Ngayon ay April 20, at makalipas ang tatlong araw April 23 na! Ano ang meron sa April 23? Wala lang, bertdey lang naman ng aking kyut na kyut na NANAY!!
Alam ko lab na lab ako ng nanay ko, sabi daw ng mga kapatid ko lagi daw akong pinagmamalaki ng nanay sa kanyang mga kumare at kakilala. Kaya sobrang tuwang tuwa naman ako sa aking Nanay.
At dahil bertdey nya, gusto kong mag-emo . Wala lang gusto ko lang pasalamatan ng Nanay ko sa lahat lahat ng binigay nya para sa amin.
Pakner ko kasi si Nanay sa lahat ng bagay eh. Dahil nga masyado akong maselan sa pagkain, lagi nya akong binibilhan at pinagluluto ng paborito kong pagkain. Kaya nga masasabi kong beybing beybi ako ni Nanay. Kaso dahil sa aking angking kakulitan at kagaguhan ,madalas eh hinahayblad sya sa akin. (Sorry naman po Nay!)
Madaling araw kung gumising si Nanay, bago sila magsimba ng tatay, hinahanda na ni Nanay ang lahat ng papabunin namin at kakainin namin sa umaga. Laging masasarap at masusutansya ang luto ng nanay. At dahil alam ni nanay na hindi ako mahilig sa gulay laging may nakatabing pinipritong baboy sa mesa. Alam kasi ni nanay na paborito ko yun.
Alam nyo kaya ako nagsumikap na mag-abroad ay dahil na rin sa Nanay ko. Madalas kasing umiiyak si Nanay gabi gabi dahil hindi nya alam kung saan kukuha ng pera pambaon sa mga kapatid ko. Iyak sya ng iyak sa kwarto, samantalang ako nakatingin lang sa kanya. Halos pinupunit ang puso ko pag nakikita ko si Nanay na ganun ang sitwasyon.Ang gagawin ko na lang ay aalis ,papasok sa kwarto at doon na lang ako iiyak. Wala naman kasi akong magagawa para tulungan ang nanay eh. Estudyante pa ako noon, kaya paano ako makakatulong sa kanya? Kung pwede nga lang bang pumasok ng walang baon gagawin ko, kaso halong milya milya ang layo ng unibersidad ko sa bahay namin. Kaya lalo akong nafufrustrate kapag nakikita ko ang nanay na ganun ang sitwasyon.
Noong isang araw naman, sumakit ang dibdib ng nanay. Kasi napagod yata sya kakalaba maghapon. Sa dami naming magkakapatid (8 kami), halos sya lahat ang naglalaba ang damit namin. Halos nababakbak na nga ang kamay at kuko ni nanay kakakuskos ng mga uniporme namin. Kailangan kasing matuyo at malabhan ang uniporme namin, kasi dalawang set ng uniporme lang ang meron kaming lahat. Kaya sabi ko nanay kapag nagkatrabaho ako bibilhan ko sya ng washing machine. Pangako ko yun sa kanya.
Nung minsan naman, halos hinimatay ang nanay dahil sinugod sya ng pinagkakauntangan nya. Sinisingil na si Nanay at kung ano-ano pa ang sinasabi sa kanya. Saksi ako sa lahat ng pangyayari kung paano alipustahin ang nanay sa harap ko pa mismo. Gusto ko sanang suntukin ang naniningil kay nanay, kaso hindi pwede kasi kami ang may utang. Kaya kahit inaalipusta na sya, panay hingi pa rin ng pasensya ang nanay. Nangingilid ang luha ko noon at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking ulo. Nakita ko na lang na umiiyak si nanay sa isang tabi. Di ko alam kung paano ko matutulungan ang nanay sa mga sitwasyon na iyon.
Kinagabihan, naalimpungatan ako .May naririnig kasi ako sa may kusina namin. Naguusap ang nanay at tatay tungkol sa amin. Sabi ng nanay, hindi na raw nya kaya, nahihirapan na daw sya sa buhay.Hirap na hirap na raw sya kung saan hahanap ng pera. Habang nakikita kong bumubuhos ang patak ng luha sa mata ng nanay . Awang awa ako sa kanya dahil kitang kita sa mukha ng nanay ang labis na hirap, pag-aalalala at kalungkutan. Dali akong pumasok sa kwarto , umiyak at damang dama ko ang hinagpis ng nanay . Parang kinukurot ang puso ko sa sakit kaya sinabi ko sa aking sarili na “Nay, pangako tutulungan kita! Hinding hindi na kayo muli pang iiyak.”.
Simula noon, nagpursige na akong mag-abroad. Pagkagraduate, naghanap na ako ng trabaho sa ibang bansa. Kahit ano na lang papasukin ko, kahit waiter o service crew papasukin ko pa rin. Hindi na ako namimili kung anong trabaho ang nag-iintay sa akin sa abroad, basta ang iniisip ko lang noon ay kung paano matutulungan ang nanay. Ayaw ko na syang nakikitang umiiyak, at ayaw ko na rin syang nakikitang nahihirapan.
Mabait si Lord, dahil hindi naman ako nabigo. Inilihim ko ang lahat sa nanay na paalis na ako papuntang Saudi. Ayaw ko na kasing mag-aalala pa ang nanay sa akin, ayaw ko rin na mag-isip pa sya tungkol sa gagawing kong pakikipagsapalaran sa abroad. Sinugurado ko na muna ang lahat na ayos na ang lahat ng papel bago ko sabihin sa aking pamilya. Kaya nung gabi sinabi ko na sa amin na mag-aabroad ako, tinatagan ko ang sarili na hindi ako iiyak. At hindi ko ipapakita na mahirap sa akin ang mag-abroad at lumayo sa piling nila.
Noong pinaalam ko na ang lahat sa amin, lahat ng kapatid ko ay natuwa. Lahat sila masyaang masaya dahil pakiwari nila, malaki ang maitutulong ko sa buhay namin. Akala ko lahat masaya, pero nalungkot ako, na sa isang sulok iyak ng iyak ang nanay ko. Pinuntahan ko sya at inamo amo:
“Nay, bakit pa ba kayo iiyak?Lalayo lang naman ako para tulungan na kayo”
“Anak, dito ka na lang! sama sama na lang tayo dito. Ayaw kong malalayo ka sa amin.Mahirap ang buhay sa Saudi, anak!Dito ka na lang!” sambit na nanay ko
“Nay, kailangan eh! Saka ayoko na kayong nakikita umiiyak pa dahil sa paghihirap. Pagkakataon nyo ng makaranas ng ginhawa. Sapat na yung mga paghihirap nyo. Tutulungan ko kayo, Nay. At pangako nyo sa akin, hinding hindi na kayo iiyak pang muli”. pangako ko kay nanay
Yan ang pangako namin sa isat-isa. Hanggang ngayon, pinilit kong tuparin ang pangako ko kay Nanay na hindi na sya iiyak pa dahil sa paghihirap at dahil lang sa pera.Sinusubukan ko sa abot ng aking makakaya na guminhawa na rin si nanay sa buhay. Nararansanan na nya ang lahat ng paghihirap at nararapat lang na maranasan na nya ang sarap ng buhay. Pinipilit kong hindi na mag-intindi ang nanay sa usaping pinansyal. Binili na rin namin sya ng malaking washing machine at umupa na rin kami ng labandera para aming mga labahin.
Sa ngayon, sa tuwing nag-uusap kami sa Skype. Lagi ko syang tinatanong kung umiiyak pa rin ba sya? Natutuwa ako sa sagot nya kasi sabi nya “Bakit naman na ako iiyak anak?Eh dyan ka naman sa amin palagi! Salamat anak sa lahat ha!”. Halos tumulo ang luha ko sa tuwing sinasabi yun ng nanay. Tinupad ni nanay ang pangako nya sa akin, at ako rin naman tinutupad ko rin ang pangako ko kay nanay.
Kung sakaling makita ko muling umiiyak ang nanay. Nais ko sanang pagluha yun dahil sa labis na kagalakan. Patuloy kong tutuparin ang pangako ko sa kanya. Pagkakataon na rin naming magkakapatid na ibalik kay nanay ang lahat ng pasasalamat at pagmamalaki. Basta sobrang prod na proud ako kasi sya ang aking nanay.
Kaya para sa inyo nanay
“MALIGAYANG KAARAWAN PO, AT MAHAL NA MAHAL PO NAMIN KAYO”.
Ingat
35 comments:
Medyo naluha ako dun ah. Maswerte ka dahil sya ang nanay nyo at kaw sya din maswerte dahil kaw ang anak nya.. ^_^
Happy Birthday kay nanay!! ^_^
Swerte ng mommy mo sa iyo. :)
nice story.. keep it up!! godbless
Happy Birthday po kay Nanay.
Pinaiyak mo naman ako sa kwento mo Drake.
your mom is so pretty... hmm, may pinagmanahan. hehe. happy birthday sa nanay mo!
Happy birthday!!! makikibati lang.. hehehe....
happy birthday inay, long live po. Proud na proud po anak niyo sa inyo. ~*sings ~ happy birthday to you... yey!
ang pretty naman ni mami!!! :) naks!
maligayang kaarawan sa yong nanay!!! :) sana bigyan pa siya ng mahabang buhay para makasama pa nya ang kanyang sutil na anak sa pagbabalik nilto sa bansang pilipinas... :) at syempre sa mansyon na sila nakatira nun! di na mareach :) nyahahaha
hapi bday ulit :)
blessing ka kay Nanay... saka na kita lalaitin hehehe
haberdey kay Nanay!
wala ng sasarap pa sa pagmamahal na ibinibigay ng isang ulirang ina para sa anak...at yan ang nanay mo drake!
kaya't kaming mga kaibigan mo dito sa blogosperyo ay nakikiisa at nagdadasal na sana matupad lahat ang mga kahilingan at pangako mo di lang sa nanay mo pati na rin sa ung buong pamilya.
kaya't para sa ung mahal na nanay, maligayang kaarawan po! :D
tagos sa buto parekoy. Naiyak ako habang binabasa ang kuwento mo. Kapatid nga talaga kita. Ganyang-ganyan din kami dati. Laging umiiyak si ermats dahil di nya alam kung saan kukuha ng pera para sa aming magkakapatid. Naranasan ko na rin yung sinugod kami dahil sa utang.
Suwerte natin dahil may mga magulang tayo na tulad nila!
Happy birthday nanay!
awwww.. nice post!
happy bday sa iyong mahal na inay!
happy birthday nman sa nanay mo!!!
awww... happy birthday sayong nanay!!!
*Sniff* *Sniff*
Apparently, she`s a good mother that`s why she too have wonderful kids.
Happy Natal Day to your mom! Kindly extend my greetings to her...
Ingat ka na lang jan pre!
This portion is brought to you by...
SKYPE!
Parang commercial lang hihihi...
Happy Birthday kay Nanay, gusto nya ng picture greetings? Kaso pag galing sa akin eh malaswa ahihihi.
Ang emo emo mo. Binabalik-balikan mo pa yung malulungkot na parte ng buhay mo eh tapos nna nga yun.
For sure next year na birthday ng Nanay mo mababasa ko uli itong post na ito... dahil irerepost mo ahihihi.
Byers thanks mwahchupa.
Anghaba ng post... halos maluha ako kaso nung napansin ko na ang comment ni jepoy naremove by author parang gusto kong tanungin kung controversial ba ulit yung sinulat niya... jijijijijijijijiji
medyo na-teary-eyed ako ng konting-konti lang. haha
let us thank God for our mothers. hapi bertdey kay nanay mo!
God bless! :)
wow magsunod sila ng birthday ng mama ko..^_^ april 22 kasi si mama eh...anyway..naiinis ako sayo kuya drake..huhuhu pinaiyak mo kasi ako..at ang pangit pa nandito ako sa library ng school namin..nakakahiya sa mga katabi ko..wahahaha anyway..napakaswerte mo sa iyong ina kuya..at napakaswerte rin nya sa iyo..^_^ maligayang kaarawan kay nanay..^_^
HAberday nanay ni drake...
at advance mothers day na rin...
masyado kang madamdamin, naalala ko tuloy ang nakalipas(insert MMK song)... parehas kase tayong mga laki sa hirap...hehehhe
nakakatouch naman!
(baka sabihin mo na naman hindi ako nagbabasa ng blog mo.)
at dahil birthday ni nanay eh, babatiin ko nalang sya ng
isang maligayang birthday po!
kelangan ba may kasamang picture greeting?
tagay!
@Jipoy
Bakit tinanggal ang comment?Ano meron dun?hehhee
@Darklady
Salamat naman. Pero napakaswerte ko pa rin dahil sya ang Nanay ko. Walang Drake kung wala si Nanayko.Ingat
@Kaite
Thank you, parang pumapalakpak ang tenga ko.
@David Edward
Maraming salamat sa pagdalaw! Dalaw ka uli ha! Ingat palagi
@Ayie
Salamat daw sabi ni Nanay! hehhe! Di naman ako nagpapaiyak eh!Ganun lang talaga ang kwento namin!hehe!madrama
@Kare anne
Yup tama ka mana ako sa nanay ko, pareho kaming kyut. Kamuka ng Nanay si Anabel Rama no, ako naman kamukha ni Richard.LOLS
@Prench
Salamat parekoy! Daan daan lang!Ingat
@Rah
Rah..ramama, rama ulala!hehhee!salamat nga pala na add na kita sa blogroll ko!Ingat din
@B2
Sobra yun anong mansyon, di pa kaya! Pero malapit na!whahaha! Joke lang! Salamat naman sa papuri na binigay mo sa nanay ko samantala ako nilait mo!LOLS!Salamat sa lahat B2!ingat palagi
@Chingoy
Laitin mo mukha mo manong ed! Salamat sa bati ha! Bait mo talaga!JOKE!!
@Vonfire
Maraming salamat sa mga sinabi mo, masyado naman akong namula dun!heheh! Salamat din s alaging padalaw sa alang kakwenta kwenta kong blog! Sana di ka magsawa dito!At tulad ng sinabi ko, basta pangako ko na yun kay nanay at tutuparin ko na yun hanggang huli! Naks!Salamat palagi
@No benta
I knew it! Ikaw na nga ang kapatid kong itapon ng nanay sa taeng kalabaw!ikaw nga!heheh! Joke lang! Oo nga pre halos magkaparehong magkapareho tayo ng napagdaanan. Ang dami na nating common denominator. Hayaan mo parekoy kung sakaling mapunta ka dito sa Riyadh, akong bahala sa iyo. Ingat parekoy at musta mo rin ako sa nanay mo!
@an indicent mind
Salamat parekoy kahit masyadong tipid mode ka ngayon!hehhe!ingat
@pmm012
Salamat po! Mukhang ngayon lang kayo muling nabalik!ingat
@Gillboard
Thank you very much!ingat
@Jag
Salamat pare, sige ipapaabot ko kay Nanay ang iyong pagbati. Ano asan ka na ba ngayon?nakabalik ka na ba?wala akong balita sa iyo ah! update ka naman!Ingat
@Glentot
Utot mo malabnaw! Di na kailangan ng nanay ng picture greetings mula sa iyo baka ma-usog mo pa yun!hahaha!
Teka nakagawa na ako ng bday tribute last year para sa kanya, hindi ka kasi nagbabasa dyan! Sayang ang talino kung hindi gagamitin kaya magbasa ka!Tae ka! Pero salamat sa bati parekoy!ingat
@Xprosiac
Hu?!? Hindi ka naman nagbasa eh, pinundot mo na agad yung comment box tapos nakita mo yung comment ni Jipoy kaya tungkol sa kanya ang comment mo ngayon!LOLS!Joke lang! ingat at salamat parekoy!
@Chie
Maraming salamat sa taos puso mong pagbati. Teka san ka ba nagpupunta bakit di ka na gaanong nag-uupdate ng blog mo!hehehe!Ingat parekoy
@Superjaid
Happy birthday din sa iyong Mama, hehehe! Sorry ha, napaiiyak ka rin pala sa kwento ko. Ganun namannga ata pag nakakarelate tayo sa kwento ng ibang tao. Hehehe! Basta ikaw pagbutihan mo pag-aarala mo ha, suklian mo din ang pagsasakripisyo ng iyong mga magulang!Ingat palagi
@Scofield
Ganun, so laki ka sa hirap parekoy?Naks parang si Manny Villar lang ah! So mayaman ka na ngayon parekoy!hehehe! salamat sa bati parekoy at hayaan mo isesend ko rin ito sa MMK , mamaya kumita pa ako ng 10T pesos!heheh!ingat
@KOSA
Hindi ka nagbasa kosa, ang mga comment lang dito ang binasa mo. Aba hindi naman ako nanghihingi ng picture greetings ah!So bakit may ganung mga comment?Isa kang mapagpanggap KOSA! Wag ka na!hahahah! Ingat parekoy!
Ang galing ng post mo...
Napaiyak ako dun ah...
Happy birthday Nanay ni Drake!!!
wish ko sa Nanay mo ay long life and happiness!
happy birthday sa mommy moh... you are blessed to have her as your mom and she is also blessed to have you as her son... actually you are so blessed with the family you have... may she have more birthdays to come... God bless you and your family always! =)_-di
maligayang kaarawan kay nanay! Touch nman ako sa entreng ito. Ang bait-bait mo talagang anak pre, parang ako... Hahaha
adik ka! nag-uupdate kaya ako ikaw lang itong hindi napapadpad sa blog ko jijijiji...
awwwwww naluha naman ako sa post mo.....
happy birthday sa yung nanay, i pray that out of His glorious riches He may strengthen your mom with power through His Spirit in her inner being. -Ephesians 3:16-
blessing ka sa family mo and salamat sa nanay mo kac nakilala ka namin....God bless u drake and ur family...hugs.... :D
@Stone-Cold Angel
Maraming salamat sa pagbati mo! Masayang masaya naman ang nanay kasi kumain sila sa Chowking!hehe
@Dhianz
Tagal mo ng hindi nadadalaw dito ah! Kamusta na?Maraming salamat sa pagbati. Swerte kaming dalawa sa isat-isa!naks!Ako na!Ingat
@SLY
Di naman ako mabait, mas mabait ka nga kaysa sa akin eh! (joke yun, kaya tumawa ka).Salamat mukhang busy ka ah
@Jag
Sorry naman ngayon ko lang nakita ang Updates mo!Teka ang tagal tagal mo na dyan sa Pinas ah! Babalik ka pa ba sa Japan?
@Lady in advance
Medyo matagal ka rin hindi nadadalaw dito sa kwarto ko ah! Maraming salamat sa pagbati mo! At sa magandang bible verse na bigay mo!
Ingat parati and have a great day!
your story makes me cry...gudluck sayo jan...sa nanay mu,ang swerte nya:)
at sa nanay ko,miss na miss na kita..di ko na matutupad mga pangarap ko sayo:'(
Post a Comment