QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, May 22, 2010

GYERA NA KUNG GYERA!!!


Hindi maganda ang gising ko ngayon, baket? BAket? At baket ule….dahil yan sa DYASKAHENG IPIS NA YAN!! TARAGIS NA IPES YAN!

Teka may back story yan, kwento ko muna:

Sabi nila, marunong gumanti daw ang mga ipis. Kung nakapatay ka ng ipis sa harap ng kapwa ipis nila, tyak igaganti daw nila ang kapatid nila (lintek lang daw ang walang ganti). Ako naman hindi ako naniniwala sa kaututang kwento na yan. Wala naman kaya silang utak para makaisip pang gumanti. Kaya pwet talaga ang ideyang yan! Pero nagkamali ako, bakit?Okay ituloy mo na ang basa…..BASA

NOTE: Iba ang ipis sa Saudi, ang Arabong Ipis medyo maliliit lang! Kumbaga mukha silang mga malalaking kuto sa lupa (kutong lupa in short) at wala rin silang mga pakpak. Hindi tulad ng ipis sa Pilipinas, malalaki , kulay brown at palipad lipad pa (akala ata nila mga paru-paro sila, kapal ng mukha ah!) .Pakitingnan yung picture sa itaas para makita ang difference.

Kahapon kasi ng umaga, may nakita akong ipis na namamasyal sa kusina namin. Akala nya yata nasa Star City sya (ginawang themepark ang kusina namin?siraulo?!?) dahil hindi sya natakot sa akin, bagkus nagpapakyut pa kamo sa akin (kahit hindi naman sya kyut) at gumapang pa sa legs ko (ano sya pusang naglalampong?!?). Kaya hindi ako nakapagpigil at tinadyakan ko sya sa GUMS! Hayun PISAK sya!

Kahapon din ng hapon, may nakita uli akong ipis sa lababo namin. Dahil medyo galit ako sa ipis, pinaglaruan ko muna sya. Kumuha ako ng TIDE (with bleach) at binudburan ko sya on TOP. Akala ko malalason sya ng sabon, pero hindi pala. Dahil dyan, naisipan ko syang……….BANLIAN NG TUBIG (ang sama ko). Kaya nagpakulo muna ako ng tubig para matusta ang bwisit na ipis na yan. At dyaran…. Nagkikisay sya na parang may epilepsy lang!

Kinagabihan, maaga ako natulog ….. mga 1am (oo maaga na yan sa akin). Nanaginip ako na kasama ko si Cristine Reyes sa beach. Nakatwo piece lang sya (shades saka bracelet lang) at naghahabulan pa kami sa beach. Hanggang sa nagkatitigan kami at lumapit sya sa aking leeg. Hinalikan nya ako ng ubod ng tamis at ako naman ay nakikiliti (ahihihihihi, ganyang ganyan ang tawa parang naiihe lang).

Habang nasa kalagitnaan kami ng labing labing bigla akong nangati sa may bandang leeg at paghawak ko sa nguso ni Cristine Reyes, biglang may napisak at sumabog sa aking mga kamay. Kaya naman bigla akong nagising .At tama nga ang hinala ko, pagbukas ko ng aking mga mata at pagkapa ko sa aking leeg…………………. PUTARAGIS!!!! IPIS pala ang humahalik sa akin.At nandiri rin ako dahil ang inaakala kong nguso ni Critine Reyes ay PUTING LAMANG LOOB pala ng IPIS yun. At pramis inamoy ko sya, at pagkaamoy ko halos masuka ako dahil amoy……. amoy………….. amoy IPIS (natural, tanga ?!?!?)

Dahil dyan nawala na ako sa mood, at nabubwisit ako sa mga IPIS na yan dahil sinira nya ang MOMENT namin ni Cristine Reyes. Kating kati rin ako sa leeg ko, kaya nagpahid ako ng alcohol at nagsabon ng 20 times. At dahil sa PUKENENANG IPIS na yan, hindi na ako natulog at tuluyan na akong napuyat. Kaya heto nagover baggage ang mata ko sa kapal ng eyebag.. PUNYEMAS NA IPIS TALAGA YAN!

Dahil sa pangyayaring yan nagdeklara na ako ng “STATE OF EMERGENCY” at “WAR” sa mga kasumpa sumpang IPIS na yan. At ito na rin ang simula ng digmaan namin. Bibili ako ng galong galong Baygon at BORIC ACID para lipulin ang lahi nila. Sila ang may kasalanan kung bakit napurnada ang halikan namin ni Cristine Reyes, sila rin ang may kasalanan kung bakit nangamoy IPIS ang kamay ko. Kaya GYERA NA ITO!!!

Bumili na rin ako ng CHALK para sa IPIS, sabi nila mabisa daw yun pamatay-ipis. Magguguhit ako ng linya kung saan lang sila pwede (border line kumbaga)! At magsusulat din ako sa dingding ng MAMATAY KA, IPES KA! (korni!) baka sakaling matakot sila.

Ngayon naniniwala na ako na gumaganti talaga ang mga IPIS! Kaya matira ang matibay sa amin! LINTEK LANG ANG WALANG GANTI!! UBUSAN NA ITO NG LAHI!!!!!

Yun lamang po at pagpasensyahan nyo na ang walang kwenta-kwentang post na ito. Ganyan talaga pag PUYAT!

Ingat

39 comments:

Chingoy said...

base!

matatagalan ang laban mo sa mga ipis na yan kasi mahirap talagang mapuksa ang mga yan. at di ko rin ma-imadyin na ang nguso ng cristine reyes ay katumbas na ng nguso ng ipis. :)

DRAKE said...

Naks bumabase ka na Manong Ed

Sinisimulan ko na ang pamumuksa sa kanila, at sabog ang mga nguso nila sa akin!

Ingat! Congratulation at sa wakas humaba ng isang sentence ang comment mo!hahhaa

Ingat

an_indecent_mind said...

wahahaha!! ipis lang ang walang ganti!

wag ganyan drakula, wag mong ilagay ang batas sa iyong mga kamay!

roanne said...

EWWWWWW

maglinis kasi ng bahay para hindi ipisin!

mga kabloggers lipat na lang kayo sa bahay ko!!! ang daming langgam =) kesa dito puro ipis ewwwwwww

Bitoy said...

nakaka-relate ako.hahaha! mga hinayupak na ipis yan! ang ayos lng sa mga ipis arabo hindi cla marunong mangagat.ang kaasar lng, magaling silang pumasok kahit sa loob ng pridjider.

kala ko kay vice ganda ka may hidden desire.. HAHAHA!

No Benta said...

part of my saudi life na ang mga arabong ipis. madalas silang naglalaro sa mga table dito. parang joe's apartment lang (check mo yung pelikula).

inaalagaan namin sila at kapag medyo marami na ay hinuhuli namin sila para isangag at i-pulutan sa sadiki!

KESO said...

mga epal na ipis, gnyan na gnyan din ako kgbi, wala ng gnwa kndi mgpapansin yung isang ipis saken, type yata ako nyahahahaha

Ayie said...

Kung may lamok na mapang asar sa pinas. May ipis at bed bug sa middle east.

Yan din ang pinaka iiwasan ko, yang ipis na yan. Napakarami nyan sa kusina namin. Buti na lang di ako nag luluto.

Gumaganti talaga sila. At nagpaparami pa. Ingat ka, baka isang araw magising ka nabuhat ka na pala, at ihuhulog ka mula sa floor nyo! heheheh!

DRAKE said...

@indicent mind

sila naman kasi ang nanghamon at hindi ko sila palalampasin sa ginawa nilang pambaboy sa aking panaginip! Hindi ko sila mapapatawad!LOLS

@Roanne

Ganun?So kadugyutan yun?Yobang naman, walang ipes dyan sa Macau?hehhehe! Hayaan mo bilang na ang mga araw nila!Hehehe

@Bitoy

Sinabi mo pa, ginagawang hotel ang loob ng ref namin, malamig daw! Siraulong yun! Kaya humanda talaga sila dahil miski ang kapu-apuhan nila hindi ko sasantuhin!hehhee

@No Benta

Napanood ko yang sinasabi mo na yan! Pero hindi naman ganun kadugyot ang bahay namin!kay linis linis kaya nun!Talagang may ipis lang!heheh!Baket wala bang ipis dyan sa inyo?Ingat parekoy!

DRAKE said...

@Keso

maganda ka kasi kaya ganun! Hindi kaya nagwagwapuhan lang sa akin yung ipis na yun kaya ni-Kiss nya ako sa leeg?gusto nya sigurong maglagay ng chikinini dun!Why not coconut

@Ayie

Yun na nga ang kinakatakot ko ang buhatin nila ako at itapon sa labas, kaya uunahan ko na sila. Inpernes sa ipis ng Saudi(Middle East) medyo kyut sila kaya hindi nakakatakot di tulad sa atin nag-aastang paru-paro kasi palipad lipad pa!Hehehe

Ingat

mjomesa said...

ipis na naman ang pinagdidiskitahan mo..wahahaha

Kaitee said...

Malaki ang galit mo ha. Iganti mo ako!

gillboard said...

ako suko ako sa mga ipis... nanunugod yung mga andito sa bahay.

Stone-Cold Angel said...

Ok lang na puksain mo sila ngayon... sila naman ang magmamana ng earth eh...

pero walang kapatawaran ang ginawa nila sa iyo. At pesteng Cristine Reyes yan... two timer!

=)

olyabut said...

unang beses ko atang (ata kasi di ako sure) na dumalaw dito, at natuwa ako =p
haha, war of the cockroach!
shampoo, effective na pamatay ipis, as in instant. hindi agad tumatalab ang sabon sa kanila e, unless basain. minsan mabubuhay pa.

Ollie said...

Dapat dyan, mag pa DHL or Fedex ka ng ipis na pinoy - hingi ka ng resbak mula sa pinoy ipis laban sa mga ipis ng Middle East, na mapanira ng trip ni drake - lol

kikilabotz said...

hahahaha..nakakatuwa talga ang mga ipis na yan..hehe.

PABLONG PABLING said...

hahaha uyy baka na krasan ka ng ipis na un. . .

wag ka masiyado matapang isa ka lang ilan sila. tsk tsk tsk

karen anne said...

naaliw ako dito, hahah, kasi ganyan na ganyan din ako sa ipis. hindi ako makatulog hanggat nakakakita ako ng ipis. puksain na ang mga ipis na yan!

No Benta said...

parekoy, sali ka sa Anti-Ipis Fan Page: http://www.facebook.com/galit.ako.sa.ipis

Jag said...

Such a sweet revenge by the IPES hahaha!Idinaan p tlga kay Cristine Reyes hahaha!Napakabrutal mo kasi kaya ginantihan ka ng ipis...belat! hehehe...

Nalaman ko kay Ka Ernie (Sumalangit nawa) na ang mga ipis ang pinakamatagal na namuhay sa mundo at kung sasabog mn ang mga bituin kasama na ang sun, mabubuhay at mabubuhay pa rin sila dahil sa matibay ang shield nila sa katawan against heat i forgot the term...kaya sa tingin ko hindi k mgwawagi sa pagtugis sa kanila bwehehehe...

at kaya may ipis jan kasi madumi bahay mo kaya mglinis k na hahaha joke lng pre!

darklady said...

Tinortyur ang ipis?hahaha. Damang dama ko ang galit at inis mo sa mga ipis, minsan nga lang naman mangyari yung ganong panaginip e napurnada pa.tsk! tsk!. Naku kuya Marami pang ipis na nakatago dyan kaya ingat ka dyan baka ma rape ka next time ng ipis.hehe

glentot said...

Bakit galit n agalit ka sa mga kapwa mo???

I am Xprosaic said...

Kasi naman pati ipis pinapatos mo na... hehehehehehehehe... nahome sick ka lang kaya pati ipis hinahalikan mo na... nyahahahahhahaha

Word verification: faceleyf -> syet san galing yun?! nyahahahahhahahaha... baka plano ng ipis ifacelayf ka... hehehehehhehe

The Litter Box Owner: said...

@Mr.Drake

Ang alam ko mas maraming tiyanak sa Saudi kesa ipis. Dun ka matakot pag magising ka isang gabi na may katabing Undin LOL!

DRAKE said...

@mjomesa

Oo naman kesa naman magdrugs ako!hahahha!

@Kaitee

Kagabi ni kiss naman nya ako sa leeg! Bwisit na yan may tama ata sa aking ang ipis na yan eh!

@Gillboard

Baka isang araw buhatin ka nila at itapon na lang sa bintana!hahaha

@Stone-Cold

Wag mong sabihing napaginipan mo rin si Cristine Reyes! Aba two timer nga yang si Cristine, ayaw ko na sa kanya, makikipaglips to lips na lang ako sa ipis!hahhaa

DRAKE said...

@olyabut

Salamat sa pagdalaw sa aking kwarto sana dalas dalasan mo rin ang pagdalaw dito sa kwarto ko para di naman ako ipisin!hehhe!salamat uli!Ingat

@Ollie

wag na, okay na yung Arabong Ipis kesa sa Pinoy na ipis. Masyado silang malalaki saka nakakatakot!lipad pa ng lipad!kaya okay na yung Arabong Ipis!hehhee

@kikilabotz

oo nga di ba may fantaserye ka pa tungkol sa mga ipis na yan!LOLS

@Pablong Pabling

Yun din ang hinala ko, masyado silang tinamaan sa akin kaya sila ganyan, kaya bilang ganti tatamaan din sila sa akin ng tsinelas!hehehe

DRAKE said...

@karen Anne

Hayaan mo gagawa na nga ako ng fans club para sa mga IPIS HATERS! Nice parang jejemon lang ah!hahaha

@No benta

Katulad ng sinabi ko bubuo na ako ng isang organisasyon para dito.Kailangan ko ng bise, pwede ka ba?LOLS

@Jag

oo nga daw sabi nga nila Jurassic period pa lang may IPIS na, at hanggang ngayon may IPIS pa rin at kung magkagyera din daw eh ipis lang daw ang matitira, dyaskaheng ipis na yan, wala na ngang naitutulong kay haba haba pa ng buhay. Hayaan mo gagawa ako ng pretzel mula sa ipis para naman mapakinabangan man lang natin ang mag ito!hahhaa

@Darklady

Ang kinakatakot ko ay magising na lang ako isang araw na nasa labas na ako ng bahay. Dahil binuhat nila ako. Medyo may solusyon na kami dyan at sooner mawawala na rin ang mga biwist na ipis na yan sa bahay namin!hhehhee

DRAKE said...

@Glentot

bakit nagiiskip read ka! Ang sama mo! Hoy yung hinihingi ko sa iyo asan na?Ingat

@Xprosiac

Nyek so nakakahomesick pala ang IPIS ganun?Parang di rin naman! Di naman ako homesick eh, kulang lang sa SE.... ayaw ko na ngang ituloy hindi makakatulong sa image ko!hahahha

@OLB

Ganun?!? Wala namang tyanak sa Saudi eh! Mga siraulong Saudi marami, kaya mas nakakatakot yun!hahahha!iNgat palagi!

passing by (".) said...

Hi...Ganyan talga, maliliit ang ipis dito sa UAE, naku matagal tagal na war yan ah...well Good Luck..

No Benta said...

game ako dyan! lolz

scudinreallife said...

LOL. nagpakulo pa tlg ng tubig. gawain ko rin nyan pero langgam ang pinupuntirya ko. pag bulate naman asin. hehe.

Everlito (ever) Villacruz said...

puksain ang mga ipis! kaagaw pa pala natin yan sa pagnanasa kay cristine reyes. sayang yung panaginip moh, nabitin din ako.:)

(parekoy! matanong ko lang ipis din ba ang tawag nyo sa lugar ng pyramid?)

ladyinadvance said...

wahahahaha yuck!..yuck!...pero dapat talaga ubusin ang mga lahi nila,lipulin sila, sasama ako sa pakikibaka mo..buset unahan ba ko sa pagtsansing sayo, wahahahaha.....dapat silang patayin,, igaganti kita d2 pramis.....papatayin ko ang lahat ng ipis na makita ko..hahahahaha

Andy said...

bwahaha! ang kulit naman! talagang umikot sa mundo ng ipis ang kwento mo. kadiri naman may puting samting samting na nilalabas ng ipis. ewwww!

mr.nightcrawler said...

eeeeeeeeeeeeewww,,, ipis! may ipis pati sa... ay... mali, picture mo pala parekoy! wahaha. joke only. peace tayo parekoy :P

Life Moto said...

pinakaba mo naman ako doon tol. akala ko ay may kakaway kana dyan. wag mong danin sa init ng ulo, kaya natin yan :)

SCOFIELD JR. said...

kaya nakikipagtitigan sau yung ipis kase nais lang nyang makakiss sau, kaya nung tulog ka nag-anyong cristine reyes para hindi mo mahalata...hahahha

dito sng ipis maliliit din at nahihiya kapag winter...lolz

definella said...

dominated na ata ang ipis sa mga blogs :D

nakz! sikat na sila :)