“First Impressions last”
Hindi ba medyo gasgas na gasgas na ang linyang yan at madalas nating marinig ang linyang ito kung saan saan. Hinuhusgahan ka na ayon sa unang impresyon sa iyo ng tao. Kaya naman gumawa ako ng sariling “survey” para malaman ko kung ano ang kanilang impresyon sa akin at ito na nga ang mga sumunod.
BANIDOSO
Hindi ko alam kung bakit akala ng iba ay masyado akong banidoso sa katawan. Kung bubulatlatin nyo ang aparador ko, ang makikita nyo lang ay deodorant (pampaalis tokpu), pabango at cotton buds. Hindi ako nageeskinol at lalong hindi ako nagchichichan-su tuwing gabi. Hindi na nga ako naghihilamos ng mukha bago matulog eh (pinagyabang pa!). Kaya kung sakaling makinis,mabuti at mukhang mabango ako ay dahil yan sa mga magulang ko (naks!). Kasalanan ko ba kung maganda ang lahi namin!Hahahaha! Mapuputi kasi kaming magkakapatid at hindi mabubuhok sa katawan kaya nakikinisan ang iba sa amin.
Kung sa pananamit ang pag-uusapan.,hindi naman ako nageepal magdamit para makahatak ng pansin ng ibang tao. Yung tipong gagayahin ang porma ng mga artista para lang magpakyut sa publiko ,sa akin kasi isang Polo Shirt lang okay na ako dun. Solb na, kyut na kasi ako eh kaya di ko na kailangan magdamit-artista!Hehehe!!(Kapal Peys!!)
MAYABANG
Ito ang madalas na unang impresyon sa akin ng tao. Hindi kasi ako palabati sa mga taong hindi ko naman kakilala. Kaya nga lagi akong sinasabihang “suplado”. Ayaw ko kasing mapahiya kung binati ko ang isang tao tapos hindi naman ako babatiin o ngingitian man lang. Baka lumaki ang ulo nya at isiping sikat sya at fan nya ako. Kaya iintayin ko na lang muna syang bumati saka ako babati sa kanya pagkatapos. Pero kung ayaw pa rin kitang ngitian pero nginitian mo ako, malamang masakit lang ang ipin ko o di kaya matatae na ako.
Madalas din kasi akong mag”shades” eh (kahit walang araw!), at medyo astig din kasi akong maglakad. Yung tipong parang laging nanghahamon ng away at parang may pigsa ang parehong kilikili. Hindi ko na kayang baguhin pa ang lakad ko kaya wala na akong magagawa at wala ng pakialaman, Hehehe. Yung pagshashades ko naman ay gamit ko pang surveillance ng mga magaganda at seksing babae para hindi ka mahalatang manyak.Hehehe .Kaya iyan tuloy maraming nayayabangan sa akin.
MASELAN
Lagi akong tinatanong ng mga kasamahan kong hindi ako gaanong kakilala ng “Ito pre kinakain mo?” sabay turo sa mga street foods. Pag sumagot naman ako ng “Oo naman pre?” sasagot naman sya “mukha ka kasing maselan eh?”.
Buwal ako dun!!! hindi ko maisip kung bakit nya nasabi yun, eh lahat naman kinakain ko kahit nga pagkaing mapapanis na o di kaya napag-swimmingan na ng bangaw kinakain ko pa. Maselan pa ba tawag dun? Kaya nag-iisip talaga ako kung bakit nila nasasabi yun dahil lahat naman kinakain ko pwera lang ang gulay (lahat daw oh??). Paborito ko ang sardinas at mahilig din ako sa isaw, balot, fishball, kikiam, tukneneng, kending nahulog sa lupa, piniritong palaka at ice cream nalagyan na ng sipon ko. Kaya alam ko di naman ako maselan.
MARAMING PERA
Akala nila marami akong pera pero sa totoo lang eh halos barya na lang an natitira sa wallet ko. Madalas akong sinasabihang “kuripot”. Pero di ba ang kuripot ay para lang sa taong may pera? Ako, ano ang ipagkukuripot ko eh wala nga akong pera. Pag pinapakita ko naman ang wallet ko sa kanila hindi sila naniniwala. Akala ata nila “piggy bank” ako, pero sa totoo lang mas mukha akong “piggy” kesa sa “bank”. Wala rin akong magic na kaya kong magpalitaw ng lipak lipak na salapi sa bulsa ko. Hindi nman ako magician makarisma lang (naisingit pa yun!!)
Palagay ko ang pagiging bulaksak ko sa pera ang dahilan, kasi galit ako sa pera pag may sweldo ako at inuubos ko agad!hahaha! Pero pag naubos na, galit naman ako sa sarili ko!hehehe! Ganun talaga!
MUKHANG MABAIT
Ganyan talaga pag mala-anghel ang hitsura mo. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto. Hindi ko alam baka mukha kasi akong uto uto kaya nila sinasabi yun. Pero kahit naman papaano ay nagamit ko yan pag gumagawa ako ng kalokohan. Yun tipong kahit ako ang may kasalanan, yung pa ring mukhang gago ang mapagbibintangan, kaya abswelto pa rin. Hehehe! Tulad ng minsang nilagyan ko ng babolgam ang upuan ng titser ko ng hayskul para makita ko lang kung anong kulay ng panty nya (o kung may suot syang panty). Pati na rin nung minsang ininom ko yung MILO at pinalitan ko ng ihi yung jug ng kaklase ko nung kinder pa ako.
Hindi rin nahahalata ang mga kagaguhan ko, kaya nagagamit ko ang aking mala-anghel na mukha (ehem) para mauto este mapaibig ang mga kababaihan. Kala kasi nila hindi ko sila lolokohin, eh akala lang nila yun, hahaha! Joke lang ! Minsan din madali kong nakukuha ang tiwala ang ibang tao. (Sori na lang sila myembro ako ng salisi at dugo-dugo gang limas sila.)
FEELING POGI
Yan ang akala ng marami sa akin, na ako ay laging nagpapakyut at punong puno ng kumpyansa sa sarili. Pero sa totoo lang malakas ang “inferiority complex” ko dulot ng mga karanasan ko noong bata. Dahil puro panlilibak at panlalait ang inabot ko noong bata pa ako. Kaya ganun na lang ang mga insecurities ko sa buhay ngayon lumaki na ako , hindi pa rin ako gaanong bilib sa sarili.
Pero yun nga, mababa nga ang kumpyansa ko sa sarili pero feeling pa rin ng ibang tao eh lagi akong nagpapakyut sa kanila. Aaminin ko hindi ako gwapo, mahina ang aking sex appeal, mapurol ang utak ko at higit sa lahat sinungaling ako!hehheeh!
Seriously, maraming naangasan sa akin dahil pag pinagsama mo ang ibat ibang impresyon sa akin na “Feeling pogi at mayabang” tyak pinapakulam na nila ako sa sobrang inis sa akin . Pero hindi ko hawak ang pag-iisip nila at hindi ko na kailangan pang patunayan sa kanila kung ano talaga ang tunay kong ugali.
Sa totoo lang, hindi natin hawak ang pag-iisip ng tao. Kahit ano pa ang ipakita natin ,hindi pa rin natin malalaman kung ano ang niisip ng ibang tao tungkol sa atin. Dati napaparanoid pa ako sa mga iniisip ng mga hinayupak na mga taong yan, pero naisip ko wala naman silang maitutulong sa buhay ko at hindi sila ang nagpapalamon sa akin. Hindi ko na kailangan pang iplease sila tutal isip nila yun eh. At hindi ko kailangan mabuhay sa mga iniisip nila.
Para sa akin ang mahalaga ay mabuhay ako ayon sa sarili kong paghuhusga at hindi sa paghuhusga ng iba. Hindi ko na kailangan ding patunayan o pabulaanan ang mga iniisip nila, hahayaan ko na lang sila ang makadiskubre nun. Sa huli ano pa man ang iniisip nila sa akin negatibo man o positibo ako pa rin ang may hawak ng buhay ko. At mabubuhay ako ayon sa sarili ko at hindi sa kanila.
Kaya ako hindi ako naniniwala sa “First Impression Lasts” gusto ng patunay, heto panoorin nyo:
Simple Kong Hiling Ngayong Pasko
-
Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo
pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa
Lo...
14 years ago
14 comments:
in short... mukha ka mayaman!!!
tama si kuya gillboard,kaya ka siguro napagkakamalang banidoso at maselan eh dahil mukha kang mayaman kuya,haha Ü
@gillboard at supejaid
Uhmmmm, hindi naman siguro! So far wala pa namang kumikidnap sa akin!hehehhe!
natawa naman ako sa video. sakto sa post mo a. :) re: first impressions, di ba, may ilang studies na ang nagsabi na the first few minutes of interaction predict and influence the kind of relationship you'll have with that person later on? at minsan kahit matagal na kayong nagkasama, may impluwensiya pa rin ang first impressions na yun sa pagkakakilala niya sa iyo. so may bearing pa rin siya.
pero tama ka, ang importante, hindi nagpapa-apekto o nagpapadikta sa perception ng ibang tao. :)
Stereotypes :| Hahahaha :)
haha astig yung video,
parang ako dn npagkakamalan sa mga sinabi mo,naks nakikigaya lang hehe
@moonsparks
mukhang may punto ka sa mga sinabi mo.hehehhe
@Jee
Sad to say ganito nga ang nangyayari sa lipunan natin stereotyping at branding
@Hari ng Sablay
uhmmm mukha nga pre hehehhe
hahaha.. astig yung video! :)) hehe.. banidoso ba? o balidoso? watever. RK k cguro! hahaha
@Kox
Banidoso kasi ingles nun vanity! Teka ano yung RK??
tumpak ang mayabang post mo. ganyan din kasi ako. di ako namamansin kung di ako inuunahan. haha. pa-importante. pero di ako nagshe-shades. 4-eyed si scud. mutant!
dumaan kami.
salamat sa pagbisita mo saamin,
balik ka ulit.
nga pala, pwede bang maging tropa tayo?
blita namin muka kang mayaman eh.. ehhee
haha tama si gillboard;
medyo nakikita ko ang sarili ko sa iyo liban lang sa ikaw ay maputi. hahaha
@Scud
Ganyan talaga tayong mga artista-suplado!hehehhe
@Binobogart
Pwedeng pwede
@Pablong Pabling
Oo nga medyo nakikita ko sa iyo ang sarili ko eh!hindi kaya kakambal kita?
Post a Comment