Dahil walo kaming magkakapatid, lima kaming lalaki na mala-construction worker kung lumamon at yung tatlo kong kapatid na babae ay parang may alagang rhinoceros sa tyan kung lumantak ng pagkain.Medyo agawan kami sa pagkain. Kanya-kanya rin kami ng tago ng sari-sarili naming pagkain.
Kung hihingi ka naman kailangan mong magbanggit ng mga magic word tulad nito:
Magic Word para sa mga timawa o mga palahingi:
“PWEDENG HUMINGI,LOCK TAPON SUSI” ----- kaya kahit masamang masama ang loob sa pagbibigay wala kang magagawa kundi magbigay, kasi naunahan ka na nila sa pagsasabi ng magic word
Magic Word para sa mga masasama ang ugali dahil ayaw magbigay:
“BAWAL HINGI, TAPON SUSI SA PUSALI”---- yan naman ang sasabihin mo para hindi ka mahingan ng pagkain. Wala na silang magagawa dyan kapag naunahan mo sila sa pagsasabi nito.
Kaya kapag nakikita nang kumikislap kislap ang mga mata nila at medyo naglalaway na sila sa dala kong pagkain, kailangan maunahan ko sila sa pagsasabi ng MAGIC WORD. At kung kailangan sungalngalin ko ang bunganga nila at hagisan ng dinamita ang bibig nila para di nila ako maunahan, eh gagawin ko , masolo ko lang ang PRITOS RING at CHIKITO na binili ko (napakabuti ko talagang kapatid, naks!).
At kung tatanungin nyo kung sino ang nagpauso nyang magic word pwet-pwet na yan, syempre walang iba kundi……..AKO! (syet, henyo ko talaga)
Madalas din may nakawan ng pagkain sa loob ng aming PRIDJIDER. Bibihira magkaroon dun ng pagkain kasi puro tubig lang ang laman nun (parang pinalaking WATER JUG lang). Kaya naman kung medyo tintipid tipid ng kapatid ko ang binili nyang BIGBANG o CLOUD NINE at gusto nyang palamigin iyon sa aming ref, tyak pagbukas nyang muli ng ref, BALAT na lang ang laman (kasalanan ba namin yun, sisihin mo yung bigbang/cloud nine kasi dindedespley nya ang sarili nya sa ref, tao lang kami sorry!).
Pero mga tae sila (mga kapatid ko) dahil AKO pa rin ang madalas nilang pagbintangan na kumakain ng pagkain nila. Wala silang katibayan na matakaw at masiba ako!At lalong hindi prueba ang pagkain ko ng inaamag na cake. Foul yun!hIndi counted yun!
Dahil ang ref naming ay REF NG BAYAN, kaya nararapat lang na magbigay babala ka sa mga MASISIBA AT MAGNANAKAW ng pagkain (o bakit ako na naman ang iniisip mo dyan?)
Kaya naman mauutak din ang mga kapatid ko kasi pagbukas ko palang ng ref may ganito ng mga kaepalan
Heto pa ang ilan sa mga nakalagay na babala:
Heto pa ang ilang dito:
GAGO KA!SA IYO BA TO??
LASON ITO KAYA WAG MONG KAININ, PINAPALAMIG KO LANG!
KUPAL KA! WAG KANG MANGUHA NG HINDI SA IYO
MAMATAY NA KUMUHA NITO!
Pero ang hind ko kinaya ay ito :
TALAGANG NAG NAME DROP NA! BWISET!!
So ganyan ang sitwasyon sa amin noon, pero magbago naman ang lahat noong umalis na ako at nag-abroad.
Wala lang namimiss ko lang talaga iyang mga senaryo na yan sa amin dati.Dito sa Saudi, may sarili akong “ref” at hindi naman sa pagmamayabang, laging may masasarap na pagkain ang laman ng ref ko.
Pero bakit ganun, ibang iba talaga ang lasa ng pagkain dito. Bakit kahit pwede ko ng kainan ang lahat ng gusto ko na walang humihingi sa akin, bakit parang mas lalong tumatabang at nawawalan ito ng lasa? Bakit nga ba parang mas masarap ang pagkain nahinihingi ko lang sa aking mga kapatid ? At bakit kakaiba ang lasa nito kapag nakikipag-agawan ako sa kanila?Bakit kaya ganun?
Marahil tama nga nga ang ila, wala naman talaga sa lasa ng pagkain ang sarap nito, kundi nasa taong nakakasama mo sa paglasap ng bawat lasa nito. Mas nabibigyan ng kakaibang sangkap ang bawat pagkain kapag kasalo mo sa iyong hapagkainan ang taong mahal mo sa buhay.
Malasahan ko man ang pinakamasasarap na pagkain sa buong mundo , mananatili pa rin itong kulang kapag wala kang kasalo sa pagkain nito. Minsan wala talaga sa pagkain kundi sa taong hahandugan mo ng pagkain. Wala sa dami ng sangkap ang ikasasarap nito kundi nasa dami ng pagmamahal na binibuhos mo dito.
Kung iuugnay ko ang pagkain sa ating buhay ang masasabi ko lang ay…..nasa pagbabahagi at hindi sa pagiging sakim mas lalong sumasarap ang buhay. Kapag mas marami tayong binabahagi sa ibang tao, mas lalong nagiging masarap at makabuluhan ang buhay natin.
Sana matuto rin tayong magbahagi at matuto rin tayong magbigay para mas sumarap ang ating buhay.
Iyon lamang po at maraming salamat.
P.S
Ang pagkain ay AKO ay iisa lamang, bakit?Dahil parehong kaming………YUMMY!hahaha! (biglang kambyo uli, seryus na sana eh!hehehe)
41 comments:
Sobra sila!!! Ginaganun ka talaga?! Hala punta ka dito sa Jubail at bibigyan kita ng banye-bayerang isda at alimasag.
Nako. Kawawa ang pagkain sa inyo. :)
parekoy, nabago ba ang lahat ng simula kang mag-abroad dahil: (a) dumami na ang laman ng ref sa inyo, (b) wala ka na kaya wala nang mangunguha ng pagkain, o (c) both!
peace tayo bro. kain nang kain ng kain pero payat ka naman. dapat isama mo sa diet mo ang combatrin! :)
masmasarap nga ang pagkain na galing pinaghirapan mo. pero kung ito ay ay kupit wala lang, it rimnds me when i was in pizza hut decade back. mas masarap kapag binibili ko ang pizza. kaysa nakaw na pizza hehehe.
btw salamat sa pakiki-isa mo sa prayer request ko bro. Gb
ganyan din dati sa bahay namin pero di naman ganyan kagarapal kasi apat lang kami at ako ang batas.. dahil ako ang panganay pwede ko pakelaman ang pagkain nila pero di nila pwede pakelaman pagkain ko kasi nagagalit ako! hahahaha!!
ako din, now madami pagkain sa ref, nabubulok ang fruits.. mas masarap ang may kaagaw!
Nyahahah! Yung kuya ko hindi lang may note--pinapakita pa nyang dinilaan nya na yung buong laman at saka pati yung pabalat. kadiiirs!
kay "the little box owner"
nacurious naman ako na nakatagpo ng taga-jubail din dito... baka nababangga na kita sa jubail center, ikaw na pala yun! asan blog mo? share naman dyan... wag mo sabihing stalker ka lang ni drakula? lol
Natutuwa naman ako sa penmanship nila rose ann at eric, parehong pareho. Magkapatid talaga sila! *grin*
tanda ko, may nakita akong model ng ref (kelvinator) na de susi, ang panget! ref na de susi? i'm wondering kung bakit nilagyan ng susi ang ref. talagang may nangyayaring pamimirata ng food! hahaha!
ay pag ako yan lalagyan ko ng note....
"My saliva is my main ingredient wanna have a bite?"
takaw mo B1! =)
naks gumaganun si pareng drake! kampai naman dyan!
totoo yang sinabi pare, kahit tuyo o pinakuluuang dahon ng malunggay na binudburan lang ng asin yan, sasarap at sasarap yan pag kasama mo ang mga taong malapit sayo. subukan mong kumain sa mga mamahaling resto na mag-isa, hindi mo din maeenjoy ng todo ang food.
napansin ko lang, pareho ang sulat nung dalawa mong kapatid? hahaha
@indecent_mind. Huwaw taga Jubail ka rin? well, malamang at nakabangga na nga kita sa Jubail Center habang bumibili ng food sa Al-Bajar pero hano ka ba di naman ako istalker ng may ari ng blog na ito...papunta pa lang dun dyok! Wala pa akong blog kasi di naman ako marunong mag sulat baka tawanan nyo pa ako. Pero its nice to know na kabaryo pala kita. Sa barangay 147 ako zone 69 hahaha.
wala naman talaga sa lasa ng pagkain ang sarap nito, kundi nasa taong nakakasama mo sa paglasap ng bawat lasa nito---PANALO!!!
Pero kung sa tingin mo nawawala na ang lasa ng mga pagkain mo jan ipadala mo na lng yan dito sa akin timawa na kasi ako eh hehehehe...
ingat!
Tama ka dyan parekoy. Kahit masarap ang pagkain kung di nman kasalo mga mahal mo sa buhay wala ding lasa. Tska ganon nman yun, habang may kaagaw, mas masarap. Ahihi… Pero wla ka sa kuya ko.. dinuduran muna yung pagkain bago mag-alok. Garapal kasi yun… Patay-gutom. Buti nga nag abroad.
-Eric
Hahaha.. ingat!
Tama. Mas masarap kumain pag madami kayong nagsasalo kesa pag ikaw na lang mag isa.
Wag ka lang masiba... hahaha!
=)
Naku mahihiya ang mga amag sa bilis niyo sa pagkain... hehehehehehe... pero naramdaman kong parang gusto mo na magasawa... nyahahahahahha
by no benta- "parekoy, nabago ba ang lahat ng simula kang mag-abroad dahil: (a) dumami na ang laman ng ref sa inyo, (b) wala ka na kaya wala nang mangunguha ng pagkain, o (c) both!" ---wahahaha agree ako dito!^_^
anyway..mas masaya talaga kapag may kakulitan ka sa pagkain..namimiss ko na rin tuloy yung mga kapatid kong maliliit na mahilig din kumain ng mga pagkain ko sa ref lalo na kapag chocolate..yung bunso kasi namin "chocolate monster" yun eh..katwiran nya..di daw dapat pinagaantay ang food wahaha such for a 7 year old kid..XD
kuya kung gusto mo ipadala mo na alng sa akin yung mga laman ng ref mo jan..^_^
Ang sweet nyo namang magkakapatid. ^_^
Nakakamiss talaga yung mga ganyang bagay,dahil minsan yung pag aagawan ng pagkain ay isang paraan ng pagiging sweet nyo sa isa't isa. kanya kanyang paraan lang yan ng bawat magkapatid.Parang kami ng bunso kong kapatid hindi mabubuo ang araw namin kapag hindi kami nag aaway. Kapag hindi makita ang isa't isa hinahanap, kapag natutulog yung isa gagawa ng paraan para magising. ^_^
@LitterBow
Hindi okay lang naman yun, talagang mga buraot at epal lang talaga ang mg kapatid ko pero mababait naman yun hindi nagngangagat!
Sige ba pupunta ako dyan sa Jubail, sana may tahong din, tigang na ako sa tahong eh!hahahha
@Kaite
Medyo parang dinaanan ng bagyo kung may pagkain sa amin
@NO Benta
Talagang may mutiple choice pa, parang exam lang ah! Pero sige na nga ang sagot ko ay C
Pre kapupurga ko lang kahapon, at inhaw na namin kanina para ulamin!Sayang din kasi!hahaha
@LifeMoto
Talaga kuya nagtrabaho ka sa Pizza Hut?Nice kuya, alam mo bang mag rich kid palang noon ang pwedeng magpart time sa mga ganyan! Sa pagkakaalam ko!heheh
Sige kuya kasama nyo ako sa Prayer Brigade para sa biyenan mo!Ingat
ROFL =DD
@Indecent Mind
Aha ikaw pala ang panganay sa inyo at ang ibang sabihin nyan ikaw din ang pinakamagulang, pinakatuso at pinakamaepal sa inyong magkakapatid! Kaya ka pala ganyan!hahah joke lang
Nice nabubulok ang mga prutas, ikaw na ang mayaman!hahaha! May-ari ng HYPERPANDA!Ingat
@Ayie
That's so yuckie kaya! Ewww (konyo??) syempre naninigurado lang yun baka kasi ubusin mo, alam mo na!hahahha joke lang!
@Indicent Mind ULE
Puntahan nga natin yan one time parekoy, Parang nacucurious naman talaga ako kay LitterBow,hehhehe!
@Ollie
Di ka nagbabasa!I heytchu! Sabing ngang sample lang yun eh! SAMPLE!SAMPLE
Yung ref ko dito may susian, pero di ko naman pinapadlock kai wala naman akong kaagaw dito, ewan ko na lang kung pati sarili ko agawan ko pa!hahah!
@B2
wag kang magpanggap, nagcomment ka pa eh di mo naman binasa!Kamusta naman yun!hahaha! Halatang halata sa comment mo na hindi ka nagbabsa b2!hahaha pero salamat na rin
@Andy
Huuuu, nakakain ka na ba ng sinasabi mo na yan Andy Panty (may ganung nickname??!?Peace) eh kita mo ngang MILO ang ulam nyo, ang sosyal sosyal kaya nun! Kami nga cocoa lang eh na may asukal!hahahah! peace parekoy
Isa ka pa, magbasa kasi ang sabi dun SAMPLE LANG YUN!SAMPLE at SAMPLE!Ok!
Ingat
@LitterBOx
Magiingat ka kay Indicent mind, matulis yan!hahahha! Nice mukhang maykakaroon dito ng relasyon ah! Nakow! ANg blog ko pa ang naging daan! hahahaha!
Hayaan mo talagang pupunta talaga ako ng Jubail para lang makita kita!Hehhehe!ingat uli
@Jag
Ganun, relief goods?Nasalanta?hahhaha! Kunwari ka pa eh balita ko milyong milyong YEN ang hinakot mo papuntang Pilipinas, nadaig mo pa si Yamasita sa dami ng kayamanan! Wag ng magpanggap Jag!
Nice avatar bro, parang nagbibiro lang!hahah! joke only!ingat
@Bitoy
ganun may ganung mga sinasabi! Pero natawa ako dun ah! Pwede! may future, sige gawa na ng blog parekoy at ako ang unang follower mo!Sige na gawa na!heheheh!
Parang si vice ganda lang ah.....MAY NAG TEXT!hehhehe!Ingat
@Stone Cold Angel
Belated Happy Birthday bro, pacanton ka naman oh! Tuloy hindi masarap ang handa mo kasi di ka naman nagshare!Joke lang!ingat
@Xprosiac
Nice! Oo nga parekoy mag-asawa ka na medyo tumatanda na eh!LOLS! Teka hindi kaya kusinera lang ang hanap mo at part time asawa!MEGANUN!Ingat
@Superjaid
Ako din Chocolate Monster din ako, kaya di rin nagtatagal ang chocolate sa ref ko. Kalimitang puro tubig din lang ang laman ng ref ko! hahahah! Ano ipapadala ko pa ba?
Musta na jaid, malapit na bang makagraduate?Ilang years na lang ba?Pagbutihan mo pag-aaral mo!ingat
@Darklady
Mukhang galing ka rin sa malaking pamilya ah! Oo tama ka halos hindi natatapos ang araw naming magkakapatid kung walang asaran at iyakan!hahaha! Pero yun nga ang masarap dun eh! Masarap ang maraming kapatid kasi kahit inaaway mo sila, sila pa rin ang unang magtatanggol sa iyo! Naks!
Salamat sa laging pagkumento!Ingat palagi! Nga pala si Alvarado na pala ang Governor natin!hehhee
@ Definella
TIPID MODE ah!hehhee!ingat
bakit brod? stalker mo ba talaga si litter box owner (LBO)?
ei LBO, LOL ka! san naman mahahanap ung barangay 69 mo??! wahaha! EB tayo nila drake, wag ka mag-abaya ha? dapat nakaminiskirt ka lang! nyahahaha! joke! peace!
@Mr. Drake and @ Mr. Indecent. Ayan assuming kayong masyado at Sino naman ang nagsabi sa inyo na babae ako. Si Tiffany oo babae siya kahit spayed na siya. Siya yung nasa piktur, kung gusto nyo talaga siyang i-meet ok lang sa akin just let me know para mapaliguan ko siya. Talaga ang mga pinoy na nasa saudi pag nakaamoy ng babae sa paligid-ligid nagwawala agad kahit pa Turkish-Angora ang breed LOL (Dyok lang!) Peace!!!!!
uhmmm tama k nga pareng drake, mas masarap ang pagkain kapag piag aagawan. hehe. adik k pre bigla naging malungkot sa dulo
morall lesson makipag agawan ng pagkain. magnakaw sa ref
@ drake & LBO
wahahaha! nalaglag naman ako sa upuan ko..
tsk! bakit ba lagi misinterpreted at panget ang impression pag nasa disyerto ka??
nyetang pridyider yan! wahahaha!
pahamak ka drakula! lol
@Litter Box Owner
LBO, hindi ka ba babae?Nakamputsa eh bakit naman kasi pussy ang avatar mo?At ang nakalagay sa profile mo female ka? Ano yung totoo? makikipagkita ako at dadayuhin kita dyan sa Jubail para masilayan ang ganda mo! Aayain ko si Indicent Mind dahil alam mo naman petiks yun araw araw!
Ano wala ng joke-an?Ano game na ba?
At isa pa, mali ang iniisip mo sa mga pinoy na nasa disyerto hindi totoo yan, maginoo ako at si indicent lang ang bastos!LOlS
@Indicent Mind
Aba-aba wag akong ang sisihin mo, yung kalibug*an mo ang sisihin mo! Aba ako wholesome na wholesome ako, medyo nacurious lang talaga ako dun sa pussy na avatar ni LBO!
LAST NA TANONG
Babae ka ba LBO?
@Kikilabotz
Ang talino mo talaga, nakita mo pa yung talagang moral lesson ng kwento ko! Grabe ang galeng! Batang Promil.
Hoy isama mo ako sa Top 10 most handsome blogger mo ha! Dapat pang no.1 ako (hahaha, kinontrata!)
Ingat
@Mr. Indicent:
Ok lang Sir kung na-excite ka agad, ganyan naman dito sa Saudi, hindi kita masisisi LOL. Kaya ka siguro tumatambay sa Jubail Center ano? May pakay? Ingat ka lang baka iba ang makadagit sa iyo dun Hehehe Basta mahilig lang kasi akong magbasa ng mga blog tulad ng sa iyo at Mr. Drake kahit nagulat ako dun sa background music mo.
@Mr. Drake:
Sinagot ko na ang tanong mo kanina hindi nga ako babae unless gusto mong malaman kung patotot ako sa patintero. Saka ko na iyan sasagutin...sa takdang panahon. Abangan mo na lang ang presscon. Keep it up po Sir!
first time here..nice blog pre. medyo nagutom lang ako habang binabasa ko ito, at nakarelate kasi may mga ganitong eksena rin smen sa bahay noong mga bata pa kmeng mgkkapatid..hehehe
may moral lesson pa ..Asteeg.
namiss ko bigla aking mga kpatid, hahaha. nakuu ganyan na gnyan ang kuya ko! masiba din haha! peace kuya drake!
Ako naman noon walang kaagawan sa laman ng ref... kaya pag naubos, wala akong ibang masisi kundi sarili ko at nakakalungkot lalo hahaha.
Shet, frigidaire talaga.
teka teka -
pramis hindi ako natatawa sa post na ito. . .
nakaka iyak to. . . saka ang ganda ng post kase may lesson. . . weweyt naiiyak ako. . .
i miss my kapatids too in the pinas.... =(
sa pinas isa lang ref namin, dito ngayon apat ang ref - sana nandito din sila :(
Huhulihin ka ng pulis sa pagnanakaw ng pagkain! hahaha
Mamimiss mo nga yan pag wala na sila sa bahay. 7 kaming magkakaptid eh, ako nalang walang asawa. Ang dami ngang pagkain pero wala ka ng kaagaw, di na masaya..
hahahha...@ollie: the same nga yung penmanshi nila ba..hmmm..
conspiracy yan..
batugan ka kasi sa pagkain..mwahahaha
ohmegash im laughing my ass off here,, hahahaha....nakakarelate ako, kac ganyan yan din smen dati pero ang masaklap nun si mudra ang dumudugas...wahahahahaha....
pero totoo mas masarap kainin ung alam mong pinagagawan nyo ng mga kapatid nyo kesa dun sa pagkain na binili mo lang....mas magana kumain pag kasalo mo sila..
ngayon kahit madami food na nakikita ko at kahit sobrang siba ko sa pagkain minsan nawawalan ako ng gana.......
at bakit naman kasi nangangain ka ng hindi iyo ha? hehe. yan tuloy, special mention ka pa! wahaha. wag masyado matakaw ha at kung nanakawin mo rin lang pagkain ng mga kapatid mo, bigyan mo naman kami! hehe.
ang galing! next time kwento ka naman ng tungkol sa kalan ,LOL!the message is loud and clear,nice job!
@Silentassasin
Welcome sa aking kwarto sana lagi kang madalas dito. Maraming salamat sa pagbasa, hayaan mo bibistahin ko rin ang blog mo ingat
@Keso
Ganun talaga ang mga Kuya, medyo malalaks kumain. Eh lalaki kasi kami kaya okay lang, ang mag-alaala ka kung kababae mong tao eh parang construction worker kung lumamon.heheh parang PG lang!hehe
@Glentot
Yan ang mahirap sa nag-iisang anak. kasi pati sarili mo nilalamangan mo pa! Teka akala ko talaga pito kayonng magkakapatid!Ay sorry dwende pala yun ni Snow white!hahaha!ingat
@PabloPabling
Pramis naiyak ka?hehhee! Ganun talaga pag nalayo ka na sa inyo. Mas maapreciate mo ang mga taong hindi mo na nakakasama. Alam ko rin na miss na miss mo na sila!Tama ba ako parekoy?ingat
@Chyng
Siguro riot din kayo noong mga bata pa kayo noh! Pero kahit agawan masaya pa rin kasi talagang mas masarap ang mga pagkain kapag pinag-aagawan talaga!
Ikaw na lang pala ang walang asawa sa inyo, so ibig bang sabihin nun ikaw anng bunso?Ingat at maraming salamat sa laging pagdalaw
@Mjomesa
Sabi ngang SAMPLE lang yun eh! Hindi kayo nagbabasa ni Ollie, nagiskip read lang siguro kayo no!hayan nahalata ko tuloy! LOLS!ingat
@Ladyinadvance
Ganun nilalamangan kayo ng nanay mo!hehehhe!Galing ka rin pala sa malaking pamilya, ang saya ng maraming kapatid no. Kahit marami kang kaagaw sa pagkain, marami din naman ang magbibigay sa iyo. Totoonng masarap ang maraming kapatid kasi kahit inaaway ka nila, sila pa rin ang laging nagtatanggol sa iyo sa ibang tao.
maraming salamat sa laging pagdalaw!Ingat palagi
@Nightcrawler
Kamusta na parekoyPare pag-uwi ko sa pinas hayaan mo inuman tayo, sige sagot ko na ang lahat ng pulutan ang alak, syempre naman ganyan na ako ka generous ngayon!hehhee!ingat
@Docboy
Maraming salamat po sa laging pagdalaw. Di ba sa Saudi rin kayo kuya? Hehhee! Shokran Kateer!
Post a Comment