*Naghahanap ako ng pictures para sa entry kong Jologs, kaya nung hinanap ko sya sa Yahoo at Google itong picture na ito ang lumabas. Kaya wag ako sisihin nyo dito, sila ang sisihin nyo. Para sa akin, walang kabahid bahid ng kajologsan ang mga picture sa taas (**pigil tawa**). Nilagyan ko ng itim ang mga mata para naman maitago ang kajologsan este identidad ng mga bata sa itaas.
__________________________________
Oo Jologs ako! Baket?? Anong problema?
Aaminin ko na JOLOGS ako, medyo maraming mga bagay na nagpapatunay ng aking pagkajologs at ang mga sumusunod ay tatlo lang sa palatandaan ng aking KAJOLOGSAN:
BIHIS ALA HIPHOP
Nung third year high school ako noon, usong usong ang mga HipHop get up na tinatawag. Yung litaw ang brief (kita ang garter na mala-bacon) at baggy pants (yung tipong hanggang tuhod ang pundya). Tapos ang T-Shirt ko noon ay extra large ang size kaya mukha talaga akong ewan nun. At dahil sa aking hanggang tuhod na pundya nagmumukha akong MAY TAE sa pantalon na naghihintay na bumagsak sa lupa (nice parang papaya lang) Basta mukha akong nakakasukang tingnan. Ganun ang hitsura ko.
So isipin nyo na lang na kamukha ko si Andre E, habang suot suot ko yan. Madalas akong nilalayuan ng mga kaklase ko dahil mukha daw akong ...........mabahong tingnan(sensya naman!). At kahit nangingitim na ang garter ng brief ko,wala akong pakealam…USO EH! !LOLS!
Medyo hilig ko rin magsuot ng technicolor na damit, kaya mukha rin akong NAGLALAKAD NA BANDERITAS. Pero 'wag ka proud na proud ako sa suot ko na yan, basta feeling ko KEGWAPO GWAPO ko!
(UPDATE: Nagbagong bihis na ang mga hiphop ngayon, madalas silang nakasuot ng extra large na TSHRT at skinny jeans. Kaya mistula silang mga TRUMPO at ICE BUKO dahil sa porma nilang yun! Pero ika nga trip nila yun kaya walang basagan ng trip)
WOWOWEE
So kakayanin nyo ba to? Oo naging Studio Audience ako ng Wowowee (sorry naman dun,hahaha). Alam nyo ang Saudi , nakaka-jologs talaga (isa akong living proof nyan)
Dahil syempre kailangan mo ng pampatanggal homesick , kaya nakakatuwa lang na sasalubong sa iyo mula sa opisina ay ang mga babaeng litaw-litaw na ang mga kaluluwa. Kahit nabwibiwisit ako sa pagmumukha ni Wille,at pinipilit nyang kumanta kahit parang busina ng trak ang boses nya, eh tinitiis ko yun makita ko lang sila Luningning, Mariposa at Milagring (wala na sila sa Wowowee, kalungkot naman!) habang nagsasayaw sila sa LIVE BEERHOUSE ON TV ang Wowowee
Kaya nung nabigyan ako ng tsansa na makapunta sa Studio nila, hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Syempre sinama ko na rin ang tyahin at nanay ko (nice kalevel ko ang mga matatanda) dahil mga dakilang fans sila ni Willie. Ako naman todo sayaw ng BOOM TARAT TARAT noon, pero hindi naman ako napili bilang BIGATEN, dahil mas inuna ni OWEN ang mga Balikbayan galing STATES (Siraulong yun). Kaya nalungkot naman ako dun kasi hindi ako makakabati sa TV, pero natuwa naman ako kasi may souvenir photo ako kasama si………BENTONG.
Teka siguro kwento ko na lang yung karanasan ko na yan next time. Medyo marami akong maikukuwento dyan at ipopost ko rin ang picture namin ni Bentong kaya abangan......
JAPANESE RESTO
Hindi ako mahilig sa mamahaling resto,para sa akin pare-pareho lang yang pagkain.Sa huli mabubusog ka rin naman at itatae mo rin yan sa kubeta (at kahit gaano pa kasarap at kabango ang pagkain mo, ilalabas mo rin itong mabaho at kulay brown! ).
So hayun na nga, nung minsang kumain ako sa isang susyal na Japanese restaurant dito sa Saudi,masyado akong naexcite. Dahil syempre Japanese Restaurant yun, naka chopstick sila. At dahil pakiramdam ko kay dali-daling gamitin ang mga dyaskhaeng patpat nayan , nagmagaling ako (pasikat lang ba). Pero bwisit na chopstick yan akala ko madali lang, yun pala ke hirap hirap. Hindi man lang umabot sa bibig ko ang mga pagkain kasi nahuhulog sya sa sahig. Kaya nagmukha akong timawa sa mga oras na yun!
Dahil sa inis, hindi na ako nakapagpigil pa, tinusok ko na lang ng chopstick yung fresh tuna na parang fishball. At dahil mukhang masarap kinain kong bigla yung tuna. Pero punyemas na yan, hindi pala masarap yung fresh tuna na yun. Lasang luga (uyyy nakakain na sya ng luga!) kaya sinuka ko lang iyon sa plato ko (parang pusang sumuka lang kung saan). Di ko napansin nakatingin na pala sa akin ang mga kasamahan ko , kaya patay-malisya ako at nagsabing “SIGE KAIN LANG KAYO” habang kumakatay pa ang laway ko sa plato (yakiiii). At dahil dyan nawalan sila ng gana at binayaran na nila ang bill namin. Okay payn, hindi nakakagana ang suka! Napatunayan ko na yun!
Marami pa akong kajologsan sa buhay kaya ang magsasabi ko lang ay isa akong Certified JJ o JUMPING JOLOGS!Hahahha!
Lahat naman tayo may kanya-kanyang kajologsan. Pero kung minsan nahuhusgahan at nalalait natin sila dahil kasi nakakatawa sila. Nakakatawa ang mga kajologsan at kabaduyan nila sa buhay.
Ako, madalas na akong pagtawanan ng ibang tao dahil sa aking pagiging jologs ,pero okay lang yun sa akin, dahil GANUN NA AKO EH! Wala na akong magagawa dyan. At hangga’t wala naman akong ginagawang masama at hindi ako nakaapak ng ibang tao, patuloy ko pa ring aaminin sa sarili ko na JOLOGS ako. JOLOGS AKO , at JOLOGS AKO!!! Tandaan sana natin na "HINDI MASAMA ANG MAGING JOLOGS".
Isipin rin natin na nasa bansa tayo na mas marami ang mahihirap kaysa sa mayayaman. At marami ang MASA kaysa sa ELITISTA. Kaya marami rin ang mga JOLOGS kaysa sa mga PASOSYAL. Pero mas pipiliin ko pang maging Jologs dahil TOTOONG TAO ako kaysa sa isang PASOSYAL na nagtatago lang sa kasingungalingan . Sa huli kahit balutin mo ng ginto ang isang JOLOGS lalabas at lalabas din ang pagkajologs nya. Kaya kung katawa-tawa ang isang CERTIFIED JOLOGS kagaya ko, mas hindi hamak nakatawa -tawa ang mga JOLOGS na nagpapanggap na hindi sila JOLOGS! At hindi lang sila mas katawa-tawa mas kaawa-awa pa sila.
Kaya ang tanging masasabi ko lang ay "MABUHAY ANG MGA JOLOGS! "
Ingat
Simple Kong Hiling Ngayong Pasko
-
Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo
pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa
Lo...
13 years ago
35 comments:
base!
b1 hindi ko kinaya ang wowowie mo! hahaha, kahit di ka napabilang sa bigaten! bigaten ka pa rin para sakin! ewwww ang jologs! lol
oo nga walang basagan ng trip... kaya lang sana kahit ganun ung get-up nila mukha pa rin silang mabango tignan.. hehe
Hahaha, in short, ang jologs ay ang mga taong humble. At ang pasosyal ay ang mga mayabang?
Pero ang mas malupit sa lahat ay yung rare breed ng mga pasosyal at eletista na nagpapanggap na jologs. Hybrid sila. Humble and mayabang at the same time.
Di baleng Jologs---pero iba na ang level mo, kasi muwa-Wowowee ka na eh! nyahahah!
Sa Showtime na lang ako...magpasikat!
Isa rin akong Certified Jologs. Un lang.
kaya sayo ko kuya eh.. mabuhay ka!hehe
langya ka parekoy, bakit naka-post ang picture namin dito?! It hurts!
May mas jojologs pa ba sa pagkatalo ko as studio contestant sa "pera o bayong" at "winner take all" ng MTB? (See my entry at http://no-benta.blogspot.com/2009/10/laban-o-bayong-winner-takes-it-all.html)
Galit ako sa mga pasosyal dahil mas nagiging mas jologs sila sa atin!
Mabuhay si jolina! Kundi dahil sa kanya ay walang salitang jologs!
Tama ka!
Paminsan ang jologs sa iba ay ok sa atin. Paminsan din ang ok sa kanila ay jologs sa atin.
Ang pagpapakatotoo lang nararapat sa atin. Kun jologs tayo sa iba, problema na nila yun!
=)
Ahahahahahahahhahaha kung ikaw sa wowowee ako sa eat bulaga... pero nagpalamig lang kami nung time na yun... ahahahahahhaha... pero di ako participative di gaya mo "boom tarat tarat" ahahahahahahahahha... pero wala na atang mas jologs pa kesa sa mga hairstyle ko noon... samahan pa ng bangs na pinacurl sa harap... ahahahahahahahahaha... amf
drake: Mabuhay ang mga JOLOGS!
tayo: MABUHAY!
drake: Mabuhay si DRAKE!
tayo: Tara na, uwian na.
hahaha!
Jologs din ako on my own way. Kanya kanya lng kc ng taste, trip, at style yan. Wla nman tayong magagawa kung yun ang gusto nila/natin. Basta di tayo nakakasakit ng kapwa, walang prublima.
Nagpakahirap ka pang maghanap ng picture, sa bahay ni Maldito meron na. sana yun na lng ang nilagyan mo ng itim ang mga mata. Fish maldito!
Hahaha!
Napatambling ako sa wowowee mo. Ganon ka pla ka-participative. In short, makapal ang muka.Hahaha...
AYLAVET! Nakapunta ka sa Wowowee? Nadaanan ka ba naman ng camera?
ngayon medyo ok pa ang jologs...
jejemon is the new jologs!!! hehehe
Hahaha..ayos!!
Tanong lang kuya, nag geget-up ka pa ba ng hip hop? Wala ka bang picture mo noon na ganon suot mo?
Nakakatawang isipin yung kung paano ka sumayaw ng boom tarat tarat doon sa studio.hahaha..sample!! sample!!
Ay hindi ako makarelate kasi SOSY ako hahaha joke lng pre...
Eh ano ngayon kung Jologs ka or Jologs ako pakialam ba nila? hehehe...Eh sa doon ka komportable eh hehe...
Sana ipinakita mo ang pic nu ni Bentong titingnan nmin kung sino mas pogi hahaha...
Hindi man ako nkpunta sa mga TV shows na yan pero abangan mo n lng ang paglabas ko sa TV malapit na...lol.
hehehehe!! napatumbling din naman ako sa wowowee edition mo! nakalawlaw pa rin ba pundya mo nung nagpunta ka dun?? hehe!
kelan ba yun? bakit di mo binati kaming mga taga al jubail? wehehe!
once a jologs, will always be a jologs? pwede ba yan? hehehe!!
kanya kanyang buhay, walang basagan ng trip...
@Roanne aka b2
Hahhaa, hayaan mo na at ikukuwento ko next time yung tungkol sa Wowowee experience ko na yan! At pramis with pictures pa!hehhee
@Rah
Parang ganun na nga! Hehehe! Pero yung mga eletistang nagpapanggap na jologs, sila naman ang mga down to earth kasi hindi nila sinasabi sa buong mundo na mas mataas sila kesa sa ibang tao. Kumbaga kung kumakain sila ng kanin kami din kumakain ng kanin!ganun ba
@Ayie
Like what I've said gagawa ako ng isang post dedicated sa aking Wowowee experience!AKO NA!heheh Sana nga pala maging okay na si Paolyne!Ingat
@Karen Anne
Nice, binabasa mo naman ba yung post ko?hahahha Joke lang!salamat sa komento!
@No Benta
Weh, si Jolina ba nagpauso ng Jologs na yan?Hehehe! Tungkol naman sa MTB experience mo, mukhang kay saya saya naman nun. Nape diba ang sagot, tama ba ako. Anyways dapat nagpaautograph ka kay Kuya Dick. Hahahhaa
@Stone-Cold Angel
Hanggang ngayon di ko pa rin nakabisa yung pangalan mo nalilito pa rin ako kung STONE-AGE o STONE ANGEL!heheh!Yup tama ka gawin mo lang gusto mong gawin. Ngayon kung kajologsan yun, walang pakialamanan , basagan na lang ng mukha!hahahha!Ingat
@Xprosiac
Nice ikaw na ang batang eat bulaga. So ano naman ang ginawa mo dun sa eatbulaga?Siguro naki BOOM BOOM PAW ka dun noh!hehehe! Mukhang magandang experience yan ah bakit di mo ikuwento at gawing entry para mabasa naman ng iba angn kajologsan nating dalawa.hehehe!Ingat
@Bitoy
Teka bat nagbago ka ng Pangalan?heheh! At lagot ka kay Maldito.... hala! wala akong kinalaman dyan!hahaha!
So ganun na nga kung hindi naman nakakamamatay at nakapapatay ang pagiging jologs, eh wala na lang pakialamanan. Ngayon kung nagtatawa ang iba sa isang jologs pero kung di hamak na mas jologs sila kaysa sa kanya, duon sila dapat batukan!hehhee!Ingat
@Kaitee
Oo nakita daw ako g mga kasamahan ko sa TV kaso parang nagdaang hangin lang. Saka ang focus ng kamera noon ay duon sa mga balikbayang galing states at nagpapaypay ng dollars!
@Gillboard
Medyo dumdugo na ang tenga ko dyan sa word na yan! Mukhang sikat na sikat sila ah!
@Darklady
Meron akong pictures nung hiphop days ko pa, kaso nasa Pinas eh! Siguro pag nakauwi na lang uli ako! Salamat sa laging pagbista!Ingat
@Jag
Basta gagawa nga ako ng isang entry tungkol sa aking Wowowee experience, at hindi ka nagbabasa ng post ko. Sabi ko kaya dun sa susunod na entry ko ipopost. Hehehe
Ikaw na ang sosyal, ikaw na ang bakasyonista, at ikaw na ang mayaman!heheh Ingat
@indecent_mind_
tapos na ang aking hiphop days at masyado na akong gurang para sa ganyang mga pautot na yan. Hahhaha! Pero masya yung experience na yun kasi mayroon studio tour pa! Wala nga lang libreng pakain!hehhee
Hayaan mo pag nabalik ako ng wowowee gagawa ako ng placard at babatiin kita dun!ingat
nagbabasa kaya ako...nangungulit lng hahaha...
Nice parekoy, ang galing talaga ng babelfish!
Kay jolens ipinangalana ang jologs dahil siya ang pinakabaduy at weirdo manamit noong Ang TV era.
ok lang ang jologs..kesa naman sa mgaing jejemons ka..wahahaha ^_^ tsaka hindi porket hindi ka sosyal eh jologs ka na..pwedeng normal ka lang..^_^
oo na! oo na! jologs ka na! hindi halatang pinagmamalaki mo kuya drake hehehehehe
eh dati ka na namang jologs ah... oks lang yan...
si long mejia, si brod pit, si bentong... lahat naman sila jologs din. oks lang yan... :0
salamat napangiti akoh nang entry mo kuyah... ingatz lagi... Godbless!
mabuhay! jologs din ako paminsan minsan! haha.
gusto ko din makapuntang wowowee! lol
speechless ako sa gestures ng mga nasa pic. naalala ko tuloy yung recent post ni poy hehe - moreducation.weebly.com
@Jag
Sus, palusot pa!hehehe! bakit nga pala ang tagal tagal mo na sa Pinas!babalik ka pa ba sa Japan?
@No Benta
Syempre batang BrownCow ata ito! Hehehe! Ahha yun pala yun! So dapat palang ipakain sa buwaya si Jolina dahil pinauso nya ang kajologsan.
@SuperJaid
Ganun, so hindi normal ang mga pasosyal at mga jologs!hahaha! sabi na nga ba mga ALIEN kami eh at mga abnoy!hahaha!joke lang!ingat!
@Klet
Hindi naman masyadong halata na proud na proud akong maging Jologs!hhahaha! Saya kayang maging jologs!hhehe!ingat
@Chingoy
So yun ang mga kalevel ko ganun! Sige ikaw na ang kalevel sila Aga, Piolo at Sam Milby. Ikaw na manong ed!Ikaw na!
@Dhianz
Baket ngayon k alang uli nakapunta sa kwarto ko Dhianz, saka ang ikli ikli ng comment mo unlike before. May problema ba?I'm always available basta tawag ka lang, dito lang ako!hehhehe
!Ingat
@Keso
Mabuhay tayo KESO! Mabuhay ang mga kyut na mga Jologs (tayo yun KESO).hahaha!
@Random
Ang kyut nga ng mga bata sa itaas eh,parang nanghahamon lang ng away!hahaha! salamat sa pagbisita sa kwarto ko!Bisita rin ako blog mo!Ingat
Mabuhay ang mga jologs!!! Hahaha.
Pede na ba kitang laitin ngayon?
Awww. Sa susunod nalang pala...lolzz
eewwwww... ang jologs mo parekoy! nyahaha. napaghahalata ang henerasyon ah.. di ko na kasi naabutan yung hiphop na ganun! hehe. saka, sabi ko na nga ba eh.. ikaw yung nakita ko sa wowowee na naka-yakap kay bentong! nyahaha. and don't worry about the tuna thing.. di ko rin kayang lunukin ang fresh fish roll lalo na ang makki! wahaha. JOLOGS! peace tayo parekoy :P
Diba crush mo si Jolina.
ohh gosh drake u never fail to make me smile...thank God i found your blog, kac blog mo ang nakakaalis sa stress ko lalot na bising bisi ako, as n!..grrrr!..(Senxa kung matagal akong dumalaw, bisi mats tlga).....
haha cguro drake inde mo ginandahan pagsayaw ng bom tarat tarat kaya inde ka nakuha,, dapat nagpacute ka nun at byotipol eyes para nakuha ka as bigaten..haha
nwey walang masama sa pagiging jologs bsta dapat alam mo din kung hanggang saan lang pagiging jologs kac meron ibang jologs na sobrang annoying na, na parang gusto mong silang paghahampasin.hehehe....
ako certified jologs pero minsan SoJo...hahaha....
ingat lagi drake....muwah!..pag inde na ko bisi d2 na ko tambay..hahaha...hanggang sa muli...
ahahaha. ako rin jologs hanggang ngayun.
teka lng hnd nmn jologs ang wowowee eh pfavorite ko nga un eh
ayos ang pichur. LOL. lahat tayo may ka-jologan. nung hayskul paborito ko ang isang kanta ng michael learns to rock na may numero ang title. miyembro rin ako ng school band. uniform namin ay shorts at medyas na hanggang tuhod ang haba. ang kulay - gold and green. :D
ok lang na maging jologs, wag lang maging jejemon. haha
koraak!!! kahit ano ka pa.. ang mahalaga tunay ka :D
Post a Comment