Okay tama na nga yang seryus-seryus pwet na yan! Kailangan ibalik ang totoong Drake, kaya “Time and space warp ngayon din…….(***insert usok here***) …dyaran…. AKO na uli ito!
.
Hindi ko alam kung maselan ako sa pagkain o hindi. Pero alam ko lahat naman kinakain ko, tulad ng lugaw na pinagbackstroke-an ng mga langaw, ice cream na may uhog ko, cake na napapanis at kung ano ano pang kadugyutan na pagkain ang nilalamon ko.
Pero yun nga lang marami din naman akong hindi kinakain tulad ng mahiwagang…….tenen…..Gulay. Tanging mga dahong gulay lang ang kinakain ko (kalabaw??) at ayoko ng mga gulay na may matatapang na lasa (yung tipong nanununtok ba?). Kaya ayaw ko ng ampalaya, okra, sigrailyas, bataw at kung ano ano pang gulay na nasa bahay kubo kabilang ang SINGA (uhog??) sorry … LINGA pala (sesame seed). Sinubukan ko namang kainin pero wala eh sinuka ko rin! Di ko talaga gusto!
.
Hindi rin ako mahilig sa Seafoods tulad ng Talaba (lasang sipon kasi), alimango, hipon, tulya at kung ano ano pang seafoods. Hindi dahil mayaman ako at may “allergy” ako sa ganyan, kundi hindi ko lang trip na pinahihirapan ka pa bago mo makain ang kakarampot na laman.
.
Ayoko ko rin ng Adobo pusit, dahil mukhang pusali o kanal ang hitsura nya. Pero mahilig ako sa calamares, inihaw na pusit at peyborit ko rin si Tya Pusit (dahil kamukha nya ang nanay ko). Tatlong klaseng isda lang ang kilala ko……. tilapia, bangus at galunggong. Ayoko ng ibang luto sa isda bukod sa pinirito lang. Yun lang ang gusto ko at yun lang ang kinakain ko.
Mahilig ako sa manok, kahit anong klase ng luto sa manok kinakain ko. Adobong manok, piniritong manok, afritadang manok at kahit tubuan pa ako ng pakpak, okay lang sa akin dahil mukha naman akong anghel (naks, gumaganun ka drake!). Basta paborito ko pa rin ang manok. Mahilig din ako sa baboy, kahit siguro araw araw kong ulam ang piniritong baboy,wala kang reklamong makukuha sa akin.Pwera lang kung baboy na binaboy! Ayoko ko nun!
Kahit ano kinakain ko, kahit palaka, bayawak, ahas,aso, pusa, camel, kalabaw, kambing , kuneho, at lahat ng hayop sa zoo. Nakakain na din ako ng langaw at lamok (bwisit na langaw kasi yan eh, kala ata ng langaw na yun dumpsite ang loob ng bibig ko. Siraulo yun! ano akala nya dun may lamang basura ang esophagus ko?Suntukan na lang eh). Kaya ang maipapayo ko lang sa iyo “wag nyong subukan kumain ng langaw, hindi masarap dahil mapait sya! Pero kung bubudburan ng asukal, pwede na rin- bukayong langaw”.
Kaya hindi ko alam kung maselan ako sa pagkain?
Sa buhay natin, marami tayong mga choices (parang mga panlasa natin sa pagkain).Minsan kung ano pa ang mabuti yun pa ang hindi natin pinipili (katulad ng hindi ko pagkain ng gulay). At kung ano pa ang nakakasama sa atin yun pa ang gusto natin (tulad ng hilig ko sa pinirito).Namimili tayo batay sa sarili nating panlasa. Pero ika nga hindi lahat ng gusto natin ay nakakabuti sa atin. Kung minsan nabubulagan tayo ng sarili nating kagustuhan at nakakalimutan na natin ang mga bagay na nararapat at mabuti. Dahil sa ito anng hilig ng katawan natin, nagiging iresponsable na tayo sa mga bagay na mabuti at tama. Huwag tayong maging makasarili.
Ngayon pinipilit ko ang sarili na tanggapin ng palasa ko ang gulay kahit hindi ako nasasarapan. Dahil alam kong nakakabuti iyon para sa akin at iniiwasan ko na ang prito dahil baka bigla na lang ako mastroke dahil sa taas ng cholesterol ko sa katawan.
Tulad ng mga kagustuhan ko sa buhay, pinipilit kong balansehan kung ito ba ay makakatulong sa akin at kung ito ba ay tama. Hindi lang dahil sa gusto ko yon, pero dahil ito ang nakakabuti para sa akin at sa iba. Minsan mahirap tanggapin ang mga bagay na taliwas sa kagustuhan natin, pero kung pipilitin nating intindihan ang lahat mas makikita natin ang magandang epekto nito sa atin sa hinaharap.
Kaya ngayon kakain na ako ng gulay at iniiwas-iwasan ko na ang pagkain ng…………..langaw!
Yun lamang po at maraming salamat.
35 comments:
Pareng Drake, wala naman sa kantang "Bahay-Kubo" ang ampalaya at okra. Kaya nga hindi sila gusto ng mga bata.
Tulad mo, ayoko rin ng okra. Isama mo pa ang alugbati at saluyot. Naaalala ko tuloy yung paboritong ulam ng barkada ko na pinagsama-samang malalapot, madadagta, at malagkit na gulay....at LASWA ang malufet na tawag dito!!
Mahilig din ako sa pritong isda. Ayoko ng sinasabawan. Puwedeng sabawan bast ipiprito muna. Miss ko na rin ang baboy na wala sa desert. Dami nating similarities...kapatid nga yata kita sa ibang dimension!
kuya drake, nakatikim na din ako ng lamok, isang beses na tawa ako ng tawa biglang pumasok si lamok. di man lang sumayad sa dila ko direcho na kagad sa lalamunan ko. tsk.
hndi din ako mhilig sa gulay, pero paborito ko ang ampalaya, ibabad dapat kase muna sa tubig na may asin bago iluto para mawala ang pait. :))
at salamat, may ntutunan na nman akong leksyon. parang hiraya manawari. haha
Nasa nature na talaga ng tao na kung ano ang bawal yun pa ang ginagawa at di iniiwasan...
pero di ko kinaya to drake pati langaw at lamok kinain moo hahaaa!!!
Ako isa akong certified PG kaya wala akong angal sa pagkain... mahihiya ang mga germs sa akin dahil di ko sila uurungan... jijijijijiji... kaso medyo di ko type ang isda... ayoko kasi kapag ubod ng lansa... jejejejejejeje
B1 subukan mo ang ensaladang ampalaya, hiwain ng manipis ang ampalaya, ibabad ito sa suka at paminta, lagyan ng konting asin at konting asukal at ibabad ng 1 to 2 oras. After nun pwede mo na siya i-ulam. hindi na kailangan iluto, at hindi siya mapait kasi asim ang malalasahan mo. pampalinis ng dugo ang ampalaya... matapos mo kumain ng langaw kumain ka nito para luminis ang dugo mo...
kasi you're so ewwwww!!!! kawawang langaw...
ayoko lang ng okra, lalo na yung masyadong malalaki na... MALAWAY!!!
kuya drake, bkit yung nalasahan ko yung langaw maasim? ay siguro expired lang.
ahehehe
ako hindi naman maarte sa pagkain..pero tama ka .. huwag nating aabusuhin ang katawan natin ngayon kasi balang araw tayo ang magsisisi.
haha... tama yan parekoy! kumain ka nga g gulay! hay naky. ako naman, mahilig din ako sa chicken alo na pag fried chicken. yumy. at ayaw ko din ng seafoods kasi talagang allergic ako dun eh. ER ang aabutin ko dun. hehe.
Masarap kaya ang gulay. Dati ayaw ko ng okra pero ngayon nakakakain n ako nun.
Masarap din ang seafoods. Buti na lang wala akong allergy doon.
Hindi nakakataas ng cholesterol ang paprito prito kung ang gagamitin ay vegetable oil at kung ang pprituhin ay less cholesterol hehehe...
Ayaw ko ng kalabaw at kambing. It's so ewwww! hehehe...
Ang kulit!
Ang kyut!
Hahaha.
Basta ako, lahat kinakain ko. Walang halong pagiimbot at nuong katapatan.
Ingat
ay0s!! tawa na naman ako ng tawa magisa..
:))
ako ayaw ko din sa okra, para kasing may mantika sa dila ko pag kumakain ako nun ih..
Pareho tayo Kuya. Hindi ako kumakain ng gulay at seafood. Hindi kasi MASARAP!
Gusto ko to!! Usapang pagkain! hehehe
Kahit alam kong MEDYO mahilig ako sa pagkain may ilan din naman akong hindi kinakain, numero uno na ang gulay. Bukod dun wala na ako maisip na hindi ko kinakain.^_^
Sakin ok lang kahit ano ang iulam, kahit yung fishball inuulam ko yun kahit nga yung oishi pwedeng pwede na. At yung chichaw, alam mo yun?
Para sa mga hindi kumakain ng gulay na tulad natin kailangan natin makatikim ng isang napakasarap na luto ng gulay kasi dun nagsisimula ang pagkahilig ng isang tao sa pagkain. Once nagustuhan mo yung lasa masusundan pa pagkain mo nun diba? Kaya kailangan natin ng isang magaling na chef..naks! ^_^
At kuya drake wala ka talagang pinalagpas na pagkain, pati langaw natikman mo na. Inggit naman ako.hihihi..
Ingat ^_^
oks lang ako sa lahat ng gulay sa bahay kubo.....
@No Benta
Oo nga nararamdaman kong magkapatid tayo, at ikaw yung tinapon ng nanay sa likod bahay ntin! Akala nya kasi mongoloid ka! Pero di naman pala normal ka pala!LOLS! Joke lang!
Di pa ako nakakatikim ng alugbati saka ng saluyot! Di ko nga alam hitsura nun eh! Pero kulantro nakakain na ako!
@Keso
Peyborit ko rin yung Hiranaya manawari, lagi ko ngang winiwish nun na magkasakit ako para mapanood ko ang hiraya manawari (alas 10 kasi yun).
Yun lamok mapait din yun, kaya di masarap! Next time subukan ko ipis naman!
@Vonfire
Bwisit ngang langaw yun kala nya ata may tae ang bibig ko! Sarap hambalusin ng binilot na dyaryo!Ingat von
@Xposiac
Ahh so isa ka palang PG, so nakakahiya ka palang dalhin sa handaan, ganun! Saka medyo natatakot tuloy akong ilibre kita kasi baka sulitin mo!hahah! Joke lang! Okay lang naman sa akin ang isda basta prito!
@B2 (roanne)
Susubukan ko, pero kung may malasahan akong pait hindi ko na ulit susubukan yun! Eh di ko kasi alam kung bakit naging masarap ang MAPAIT! Eh papaitan di rin ako kumakain, mabaho pa amoy puwet!Ingat b2
@an indicent mind
OO nga ano ba ang meron sa okra, wala namang bibig pero punong puno ng laway?? Ano nga kayang hiwagang bumabalot dun?
@kikilabotz
Maasim ba? hindi kaya sinawsaw mo pa yun sa suka para mas masarap! Mapait sya eh kasi nanguya ko pa yung pakpak nya!
@Nightcrawler
Ikaw na ang may allergy sa seafoods,ikaw na ang mayaman!hehehe! Ako din mahilig talaga sa manok (pwera lang ang thigh at wings), hayaan nagseselan na naman!hahah
@Jag
Naks halos lahat naman pala kinakain mo! Bakit ayaw mo ngn kambing eh lasang beef naman yun! Tyak nakatikim ka na nun, hindi mo lang nalasahan! Yung aso lasang beef na pork na hindi mo maintindihan! ganun ang lasa!hehe
choooooosy much? haha!
mahilig ako sa gulay kaya pag umuuwi ako sa probinsya at tatanungin sa akin kung ano gusto kong ulam, sagot ko, "yew know the drill, mom! gusto ko ng gulay!" hehe.
WV: pechay
@Kosa
Bro bakit ambait bait mo sa akin! Nilalagnat ka ba? O dahil inlab ka lang talaga! Naks ikaw na Kosa
@definella
Maraming salamat sa pagbalik sa aking kwarto! Nice related na yungn comment! Joke lang! Sana nga pala nakatulong ako dun sa problema mo!ingat
@Kaitee
Yehey mabuhay ang mga hindi mahihilig sa gulay at seafoods! Mabuhay!hehhe
@Darklady
Ako rin ginagawa ko ring ulam ang deep sea (yung chitcahrong tig pipiso), Fishball at kikiam inuulam ko rin! Pareho pala tayo darklady eh!
Alam ko di ka rin mahilig sa gulay kaya magkaksundo tayo dyan. Kaya kung sakaling magkita tayo ililibre kita at hindi tayo kakain ng gulay.....puro fishball na lang!hahaha
Subukan mo ring kumain ng langaw para IN ka!LOLS!Ingat
@Chingoy
Pati SINGA kinakain mo? sorry LINGA pala!
@Andy
Mahilig ka pala sa gulay! Naks kaya ka pala mukha kang mayaman! Yun na yun! Dahil mahilig ka sa SALAD, sa aming mahihirap ang tawag sa salad ay HALO-HALONG GULAY lang!hahaha!ingat!
Hahahaha.sige pwede na rin, libre mo naman e. basta ba may samalamig din na kasama..^_^
di ka nag-iisa sa pagiging maselan sa pagkain... ako din... dami ko di kinakain... yung ilan dahil sa allergy... pero karamihan dahil di ko lang type... hehehe
hindi rin ako mahilig ako sa seafoods at ayoko ng aso kasi alaga ko sila. hindi ko ma-take na kainin ang mga pets. lol
pero bilib ako sayo, nakakain ka ng langaw?! ewwwwww. hehe
Ayaw ng mga intsik sa Seafoods "bili mahal, tapon kalahati".
Ayoko rin ng gulay lalo na kung lutong diningding--ayoko ng malaway.
Ayoko rin ng maanggo--ayoko ng kambing, aso, camel, mutton at lamb. Pero nakakain na ako ng tandang na panabong--natalo sa sabong.
Ayoko ng mainit, ayoko ng mabaho, ayoko ng maputik!
Choss! hehehe!
**Wag kang mapili, mahirap ang life--lalo na ang mag pamilya. You will know, soon.
kuya drake,iba puh sagot mu eh.ahehe pero maraming thank you pa din :)
Offtopic ulet?!
wahihi
Ako di din ako mahilig sa gulay pero natutunan kong kumain niyan nung tumira ako sa mga Tita ko sa squaters.
Ampalaya, okra, alugbati, talong - mga natutunan kong mahalin. Yung saluyot sa misis ko na lang natutunang kainin, masarap pala siyang pang-palasa ng sabaw. Pero ang pinaka-ayaw ko ay kalabasa, pero kumakain din ako nito pero hangga't makaka-iwas hehe - iwas ako. Kaya siguro malabo mata ko hehe.
Kahit kelan ay di ko ninais na kumain ng paborito mong lamok at langaw kasi magmu-mukha kang palaka kapag madalas ka raw kumain nito hehe!
Kumakain din ako ng bahaw na kanin, isda pero di ako kumakain ng palaka - pakainin mo na ako ng tapa ng kabayo o ng kalabaw, ahas, bayawak at salagubang pero ayoko talaga ng palaka. Paborito ko kasi si Kermit the Frog sa Sesame Street kaya di ko maatim na kainin siya. Si Pong pagong kakainin ko pa hehe! pwera rin pala si Kiko Matsing. ahahay!
For some strange reason, kinabahan ako sa maaaring koneksyon ng taong talong sa diet mo. LOL.
Kumakain naman ako kahit papano ng gulay hindi nga lang ako enthusiastic. So ibig sabihin nung mga panahong "naghihirap" ka eh panay pa rin ang iwas mo sa gulay sabay "I don't eat plants like eww."
Sabi na nga ba, hindi totoong mahirap ka!!! Mapagpanggap, parang si Villar!!!
haha mwahchupa
kumakain din ako ng gulay. Coleslaw ng Mashed potato KFC. Tomato Catsup ng McDo. Potato french fries sa Mcdo. Snacku na pampulutan. Mojos ng Shakey's.Garden Fresh Pizza ng pizzahut. AYAW ko ng mga gulay na to dahil mahal, pero kinakain ko parin sila kasi nakakabuti to sakin.
Hindi ako masyadong choosy sa pagkain.
Pero hindi ako kumakain ng talaba, parang sipon lang lang eh, pero kakain din ako kung idi-dare.
Hindi rin ako kumakain ng dinuguan. bawal sa relihiyon namin. pero kung may kasabay na puto ang dinuguan, hindi na sya bawal.
Buti na lang at wala akong allergy sa pagkain. lahat pwede, pwera lang ang langaw.
God bless! :D
@darklady
Oo naman, kahit anong flavor ng samalamig walang problema!
@Gillboard
Nice may allergy...mayaman!LOLS! Mukha ka ngang maselan sa pagkain sa tingin ko lang! Sosi ka siguro!hehehe
@Karen anne
Hindi naman ako kumakain ng pet ko, pet ng iba oo!hahaha! Pero sa totoo lang isang beses palang akong nakakain ng aso, kinakabahan pa nga ako nung kinain ko yun eh!Ingat
@Ayie
Hindi naman ako mapili sa pagkain, kung may pagpipilian lang saka lang ako nag-iinarte! Pero kung wala ng choice kundi kainin kinakain ko naman.
Pag nakikikain ako sa bahay ng may bahay, hindi naman ako choosy. Kahit hindi masarap kinakain ko pa rin!
Ingat palage
@Definella
Hahha, hayaan mo na yun sa susunod na lang!MAraming salamat nga pala sa pag-add sa akin sa FB!ingat
@Noel
Ang Harte! Marami ka palang hindi kinakain! Masarap kaya ang palaka lasang manok. Hayaan mo pagnagkita tayo pakakainin kita ng palaka. Hindi mo naman ata sinubukan eh, naginarte ka lang kasi nakakadiri ang hitusra!hahaha! Lasa syang manok pero maliit lang!
Palibhasa mahilig ka sa gulay kaya mayabang ka na ngayon!hehehe!Subukan mo lang baka naman magustuhan mo kasi okay naman pala ang taste buds mo! Yung taste buds ko kasi ayaw talaga ng mapait, medyo bumabaligtad ang sikmura ko dun eh!Eh karamihan pa sa mga gulay mapapait kaya hayun ayaw ko talaga!
Ingat ka dyan parekoy!
@Victor
Welcom sa aking kawarto. Sana bumalik balik ka pa. Tungkol naman sa taong talong wala namang kakone-konesyon yan! Wala lang akongn maisip!hehhe
@Glentot
Hahha, nung naghihirap kami paborito ko ang sardinas! Lahat ng klase ng sardinas (mahal kaya ang gulay nun). Tapos yung chitcharong tigpipiso saka suka yun lang ang kinakain ko. Buti na lang din ay may alaga kaming manok na native, kaya di naman namin naranasang magdildil ng asin!hhehehe!
@Rah
Wow ang sosyal sosyal naman g selection mo ng mga gulay!heheh! Yung coleslaw sa KFC hindi ko kinakain yun! Kasama yun di ba sa bucket meal, hayun pinamimigay ko na lang yun!
@Chie
Welcome back chie, tagal mong di nagparamdam ah! anong nangyari sa iyo??
Tungkol sa dinuguan,ahhhh siguro INC ka no! Oo nga bawal nga pala sa inyo yun! Pero okay lang yun kanya kanya yan ng paniniwala eh!heheh!ingat
grabe ang sarap kaya ng gulay lalo na ampalaya, nom!nom!nom! pero aaminin ko dati hindi ako mahilig sa gulay lalo na ung mga malalaway kac feeling ko kumakain ako ng uhog pero nung napunta ako d2 sa disyerto napilitan akong kumain kac kelangan (bawal magkasakit take clusivol)...sa ulam pinkagusto ko sa lahat pritong isda kahit anong isda wapakels bsta prito...yumyum!
nakatikim na din ako ng langaw,, langaw na nakalagay sa ice candy na benebenta ng titser namin nung grade 4..ammppness kala ko ksama xa dun ninamnam ko pa xa ng maayos pagtingin ko tae langaw..*yuck!
sa buhay tama ka madami choices..bsta tama ka...tama ka......ayokong magdagdag tinatamad na ko..wahahhahahaha....
hameshur blog....muwah!
Post a Comment