihin. Buti na lang noong bumaba ulit ay di rin ibinaba ang sahod namin hehe.

Darating din yan. Alalahanin mo na lang atleast ikaw may hinihintay at ang hinihintay mo ay increase. Ang ibang kabayan natin ay naghihintay sa kawalan at ang hinihintay nila ay trabaho at di increase.

Nawa ay dumating na ang increase mo. Kung gusto mo ay ibigay mo muna sa akin ang IPhone mo para di makita ng boss mo hehehe!