Sa maniwala kayo o hindi, alam nyo bang nagbalak akong mag-Japan bilang isang ….....…drumroll please…...........HOSTO. (O baket ka tumawa dyan. may kalbo ba?)
May kwento kasi yan kaya makinig ka!
Ganito kasi yan, 4th year college ako nang medyo nakatamaran namin ng barkada ko ang mag-aral. Bukod kasi na mahirap ang Engineering (naglolowbat ang braincells ko dyan, grabe) eh gustong-gusto na naming kumita ng pera . At hindi lang basta kita kundi malaking KITA. Medyo olats din ako sa bahay dahil puros sermon ang inaabot ko sa nanay at tatay ko dahil mistulang tantusan ng BINGO ang mga grades ko sa dami ng bagsak.(sorry naman)
Kauuwi lang ng Ate nyang Japayuki, at inalok kami kung gusto naming mag HOSTO. Katulad ng madumi mong isipan (sama mo!!) eh ang iniisip ko sa mga HOSTO noon ay pagbebenta ng katawan at alindog (nice, alindog?!?) . Iniisip ko noon ito ang CALLBOY ng Japan. Pero pinaliwanagan naman kami ng Ate nya na hindi naman kami magbebenta ng aming katawan (sayang!) kakanta lang daw, sasayaw at imomodel-model lang daw ang aming TI........NDIG (tindig). Kaya kahit hindi ako marunong kumanta at sumayaw ,pumayag na ako. Tutal panalo din naman ang aking TI...........NDIG! Isa pa kapatid nya 'yung kabarkada ko kaya alangan namang ipahamak pa nya yung kapatid nya.
Inilihim ko ang lahat sa aking mga magulang, kasi pag nalaman nila iyon, baka hambalusin ako ng APARADOR sa pagmumukha . Tiyak din hihimatayin ang nanay ko pag nalaman nyang magHOHOSTO ako sa Japan. Iiisipin nun baka lapirutin at gawing SUSHI ng mga Haponesa (tunay at di tunay) ang aking ANO.... YUNG ANO...... YUNG KWAN KO.........yung KAKYUTAN ko (kanina ka pa, dumi ng isip mo!). Isa pa lider ng simbahan ang tatay ko, baka akalain nya sinasapian na naman ako ng demonyo. Kaya medyo “tahimik” lang ako sa amin.
So hayun na nga, pinakuha na sa amin ang lahat ng requirements para sa HOSTO-HOSTO na yan, medyo madugo pero ganun talaga pag pursigido kang kumita ng LAPAD (YEN yun tange, hindi tanduay!). Nag-aral na rin akong gumiling ng ……….…brief lang ang suot (Joke lang),nag-aral na akong magsayaw at kumanta. Nagkabisa na rin ako ng mga Japanese Song na tulad ng Voltes V themesong at Moshi Moshi Anone Anone. Kaya medyo handang handa na rin ako.
Balak ko na rin tumigil sa pag-aaral noon, at medyo ginagastos ko na rin sa aking isipan ang mga LAPAD na kikitain ko (di pa ako kumikita ubos na ang sweldo ko). Sabi rin kasi ng kapatid ng barkada ko kailangan daw naming mag-training ng 6 na buwan sa isang agency (tine-training rin pala yun?). Handang handa na talaga akong magHOSTO noon. Ready na ako! (ayos ah, parang boyscout lang)
Subalit, ngunit, dadapwat………… sa hindi inaasahang pangyayari, nilimitahan ng gobyerno ng Japan ang pagpapasok ng mga ENTERTAINER sa Japan (putcha! Entertainer ang tawag sa amin!?!?!). At nakasama kami doon, dahil mas lalo nilang nilimitahan ang mga HOSTOng papasok sa Japan. Kaya ang pinapangarap kong YEN o LAPAD ay nauwi sa…….SINGKONG DULENG na may lumot pa!
Medyo nalungkot ako dahil baka ito na ang simula ng aking pagyaman, pero wala akong magagawa dahil TADHANA NA ANG HUMUSGA (nice parang pamagat sa pelikula). Kaya itinuloy ko na lang ang aking pag-aaral.
_________________________
Okay back sa realidad na tayo! Sa totoo lang, sa tuwing binabalikan ko ang pangyayaring yan sa buhay ko. Natatawa na lang ako! Baket? Baket? Dahil naisip ko na minsan para akong TANGA kung magdesisyon. Sugod ng sugod, arya ng arya. Hindi nag-iisip at mukhang akong hayok na hayok sa......PERA.
Mabuti na lang na hindi natuloy ang paghohosto ko noon, dahil wala siguro ako sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi ko pinagpatuloy ang aking pag-aaral. Maaring kumita nga ako ng malaking pera subalit ang respeto ng mga magulang at kapatid ko sa akin, baka hindi ko makuha.
Mas lalo kong pinahalagahan ang pag-aaral sa ngayon. Dahil ito ang naging daan ko tungo sa aking mga pangarap sa buhay. Ang pera naman ay pwedeng mawala at nakawin sa iyo, subalit ang karunungan kailanman ay hindi maaring agawin sa iyo ninuman. Ito ang pasaporte mo sa pagtatagumpay, at ito rin ang iyong pinagkukuhanan ng lakas ng loob para makipagsabayan kahit kanino na nakataas ang noo.
Maraming oportunidad para kumita ng pera, pero iilan lang din ang nabibigyan ng oportunidad para makapag-aral at makatapos nito sa ating bansa. Sa Pilipinas na tinuturing na pribilehiyo at hindi karapatan ang pag-aaral, nararapat lang na bigyan natin ito ng malaking importansya at pagpapahalaga.
Ngayon, natutunan ko rin na pag-isipang mabuti ang lahat ng desisyon ko sa buhay. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi, kaya para wala tayong pagsisihan kailangan maging responsable tayo sa lahat ng desisyon natin sa buhay. Isaalang-alang ang lahat ng bagay at wag tayong pangunahan ng sariling emosyon o pansariling kagustuhan.
Ang dami kong natutunan sa pangyayaring yun, kaya nga kahit alam kong medyo DYAHE ang kwento kong iyan, medyo isinulat ko pa rin para naman may kapulutan ng aral.
Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong oras at panahon.
P.S
Nga pala, tumatanggap at nagsasayaw pa rin po ako na…..……..pabango lang ang suot at makapal na mukha sa mga bridal showers. Kaya kung nais nyo pong kunin ang serbisyo ko, murang mura lang may discount pa. Kaya pakikontak na lang po ako sa aking cellphone. Pero pasaload muna bago reply.LOLS!
DISCLAIMER
Wala po akong disgusto sa mga kababayan nating may ganitong propesyon. Ito’y akin lamang pong pansariling opinion at kuro-kuro. Nasa inyo pa rin po ang aking respeto dahil kayo ay kabilang na mga bagong bayani ng ating bansa at ng sarili nyong pamilya.
28 comments:
Natuwa naman ako sa iyo hahahaha. Sarap mong pagkakalmutin dyok! Parang love na nga kita eh hahaha.
wais post.
pero tama ka, hindi talaga mapapalitan ng anumang trabahong madalian ang maidudulot kung nakatapos ka ng pag-aaral.
bagay ka namang "HOSTO".. nyayks.. hahaha.. jowk!
kala ko fill-in the blank yung ti______ndig... ang sagot ko sana
"tingnaghuhumi"
ay napalinis naman ng post na to. punong-puno ng ti___ndig. haha!
@Little BOx Owner
Ikaw din parang love na kita!hehehhe! Bakit mo naman ako kakalmutin di ba pwedeng lambingin mo na lang ako! NGIYAWWWW!!
@Gillboard
Salamat at nakita mo rin ang gusto kong ipunto! Totoo yun na ang karunungan ay kayamanan, pero ang pagJajapan din naman ay nakakayaman!hahahha!ingat
@Bitoy
BASTUSH ka!hahahha! Hindi yan filling the blanks, ano kala mo sa post ko exam?LOLS!ingat parekoy
@Andy
Siguro latang lata ka pa dahil pumila ka para makaboto! Tipid ng comment mo eh!ingat
ahahahahhahaha similar tayo... muntikan na rin ako magjapan... ayos na lahat... tiket na lang kulang... tapos bigla ako nagback out... ala lang... ahahahahhaha... kung ano gagawin ko dun... wholesome naman... hehehehehhe
grabe naman parekoy... nakakahindik naman ng balahibo yung kuwento mo ngayon! naiisip ko pa lang, kinikilabutan na ako! nyahaha.
kahet anong trabaho basta
may napatutunguhan ayos
di aman pabango lang suot nung mga yun ah. . . .
If I know natuloy ka talaga sa Japan kaya lang pinauwi ka kasi mukhang Tasyo ka nun kasi patpatin ka at negrito. Tama po ba? Ingats! Bwahahaha
Japan japan sagot sa kahirapan- naalala ko nung sabi ni Ai-ai delas Alas yan dati hehehe...
Oo, mahirap tlga maging HOSTO *wink* buti na lang hindi ka ntuloy hahaha para naman ang ganda ng katawan ko para maging HOSTO hahaha...
Hopefully, Not later this year mkakabalik na uli ako doon kailangan ko lng sumunod sa patakaran ng embahada ng Japan kaya medyo magtatagal pa ako dito sa Pinas weeeee!!!!
Magtyaga ka na lang jan sa bansang may scarcity ng deodorant marami nmng pera jan eh hehehe...
parekoy, naisipan ko rin dating mag-hosto dahil meron din kaming kapitbahay na mga entertainers. kaya lang, napag-isip-isip ko na baka saglit lang ang kita na parang artista. buti nalang at 'di ako nagtuloy dahil kahit na malaki na ang tiyan ko sa pagpepetiks dito sa opisina ay sulit naman ang pinaghirapan ko sa engineering!
puwede ka palang mag-hosto, eh bakit ayaw mo pakita mukha mo? jejeje
pareho pala tayo, Drake...
maalindog... hahaha!
=)
Naniniwala ako sa comment ni glentot! Lol
Sa pamilya, meron talagang isang tao na magsasakripisyo magkaron lang ng sagot sa kahirapan, makakain ng tatlong beses sa isang araw at makapag-aral ang ilan pa sa mga kapatid. Ang taong ito ay kinakalimutan ang sariling kaligayahan kapalit ng kaginhawaan na pinapangarap sa pamilya. Masakit isipin pero ung iba kapit sa patalim... Kung sino man sila at kung ano man ang paraan ng kanilang pagsasakripisyo, saludo pa rin ako sa kanila... Selfless...
Kailan lang ninakaw ang aking kaalaman, ang buong akala ko'y hindi ito nananakaw, buti na lang naibalik sa akin! lolzz
Galing parekoy, para ka nang tatay kung magbigay aral :D
ako din nagbalak magjapan, kaso sa gapan ako napunta, kase mukha daw akong ita...hahaha
anyways, totoo ka diyan na ang edukasyon ay kayamanan lalo na sa bansa natin na marami ang mapanghusga at mapanlait...
out of topic: share ko lang, dito sa bansa na pinagsisilbihan ko karamihan sa mga fastfood chain crew is mga above 30 ang age & mga nanay na, as long as, kaya mo ang work, pede...bakit kaya sa atin hindi pede ang ganun, sabi nga namin, kung sa pinas ang age na ganyan, namamahinga na yan sa bahay at nag-aalaga ng mga anak...
@Xprosiac
Uhmm mag hohosto ka rin ba?Parang hindi bagay sa image mo,mukha ka kasing kagalang galang eh!Naks!Compliment yun! Hahaha! Pers taym!Baka ka naman pupunta sa Japan ay para magbakasyon kasi mayaman ka!ikaw na!
@Pareng Night
Parang Xerex nga ang dating eh! Hayaan mo susubukan kong buhayin si Xerex. Kakausapin ko na ang REMATE,BARAKO at BULGAR para ibalik ang ganitong eduicational na sulatin!hahaha!Ingat parekoy
@Pabs
Kumbaga basta may KITA pwede na!hehehe! Sige na nga mag Cacall boy na nga ako!Salamat ha naging desidido tuloy akong magpartime callboy!hahhaa
@Glentot
Kung natuloy ako sa Japan, baka hindi na kita pinapansin!Dahil mayaman na ako! LOLS! So ibig bang sabihin nito Glentot, hindi na ako TASYO?Kyut na ako ngayon?hahhaha!
@Jag
Hindi nga HOSTO ka dyan sa Japan! Aminin!! Hahaha! Wala naman masama sa pagiging hosto, tutal malaki naman ang kita dyan! Joke lang!
Siguro nga baka matagalan ka pang makabalik dyan kasi ang alam ko you need to wait for at least 3 months para makabalik uli. Sige dyan ka muna tiis tiis ka muna dyan tutal marami ka namang pera!hahhaa!Ingat
@No Benta
talagang may Jejeje sa huli! Jejemon?hahaha!
Sabi na nga ba parehong pareho tayo ng mga karanasan sa buhay! Kainis ka na pareng jayson, kasi halos lahat ata ng pinagdaanan ko napagdaanan ko rin! lahat ng paghihirap ko ,paghihirap mo rin! Hindi kaya.......ikaw ang malas sa buhay ko!LOLS! Joke lang!hahhaha!ngat parekoy
@Stone Cold Age
Bakit kaya di na lang tayo nag BOLD star!hahaha!
@B2
Ako ba yung tinutukoy mo?hehehe!
Ganun nga talaga eh, kung minsan kailangan mong tiisin ang lahat para sa iyong pamilya. Lunukin ang pride para matulungan ang mga mahal mo sa buhay. Kaya nga mahirap silang husgahan kasi walang sino mang tao ang gusto na ganoon ang trato sa kanila. kaya nga nasa kanila pa rin ang mataas na respeto ko dahil bayani sila ng kanilang pamilya.Salamat b2 ingat parate!
@Lord CM
Huuu kunwari ka pa, nagskip reading ka lang! hahahha! Hindi mo binasa ng buo! wag magpanggap!hahaha! Joke lang! Buti naibalik na sa iyo ang iyong katinuan, sorry karunungan pala!hahahaIngat parekoy
@Rickikiks
Sige kahit off topic ka sasagot ako
Nakakalungkot sa atin na ubod ng daming qualification na hinahanap. Eh yung ngang mga Janitor kailangan College level! Kamusta naman yun! Kaya mas lalong tumataas ang unemployment rate sa atin dahil sa ganitong mga kaartehan ng mga kumpanya. Hay buhay nga naman sa atin!Naks!
ingat parekoy!
dahil eto ang hinihintay mong comment, eto para sa iyo:
ang ganda ng post! natuwa ako dito. x-link? LOL
seryoso, ang desisyon naman ay dapat may kalakip na matinding pag-iisip... at dapat handang humarap sa mga consequences nito
Sabihin mo na lahat ng naging work mo kuya drake. hehehe..wak ka na mahiya.
Ako naman dati hindi nagagawi sa isip ko ang mag abroad.kasi..basta yun na yun..hehe. Pero now gustong gusto ko na.
Yaan mo balang araw kukunin kitang ho....st.. host sa kasal..^_^
IngAt!!
Sabi ko na eh! Yung mga mukha at katawang yan--mukhang pang Japan talaga eh. Hahaha! Nangarap din akong mag Japan--kasi sabi nga nila mabilis daw ang pera. Natakot lang nanay ko baka daw gawin akong hasaan ng samurai! nyahaha!
At baket? Seksi ako noon noh!
Btw, sa civil pa lang kami kinakasal eh--hindi pa ako kinasal sa church, ehem, iisipin ko pa kung kailangan ko ng serbis mo!
hahahah!
Word Ver: Calti (talaga naman!)
ammpp halos maibuga ko ung gatorade na iniinom ko nung mabasa ko si Voltes V at moshe moshe..hahahaha...
gusto ko din try magjapan dati kaso sabi nung iba hindi daw pwede ang maiitim dun kaya hindi ko na sinubok..hehehe...
me likey this post.. :D
til now gusto ko pa din magjapan! (para sumayaw pero free lang) hahaha
sama moko ha! Ü
maghosto ka na lang jan sa saudi!!! :D
ay ganun?!
next time kada linya ng entry mo may comment ako! o kaya naman off topic ang comment ko lolzz
nais ko sanang kunin ang iyong serbisyo sa bridal shower ng aking pinsan. kahit walang discount. lol.
@Chingoy
Wag ka na, aminin mo na hindika talaga nagcomment, late na ito! I hate you!Hehhee
@Darklady
Oo marami pa talaga akong naging trabaho, hayaan mo pakonti konti isiswalat ko rin dito lahat! hahaha!
Kamusta ka na long tome no hear ah! Mukhang napapadami na ng tobelerone sa akin ah!ingat palagi
@Ayie
Di nga magjajapuyuki ka? Wala namang biruan!LOLS!joke lang! oo naman kung karisma at kagandahan lang tyak na pasadong pasado ka as ....BOUNCER este Dancer pala!hehehe
Sige pwede ako sabihin mo lang at wala ng brief brief kita kung kita!hahaha!Ingat
@Ladyinadvance
huuuu! Kunwari ka pa, hindi mo naman na kasi kailangang magjapan kasi rich girl ka naman!naks ikaw na! Saka isa pa hindi ka naman maitim ah!ke puti puti mo nga eh!heheh ikaw talaga pahumble pa!Ingat
@Chyng
Sige ba magsasayaw tayong preho, at tyak marami tayong TIP, bigay mo lang ang contact details mo para sigurado!(Pinatulan talaga???)hehe
@Vonfire
Hindi pwede dito eh, lagot!hehhehe!
@LordCM
oo nga napansin ko nga yun! Pero at least binasa mo naman!kaya maraming salamat (binasa mo nga ba??hehhe)
@Karen Anne
Sige ba kailan ba, itaon mo lang na bakasyon ko. At dahil walang discount full time serbisyo ang gagawin ko sa inyo, masisiyahan kayo kasi maglalakad ako sa baga ng nakabrief lang!hehhee
@
Post a Comment