Dahil nanalo ako sa isang pacontest dito sa TFC (The Filipino Channel), isa sa mga premyo nila ay bigyan kami ng VIP Treatment para mag Studio Tour sa loob ng ABS-CBN. Kaya naman, hindi ko na sinayang ang pagkakataon na makaapak man lang sa bakuran ng malaking TV Station na ito at mag-feeling artista.
Nga pala next time ikukuwento ko sa inyo ang tungkol sa contest na yun saka sa mga premyo ko! Kung di nyo naitatanong eh lumabas na ako sa isang show sa TFC dito sa Saudi at nailagay na rin ako sa Star Studio Magazine dahil sa contest na ito (Ako na talaga!)
Okay simulan na natin, dahil nga kasama sa premyo ko ang pagstu-studio tour namin sa ABS-CBN agad nagprisinta ang nanay at tita ko na sumama sa akin sa Wowowee para makita sa personal ang Santo ng Mahihirap si……….. San Willie. Masyadong adik na adik ang nanay at Tita ko kay Willie kaya nung sinabi kong isasama ko sila hayun para silang nanalo sa Jueteng, at abot hanggang spinal cord ang ngiti.
So alas 10 ang calltime namin na pumunta sa ABS-CBN, kaya naman alas 8 AM palang lumuwas na kami ng Maynila (hindi naman halatang excited kami) . Pagdating naming doon inasikaso na kami ng mga staff dahil nga VIP kami eh! Naks! Medyo nakakabigla nga kasi ang haba ng pila sa labas ng gate ng ABS-CBN para lang makapasok sa Wowowee. Kaya kahit matusta sa init ng araw at magkaamoyan ng putok at anghit eh wala silang pakialam, malay mo nga naman mapili sila sa BIGATEN.
So hayun na nga dahil VIP kami, nag-Tour na kami sa mga Studio ng ABS-CBN. Una naming pinuntahan ang Studio ng TV Patrol at Bandila. Ubod ng liit, at magkasama ang dalawang palabas na ito sa iisang studio. Heto ang proof oh
*See watusi mukha akong KORLOGS (kolokoy na Jologs)
* Nanay ko yung nakaputi
** Tita ko yung nakagreen
Teka balik na tayo ng Wowowee, so hayun na nga tinawag na ang pangalan ko
“Mr. Drake Kula and the rest of the Gang, dito kayo pumila, at dalhin nyo ang BANNER na to! FROM RIYADH,K.SA.”Sabi ng isang Staff.
Kamusta naman yun, ginawang GANG ang nanay at Tita ko. Ano kami myembro ng SIGE SIGE at Budo-Budol. At dahil na rin sa banner na yan, halos lahat ng tao sa ABS-CBN ay alam na galing akong SAUDI. Sabi nila bakit di raw ako naka jacket at nakasuot ng mga ginto (tipikal na makikita sa pelikula). Sabi ko lang “KAILANGANG MAY GANUN??” (sabay ganito!!)
Pagpasok namin sa Studio ng Wowowee, halos busing-busy ang lahat ng Staff. Tapos gulat ako kasi may isang BULINGGIT dun ng sigaw ng sigaw. Hindi ko maaninag kasi nga malayo pa kami eh. So nung medyo nalapit na kami, napag-alaman ko na ang BULINGGIT na yun ay walang iba kundi si Willie. Nagfe-feeling HARI naman!!!
Nagkukumarat ang lahat ng mga dancer at crew, dahil nga magsisimula na ang show. Kaya pagsasabi ng director I,2,3 ON AIR na tayo. Biglang naging “FIESTA” ang loob ang studio, habang ang lahat naman ng audience ay sumasayaw ng BOOM TARAT TARAT TARARAT TARARAT BOOM BOOM BOOM (uyy!kinanta).
At dahil kariran na kung kariran, sumayaw ako ng “BUWIS BUHAY” at nagpapakyut ako sa camera, syempre malay mo naman makuha ako sa BIGATEN. Pero hindi eh, dahil bago pa man magsimula ang show, namimili na pala si OWEN (yung kamukha ni Jimmy Santos na pina-MANYAK) ng mga kukuhanin sa BIGATEN.
At katulad ng inaasahan lahat ng kinuha ni OWEN ay mga Seksing studio audiences tapos ang pinapabati lang nya sa TV ay yung mga Balikbayang galing sa States, Canada at UK habang pinamamaypay nila ang kanilang mga Dollars. Eh wala akong dollar noon (Peso nga wala din eh), kaya kahit lumabas pa ang bituka , atay at apdo ko doon, hindi pa rin ako makukuha sa BIGATEN.Kaya nasabi ko na lang saTITA ko
“Next time Tita pag pupunta tayo sa Wowowee ule, Panty na lang ang isuot nyo at saka shades ha! baka sakaling makuha na kayo sa BIGATEN ”
“Sige, good idea yan” sagot ng tita ko.
Talagang pinatulan ng tyahin ko! Seryus pa sya nyan nung sumagot sya sa akin. Nakakatakot ah!! (Peace tayo tita, alam kong joke mo lang yun diba?!?DI BA???)
Okay!Oo nga pala, kung tatanungin nyo ako kung nadaanan ba naman ng camera ang pagmumukha ko, ang masasabi ko lang ay OO. Kung yung hagdanan at confetti nga nadadaanan ng camera, yung pagmumukha ko pa kaya. (Nung tinanong ko sa kapatid ko kung napanood nila kami, ang sabi lang nila…..nakita naman daw kami sa TV yun nga lang yung damit lang daw ang kita, yung mukha blurred daw) Nice!Ano kami piktyur???
Hindi kasi ako mahilig sa artista, kaya nung lumabas sila Mariel, Valerie at Pokwang, hindi naman ako masyadong nabigla. Si Willie din, taong tao din naman ang hitsura nya. Medyo kung ano ang nakikita nyo sa TV ganun din naman sya sa personal, TAO LANG!! Walang gaanong pagkakaiba. So paglabas ni Willie, sigawan ang mga tao, tapos nagsimula na rin syang kumanta.
Alam naman natin na parang iniipit na BIIK ang boses ni Willie, kaya madalas eh nag LI-LIPSYNC lang sya, tapos habang nageemote sya sa harap ng camera, may nagbebenta naman ng mga CD at jacket ang mga crew sa mga audience. Kaya paano ba naman hindi magpaplatinum ang CD ni Willie,kung ibenta mo yun araw araw tingnan ko lang kung hindi magplatinum ang bwisit na CD na yun. Saka hindi nyo ba napapansin na halos nauubos ang oras ng Wowowee kakakanta ni Willie (inaabuso nya ang bibig nya dahil pangkain lang yun at hindi pangkanta). Kaya naman kapag Willie of Fortune na halos minamadali ang mga contestant kasi ubos na raw ang oras. Lakas tama mo Willie!
Oo nga pala, during commercial break naman, meron naman silang pang-aliw sa mga Studio Audiences. Kumukuha sila ng mga stand-up comedienne para magpatawa. So kahit commercial break medyo masaya pa rin naman ang mood sa loob ng studio.
Over-all naman masaya naman sa Wowowee. Nag-enjoy naman talaga ako sa experience ko na yon! Heto nga ang IBIDINSYA eh!
** See para lang kaming PINAGBIYAK NA KUKO NG DINOSAUR
** Ang Tunay na Lalaki, nagpapapiktyur sa ASF dancer! (partida sya pa ang yumakap sa akin)
Alam nyo. magkahalong lungkot at saya ang naranasan ko habang tintingnan ang mga kababayan nating umaasang seswertehin sila sa Wowowee.Natutuwa ako dahil may isang programa na nagbibigay ng pera sa mga mahihirap kahit na alam natin ito’y isang komeryalismo lamang. Natutuwa ako dahil kahit paano ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga kababayan natin na isang araw ay baka magbago ang kanilang buhay.
Subalit nakakalungkot isipin na itoy nagpapatunay lamang i na maraming Pilipino ang naghihirap at umaasa na lang sa mga gameshow at mga ganitong klaseng palabas. Nakakalungkot isipin na maraming mga Pilipino ang umaasa na lang sa SWERTE at paglalaro ng kanilang TSYANSA.
Mapalad ako dahil nagpunta ako sa Wowowee para magsaya, subalit nalulungkot din ako sa kapwa ko Pilipino na umaasang si Willie at ang Wowowee ang maaring sagot sa kanilang paghihirap.
Maraming salamat nga pala sa bumubo ng Kblog Journal, dahil inanayayahan nila akong maging contributor at mafeature sa May Issue ng kanilang Journal. Maraming salamat po lalo na kay Miss Janelle Vales! Kaya kung gusto nyong makita ito CLICK NYO ITO…… SI DRAKE AY PUGE!!
36 comments:
Eww.. JOLOGS ka talaga pareng drake! hahahaha! Wowowee!
IMO, ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha ni WILLIE! Lalo na pag kumanta yon! Naku! maglindol na, wag lang siya kumanta!
OO madami sila natutulungan, pero naigigng 'staged' na lamang ang pagtulong ni Willie.. Hindi na siya totoo tingnan, parang napipilitan for the sake ng show.
Kaya ako KAPUSO pag tanghali, wahahaha!
Hehehe :D Jologs ka nga gaya ng naunang comment lolzz
Pero talagang nakakalungkot isiping ang daming pilipinong umaasa na lamang sa mga ganyan, halos yata sa araw araw na ginawa ng Diyos anjan na sila, di man lang maghirap para may lamunin, umaasa sa swerte...
Ey nabasa ko article mo sa KaBlogs Journal :)
Salamat sa pagiging contributor, sana maging regular ka dun :)
B1 certified JOLOGS ka talaga! di ko kinaya! LOL!
sa totoo lang naiinis ako sa mga taong sumasamba kay willie!
naiinis din ako sa mga tao na sa halip maghanap ng trabaho e umaasa na lang pumili at maambunan ng konting swerte sa wowowee...
congrats sa entry mo sa kablogs :)
kung nakakainis ang pagkanta ni willie.. mas nakakainis para sa kin ang ginagawang mensahe mensahe sa mga contestants dun.. ok lang sana yung mensa mensahe,pero yung pilitin ka na umiyak hanggang makalkal ang buo mong pagkatao at maipaalam sa mundo e... ewan ko ba sa mga kababayan natin! maging sikat lang kahit sandali, di bale nang pagusapan ang buhay nila sa telebisyon! tsk!
Ikaw na talaga ang hari! We worship you god of Jologs! hehehe!
Buti hindi ka pa nirerecruit ng mga jejemons?
Sa susunod, gagalingan mo ang giling para makuha ka na sa bigaTEN.
For sure nag enjoy si Nanay--yun naman ang talagang mahalaga, diba?
i find the whole show annoying pero kung mabibigyan din ako ng chance makapanood ng wowowee sa studio hummnn...why not?
am sure that's one hell of experience! :D
Ayos na ayos ang karanasan mo pre siguradong emorable tlga ito hehehe...
Hahaha kaya pla nagiging platinum ang album niya kasi araw araw pla silang nagbibenta ng cd's nya sa audience hahaha now I know...kasi di ko tlga maappreciate boses niya hehehehe...
Ako nmn pangarap kong mkapanood ng Eat Bulaga...kelan kaya un? hayz!
although kapamilya ako pero mas gusto ko ang EB kesa Wowowie hehehe...
pareng drake wag ka po mag alala yung mga mahihirap na yun masaya rin sila makasali sa wowowee..
ahehehe..
bsta ang mahalaga kahit papaano nabibigyan sila ng pag asa. hehe.
maiba lang.. di jologs tingin ko sa nanunuod ng wowowee... yung sumasamba kay willie yun yung jologs...
wala lang...
di ko pa nababasa ng buo yung post mo... basahin ko ulit...
hanggang spinal cord ang ngiti ko nang makita ko ang edited mong picture.. hehe. joke.
wow...x-rated pala face mo..hehehe..
kakatawa yung entry mo sa KBLOGS..hehehe
may pa-vip-vip ka pa eh nakasabay kitang nakapila habang nakikipag-amuyan sa mga baktol ng mga kasama nating mga pobre!
pero totoo ang sinabi mo na ang ibang pinoy ay umaasa nalang na yayaman at giginhawa sa pagsali at panonood ng mga letsugas na noontime shows.
pila tayo ulit sa bakasyon ha?
Pupunta lang ako sa wowowee para tignan ang nagseseksihang mga dancers lalo na si Aiko. Sayang lang wala na si Luningning at Mariposa sa show. Paborito ko pa naman sila.
Aside from that wala nang ibang rason para manood ng wowowee...
congrats nga pala!!!
=)
ahahahhahahahhahahahha..... at hahahahahahahhhahaa pa uli... yun lang... ahahahhahahahahhahaha... may pahabol pa pala!
ayos!! ang puge mo pala kuya!! para lang kayong kambal ni bentong ah.hahahaha..jologs na jologs ang dating ah.at dapat next time pakita mo naman yung magazine kung saan nandun ka.^_^
Ingat po!
bakit ganon... pag napapanood ko sya at may mga foreigner na nasa studio or mga OFW na spokening dollar kasama ang kanilang mga anak anak na sosi ay mukhang tolerable ang show... walang bahid ng kajologan, kasi tangap ng mga ibang tao sa ibang bansa. pero di ko masabi kung kelan sya nagiging jologs at napapalipat na lang ako ng channel or nakikinig na lang ako ng radyo, "liham kay tiya dely"
This is another funny post! LOL. Sayang, naisama sana sa sampung karanasan mo sa Pinas. :P But anyway, in behalf of the Kablogs Journal, I'd like to thank you for writing and contributing. It is one helluva funny article! More articles to come? :)
Janelle (aka Sundrenched of the Pink Tarha)
PS. May special mention pa ako sa entry na ito. OMG, I'm shy. Hahaha! Thanks! :)
@ardiboi
Base ka pre ah!Galing!
up pre KORLOGS na KORLOGS ang dating noh! Pero tulad din ng sinabi ko hindi naman galing sa wallet ni willie ang pinamimigay nyang pera, sa huli komeryalismo lang ang lahat....para kumita ang programa nila. Ganun lang
@Lord CM
Salamat nga pala sa pagiimbita sa akin na maging contributor sa May Issue ng Kablog Journal. Walang problema kung gawin nyo akong regular dun! Kayo pa ang lakas lakas nyo kaya sa akin!
Kamusta ang bakasyon parekoy?
@B2
Oo nga minsan nilalagay na nila sa pedestal si willie, sana kung deserving sya pero ako mismo ang witness kung paano sya maghari-harian sa show! basta maaawa ka sa mga dancer at mga staff kung pagsisigawan ni Willie. Sarap syang bangasan sa mukha!
Pagaling ka b2!Ingat
@Incedent Mind
Oo tama ka, tapos kung minsan lahat ata ng sikreto sinasabi pa sa madlang Pilipino. Akala ata nila kung sakaling gawin nila yun madadagdagan pa ang perang ibibigay sa kanila ni willie. Kaya buti na lang GMA pinoy Tv na kami ngayon!hheheh!
Shukran Katir
@Ayie
Ako na talaga!Hahahah! Medyo enjoy naman ang nanay ko kasi ang dami daw nyang nakitang artista. Mas marami pa syang alam na artista kaysa sa akin!heheh! Pero sa susunod na pagbisita ko dun, sisiguraduhin kong makakapasok na ako sa Bigaten! Magpapasikat na ako ng husto!hehhee
Ingat
@Vonfire
Medyo masaya naman pag nandun ka sa loob ng studio. Pero yun nga lang nakunpirma ang lahat ng hinala ko kay Willie. Sa personal sobrang yabang nya!Heheh! (may galit kay Willie?)
@Jag
Tama ka pre, at pag bumili ka ng Jacket at CD pwede mong papirmahan kay Willie yun. Tapos ang bulto bulto pa kung bumili ang mga balikbayan. Di ko nga makuha eh! Kung ako kahit pirated na CD na Willie HINDI ko bibilhin yun pa kayang original
Sa susunod nga Eat Bulaga naman ako pupunta!hahaha!Ingat
@Kikilabotz
Minsan mukhang pagbibigya ito ng maling pag-asa sa mga kababayan natin eh (False Hope) kaya nakakatkot din yung ganun parekoy!
Ingat!
@Gillboard
Tama ka, hindi lang jologs ang tawag dun kundi mga uto-uto ang mg ataong sumasamba kay Willie. Dahil sabi ko nga hindi naman nya pera yung pinamimigay dun!
Sige ulitin mo ulit pre!ingat
@Karen Anne
Di ba ang kyut kyut ko dun?Aminin mo mas gwapo ako kay Bentong!hehehe
Ingat
@Mjomesa
Sige parekoy add na kita sa blogroll ko! Keep on visiting my blog!ingat
@No Benta
Pre sorry ka VIP nga kami. May Sticker yung TSHIRT namin, tapos mayroon pa kaming keychain mula WOWOWEE, hindi ako nakasabay mo, baka kamukha ko lang yun (si Piolo yun noh?!?Kahawig ko yun eh!)
Pre sa Eat Bulaga na tayo pumila, dun mababait ang mga host at hindi naman gaaanong mayayabang!hehhee!ingat
@Stone Cold Angel
Oo maganda yung Aiko na yun! Yun nga lang sobrang tangkad, pero tingin ko naman...... bagay na bagay kami!Hahahah
Medyo wala na rin nga doon sila Mariposa, Luningning at Milagring, dahil matatanda na raw sila. Pero sa kanilang tatlo si Milagring ang pinakamaganda pre!panalo!
@Xprosiac
Pinagtawanan talaga!hahahaha! Mukhang kay saya saya mo ngayon, bakit bro?siguro nakakatol ka na naman no!hahah! Joke lang!ingat
@darklady
Yup, medyo lamang lang ako ng mga 2 paligo kay Bentong !pero hindi naman kami gaanong nagkakalayo ng hitusra, mas maputi lang ako sa kanya ng konti!Ingat
@Ollie
Oo minsan ang daming mga seksi at naggagandahang babae ang bumibisita sa Wowowee noh!Kaya nga napapatutok din ako minsan eh! Saka inaabangan ko din dun yung Hep Hep Horray kasi alam kong ang kukunin nila dun ay mga magagandang mga balikbayan.
Yun nga lanng pag Willie of Fortune na, minsan may kabaduyan kang hindi mo mawari!Kaya mas maiging ilipat na nga lang!heheh
@Jaja
Maraming salamat po sa pagbisita muli sa aking kwarto. Isang pasasalamt pong muli dahil talagang nabigyan nyo ako ng kahit konting puwang sa ating Kablog Journal.
Syempre kailangan special mention kayo dun kasi kayo talaga yung nag-anyaya sa akin! Kaya maraming salamat po at matutupad na ang pangarap kong maging.....ARTISTA!hahaha!Ingat po uli at more power sa Pink Tarha at sa Kablog Journal!
hayuf drake galing naman! pero bakit nakatakip pa din ang mukha mo?
magdala ka kasi ng isang bayong ng riyal pag napadalaw ka ulit sa wowowee para makabati ka. hehehe
haha! natawa ako sa buwis buhay na pgsayaw! adik. hahaha
isa lang ang masasabi ko...
pokpok ka...
hehhehe yun lang...
ingat
wow..nice ah...next time galingan mo lalo at magsuot ka ng pagkaraming raming ginto para makapasok ka sa bigaten..haha..
nakakalungkot nga isipin na ang ibang pilipino ay umaasa nlang sa mga easy money, ayaw na nilang magtrabaho..tsk!...
nakakalungkot din isipin na ang mga show na gaya ng wowowee ay nagta2ke advantage sa mga mahihirap...huhays la!
natutuwa ako sa unang mga paragraph pero nakikinita ko ang mukha mo na seryoso at nag-iisip ng malalim pagdating sa last 2 paragraph. May point ka dun, and it is a good one.
Shhh, may nagsabi na matangkad ka daw at gwapo, kaya ka nakuha sa Wowowooo, este Weweweweee. true ba ito? Hehehe
natutuwa ako sa unang mga paragraph pero nakikinita ko ang mukha mo na seryoso at nag-iisip ng malalim pagdating sa last 2 paragraph. May point ka dun, and it is a good one.
Shhh, may nagsabi na matangkad ka daw at gwapo, kaya ka nakuha sa Wowowooo, este Weweweweee. true ba ito? Hehehe
naman!bat inedit mo pa muka mo kuya..hehehe ^_^ anyway..sadly i agree with your last words..kaya ayokong nanunuod ng wowowee eh..naiinis ako..hehehe
@Andy
Eh peso nga wala eh, riyals pa! Saka hayaan mo na yun, next time na lang magpapaagaw na lang ako ng pera para ako ang sikat sa show! Nice!Pasikat lang ba!hahaha
@Keso
Ganyan talaga, kailangan kumita pa rin kahit nagbabakasyon!hehee
@Scofield
Ako pa ang pokpok ngayon, eh sino kaya dyan ang laging may kadate at nanonood pa sa sine at kumakain sa Shabu shabu!Ikaw na ang may lovelife!hahaha
@Lady in advance
Medyo nakakatakot ang suggestion mo dahil baka paglabas ko ng studio eh kidanpin ako o di kaya holdapin!hahaha! sa kagustuhang sumali sa Bigaten mukhang magiging mitsa p ayun ng buhay ko!hahaha
Kamusta ka na?Medyo mukhang busing busy ah! Ingat palagi!
@Kuya Kenjie
Sino naman ang nagchismis sa iyo nyan!hahaha! Pero kung magandang chismis naman yan! Sige kineclaim ko na!hahahah! Joke lang!
Syempre naman kuya Kenjie gumamit din naman ako ng 36MB para mag-isip ng konti tungkol sa issue na yan!hehhe!ingat
@Superjaid
Tama naman di ba! Masyadong nabibigyan na ng maling pag-asa ang kapwa nating mga Pilipino dahil sa Wowowee na yan! Pero yun nga lang wala naman tayong magagawa eh!pikit mata na lang!Ingat
Hindi ako nanonood ng Wowowee dahil naiinis ako kay Willie.
hehehe good for you nakapunta ka sa show na un na saksakan ng jologs LOL!
bigatin ka talaga bro. napakagandang experience yan.
Ang masasabi ko lang e! Iba ka talaga! Artidtahain at bigatin ang dating hehehe! iba talga galing abroad e! hahaha! Ingat
I know how JOLOGS and CHEAP wowowee is pero inggit ako sayo nakapagtour ka sa ABias-CBN! Ü
grabe parekoy... sana di mo na tinakpang yung pugeng-puge mong peys! wahaha... ang jologs mo parekoy! wowowee boy ka pala! nyahaha... peace tayo :P happy mother's day to your mom :P
Post a Comment