QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, March 31, 2010

Jepoy at Glentot

Itong post ko na ito ay iaalay ko sa aking dalawang mabubuting kaibigan sa Blogosphere, at sila din ang unang mga tao (tao nga ba??) na nameet ko ng personal...... SI JEPOY AT GLENTOT

Bago pa lang ako noon sa mundo ng blog, at halos ang bumabasa lang ng blog ko ay mga lamok at langaw . Wala pa akong mga PWENS noon, dahil nga medyo suplado ako (artista eh, pakealam nyo ba). Habang ako ay kumakandirit dirit sa mundo ng blog, napadpad ako sa blog ni Jepoy. Medyo natuwa ako sa mga hirit ni PONKAN (tawag ko kay Jepoy) dahil nga kakaiba at talaga namang nakakagaan ng pakiramdam (yung tipong pagkatapos mong umutot, ang sarap sa feeling). Tapos sobra akong tawa ng tawa noon (na kita ang gums) sa mga pinopost nya,minsan nga binatukan ako ng kasama ko dahil mukha daw akong tanga (sya naman mukhang bayabas). Eh kasi nga sobra akong naaaliw sa mga hirit ng “Nagsasalitang Ponkan” na si Jepoy.

Akala ko nga isa ng batikang blogger itong si Jepoy dahil nga ang daming nyang FANS, tapos ang dami nyang followerseseseseses (see watusi, madami talaga), kaya nga nahiya akong magcomment sa kanya kasi nga sino ba naman ako para pansinin ng isang sikat na blogger. Kaya nilakasan ko ang loob ko, lumunok ng laway at presto nagcomment ako. At natuwa ako sa kanya dahil hindi nya ako pinahiya.

Tawa ako ng tawa sa post nyang BAKIT KUMAKATI ANG SINGIT KO. Tapos nasingit pa ang blog ko dun. Sobrang lumundag ang aking esophagus sa sobrang tuwa ko sa kanya.

.Kaya sino ba namang reader ang talagang hindi mamimiss ang isang blogger na katulad ni Jepoy?

Si Glentot naman, nakita ko sya sa bakuran ni Paps (Pablong Pabling). Medyo natuwa ako sa mga hirit nyang comment kay Paps. Kaya naman sinubukan kong puntahan ang blogsite nya. Medyo umpisa akala ko isang HOODLUM si Glentot, kasi nga puro mura ang nababasa ko sa kanya. Tapos akala ko rin isa syang RAPIST kasi nga puro bastos rin ang nababasa ko sa blog site nya. Tapos tawa ako ng tawa sa nickname ng kaibigan nyang si………………. KHIKHI (sino ba namang hindi matatawa dyan). Para akong kinikiliti sa kuwan…. sa kilikili pag nababasa ko ang nickname ni……KHIKHI (inulet pa talaga). Kaya naman binasa ko talaga ang buong blogsite ni Glentot, at tawa ako ng tawa talaga sa mga nababasa ko sa kanya. Tapos alam mong isa syang special child… sori gifted pala dahil nga alam mong matalinong lamang lupa itong si Glentot. Magling pang magdrowing (Okay ikaw na ang batang promil!!)

Pero nalaman ko na sa likod ng isang maangas at bastos na Glentot, ay ang isang mabait at mapagmahal na tao. Medyo nung nabasa ko ang kwento nyang KATRINA, nalaman ko na may puso talaga si Glentot (kahit hindi sya saging). At alam ko na isang mabuti at mabait na kaibigan talaga itong si Glentot. (Totoo yun walang halong stir)

Noong nagkita kaming tatlo sa MOA (ang peyborit place ni Jepoy), nag-click kaming tatlo agad. Dahil siguro pare-parehong may tagas ang mga bumbunan namin kaya naman swak agad kami sa isat-isa. Dahil pasko noon, nagpalitan pa kami ng regalo sa isat-sa. Yung dalawa niregaluhan ko ng keychain na galing Saudi ( na alam mong kakalawangin after 5 days) tapos pabango kay Jepoy at bag kay Glentot (request nila yun). Ako naman brief ang hiningi ko sa kanila para pag suot ko yun maalala ko sila (pero totoo kasi nyan, kulang kasi ang dala kong brief nung umuwi ako sa Pinas). Tapos T-Shirt din na 3 stars and a sun ni Francis M.

Kain dito, nood ng sine doon ang ginawa namin noong nag-EB kami. Tapos inom ng kape sa istarbaks, kwentuhan at gaguhan. Halos lahat na ata napag-usapan namin, kaya naman napakasaya ng nangyaring EB na yun. Tapos nung bumalik ako sa Saudi, sobra akong na-tats nung nagbigay ng HOPIAng ENG BEE TEN si Jepoy. At wag ka limang box ng Hopia yun (mayaman) tapos si Glentot naman binigyan nya ako ng book ni Bob Ong. Ako naman binigyan ko sila ng………TENK YOU at MALUTONG NA KISS!!

Wala akong masabi sa kabaitan ng dalawang nilalang na yan. Kaya nga naging kaibigan ko na sila dito sa mundo ng blogosphere. At hanggang sa ngayon naggaguhan pa kami. Pero sabi nga nila ang lahat ng bagay ay may katapusan.

Nakakalungkot na parehong magsasara ang dalawa sa mga paboritong kong mga blogs sa mundong ito. Dahil na rin siguro sa mga hindi naasahang pagkakataon, nagpagdesisyunan nilang tapusin ang kanilang blog. Malungkot pero wala tayong magagawa kasi desisyon nila yun.

Pero ang bawat katapusan ay umpisa ng panibagong pagsisimula. Marahil natapos man ang blog nila, baka naman may magbukas ng magandang simula para sa kanila. Siguro dapat na lang nating gawin ay igalang kung ano man ang desisyon nila at maghangad na lang tayo ng mabuti sa kanila.

Salamat sa mga tawa binigay nyo sa akin at sa iba pang reader. Salamat sa libre mo Jepoy at Glentot. Salamat sa mga masasayang post na sinusulat nyo. Salamat sa magagandang comment na binibigay nyo sa akin. Salamat sa pambuburaot nyo sa akin. Salamat sa brief na bigay nyo sa akin. Salamat sa Tshirt, Hopia, at book na bigay nyo sa akin. At salamat sa pagkakaibigan na meron tayong tatlo.

Mamiss ko ang mga tawang idinulot sa akin ng blog nila, mamiss ko sila bilang blogger. At namimiss ko sila bilang aking mga kaibigan. Kung natapos man ang blog nila, sana hindi matapos ang pagkakaibigan na meron kaming tatlo.

Ayokong magpapaalam sa inyo dahil alam kong magkikita kita pa tayo hindi man sa blog baka sa ibang pagkataon, lugar at panahon. Siguro ang pwede kong sabihin ay SEE YOU LATER. At kung sakalaing maisipan nyong bumalik, tyak marami ang matutuwa at marami ang masisiyahan muli. Pero sa ngayon mabuting intindihin na lang namin ang mga dahilan nyo.

Kaya para sa inyo JEPOY at GLENTOT ang masasabi ko sa inyo ay…………………… UTOT NYO BLUE joke lang .......................Mamimiss ko talaga kayo ng sobra!!!! (sana bumalik kayo agad!!)

Ingat at maraming salamat.

42 comments:

ladyinadvance said...

awwwww ur so sweet drake...at how sad naman d na sila magblog (d ko man lang napasadahan mga blog nila.hehe)
...
anyhow thats life, am sure naman may reason un kung bakit nila sinara ang blog, ayaw na nila cguro mag artista (hirap kaya daming fans..hehe).....

sa inyong dalawa JEPOY at GLENTOT, God bless you at best of luck para sa kung ano mang mga plano gusto nyo gawin sa mga buhay nyo.........antay lang kmi sa pagbabalik nyo!....

unaaa akooo!!!!!!!!!!!!!!!

The Gasoline Dude said...

WHOA! Hindi nga?! Teka, hindi pa ko nakapag-bloghop, hindi ko alam ang buong kuwento! :(

Chingoy said...

ako'y baliw...
malungkot na masaya

malungkot dahil mawawala na ang mga blogs ng peborits ko at idol nga...

masaya kasi namit ko sila ng personal, at nagbonding over pizza at sipageti... at tubig.

God bless u jeps n glen! ang dolphy at panchito ang blogosperyo.

darklady said...

How sad naman yung pagsasara ng blog.Baka mag rest lang muna sila..

ANyway iba ka talaga kuya, banat na kung banat! hehehe. natatawa ako pag binabasa ko post mo, hindi ka naman mukhang clown. hindi nga ba?hehehe.

Parang ikaw pala ako,teka ano daw? parang ako ikaw pala..hehehe. kakalito,basta yun na yun. naintindihan mo naman diba?hehe. Una ko din nabasa ang blog mo, at dahil sa blog mo nagustuhan ko mag blog dahil talagang nakakaaliw ang post mo.mabiling mabili sa akin ang banat mo.No. 1 fan mo ako!!!

At ngayong madami ka na fans....kuya drake huwag ka magsasara ng blog ah..lagot ka kapag nagsara ka!! marami ang mag poprotesta!!. Kahit matatae ka o nag away kayo ng gf mo huwag na huwag ka magsasara!! OKAY????!!! (GALIT?) hehehe..

Basta ayun lang masasabi ko,Alam mo naman wala ako masyadong masabi kaya nagmukhang blog ko na naman to sa haba ng comment ko. Kung may bayad ang space dito ay naku lugi na ako..ang sasabihin ko na lang. "ok" o diba ang ikli,walang sense..basta ok lang..hehehehe..

Ingat na lang palagi!! ^_^

roanne said...

wala na ang mga kaibigang oso :(

pero malakas ang pakiramdam ko na sa pagbabalik nila anonymous na sila hehe :)

nauuso yata ang pag-alis, naisip ko na rin isara ang bahay ko at gumawa ng bago na anonymous, kaya lang naalala ko... ako lang yata ang nag-iisang blogger sa macau... makikita yun sa live feed... huli!

gege said...

eee.
ngayun lang ako makikisali at napag-alaman ang marami pang
GREAT PEOPLE dito!
kung kelan di nako busybusyhan... haayst.
sana bumalik na sila... AGAD.
(makademand...haha!)

hello kuya drake!!!
makikisali ako ah!

-gege

KESO said...

naku, pasaway naman kase, pinapalungkot tayo masyado. mamimiss ko ung dalwang yon kaya ikaw kuya drake, wg kng mgsasarado ha! tsk. sana bumalik din sila kagad.

Led said...

baka nag-iba lang sila ng domain? :D

Jepoy said...

Thanks Ponkan Drake. Eto ang kiss ko for you Muahchupa!

gillboard said...

hindi kaya april fools lang yang dalawang yan? hmmm..

but in any case sana magkasundo sila ulit.

Kaitee said...

Nakakalungkot naman isipin dahil recent ko lang nabasa ang blogs nila, magsasarado agad. Hayy. Sana aay maayos ang lahat at bumalik ang dalawang ito.

Jag said...

OMG! Totoo nga? Mwawala na sila? Bakit daw? Kasi bawal na sa company nila magblog? Adunno pero nalungkot ako dun ah. Hindi man kami close ng mga iyon pero mamimiss ko ang mga blogs nila. Hindi maitatanggi na nakakapagpangisi ang mga articles nila. Kokonti lang ang mga followers ko pero lahat ng mga iyon ay treasured at isa na sila doon. Ang drama ko hehehehe...

Anyways, kung di talaga sila papipigil gudlak ng lng sa kanila...

Di kaya magchange format lang sila ng blog?

Jag said...

Di kaya April Fool's lang ito? Kung ganun you got me....

Pero sana kaepalan lang nga ito hehehe...

No Benta said...

wow, sana makita ko rin kayo in person balang araw!

mr.nightcrawler said...

hay.. nainggit naman ako... ang sweet naman ni pareng drake! haha. i hope na april fool's lang yung tungkol sa pagsasara ng blog nila.. fan pa naman ako ni jepoy.

Stone-Cold Angel said...

Sana sa blog lang ang goodbyes...

hindi sa pagkakaibigan...

Sana din wag mo silang gayahin, Drake... Parang nagiging trend kasi ang pagsasara ng blog ngayon eh...

DRAKE said...

@ladyinadvance

Sweet ba? Hehehe kaya ikaw wag mo rin isasara yung blog mo kahit medyo matagal kang mag-update okay lang basta wag kang magpapaalam, I hate goodbyes kasi eh!naks! Lalo na ako malulungkot ako kung sakaling magsara ka!

Nga pala congrats, balita ko INLOVE ka!heheheh (talagang may congrats)

@Gasoline

Wala huli ka na sa balita!Kung saan saan ka kasi nagsusuot!!!

@Chingoy

Ika"y baliw!!

Matagal ko ng alam yun! Bakit nagulat ka pa ba?Hahahha

Si Jepoy at Glentot ang dolphy at panchito, ikaw naman si Babalu!! Ayos!Joke lang!

DRAKE said...

@Dark Lady

Hhehehe, buti naman at natutuwa ka sa mga hirit ko! well di naman pilit yan, kusang lumalabas ang kakulitan ko.hehehe! natutuwa ako kasi kahit paano naimpluwensyahan pala kita sa pagsusulat mo nhg blog. so ibig bang sabihin nun matagal ka ng bumabasa ng blog ko?hehehe baka naman kilala kita ayaw mo langn magpakilala sa akin!hehehe
Ako rin natutuwa sa iyo kasi tlagang pinagtyatyagaan mo talaga ang mga sinulat ko!
Salamat yung pangako ko sa iyong tobleron hindi ko pa naman nakakalimutan.hehehe ingat

@B2 (roanne)

oo nga medyo nagiinarte ang mga kaibigan nating oso (sila amy at lulu), masyadong nageemo, pero hayaan mo na sila alam kong di rin makakatiis yan at babalik at babalik yan sa pagboblog!hehhehe
Basta B2 wag kang magpapalam ha sa blogosphere!hehehe!ingat

@Gege

we3lcome sa aking kwarto, sige tambay ka lang dito! Hayaan mo dadalaw din ako sa blog mo at syempre babasahin ko yun! Maraming salamat talaga at sana bumalik balik ka dito ha!

DRAKE said...

@keso

Oo nga mga pasway ang talagang epal na yun!pero igalan na lang natin ang kaartehan nila! sige ako pangako hindi ako magpapaalam sa inyo!Kayo pa ang lalakas nyo sa akin!naks, meganun!

@Led

Malamang magpapakaanonymous siguro ang mga iyon dahil nga masyado na silang mga artista

@Jepoy

See ang hangsweet ko may tribute pa kayo! Parang artista ang mga tae!!

DRAKE said...

@gillboard

Parang nararamdaman ko ngang ganun yun!Kaya humanda ang dalawang taeng yan pag nalaman kong niloloko lang tayo nyan!

@Kaitee

Hayaan mo na sila, igalang na lang natin ang kaartehan ng dalawang yan!hehehe!joke lang!ingat

@Jag
Naks nageemo ka dyan!heheh! So ako treasured follower mo ba ako!Heheh! Hayaan mo na sila, may mga bagay na mahirap talagang intindihin! Ano pre kamusta ang bakasyon, wala ka pang update tungkol sa bakasyon ah!Iingatin ko yung mga upodate mo ha!Saka asan na yung pasalubong ko?Ingat

DRAKE said...

@No Benta

Ako ayaw mong makita bro?hahahah! Pre kung mapupunta ka nhg Riyadh sabihin mo lang akong bahala sa iyo!Naks!

@Mr.nightcrawler

hayaan mo pre one time gagawan din kita ng post!Ganyan ka kalakas sa kin!heheh! Bakit ba pasulpot sulpot a lang bro!busy ka ba bro? update ka naman ng blog mo pre!miss ko na kwento mo!ingat

@Stone Age

Pramis di ko gagayahin ang kaartehan ng dalawa! Nagpapampam lang ang mga iyon pero ang totoo lab na lab nila ang isat isa!heheheingat!

Kosa said...

awwww.
talagang kailangan bang magpress release din? hehe.. joke.

oks lang yan! babalik din yung mga yun! malay mo tutulad sila sayo na medyo may pagka-MR.YOSO na.. hehe

SCOFIELD JR. said...
This comment has been removed by the author.
SCOFIELD JR. said...

tutal in loving memory of jepoy & glentot itong post mo na to....hhehehe, joke lang.
share ko lang, si jepoy ang unang nagfollow, sa syet kong blog, siguro nais nya lang din na ifollow ko sya...lol...but then in fairness, lihim akong tumatae este tumatawa sa mga post niya kapag nasa work ako...

kay glen naman, katakot si glen mukhang seryoso kaya minsan lang ako dumaan sa blog nya, parang sinasabing wag kang dadaan sa bahay namin but then i found interesting yung mga post nya (meron ba)...

masasabi ko ulit para sa dalawa...TAE kayo....hehehhe

PABLONG PABLING said...

hahaha

darklady said...

Actually oo, November 2009 na pa nung makita ko blog mo and then nagbasa ako sa mga sulat mo.Hindi ko alam kung may nakaligtaan pa ako basahin pero marami na din ako nabasa sa mga post mo.hehehe

Nasaksihan ko din yung halos 1 buwan mo nga bang pagkawala sa blog dahil nagbakasyon ka sa Pinas. Araw araw tumitingin ako kung may bago kang post kaso wala nga talaga.hehehe..

At yun nung February nag decide ako na gumawa ng blog dahil na din sa may isa pang dahilan. At nung makagawa ako kaw kaagad yung una ko pinuntahan at nagpakilala na bumisita ka sa blog ko.^_^

vonfire said...

parang nainlab na ata ako sa ka-sweetan mo Drake!...:D

mommy ek said...

kakalungkot nman un! pero ganun tlga no, you wouldn't expect na may magiging mga kaibigan ka tlga sa mundo ng blogging! at nakakatuwang experience yun!

I am Xprosaic said...

Naku may LQ lang muna ata ang 2... yaan mo magkakaayos din yan...

Ayie said...

Uhuhuhuhu! naiiyak na ako. Ang lalandi k'se nung dalawa! Andaming eklavu!

Anyways, ganyun talaga eh. Nalulungkot din ako--pero for now lang yan...k'se nga daw diba---"only the pure heart can break the smell---ay spell pala!"

Mamimiss din nila tayo...

Nice nito Drake. Ako pag nadedo at nabagsakan ng crane isusulat mo rin ako ng ganito ha! (joke lang po Lord!)

DRAKE said...

@Kosa

Baket may problema?? Oo baka nga bumalik din ang mga taeng yun! niniwala ako ang tae ay tae, kahit itago nila ang tae, aamoy at aamoy yun!!Tae mo violet Kosa!

@Scofield

May tama ka ganun na nga! Nakakatuwa naman at meron pala kayong kasaysayan ni Jepoy. Tungkol kay Glentot! Eh ganun lang talaga yun naninindak, akala mong matangkad pero di naman eh!hahaha!(joke lang glentot-utot). Ako kaya mamiss nyo kung magpapaalam ako!hahah!ingat

@Pablong Pabling

Tumawa lang talaga!hehhe

DRAKE said...

@dark Lady

Salamat sa pagsubaybay ng aking blog! Ang pagbubuhos mo ng panahon para basahin ang lahat ng post ko ay isang karangalan na para sa akin! Dahil dyan maraming maraming salamat sa iyo (pormal na pormal talaga eh)Ingat

@Vonfire

Sige okay lang mainlab sa akin, may bayad naman yun eh!hahhaha! joke lang Von!ingat

@Mommy ek

Oo nga di rin naman inaasahan na magsaswak ang mga kautakan namin eh! Galing nga eh!Ingat din

DRAKE said...

@Xprosiac

Oo may LQ nga lan talaga ang magsyotang yan! Malalaki na sila at bilog na utot nila!

@Ayie

Wag ganun! Hayaan mo kahit hindi na kailangang mabagsakan ka ng crane gagawa kita ng tribute! Sige una una lang! Hehhehe!Ingat din

ladyinadvance said...

haha maxado akong busy kaya d ako nakakaupdate, dont wori hindi ako magsasara....ikaw din ah!

at san mo nabalitaan na IN LOVE ako?!..pero uhmm lagi nmn akong inlab ei...hahaha...

take care lagi!..muwah

glentot said...

Pwede mo nang i-delete ang post mo na ito kasi niloko ka lang namin hihihihihihihiiihihihihhiii!!!!!!

Random said...

aabangan namin ang ngitngit ng iyong galit kina poy at tot ngayong nireveal na nila ang "project" nila na a month ago pa nila pinag-uusapan sa malls ng metro manila. -- moreducation.weebly.com

manik_reigun said...

nakow may nayari ba dito o ano?
pero infairness nakakakilig ang mga kasweetan nyo, di ko na alam itatawag sa inyo kasi di na ata pwede ang bromance kapag tatlo. threesome bromance kaya, pwede?

karen anne said...

nalinlang ka po mr. drake. hehe

DRAKE said...

@lady in Advance

Ikaw kaya nagbalita sa facebook!hehhehe

@Glentot

Tae ka Glentot!! Sarap nyong batukan ni Ponkan sa mukha (ayos yun ah)

@Random

Hayaan mo na ang magtyuhin na yun! Medyo mabait naman talaga ako, kaya hayaan na natin tutal mga special child naman sila.LOLS

DRAKE said...

@Manik

Tama ka may bromance ngang namamagitan sa kanila!LOLS! Kaya hayaan na lang natin ang dalawang yan!hehhee

@Karen Anne

Oo nga , mga hinayupak na yan!Ingat

gillboard said...

tama ako!!!

Yanie's Ka-blags!!! said...

Isa kang plastiicckkkk Drake!!! if i know kung anu anong alipusta ang mga pinagsasabi mo sa dalawang yan... hahaha! oh ano gusto mo sabihin ko??? hehehe!!!

Miss ko na tong dalawang to!.. Mga suplado na sila porke naging sikat lang sila... haist!

wala lang nagparamdam lang!