Alam nyo bukas ay Mother’s day, kaya naman tungkol sa aking nanay ang ikukuwento ko ngayon.
.
Last week napapayag din namin si Nanay na magpacheck up sa duktor dahil medyo laging sumasakit ang dibdib ng nanay sa di malamang kadahilanan. Matapos ang mahabang pilitin, napapayag din ang nanay na magpakunsulta sa duktor. Halos 10 taon ng pilitan yan, bago pumayag si Nanay. Ayaw nyang magpakonsulta dahil natatakot daw sya sa sasabihin ng duktor pero mas ang ikinakatakot daw nya ay yung sisingilin ng duktor sa kanya.
Last week napapayag din namin si Nanay na magpacheck up sa duktor dahil medyo laging sumasakit ang dibdib ng nanay sa di malamang kadahilanan. Matapos ang mahabang pilitin, napapayag din ang nanay na magpakunsulta sa duktor. Halos 10 taon ng pilitan yan, bago pumayag si Nanay. Ayaw nyang magpakonsulta dahil natatakot daw sya sa sasabihin ng duktor pero mas ang ikinakatakot daw nya ay yung sisingilin ng duktor sa kanya.
.
Dahil nga malayo ako nakibalita lang ako sa mga kapatid ko sa Skype (habang nasa ofis <---petiks mode) kung ano ang naging resulta ng examinasyon ng nanay, Heto ang usapan namin
Dahil nga malayo ako nakibalita lang ako sa mga kapatid ko sa Skype (habang nasa ofis <---petiks mode) kung ano ang naging resulta ng examinasyon ng nanay, Heto ang usapan namin
.
Ako: Tae (tawag ko sa kapatid ko), ano kamusta ang check-up ni nanay?
Kapatid ko: Naku kuya VALEDICTORIAN si nanay!!
Ako: Ano?anong Valedictorian, bakit nag-aral ba uli ang nanay? (lito na)
.
KapatidKo: Hahhaha! Eh kasi naman highest si Nanay sa lahat ng tests.
Ako:Huh?
Kapatidko: Mataas ang cholesterol, mataas ang blood sugar, mataas ang blood pressure. Lahat ng test nya mataas.
Ako: Loko ka yun pala ibig sabihin ng valedictorian!Hehhee! Eh naku VALEDICTORIAN nga!
.
Dahil medyo nga nagvaledictorian si nanay sa lahat ng test, medyo pinigilan muna namin sya sa pagkain ng paborito nyang chitcharon, porkchop at…………….. choki-choki. Medyo kailangan ingatan nya ang kanyang kalusugan, kaya maraming dapat ipagbawal sa kanya.
.
Okay, dahil nga medyo nag-aalala ako ng konti at alam kong ubod ng init sa Pilipinas, napagdesisyunan naming magkakapatid na palagyan na sila ng aircon. Medyo matagal na naming pinipilit ang nanay na magpalagay ng aircon pero matigas ang ulo, ayaw magpalagay. Heto ang usapan namin ni Nanay sa skype (nas ofis ule ako, sorry naman petiks eh)
Ako: Nay, pabutasan nyo na yung kwarto nyo at papalagyan ko na ng aircon yan
.
Nanay: Naku ayoko nga! Okay na yung bentilador
.
.
Ako: Naku, eh kay init init dyan sa atin eh, mamaya ma-heatstroke pa kayo
.
Nanay: Eh ayoko ko nga, mahal ang kuryente ngayon. baka dun pa ako mastroke
.
.
Ako: Ako na magbabayad ng sobra, basta magpalagay lang kayo ng aircon
.
Nanay: Ayoko ko nga! Mahal sa kuryente saka yung mga kapatid mo gagawing tambayan lang ang kwarto namin ng tatay mo! Wag na!
.
.
Ako: Eh kay kulet naman! Sige na ipaayos na!
.
Nanay: Ayoko ko nga!
.
.
Ako: Sige na
.
Nanay: (umiiyak)
.
.
Ako: Huh?Sige na nga wag na!
.
Wala din,sumuko na ako! Makulet ang nanay medyo pag nakatigasan na nya na AYAW nya, ayaw nya! Kaya di ko na pinilit. Siguro kay nanay din ako nagmana ng katigasan ng ulo. Naalala ko noon
Nanay: Hoy, wag mong kakainin yung cake sa ref ha!Aalis lang ako sandali
.
Ako: Opo, ano akala nyo sa akin hayok na hayok sa cake? Di naman ako mahilig sa cake eh!
.
.
Nanay: Mabuti naman!
.
Umalis ang nanay, at pagtapak palang ni nanay sa labas ng bahay. Pumunta na ako sa ref at hinanap ko na yung cake na sinasabi ng nanay. Bibihira may mag-iwan ng cake sa ref lalo pat puro PG (dead hungry) ang mga kapatid ko, kaya syempre pagkakataon ko na kaya nilamon ko ng buong buo ang cake.
.
Pagbalik ng bahay ni nanay..............................
.
Nanay: Walanghiya kang bata ka bakit mo kinain yung cake?
.
Ako: Hindi ako ah! (maang-maangan epek)
.
Nanay: Tumigil ka nga, hayan oh puro cake yung ngipin mo! Nagpalusot ka pa dyan! (di na ako nakalusot)
.
Ako: Sorry naman, kasi naman kung di nyo sinabing may cake sa ref hindi naman ako matutukso eh. Kaya kasalanan nyo yan nanay.
.
.
Nanay: Ganun, so ako pa may kasalanan?Eh alam mo ba kung bakit hindi ko pinakain sa iyo yung cake?
.
Ako: Okay game, sirit na!Baket po?
Ako: Okay game, sirit na!Baket po?
.
Nanay: Eh puro amag na kaya yun! Ipapakain ko yun kay Togtog (yung aso namin) mamaya, kasi sayang naman. Pero dahil sa kasibaan mo, pati amag hindi mo nalasahan. Hahahhaah (tumawa ng ubod ng lakas)
Nanay: Eh puro amag na kaya yun! Ipapakain ko yun kay Togtog (yung aso namin) mamaya, kasi sayang naman. Pero dahil sa kasibaan mo, pati amag hindi mo nalasahan. Hahahhaah (tumawa ng ubod ng lakas)
.
Ako: Pinagtawanan nyo pa ako? Eh kung mafood poison ako, at mamatay ako!Tawa tawa pa kayo dyan? (nagtampurorot na ako)
Ako: Pinagtawanan nyo pa ako? Eh kung mafood poison ako, at mamatay ako!Tawa tawa pa kayo dyan? (nagtampurorot na ako)
.
Nanay: Hoy, wag ka ngang magdrama dyan! Amag lang yun tange! Kasibaan kasi!Hahahaaha!
Nanay: Hoy, wag ka ngang magdrama dyan! Amag lang yun tange! Kasibaan kasi!Hahahaaha!
.
Ako: Okay payn! (Asar lang)
.
.
Tanga ko rin naman kasi, syempre kung walang amag yun tyak hindi ko na maabutan sa ref yun! Dahil nga sa sosobrang sisiba ng mga kapatid kong parang mga contruction worker kung kumain, isang himala kung may matirang pagkain dun.
Tanga ko rin naman kasi, syempre kung walang amag yun tyak hindi ko na maabutan sa ref yun! Dahil nga sa sosobrang sisiba ng mga kapatid kong parang mga contruction worker kung kumain, isang himala kung may matirang pagkain dun.
______________________
Okay tama na yan! Bida ang nanay ko ngayon, kasi nga Mother’s Day. At nagpapasalamat ako sa Dyos dahil sya ang binagay Nya sa akin. Perfect na perfect ang nanay ko sa akin, dahil sya lang ang kayang magpatino sa akin. At si nanay lang din ang kayang magpatawa sa akin ng sobra.
.
Kakaiba ang nanay ko, dahil kaya siguro kami lumaking puro masisiyahin eh dahil din sa kanya. SUPERMOM si nanay dahil nagawa nyang alagaan kaming walo, pag-aralin, ipaglaba araw araw, at higit sa lahat utang namin kay nanay kung bakit ganito kami.........kagwagwapo at kagaganda. (yung kabaitan kasi kay tatay yun!hehhe!peace tayo nay!)
.
Marami pa akong pwedeng ikwento kay nanay pero next time na lang! Kung di nyo napapansin si Nanay ang laging bida sa blog ko bakit? dahil sya kasi ang bida ng buhay ko. (naks kadrama)
.
Kaya sa iyo nanay, maraming maraming salamat po! Tutuparin ko ang pangako ko sa inyo, at hanggang sa huli hinding hindi ko kayo pababayaan ni Tatay! Pangako yun!
.
Happy Mother’s Day po uli, at I love you very much!
.
.
Ingat
27 comments:
Wow! ganyan talaga pag mga PG (gaya ko) na di na nalalasahan ang mga amag... At happy mother's day sa kanya!
parekoy, happy mother's day kay ermats.
pansin ko nga na siya lagi ang bida mo. malamang ay mama's boy ka rin tulad ko.
suwerte mo at may nanay kang katulad niya. siya kaya, suwerte sa anak na katulad mo? (peace!)
hahaha... kasibaan talaga oh...
happy mother's day din po sa nanay mo...
napadaan lang...=)
parehas tayo sabi ng nanay ko ang wafu wafu ko...hehehe, xiempre naniniwala ako dun.
anyways, HAPPY MOTHERS DAY sa nanay mo....
d'best talaga mag mahal ang ina. charap!!!!
happy mom's day sa iyong nanay! =) ang happy mama's boy day sayo B1! (me ganun??) hehe
wala daw namamatay sa gutom.. sa katakawan meron, nalalason! hehehe!
happy mother's day sa iyong ina!
bilib na talaga ako sa u amag naman ngaun ang nilantakan mo drake hahaa!...and anu ung choki choki?
kay nanay Lorna at sa lahat ng mommy jan- Happy Mother;s day!
galing naman nanay mo.. valedictorian... hehehe... sana'y nasa mabuti siyang pangangatawan ngayon..
Happy Mother's Day sa nanay mo..
Kaya pala ganyan ka, kasi kumakain ka ng inamag! hahahah!
Hoy, happy mother's day kay nanay!
ang sweet mo naman parekoy... sobrang tigas pala ng ulo ng mama mo, buti na lang napapayag niyong magpa-doktor. at ikaw naman, pati ba naman amag papatusin mo? wahahaha. baboy ka rin no? wahaha. peace. happ mother's day sa mom mo parekoy :P
Happy Mother's Day kay Nanay Lorna!!!
Pakabitan mo na ng aircon ang kuwarto ng Nanay mo! hahaha! =)
happy mothers day drake!! ay este sa mama mo pala n kbday ko..
May private message ko drake... hehehe.
happy mother's day sa lahat ng nanay. ayos ang nanay mo ah! :p
happy mothers day sa nanay mo!super tigas ng ulo niya...hehe, parang ikaw...
Walang pag aalinlangan kung kanino mo namana ang katigasan ng ulo.hehehe.
Happy Mother's Day kay nanay!! At sana maging ok na kalusugan nya, masyado ngang mainit now kaya dapat talaga lagyan ng aircon yung room nya at dahil matigas ulo ni nanay like mo wag na lang sya masyadong lalabas ng bahay lalo na kung tanghali. Saka inom na lang ng tubig na may konting asin or kalamansi. ^_^
Natawa ako sa choki-choki. Masarap kaya yun. Nakakaadik.
una sa lahat happy mother's day to your mom too bro. well sad to said na nagpacheck up din ang biyenan ko. Result is frustrating, positive sya sa c. kasabay pa rin ng mataas nya blood and sugar. i hope na maisama mo rin sa prayer sya. I love my mother in law a lot pare.
@Iam xprosiac
PG daw oh! eh susyalin ka nga! Anak mayaman ka kasi! Wag ka ngang mapagpanggap!
@No Benta
Uhmm hindi naman sobrang mama's boy ako! Pero gusto kong laging nilalambing ang nanay ko, Gusto ko ngang laging kayakap ang nanay eh! So hindi naman palatandaan yun ng pagiging mama's boy! LOLS!
@Akhet
Sa nanay mo rin akhet pakibati ako at maraming salamat sa pagdalaw sa aking blog!ingat palagi!
@Scofield
Sabi nila pag nanay mo ang nagsabi ng wafu ka, hindi daw counted yun! So hindi counted yung sa iyo!hahahha
@Ghieonox
Sinabi mo pa! Ang sarap magmahal parang magic sarap lang!
@B2
Inuulit ko hindi po ako Mama's Boy kahit itanong nyo pa sa nanay ko! Pwamis!hahaha
@Indicent Mind
So ano ibig mong sabihin dyan ha? Hindi kayo ako masiba ......magana lang ako sa pagkain! Hmmmpppp di na kita bate!LOLS
@Vonfire
yung choki-choki yung chocolate na ginagawang palaman din minsan, ung tigpipiso kasabayan ng champola saka ng mikmik?
@gillboard
Hopefully maging okay na rin si Mama! Pero last time I checked okay naman sya, maintenance na lang ng gamot!
Salamat
@Ayie
Happy Mother's day sa iyo! Saludo ako sa pagiging ulirang ina mo kay Polyne! Ingat palagi
@Pareng Night
Op kors ganyan ako kasweet sa nanay ko! At tungkol naman dun sa cake na may amag! Pramis di ko nalasahan kasi sinubo ko agad ng buong buo eh baka mahuli ako ng nanay!hehhee
@Stone Cold Angel;
Pumayag na si Nanay ko, kaya medyo sarap na sarap na sila ngayon sa pagtulog! at least di na masyadong mainit!
@kikilabotz
Happy Mother's Day din sa iyo Kikilabotz ay sorry sa nanay mo pala!ingat
@ollie
Asan di ko narecieve? San mo ba pinadala hhehhe!
@Scud
Salamat sa pagbati, happy mother's day sa iyong nanay! Add ko yung bago mong blog!
@Karen Anne
Salamat sa pagbati, medyo may katigasan nga yung ulo ng nanay ko eh! Dun nga ako nagmana!hehhe
@darklady
Salamat sa pagbati! Batiin mo rin ako sa nanay mo!
Okay naman na si nanay medyo regular na ang check up nya, kaya maraming salamat sa iyong pagbati. Naapreciate ko un! Kaya maraming maraming salamat
@Victor
Ako din naadik dun eh saka sa MIKMIK sarap kaya yun!hahaha
@Lifemoto
Hangad ko ang mabilisan paggaling ng iyong biyenan kuya. Medyo nakakalungkot naman pero hopefully maging maayos din ang lahat para sa kanya! Si nanay ko naman po kay na ngayon at maraming salamat sa pagbati. Ibati nyo rin po ako s aiyong asawa, nanay at biyenan!
Ingat
Hehehe :D katakawan kasi pati tuloy amag! lolzz
Happy mother's day kay nanay mo :)
hangga't anjan pa si Nanay, sige lang sa paglalambing...
mahirap maghabol ng oras... i know, la na ksi si Momsi.. :(
nice naman...kakatuwa nmn ng mom mo at tama ang nanay mo sobrang siba mo kac kaya ayan tuloy...lolz!!..
Happy momskie sa mom mo... GOd bless..
Post a Comment