Naranasan nyo na bang mareject?Well hindi naman ito tungkol sa pambabasted kaya hindi yun ang ikukuwento ko sa inyo. Basta tungkol pa rin sa reject-reject puwet na yan.
Kung di nyo naitatanong,eh alam nyo bang nagtrabaho ako sa Jollibee?(eh ano naman ngayon??). Okay ganito yan! Dati bibihira ang nakakapasok bilang Service Crew sa Jollibee. Marami silang qualifications at masyado silang mapili.
Kung di nyo naitatanong,eh alam nyo bang nagtrabaho ako sa Jollibee?(eh ano naman ngayon??). Okay ganito yan! Dati bibihira ang nakakapasok bilang Service Crew sa Jollibee. Marami silang qualifications at masyado silang mapili.
Ganito, kagagraduate ko lang ng Port Dyir noon. At dahil pangarap kong makapasok sa Jollibee noon, kaya nagkukumarat akong nag-apply, noong nagkaroon sila ng HIRING para sa mga estudyante. Kaya naman binibitbit ko na ang BIO DATA ko.Kailangan daw ng 1X1 piktyur kaya ginupit ko lang yung piktyur ko noong nagfield trip kami sa Manila Zoo. Kaya naman may umekstra pang unggoy sa background. At dinikit ko sya sa pamamagitan ng …..tenen….…kanin.
.
.
So heto na nga, nag-apply na ako, binigay ko na yung BIO-DATA ko kay Manong Guard. Iisa isahin daw nya kaming tatawagin.
Manong Guard: Okay nasan si Mr. Drake Kula
.
.
AKo: Ako po yun (tuwang tuwa pa ako, kala mong nanalo sa raffle)
.
Manong Guard: Ikaw ba yun? naku bata! Mukha ka lang pinabili ng suka ng nanay mo ah! (Tumawa sya, saka ang ibang aplikante)
Manong Guard: Ikaw ba yun? naku bata! Mukha ka lang pinabili ng suka ng nanay mo ah! (Tumawa sya, saka ang ibang aplikante)
.
Ako: Eh hindi po! mag-aaplay po talaga ako, saka nabili ko na po yun suka ng nanay kaninang umaga!
Ako: Eh hindi po! mag-aaplay po talaga ako, saka nabili ko na po yun suka ng nanay kaninang umaga!
.
Manong Guard: Naku totoy!Umuwi ka na lang! Saka may height requirement oh, 5’5 dapat!
Manong Guard: Naku totoy!Umuwi ka na lang! Saka may height requirement oh, 5’5 dapat!
.
Ako: Hindi po! 5’5 po ako!(naiiyak na ako)
Kinuha nya ang ruler nya at sinukat ang height ko.
Manong Guard: Naku,totoy 5’3 ka lang! Bumalik ka na lang kapag TULE ka na!
.
Ako: Binata na po ako Manong, saka tule na po ako nung grade por pa!Please Manong!!!Please(Namula at namugto ang mata)!
.
.
Masyadong masama ang budhi ni Manong at hindi sya naantig sa akin. Binata na kaya ako noon at hindi Totoy! Dahil sabi nya mukha lang daw akong pinabili ng suka saka hindi pa daw ako tule,gustong gusto kong isumbong kay nanay si Manong Guard . Pero dahil "BIG BOY" na ako di ko na sya sinumbong kasi hindi na nga ako bata , Pero ang masasabi ko sa kanya ay …….hindi ko na sya bate!!.
Makalipas ang 2 buwan, hiring uli sila. Kaya naman hindi na rin ako nagpatumpik tumpik pa. Nag-apply uli ako. Pero this time pinaghandaan ko na sya. Naglagay ako ng uling sa may bibig para magmukha akong may bigote tapos sinuot ko din yung sapatos ng kuya dahil may takong yun para umabot ako sa height requirement na 5’5. At higit sa lahat……… nagpatule na rin ako!LOLS! Joke lang…… inayos ko na rin yung BIODATA ko.
Awa ng Dyos ,nakalusot ako kay Manong Guard. At dito nagsimula ang interview ko, pero mukhang talagang ayaw nila sa akin.Nireject na naman nila ako kasi matapos akong interbyuhin narinig ko ang “magic word” na
.
Interviewer: Okay Mr. Kula, we will call you if you are qualified.
.
Ako: Ha?Ma’am wala naman po akong landline at cellphone ah paano nyo po ako matatawagan?
Interviewer: Ah ganun ba?eh ano ehhhhh
Ako: Ha?Ma’am wala naman po akong landline at cellphone ah paano nyo po ako matatawagan?
Interviewer: Ah ganun ba?eh ano ehhhhh
Alam ko sasabihin na nyang “Sorry di ka tanggap”, pero bago pa man nyang sabihin yun.Nagdrama na ako:
Ako: Ma’am parang awa nyo na! Kailangan ko po ng trabaho dahil di na po ako makakapag-aral! Yung ate ko po pumasok na lang pong katulong para lang makatulong. Wala na rin po kaming pagkain,nagdidildil lang po kami ng asin para makain. (sino ba namang di maantig sa mala MMK kong istorya)
Interviewer: Sige na nga (naiyak sya!) punta ka bukas sa Final Interview.
Okay payn, nagdrama lang ako!Dahil kaya pumasok ako ng Jollibee ay para makabili ng………. cellphone. At ang ate ko hindi katulong talaga! Heheh! Kailangang magdrama kasi desperado na ako.
Awa uli ng Dyos nakapasa ako sa Final Interview (ng walang drama-drama hehhee! )Kaya naman tuwang tuwa ako kasi at last makakapasok na rin ako sa Jollibee (Nyemas! taas ng pangarap ko).Okay na sana ang lahat pero bigla uli ako nireject. Bakit? kasi ganito:
.
.
Baklang Manager: Okay , Mr. Drake san mo gustong malagay?
.
Ako: Pwede po bang sa Dining na lang po ako? (Dining ang tawag sa mga waiter sa Jollibee)
.
Ako: Pwede po bang sa Dining na lang po ako? (Dining ang tawag sa mga waiter sa Jollibee)
.
Baklang Manager: Ganun, Mr. Kula, gwapo ang kailangan dun!Gwapo ka ba?(sabay tawa) dun ka na lang sa KITCHEN!!Wag ng ambisosyo! (Tawa uli)
.
Ako:Opo! (hiyang hiya)
.
.
Tinanong pa ako, eh pang KITCHEN lang pala ang pagmumukha ko!Hay! Reject-reject at reject!Pero masasabi ko lang ang taong nirereject nila noon ay ang mismong taong din ginawaran nila ng “BEST CREW” at pinagkatiwalaan nila ng isang buong taon.Katibayan lang na kahit reject ako, hindi ako BASURA!
.
.
Sa totoong lang iba ang pakiramdam pag nirereject ka. Lalong masakit kapag nirereject ka dahil sa iyong mga kakulangan. Wala naman taong perpekto di ba? Ang rejection ay pagkabigo din, pero doble lang ang sakit nito nabibigo ka dahil hindi ka lang umabot sa “standards” ng ibang tao.Tinapon ka nila sa madaling salita!
.
.
Panuntunan ko sa buhay, ang “rejection” ay hindi dapat maging hadlang para magtagumpay. Kung na-reject ka nila,patunayan mo na hindi ka basura. Pero kung nireject ka nila at nagmukmok ka sa isang tabi, parang pinatunayan mo na rin sa kanila na basura ka nga! Gawin nating motivation ang rejection, Dahil sa pagsuko doon tayo nabibigo pero sa pagpupursige doon tayo nagtatagumpay!
Salamat po!
44 comments:
tama, dapat patunayan sa tao na hindi rejection ang mkakapagpatigil sayo. dapat gawing mong reason yung mga rejection pra mas magpursige ka pa! ^^
grabe naman parekoy! in perness... tawa ako ng tawa sa post mo! haha. ang bas ni manong... teka, nabili mo nga ba yung suka ng nanay mo? haha. at ang lupit nong manager ha? haha
wag daw ambisyoso? di lang nila alam na late-bloomer ka lang parekoy noh? haha. ikasa mo :P
Naks best crew! :) tama! hindi dapat maging hadlang ang rejection, kasi yun ung nag-iisang pakiramdam na magtuturo sayo kung pano tumayo at harapin ang susunod na hamon.
We learn from our mistakes. Apir!
kuyah? haha.. 'la lang... ahjuzwoke up... uuwi na akoh sa haus namen maya maya... may mga panis na laway pa atah akoh sa bibig koh... whew!!! nyahahha... lolz... ano bah kokomentz koh?... nawalan na nang bisa yang entry moh saken... u know nah why... or probably not.. haha... nde nah akoh totodo explain... hulaan moh na lang why.. haha... and tama bah naman yon... isahang reply kame ni gandang lady in advance.. haha... lolz... pero natawa akoh sa komentz ni ms. budang... nakahalata na ren palah sya na madalas moh sinasabi ang na-tats.. nyahahah... kuyah kc... next time iba iba ang sabihin moh sa bawat tao... tipong isah na-tats.. yung isa na-touch... yung isa nahipo... ahahah.. hangkorni.. 'la lang... kc true nawawalan na nang bisa minsan... eh kme... habang binabasa ang reply moh eh tats na tats den... pero lahat palah nang komentators oh eh pareho lang sinabi moh.. hahaha.. lolz.. ahh teka usapang reject bah... hmmm... jollibee.. takte nagutomz akoh... haha...pag nag-apply akoh dyan eh malabo sa earth siguro na ihire akoh... kc don akoh sa category nang mga between nang cute at panget... nde so cute and dehinz naman ngetzpah... ahahaha.... lolz... at least kaw wafu sa u know nah... lolz.. oh sige nah brubrush nah akoh nang teeth... lolz.. kamumulat lang nang mata koh eh internet na agad... sensya nah... adik eh... at kelangan uletz akoh mag-aadik?.. pray moh na lang magkanew laffy taffy akoh soon... or yeah kung nde eh pag-titiyagaan koh ang soysal kong new touch fone... hahah... sosyal actually huling huli na atah akoh sa kabihasnan... eh lahat na atah nang tao d2 eh puro ganyan ang fone.. dmeng sinabi eh noh.. sige nah.. next time na kuwentong rejection koh... or kung maalala koh magkuwento.. kc nde nagwowork ang yutakz koh pah.. kakape na akoh at lalayas na akoh d2 sa haus nang ate koh... laterz.. you have an awesome day, awesome week, awesome month.. and awesome rest of forever.. haha.. at bawas bawasan moh ang sobrang pambobobola para maging kapanipaniwala... haha.. ingatz kuyah.. Godbless! -di
ahahaha... takte tulog pa nga akoh... whew!!! ang sabi koh...dapat EWWWWWW!!!!! ahahahaha.. laterz!
Drake, pareho pala tayong na-reject sa dining area. Napunta rin ako sa kitchen - pantry, fry, at grill ay naikutan ko. Naging PC ako matapos ang ilang buwan.
Tama ka, di dapat mawalan ng pag-asa kung na-reject. Di mo sila kawalan, sila ang nadehado.
Sabi nga ng paborito kong kanta galing Batibot: "kung hindi pwede minsan, subukan. Kung kasunod ay di pa rin, ulitin."
saang branch ka nga pala? Cubao at robinsons galleria ako.
Baka kaya ka na-reject dahil isa kang malaking REJECT na may FACTORY DEFECT hehehe mukha ka naman kasing Tasyo noon kung ako man ang manager baka ipa-pulis pa kita. At least ngayon mukha ka nang commercial model ng Jollibee at si Jepoy mascot.
yuck, bio data, it's so 1994.
Naalala ko sa Jollibee Baguio, may employee sila na physically challenged.
Agree ako sa iyo, salamat sa paalala =)
nag apply na din ako sa fast food dati pero hindi rin natanggap.
Noong 16 years old pa lang ako nag apply ako sa McDO kaso hindi ako tinanggap dahil 16 pa lang daw ako,next sa jollibee pinasa ko yung bio-data ko kaso hindi rin ako natanggap.next sa chowking kaso tapos na pala yung hiring ( kainis sila hindi pa nila tinatanggal yung naka paskil).Hindi ko talaga kapalaran ang magtrabaho noon kaya nung magpunta ako ng Batangas dun ako nag apply bilang tindera ng mga cp.
Tinanggap ako nung among lalake at nung pinakilala na nya ako sa asawa nya hayun reject ako kasi daw wala pa ako experience mag work.hay naku inggit lang yung asawa nya sakin kaya ako ni reject.hahaha
Pero hindi ako sumuko sa paghahanap ng work hanggang nung bumalik ulit ako samin ayun may nag alok sakin na maging promo girl. Nagsimula ako sa isang araw lang kada linggo hanggang sa makilala na ako,naks sikat! hahaha
Ang nakakatuwa nyan minsan sila na yung nagtatanong sakin if avail. ako mag work. sila na humahabol sakin ngayon!
Yabang e.pero proud talaga ako na sabihin yun( may ganon?) kasi kahit na reject ako noong una hindi ibig sabihin nun habang buhay ka na reject sa lahat ng bagay. Kumbaga nauuna lang talaga ang rejection para alam mo kung paano maging mapagkumbaba muna.
Nice parang blog ko to! nag post na ako! whahahaha
Inspirational kasi ang kwento mo at muli akong naka relate.Good Job master Drake! ^_^
Ingatz..
dapat nilagay mo ang pic mo nung nabest crew ka! jijijijijiji
nakakarelate ako sa reject reject na yan... bast move on na lang lagi.
"Gawin nating motivation ang rejection, Dahil sa pagsuko doon tayo nabibigo pero sa pagpupursige doon tayo nagtatagumpay!"
ayos..^_^ love this line..tawa ako ng tawa sa post na to pero may natutunan din naman ako..apir!
ikaw na ang best crew!
Ako sanay na ko sa rejection dahil buong buhay ko itong nararanasan. Bow!
God Bless!
@LhanLan
Maraming salamat sa iyong padalaw sa aking kwarto, hayaan mo daadn din ako sa blog mo para magbasa din ng mga post mo!ingat
@Nightcrawler
Weh??Totoo nga natawa ka?Korini nga ng mga patawa ko eh!hahaha! Joke ang di naman ako nagpapatawa nyan pramis! talagang nakakatawa lang talaga si Manong Guard saka yung Baklang Manager ....ang lalakas nilang manlait!hhehe
@Roanne
Tama ka roanne! Dapat try and try until you succeed ika nga. Sa tagalog naman kung walang tyaga walang nilaga! Yup best crew ako! Hehehhe!
@Dhianz
Teka mukhang ito pa yung reply mo dun sa isa ko pang comment sa iyo eh!hehe! Mukhang inaantok ka n nga! Siguro medyo napagaod ka na kakabutingting ng iyongn bagong bagong iphone?Iphone ba?Sige aantayin ko na lang yung reply mo dun sa post ko na ito! Tulog ka na , at sana mapanaginipan mo ako (bangungot??)
whaaaa??? may contest pahabaan ng comment? ahaha. uhmm ssobrang haba ng comment nila dhianz at ni dark lady. hahaha.
uhmm rejection. it doesnt mean na wala kang kwenta. para sa akin ibig sabihin nun grow up. be better. hehe
un lng. ganda ng message.
@No Benta
Eshhhh Shada! Sa Jollibee ka rin! Hehehe! Sa Bulacan ako pre! Sa Grill, pantry at Fry din ako. Nag PC rin ako! Syete ayos ah! Pero dahil sa biwist na bun toaster na yan, lapnos ang wrist ko! Kaya may pabaon sa akin ang Joollibee na yan!Pre na add ko na yung isa mo pang blog!hheeh
@Glentot
Kamusta ang baguio?Sabi ko sa iyo wag ka munang bababa ng bundok dahil hindi pa namumunga yung kamote nyo!hahaha!
BIODATA!Baket?? Ano bibigay mo dun RESUME?? Tae ka pala Service Crew lang kaya yun pwet ka!
@Gremliness
Salamat sa pagbisita sa aking kawarto, hayaan mo dadalaw din ako sa blog mo para maheck ko rin kung ano-ano ang mga pinagkakaabalahan mo sa buhay!hehehe
@Dark Lady
Naks naman! Akalain mo yun meron ka rin palanng kwento tungkol sa ganyan! Nag-apply ka rin pala ng Jollibee at Chowking. Pero okay lang yun, siguro nga masyado ka pang bata! Nakakatuwa din na nagbenta ka rin pala ng CP hehe! Hindo ba mga nakaw yun?Jokelang! Sa totoo lang malaki ang naitulong nito sa atin ngayon, kasi dyan tayo unang natuto makisama sa mga katrabaho natin! At dyan din natin natutunang pahalagahan ang pera! Tama?hehhe!Ingat at maraming salamat sa komento!
@I am Xprosiac
Gusto ko sana, kaso wala namang pix yun, certificate lang! Yung certificate naman nasa Pinas!heheh
@Chingoy
Tipid mode ka na naman,Chingoy! Hahaha! Dahil dyan ito na rin comment ko!hahhaa
@Superjaid
Pwamis natawa ka?Hehhee! Ang malaman ko lang na napasaya kita okay na ako!naks! Kumbaga at least hindi lang si Jollibee ang nagbibigay ng saya!Naks meganun!
@Jepoy
May poot?Sumesensitive ka na naman dyan!hahah! Kamusta ang bakasyonista?Mukhang enjoy na enjoy pati singit mo ah!
@Kakilabotz
Yup pahabaan sila ng comment! May premyo kung sino ang mahaba ang comment!hehhe! Joke lang! Kakatuawa lang sila (si Dhianz, Dark Lady at Lady in advance) dahil talagang nagbibigay sila ng effort para magcomment,parang ikaw walang effort!hahah!joke lang bro! Mukhang mahal na ako ng tatlong yan! at dahil din dyan mahal ko na rin sila! Naks naman!
Ingat parekoy!
andami mong kadramahan!
ahihihi.. jokes!
so nakabili ka naman ng celpon? anu naman, alkatel na higus safeguard? o yung hugis hasaan na ericson?
pero aminin mo, iba ang saya sa pagtatrabaho dun!!!!
wala sa sweldo.. kundi nasa samahan at experience!
leche.. andaming space.
andami talagang space..
space pa ngaa!
wahihihi.. anghaba ng comment ko.
sana natuwa ka! ahehehe
no fun naman ang reply moh kuyah...usually naaliw akoh sa reply mo saken..samahan moh nang bolah kahit lahat eh binobolah moh...wehe...sige...effort tong per letter koh kc kinakalikot koh tong fone koh...nasa haus akoh at toh ang tanging internet connection for now...so unz...not an iphone but cuter than iphone parah saken...so unz...later...Godbless
...parang seryoso nung komentz koh *achoo* nag-sneeze pah akoh...haha...ayonz...un haha ang kulang...haha...lolz =)
@Kosa
Epal ka! Hindi komo may gelpren ka na eh mag-eepal ka dyan!hahah! joke lang!
Well ang nabili ko noon ay 5110 (year 1999) bale ang halaga pa ng presyo noon ay 15T pesos. Ako lang ang may celphone nun sa amin, yung sa kanila parang pankaskas ng yelo sa laki!
Salamt sa mahaba mong kumentong puro space!wala man lang effort!
@Dhianz
Sabi ko akoy natutuwa sa iyo ng sobra, lalo na't alam kong narinig mo na ang mala yero kong boses!hehe! Salamat nga pala sa laging pagdalaw sa aking kwarto. parang gusto kitang kalabtim?pwede ba?hehe
Mukhang masayang masaya ka naman sa bago mong phone kaya tuloy nakalimutan mo na ako!joke lang!Hehe! alam ko naman busy ka talaga!Kaya nga naapreciate ko ang lagi mong pagbibigay ng komento dito! Basta tenkyu tenkyu tenkyu! alam mo namang lagi kong hinahanap hapa ang comment mo eh!naks!
Ingat
ang lakas talaga ng fighting spirit mo bro. if there is a desire gagawin mo ang lahat.
Hindi ako natuloy na magtrabaho sa tindahan ng mga cp kasi nga nireject ako ng asawa ng tumanggap sakin,akala ko nga kinabukasan makakapag start na ako noon. Sa promo na ako nakapag trabaho. Dun pala linya ko.hahahaha
ayonz!!! ayon ang namiss koh...ganyang mga reply...see inaantokz na akoh pero nagising dugo koh at nagtituyaga akonh magpipindot ditoh..pma-appreciate mo toh nang bongga dahil ilang oras in da making to...haha...ano daw...nde madaling magpipindot...lolz...yan ang word for d day koh... tekah labteam mo si ate yanz ah...teka ano akoh kabit? haha... sige na nga take koh na rin ung role... lolz... yan...ganyan magkomentz kuyah... pinapaligaya mo akoh...naks pinapaligayah talagah eh noh... hahaha....bolahin moh lang ako nang bolahin...ahlike it...haha... medyo hwag moh lang pahalata na nambobola ka...lolz... nde akoh matinoh magkonentz noh? haha... inaantokz nah akoh...hanggang sa muli... lab yu... devah labteam kitah... hahaha... sige nahi-high na akoh sa antokz...ei haba tong komentz koh..isipin moh na lang ilang oras na kapipindot yan...haha...exag eh noh...laterz! Godbless!
ako din ni reject nung minsan nag apply ako sa isang fast food chain dahil hindi ko daw kelangan ng trabaho dahil tingin daw nya mas malaki pa daw allowance na natatanggap ko kesa sa sahod na ibibigay nila (kasalanan ko bang mas mahal ung nyelpon ko sa knya dat time..)
Anyhow tama sabi mo hindi porket ni-reject ka ibig sabihin eh katapusan na ng mundo para sau, minsan kac narereject tau dahil hindi un ang kaloob ni God para sa atin and He has a better plans for us...and yes dapat maging reason to para tau lalong magpursige at paghusayan natin para sa susunod tau na ang pag aagawan nila at tau na ang magre2ject sa knila.. weno naman ngayon kung ilang beses kang nareject, what matter most naman is yun kung ilang beses kang natutong tumayo at matuto sa lahat ng rejections mo sa buhay...orryt?!...
PS: tsk!..kahit d2 oh pinapamalas mo ang kagalingan mo sa pambobola..wala ka talagang kupas....hahahaha.....wuy tigilan mo nga yan d ko na tuloy alam kung maniniwala ba ko sau oh hindi.....pero pramis tats na tats tlga ako sau kac natutuwa ka samen at mahal mo na kami...haaiistt kung alam mo lang keneleg ako ng todo..wahahahahhaha :P
may drama sa huli?...oo tama ka, may pera sa basura...hehehe, naalaala ko tuloy ang time ko sa burdyer king-masangkay, sta. cruz branch (naks complete), sa kitchen din ako, pero reserve for dining ako...heheheh
wag nating ismolin ang sarili natin, may kanya kanya tayong katangian, kung meron ang iba na wala ka, im sure na merong kang mas higit pa sa kanila. and kung anuman yung best traits mo, show it to them. rejection is not a hindrance.
Wow, so nice ...naantig ang aking natutulog na damdamin hahaha..thanks 4 good laugh..toinkz
Salamat sa makabag-damdaming mensahe...I also hate rejections kc lagi na lang nila akong nirereject..kc pangit daw ako..huhuhu..lagi akong binubully ng mga clazmates ko...kaya mejo feeling ko abnormal growth ng maturity ko..lol
sige sayo na lahat ng parangal.. kaw na ang beast este the best among the rest! among the rest you are the best! fight! fight! fight!
tama ka parekoy, dapat maging motivation ang rejections. tulad ng pagreject sa babaeng nililigawan, wag dibdibin na itoy kawalan.. bagkus patunayan sa sarili na siya ang BASURA at nawalan. sounds bitter? hindi! masaya ako sa buhay ko! lol
Hay naku! Wag k ng magbitter bitteran jan pre maganda na ang kinalalagyan mo ngayon jijiji...
Sadyang may nakaluklok para sa pwesto na iyon hehehe...
Napasaglit parekoy! jijiji...
at congrats kasi naging best crew ka pla hehehe...ang sheepag mo nmn jijiji...
@Life Moto
Oo kailangang lumaban at magfight fight fight!Kung walang tyaga, walang nilaga ika nga!
@Darklady
Oo nga pala hindi nga pala natuloy sa mga CP na yun! Promogirl nga pala ang napuntahan mo!pero okay lang yun, dahil kung ano ang meron ka ngayon ay dahil yun sa mga naging karanasan mo noon! Sabi nga ng nanay ko okay lang maghirap sa umpisa saka yumaman, kasi mayaman saka naghirap!hehe!ingat
@Dhianz
Hindi kita binobola. Sincere kaya ako! Saka kunng bola man yun, eh base yun sa katotohanan!naks naman! Kaya nga lalao akong natutuwa kasi kahit inaantok ka na nakukuha mo pa ring magcomment sa mga post ko, at nagrereply ka pa!naks!Kaya maraming salamat at totoong namiss kita! Ako lang naman kasi ang hindi mo namimiss eh!heheh! Ingat parati!
@Ladyinadvance
Ikaw na mayaman! Jokelang! Hehhe, hindi ka nga tatanggapin nun kasi nga baka isipin nila hindi ka naman seryoso sa trabaho. Ako kasi wala akong cellphone nun eh!
Tama ka hidi naman ibig sabihin na nireject ka kailangan ng sumuko maaring hindi pa nga panahon at kailangan pang mag-intay! Ika nga hindi masarap ang hinog sa pilit
Teka kayo talaga! Di naman ako nambobola eh! Totoo kaya lahat ng sinasabi ko, ayaw nyo lang tanggapin as compliment yun kasi nga mga humble kayo!naks!Pero talaga ako'y nangingii sa mga comments nyo!hehhe
Salamat ingat
@Rex
Pare burger king ka?Hehhee ako rin nagtrabaho sa burger king pero this time nasa dining area na ako!hahhaha! Sa Nlex ako naassign bro!
Yup tamang tama ang sinabi mo may pera sa basura! Basura man, yummy pa rin!hahahha
@Hyaanne
Minsan talaga napaka-unfair ng mundo!Kailan pa naging batayan ang hitusra ng isang tao sa uri ng kanyang pagkatao at kanyang kakayahan! Hays! Salamat nga pala sa pagdaan! Sana maulit ka pa!ingat
SLY
Halatang bitter na biiter ka!hahaha! Sabi ko nga sa iyo hindi kasama dito yung pambabasted! Eh wala tayong magagawa kung nakakarami ka na ng basted!hahah! joke lang!
@Jag
Hindi ka nagbabasa alam ko! wala sa linya ang kumento mo! Pero dahil nasa Pinas ka ngayon at busy!Sige okay lang!Hahhaha! Ingat parekoy!
aammmppp eh dat time 3310 lang nyelpon ko kaya d mayaman un, gasgas pa nga eh, un nga lang kumukutitap ung backlight kaya cguro nasabi nya na pangmayaman..ha!ha!ha!
pero minsan kakaasar din pag narereject ka esp. pag talagang pinaghandaan mo (porma and everything), sarap basagin mukha nung nagreject.hahahaha!
at teka din hindi ko naman sinabi na hindi ko tinatatanggap mga sinabi mo eh, nakaka-ano lang kac parang may halong pambobola na.hahaha :P
pero masaya ako na masaya ka sa amin! (insert blushing emoticon) hahahaha!....oh ikaw din ingat ah!..wag mong hayaan magasgas yang mala dingdong mong mukha..lolz!
naku daig pala kita pareng drake! nag-applay din ako para service crew sa Jollibee dati, tanggap agad! ahahaha.. ang ginawa ko lang ay kumerengkeng ng konti at ngiti ngitian ang nag interview sa akin na baklang manager.. bwehehehe.. soda man ako nilagay (tagatimpla ng iced tea, tagarefill ng coke, tagagawa ng sundae at ice craze..), pero bwisit, ganun ba? pag gwapo inilalagay sa DINING? lintik ung baklang yun..
Sana makapasok na din ako sa pinagaapplyan kong jollibee huhuhuhu alam mo pre parehas lang tayo! PANGARAP KO DIN ANG MAKAPASOK SA JOLLIBEE! huhuhuhu di ko alam kung bkt. pero computer ang hilig ko.. sana matanggap din ako! nakakainspire pre yung kwento mo at nakakatawa hahaha! Congratulations and kip it up pre!
Sana makapasok na din ako sa pinagaapplyan kong jollibee huhuhuhu alam mo pre parehas lang tayo! PANGARAP KO DIN ANG MAKAPASOK SA JOLLIBEE! huhuhuhu di ko alam kung bkt. pero computer ang hilig ko.. sana matanggap din ako! nakakainspire pre yung kwento mo at nakakatawa hahaha! Congratulations and kip it up pre!
Hahahahahaha tawa ako ng tawa ditey Koya. Pero galing! Bilib ako sa perseverance mo! :) tumatanggap po ba ng 16yrs old?
Post a Comment