Alam nyo ba na bago pa naimbento ang Friendster, Facebook, Twitter at kung ano ano pang social-networking site eh usong uso noon ang ………….dyaran…….. SLAMBOOK.(yan pala ang tamang spelling nyan?!?, hahaha)
Siguro naman walang eepal dyan na hindi nila naabutan yan! (c'mon....ano ka FETUS?!?).
Usong uso dati ang SLAMBOOK noong elementary ako. Karamihan mga babae ang gumagawa nito para lang malaman nila kung ang ilalagay ng crush nila sa WHO IS YOUR CRUSH? ay pangalan nila. Kung hindi naman para makatsismis lang! Kaya minsan, pagkatapos sagutan ng crush nila yung slambook nila, hayun kumpol kumpol sila at parang kinikiliti sa kwan dahil sa kilig habang binabasa nila ito (Pocketbook?!?)
Uso noon ang slambook na sinusulat lang sa notebook na ang cover ay piktyur nila Jolina at Marvin para sweet daw (kamusta naman yun?!? ).Tapos talagang totortyurin ang mga sarili dahil paulit ulit nilang isusulat ang mga tanong...... page by page.
Kung marami ka namang pera, at sosyal ka, ang slambook mo noon ay mabango at may mga design pang hello kitty sa gilid. Pero kung wala talagang pera at hanggang notebook na may Jolina-Marvin cover lang ang kaya mo, kalimitan bumibili na lang sila ng Panda Ballpen na may glitters sa loob dahil mabango daw ang sulat nito. Totoong mabango sya sa umpisa pero sa paglipas ng panahon at sinubukan mo ulit amuyin ito, babaligtad na lang ang sikmura mo dahil amoy……KINALIKOT na PUWET ang “scent” nito.
Ang mga kaklase ko, ayaw akong pasulatin nila sa kanilang slambook. Bukod daw kasi na wala daw silang pakialam kung sino ang ilalagay ko sa WHO IS YOUR CRUSH?, eh para daw kinalahig ng manok ang sulat ko! (Okay payn, bwisit sila!). Pero dahil ayokong mapag-iwanan sa iba kong kaklase, ninanakaw ko na lang ang slambook nila tuwing recess at sinasagutan ko na lang itong mag-isa (nice, parang assignment lang ah). At dyaran magugulat na lang sila na nandun na yung profile ko.
Oo nga pala, narito ang mga karaniwang sinasagot ng mga kaklase ko SLAMBOOK:
MOTTO IN LIFE: "Time is Gold" o kaya "Honesty is the Best Policy" (Pero sila din ang laging late sa klase at ubod ng sinungaling)
FAVORITE ACTOR: Arnold
FAVORITE LOVETEAM: SOLED “Jolena at Marven” POR-IBER
FAVORITE COLOR: Blue (paglalaki) at PINK (pagbabae)
WHAT IS LOVE: Love is Pag-ibig (syet lang oh! Tinagalog?!?)
WHO’S YOUR CRUSH: Secret (taob ang mga chismosa sa mga kapuwitang sagot na ganito)
WHO‘S YOUR BESTFRIEND: **please insert name here*** (dito rin nagsisimula ang away sa iba nyang kaibigan kasi hindi ang pangalan nila ang nakasulat)
WHO’S YOUR FIRST LOVE: PARENTS (hindi counted yan!Tange)
WHO’S YOUR FIRST KISS: PARENTS (wala na akong sinabi!!!)
Yan lang naman ang ilan sa mga nakasaad sa mga SLAMBOOK noong araw. Pero ngayon wala na yan, kumbaga sa aklat isa lang itong “KASAYSAYAN”.
Pero ano man yan, ito’y malaking katibayan na talagang “FRIENDLY” ang mga Filipino. Dahil sa atin lang ata medyo nauso yang SLAMBOOK SLAMBOOK na yan. At kung hindi nyo naitatanong eh tayo ring mga Filipino ang nangunguna sa paggamit ng Friendster at Facebook.
Isang pagpapatunay lang nga na mahilig tayong makikipagkapwa-tao at makipagkaibigan.
Yun lamang po at maraming salamat!
34 comments:
ayun o... base ako...
at alam mo ang amoy ng kinalikot na pwet... hmmmm (taka mode)
if i know, hindi jolina-marvin nukbuk ang nasagutan mo kundi manilyn-janno or better yet, tirso-nora bwahahaha...
eh sino ang first lab mo manong??? aminin mo!!!!!
slambook...paksyet, kahit pati mga lalaki eh kinikilig sa pagbasa nito. gusto rin kasing malaman kung sino ang kras ng kras niya!
what is love? ang pamatay kong banat ay "it's like a rosary full of mysteries".
nung minsang sinagutan ko ng "secret" yung "who is your crush", nabuko nila ako kaagad kung sino ang gusto ko dahil ang isinagot ko sa follow-up question na "what attracted you most?", ang isinagot ko ay SUSO.
Eh siya lang naman ang nag-iisa at bukod tanging malaki ang hinaharap noong grade five kami!
hindi ako makaget over sa jolina-marvin nyahahaha
amf ka drake! hahahahaha
naalala ko tuloy ung sagot ng klasmeyt ko dati sa who's your first kiss... TOO MANY TO MENTION ang sagot nya amf na yan..
hahaha
once again napatawa mo na naman ako..salamuch!
LOL. 'Autograph Book' ang tawag sa amin nun, hindi 'Slambook'. At ano ba ang amoy ng kinalikot na puwet?
Ang pinaka-solid na definition ng love na nabasa ko sa Slambook: Love is like a rosary. It's full of mysteries. Ampf.
Ikaw yung sumagot ng Jolina-Marvin. Ayaw mo pa aminin! At bakit wala yung When and Where did you meet???
Ay..ako nung panahon numero uno akong tagapagpasagot ng SLAMBOOK na yan...tapos ikakalat ko ang mga tsismis sa buong school wahahaha! palagay same level tayo hahaha!
hahaaha... uu nga usong uso yan dati.. naalala ko pa nun diyan ko kinuha ung no. ng crush ko... menemorize ko talaga...
gusto ko yan!! ^_^ mas madalas naman na ako ang sumagot kaysa sa magpasulat sa kanila tinatamad kasi ako gumawa.hehehe.pero bago ko sagutan hinahanap ko muna yung name ng gusto ko hanapin.^_^ swerte na pag nahanap ko pero minsan nahanap ko nga kaso puro secret naman sagot.hayz sumagot pa sya.
luma na yung jolina-marvin nung nauso sakin yun e,^_^ isang pagpapatunay lang na....bata pa ako.heheh wala na ako iba sinabi kuya drake.^_^
eeeeewww hahaha
ano pa kulang? mga usual suspeks
what is crush? crush is paghanga!
what is love? love is god.
favorite xxx? Too many to mention.
dedications: Thank you for giving me a space to answer on your slambook. take care cuz i care.
may isa pa....
most embarasing moment? Nung nadapa ako!
hehehe!
meron pa pala sa mga dedications:
JAPAN - Just Always Pray At Night
ITALY - I Trust And Always Love You
pamatay! \m/
all boys ako galing... di ko naranasan yan... buti na lang...
hahaha
kadiri k talga parekoy... alam mo ang amoy ng kinalikot na puwet? eeeeeewwww... haha... di ko na to naabutan... matanda ka na kasi! hahaha
woooo if i know gumagawa ka din nung kapanahunan mo ng sarili kakornihan ek-ek slambook na iyan haha!Joke!
Hanep ah kabisadong kabisado ang amoy ng kinalikot na pwet ah? hmmmmm...heheh...
Naalala ko nung pina-sign ako ng slambook ng kaklae ginawa kong dear diary ang message section niya hahahaha wala akong maisulat eh hahaha...
may isa pang pinakamakahulugan at pinakamalalim na sa sagot sa "what is love":
LOVE IS BLIND
hehehe
ngayon ko lang nalaman na bumabaho pala ang pandang may glitters sa gilid. . . ayoko ng ballpen na yun kase nahihilo ako parang amoy bus
tayo pala ang nangunguna sa pag gamit ng fb
Ahahahahha buti na lang fetus pa ako nun! nyahahahhahahha... naku naku ilang beses na rin ako pinasagutan niyan noon at kung uso pa ang photocopy noon ginawa ko na dahil laging 3 pages ang autograph na yan... pamatay! di pa naman ako mahilig sumulat! ahahahahhahahha at dahil dyan nangongopya na lang ako ng sagot ng iba... wahahahahhahaha
Di kaya isa ka pre sa mga may ari ng slambook? lolzz
naalala ko tuloy na nung nagpasagot ng ganito yun isa kong kaklase eh inii-stalk nya na pala ako. alam na nya halos lahat tungkol sa akin.
ano ba amoy ng kinalikot na butas ng pwet???
=)
Kilig na kilig ka pag nakikita mo ang pangalan mo sa "Who is your crush?"...kumakanta ka rin ba ng --chuvachuchu, chuvachuchu!
@Manong Ed
Hindi mo alam ang amoy ng kinalikot ng puwet?Well madali lang yan, kalimutin ang pwet saka mo amuyin! So Simple!
MY First Love...uhhhhh GOD!
@No beta
Yan ang mga definition na gasgas na gasgas na, kumbaga sa pang-isis ng desk di na sya mabisa!
Ganung SUSO ang sinagot mo, bata ka palang pala medyo malisyoso ka na! Ako kasi ang sagot ko dyan..... DIBDIB! See walang kamali-malisya!hahahaha
@Gasdude
Sosyal Autograph book, palibhasa sa private ka nag-aral kaya ka sosyal! Ikaw na ang mayaman!Ikaw na!
At tungkol sa amoy ng kinalikot na pwet, puntahan mo ang comment ko kay Manong ed!hahaha
Ingat
Ingat
@Yanah
Buti naman at napatawa kita, alam mo namang hindi naman ako CLOWN eh!hahaha!Ang mapangite ka lang para sa akin ay isang malaki ng karangalan! Naks pamatay sa linya
@Glentot
Peyborit mo siguro si Jolina no, kunwari ka pa?! aminin mo na sumasayaw ka pa ng chubachuchu-chubachuchu!
@Jam
Nice para ka palang broadcaster nyan, talagang binoroadcast ang chismis sa buong skul!LOLS! ayos ah! Ingat
@Akhet
Owss may cellphone na yung crush mo dati, sosyal na sya ah!hehehe! Sa amin kasi noon bibihira pa ang may sariling telepono bukod kasi sa bata pa kami, eh public skul lang din kami nag-aral!hehheIngat
@Darklady
So sinong labtim na ba ang naabutan mo hehehe? Mukhang suking suki ka ng mga slambook na yan ah! Palagy ko naglalagay ka pa ng glitters sa page mo, para kakaiba hehehe!Salamat sa laging pagbista!Ingat plagi
@Ollie
Talagang naaalala pa, katibayan lang din na masyadong kang suki ng mga SLAMBOOK hahaha!
Ako yung nilagay ko sa MOST EMBARASSING MOMENT: eh yung nahulog ang kulangot ko sa lugaw ni Ma'am at akala nya paminta yun!hahaha joke lang! Pakwela lang ba!
@Indicent Mind
Comment na hindi pinag-isipan!hahahah!ingat
@NO BEnta
Pamatay dyan, marami pa yan eh pero nakalimutan ko na hayaan mo ireresearch ko yan!hehhee
@Gillboard
Oo nga, natakot ka kung may mag-alok sa iyo ng ganyang Slambook na yan, saka matakot ka sa mga isasagot nila na WHO IS YOUR CRUSH?hehhee
@Nightcrwaler
Wag ka ngang sinungaling, kunwari ka pa eh gumawa ka rin nito tyak!hahhaa! Tungkol sa tanong mo sa kinalikot na pwet punta ka sa comment ko kay Chingoy!ingat
@Jag
Kunwari ka pa, ikaw kaya ang mayroong slambook noon, tyak may sticker pa na kumikinang-kinang pa!hahhaha!
Dyan ata sa Japan nauso yang Slambook slambook na yun kung di ako nagkakamali!hehehe
Ingat
@Bitoy
Naks memorize na memorize pa ang mga sagot nya sa slambook,uyyyyy!hahhaha
@Pablong Pabling
Oo bumabaho sya pag daan ng panahon, hindi na sya mabango kundi mabaho na sya! Pwamis subukan mo uli amuyin!hehhehe
@Xprosiac
Ganun fetus ka noong mga panahon na yan?Parang hindi naman halata sa mukha hahaha!joke langn
So ayan inamin mo na rin na nakahiligan mo rin ang pagsagot sa slambook. If I know din, nakikichismis ka rin at hinahanap mo yung profile ng crush mo!kunwari ka pa!hahahha
@Lord Cm
Di naman masyado akong mahilig sa ganyan dahil hindi ako mahilig magsulat hehhehe!Ingat LordCM
@Stone Cold
Tungkol sa tanong mo na yan, punta ka sa comment ko kay Manong Ed at nandun ang mahiwagang sagot!hahaha!
See isa ka rin palang U-ZI hehehhe!ingat pare
@Ayie
Naks naman napakanta pa! Idol na idol talaga si Jolina! Ikaw na mami Ayie!Ikaw na!hhehee!
Hindi ko alam pero nung nag-aaral ako sa Yokohama, ngpa sign nga sa akin yung babaeng professor ng kanyang glittery slambook hehehehe...
Isipin mo yun at her may nalalaman pa xang ganun? Pero touched ako kasi isa ako sa mga napili niyang magsign sa kanyang slambook kasi nakukyutan daw siya sa akin wahahahahaha....
Hindi ko alam yung Jolina-Marvin cover na yun ah?
Masipag ako sa slambook na yan. Feeling ko, sikat ako kasi ang daming tanong! Ohhhaaa! :)
Hindi makakalimutang tanong sa slambook:
"Describe yourself"
Ang malupit na sagot:
JUDGE ME!"
sa panahon ko binibili pa ang slambook. autograph ata ang tawag dun. usually sinusulat ko sa what is love ay love is like a rosary full of mysteries. nyahhaha. baduy!
ingat drake!
hihihihihi aaminin ko ung mga slambook ko dati (from 1st high to 4th year high) nakatago pa hanggang ngayon..nung magvacation nga ko last year nibasa ko lahat as n tawa ako ng tawa...goossshhh kakamiss!..haha
hahaha...kakamiss naman yung elementary days..nakabaul yung mga slambooks ko sa bahay..at natatawa na lang ako pag binabasa ko yung mga nakasulat dun..
dedication: sana walang limutan..
(pero di niya ko pinapansin ngayon pag nagkakasalubong kami..haha)
J-ust
A-lways
P-ray
A-t
N-ight
at madami pang eklavung bansa..lahat na ng bansa binanggit..hahaha..
love this post..nkakatuwa magreminisce.. :))
us0ng us0 samin ang slamb0ok nung elementary :p
tanda ko pa nung grade 6 ako, slambook ang project namin sa english nun.. (kumusta naman yun haha)
balita ko din, may sariling 0pisina ang pilipinas para sa friendster.. (adik!)
:)
Ay.... May slumbook din ako... Nakalagay sa "who is your crush" - Patrick Garcia :( wahhhhhh gusto ko maglaho pag naalala ko yun... May pictures nya pa ako sa wallet ko :(
Meron akong alam na success story ng slumbook :) ang sweet nga e...
http://pattylaurel.blogspot.com/2010/05/whos-your-crush.html
Jolina! Marvin!
hahaha.
Naaalala ko ang old times, marami din sigurong nasirang slambook na makredibilidad. Yun bang talagang sinasagutan at walang sikresikreto pero limitado lang ang pwedeng magbasa.
Syempre kapag pinag-agawan, mawawasak. At ang titilapong pahina, susunggaban. hahaha
-www.panulat.co.cc
hahah...^_^
Post a Comment