QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, March 15, 2010

SOSI MO NAMAN!!!





Alam nyo bang bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagiging “SOSYAL” at “FEELING MAYAMAN”. Bakit?? Eh hindi nyo ba napapansin na halos ng lahat ng Filipino ( mga 70%) ay gustong maging sosyal at magmukhang mayaman. Hindi ko alam baka may kinalaman ito sa ating kasaysayan, dahil nga nasakop tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Kaya hanggang ngayon mayroon tayong ganyan mentalidad.


Napansin ko lang na karamihan sa atin ,nabubuhay na lagpas sa kanyang katatayuan sa buhay. Kaya naman halos kahit magkanda baon-baon sa credit card at mangutang kung kani-kanino mabili lang ng mga gamit na pang- “SOSYAL”.


Bakit kapag may bagong gadget, hindi magpapahuli ang mga Filipino? Bakit punong puno ang mga kapehang pangmayaman tulad ng Starbucks? Bakit nauuso ang mga konyo o salitang pangmongoloid? Well dahil dyan sa kaisipang “SOSYAL” at “ FEELING MAYAMAN”.


Narito ang mga palatandaan ng mga taong nagpapa-SOSYAL


1. Namimili sa Mall na nakapamasko ang mga damit (pupunta langn sa mall para pumorma)


2. Laging nakashades kahit nasa loob naman sya ng isang mall o building (feeling artista ba, mas malaking shades mas mukhang sosyal)


3. English ng English (Kahit alam mong hirap na hirap na ang dila at sumasabog na ang ilong nya kakaenglish)


4. Ginagawang studio ang Starbucks at kung ano ano pang restaurant na mamahalin (syempre kailangang ipopost yun sa Facebook at Friendster na kumakain at umiinom sila ng mamahalin,ebidnesya yun)


5. Kailangan ipangalandakan ang kanyang ubod sa mahal na cellphone, ipod, laptop at kung ano ano pang gadget.


6. Kailangang alam na alam nya ang mga sikat na American TV shows at kabisado nya ang MTV. .
7. Kailangan may mga kaibigan din silang sosyal, sikat at mayaman.


8. Magsalita ng may MAKE saka pandiwa sa lahat ng sentence nya.


9. Conscious na conscious sa tatak ng kanilang damit, bag , sapatos at kung ano ano pa.

.
10. Pinagtatawanan ang mga jologs at baduy.


Pag mayaman ka talaga (yun tunay na mayaman) karamihan simple lang silang umasta. Tingnan nyo si Bill Gates, si Zobel de Ayala, si Gokengwei at si Danding Cojuangco. Simple lang sila at hindi sila masyado nagpapanggap na mayaman kasi mayaman talaga sila.


Aminin natin pag SOSYAL ka, parang tanggap ka ng lipunan. Pag sosyal ka sikat ka. Iniisip ko nga siguro kaya nauso ang pagpapasosyal ng mga Filipino dahil para tanggapin sya ng nakakararami, tumaas ang tingin sa kanya ng iba at magkaroon sya ng respeto dahil sa kanyang status sa buhay.


Pero marami din sa atin dahil sa kagustuhang maging sosyal, mas lalong silang nahihirapan. Nabubuhay sila malayo sa kanilang kakatayuan sa buhay. Marahil dala na rin siguro ito ng midya. Mga nakikita natin sa TV at magazine, at mga napapakinggan natin sa radyo. Pagpapakita na kapag sosyal ka, hinahangaan ka ng ibang tao. Kapag sosyal ka, kalevel mo na ang mga artista. Kapag sosyal ka, angat ka sa iba.


Siguro sa malaliman pang pagtingin, marahil ang kaisipang SOSYAL, ay dahil na rin sa mga “frustrations “natin bilang Filipino. Dahil pilit natin tinatakasan ang katotohanang naghihirap ang bansa natin. Pilit nating pinipikit ang mga mata sa mga nangyayari sa ating lipunan sa ngayon. Maari rin kayang likas sa ating mga Filipino ang pagiging “ingitero/ingetera” at “pagalingan (wala ka sa lolo ko)?”


Ako rin naman naging biktima ng kaisipang “SOSYAL” o "PAG-AASTANG MAYAMAN", marahil kayo din naman. Pero ngayon, pinipilit kong buksan ang mata ko sa katotohanan. Pinipilit ko ring maging praktikal at huwag mabuhay sa isang mababaw na pagtingin ng lipunan. Pero minsan napapasabay pa rin ako sa agos ng kaisipang ito, marahil ito'y sakit na matagal gamutin.


Ang sinulat ko na ito ay hindi pangungutya sa mga “SOSYAL” at NAGFEFEELING MAYAMAN dahil lahat naman tayo ay guilty dyan (ako din naman, weh). Pero ito’y isang pagtingin lamang at marahil paggising na rin sa iba na nabubuhay lagpas sa kanilang kakatayuan sa buhay.


Ikaw ,tatanungin kita sosyal ka ba?Bakit mo gustong maging sosyal? (Guilty naman ang lahat eh, kaya okay lang yan)

Ingat







P.S

Ano ang kinalaman ng picture ni Mystica sa post ko na ito?? Wala naman , pero di ba napakasosyal nyang tingnan! LOLS

45 comments:

Anonymous said...

ohhh eemmm geee naka base ako..haha..

okey guilty ako d2 kac minsan hindi mo nmn tlga maiwasan magpaka sosyal lalo na't kung halos ng nakakasama mo ay mejo sosyal din pero ciempre u have to set your limitations din..pag hindi mo kaya or wala ka talgang mabubuga then shut the hell up...hahaha....

mas masarap pa rin maging totoo pero ako the best ang SOJO as in SOSYAL NA JOLOGS!...

kikilabotz said...

uhmm cguro may mga tao lng talga na tinatry maging masaya ang bawat araw nila sa mudo. wala n silang pkialam kung mgiging malungkot sila kinabukasan basta ang mhalaga sa knia ang buhay nila ngyon.

DRAKE said...

@Lady in advance

Binabai kita dahil makalipas ang 10 minuto eh nagcomment ka!naks!

Well ang sinulat ko na yun ay isnag pagtingin lamang, na bakit nga ba ganun na lang ang kagustuhan natin maging sosyal!Marami ang pinag-ugatan nito. Kasyasayan, sikolohikal, at sosyolohikal. Di ba parang wala namang kwenta ang post na ito pero at least alam natin kung bakit may kaisipang ganito angn mga Pilipino.

Ingat

DRAKE said...

@Kikilabotz

Sa akin ba yung comment mo na yan?hahhaa parang irelevant ata!hahahha! O dahil heartbroken ka kaya ka ganyan!hahahha

chingoy, the great chef wannabe said...

ako NAGMAMAYAMAN hahaha

sa tingin ko walang masama dito. pag dumating na sa puntos na gumagastos ako ng sobra sa kinikita ko, dun na ang problema at kung yung para magmukhang sosyal eh ipapangutang pa, isang malaking ka-engotan.

O mahaba-haba yan Jakul este Drakula, matuwa ka ng very very much! I thank you. Bow.

Anonymous said...

aba salamat ng marami at binati mo ko,, hehe...napaghalata lang na at this point in time obvious na wala akong ginagawa...hahaha

Well, true ang sinabi mo pero hindi ako sang-ayon sa sinabi mong "parang walang kwenta ang post na to", kac meron..it serves as a reminder na din sa tin na bawas-bawasan ung pagiging sosyal natin or shud i say ang maging maxadong conscious sa sasabihin ng iba sa tin kac aminin natin ang pagiging konsyus natin ang nagiging ugat kung bakit gusto natin maging sosyal, maging IN sa crowd.......

walang masama kung gusto mong maging sosyal, or gusto mong ipagyabang kung anong mga gadgets or kayamanan ang nabili mo or nakuha as long as as wala kang naapakan na tao but then again mas maganda pa rin maging humble.. :D

ingats din ikaw.....

DRAKE said...

@Chinggoy

Hindi ka nagmamayaman, nagngunguripot ka!hahahah Pati comment mo kinukuripot mo

Tamang tama ang sinabi mo. Pero minsan talaga unconscious ang isang tao na gumagasta na sya lagpas sa kanyang kalalagayan sa buhay. Ano ang maganda prueba, ang kahiligan natin sa cellphone. Dati pwede walang camera, pero ngayon kailangang mataas ang megapixel. Tipong mga ganun ba!Ingat

@Lady in advance

Yup isa kasi itong pampagising sa karamihan na baka nga sa kagustuhan nating maging sosyal ay lumalampas na tayo sa ating kakayahan. Kaya nga pilit nating hinahanap kung saan ang ugat ng sakit na ito para malaman natin kung saan gagamutin ang sakit. walang masama sa pag-aastang mayaman pero ilugar natin ang sarili natin. Minsan kasi nakiki-uso lang tayo para maging sosyal! Pero sa huli nagmumukha pala tayong tanga ng hindi natin namamalayan.

(Napaghahalata ding wala akong ginagawa sa ofis)Ingat

Anonymous said...

pwde bang magflood ng comment?hihihi..

senxa na wala akong ginagawa d2 at pilit kong inaaliw ang sarili ko at tinatanggal ang yamot sa araw na to at salamat na din kahit paano eh nakatulong ang post mo sa pag gaan ng pakiramdam ko pero bad trip pa rin ako sa internet namin, sa pc ko dahil ammppppp pang 20 times ng nagha2ng...kakaasar lamo un lalo na't nasa kalagitnaan ka ng ginagawa mo!...sarap itapon at sunugin!...hahaha


(at magrants ba d2)lolz!

darklady said...

Sosyal nga ba ako??

Kapag pumupunta ako ng mall naka tsinelas lang ako at naka white na lagpas tuhod na short (ano nga ba tawag dun?)Basta yun na yun, yun lang naman maisusuot ko dahil yun lang pang baba ko.hehehe

Ayoko ng naka shades kapag naglalakad kasi nahihilo ako.siguro kapag nagpapapicture lang.

Tagalog lang ako magsalita mahirap mag english baka mapahiya.hehe

Hindi ako napupunta sa mamahaling resto lalo na sa starbucks,heller hindi pa nga ako nakaka tapak dun.hehe. Sa Mcdo,chowking o Jollibee pa lang ako. Pero kadalasan sa carenderia.

Hindi naka uso ang unit ng cp ko. Eto pa yung cp na binili ko noon sa last sweldo ko nung mag work ako.

Wala akong hilig sa American Idol.

Ayoko ng may kaibigang sosyal mahirap kasama yun baka mabutas bulsa ko.

hahaha walang tatak damit ko. Sa palengke lang to at yung iba bigay lang ng kapatid ko.

At lastly natatawa ako ngayon dahil halos lahat ng nasabi mo kabagligtaran ako.

Kuya Drake dahil sa post mo na ito napag alaman kong hindi ako ganon ka sosyal,naniniwala na yata ako sa sinasabi ng ilan na may pagka manang ako.hahahaha

Siguro simple lang ako.naks may ganon pa weh! Masasabi ko lang hindi ako maluhong tao, kuripot lang. ^_^

krn said...

i like this post.. may kilala lasi akong tao na katulad ng mga nasabi mo. pasosyal. nakakairita. sarap sapakin. para sa akin mas masarap pang kasama ang mga mukhang jologs kesa sa mga nag-iinarteng feeling sosi.

Null said...

bagay na bagay to sa post ko ah hehe... pero sa tabi-tabi ko lang yun napulot, hindi yun signatured.

meron kasing tatlong klase ng social sa mundo:

1. socialite - likas na mayaman
2. practical socialist - from the term itself.
3. social climber - ito ung lumilipad sa number one kahit na alam nilang wala silang pakpak.

siguro nandun ako sa number 2. nakakabili pa naman ako ng mga bagay na maganda sa tamang presyo at sa tamang pamamaraan, na siguradong may laman pa ang wallet ko, may kakainin pa at kung may sumobra man makatulong pa sa ibang tao.

in a business world, (esp sa field namin) kailangan ng SELF REPRESENTATION, kasi dapat lahat ng makikilala mo ituring mo na cliente, pero papano ka paniniwalaan ng cliente kung makita ka pa lang nila hindi na sila maniniwala na maitatayo mo ang proyekto nila. SELF REPRESENTATION... ang secreto ng mga businessman na iyong nabanggit... before sila naging simple katulad ng nasabi mo, they strived to fit in the socialite world para makilala sila. Ngayong nasa kanila na ang lahat, bakit pa nila kailangan mag pa bongga eh sila na ang nilalapitan ng mga nagfi-feeling.

dito rin pumapasok ang cliche quote na "don't judge the book by it's cover" at the end of the day personality pa rin ang importante at hindi ang material na pag-aari at kolorete sa katawan.

QUEL said...

ntawa ako sa lst part ng blog mo about Mystica wla lng bwahahaha.. guilty ako d2 lalo n sa brand ng laptop un lng kc meron ako hahahah.. d lht ng may credit card sosyal mskit sa ulo lalo n kpg byrn na.. nkbasa, bumisita at naki comment (^.^)

Null said...

ps. sorry, ngayon ko lang napagtanto, ang haba pala ng comment ko... parang sariling blog post. lol

Xprosaic said...

Ahahahahahahhahaha buti na lang di ako sosyal! kesehodang walang brand ang importante komportable ako sa suot ko... jijijijijijiji... minsan may nakita ako... ayos nga ang suot kaso di lang bagay sa kanya... nagmukha tuloy siyang trying hard... jijijijiji

Andy said...

I know, right?

You're so harsh-harsh naman sa post mo na to. Like is it bad to make tambay inside the coffee shop for a long time, like starbucks, bad na?

Hahaha! sarap pagsasapakin minsan ang mga ganitong tao. Mga social climbers.

DRAKE said...

@lady in advance

Soryy naging busy naman ako kaya di ako nakasagot kanina! Okay lang yan na para maalis ang pagkayamot mo eh blog ko na lang ang binabasa mo. Magandang bisyo yan!hahha!Ingat

@Dark Lady

Manang ka ba? Uhmm buti naman hindi ka nagagaya sa mga konyo konyo na yan, nakakatulig kasi sa tenga eh! Like duh? You know they make kwento kwento and stuff like that, then english-english pa sila kahit nagnonosebleed sila. Har har! So funny sila, you kno! Hayaan dahil masipag kang magcommment may dalawang toblerone ka na sa akin!hehhe

Tiano said...

Siguro kuya nilagay mo pic ni mystica dahil.. hmm... pinagpapantasyahan mo sha? lol.. ahaha.. anyway, siguro yong iba ayaw kasing masabihan ng jologs or masyadong nakikipag sabayan sa mga kasama nila.. Mentalidad na ng ibang pinoy yan e.. Siguro ang pinakamabisang gawin, iwasan ang mga lugar at mga taong susyal para wag mahawa sa kanila.. :D

DRAKE said...

@karen

Dapat sinungalngal mo ang bunganga nyan! Alam mo kung sino pa yung hikahos na hikahos sila pa yung masyadong pasosyal!hehhe (napansin ko lang naman)

@Oanne

like it!Galing

From the word social(sosyal) ito'y pakikisalamuha sa tao. Pero sa Pilipinas nabigyan ito ng ibang definition.

eagrding sa sinabi mo, ginagawa yan ng mga businessman ang pakikipagsosyalan to widen their networks, kumbaga para sa koneksyon. Pero sa Pilipinas ang sosyalan ay paraan nila ng matanggap ng lipunan.

Sabi ko nga may pinagugatan yan kung bakit ganun na lang ang kaisipan nating mga Filipino sa SOSYAL.

Pero alam nyo sabi nga nila " it takes one to know one". Alam ng totoong mga mayyaman kung sino ang mayayaman at kung sino ang nagpapanggap lang! Sa huli sa kagustuhan nilang maging sosyal, mas lalo silang nagmumukhang cheap,
ingat

DRAKE said...

@khekz

Salamat sa pagdalaw sa aking blog! sana madalas kang madalaw dito! hehhe! Maraming salamat din sa pag-iiwan ng komento! dalaw ka lang uli

@Roanne

Okay lang yan gusto ko nga ng ganung mga komento. Alam mong pinag-isipan!hehhe

@Xprosiac


Baka naman bro di mo nakasi kailangan mageffort kasi mayaman ka na talaga!Naks naman! Pautang nga!

DRAKE said...

@Ardiboi

Oo nga sarap pagbabangas an ang mga pagmumukha nila no bro! Heheh! Tapos makita kita mo akala mong may ohotoshoot sa loob ng mamahaling kapehan! Kay iingay pa!At englisan pa ng englisan!

@Tiano

Pero minsan bro okay din ang sumama sa mga pasosyal na ito lalo na kung lagi ka nilang nililibre!hehehe

Ingat

chi said...

ipasok ntin ang word na xenocentrism meaning, --preferring other people’s culture over ones own..
parang donya victorina syndrome. kung maaalala niyo si donya victorina ng el fili at noli, db isa din siya sa mssbing dakilang sosyalera at feeling myman, at anong dhilan? iniisip kase niya na mas superior ang ibng kultura kesa sa atin, so anong result. ginaya niya ang mga ito, para maki in, and korek k dyan kuya epekto n din kase satin ng mga mananakop na mga dayuhan, kaya ngkgnyan tayo, epekto ng pgmamaliit sa sarili kaya ntutunang kumopya at sumunod sa kung ano ang uso. isng exmple n nga ang snbi mong 'kailangan alam pti ang mga sikat na american shows..

pero ako aaminin ko, nkkhiligan ko ang panonood ng american shws. tsk. kse ngeenjoy ako pero hndi din nman ibg sbhin n ngpapakasosyal ako dhil gusto ko lng maki uso sa pnhon ngayon. aun, hahahaha. tska ano bng meron sa kape ng istarbaks. sa totoo lng, di ko p natitikman, haha. nppgiwanan n ata ako.

KESO said...

hahahha, at nagamit ko ang isa kong blogger account sa pgkoment nklimutan ko. haha. ecc is keso. :))

darklady said...

Siguro dahil sa hindi lang ako masyadong mapalamuti sa katawan saka hindi mahilig gumimik, you know yung mga sosyalan kaya tinatawag nila ako na manang.hehehe.

Pero para sa akin pagiging simple lang yun. And hindi naman ako dapat makipag sabayan sa kanila lalo na kung hindi ko naman talaga like yun or hindi ko kaya kasi mas mapapahiya pa ako. diba?

And besides happy naman ako sa kung ano ako now, may mga tao naman na mahal ako kung sino ako.

WOw! dalawa na toblerone ko. Makakaipon ako ah.hehehe.Kaso pano ba yan, medyo magbakasyon muna ako. May mga bagay na dapat din muna pagtuunan ng pansin like ng pag aaral. You know dapat pagbutihin ang exam.

Don't worry babalik din ako kuya.Bukas nandito ulit ako.hehehe. Pag may time siguro makakapag comment comment lang din ako.^_^

O pano ingat na lang palagi..
Basta dalawa na yung toblerone.
Hindi ko kakalimutan yung bilang na yan ah.hehehe

Jag said...

Ako? Kahit anong bihis na gawin ko mukha pa rin akong magsasaka hehehe...

kasi tayong mga pinoy maxadong tumitingin sa mga malalaking bansa tulad ng Tate....kaya minsan naiimpluwensyahan dn...

ok lng n magmukhang mahirap basta hindi tayo nagugutom at may nadudukot tayo sa tuwing may kailngan jijiji...tsaka iwas holdap pa hehehe...

Jepoy said...

Effin'

I mean it's so hirap naman to make coffee like manong guard w/ 3 in one thingy lang noh. I mean Duhr!

Buti nalang Me I'm not into sasyalan. I mean isn't it obvious the way I type my message here. It's So like I'm pulubi in the Edsa, ryt?!

NoBenta said...

Starbucks...tumaatak sa kawawang pinoy bilang mamahaling kape. Kaya naman tatlong oras bago ubusin ang lumalamig nang brewed coffee. Letsugas!

SLY said...

me? pasosyal? never! duh! LOL

sapul ako sa #2, hindi dahil sa pasosyal ako kundi talagng artista ako! weehhh! may dahilan ako kung bakit nakasalamin paminsan-minsan sa loob ng mall, ayokong idetalye ang dahilan dahil alam kong may ideya ka na dun (wag magmalinis!).

di mabenta sa akin ang starbucks, di ako mahilig sa kape liban na lang kong blended/smoothie ito. ayoko ng mainit na inumin. sago't gulaman ay beri beri hapi na ako.

i hate english! pasang-awa ako sa subject na yan.

isa pang natamaan ako, mahilig ako sa gadgets. yan lang ang kasiyahan ko sa buhay kaya regalo nyo na ito sa akin (lapit na bday ko!). ayan napahaba tuloy ang comment ko. stop na. im so pagod na to type.

Null said...

plugging: (i-comment ko sana ito kaya lang sobrang haba na e!.... hehe)

bakit nga ba mahal ang kape sa starbucks?

http://iheartroanne.blogspot.com/2010/03/starbucks.html

The Pope said...

Gusto ko itong post mo, parang kape - pampagising sa mga taong nabubuhay sa ilusyon ng pagiging sosyal.

Parang ang hirap mag-feeling sosyal kung sa de padyak at dyip ka laging sumasakay, at lalong di ka puedeng maging sosyal kung pang txt man lang ay wala ka hahahaha.

glentot said...

Lahat ng nilista mo eh ginawa mo utut ka! Hahahaha! Repost na naman ba ito...

Impairness may punto si kikilabotz ang ibig lang nyang sabihin live and let live

glentot said...

Pati ba naman si Mystika pinagjajakulan mo... tsk tsk tsk

PABLONG PABLING said...

4 stars for this post. galing.

gusto ko ung starbucks thingie

2ngaw said...

Parang pinapanuod mo ung Rubi sa TFC ah! lolzz

RHYCKZ said...

buti na lang iisa ang attitude namin nila gokongwie at bill gates...we're not bragging na mayaman kami....hehhehe

kelangan ba talaga si mistika ang model sa post na to?...asan na kaya siya?...lolz

Rah said...

feeling ko pasosyal din yung mga post ng post ng mga travels nila, ala lifestyles of the rich and famous kuno.

gillboard said...

buti na lang wala ako sa listahan dyan...

natural na akong sosyal

hahaha

DRAKE said...

@Keso

Akala ko naman kung sino yun, yun pala ikaw! At tumpak at saktong sakto! Naalala ko yung karakter na yan sa El Fili at Noli! At alam ng ating bayani, na may ganyang mentalidad ang ilan sa ating mga kababayan. Itong isang defense mechanism ng iba, para pagtakpan ang mga maiitim nilang lihim.

@Darklady

Oo dalawa na ang toblerone mo sa akin!ikaw pa ubod mo ng lakas sa akin!hehhee! salamat sa laging pagbista sa aking kwarto at ngapala napadala ko na sa email mo yung nirerequest mo!Ingat palagi!

DRAKE said...

@Jag

Hahhaa natawa ako dun ah....mukhang magsasaka!

Pero tumpak na tumpak ang sinabi mo! Okay ng magmukhang mahirap pero nakakain ng 3 beses sa isang araw, kasi mabuhay sa isang karangyaang huwad, na kung saan pinahihirapan ang sarili para mabuhay lang ng iba sa kanyang nakagisnan!naks lalim nun ah!

@Jepoy

Duh? What language is that? you make english english and then tegelog? You are not sosyal like us! Ewwww!

DRAKE said...

No benta

Sinabi mo pa,parekoy!hahahha! Siguro iba talaga ang kapeng yun! May kapangyarihang tumagal hanggang 5 oras pa!ahhaha

@Sly

Okay naman ang mahilig sa gadget, dahil ako rin naman mahilig sa gadget, yun nga lang pag masyado mong inangangalandakan ang gadget mo to impress other people yun ang mali. Pero kung gagamitin mo yun kasi gusto mo at hindi dahil sosyal yun sa patingin ng tao, eh di okay yun di ba!heheh!
Nga pala sakit na ng tiga saudi yun, ang mahilig sa gadgets!

DRAKE said...

@Roanne

Hahha nagcommnet din ako dun, mukhang magandang topic pala itong napagusapan natin!hehe

@Pope

Tama po ang inyong sinabi Pope. Itoy paggisingn lang sa mga taong nabubuhay sa ilusyon ng pagiging sosyal. Kung alam natin hindi na nating kaya iafford yun, wag na nating pilitin! Maraming bagay na dapat mas pagtuunan ng pansin!hehhe

DRAKE said...

@Glentot

Tae ka, HINDI TO REPOST!!!!

Umayos kang utot ka!hahaha
Tungkol sa comment ni Kikilabotz, hindi ko nga alam baka naligaw lang yung comment nya na yan! Di ko makita yung relevance!hahah!

@Pablong Pabling

Maraming salamat! Sana mailibre mo rin ako sa Stabucks!hehe

@Lord CM

Sorry GMA Pinoy TV subscriber kami. Sino si Rubi? Rubi....Rodriguez??

DRAKE said...

@Scofield

Oo nga simple lang tayo, hayaan na nating ang ating kayamanan ang magsalita! Kumbaga "TALK TO OUR DOLLAR!!!!" hahaha

@Rah

Pero mayaman nga talaga yun rah, kasi mahal talagang magtravel!hehhehe

@Gillboard

Naks since birth sosyal ka na! Hindi ka dumaan siguro sa lampin, pampers agad! At promil ang gatas mo!Sosyal!

Stone-Cold Angel said...

Nice Post!

Guilty din ako dito. Di mo maaalis sa mga Pilipino na maging iba sa lipunan.

Dahil ang iba ay cool.

Pero dahil na din sa socio-political mindset na itanatanim ng media at ng lipunan kaya nagkakaron ng racism between mahirap at mayaman.

Pano ba natin masasabi ang isang mahirap sa isang mayaman? Kun walang mahirap, walang mayaman at vice versa.

Unknown said...

pareng drake! I am proud to say na hindi ako kabilang sa mga nagpapanggap na sosyal diyan! kuripot ako, hahaha!

BlogusVox said...

Dalawang kataga lang ang pumasok sa isip ko sa mga taong binanggit mong "feeling" sosyal; inferiority complex.