QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, May 29, 2010

KABASTUSAN



Sorry medyo matagal akong di nag-uupdate, at sorry uli dahil medyo sumseryus muna ako ngayon.


Tanong lang kailan nagiging bastos ang isang tao, at kailan nagiging malaswa ang isang salita?
Ang pagsasabi ba ng salitang PUKE,TITE, BAYAG, KANTOT at SUSO ay mga salitang bastos at malaswa?Marami siguro sa atin, magsasabi OO,bastos yan at malaswa yan! Pero sino ang dapat humusga? Tayo ba? Pero sino ba ang may maruming isip?Sino ba ang malisyoso?Sino ang bastos? HINDI BA TAYO RIN? Di ba nakapalaking KAIPOKRITUHAN yan!


Nakakabawas ba sa respeto ng isang tao ang pagsasabi ng kabastusan, kabawasan ba ito sa kanyang pagkatao? Pero ang respeto ba ay nakukuha sa mga salita?Hindi naman di ba?Ang pagkatao ba ng isang tao ay nasusukat sa kung gaano kadalas nyang sabihin ang mga salita na ito? Hindi rin naman di ba?

Kung nakakamamatay ang pagsasabi ng ganito baka wala ng matira sa mundo!!!


Dati, noong bata tayo lagi tayong sinasaway ng mga magulang natin na masama ang pagsasabi nito. Bastos ka kapag naringgan ka nito. Kaya nakagapos ang ating kamalayan ng ating kainosentehan. Naalala ko pa noon, halos lapuritun ng nanay ko ang bibig ko dahil nagsalita ako ng SUSO. Pero ang totoo nyan nabasa ko lang ang libro ng kapatid kong babae tungkol sa “PUBERTY”.


Maaring okay lang na wag mong sabihan yan kapag bata ka pa,dahil hindi pa natin alam ang bagay bagay.Ssubalit kapag nabukas na ang iyong kaalaman sa usaping sekswal at nagkakaroon tamang kaispan tungkol dito, hindi naman siguro dapat tayong husgahan at sabihang “BASTOS” dahil lamang sa pagsasabi ng ganitong bagay.

Sa akin “BASTOS KA” kapag hinusgahan mo ang isang tao batay lamang sa kanyang mga sinasabi. “BASTOS KA”, kapag hindi ka marunong gumalang sa kalayaan nyang magpahayag ng kanyang saloobin. “BASTOS KA” kung mas mayabang ka at pinakapamukha mong MAS MALINIS KA kaysa sa ibang tao. May sari-sarili tayong dungis na kailangan punasan kaya WAG KANG MAGING BASTOS para pulaan mo ang ibang tao base lamang sa kanyang sinasabi.
Maraming “MAS BASTOS “ na tao kaysa sa mga taong nagsasabi ng salitang TITE,KIKE, BAYAG,KANTOT at PUKE. Mga taong walang respeto sa saloobin ng iba, mga taong sarili lang nila ang kanilang iniisip, mga taong makikitid ang utak at mga taong sarado ang utak.Sila ang mga TUNAY NA MGA BASTOS.



Kung ang tao ay may respeto sa iba at sa kanyang sarili, sila ang mga TAONG HINDI BASTOS at hindi ito kayang pasubalian kahit pa magsalita sya ng TITE, PUKE, BAYAG araw araw. Wag tayongmaging IPOKRITO dahil lang sa PAGMAMALINIS NATIN. Hindi hamak na mas madumi ang isip ang taong nakikinig kaysa sa nagsasalita. Huwag tayong magmalinis dahil baka mas nakakasulasok pa ang mga taong nagtatago na kanyang sariling baho kaysa sa mga taong hayagang nagpapahayag nito.



ANG TAONG MGA MAKIKITID ANG MGA UTAK SILA ANG MGA TOTOONG BASTOS. SILA ANG DAPAT MAHIYA AT SILA ANG NAKAKAHIYA?



Huwag tayong mapanghusga, dahil kung paano mo sinukat ang ibang tao, sa ganoong paraan ka ring susukatin nito.



Maraming salamat po.







32 comments:

mr.nightcrawler said...

siga na.. ikaw na ang mabait! ikaw na! haha. buti na lang good boy ako agt hindi ako mapang-husga... hindi ba kuya drake?

DRAKE said...

Oo naman ang baet baet mo nga eh! hahahhaa! JOKKKKKEEEEEEE!!!

Wala bahid bahid kalaswaan ang iyong pagkatao!hahahaha

ingat

The Gasoline Dude said...

Sino na naman pinatatamaan mo? LOL

Pa-conservative effect kasi tayong mga Pilipino kaya ganun. Importante sa nakararami ang GMRC (Good Manners & Right Conduct) kaya nga itinuturo din 'yan sa paaralan. Kaya 'wag na uminit ang ulo, Drake. LOL. Kanya-kanya lang 'yan ng opinions, values at upbringing. At oo, ambastos mo. Haha. = P

DRAKE said...

@Gasoline Dude

Namiss kita gasul, pakiss nga pre!hahahha!

Ala naman akong kaaway! Sa baet ko na ito (aapila pa eh,wag ka na!)

At isa pa hindi ako BASTOS! Kyut ako......KYUTTTTTTTTTT!!LOLS

Ingat parekoy!

karen anne said...

oo nga naman, hindi naman bastos ang magsalita ng puke, tite, bayag, kantot, suso, whatever.LOL. tama ka dyan kuya drake.n_n

NoBenta said...

naalala ko tuloy 'yung kuwento ng isang tatay na kung anu-anong kasinungalingan ang sinabi sa totoy niyang anak nang mabuklat nito ang kanyang porn mag. sabi niya ay ano yan... black na damo.

ang sagot ng anak niya, "ay ganun ba 'tay? akala ko kasi puke!!"

meron akong kabarakada na kahit anong gawin niya ay nagiging malaswa ang dating. kahit na simpleng "tikoy" lang ang babanggitin niya ay parang bastos na ang dating!

tama ka parekoy, ang mga makikitid ang utak ang mga tunay na bastos.

sige na, bastusan na. lolz!

Ollie said...

Tanong lang kailan nagiging bastos ang isang tao, at kailan nagiging malaswa ang isang salita?

- generally, bastos ang isang tao kapag di nya nirerespeto ang karapatan ng isang tao - di marunong makipag kapwa tao.

ang mga instant examples nyan na biglang pumasok sa isip ko eh mga nag v v.oke hating gabi hangang madaling araw na walang pakialam sa kapitbahay nilang gusto ng matulog at magpahinga.

mga taong di marunong magbayad ng utang.

mga kurakot na buwaya.

mga smoker sa loob ng public na sasakyan.

at maraming pang iba.

--- kailan malaswa ang salita? kung mga privates parts per se eh walang masama, bahagi ng katawan yan eh, kung ako lang, gagamitin ko yung mga english terms like vagina, scrotum, pubic hair, anus, breast, penis, sperm, sex para sa mga informative at educational na pakikipag deskusyunan i.e, STD awareness, family planning, stuffs about puberty, etc.

yeah, i think, safe para sa mga bata para sa sex ed ang terms na
bayag, tamod, suso, regla, pwede rin ari ng babae or lalake, pag niniig or pag tatalik, at samahan mo rin ng pag deliver na may authority at walang malisya, di yong ngumingisi ka pa at nag bublush at may palabas labas pa ng dila hahaha eeeewww bastos!!!! pervert!

yung ibang mas graphic na term eh ginagamit ko na lang sa... sa... sa ... 4 gray walls that surrounds me.

an_indecent_mind said...

depende naman sa tao yun e.. pero kung kagaya mo.. kahit hindi bastos nagiging bastos na rin ang dating!

nyahahaha!

peace brod!

buti na lang di ako bastos, malisyoso oo pero bastos hindi! wahahaha!

Bitoy said...

pero liban dyan, mas bastos yung mga taong di na nga gumagalang sa karapatan, paniniwala at istilo ng iba eh nakukuha pang manlait. BOW!

-jejemon

DRAKE said...

@Karen Anne

Hindi naman nga talaga!hahhaa! Lalo pa na sa medical profession ka kaya siguro sanay na sanay ka na dyan sa mga salitang yan.

@No benta

Tama ka okay lang naman na sabihin yan lalo na kung ang sinasabihan mo ay hindi naman naooffend. Ngayon kung alam mo ng hindi na sya maganda at mukhang seryoso na then kailangan mo ng tumigil at hayaan na lang sya!

Minsan wala talaga sa taong nagsasalita ang kabastusan nasa isip ng taong nakakarinig ito!Yun lang yun!hehehe

@Ollie

Tama yan, tumpak na tumpak. Wala talaga yan sa paggamit ng mga ganyang salita. Kung wala namang halong kamalisyahan , bakit ka magagalit at sasabihang bastos. Kung wala ka namang iniisip na masama bakit ito hindi katanggap tanggap.

Kung lalagyan ng malisyosong pag-iisip, yan ang kabastusan. at kahit ano pang bagay ang sabihan mo dyan kung malisyoso at may kulay ang iniisip mo, simpleng bagay lang magiging bastos ito.

Tama ka ginagamit ang mga lenguwahe na yan sa pagtuturo at gabay kaya bakit ito bastos at hindi nararapat?

Kung ihahantulad ito sa pera, hindi masama ang pera, nagiging masama lang ito depende kung paano mo ito gagamitin.

Salamat parekoy!

DRAKE said...

@AIM

Ikaw na ang may busilak na puso at isipan! Amputi-puti! hahahah!

ingat parekoy

@Bitoy

ang kyut parang si Vice Ganda lang!hahaha!

Tama ka pre, minsan hindi naman sila inaano nung mga JEJEMON na yan, pero bakit sila apektadong apektado!hahaha! Palibahasa wala silang talent sa ganun!

Ingat

Chingoy said...

sa tingin ko, may gusto kang patamaan hahaha, di ba Gasul? hehehe

basta ingat na lang sa mga sinasabi... :) peace!

darklady said...

naging busy ka ba kuya drake? at bakit usaping bastos ang topic? hehe.
ang masasabi ko lang sang ayon ako sa mga sinabi mo, kaya idol kita e.naks!!! ^_^

Francesca said...

Those are words , that are used to name the body parts. Of course these are not suppose to be bastos, if,
used as scientific names, but it is better not touse those words needlessly.
Ang isang tao, Rerespetuhin kung yong choice of words eh desente.

No one wants to be called in those names kasi hindi dignified.

Unless one is sanay na sa UNDIGNIFIED name calling,pero in my standard, no, i dont want to be part of that club.
I have HIGH regards of everyone, i expect them to be the same towards me.
Kung ano daw ang nasa puso yun ang lumalabas sa bibig.
Bow.

Stone-Cold Angel said...

kaya nga naging karakter si boy bastos eh...

tama ka... mapanghusga ang lipunan.
kun mahirap ang magsasabi ng tite, puke atbp bastos sila. pero pag mayayaman ang nagsasabi ng fuck, shit, cock or cunt, they're perverts...

wala lang... hahaha! Nice post! =)

Kosa said...

Awwww!
Palakpakan muna Kung ganun!!!
Taenang Shit!!!
Hindi naman pala ako BASTOS!
Wahaha.. At dahil dyan, pareho tayo ng pananaw.. At promise Hindi kita kokontrahin lalo na Kung magpapadala ka din ng isang bonggam bonggang picture greeting para sa nalalapt na bday ko.. Ahihi

gillboard said...

buti na lang di ako bastos... maginoo pero medyo bastos lang..
hahaha

galing nung video...

I am Xprosaic said...

Tama! Ewan nga bakit pinipilit pa rin ng iba na conservative ang bansa natin sa usaping ganito eh nagkakaroon naman ng negative effect dahil pilit tinatakpan ang matagal nang nangyayari sa society... Buti na lang ANG LINIS LINIS KO! ahahahahahahhahahha

Jag said...

Hindi naman masama ang paggamit ng mga salitang may kinalaman sa seks kung ito ay ginagamit sa tamang pagkakataon, sa tamang tao na mas nakakaintindi dito at sa tamang lugar. Ito ay may pinagbabatayan din.Hindi naman kaaya-aya kung kumakain ang buong mag-anak sa hapag-kainan tapos ang pinag-uusapan ay tamod, vaginal juice, burat, kiki at etc. dba? hehehehe...

Sabi nga sa theory ni SIGMUND FREUD "human are sexual beings". Sa makatuwid, parte na talaga sa buhay ng tao ang SEX. Pero sa kasamaang palad, tayong mga Pilipino ay nakatira sa isang konserbatibong bansa kaya nagiging discreet tayo sa usaping may kinalaman sa SEX. Para sa mga malalabnaw ang utak, ang Sex ay kabastusan. Para naman sa mga taong puro kamunduhan ang laman ng utak kamanyakan na iyon hahaha. Pero naniniwala ako na hangga't may reproductive organs ang mga tao, may SEX. Si God na nga ang nagdesign ng katawan ng tao para magamit ito DOON dba?hehehehe...

At dahil laba sa TIDE ang pagkatao ko (walang kadungisdungis), hindi ako masyadong nagreact sa unang bagay na iginuhit sa Video kasi alam kong may kasunod pa iyon bwahahahaha...

Si Jag na ang malinis, si Drake na ang marumi hahaha...Peace parekoy! hehehe...

kikilabotz said...

hindi naman talga bastos yung mga salitang ganun. lalo na sa aming mga nurse..hehe. maxado seryoso ah? hehe

DRAKE said...

@Manong ED

Wag ka na!hahahhaa!Wala akong kaaway!Mabaet ako!Mabaet!LOLS

Ikaw chismis ka!

@Darklady

Oo naging busy ako sa upes.....kakafacebook!hahahah! Joke lang! May inaayos lang ako sana maging okay din ang lahat!Hehehe!ingat

@Ate France

Agree naman ako sa iyo,kumbaga may tamang lugar at tamang oras ang kabastusan. Kung sa biruan ang tema ay kabastusan at ang kabatuhan mo naman ay walang kamali-malisya. Dapat wag itong seryosohin ng iba dahil biruan lang naman yun!

Basta naniniwala rin ako na may tamang lugar at oras ang kabastusan. Ingat

@Stone-Angel

Yup, you know. For them ,if you can speak english you are sosyal na!Duh?!? Whats the difference of saying bastos worn in english at sa tagalog!Devah?!? So kaka talaga!
LOLS!

@Kosa

Kelan ba naman ang birthday mo, at nagulat talaga ako ha, dahil nagbebertdey ka pala, akala ko singaw ka lang!Grabe!

Sige sabihan mo ako kung kelan at magpapapicture ako na kartolina lang ang suot!hahhaha!

DRAKE said...

@gillboard

TAMA!!! Isa kang magandang halimbawa ng isang taong inosente sa kamunduhan!LOLS!Ingat

@IamXproxiac

You bet kalabet, otomatik ang pwet. Aminin natin masyado tayongnagbababuyo sa sinasabi ng lipunan. Nilimitahan tayo ng panghuhusga ng nakakarami. Kaya marami sa atin tago lang kung gumawa, ika nga nila nasa loob ang kulo. Kaya sino talaga ang nakakasulasok di ba!

Amen ako dyan parekoy sa lahat ng sinabi mo! (nice nag-iisip na sya!LOLS)

@Jag

Akoy gulat na gulat dahil mukhang nagresearch ka talaga dito.Hahaha

Pero akong 1million percent agree sa iyo. Totoo naman nga na tayo ay nilikha na may ganoong parte ng katawan. Kaya hindi naman masama na sabihin mo yun sa nakararami. Anong bastos nun?wala naman nga diba? Na kanino ang may malisyosong utak, eh wala naman sa nagsasalita di ba kundi nasa taong tumatanggap nito. Kaya sino ang bastos?Syemore yung nagsasabing bastos ang isang bagay.

Wag tayong masyadong maglinis lalo na kung magsingbaho at magsindumi lang din naman ng katauhan. Siguro ang kaibahan lang nakatago ang kanilang mantsa. At ang sama pa nyan kung sino pa yung walang karapatang manghusga sila pa yung malakas mangutya!kamusta naman yun di ba!

Masyado akong natopuch sa comment mo, kasi talagang [inagbuhusan ng panahon at hindi copy paste lang!hehehhe

Maraming salamat parekoy at naniniwala talaga ako na napakaBUSILAK ng iyong puso, walang kabahid bahid dumi.!Hhahahahaha! (may tawa talaga?!?)

ingat

@kikilabotz

wala trip ko lang ang sumeryus ngayon alam mo, para medyo gumana ng konti ang aking YUTAKZ!

Ingat

Ayie said...

Wag huhusga kung ayaw mahusgahan. Oo na, ako na ang marumi. Ikaw na ang malinis.

--Magdalena

P.s. Ang galeng galeng ni Jag. Pwedeng maging abugado!

The Litter Box Owner: said...

Asus ganyang-ganyan ang mga tao kung saan ako nag tatrabaho masyadong mga paladasal blah blah blah...wag ko na lang ituloy alam mo na iyon :)

The Litter Box Owner: said...

Hoy nakatanggap ka na ba ng copy ng memo na ipinagbabawal na ang mga Third Sex dito sa KSA? Kakaiba diba? Paano naman kaya nila iyon ipapatupad? Aalisan daw ng accreditation ang mga agency na hindi susunod. Anu kaya iyon!?? Patawa. May Third Sex pang nalalaman LOL.

ladyinadvance said...

ISANG MALAKING TAMA!!! I can feel you here kac nitong mga nakaraang araw may gumagayan tlaga sken....hindi ba pwedeng maging totoo ka sa sarili mo at bulls*** naman oh tama bang i-judge ka o i-condemn ka dahil lang naging totoo ka.... sos yan!

ladyinadvance said...

bumalik ako dahil hindi ko napanood ung video at ammmppppnneessss ka drake kala ko seryoso tong blog na to nagemote tuloy ako!!!boooseeet...ikaw na ang hindi bastos at inosente...wahahahahahaha =))

glentot said...

OPo walang bastos sa mga salitang titi pekpek bolbol in fact ginagamit ko yan sa daily conversations hahaha...

salbehe said...

Basta sa akin ang PUKE,TITE, BAYAG at SUSO ay anatomy.

BlogusVox said...

Para sa akin, kung nasa wasto ka namang katinuan at nag lakad ka sa kalye na hubo, bastos ka! >: D

DRAKE said...

@Ayie

Oo nga pwedeng maging ABOKADO, este ABOGADO yang si Jag! hahhaha! ingat PIPS

@LBO

Parang kilala ko kung sino yan,hehehe! Yun nga di ba parang malaking kabalintunaan yan (wow lalim!hahah)

Ingat, at salamat muli sa pagdalaw

@LAdyinadvance

Talagang nakarelate?hahaha! ayos ah! Totoo naman yun walan pwedeng manghusga sa atin dahil They are not a judge and we are not a book.hahahah!

@Glentot

Hindi na ako nagulat dun?At pang-araw araw mo ng umagahan, tanghalian, miryenda, hapunan ang mga salitang yan!LOLS

@Salbahe

TAMA!!!! Pati kulani, kuyukot at kung ano ano pa!hahah

@Blogvoux

Sang ayon po ako dyan kuya! at maraming salamat sa muli nyong pagdalaw!Ingat po

definella said...

word of the day: BASTOS KA


lol :)