QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, December 27, 2010

PAYANIG SA PASIG 2010



Isang pagbabalik tanaw lamang sa mga nangyari sa akin ngayon 2010.
Aaminin kong napakaraming “Payanig sa Pasig” ang ginawa sa akin ni Papa Jesas ngayong taon, lalo na sa usaping “TRABAHO”. Alam nyo naman na hindi biro din ang pinagdaanan kong pangamba at pag-alala, at ito ang mga yun ;

1. Halos mawala ako sa ulirat ng malaman kong nag-alsa balutan ang boss ko ng bigla bigla at walang paalam. Ginulat na lang nya kami na wala na sya sa Saudi at bumalik na sa UK. Walang text, miss call, o kahit pasaload man lang, basta nagkagulatan na lang na wala na sya sa kumpanya.

2. Dahil sa panyayaring naganap sa itaas, halos 3 buwan akong hindi pinatulog dahil baka magbungkal ako ng lupa sa Pinas para magtanim ng kamoteng kahoy at singkamas. At dahil puyat ako, halos nabawasan ang aking kakyutan ng 40%.

3. Naghanap ako ng bagong trabaho, at awa naman ni Papa Jesas dininig nya ang dasal ko dahil pasok agad ako sa isang malaking kumpanya ng gatas (na pambata). Ang trabaho ko ay sa mag-extract ng gatas mula sa dalaga (Joke lang). Subalit dahil sa kaepalan ng kumpanya naming nagbebenta ng kotse na may tigreng lumulundag, hindi ako pinayagang lumipat. Pinamili ako: manatili sa kumpanya o umuwi sa pinas at magbenta ng fresh kong katawan. Syempre no choice kundi nanatili sa kumpanya. (Tanginis lang oh)

4. Dahil sa ganyang sitwasyon, muntik na akong uminom ng isang boteng valium (wow sosyal) para hindi na magising dahil sa labis na pag-alala at panghihinayang. At dahil din yan 2 buwan naman akong lutang ang utak hanggang sa lumabnaw na parang lugaw.

5. Mabait pa rin si Papa Jesas, dahil sa wakas pinayagan na ako ng putares na kumpanya na lumipat sa ibang kumpanya. Subalit pinili nila ang buwan na kung saan alanganin kang tanggapin (Ramadan yun), kumbaga para itong Mahal na Araw na mamalasin ka kapag tumanggap ka ng empleyado. Kaya kahit nagpasa na ako sa isang libong kumpanya ng aking CV sa paniniwalang “THE MORE ENTRIES YOU SEND, THE MORE CHANCES OF WINNING”. Eh wala tumawag sa akin kahit isa man lang . At halos isang buwan akong takot na takot dahil kung hindi malamang uuwi talaga ako sa Pilipinas.

6. At buti na lang sa huling araw ay marami ng tumawag (nalito pa nga ako eh! Naks! Kayabangan, hahaha) Kaya napunta ako ngayon dito sa bangko. Subalit nag-aalala pa rin ako kasi baka umepal na naman ang dati kong kumpanya at hatakin ako pabalik. Kaya halos 2 buwan din akong di nakatulog ng mahusay.

7. Sa wakas may bago na akong trabaho sa ngayon, subalit dahil sa layo ng trabaho ko sa dati kong bahay, halos mabuhay na ako sa loob ng taxi sa haba at tagal ng traffic. May bonus pang anghit ng Pakistaning driver plus surot, niknik at umaalingasaw sa antot ng taxi. At dahil dyan nangati ang buong katawan ko at halos galisin ako ng isang buwan. Buti na lang bumalik na muli ang aking mala SUTLAng balat ng lumipat na ako sa bago kong bahay.

8. Akala ko kuntento na sa pamumuwisit ang dati kong kumpanya, dahil hindi pala sila tapos. Dahil nung kukunin ko na and backpay ko (end of service benefits) dahil sa pagiging loyal sa kanila ng 5 years. Sa huli, hindi rin nila binigay ang pera ko. At kahit umutot pa daw ako ng sago hindi ko makukuha ang pera kong pwede nang pampatayo ng maliit na beerhouse. Kaya halos isumpa ko sila sa sobrang inis at bwisit. At kung ihahabla ko pa sila dahil dito, baka lalong masira ang taon ko kaya hinayaan ko na lang. Isang buwan din akong hindi pinatulog sa inis at bwisit sa dati kong kumpanya na yan.

Kaya kung susumahin nyo lahat halos buong taon akong hindi nakatulog ng mahusay, iniinis to the maximum level, at pinag-alala hanggang sa pumanget (meganun). Kaya sana naman next year maging maayos na ang aking buong taon. SANA……….

Maraming salamat mga KAUTAK, at HAPPY NEW YEAR!!!!!
DRAKE

Wednesday, December 22, 2010

DRAKE!,NAMAMASKO PO!!



Huwatt!!!!Pasko na! Nakamputcha, wala man lang magbibigay sa akin ng regalo! Kainis!


Sensya na nga pala kung emu-emohan ako, syempre pasikat lang. Nga pala dahil magpapasko na, ikukuwento na rin dito ang nangyari sa akin Last Christmas .Yun kasi ang kauna-unahang kong pasko sa Pilipinas simula ng nag-abroad ako. Mga apat na pasko rin kasi akong di nakauwi, at iyon ang kauna-unahan kong magpasko sa atin ng…............…may pera (ng slight lang naman).

So katulad ng sinabi ko, medyo namiss ko ang Pasko sa atin, kaya naman excited akong bumili ng pamaskong damit sa SM. Kailangang mangamoy gaas ako sa pagkabago ng damit at isusuot ko sya sa araw mismo ng pasko. Dahil ako rin ay isang panauhing pandangal ng aming pamilya, syempre ako ang bida sa pamilya, kaya naman ako ang........... gumastos ng lahat! Joke lang! Nakakatuwa nga dahil nag-iipon pala sila ng pera para sa pag-uwi ko hindi ako gumastos ng malaki sa pasko at Noche Buena. Ako’y tats na tats talaga, pramis! Hanggang burnik natats nila ako. Pero sa huli napagastos din ako. Hahahha!


At katulad ng inaasahan, sandamakmak na bata at tao ang dumating sa aming bahay. Syempre nakakahiya naming hingin agad ang Aguinaldo di ba? So kumakain naman sila kahit konti para hindi halata. Pero yung isang bata, hindi kinaya yung suman na kinain dahil pagkasubo, nagsuka agad. Panay kain pala sya bago hingin yung Aguinaldo. IYan ang ISTAYLl!!


Punung puno din ang simbahan sa huling gabi ng simbang gabi (paulet-ulet??). At tulad ng inaasahan, nagsimba ang iba para mag ……..dyaran……..FASHION SHOW! Syempre pagkakataon nila itong pumorma at isuot ang mga nauusong damit ngayon. At mistulang SOGO Hotel ang simbahan sa dami ng naglalampungang magkasintahan sa may gilid, sulok, singit at alulod ng simbahan. Mistula rin itong daycare center sa dami ng nagiiyakang mga bata. Nagpapatinisan pa ng boses. At ang nakaasar pa, yung mga sapatos nila may tumutunog tunog pa!


Masaya ang notche Buena namin, kasi may videoke, pizza, prutas, hamon, keso de bola at “the bar” (letche ang mahal ng champagne). Medyo gumising pa kami ng 12 am para lang lumamon at intayin ang unang Segundo ng pasko. After nun parang binagyo ang mesa dahil naubos sa isang iglap ang mga pagkain (timawa??)


At ,dahil ako ay isnag balikbayan, nagmistula akong si….Santa Claus na gumwapo (may gwapo pa talaga??). Ibig sabihin nun obligado akong mamigay ng regalo, Aguinaldo o pasalubong sa mga kamag-anak ko. Medyo malaki laki din ang napakawalan kong pera ng ganun ganun lang lalo pat choosy na ang mga bata ngayon at hindi na sila tumatanggap ng bente pesos . At lalong mas choosy ang mga tyahin/tyuhin ko, dahil ayaw nila ng hindi imported (Tae lang oh!). Pero kahit medyo naubos ang pera ko noon, sulit naman talaga ang pasko ko noong 2009.


Hays, ayokong malungkot ngayong Pasko, pramis. Dati sanay na akong magpasko sa Saudi, pero iba nga talaga ang pasko sa atin. Kala ko makakasanayan ko ito, pero parang hindi eh! At aaminin ko naiingit ako sa mga kakilala kong uuwi ngayon pasko.


Kayo musta Pasko nyo?Inggitin nyo naman ako oh!


MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT.

Wednesday, December 8, 2010

DRAKE KULA

Drama na kung drama, pero hayaan nyo na muna ako.

Sa unang pagkakataon hayaan nyong ipakita ko ang picture ni DRAKE KULA.



Minsan iniisip ko, bakit ba nakapaka-unfair ng mundo? Aminin natin o hindi, minsan nagdo-“double standard “ tayo, lalo na siguro kung sa hitsura o mukha ang pagbabasehan. Nahuhusgahan natin ang isang tao ayon lamang sa kanyang hitsura at panlabas na kaanyuan.
Mahirap nga pala na nagsimula ang buhay mo sa panlalait at panlilibak sa iyo dahil sa iyong hitsura. O di kaya dahil kakaiba ka kumpara sa iba.



Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin yan, kahit na anong gawing iwas hindi pa rin ako pinapatahimik ng aking mga “ insecurities” pagdating sa hitsura. Madali pa rin akong masaktan at maapektuhan. Marahil dala ito ng aking pagkabata, at hanggang ngayon ay tila naging parte na ito ng aking paglaki.




Naalala ko pa noon, sikat na sikat ang kuya sa mga babae. Madalas, syang makatanggap ng mga sulat mula sa mga kaklase nyang babae. Mga sulat ng paghanga dahil sa kanyang tindig, hitsura at porma. Madalas syang kinukuhang konsorte sa mga Santacruzan, naging Mr. JS sa aming eskwelahan . Tinitilian ng mga kababaihan dahil sa angking kakisigan. Madalas kapag nakikita ako ng mga babaeng may “crush” sa kanya, lagi akong tinatanong “ Kapatid mo ba talaga si Leo??”, na tila may halong pagtataka at pagkagulat. Kasunod ang malulutong na halakhak at tawanan.



Inggit na inggit ako kay kuya, dahil paborito din sya ng nanay. Inggit ako sa kanya, dahil lahat ng tao pinupuri sya. Lahat sila gusto sya, sya lagi ang bida at sya lagi ang nangunguna. Sa aking pakiwari nakikipagkumpetensya ako sa kanya, at kahit ano pa ang aking gawin parang hindi ko magawang manalo sa kanya.



Karamihan sa aking mga kapatid mapuputi, matatalino, kinatutuwaan at kinagigiliwan. Madalas akong magpasikat noon, subalit sa huli wala namang pumapansin sa akin. Tampulan din ng tukso dahil sa bungi-bungi kong ngipin. Madalas laitin dahil sa kulay-uling kong balat. Lagi ring binabatuk-batukan, kinukutusan at inuutusan dahil maliit ako kumpara sa aking mga kaedaran. Kaya lagi akong nasa unahan ng pila. Lahat sila pakiwari ko lagi silang nagtatawa sa akin. Lahat sila tingin ko laging may sinasabing pangit tungkol sa akin.



Sa pamilya, madalas akong tuksuhing “UNYO”. Dahil kamukha ko daw ‘yung kapitbahay naming may nakakatuwang hitsura. Madalas din sabihang “ampon” lang daw, pinalait sa ospital o anak daw ng kamag-anak naming may kakulangan sa pag-iisip.



Lumaki akong mababa ang kumpanysa sa aking sarili. Madalas natatakot sa iniisip ng ibang tao sa akin, dahil pakiwari’y puro mga di magagandang bagay ang maririnig ko mula sa kanila. At pakiramdam di’y lagi nila akong pinagtatawanan.



Hindi ko magawang manligaw noon, dahil sa aking tingin wala namang magkakagusto sa akin. Hindi rin ako nagkaroon ng barkada noong elementary at highschool. Dahil hindi naman ako gaanong nakikipagkaibigan dahil baka hindi nila ako magustuhan. Madalas mas gusto ko pang mag-isa, at kausapin na lang ang aking sarili. Takot ako sa tao, takot ako sa iniisip ng iba sa akin, at takot akong sabihan ng hindi magagandang bagay tungkol sa akin, takot akong pagtawanan at takot akong laitin.
Parang umaalingawngaw ang mga tawanan at halakhakan nila sa akin. Nabibingi ako sa mga tingin na may panghuhusga at panlilibak. Bakit ba parang natutuwa silang pinagtatawanan nila ako? Bakit ba kailangang laitin nila ako? Hindi ko alam pero ganito ang lagi kong nararamdam hanggang sa ngayon. Iniisip kung ano ang iniisip ng ibang tao sa akin.



Subalit sa pagdaan ng panahon, nakuha ko na ring tanggapin na lang ang lahat. Amining marahil nga lagi akong talunan sa ibang bagay. Marahil, marami nga talaga akong di magagandang katangian, o maaari rin na talagang katawa-tawa ang aking hitsura. Ayaw ko nang mabuhay sa iniiisip ng ibang tao sa akin, at ituon ang pansin sa mga taong nakakaintindi at nagmamahal sa akin.



Sa ngayon, sa tuwing may pumupuri sa mga bagay na aking nagawa. Tila nahihiya dahil hindi ako sanay na may nakaka-appreciate sa akin. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. Hindi ko mawari kung ito ba’y katotohanan o isang pabalat lamang dahil baka sa likod ng mga papuring ito ay mga panlalait at pagtawa.

Para sa iba, tila isang simpleng bagay lamang ang mga ito. Madaling kalimutan at madaling solusyunan. Pero sa tulad kong naging parte ng buhay ang panlilibak at panlalait, tila isang malaking bagay ito na hindi madaling solusyunan. Mahirap malunasan kapag ang kalaban mo ay walang iba kundi ang iyong……sarili. Isa itong sakit na sikolohikal, na walang ibang pwedeng gumamot kundi ang aking sarili din.



Wag na tayong magpaka-ipokorito, nabubuhay tayo sa mundong mas mahalaga ang nakikita ng mata kaysa ng puso. Aminin natin mas unang nakikita natin ang hitsura kaysa sa ugali ng isang tao. Nahuhusgahan ang isang tao batay sa kanyang pisikal na kaanyuan.



Sabi nga ng karamihan na kapag maganda o gwapo ka at panget ang ugali mo,sasabihin nila…” uyyy! suplada/suplado mo naman” o “di kaya palibhasa alam nyang maganda/ gwapo sya”. Kung maganda/gwapo ka at maganda rin ang ugali mo, sasabihin ng tao “parang namang anghel yun”. SUBALIT kung panget ka at maganda naman ang ugali mo, sasabihin ng iba…”Aba, dapat lang na mabait sya”. At kung panget ka na at panget pa ang ugali mo malamang sinasabihan ka ng “Putangina, ang kapal ng mukha mo!!”. Isang mapait na katotohanan na hindi natin pwedeng pasubalian.



Ang kagandahan o kagwapuhan ay nawawala rin sa pagdaan ng panahon. Subalit tanggapin natin na hanggat nabubuhay tayo sa mundong tila isang malaking bagay ang kagandahan at kagwapuhan. Na kung saan mabenta ang produktong pampaganda at pampagwapo. Na kung saan sinusubukang pigilan ng syensya ang pagtanda, at ginamit naman ang teknolohiya para mabago o pagandahin ang mukha /katawan na kaloob ng Dyos para sa pansariling kaligayahan .


Mananatili tayong PRESO ng mapanghusgang MUNDONG ito. Mundo na kung saan nababase ang pagtanggap ng tao sa kanyang nakikita at ginagamit ang mata sa napakaababaw na paraan.
Hindi ko alam kung kailan ako makaalpas at makaalis sa BILANGGUANG ito. Wala rin akong ideya kung mapapalaya ko pa ang sarili ko sa aking mga kaisipang ito. Pero mahirap man makaalis dito pipilitin kong makatakas sa pampanghusgang MUNDONG ITO. Mahirap at matagal subalit……………… SUSUBUKAN ko.



Iyon lamang po at maraming salamat.


DRAKE

Thursday, November 25, 2010

TRACK



Kahapon nag jogging ako kasama ang kasambahay ko dito sa Saudi. Medyo may edad na rin sya, kasing edad ng tatay ko. At habang nag-jogging kami bigla nya akong tinanong.


“Ilang taon ka nung nagpunta ng Saudi”, tanong ni kuya sa akin


“23 years old po! Kaya po 5 years na po ako dito”, sagot ko naman sa kanya


“Ang bata mo naman palang nag-abroad! Hindi ka ba nagsisisi na bata at binata ka pa ay nandito ka na sa Saudi?” , sunod nyang tanong sa akin.


Noong mga panahon na iyon, bigla akong napatigil sa pagtakbo at nag-isip ng matagal. Tinanong ko ang aking sarili ….. “Nagsisisi nga ba ako dahil maaga akong nag-abroad??”


Nagsisisi??? Hindi naman siguro. Pero sa totoo lang naisip ko, siguro nga ang dami kong na “give-up” nung nag-abroad ako. Aaminin ko naiingit ako sa mga kaibigan at kakilala kong nasa Pilipinas, dahil na-eenjoy nila ang sari-sarili nilang mga buhay. Walang mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat. Naiingit ako sa kanila, na nagagawa nilang kumain sa labas na magkakasama, pumunta sa mall para mamili kapag “Megasale”. Manood ng sine kapag may bagong labas na pelikula . Asamin ang araw ng akinse at atrenta, magliwaliw sa araw ng sahod at pumunta sa mga lugar na hindi pa napupuntahan.


Gusto kong magkaroon ng mga barkada sa opisina, gusto kong maranasang maghanda ng “number” sa mga Christmas Party o sumama sa mga “Company Outings”. Gusto kong masabik tuwing holidays at special non-working day. Uminom ng malamig na beer kasama ang mga kaopisina na tulad ko ring may sentimyento tungkol kumpanya. At higit sa lahat gusto kong makasama ang pamilya ko tuwing hapunan at tuwing araw ng Sabado at Linggo. Dahil lumilipas ang panahon na hindi ko yan nagagawa, at nadagdagan ang edad ko na hindi ko man lang nararanasan ang mga iyan.


Mahirap at malungkot, yan ang masasabi ko. Ang buhay sa Saudi, simple at parang walang buhay. Karamihan sa mga kasamahan kong pinoy dito ay mga nakakatanda sa akin at puros may mga pamilya na.Wala man lang akong makabarkada at makasama man lang sa asaran, kalokohan at ienjoy ang buhay binata.


Walang sinehan, walang lugar na malaya kang magkakapagsaya o di kaya makapagrelax man lang dito sa Saudi. Nakakasawa na ring magkape, mag-internet at manood ng TFC. Pagkatapos ng araw ng trabaho, uuwi ka sa bahay at matutulog na lang. Pagkasweldo, didiretso ka na sa mga Remittance Center para magpadala ng pera. Matatapos ang araw mo ng paulit-ulit at sisimulan mo naman ito ng katulad ng nakasanayan mo rin sa umaga. Walang bago, walang pagkakaiba, pauulit-ulit at nakakasawa na.


“Hoy, di mo sinagot ang tanong ko”. Biglang binasag ni Kuya ang malalim kong pag-iisip.
“Ah!! Uhmmmmmm di naman po ako nagsisisi kuya! Ganun nga talaga siguro ang buhay, May kailangan kang isakripisyo at hindi pwedeng pareho mong makukuha ang gusto mo. Ako kuya, kailangan ko kasing magsakripisyo para sa pamilya ko, katumbas man nito ang personal kong kaligayahan at maging ng aking kabataan. Malungkot man at mahirap, pero kailangan kong tanggapin,kasi desisyon ko ito sa buhay . At desisyon ko na magsakripisyo para sa kanila”, pangangatal na sagot ko kay kuya, sabay iwas ng tingin sa kanya.


Sabi nila, pinamasarap na buhay ang nasa edad 21-30 taon. Dahil tapos ka na sa pag-aaral, at kumikita ka na para sa sarili mo. Ineenjoy ang buhay binata/dalaga na walang gaanong inaalala sa buhay. Malayang gawin ang naisin, at malasap ang buhay na malayo sa responsibilidad. Minsan ka lang dadaan sa yugto na yan ng buhay mo at hindi ka na ulit makakabalik sa nakaraan para maranasang mong muli ang mga bagay na iyan.


Ako, hindi ko na nga siguro mararanasan pa ang mga ito. Marahil, wala na rin akong magagawa tungkol dyan, at kailangang tanggapin ang mabigat na responsibilidad na nakaatang sa aking mga balikat. Ang tanging nagpapasaya sa akin sa ngayon ay ang mga naitulong ko sa aking pamilya. Nawalan man ako ng panahon na gawin ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng mga kaedaran ko, nagawa ko namang gamitin ang oportunidad na mayroon ako sa ngayon para makatulong ng malaki para sa pamilya ko at baguhin ang buhay naming. Sapat na sa akin iyon.


“Ano tigil muna tayo, medyo pagod na ako eh, malayo pa ang dulo nito” yaya ni Kuya sa akin.


“Kayo na lang po muna kuya, tatapusin ko itong “track”, pipilitin kong marating ang dulo nito, kuya” tugon ko sa kanya.


Iniwan ko si kuya habang tinatakbo ng matulin ang daan patungo sa dulo. Hindi ko na kailangan lumingon pa , para tingnan ang mga natakbo ko na. Baka mapagod lang ako kapag nalaman kong malayo na rin pala ang naitakbo at nailakad ko. Itutuon ko na lang ang pansin na maabot ang dulo ng “track”, tumakbo ng matulin at gamitin ang naipong lakas para pagdating sa dulo at magawa ko na ring magpahinga at maging masaya para sa sarili ko. Alam kong mararating ko rin ang dulo nito. Basta kaya ko ito……………. at handa kong tapusin ang “TRACK” na ito.


Yun lamang po at maraming salamat
DRAKE

Thursday, November 18, 2010

WACKY PIC CONTEST WINNERS


Sorry naman halos isang linggo akong nawala, bukod sa medyo busy ako sa pagpapabulok ng aking mata kakatulog dahil nga 9 days kaming walang pasok (Eid Holiday) eh abala din ako sa pagpapalaki ng TI……….YAN.

Kaya narito uli ako at nagbabalik dahil naipangako ko na i-aanounce ko dito kung sino ang nanalo sa WACKY PIC CONTEST. Akala nyo kasi biro biro lang yun eh, pero TOTOO kaya yun!

Maraming salamat din sa mga nagcomment at bumati sa akin, di nyo lang alam kung gaano nyo ako pinasaya. Abot hanggang eardrums ang ngiti ko dahil sa pagbibigay ng time sa pagpapadala ng pic.

Teka, alam nyo medyo malungkot ako ngayon kasi di ako makakauwi sa pinas para magpasko sa atin. Dahil kalilipat ko lang sa bago kong kumpanya, eh hindi pwedeng agad-agad akong magbakasyon. Kahit na pabibo at pakitang-epal ako sa trabaho, hindi pa rin sapat yun dahil kakahiya namang maghingi agad ng pabor. Kaya papalipasin ko muna ang ilang buwan, saka ako uuwi, kaya malamang mga MARCH,2011 yun. Medyo namimiss ko rin ang bibingkang lasang pancake, simbang gabi na maraming nag-iiyakang bata at nagliligawan, noche buena at kung ano ano pang tungkol sa pasko. Nagsimula na rin akong magpatugtog ng mga kantang pamasko dito, pero mas lalo lang akong nahohomesick. Eh pasalamat na rin naman ako kasi last year nakapagpasko naman ako sa atin. At aaminin kong tumaba ako kakalamon ng baboy at kakainom ng alak (eh sabik eh)

Oopppssss, sige saka na nga lang yan balik na tayo sa WACKY PIC CONTEST ko. Tulad ng napag-usapan, heto ang premyo ko.

Dyaran……..

LACOSTE-ESSENTIAL PERFUME/COLOGNE (hindi ito mismo, akin to eh!heheh! syempre bago yung ipapadala ko)

Yan kasi ang paborito kong pabango, at natural mente na dapat lang na espesyal din ang papremyo sa mananalo.

At sino ang nanalo………..

HANDA NA BA KAYO.....................

HETO NA!!!!!!

ICLICK NYO TO: PARA MALAMAN MO KUNG SINO ANG NANALO

Sa nanalo CONGRATULATIONS!!! Kung sakaling hindi ko maipadala dyan sa Pilipinas, paki-intay ang pag-uwi ko!Hahahah! sensya naman nandito kaya ako sa Disyerto ng mga PUTOK

Teka bakit nga pala sya ang nanalo, hindi dahil sa tinatakot at pinagbantaan nya ako. Hindi din dahil kaibigan ko sya at lagi kong kausap yan sa YM. Hindi yun ang dahilan, pramis!hehehhe! Kaya sya nanalo eh dahil kahit pumanget sya (naks parang pogi dati), eh talagang okay lang mabigyan lang nya ako ng WACKY PIC.

Kaya sa iyo kuya……CONGRATULATIONS!!!!

Narito din nga pala ang iba pang nanalo

2nd Runner Up – umefort talaga, at kumuha pa ng kakuntsaba!

3rd Runner Up – kyut kasi sya dito eh!h

Sa inyo, maraming maraming salamat!Ano ang premyo??? ano pa kundi PALAKPAKAN!hehehe! Hayaan mo isip pa ako! Sa inyo dalawa, sana mameet ko kayo soon para magpa-authograph!

Sa iba pang nagpadala, hindi man kayo nanalo sa contest eh nanalo naman kayo sa puso ko! NAKS YUN YON EH! At umaasa ako na makikita ko kayo sa personal, para mapasalamatan (at ilibre , parang tunay ah!). Next year sali uli kayo ha! Maraming maraming salamat talaga sa inyo, sobra nyo akong NAPASAYA! Alam ko naman na kaya kayo nagpadala ay hindi dahil sa premyo kundi dahil MAHAL NYO AKO!heheheh

Ingat at maraming salamat uli

DRAKE




Friday, November 12, 2010

WACKY PIC & BDAY GREETINGS

Maraming salamat sa lahat ng bumati at nagpadala ng kanilang pic nung birthday ko. Nakakatuwa lang na yung mga taong talagang inaasahan kong magbigay ng kanilang mga wacky pic eh talagang nagpadala sa akin. Ito talagang mga taong ito ang tagasubaybay ko at loyal followers ko. Naks

Ayaw ko na munang patagalin ang kwento, saka ko na lang ikukuwento dito yung birthday celebration ko. At tungkol naman sa pakontes ko. Mayroon nanalong tatlong bloggers. At ang first prize nga pala sa nanalo sa WACKY PIC CONTEST ko ay isang….....malaking tenk you!hahahaha! (joke lang). Saka ko na lang sasabihin ang prize pati yung nanalo sa next update ko!

Basta heto muna ang video. At maraming maraming salamat talaga sa nagpadala. Sa mga hindi nagpadala……..TANDAAN NYO YAN! Hahahah! Joke lang! Tenks pa rin!

Heto na po ang video:







Heto rin nga pala yung pinadalang pic ni KIKILABOTZ, akala ko nga nakilimutan na nya, (nangako kasi sya sa akin hahah). Medyo tampo na sana ako dahil wala ngang pinadala pero ang dahilan pala kaya di ko natanggap eh dahil sa ibang email address nya pinadala yung pic nya (nahalata tuloy di nagbabasa ng instruction at nagskiskip read!LOLS!Joke lang pre).



Pero brod maraming maraming salamat sa pic na ito (see special mention ka pa dito). MARAMING MARAMING SALAMAT ULI!






At kay Ayie aka PIPS aka PIPAY aka Angelu look alike, hindi hindi kita makakalimutan dahil kinalimutan mo ako. HAHAHAH! Tinext pa man din kita, nagcomment pa ako sa facebook mo, kinulit pa, pero ni anino o kahit picture ng camel,wala. As in WALA!! Eh gusto ko sanang magtampo pero sige OKAY na nga din! Salamat na lang, bawi ka next year!

INGAT PALAGI


Drake

Wednesday, November 3, 2010

MALAPIT NA BIRTHDAY KO



Una sa lahat nagpapasalamat ako sa mga nagpadala na ng kanilang “WACKY PIC” bilang regalo sa bday ko, at para sa mga hindi pa nagpapadala, eh pinapaalala ko sa inyo malapit na ang deadline …..sa November 8 na! Kaya magpadala na baka malay mo ikaw ang manalo ng isang kilong GOLD. Hahhaha! ito uli ang email ad ko drake_kula@yahoo.com

Sa totoo lang ako yung klase ng tao na hindi masyadong nag-iisip tungkol sa kanyang bday. Para sa akin isa lang syang ordinaryong araw gaya ng karaniwan. Aaminin ko naman kasi bihira may magsurprise sa akin tuwing bday ko. Walang party, walang special tribute at walang kung ano-ano. Siguro dahil…WALA naman ako sa buhay nila (naks kadramahan!heheh)

Natuwa ako last year kasi may isang blogistang nagpadala ng “CAKE” (hindi ko na babanggitin kung sino dahil artista daw sya). At iyon ang kauna-unahan kong cake na natanggap simula na lumabas ako sa mundong ibabaw na ito. At iyon din ang kauna-unahang cake na umihip ako ng kandila at nag WISH

Sobrang TATS din ako at sobrang saya dahil marami ang nagpadala ng pic greetings nun kahit medyo bago pala akong nakikipagkaibigan sa blog. Kaya natutuwa din ako kasi karamihan sa nagpadala noon eh sila pa rin ang nagpadala ngayon. (katibayan lang yan na kay tatanda na nila eh nagbablog pa!Joke lang)

Naalala ko pa nung elementary pa ako, karamihan kasi sa mga kaklase ko may mga party-party. Yung tipong kahit maputlang spaghetti at tinapay na may konti chizwiz lang ang handa eh solb solb na. Inggit na inggit ako sa kanila at iniisip ko na sana ako din may ganun. Alam kong hindi ako magkakaroon ng party dahil wala naman kaming pera. Kaya ang ginawa ko nag-ipon na lang ako, naglalakad pauwi at hindi ako kumakain tuwing recess para naman kahit paano may pambili ako ng handa. At dahil alam kong abala ang nanay sa mga gawaing bahay, hindi ko na rin sya kinulit na ipaghanda ako ng pansit o kahit bilo-bilo (o ginataang halo-halo). Kaya naman nung dumating na ang araw ng bday ko, niyaya ko yung mga kaibigan at kaklase ko sa bahay. At pagkatapos bumili ako ng tingi-tinging peanut butter at mumurahing monay. Bumili rin ako ng SUNNY ORANGE para sa juice. Sa akin masaya na ako na may nagpunta sa bday ko kahit simple lang ang handa.

Habang masaya kami noon at nanonood ng paborito naming palabas sa TV, nagulat na lang ako na dumating ang kumare ng nanay at kukunin na raw nya yung TVng sinanla namin, kaya hayun nakita ng lahat ng kaklase ko na kinukuha yung TV namin. Tapos tanong sila ng tanong pero wala akong maisagot kasi napahiya na ako noon saka di ko naman alam na sinanla pala yun ng nanay. Kaya simula noon, hindi na rin ako nang-yaya ng mga kaibigan ko sa bahay. At mula din na yun, sa tuwing sasapit ang bday ko, para akong napapahiya na hindi ko mawari
Naks, kay drama noh!Hehhee!

Pero tulad ng sinabi ko, hindi naman ako nag-aasam ng kung ano pa man sa bday ko. Kung maalala nyo ako, salamat. Kung hindi, salamat din. Sino ba naman si Drake para pag-aksayahan ng panahon para batiin!Naks!

Basta maraming salamat sa walang sawang pagsubaybay sa mga walang kwenta kong sulatin. Hindi ko man kayo mailibre sa bday ko, eh alam kong……..naniintay kayo ng libre!hahaha!

Hayaan nyo babawi ako pag-uwi ko ng pinas!

Ingat mga KAUTAK!!!

Sunday, October 24, 2010

Ano Balita???


Sorry naman at madalang akong mag-update ng blog ko ngayon. Medyo stressful talaga ang trabaho ngayon unlike dati hindi talaga. Ngayon pang medyo naglilipat na muli ako ng bahay lalong naging abala ako sa mga bagay bagay.

Una muna, gusto ko sanang ipaalala yung sa WACKY PIC na hinihingi ko bday ko!!! Maraming salamat nga pala sa nagpadala ng pic alam kong pagpapalain talaga kayo ni Papa Jesas, at sa mga hindi pa nagpapadala……NAMANNNNN!!! Padala na kayo, dali!!

Sa loob ng isang buwan, medyo hindi ganun kadali sa akin ang buhay, baket?? Dahil sa pukanenang traffic na yan. PUTARAGIS talaga, kasi ang 20 minutes na byahe pag walang traffic eh umaabot ng 2 oras! Syet talaga nakakapanginig laman.

Malalaki ang kalsada ng Saudi kumpara sa Pinas, at walang mga epal na bus na naghahari-harian sa daan. Wala din mga dyip, sidewalk vendor, pink urinal o kung ano ano pang maging sagabal sa mga byahero. Ang dahilan kung bakit traffic ay dahil…....ubod sa dami na ng sasakyan meron dito sa Saudi. (Mura kasi nga ang sasakyan dito)

Dito madali mong malaman kung pinoy ang may-ari ng kotse. Paano mo malalaman? basta humanap ka lang ng stuff toys o unan sa likod ng kotse at may kung ano anong palawit naman sa harap.Asahan mo pinoy ang may-ari nun. Atisa pa, tanging pinoy lamang din na pilit pinapaganda ang kotseng alam mong napag-iwanan na ni Yamasita. Hehehhe!

Okay balik tayo sa kwento ko, so hayun na nga 8:30AM ang pasok ko pero umalis ako ng 6:30AM dahil sa pukanenang traffic na yan, at ano ang ibig sabihin nun? Ano pa kundi isa akong unggong puyat na kailangan gumising ng 5:30AM. Hindi ako sanay gumising ng ganyan lalo pat alam ko namang hindi naman ganun kalayo ang opisina sa bahay ko. Kaya nakakapanginig laman talaga. At pag mamalasin ka pa naman, masasakay ka pa sa isang taxi na tila nakakadiring upuan dahil baka nag-fi-field trip ang mga surot doon. Malas malasan mo pa, pag pasok mo ng taxi, isang Pakistaning may ubod sa lakas na putok ang pwedeng sumuntok at gumising sa iyo sa umaga (di mo na kailangang magkape). Syet talaga!!! Hindi pa kasama ang mala-poso negrong amoy sa tuwing nagsasalita dahil nga bagong gising. See paano ka ba naming gaganahang pumasok sa umaga nyan. Bukod pa sa gumagastos ako 700 pesos (converted na) araw-araw para lang sa pamasahe. Isipin nyo nga yun! Grabe ang sakit sa gums!!

Kaya by next week lilipat na ako sa bagong bahay. Medyo mahirap ang maglipat lalo pat mag-isa lang akong naglilipat, pero kailangan talaga kasi kung hindi pa ako lilipat, baka pamahayan na ng surot ang pwet ko, baka maimmune na ako sa baho, at higit sa lahat mamulubi dahil sa laki ng pamasahe.

Haysssss! That’s life!! (naks)

Kaya para pasayahin nyo naman ako sa bday ko, magpadala na kayo ng wacky pic nyo. Sige na! Pabertdey nyo na yan sa akin. Inuulit ko sa November 8 na ang deadline at ipadala nyo dito sa drake_kula@yahoo.com.

Yun lang mga kautak nag-update lang ako at nagpapaalala sa inyo! Miss ko na kayo eh!Ano na ba balita sa inyo???

Ingat

Monday, October 11, 2010

Psssssttttttttt Mga Kautak............... (REVISITED)




Dear Kautak,

Kamusta na kayo? Pasensya na at medyo busy ang inyong lingkod nitong mga nakaraang lingo. Medyo alam nyo na pabibo pa muna kasi nasa “probation period” pa ako ngayon. Baka kung hindi ako magpasikat sa boss ko , malamang sa pagbebenta ng laman ang kababagsakan ko nito (laman ng baboy o baka yun, tange!)

Kaya sumulat ako sa inyo ngayon ay para ipaalala sa inyo na sa susunod na buwan ay magdidiwang ako ng ika-21 kong kaarawan (mamatay na ang umangal). Alam nyo naman na nung isang taon, napakaespesyal na kaarawan ko yun dahil dalawang wish ko ang natupad. Una, ang daming bumati sa akin ng happy birthday sa pamamagitan ng kanilang creative na “picture greetings” at ang ikalawa ay naka-ihip na rin ako ng kandila sa ibabaw ng cake ( hindi tulad ng dati sa ibabaw ng bibingka).

Ito ang link nun: POGI MO TALAGA DRAKE

Pero hindi ako manghihingi ng “picture greetings” sa inyo pramis. Medyo syempre gusto ko naman ng kakaiba at astig. Saka ayaw ko na ng hirap na hirap kayo kakaisip kung ano ang gagawin nyong mga pautot para bumati lang.

Simpleng simple lang ang hihingin ko sa inyo……..uhhhmmm….bigyan nyo ako ng pera. (JOKE). Bale ganito, bigyan nyo ako ng wacky picture nyo, o pinakamagandang picture nyo, o kahit pinakapanget na picture nyo. O kung ayaw nyo talagang magpakilala, kahit pictures na pina photoshop. Basta padala kayo ng pictures kahit ano, kahit anong porma. Picture noong bata pa kayo, picture nyo nung nagpatuli kayo, picture ng una kayong nakaapak sa Luneta, at kung ano ano pa . Basta kahit anong pictures padala kayo at may supresa ako para sa lahat ng magpapadala. Please din po, wag naman kayong magpadala ng picture ni mickey mouse, bundok, aso, puso, isla, litrato ni Angel Locsin o Dingdong Dantes, pulitiko at kung sino sino pa. Basta kayo at kung ayaw nyo namang ma-expose ang kagwapuhan o kagandahan nyo okay lang ang tinakpan ng dyaryo ang mukha, blurred, itinago ang ulo sa buhanginan, nakabalandra ang kamay sa mukha, kuyukot lang ang kita, anit lang ang naaninag o kahit putol pa ang ulo, basta ang mahalaga KAYO yun.
MAS WACKY MAS MAGANDA, YUNG PINAKAKWELANG O NAKAKATAWANG PICTURE NYO ANG IPADALA NYO!
AT ANG PINAKAWACKY O NAKAKATAWANG PICTURE (NA MUKHA NYO MISMO) MAY PREMYO. (ipapadala ko sa address nyo mismo ang premyo, PRAMIS)
Ang premyo ay maaring................
a) 24k na ginto
b) camel
c) arabong may anghit
d) magic carpet
e) ksa whitening cream
f) jovan perfume
g) SUPRISE!!!!!Bold

Pangako walang babuyan ng pictures ng may pictures. Huwag kayong matakot magpadala at wag nyong isipin na ibebenta ko kayo o pagpapantasyahan ko ang mga pictures nyo (pwede rin,Why not?). Pramis walang babuyan ng pictures. Birthday ko naman kaya pagbigyan nyo na ako.
Ipadala nyo dito drake_kula@yahoo.com ipadala nyo before November 8,2010 dahil November 10 ang bday ko (ayon sa hula, swerte daw ang isinilang sa araw na ito)
MORE ENTRIES YOU SEND MORE CHANCES OF WINNING!!!! SALI NA!!

Para sa mga kaibigan ko sa facebook paki tag na lang ako sa picture na gusto nyong ipadala sa akin at ako ng bahala dun.

Iintayin ko ang pictures nyo mga kautak.

Nagmamahal,

DRAKE KULA

Saturday, September 25, 2010

KARANASAN KO SA MRT


Madalas akong sumakay ng MRT noong nasa pinas pa ako, dahil ito na ang pinakamabilis na paraan para makaikot-ikot sa Quezon City na hindi tinubuan ng ugat dahil sa traffic. Kaya naman kapag uuwi ako sa pinas lagi pa rin akong sumasakay dyan sa MRT, hindi lang dahil sa namimiss ko sya kundi dahil nagtitipid ako at nauubusan na ako ng pera.

Noong nakaraang uwi ko sa pinas, may tatlong karanasan ako sa MRT ang ikukuwento ko ngayon, dahil ngayon ko lang din naalala.

SCENE NO.1


Rush hour noon at Sabado pa. Kagagaling ko lang sa ES-EM MIGAMOL noon at dahil may usapan kami ng barkada ko na magkikita ng ganitong oras kinailangan kong sumakay at makipagsiksikan sa MRT, dahil tyak mala-late na naman ako.

Kaya naman hindi na ako nag-atubili pa, agad akong sumakay ng MRT at nakipagsiksikan. Tulukan dito, tulakan doon! Habang para akong lamog na mangga na pinagpapasapasahan ng mga pukanenang mga commuters na yan, may isang babae sa likod ko na mukhang “brick game” ang kurot ng kurot sa akin at salita ng salita, kala mong nabili na nya ang MRT sa sobrang kaepalan, at tila gusto pa nya atang lataran sya ng RED CARPET dahil paimportante ang potah!

Babae: Ano ba yan, ke sakip sakip na nga, siksikan pa ng siksikan. Ano ba kuya, dun ka ng sa susunod na tren sumakay!! Dun ka na lang! (sabay sigaw sa tenga ko at kurot sa likod ko) !DUN KA!! DUN KA !!!!!

At dahil bwisit na biwist na ako sa mala MATUTINA nyang boses, sumigaw na ako sa loob ng MRT.

Ako: PUTRAGIS NA!........Hoy Miss, kung gusto mo ng maluwag bumababa ka at sumakay ng mag-taxi, hindi nakikipagsiksikan ka dito! (sabay tigtig ng masama na para syang lalamunin ng buhay)

Tahimik si babaeng mukhang brick game, dahil isang salita at isang kurot pa, papasakan ko na talaga sya ng binili kong baygon sa bunganga.

SCENE NO. 2

Kasama ko noon yung kapatid kong babae papuntang POEA, at dahil traffic na naman ang kahabaan ng EDSA, nag MRT uli kami. Medyo maluwag pa dahil 10:30 yun ng umaga at hindi rush hour, kaya naman medyo maluwag ang loob ng tren.

Habang nakaupo kami ng kapatid kong babae, biglang may dalawang lalaki ang umupo sa tabi naming. At dahil hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha nila, bigla akong nagsabi

AKO: Rose (pangalan ng kapatid ko), dumikit ka sa akin may SNATCHER sa tabi mo, ingatan mo ang bag mong maigi.

Akala ko pabulong lang ang pagkakasabi ko, medyo pasigaw pala. (sori naman) Kaya biglang natakot ang mga pasahero sa loob ng tren, bigla silang nag-alisan at hinawakan ang kanilang mga bag sabay titig ng masama sa 2 lalaki. Samantalang yung dalawang lalaki, ay tila nagulat din sa sinabi ko at medyo napahiya kaya bumaba na sila sa sumunod na istasyon.

Pagbaba nila, medyo nahiya naman ako sa ginawa ko, inisip ko baka hindi naman talaga sila snatcher. At hindi naman nila siguro kasalanan kung ganun ang pagmumukha nil (mukha snatcher). Kaya habang nagsisisi at humihingi ako ng tawad kay papa jesas sa aking ginawa, at bigla ko uling tinanong ang kapatid ko

AKO: Ano nandyan pa rin ba yung 3210 mo??? (at nandun pa rin naman pala)

SCENE NO.3

Hayan na naman, rush hour na naman nung sumakay uli ako sa MRT. Palibhasa din at may “date” ako nung araw na yun, medyo isputing na isputing ako. As usual, nakipagbrasuhan uli ako sa mga commuters. At kahit pagabi na noon, mga amoy araw pa rin ang mga tao dun.Halos bumaligtad din ang sikmura ko ng tinaas ni kuya ang kanyang braso at lumabas sa kilikili nya ang isang milyon bumbay sa lakas ng BAKTOL/PUTOK.

Dagli akong umalis para umiwas kay kuya at humanap ng makakapitan. At habang nakakakapit ako sa estribo ng MRTbiglang akong may naramdamang may kumikiskis sa kwan ko. Medyo hindi ko naman pinansin kasi baka naman hindi sinasadyang nakikiskis ng katabi ko si “putotoy”. Pero nagulat ako dahil biglang may dumakma sa aking putotoy. Bigla ako napasigaw

AKO: PUTANGINA NAMAN!!! (malutong na malutong)

Paghanap ko sa dumakma ko sa aking putotoy, isang namumutlang bading ang nakangisi sa akin at nagpi-peace sign pa (ano kala nya sa putotoy ko, bisugo??)

Gusto ko sanang umbagin at hamunin ng “square”, pero dahil medyo siksikan hindi ko na nagawa. Natakot na rin yung bading dahil nung sumunod na istasyon bumaba na at nagmamadaling umalis. Hindi ko na rin hinabol para hampasin sa mukha ng pututoy ko para lumabas ang mata nya sa nostrils nya. Medyo pinakalma ko na lang ang sarili ko at hayaan na lang ang pangyayari
______

So yan lang naman ang mga memorable experiences ko sa MRT. Medyo kahit hindi magaganda pero namimiss ko pa rin ang pagsakay dyan, dahil bahagi na yan ng kulturang Pilipino natin. Kaya balik balikan ko pa rin yan kapag uuwi uli ako ng pinas.


Yun lang mga kautak, ingat

Wednesday, September 15, 2010

MY NEW OFFICE



Gusto kong magmura, gusto kong magwala, gustong maglupasay…….baket? Dahil sa bwisit na mga restrictions ng bago kong trabaho. Sasabihin ko sa inyo ang pagkakaiba ng dati kong trabaho sa bago kong trabaho ngayon.

DATI, meron akong unlimited access sa internet. Kahit mag-youtube, facebook, twitter, blogspot ako buong maghapon walang problema. Kahit manood ako ng online tv at 24 hour porn sa opisina walang makakapigil sa akin. Basta walang nagingialam sa akin kahit san pa ako magsusuot sa sapot ng internet. Kaya madalas ako rin ang dahilan kung bakit may virus ang server namin (bwisit na pornsite yan!!LOLS)

NGAYON, pagbukas mo ng internet explorer wala kang pwedeng gawin kundi titigan ang logo, basahin ang mission and vision ng kumpanya. At basagin ang monitor mo sa sobrang inis.

DATI, buong maghapon din ako nakaonline sa YM atSKYPE kaya anytime na kailangan ako ng aking mga online friends lagi akong available. Kahit na ang laging bukambibig nila ay MUZTAH NA U? ANO GAWA U? at TOTOONG BANG NASA NOO DAW ANG BAYAG MO? Eh lagi naman ako sumagaot ng UKINAMEN! Hanggang sa mauwi ang tsikahan sa kalaswaan este sa kalokohan, walang problema ito sa opisina habang umiinom ng OVALTINE saka pumapapak ng chichacorn.

NGAYON, wala, zero at butata. Eh internet nga bawal , umasa pa ba akong may ganito.. At alam nyo bang pati ang company email ko hindi pwedeng makareceive ng email mula sa public account (tulad ng yahoo, gmail, hotmail at etc). Kailangang official ang lahat ng e-mail sa outlook mo. TANGINIS NA YAN!!!

DATI, pwede akong magkamot ng betlog, matulog habang tumutulo ang laway, dutdutin ang ilong hanggang makuha ang kulangot na may buhok, magtelebabad kausap ang malabedroom voice na call center agent at tumambay sa CR para tumae.

NGAYON, bawal pumikit kahit na antok na antok ka, gumawa at kumilos na parang timang para sabihing hindi ka petiks. Basta kailangan mong magbusi-busihan para hindi ka masita.

Basta marami pa yan, sobrang dami. Kapag kinukumpara ko yan, nadedepress lang ako. Oo tama ang hinala nyo, ang aking opisina ay isang internet café slash extension ng bahay ko slash entertainment room slash kung ano ano pa.

Kung nagtataka kayo bakit ganun ang dati kong opisina , iyon ay dahil madalas nasa Business Trip ang boss ko, nakahiwalay ang ofis ko sa karamihan at higit sa lahat mag-isa lang ako doon. At dahil sanggang dikit ko ang dati kong boss ,protektado ako mula sa mga epal ng kumpanya. Palibahasa din nakuha ko na ang kiliti ng boss ko (nasa may bandang puwet sya) kaya medyo madali na para sa akin ang trabaho.

Ngayon medyo ibang mundo talaga ito. Kung tutuusin ako rin naman ang may gusto nito dahil nga masyado ako ambisyoso na makalipat ng medyo mas malaking kumpanya. Nakalimutan kong kapag malaking kumpanya , mas marami nga palang restriction at mas marami kailangang ingatan. Kumbaga sabi nga ng lolo ni SPIDERMAN “ with great power comes great responsibility” (naks kumukonek pa ng ganun)

Alam nyo kung babalikan nyo yung unang paragraph ko sa entry na ito (sige na tingnan mo uli). Ang totoong dahilan kung bakit gusto kong magwala at maglulupasay ay dahil……… MISS NA MISS KO NA KAYO!!! Yun talaga yon!

Medyo kahit na hindi na pwede yung dati na lagi akong updated sa inyo at kayo sa akin, alam kong may paraan pa. Pero gusto kong magpasalamat sa lahat bumibisita sa kwarto ko kahit medyo matagal ang update. Dahil sa inyo nagiging exciting ang buhay ko dito sa disyerto. Naks. Hehehe

Yun lang mga kautak, salamat uli,


Sunday, September 5, 2010

HAYBLAD



Kamusta mga kautak?Sori naman at medyo naging busy ako sa aking bagong trabaho. Nakakainis dahil sa bago kong kumpanya, restricted ang internet ng pukenena.

Oo tama ang narinig nyo wala na ang dati kong gawain, na halos minuto-minuto nakababad sa internet para magfacebook, magtwitter, kumamot ng betlog, magblog, magbloghop, mangulangot, uminom ng kape habang nanood ng porn, nagpapalobo ng laway, magyoutube, at maglaro ng plants and zombies…..in short wala na ang office-slash-internet cafĂ© ko. Syet lang oh!!!

Dito sa bago kong trabaho bilang GWAPONG BANGKERO (may gwapo pa talaga!), eh trabaho talaga. BAWAL ANG PETIKS (tae, laking adjustment yun sa akin)
.
Pero naisip ko, ganun talaga kailangan kong umalis sa aking kahon at pumunta sa mas malaking pang kahon. (naks may kahon pang nalalaman)
.
Teka, hindi naman sa bago kong work ang kwento ko ngayon. May iba pa, ito ay walang iba kundi ang PUTANG-INIS kong BLOOD PRESSURE.

Ano ang kwento dyan?Pwes makinig ka…..

Hindi ko alam kung may phobia ako sa ospital at clinic. Basta alam ko kapag nasa loob ako ng ospital/clinic bigla akong kinakabahan. Dati, bago ako magpunta ng Saudi, dapat mag qa-Qatar ako, at dahil sa PUTANG-INIS na BP na yan , bumagsak ako sa Medical . San ka nakakita na ang BP readings ay 160/120, 140/110, 165/115 . SYET talaga!

Kaya sino ba naman ang hindi babagsak dyan? At pag nasa bahay naman ako, at kinukuhanan ako ng kapatid kong nurse ng BP, eh normal naman! Pag nagpunta naman ako sa kakilala kong doktor sa bahay nila, okay din naman! Basta alam ko wala akong hypertension dahil nga healthy-healthy ako. Dahil talaga sa bwisit na KABA ko na yan tuwing nasa loob ako ng clinic o ospital kaya tumataas ang BP ko.

So heto na nga, isa sa requirements para sa pre-employment ko sa bangko ay MEDICAL EXAMINATION ko. At pagkarinig ko nyan, kinabahan na naman ako.

Kinabukasan, pumunta ako agad sa Ospital. Hayun kinabog na naman ang dibdib ko. Tapos ang dami pang seksi at magagandang nurse kaya lalo akong kinabahan. Nung tinawag na ako para sa BP

Nurse Anna: Sir, pakiaalis po ang T-Shirt, pantalon at brief!!
Ako: Okay payn, No problem! Gusto mo sabay tayo?

Joke, walang ganyan.Imagination ko lang yan! Heto talaga ang totoong nangyari

Nurse Anna; Sir relax lang po kayo bakit po parang kabado kayo
Ako: Eh di ko nga alam eh!

Kinuhanan ako ng BP…

Nurse Anna: Sir, nakupo 160/110
Ako: ha? (namutla), pwede isa pa

Kinuhanan uli ako

Nurse Anna: Sir, 170/120 tumaas pa. Anubayan
Ako: OMAYGAD!!! Miss pwede bang alisin mo yung dede mo sa may braso ko, lalo akong hinahayblad eh!

(joke lang uli yan!yung OMAYGAD lang talaga ang nasabi ko)

Pinabalik ako ng limang beses at limang beses din akong bumagsak. Nilagay na lang nila sa Medical report ko ang pinakamababa kong BP which is 149/97! Syet talaga, kung grades yan sa school malamang First Honor ako.

Umalis ako sa Ospital ng kinakabahan, dahil baka bumagsak pa ako sa medical at pauwiin sa Pilipinas para magtanim na lang ng kamote at magbenta ng aking murang katawan. (huwattt??mura??)

After 2 days, kabado ako sa resulta. Expected ko na na babagsak ako dahil sa bwisit na BP na yan. Kaya pagkakuha ko ng resulta dahan dahan ko syang binuksan habang nanginginig pa ang aking mga kamay hanggang sa Makita ko ang resulta………………………….. FIT TO WORK!

YEHEY!!!Napalundag ako sa sobrang tuwa dahil hindi ko akalain na…………umepekto ang pakikipaglandian ko sa mga nurses dun.

TAMA!!nilandi ko ang si Nurse Anna at iba pang nurse dun para makipagtawaran sa resulta ng aking BP (palengke?). Binabaan nya ang BP ko ng 10 points kaya naging 139/87 na lang sya!hahahhaha! Alam kong bawal yun sa mga nurses pero ika nga minsan mas matimbang ang ICE CREAM (suhol) kesa sa mga bawal na yan!
.
Ganyan ba talaga pag hindi ka LAKI SA GATAS o LAKING BEARBRAND??LOLS.
.
Yun lang ang kwento.

Ingat

Monday, August 23, 2010

WILKAM BAK



I’MMMM BACKKKKKKKKKKKKKKKK

Sorry at halos isang buwan din akong nawala, bukod sa RAMADAN ngayon dito sa Saudi. Kung saan bawal uminom at kumain sa publiko (okay lang kung patago). Medyo may isang pangyayari sa buhay ko na medyo BIGDEAL para sa akin. At dahil nasabi ko rin na ikukuwento ko sa inyo kung ano ang dahilan, kaya heto kukuwento ko na........

Okay, Lilipat na kasi ako ng kumpanya ......

Wow, big deal ba yun?? . Sa Saudi kasi hindi normal para sa expat o dayuhang manggagawa ang bigyan ng karapatang humanap ng trabaho ng hindi na kailangang umuwi sa Pinas. Kalimitang kasing pinapauwi ang mga OFW kung sila ay aalisin sa trabaho.

Aalisin sa trabaho? Eh di terminated ka??. Oo na hindi rin. Oo dahil terminated ako, pero hindi dahil unproductive employee ako (pero baka rin!LOLS) . Kaya ako natanggal sa trabaho ay dahil magsasara ang kumpanya.

Huwaattt??? nalugi ang kumpanya nyo kaya magsasara? Hindi nalugi ang kumpanya. Kasalanan ito ng kupal na may-ari dahil sa mga panloloko nya sa gobyerno ng Saudi ang epekto nun, sinira nya ang magandang pangalan ng produktong binebenta namin.

Kung hindi nyo naitatanong. (hindi nga naming tinatanong??) medyo kilala ang produkto namin (KOTSE yun) sa buong mundo. Tanging mga mayayaman, lamang ang may kakayahang bumili dahil ang isang kotse ay nagkakahalaga lang naman ng 5 MILLION pesos. (See bahay at lupa na yan na may mini-garden pa!). Kaya may inaalagaang pangalan ito sa buong mundo at hindi ito pwedeng masira sa anong bansang binebentahan nito.At dahil sa kagaguhan ng may-ari, biglang inalis sa amin ang karapatang magbenta nito sa buong Saudi Arabia. Kaya damay kaming mga empleyado. Walang magagawa kundi isara na lang ang kumpanya dahil ibang kumpanya na angn magbebenta nito sa Saudi.
.
Ako ang humiling na tanggalin nila ako, para hindi ako abutan ng pagsasara. Mabait naman sila at binigyan nila ako agad-agad.

Totoo ba yan, aminin mo tinerminate ka talaga?? (KUPAL ka, hindi nga sabi eh!)

Ngayon, nakalipat na ako ng kumpanya. Hindi sya kumpanya kundi isang BANGKO. Hindi ako Accountant at lalong hindi ako magaling sa MATH. Kaya ako nakuha sa bangko ay dahil kumain ako ng blade at nagpasok ako ng screwdriver sa ilong ko habang nagsasayaw ng WAKA WAKA. At kaya naman ako lumipat sa bangko at hindi sa ibang kumpanya ay dahil............ sa pera. (Isang pagpapatunay na MUKHA AKONG PERA!LOLS!).
.
Joke lang! Kaya ako lumipat ay dahil mas maraming akong matutunang bago sa bangko. At alam kong lalago ako bilang isang empleyado dito (nice answer!!ano satisfied na ba mga kulangot??)
.
Medyo nalulungkot ako kasi 5 years din akong nagtrabaho sa aking dating kumpanya. Maraming mga ala-ala din namang naiwan sa akin ng kumpanya. Naging mabuti sa akin ang kumpanya, halos lahat ng gusto ko naman ay binibigay, pero yun nga lang ang lahat ng bagay ay may katapusan.
.
Pero ika nga nila ang lahat naman ng katapusan ay may simula.

Kaya heto magsisimula ako, panibagong kumpanya. Panibagong kapaligaran, panibagong mga katrabaho at panibagong mga kaibigan.

Totoong mahirap tanggapin ang pagbabago, pero kung di tayo magbabago hindi tayo lalago at yayabong. Mahirap baguhin ang nakasanayan na, pero kung hindi natin tatanggapin ang pagbabago baka wala na tayong matutunan pa sa buhay.

Hayan babalik na muli ako, hindi ko alam kung na-miss nyo ako, pero KAYO NAMISS KO.

WELCOME BACK TO ME!!

Ingat


Wednesday, August 4, 2010

TULOG MUNA AKO



Mga kautak medyo maghi-hiatus muna ako ng isang buwan. Isang buwan lang naman, medyo may aasikasuhin lang akong napakaimportanteng bagay. Kung ano man yun .... sikret muna, next month ko na lang ikukwento.


Pero you can still reach me sa Facebook account ko, sa Twitter , at sa chatbox ko. Magbabasa pa rin naman ako ng mga post nyo at magcocomment.Naks


Nga pala, napansin ko lang ang mga message ko sa chatbox kakaiba. Madalas exchange link daw may nakikipagtextmate at nagbebenta pa ng glutathione. Nakamputcha ayos yun ah!
So heto muna ang iiwanan ko sa inyo bago ako maghiatus ng isang buwan!

TIPS PARA DI MA-OFFEND ANG MINAMAHAL

Marumi ang kuko: “Sweetheart, may bukid ba kayo?”

Pasmado: “Babe, ilang percent ang share mo sa MWSS?”

May muta: “Cupcake, magdamag ka bang umiyak?”

May putok: “Ho¬ney, may kamag-anak ka ba sa Middle East?”

Maitim ang kili-kili: “Sugar, anong deodorant mo? Kiwi?”

May libag sa leeg: “Darling, saan mo binili ‘yung black gold necklace mo?”

Bad breath: “Love, humihinga ka ba o umuutot?”



REMARKABLE Classmates, Dialogues and Events:

“Hindi ako nakapag-review, eh!” (Pero ang daming sagot sa test paper)


“Ang dali ng test!” (Pero siya ang lowest)


‘Pag walang maisagot, titingin sa bintana, hoping makakita ng lumilipad na sagot!


Nagpuyat para gumawa ng kodigo pero hindi rin nagamit.


Magsusulat ng kung anu-ano sa armchair, pero hindi naman related sa exam.


Ginawang notebook ang hita.


Sinisipa ang chair ng classmate sa harapan para makakopya. Galit pa ‘yan ‘pag hindi mabasa!

Hindi magre-review sa gabi, sa madaling-araw na lang. Pero gigising lang para i-off ang alarm clock.


Group study raw pero mag-iinom lang. Pagpasok, may hang over pa


TRABAHO NG BAGONG GRADUATE

Nursing: kumad¬rona


Education: tambay


Criminology: tanod


Medicine: albularyo


I.T.: tagabantay ng computer shop


Accountancy: tindera


Fine Arts: pintor ng dingding


Psychology: manghuhula


Tourism: GRO


Midwifery: yaya


Pharmacy: drug pusher


HRM: waiter


Ingat po at maraming salamat



Sunday, July 25, 2010

TEACHER'S PET




Noong elementary at Hayskul ako, masasabing kong ako ay isang “CERTIFIED TEACHER’S PET”. Hindi dahil sa paborito ako ng mga titser ko, lalong hindi dahil sa aking angking kapogian at katalinuhan noon. Kundi dahil sa isang bagay lamang,..........ako ay isang UTO-UTO.

Noong elementary, ako ang madalas utusang pabilhin ng tanghalian ng mga hinayupak kong mga Titser. Pati pasador o sanitary napkin nila sa akin pa binabibili. Nakakahiya daw kung sila ang bibili (PUTCHA NAMAN!! eh sino mas kahiya-hiya?eh di ba ang isang batang lalaking bumibili ng Whisper ---with wings??)

Hindi na ako nakapaglaro pa ng TEKS saka ng HABUL-HABULAN kapag lunch break, dahil madalas ako rin ang taga-alis ng mga UBAN nila sa ulo. Sarap na sarap ang mga kampon ni Miss Tapia, dahil habang binubunutan mo sila ng UBAN eh nagugulat na lang ako dahil naghihilik na sila at tumutulo pa ang laway nila sa shorts ko. (Sarap tusukin ng MONGOL NO.3 sa ilong nila, mga PUT@&*^&*)

Noong naghayskul naman ako, ganun pa rin. Siguro nga dahil ako ang pinakamaliit sa klase, kaya alam nilang wala akong kalaban laban sa mga kagustuhan nila. Pwera pa sa aking ubod na inosenteng pagmumukha kaya hayun NAUTO na naman ako.

Ako ang inuutusan nilang sumundo sa mga anak nila sa iskwelahan (sa Private school sila) tuwing tanghali. Instant YAYO ang dating ko, dahil ako rin ang tagabitbit ng mala-PRIDJIDER nilang BAG. Sana kung mga kyut at mababait yung mga sinusundo ko. Eh putah! Parang mga anak ng Dinosaur ang pagmumukha at mga pasaway pa sa kalikutan at kapilyuhan. Sarap tirisin at kutusan sa noo.

Ako rin ang tagasingil sa mga kaklase kong bumibili ng yema, pulburon, langgonisa at patola na tinitinda ng titser ko sa klase. Madalas din akong inuutasang tumao sa “canteen” tuwing recess, o di kaya taga-bili ng repolyo, carrots at sibuyas sa palengke para sa sopas na ititinda sa canteen.
Ako rin ang tagabitbit ng kanilang mga gamit sa umaga at tagadala ng mga NA-ARBOR na project sa kanilang bahay. Minsan kasama ko BETO, yung kaklase kong mukhang TARSIER dahil sa laki ng mata nya., sa lahat ng mga pinag-uutos na mga MAHAL NA REYNA at KATAA-TAASANG HARI (mga titser ko).

Di pa kasama ang EXTRA-CURRICULAR ACTIVITIES namin ni BETO tuwing Sabado. (This includes pag-gagarden, pag-iigib ng tubig, tagasibak ng kahoy at tagaflorwax sa bahay ng titser namin)

Ganyan ang naging buhay ko noong estudyante pa ako, kaya noong nag-Terd yir Hayskul na ako, doon na ako magsimulang magrebelde. Kaya di na nila ako nautusan pa.

Pero alam nyo di naman ako nagsisisi sa pagging UTO-UTO ko noong estudyante pa ako. Naging parte yan kung ano ang meron ako ngayon. Siguro marahil PROUD din sa akin ang mga titser ko na yan, dahil ang estudyante nilang intus-utusan NON, ay nagsusumikap magtagumpay, NGAYON. (NAKS, YUN YON EH!)

Pero.............. babawian ko pa rin sila! Humanda sila (LOLS! Joke lang! )




p.S

Kaya ko naman naisulat ito, dahil nakita ko sa FB yung anak ng titser kong lagi kong hinahatid at sinusundo tuwing tanghali . Mga malalaki na sila, grabe! Kaya naman bumbalik sa ala-ala ko ang lahat ng mga iyan.

Sunday, July 18, 2010

KABABUYAN MO DRAKE!!!

C.R, kubeta, taehan, palikuran, toilet, washroom at kasilyas. Iba iba man ng katawagan pero iisa lang din ang gamit nyan! Ano pa kundi imbakan ng TAE at sama ng loob natin!

Syempre yan din ag pinakapaboritong parte ng bahay namin kaya naman medyo nagulat ako sa mga kubeta dito sa Saudi. Sa totoo lang nahihirapan akong tumae dito. Kasi nga kailangan mong mag-squat at pumorma na parang palakang tatalon. Eh kaya ngawit na ngawit ako pag tatae sa ganyang kubeta. Minsan di ko na talaga alam kung paano puporma sa pagtae dahil pakiramdam ko mabubuwal ako o di kaya maudlot ang paglabas ng tae . Minsan naman nagkadapawis pawis na ako , hindi dahil hirap akong tumae kundi hirap akong humanap ng posisyon.


**** Ganito ang kalimitang kubeta dito sa Saudi


**** Minsan naman ganito, yung tipong kahit puwet mo mahihiya at magseselan!Sabay sabing Ewww so kadiri naman the toilet! (Ta-ma! Nagsasalitang pwet!) :


Medyo nung bata ako madalas akong tumatae sa sanga ng punong mangga . (baket di mo rin ginawa yun ha? Arte?!?). Ang tissue paper very accessible kasi isang pitas lang sa dahon ng mangga may pamandepot o pamunas ka na. Presko at mahangin pa! (See, san ka pa?)


Pero wala kayo sa pinsan kong si Rhea, nasa puwet palang yung tae kinakain na ng aso (fiesta??), Pagkatapos dinidilaan pa yung puwet nya. Libreng hugas ika nga!

Iyon nga lang ng lumaki-laki na ako, medyo nakasanayan mo na rin gamitin ang ordinaryong kubeta ngayon. Yung tipong uupo ka sa trono sabay buklat ng dyaryo at inom ng kape ( talagang may kape pa?). Kaya naman medyo nahihirapan talaga ako ngayon ,tuwing gagamitin ko ang kubeta sa Saudi .

Kaya naman madalas na lang akong tumatambay sa CR sa opisina namin. Dahil dalawang puwet lang ang pwedeng gumamit nun, ako lang at ang boss ko.Nakandado yun palagi at nasa akin ang susi.


Masarap dun kasi de aircon yun.Tapos laging may tissue ,paper towel, handwash, at may hand sanitizer pa sa gilid .Kaya kahit katatapos mo lang tumae puwede ka na uling kumain ng chizcurls at didila-dilaan mo pa yung dumikit na mugmog sa kamay mo .


Saka isa pa sa maganda dyan sa CR na yan may hose sa gilid na itatapat mo lang sa puwet! Di mo nakailangang kapa-kapain ang tae at salatin kung may buo buong mais.

Teka heto ang piktyur para makita nyo.

****Pwede mong halikan ang inodoro sa sobrang linis.


***** Presko at maginhawa dito



Ano sa tingin nyo?Pang hotel ang CR noh, kaya nga sa susunod magdadala na ako ng kumot at unan dyan. Dyan na ako titira!! (makapagdala nga ng folding bed bukas!)


Ano naman ang mapupulot na aral dito?Eh di ko alam? Meron ba? Siguro masasabi ko lang ay sa TAE walang mahirap o mayaman,walang panget o maganda , lahat ay pantay pantay dahil pare pareho lang ding MABABAHO ang tae natin. At kahit ano pa ang ipasok mo sa bibig mo, tae lang din ang kalalabasan nito. Kaya walang pwedeng magmalinis dahil pare-pareho lang ding mabaho ang nilalabas natin sa ating mga puwet.


Kaya kung medyo nadedepress ka kung bakit ganito sila o mas angat sila sa iyo. Wag malungkot at isipin mo na lang din na...............“MABAHO DIN ANG TAE NYAN:! Kaya Kwits lang!

At kung may magmalinis sa iyo, sigawan mo at sabihing " TAE MO NGA MAY MAIS PA!!!" Kaya titigil na yun!


O yan muna mga kautak nagupdate lang ko!


Ingat


Monday, July 12, 2010

KAPAG YUMAMAN AKO

BEPOR ANETING ELS (tagal mong binasa yan noh?) nakalimutan ko kayong iupdate na wala na pala kaming “IPIS” sa bahay namin. Epektib pala ang “BORIC ACID” bilang manakot sa ipis, kaya ngayon nagtutuloy tuloy na ang lampungan namin ni Cristine Reyes sa aking panaginip. (Para balikan ang entry na ito, pwede mong pindutin ang word na ito: SYET ANG POGI NI DRAKE!!)


Okay moving on......




Madalas akong managinip ng gising, iniisip ko ano kaya ang gagawin ko sa pera kung sakaling ako ang pinakamayamang tao sa mundo. yung tipong mga hampaslupa at patay-gutom ang mga milyonaryo sa mundo (like duhr?). Ano kaya ang mga bibilhin ko? Syempre ginagastos ko na yung pera ko sa aking utak, at ito ang ilan sa gagawin ko sa pera.


1. Maglalakbay ako sa ibat ibang panig ng mundo ( kung medyo sawa na ako sa dito sa Earth susubukan kong magpatayo ng SPA sa planetang Neptune)

2. Bibili ako ng malaking bahay (Gagawin kong hobby ang pagbili ng bahay at lupa). Yung diyamante ko gagawing ko lang pangalso ng kotse at yung ginto gagawin ko lang paper weight.

3. Bibili ako ng maraming sasakyan ( yun tipong parang nagpapalit ka lang ng brief, uhmmm konti lang pala ang brief ko, sige bibili rin ako ng pabrika ng brief para sa akin )

4. Gagawin kong katulong si Bill Gates tapos ang yaya ko naman si Oprah. Si Bradd Pitt hardinero ko lang yun tapos si Megan Fox eh gagawin ko syang tagalagay ng bimpo sa likod ko kapag pinagpapawisan. Driver ko naman si Zobel de Ayala at tagakamot ko ng itlog si Lucio Tan.

5. Bibilhin ko ang GMA 7 at ABS-CBN para kung anong palabas lang ang gusto kong panoorin ay iyon lang ang ipapalabas nila (bawal sa akin ang koreanovela,chinovela, at kung ano ano pang vela-vela). Si Attorney Gozon ang tagaluto ko ng pop corn, tapos si Gabby Lopez naman ang tagabukas ko ng coke.

6. Kukuha ako ng taong mangungulangot sa akin,para hindi na mahirapan ang hinlalaki ko. Meron din akong tagalinis ng tutuli, at taga-alis ng muta ko sa umaga. Tagalagay ng alcohol sa kamay at katawan ko, kada segundo. At ang gagawa nito ay si Kris Aquino dahil sya ang aking P.A

7. Gagawin kong Orphanage ang Malacanang para sa street children, tapos bibilhin ko ang mga subdivision ng Ayala Land o ni Manny Villar at ito ang ipapamudmod ko sa mga mahihirap. Magpapatayo rin ako ng simbahan na may apat na palapag para maiba naman tapos si Pope ang magmimisa dito kada Miyerkules. (kailangan daw kasing magkawang-gawa)

8. Magpapatayo ako ng isang mall sa aking bakuran, at dito ako mamimili. Ayaw ko kasing ng makipagsiksikan pa sa maraming tao kaya magpapatayo ako ng sariling mall (ayaw ko ng mabaho at ayaw ko ng masikip). At gagawin kong salesman si Henry Sy (sa tindahan ng sapatos ko sya ilalagay)

9. Dahil wala akong magawa sa pera ko katulad ni Michael Jackson (sumalangit nawa ang kaluluwa nya) , eh gusto ko rin magpagwapo. Kaya magpapalaser ako…….magpapalaser sword ako ng ulo then papalitan ito ng ibat-ibang ulo. Yung parang detachable ang ulo tapos ang ipapalit ko sa ulo ko ay ulo ng mga artista, para sikat din ako. Araw araw iba iba ang ulo para masaya.

10. Syempre sa dami ng pinagkakagastusan ko baka maubos ang kayamanan ko. Kaya para ma-maintain ko ang pagiging mayaman, tataya ako sa lotto. Lahat ng kombinasyon tatayaan ko at araw araw akong tataya. Bibilhin ko rin ang lahat ng Casino tapos syempre dahil ako ang may-ari lagi kong papanaluhin ang sarili ko. Kung hindi ko makuha sa ganyan, bibili ako ng imprentahan ng pera. Kaya pwede akong mag-imprenta ng limpak limpak na salapi.

Yan ay ilan lamang sa gagawin ko sa aking kayamanan, medyo nakakapagod din palang gastusin ang pera kahit iniisip mo lang ito. Pero sa huli maiisip mo mahirap din pala ang maraming pera yun nga lang mas lalong mahirap kung wala kang pera.


Salamat sa pagbasa ng walang kwenta kong entry gusto ko lang ulit mag-update.


Tuesday, July 6, 2010

FATHER DRAKE



Sa maniwala kayo o sa hindi, alam nyo bang nung bata pa ako pangarap kong maging..........dyaran..... PARI !!! (Gulat kayo noh! Expected ko na yun mga bakulaw kayo! )

So, yun nga pangarap kong maging pari nong bata pa ako. Madalas kasi akong maglaro ng PARI-PARIAN noon. Madalas kong kunin yung center table namin para gawing altar at ang aking ostya ay yung tigpipisong biskwit na MARIE.

Kabisado ko ang sinasabi ng PARI sa misa, pati kanta alam ko rin. Tapos napakabaet ko pa noong bata pa ako! Sobra talagang pari na pari ang dating ko noon. Punong puno ng kainosentehan sa katawan at hindi mo makikitaan ng kamanyakan. Pure na pure ang aking budhi, NOON. (o hayan uulitin ko na mga TAE kayo, NOON yun)
Marami talaga ang nag-aakala na magpapari ako, at pati ang mga magulang ko sobra ring nagekspek na magiging pari ako. Pero nung medyo lumaki laki na ako medyo biglang nangamba ang mga magulang ko sa akin. Dahil ang inaakala nilang magiging pari noon ay mukhang magiging BATANG CITY JAIL ngayon!LOLS

Medyo sa sobrang bait kong kapatid madalas nila akong tawaging “DEMONYO”. Yun ang paglalambing nila sa akin. At dahil malambing din ako sa kanila, binabangasan ko ang mga nostrils nila! At sa sobrang bait ko din, naputol ang dos por dos ng nanay sa paghambalos sa akin. Hindi ako umiiyak, sinasabi ko lang sa nanay ko “EH DI NAMAN MASAKIT!! DI NAMAN MASAKIT” kahit halos magkulay violet na yung hita ko sa pasa.

Madalas akong ipasok ng mga nanay sa mga RETREATS para daw bumait ako (akala nila ata REHAB yun). Pero impernes naman bumabait naman ako ng mga tatlong araw pero pagkalipas noon balik uli ako sa pagiging isang napakabait na kapatid at anak. Kaya ang isa pa sa palayaw ko noon ay LUCIFER.

Una kong pinuntirya ang DIARY ng ate ko. Ginawa ko syang pocketbook, at tawa ako ng tawa sa mga kapuwitang laman ng Diary ng Ate. Noong makita ako ng ate na binabasa ko ang diary nya habang kumakain ng mane, hayun sinabutan ako at ginawa akong jackstone ang ulo ko.
.
Pangalawa ko naming pinuntirya ang alkansya ng kapatid ko. Magaling kaya akong manungkit, at NO SWEAT within 3 minutes, meron na akong pera. Pagkasungkit ko ng pera diretso na ako sa pagbili ng komiks. Medyo paborito ko kasi ang Funny Komiks noon, at ayaw kong mapalampas sila COMBATRON, NEKNOK at si Tomas en Kulas.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari nahuli ako ng nanay dahil ngumawa ng ngumawa ang bwisit kong kapatid. Nang makita ako ng nanay na hawak ko ang alakansya ng kapatid ko at isang tinidor. Hayun hinambalos na naman ako.( Syet na tinidor yan pinahamak pa ako!!)
.
Kaya nawalan na ng pag-asa ang mga magulang ko na magkaka-anak sila ng pari. At lalong hinimitay ang nanay ng binuksan nya ang cabinet ko at sumalubong sa kanya ay litrato ng babaeng nakabukaka na kitang kita ang kanya bibingka. Halos panawan ng ulirat din ang nanay ng makita nyang parang may tyangge ng PORN MOVIES ang cabinet ko. (Nay!okay na yun kesa naman magdrugs ako!LOLS)

Kaya halos araw araw, panay sermon ang inaabot ko sa tatay. Kaya alam kong hindi na talaga sila umaasa na magiging pari ako, lalo pat alam nila na ang weakness ko ay mga .....MAGAGANDA!!

Pero ngayon naman, kahit na sabihin kong naging masama ako noon eh bumabawi naman ako ngayon. Syempre good boy na ata ako. Hindi man akong naging pari na pinapangarap nila noon, kahit paano masasabi ko namang naging mabuti anak at kapatid ako ngayon (naks naman may ganun mga sinasabi)

Alam ko namang hindi lang naman sa pagpapari mapapatunay kong isa akong MABUTING TAO! (putcha bat parang walang naniniwala??)

Pero malay mo naman talagang maisipan kong pumasok sa seminaryo...........hahahaha! Langya, mukhang Malabo talagang mangyari yun, hindi ko kayang isipin!LOLS
.
Yun lang mga kautak! Gusto ko lang talagang mag-update

Ingat






P.S

Maraming salamat nga pala kay GLENTOT UTOT, dahil sya ang gumawa ng napakaganda kong HEADER. MARAMING MARAMING SALAMAT SA IYO at pangako babawi din ako sa iyo sa paguwi ko sa Pinas. Pagpapatunay lang din yan na hindi hadlang ang kapansanan sa pag-iisip para maging “creative”LOLS. Joke lang pre! Maraming salamat uli DWENDE!!

Saturday, June 26, 2010

MUKHA MO!!!!!



Alam nyo naman kung kung ano-anong panlalait ang nakuha ko sa mga kaklase ko noon nong hayskul pa ako! Bukod sa sinasabihan akong “TULOK” , “TUTURYOK” at “BUTETENG LAOT” madalas din akong ali-alipustahin ng mga kaklase ko noong hayskul.


Aaminin ko, medyo hindi pa rin ako nakakarecover sa mga panlalait nila. At hanggang ngayon naalala ko pa rin ang mga panunukso nila sa akin. Kaya nga hindi ko sila ma-iadd add sa friendster o facebook ko at hindi rin ako ganun ka-excited na sumama sa mga REUNION. Ayaw ko na kasing maalala pa ang masasakit na pangyayaring yan.


Walang nagkaka-crush sa aking “gerls” noon, dahil bukod sa mukha daw akong mabaho at masyado daw akong ma-epal. Lahat ng crush ko noon hindi ko madiskartehan dahil “choosy” sila at lagi rin akong sinasabihang “Alam mo Drake mukhang kang TADPOLE na nagkatawang tao, hahahaha”. (see sarap tadyakan sa gums)


Lalo akong nakaramdam ng pagkahabag sa sarili ko noon,ng pumasok ang isang transferee sa aming klase. Galing sya sa isang “Private school” at lumipat sa Public school (siguro naghihirap na sila) at napunta sa klase namin. Kutis mayaman, mukhang mayaman at halatang peyborit sya ni Papa Jesas dahil lahat ng pwedeng ibigay sa tao binigay nya sa kanya. Samantalang ang binigay sa akin ay mga napaglumaan na lang ng iba. (damit???). Naging INSTANT CRUSH NG BAYAN ang loko, at ako naman nagmistulang INSTANT PANCIT CANTON kapag katabi nya.


Ang mga babae halatang halata pag may gusto sila sa isang lalaki. Dahil bukod sa masyado silang nagpapakyut, namumula din ang mga mukha na parang puwet ng batang may rashes. Halatang halata din ang kilig nila dahil kapag dumadaan ang bwisit na transferee na yun dahil hindi matanggal ang mga ngite nila sabay beautiful eyes. Samantalang pag ako ang dumaan sa harap nila sisigaw pa sila ng “SHOOOOOO! Alis ka nga dyan!!!” (potah ano ako ASO??).


Ayaw ko na ring manligaw noon, dahil yung crush kong nilagawan ko ng isang taon noon ay sinabihan akong YUCKKKKYYYY (tae ako ha???) at nung nilagawan sya nung TRANSFEREE tatlong araw lang sinagot na nya agad! (kakaskasin ko kaya ng papel de leha ang mga mukha nila!)


Kapag botohan ng mga opisyales sa klase, sya kahit ayaw nya lagi syang binoboto sa “ESCORT” samantala ako kahit gusto ko, eh laging P.R.O lang ako binuboto ng mga hinayupak kong kaklase. Kaya kahit kalian hindi man lang ako na-escort nung hayskul (kahit nung elementary naman eh).


Kaya naman aaminin ko wala akong gaanong kaibigan noong hayskul ako (naks emeemo na!). Dahil bukod sa lagi nila akong inaapi, pinamumukha pa nila sa akin kung ano ang kaibihan ng PANGET sa GWAPO. (okay payn! Aminado na ako dun)


Pero ika nga hindi lahat ng oras ay nasa itaas ka, baket? Well, ganito yun.... umuwi ako last December,2009 at napagdesisyunan nila na magkaroon ng HIGHSCHOOL REUNION. Dahil sa pinilit ako ng kabarkada ko, wala akong nagawa kundi sumama. (naks artesta si dudong?!?Papilit!!)


At doon ko nakita ang mga kaklase kong mahilig manlait noon sa akin pati na rin ang kaklase kong CRUSH NG BAYAN noon. At ang masasabi ko lang ay.......... BUTI NGA SA INYO!!! (Sama eh! Biro lang)


Wala talagang permanante sa mundo! Dahil pati ang kagwapuhan at kagandahan ng isang tao ay nagbabago. At kahit gaano pa nating hangarin na mapanatili ang kagandahan at kagwapuhan natin isang araw kukulubot at mawawala din ito.


Yun lamang po! Salamat sa time nyong lahat.

Saturday, June 19, 2010

Dear Tatay

Medyo HIATUS MODE ako ngayon dahil sa "PAYANIG SA PASIG" sa akin ni Papa Jesas, kaya repost ko lang itong entry ko na ito! Salamat


DEAR TATAY




Dear Tatay,


Kamusta na po kayo dyan sa Pilipinas, Tay?Ako po awa ng Dyos ay okay naman po dito sa Saudi. Oo nga po pala bago ang lahat ay gusto ko sana kayong batiin ng Happy Father’s Day. Kung pwede nga lang po akong umuwi dyan muna para makasama kayo, gagawin ko po. Kaso medyo mahal ang pamasahe sayang naman. Pero sana kahit man lang sa sulat na ito ay maiparating ko sa inyo ang aking pagmamahal at taos pusong pasasalamat.


Tay, maraming salamat po sa pagiging isang mabuti at responsableng tatay. Batid ko po noon ang hirap ng trabaho nyo sa bukid, kitang kita po sa mga ugat nyo sa kamay at paa. Minsan nga awang awa ako kasi nung minsang nabiyak yung paa nyo dahil nakaapak kayo ng bubog sa putik pero pinilit nyo pa ring ipagpatuloy ang pag-aararo nyo. Kahit na halos magkandakuba kayo sa pagdadamo sa bukid natin at mabilad sa ilalim ng araw, tinitiis nyo yun para sa akin at sa pito ko pang kapatid para makakain kami ng sapat at makapag-aral. Alam ko pong wala akong gaanong naitulong sa inyo sapagkat nag-aaral po ako nun, pero ramdam na ramdam ko po ang pagsisikap nyo para sa amin. Alam ko pong mahal na mahal nyo kaming lahat na magkakapatid.


Tay, salamat po sa pagtuturo sa amin sa tamang landas. Siguro hindi kami magiging matagumpay na magkakapatid kung hindi dahil sa inyo. Kayo ang nagmulat sa amin sa Dyos at sa tamang asal.Hangang -hanga po ako sa inyo sapagkat sobra sobra ang kabaitan nyo sa lahat ng tao. Kahit na minsan niloloko na kayo pero tuloy pa rin kayo sa pagtulong na hindi naghihintay ng kahit na anong kapalit. Hanga din po ako sa pagiging relihiyoso nyo, na kahit pagod na pagod at puyat na puyat kayo nagagawa nyo pa ring magrosaryo at magsimba araw araw kahit madalas tinutulugan lang namin kayo. Sobrang saludo po ako sa inyo, alam ko pong lagi nyo akong kasama sa mga panalangin nyo lalo na ang aking kaligtasan at kalusugan dito sa Saudi.


Tay, salamat po sa pagiging ulirang ama sa amin. Lagi kayong nakasuporta sa lahat ng laban namin sa buhay . Minsan nabibigo kami pero kayo pa rin ang nagpapalakas ng loob namin. Kahit kailan hindi nyo po kami pinilit sa mga bagay na hindi namin gusto , lagi lang kayong nandyan para alalayan kami. Kung sakaling kami ay bumagsak dahil sa pagkabigo kayo ang nagtatayo sa amin, at kung sakaling kami naman ay nagtagumpay kayo ang una naming tagahanga.

Tay, kung may bibigyan ng medalya o sertipiko ng pagiging ulirang ama tiyak pasok kayo dito. Hindi dahil anak nyo po ako kaya ko nasabi ito pero alam ko din na hindi lang ako ang kayang magpatunay na karapat dapat kayo sa titulong ito. Madalas ko ngang naririnig sa iba na sinasabi nilang “Sana sya na lang ang tatay ko”, sobrang saya ko po kapag naririnig ko iyon. Kasi hindi ko na kailangang mangarap at humiling sapagkat tatay ko ang pinakamabait at pinakaresponsableng tatay sa buong mundo.


Tay, hindi po sapat ang papuri at parangal kung gaano ko kayo pinagmamalaki bilang tatay ko. Daig ko pa ang nanalo ng mega lotto dahil kayo ang tatay ko. Kaya po bilang ganti , ipinapangako ko po na ako na po ang bahala sa inyo at kay nanay syempre. Ipaparamdam ko po sa inyo ang kaginhawahan ng buhay na hindi pa nyo nararanasan dahil pagsasakripisyo sa amin. Nangangako po ako na maging mabuti at responsableng tao din na may labis na takot sa Dyos. Pangako din na lahat ng gintong aral na binigay nyo sa akin ay aking isasabuhay at pagyayamanin.




Alam nyo tay,kung sakaling pamimiliin ako ng Dyos sa aking susunod na buhay kayo pa rin po ang pipiliin ko ng bilyong beses pa. Hindi po ako magdadalawang isip baka kasi maunahan pa po ako ng iba. Hindi ko po kayo ipagpapalit kahit sino pang sikat, mayaman at makapangyarihang tao sa mundo, kayo pa rin ang siguradong pipiliin ko bilang tatay.


Tay, kulang ang mga salita ko para maiparamdam sa inyo kung gaano ko kayo kamahal, nirerespeto at hinahanggan.Mapalad po ako bilang anak nyo at saludo po ako sa pagiging isang mabuting tao nyo. Pipilitin ko pong gayahin kayo sa abot ng aking makakaya. Di man kapantay kahit man lang kalahati lang nito.


Ang tagumpay ko po ay utang na loob ko sa inyo, sapagkat kayo ang naghubog sa akin at kayo rin ang unang naniniwala sa akin. Alam ko pong darating ang araw na magkakasama sama rin tayo dyan sa Pilipinas at susubukan ko pong tumbasan kahit man lamang sa maliit kong kaparaanan ang lahat ng sakripisyo at paghihirap nyo sa buhay para sa amin . Tandaan nyo sana palagi na proud na proud po kaming magkakapatid kasi kayo ang tatay namin at MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO


HAPPY FATHERS PO ULI TATAY!!


Nagmamahal,


Drake



P.S



Tay, ano po ba ang gusto nyong pasalubong??Kahit ano tatay kahit man lang sa pasalubong makabawi ako. Ingat po palagi at ingatan lagi ang kalusugan nyo.