QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, April 3, 2010

Matakpan lang!

Kailangan gumawa ng bagong post para matakpan ang previous post ko tungkol sa magtyuhin na sina Jepoy “Ang nagsasalitang Ponkan” at Glentot “ Ang Itim na Dewende”. Dahil ngayon alam na natin na puro lang kapuwitan at kaartehan ang sinabi nilang pagsasara ng kanilang blog. Papansin lang ang dalawang yun.

Nga pala yung tribute ko sa dalawang yun ay bahagi rin ng April Fool’s Day, kaya pinagluluko ko lang yung dalawang yon! Makabawi lang ba sa mga taragis na yon!

At para matakpan lang ang entry ko na yun! Magrerepost ako (sorry naman!)
________________________

Anu-ano ba ang mga una mo sa buhay?Ako, marami akong una o first na naranasan ko sa aking buhay, at isasambulat ko dito na parang tae sa blog ko ang tatlong mahahalagang una sa buhay ko:

UNANG HALIK (FIRST KISS)



May kalaro ako nun na itatago nating sa pangalang Nene, isang taon ang tanda nya sa akin. Anim na taon ako noon at sya pitong taon. Iyon ang mga panahong supot pa ako, di nagbibrief at bunge bunge pa ang ngipin. Naglalaro kami ni Nene ng paborito naming laro.....tenen...... ang antigong “BAHAY BAHAYAN”.
.
Obviously, sya ang nanay at ako ang tatay. Madalas akong pakainin ni Nene noon ng niluluto nyang nilagang dahon ng kaymito o di kaya ang malinamnam na sinigang na bato Ako naman madalas ko syang pasalubungan ng kuwintas galing sa dahon ng kamoteng kahoy at singsing mula sa “pritos ring” na tig pipiso kina Aling Lumeng.

Heto ang siste, naglalaro laro kami ng bahay bahay, at syempe kunwari gabi na kaya matutulog na kami. Humiga ako sa maliit na kama sa loob ng bahay bahayan namin, tapos sumunod sya. Syempre matutulog ako kaya pinikit ko ang aking mga mata . Pero nagulat na lang ako nang may biglang dumampi sa aking labi, akala ko lamok lang at balak ko sanang hampasin ng ubod ng lakas. Pero pagdilat ko si Nene pala ang humahalik sa akin (Porno??) Wala naman akong kamali-malisya noon kaya nag-iiyak ako (Malay ko bang may pagnanasa pala sa akin si Nene).
Kaya nagtatakbo ako at sinumbong ko sya sa nanay . Sabi ko kay nanay “Bad si Nene kase ni-kiss nya ako sa lips, huhuhu!(sabay singhot para bumalik ang uhog). Hayun tumawa lang ng pagkalakas lakas ang nanay at nanakot pa “HALA LAGOT KA, MABUBUNTIS SI NENE”. Kaya naman lalo akong umiiyak, syempre nakakatakot baka magmukhang bukayo ang anak ko (maitim kasi si Nene noon).

UPDATE: Si Nene ay isa ng titser ngayon,hindi pa sya nag-aasawa (eh baka iniintay ako) medyo pumusyaw pusyaw na sya ngayon.(Pero kung tinatanong nyo kung gumanda sya, eh masasabi ko lang ay ............“MABAIT SYA”)


UNANG GELPREN (FIRST GF)


Una akong nagkasyota noong Port Dyir hayskul ako, bale ex-gelpren yun ng bespren ko. Eh nagkasawaan na kaya ako naman ang nanligaw. At di naman ako nabigo at sinagot nya ako bago kami mag Field trip sa Enchanted Kingdom. Tanda tanda nya yung araw na yun kasi nga iyon ang araw na sinukahan ko sya sa bus ,dahil sa hilo dulot ng mga dyaskaheng mga “RIDES” na yan sa EK. Sama kamo non, sinubukan kong pigilan ang pagsuka pero para palang bulkang Pinatubo ang bibig ko dahil sumambulat ang durog durog na Nagaraya (yun kasi baon ko), Chippy at kanin sa pagmumukha ang aking gelpren. (ang sweet ko noh)

Medyo okay naman sya kaso yun nga lang mas kilos lalaki pa sya kesa sa akin, boyish kasi sya (pero di sya tomboy). Madalas pag nakaupo yun eh nakabukaka at parang pinapahanginan ang ………. (alam nyo na!). Kaya sinasaway ko, sabi ko isara sara nya yun kasi baka sya kabagan o di kaya pasukan ng langaw. Pero madalas di naman sya nakikinig at binabatukan pa ako sabay konyot.

Nagbreak kami kasi napakaselosa nya, at nasasakal na ako. Sabi nya isip bata daw ako, eh di naman totoo yun at wala syang pruweba. Sya ang selosa kasi madalas nyang pagselosan yung teks, holen, gagamba at goma ko. O kaya pag hindi ko sya inahahatid kasi nga busy ako sa pagtataching, kara krus at pag hinahabol ko yung palabas sa TV na “VOLTRON” tuwing alas kwarto.Kaya nakipagbreak na ako sa kanya kasi napakaselosa nya talaga. Kaya wag nyang sabihing isip bata ako, dahil sya ang immature. Ayaw ko sa ganung gelpren na immature, kaya hindi ko SYA BATE!!!

UPDATE: Ikakasal na sya sa December, 2010. Nasa Japan sya ngayon (hindi sya Japayuki dun, banker sya….BANKER!!! )

UNANG PAG-IBIG (FIRST LOVE)


Si Lynette ang aking unang pag-ibig (pinangalanan na talaga), halos tatlong taon ko syang niligawan. Halos maging hampas lupa na ako sa kanya , kasi di ako kumakain , tinitipid ko yung baon ko para maihatid ko lang sya sa kanila (Pampanga kasi bahay nya). Kung sakaling medyo kulang na kulang talaga sa pera, eh nag wawantutri na lang ako sa dyip(di ako nagbabayad ng pamasahe pauwi).
.
Kaya lahat ng gimik nagawa ko na tulad ng matulog kunwa-kunwarian, magtatakbo pag huminto na sa tapat namin yung dyip, magtago sa likod ng pasahero o di kaya maging dakilang taga-abot ng bayad at tagapagkwento ng driver.Minsan nabulyawan na ako sabi sa akin “HOY TOTO, ANG KAPAL NG MUKHA MO!!MAGBAYAD KA!!”, hayun tinakbuhan ko sya at naghabulan kami. Malas nya, eh matagal ko nang pinagpraktisan yun.

Biruin nyo halos tatlong taon ko syang niligawan. Inaway ko na ang mga barkada kong naging karibal ko sa kanya. Umuwi ng hatinggabi maihatid ko lang sya (dulo kasi sya ng Pampanga, ako naman dulo ng Bulacan) at mag wantu tri gabi gabi, pero sa huli BINASTED din nya ako at nauwi sya sa isang barkada kong simple kung umatake. Kaya halos pagsakluban ako ng langit at lupa nun, ayaw ko na ngang pumasok sa skul noon eh. Pinag-isipan ko na rin syang reypin (joke lang, di pa naman akong desperadong tao)

Kung tuusin din naman sya gaanong maganda (alangan pa nga sa akin eh, hahahhaha kapal ng mukha ). Kamukha nya si Sugar Mercado ng sex bomb, pero meron talagang mga babaeng malakas ang appeal. At aaminin kong malakas talaga ang appeal nya. Sya ang una kong pag-ibig at sya rin ang unang bumasted sa akin. Pero ganun talaga ang buhay , pinag NOVENA ko pa yun kay Lord na sana maghiwalay agad sila. Pero mukhang mahina ako kay Lord, hehehe!!

UPDATE: Sila pa rin ng barkada ko, eh malamang malapit na rin silang ikasal. Magkaibigan pa rin naman kami pare-pareho. Medyo nung nakita ko yung latest picture nya sa Friendster ,eh kamukha nya pa rin si Sugar Mercado.


**********************************************************************
Yan ang mga una ko sa aking buhay, sabi nga nila sa ingles , there’s always “first”in our life. Laging may una sa buhay natin, lahat naman ng bagay ay kailangan may una. Kumbaga sa unang pagkakataon duon natin masusubukan ang ating mga sarili.. Maaring sa unang beses pa lang mabigo na tayo, pero okay lang yun kasi sa ikalawang beses susubukan na nating magtagumpay. Maaring sa mga unang subok natin sa buhay mahirapan tayo pero alam ko sa susunod sisiguraduhin natin madadalian na tayo.


Tandaan sana natin na sa mga una nating karanasan dun tayo madalas matuto. Duon natin naiintindihan ang bagay bagay. Duon tayo nakakahanap ng solusyon, duon tayo nakakita ng paraan at duon tayo mas tumatatag bilang isang tao. Huwag tayong matakot kung ito ay una palang sa ating buhay, sabi nga nila “mas mabuting sumubok ka at mabigo kesa maging bigo ka kasi di ka sumubok”.
Salamat po.

32 comments:

darklady said...

At una nga ba akong nag comment?hehehe..

Inabangan ko talaga na mag post ka..naks!! hehehe..

Medyo pinahapyawan ko lang yun basa kasi nabasa ko na din to noon.

Hmm...baka nga kayo talaga ni nene para sa isa't isa?hehehe.

Nga pala san ka sa BULACAN?

ladyinadvance said...

errrr naman..seryoso juk lang ung kina glentot?!..weeeehh mga adik kaibigan mo..hahahaha...

oh well maganda tlaga at memorable ang mga unang karanasan pero meron din hindi, ung tipong pinapanalangin mo na sana hindi na nangyari ang bagay na un, pero sabi mo nga ano mang klaceng (unang) karanasan yun, isang malaking tulong din un para matuto tayo...experience is experience anyway.....

love it kahit nabasa ko natong entry mo natatawa pa rin ako.....

take care lagi!!!

gege said...

haha! natuwa ako kay nene...
ayyeeeee!!!
wala bang feeling na kahit ano kapag nakikita o sya?
baka tama si dark lady...
haha!

nicenice!

naalala ko din ang mga first ng buhay ko...

naalala ko lang... haha!

^ - ^

KESO said...

hahahha, sumaya bgla ang araw ko(ngdadrama na naman kase ko knina pa haha), at tuwang tuwa ako kay nene, masyadong agresibo! pasaway! haha. at iba ang pers lab mo at pers gf mo. ibg sbhin ba non di mo minahal si pers gf? -inosenteng tanong. haha

Stone-Cold Angel said...

ayos ang iyong pagbabahagi ng iyong mga una...

Ako man, kagaya mo, ay nanakawan ng halik sa paglalaro ng bahay - bahayan. hahaha!

=)

roanne said...

B1 haha! uto-uto ka talaga! akalain mong nauto ka ng mga kaibigan nating oso! LOL buti na lang hindi ko naisip ang naisip mong pagbibigay ng tribute hehe

ang mga style ni nene panalo! akala ko ung isang taon na pagpapahirap ko sa ex ko ay mahaba na... natalo ako ni lynette.. 3 taon... uto-uto ka talaga B1, nagpauto ka ng 3 taon? haha... tapos basted ka rin pala? hehe...

sa sunod ung second naman, palagi na lang una ang first diba pwedeng mauna ang second? ang gulo ko. happy easter B1!

DRAKE said...

@darklady

Si Nene, kapitbahay namin, sa balat nyang mala-ahas, at bunganga nyang parang pinitpit na lata, mukhang malabo kaming magkatuluyan!hahaha! Dito nga pala ako sa Balagtas!hehe

@Lady in Advance

Another Lady again, hehehe! Nabasa mo na pala ito! hehehe! medyo naisip ko sayang naman kung hindi nababasa ng iba itong sinulat ko na ito kaya binalik ko uli

@gege

Yan add na kita sa blogroll ko dahil close na tayo!naks!! Hehe! Tungkol sa sagot ko tungkol kay Nene, pakibalikan yung comment ko kay Dark Lady!

DRAKE said...

@Keso

Yun kay per GF parang laro laro lang yun! Kumbaga uso kasi ang gelpren gelprenan nun kaya di ako nagpahuli, nakugelpren din ako!hehehhe

@Stone Age

Oo nga medyo marami ngang nabibiktima ng bahay-bahayan na yan, kaya yung isang kaibigan ko nabuntis dahil sa bahay-bahayan na yan! Eh kung di ba naman sila engot 21 na sila naglalaro pa rin ng bahay-bahayan!

@B2

Tama ka isa akong dakilang uto uto!!LOLS

Oo at talong taon akong pinaglaruan ni Lynette (nabubulunan na yun ngayon), buti yung ex mo kahit pinahirapan mo ng isang taon, naging kayo. Itong si Lynette wala lang ginawa lang nya akong laruang dinosaur!
Bakit kayong mga babae B2, kailangan pahirapan pa kaming mga lalaki! Its so unfair!hehehe
Ingat B2 Happy Easter!

Andy said...

eh asan ang unang sex? hahaha!

kakatuwa naman mga first time mo. parang ambitter-bitter mo pa din kasi nilalait mo sila. haha

darklady said...

Sa Balagtas ka pala. Layo nga ng pinupuntahan mo para ligawan yung first love mo. Pampanga pa! tagal din kaya byahe nun.hehe. Taga Bulacan nga din pala ako. Kapitbahay nyo.( nene kaw ba yan?)hehehe..joke! pero taga Bulacan din ako. Sa Baliuag talaga kami pero dahil umuupa kami, nandito kami now sa Pulilan. sa kalye M. Del Rosario ....( pupuntahan ba?!! sasabihin pati address..hehehe..joke! joke!

Sign na yan na pabalik na ako sa sarili ko.^_^ Kaya kung ano ano na naman pinagsasabi ko..

Anyway thanks nga pala. Umo oks na ako..

At isa pa..parang hindi ko ma imagine yung pagkaka describe mo kay nene ah..

Pero malay mo diba??..kayo rin..hihihihihi..(kulitski) ^_^

vonfire said...

sa haba ng entring to ay tinakpan mo ng to the highest level ang last post mo drake hahaa!

eniwey, cute ang mga first mo sa buhay, meron din ako nyan kaya lang sa kin na lang mga un! :D

kikilabotz said...

wag ka mag alala pareng drake hindi naman hlatang nauto ka nila eh. wahahahaha. ang saklap anoh? ahaha..

uhmm meron k pang hindi nikukuwaento yung first ano mo. hahahahaha. cg n ikwento m na. ahahaha

roanne said...

aba syempre B1! gusto mo ba ung madalian pero latak ung makukuha mo? e di sana nagpakamatay ka nalang... hehe parang TUBA lang yan eh... habang tumatagal lalong sumasarap... haha! don't get me wrong... habang tumatagal ang pagpapahirap... este... ligawan mas lalong lumalalim ang pagkakakilala sa isa't-isa... edi masaya! :)

karen anne said...

first love never dies ba??hehe pero ang suggestion ko syo ay kay nene ka na lang. siguro hindi mo na kailangan manligaw ng 3 yrs nun. LOL hinihintay ka talaga nun kaya hindi pa married.hehe. kung mabait naman sya i think there's nothing wrong with that. hahah

No Benta said...

pareng drake, mukhang naisahan ka talaga nila jepoy at glen ha.

lahat naman tayo ay dumaan sa ganyan tulad ng pinapalabas sa lecheseryeng "first time" ng gma. pero bakit wala yung first time mo kay junior? Hahaha

DocBoy said...

Hay naku! dami na talaga ang fans mo bro! naduling ako sa kaka scroll down, bago ko nareach ang end para mag post ng comment. nagdilim tuloy ang panigin ko. Natatawa ako sa mga words na ginagamit mo. Count me in, as member ng iyong fans club, hehehe

Chingoy said...

hahaha

hinintay kong ikwento mo ang unang chukchak mo, pero I suppose hindi pa yan nangyayari... oh well...

masabi ko lang na tama ang kutob ko sa mga kaengotan ng dolphy at panchitong iyon... hayuFFFFF!!!

Jepoy said...

dagdagan natin yang mga first mo pag uwi mo okay *wink*

DRAKE said...

@Andy

Bastus ka! Iheytchu!

Di naman ako bitter bro, nagkukwento lang! Aba maysakit na eh puro kabastusan pa rin ang nasa isip!hahaha!peace man!

@darlady

Sabi na nga ba bulakenya ka eh! Kasi tayong mga bulakenyo mga malalamabing at mababait. Given na rin ang pagiging gwapo at maganda!hehhee! So mas madali pala para sa ating ang magkita para maibigay ko yung toblerone mo!heheh Ingat parati

@vonfire

Buti naman nga at natakpan ayung isa ko pang post! Mga mbwisit kasi ang magtyuhin na yun eh!Salamat sapagbisita! add kita sa blogroll ko!Ingat

DRAKE said...

@Kikilabotz

Isa ka pa, puro kayo ka LIB*GAN!Hahaha! Napaghahatalata dito kung sino ang mga manyak! Joke lang pre!hahaha! Oo nga nauto ako ng magtyuhin na yun

@Roanne

Ganun ba yun, mas matagal mas masarap. Uhmmm parang di naman!Kaya nga after ni Lynette pag nanligaw ako mga 2 months lang ang expiration date ng panliligaw. Kung ayaw nila, eh di ayawan na!hehehe! Mano ba kasing sabihin na kung ayaw nila sa akin, hindi yung pinapatagal pa ang pagsasabi ng "Ayoko ko sa iyo"hehe!ingat B2!

@karen anne

Uhmmm, gusto ko namang gumanda ang lahi namin. LOLS!joke lang! Ayoko ko dun parang armalite ang bibig nun! Masakit sa tenga ang bibig nun!hehhee

DRAKE said...

@No Benta

Pati ba naman ikaw ganun din ang tanong?Uhmmm napapansin ko pag babae ang nagcocomment tungkol kay Nene ang comment nila, pag lalaki naman puro tungkol sa sex naman! Grabe talaga, napaghahalatang mas malilib*g ang mga lalaki kesa sa babae.

@Docboy

Salamat po sa sinabi nyo. Hindi pa naman po marami ang aking fans, hehehe, konti lang po yan!Sana po mas lalo kayong dumalas sa pagbisita sa kwarto ko!ingat po!

@Chingoy

Isa na namang manyak comment!hahah joke lang! Oo tama ka nga medyo naisahan ako ng isang ponkan at isang dewende! ITIK LANG ANG WALANG PANTY (lintek lang ang walang ganti)!!!

@Jepoy

Tae mo blue!

an_indecent_mind said...

fail... di natabunan ang post mo sa kaemohan.. nakaukit na sa aming isipan na mahalaga pala sau yung mga taong nilalait mo.. akala ko nga magsasarado ka na rin ng blog mo sa pakikisama sa kanila e.. wehehehe!

asan ang first jug jug?? mafi? lol

Noel said...

aysus replay!

matagal din akong nawala tapos ito ang aabutan ko.

Mangungumusta na lang ako. Kumusta na? Hope nasa ayos kang kalagayan pre!

Michael Jay Mesa said...

hahaha...naaliwako kay Nene..wahahaha...more!

Jepoy said...

dahil mahaba ang reply mo sakin hindi na me babalik forever. Bye

Jag said...

Yang bahay bahayan na iyan tsk tsk tsk...may naalala tuloy ako...

bka inaantay ka nga ni nene hehehe...

Go go go parekoy!jijiji...MABAIT naman si Nene eh jijiji...

Hindi ko kilala si Sugar Mercado pero for sure maganda at seksi un kc sexbomb dancer hehehe...

Ghie said...

Pero naniniwla kaba na lahat ng una mahirap kalimutan? hahaha curious lang po..baka kc gaya rin kita..Napadaan po sana mapasama sa bloglist mo ang blog ko at sana mapadaan ka rin dun...

Ayie said...

Aww! Ang sweet naman ni Nene. Hehehe, na fers tayman ka dun!

Naalala ko rin tuloy ang fers kiss ko...sa mahabang hagdanan malapit sa pinto--ay wag na!

hehehe!

Tama, takpan na ang tribute na yan sa mga kulugong yon!

DRAKE said...

@indecent mind

Mukhang pati ikaw yun din ang tanong ah! Wala ba kayong maisip na matino kundi puro sex sex at sex! LOLS!ingat pre

@Noel

Oo nga pre ang tagal mong nawala, san ka ba nagsusuot?Tapos nagbagong anyo na rin ang blog mo, medyo nagnonosebleed ako dun pre!hahahaha!ingat pre dalaw dalaw lang lagi

@Michael Jay

salamat sa pagdalaw! Dalaw ka ulit ha!ingat

DRAKE said...

@Jepoy

Ganun may pagbabanta!Hahaha

@jag

Oo nga maraming nadidisgrasya dyan sa bahay bahay na yan!hahaha! Bakit nga ba pinagpipilitan nyo si Nene! Gusto mo ipakilala kita sa kanya parekoy!hehe!ingat

@Ghie

Na-add na kita sa blogroll ko! Sana lagi kang madalaw ka sa kwarto ko palagi!ingat

@Ayie

Hayan tinakapan ko na yung post ko tungkol sa dalawang teletubbies na yun!okay na!

Sige kwento mo naman yunng mga firsts mo para masaya!hehee!ingat

glentot said...

Hahaha pinagtakpan pa ang tribute hehehe

Next time naman yung mga first sex OK Go!

SCOFIELD JR. said...

dahil sa kapapanood ko ng first time last week nagbalak akong magpost ng mga first time sa buhay, kaso naunahan mo naman ako... :(

ingat