Paunawa: Wala po akong pinapatungkulan dito. Kaya kung sakaling nabanggit ang inyong unibersidad ako po ay walang masamang intensyon doon. Pero teka panoorin nyo muna to! Gawain ko rin ito noong bata pa ako. hehehe
Hay, minsan ba naisip mo na parang dalawang kategorya lang ng mga estudyante sa kolehiyo, kung ikaw ba ay nag-aaral sa La Salle o nag-aaral sa Ateneo? Kung ikaw ba ay BERDE ang DUGO (hindi bading , kulay yun ng La Salle) o may DUGONG BUGHAW (kulay ng Ateneo) eh pero paano naman kaming mga estudyanteng hindi nag-aral sa unibersidad na yan…. ang tawag ba sa amin ay DUGO DUGO GANG?.
Para silang mortal na magkaaway,nag-aaway sila kung alin sa kanila ang magaling at sikat na unibersidad. Pwera pa ang kategoryang kung sino ang mas may mayaman, at mas may magaganda at seksing estudyante sa kanilang unibersidad. Samantala kaming nasa State University ang pinag-aawayan namin ay kung bakit mataas ng isang daan “miscellaneous fee” namin.
Sa UAAP, parang laging inaabangan ang salpukan ng dalawang unibersidad na yan. Kulang na lang na idisqualify ang ibang iskwelahan para maraming manood ,maraming sponsors at maraming commercials sa Finals. Kaya naman pag nasa labas ka at nag-aasaran na ang mga estudyante ng dalawang unibersidad na yan, ang pwede mo na lang gawin ay magpalobo ng laway sa bibig at kumain ng BOY BAWANG habang nag-eenglisan sila, YOU KNOW?!? At syempre maglulupasay ka man sa harap nila hindi ka makaka-relate sa kanila. Sa TV naman eskwelahan yun ng mga artista, kumbaga dyan lang sila pwedeng pumasok. Kung hindi nila eskwelahan yun malamang hindi sila sikat.
Sa paghahanap ng trabaho, namumuro rin yang dalawang unibersidad na yan. Kunwari pang nakalagay sa mga qualifications ng kumpanya “ MUST BE GRADUATE FROM REPUTABLE UNIVERSITIES”, para namang mayroon hindi REPUTABLE na unibersidad. Mano bang direct to the point at walang paligoy ligoy , pwede namang sabihing FAMOUS UNIVERSITIES. Noong nag-aaplay ako ng trabaho sa Makati, mistula akong tagasindi ng yosi nila at tagalinis ng kotse ng mga iyan, kasi mukha silang mayayaman, matatalino at biniyayaan ng magagandang mukha. Eh ano naman ang laban ko dun, ang tanging maipagmamalaki ko lang eh………KYUT ako (wow, parang aso lang ah). Kaya para hindi sumasama ang PILINGS ko iniisip ko na lang na MABAHO din ang tae nila ,at least pantay pantay kami dun at fair pa rin si GOD.
Kaya naman pinangarap kong mag-aral alin man sa dalawang yan noon, syempre para namang maging sikat ako kasi balak ko ring mag-artista nun,hehhee.Pero hindi kaya ng aking MAMI AT DADI este nanay at tatay pala dahil sa pinakamabigat na dahilan, kami ay isa lamang POOR o walang pera. Kaya pinapunta na lang nila ako sa STATES…………….. sa State University. Palagay ko naman hindi nagkakalayo ang mga subjects namin sa mga subjects nila. Yun nga lang aircon yung klasrum nila kami nagtyayaga sa bentilador na nakatutok lang sa prof namin. Nagdadasal nga akong kabagan yun dahil tutok na tutok sa pagmumukha nya yung bentilador , tuloy lumilipad sa kyut na peys ko ang mala blokeng laway nya na bumula bula pa na parang Surf.
Eh di ba meron pang pasadyang T-Shirt, caps, jacket, at keychain ang dalawang skul na yan, samantalang kami P.E uniform lang medyo pahirapan pa ang pagbabayad at tila hindi pinag-isipan ang design. Naglagay lang ng letrang P at E sa puting T-shirt, aba parang ka-level namin ang mga preso kasi kulang lang ng E ang orange nilang damit. Pero ganun talaga!hehehe
Pero alam nyo sa huli natutunan ko na wala naman talaga sa skwelahang pinagtapusan mo yan eh, nasa tamang diskarte mo yun. Oo minsan nakakainsecure talaga sila, tulad sa lipunan nating parang nakakapanliit pag nasa harap tayo na tinatawag na “RICH AND FAMOUS”, pero ang totoo pare-pareho lang din naman tayong tao. Maaaring MAS sila sa materyal na aspeto pero hindi naman ibig sabihin nun ay angat na sila sa pagkatao. Tandaan MABAHO RIN ANG TAE NILA.
Ang respeto naman ay hindi napag-aaralan, ang paggalang naman sa kapwa ay hindi na nangagailangan pa ng diploma. Kaya alam kong kahit na hindi ako mag-aaral sa dalawang unibersidad na yan kaya kong magkaroon ng repeto at paggalang. Totoong marami tayong matutunan sa paaralan pero mas mahalaga pa rin ang mga natutunan natin sa buhay. Ang diploma ay unang tungtungan sa tagumpay pero para maabot ito kailangan mong iaakyat ang paa mo at kumilos.
Saan man tayong galing na unibersidad ang lagi tanong dyan, may natutunan ba tayo?La Salle man , Ateneo o isang State University ang mahalaga kung paano nagamit ang pinag-aaralan mo sa buhay, at paano nahasa ang kaisipan mo para maging isang mabuti at responsableng tao. Siguro bahagi na ng kulturang Pilipino ang kompetisyon at masaya tayo sa ganun kaya siguro may ganito. Pero sana magawa rin natin mapagwagian ang kompetisyon ng ating sariling laban sa buhay.
Yun lamang po at maraming salamat.
Simple Kong Hiling Ngayong Pasko
-
Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo
pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa
Lo...
14 years ago
4 comments:
wala sa eskwelahan yan... nasa diskarte...
Hindi lahat ng classroom sa Ateneo, AIRCON. :))) Kaya nga nakakafrustrate din e.
Hahahahaha! :D Pero yeah, added value na lang siguro na Atenista ka or LaSalista ka. Iba pa rin kung may diskarte ka at kapalmuks sa buhay.
Pero, hindi ba UP ang gustong puntahan ng mga studyante? Dun ko gustong pumunta nun e. Haha. ;)
love 'ur post as always. fan na ren akoh nang blog nah toh... hayz true itz not about school naman eh... itz about sa diskarte nang estudyante... sa sipag at tiyaga nang pag-aaral... itz about sa mga natutunan sa eskuwelahan.... at tsaka lahat naman tatanda ren... it wont' really matter later on 'ur life if what school u graduated to... ang mahalaga asan kah laterz... anoh ang nagawa moh sa edukasyon na meron kah... so 'unz... opinion koh lang 'un... parang kata lang at seryoso nang pagkasabi koh... wehe... pero love 'ur post... sarap magkuwento... and d' commercial.. love it.. kakaaliw... sige laterz... Godbless! -di
@Gillboard
Tama ka bro, nasa diskarte yan!
@Jee
Ganun ba hindi lahat aircon?oo totoong UP ang gustong puntahan ng mga estudyante kung may IQ kang above 120, pero kung average lang ang IQ mo at wala kang pera. yun na ang problema
@Dhianz
Kakatuwa ka naman, salamat sa komento mo!Kakataba ng puso ang sinabi mo
Ingat
Drake
Post a Comment