QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, March 27, 2010

SUICIDE

Okay hindi maganda ang pag-uusapan natin ngayon, dahil usapang SUICIDE ang ating tatalakayin. Alam nyo ba kung bakit ko naisip ang isyu na ito? Dahil napanood ko sa TV na nagsuicide ang anak ni Cezar Montano kamakailan lamang.

Alam nyo ba naisip ko dati, , ano kaya ang pinamabisang paraan para madiretso tigok ? Teka, teka, teka…. Wala akong balak tapusin ang buhay ko, masarap kayang mabuhay. Naisip ko lang yan dahil wala akong maisip noon. Kaya wag kayong mag-alala sa akin, dahil magpaparami pa ako ng lahi at gusto ko pang yumaman.

So hayun na nga, naisip ko kung magpakalunod kaya?? Nyemas mahirap yun, aba mahirap kaya mawalan ng oxygen sa katawan, takpan mo nga lang ang ilong mo ng 3 minuto hindi mo na kaya, pahihirapan mo pa ba ang sarili mo! Isa pa ang panget mo pag naahon ka na sa tubig. Tyak magiging kamukha mo si Arnold Clavio o si Arn-arn dahil namanas ang buong mukha mo sa tubig. Siguro naman ayaw mong magmukhang siopao o plastic baloon.

Naisip ko, sa paglaslas kaya ng pulso madali kaya yun. Medyo mahirap din yun, kasi nga medyo matagal pa bago ka matigok. At karamihan sa naglalaslas ng pulso, naabutan pang buhay. Tuloy nalalaman ng ibang tao ang mga kadramahan mo sa buhay. Kokonti ang nagiging successful sa paraan ng pagsusuicide na ito. Kumbaga pan TV o pampelikula lang ito, dahil nagpapansin lang kasi yung bida. Kaya wag na ito ang gawin mo dahil hindi ka naman siguro KSP at lalong hindi ka naman artista.

Lason kaya? Kaso alam naman natin na hindi masarap ang lasa ng lason. Kaya katulad ng nanay ko, para makain ng daga ang Dora Rat Killer, hinahaluan nya ito ng Piatos (sosyal na daga). So kung maglalason ka ng sarili, haluan ng chocolate para diretso ang lagok. Tingnan din ang expiration date ng lason baka expired na (baka hindi umepek yun) Kung napurnada pa rin ang pagkakamatay mo sa pag-inom ng lason, malas mo dahil mahihirapan ka ng kumain, dahil tunaw na ang lalamunan mo. Kaya baka sa puwet na lang padaanin ang pagkain mo.

Magbigti kaya?Pero siguraduhin na matibay ang kisame. Dahil baka imbes na mamatay ka sa bigti eh mamatay ka dahil nabagsakan ka ng kisame. Kaya malas mo patay ka na, sabog pa mukha mo. Panget naman nun! Hindi tuloy matutupad ang pangarap mong mamatay ng parang natutulog lang (pwera na lang kung bihisan ka ng pajama saka takpan ng unan ang wasak mong mukha)

OKAY TAMA NA NGA YANG USAPANG SUICIDE NA YAN!!!

Kaya ko lang naman nailabas itong usapan na ito ay para ipabatid sa iba na hindi “cool” ang pagsusuicide. Maigsi lang buhay kaya imbes na sayangin ito, gamitin na lang ang maigsing buhay na ito sa kapani-kapanibang na bagay.

Isipin mo na lang, kung gusto mong mamatay, marami naman ang gustong mabuhay. Yung iba nga dyan kumakain na ng basura, mabuhay lang. Yung iba naman halos ubusin ang kayamanan at dumugo ang tuhod kakadasal, madugtungan lang ang buhay nila. Samantalang ikaw iniiwan lang ng gerlpren/boypren akala mo namang inalisan ng hininga. Sarap mong batukan ng isa!

Tandaan natin “Walang permanante sa mundo, ang lahat ay lumilipas din”. Kung ano man ang problema mo sa buhay, lilipas din yan. Siguro marami ang hindi makaalis sa kalungkutan ay dahil naging komportable na sila sa kalungkutan. Kung nasaktan ka, payn! Malungkot ka, umiiyak ka, at magemo ka. Pero kung nag-eemo ka pa kahit lumipas na ang mahabang panahon, aba kapuwitan na yun.
.
Gumising ka nga, subukan mong pumunta sa Children Cancer Foundation. Isipin mo na itong mga batang ito, bata palang nakakaramdam na ng hirap at sobrang sakit, pero masasaya pa rin sila at hindi pa rin nawawalan ng pag-asa. Bakit hindi mo subukang ikumpara ang sakit ng puso mo sa sakit nila. Baka wala ka pa sa kalingkingan sa paghihirap nila, mapahiya ka pa!

Kung nalulungkot ka dahil iniwan ka ng taong mahal mo. Sampalin mo ang sarili mo ng isangdaan beses. Isipin mo na lang na may siyam na bilyong tao sa mundo na pwedeng mahalin at pwede ka ring mahalin. Kung ang aso, pusa o daga nga may nag-aalaga, sa iyo pa kaya?Siguro naman di hamak na mas masarap kang mahalin kaysa sa mga hayop na ito? Kaya wag kang papayag sa ganun?
.
Kung miserable ka dahil sa problema, aba wag ka ngang epal dyan. Sino bang taong walang problema?Lahat may problema, depende lang yan sa pagdadala. Ngayon kung pinoproblema mo ang buhay mo, isipin mo na lang kung ang mga ibon nga na walang isip nabubuhay, ikaw pa kayang may isip. Baka maisulto ang ibon sa iyo kapag sinabing “bird brain” ka, kasi ang totoo mukhang mas may isip pa ang mga ibon kaysa sa iyo. Kaya gumawa ka ng paraan, imbes na magmukmok sa kadiliman.

“DON’T BE A SLAVE TO YOUR EMOTIONS, BE A MASTER OF YOUR EMOTIONS”.

Tayo dapat ang kokontrol sa emosyon natin, at huwag tayo ang kokontrolin ng emosyon natin. Ikaw ang may utak, ikaw ang may puso kaya nasa sa iyo kung paano mo ito kokontrolin. Ang emosyon ay produkto lamang ng ating utak (pati puso rin), kaya hindi dapat mas dominante ang emosyon kaysa sa utak natin ( at puso natin). Ikaw ang may hawak ng “remote” kaya dapat ikaw ang kokontrol dito. Walang sariling buhay ang emosyon kaya huwag kang magagapi dito. Kasama lamang ang emosyon sa buhay kaya hindi pwedeng mabuhay tayo sa emosyon.Parte sya ng buhay at hindi sya ang ating buhay.
.
Maraming bagay kasi ang hindi natin nakikita pag napangungunahan tayo ng emosyon. Kung hahayaan natin bulagin tayo ng emosyon, hindi natin makikita ang kagandahan ng buhay. Malaki ang mundo at marami ka pang hindi nakikita dito. Malawak ang daigdig kaya wag mong ikulong ang sarili mo sa madilim na kwarto ng kalungkutan. Huwag mong ipagkait sa sarili ang maging masaya, hindi iniintay ang saya dahil anuman oras pwede kang maging masaya. Hindi pwedeng pangarapin ang kaligayahan dahil wala ngang permanente sa mundo, pero pwede mo itong makamtam ngayon din at ienjoy ang kasiyahan hanggang sa huli.Maigsi lang ang buhay, kaya wag kang masyado atat na matapos ito. Dahil minsan sa pagmamadali natin sa buhay, nawawala sa atin ang tsansa at oportunidad na maging.....……MASAYA.

42 comments:

darklady said...

"Isipin mo na lang na may siyam na bilyong tao sa mundo na pwedeng mahalin at pwede ka ring mahalin. Kung ang aso, pusa o daga nga may nag-aalaga, sa iyo pa kaya?Siguro naman di hamak na mas masarap kang mahalin kaysa sa mga hayop na ito? Kaya wag kang papayag sa ganun? "

Ganda nito..pero bakit may mga taong inaakalang isang tao lang ang kayang magmahal sa kanila?

Hay naku ka dramahan na itetch! Sori naman nag eemo lang.hehehe

Tama yung mga sinabi mo mahalaga ang buhay, ang iba lahat ginagawa para mabuhay tapos sila konting problema suicide na kaagad. Marahil mahina ang loob nila. hindi nila kinaya yung mga pagsubok na dumating sa buhay nila. Hindi nila inisip muna yung mga taong iiwan nila. Yung mga nag suicide pa rin ang masasabing lugi sa ginawa nila. Sayang hindi nila mararamdaman pa yung mga maaaring magandang mangyari sa kanila.

Kuya may tanong ako bakit kapag thursday and friday absent ka sa blog? Dahil din ba absent sa office? ^_^

darklady said...

Pahabol na comment sa picture ng pag ssuicide dito sa post mo.. Natakot pa talaga sa ahas yung magbibigti.natakot na baka mamatay sya sa tuklaw ng ahas?whahahahaha

Unknown said...

To someone:

nung una, nakaka pag open ka ng problema sa akin, komportable kang ishare sa akin yon. marami kang problema, Honestly i have ears para pakingan ang mga daing mo, i have given you some advice, para ayusin isa isa ang problema mo. minsan, pinayuhan at dinaanan ko na sa scientific na paraan na mag pacheckup ka baka kailangan mo ng gamot for anxiety and depression. kasi di rin naman ako psychologist para ianalyze ang kwento mo although kung ako nasa katayuan mo, it seems na parang madali lang sa akin na ayusin ang problema mo, (takot ka lang sa consequences).. pero kung makailang ulit mo na sinabi sa akin na gusto mo ng mamamatay. di ko alam kung yon ba'y kailangan kong seryosihin at mag alala ako or nag dadrama ka lang at nag bibiro. but i take it seriously, kasi di normal ang magkaroon ng suicidal ideation, medically speaking.

dahil dyan sa mga thoughts mo na yan, napuno na ako at sinabi kong "kung gusto mong magpakamatay, go ahead, wag ka ng nandadamay ng ibang tao!!!"

at mula non, kung dati nag oopen ka sa akin, ngayon pansin ko parang lalo mo ng tinago ang feelings mo, di ka na talaga nag open... somehow pinag sisihan ko ang sinabi ko na yon.. parang lalo lang nakasama. at tingin ko naging makasarili pa ako at di marunong makinig or walang tyaga sa problema ng ibang tao, basta ako masaya.

pero sa mga ganyang tao, ano ba ang dapat gawin? ano ba ang gusto nyong marinig? unfair naman kasi.. mahal namin kayo bilang kaibigan, partner, pamilya pero parang wala rin atang silbi, kasi pano namin kayo mamahalin eh kayo mismo eh hindi nyo mahal ang sarili ninyo?

anyways.. kailangan din dyan eh may kasamang drug interactions, like antidepressant or antianxiety drugs. at talk therapy or bigyan ng bagong pagkakaabalahan para di sila malungkot.. hayzzzzzz sumasakit ang ulo ko! kailangan ko kumain ng chocolate!!!! anyways.. sa ngayon.. ingat na ako sa sinasabi ko.. bakit ganun, parang ako pa ang mali? potah!

KESO said...

aww, nakakalungkot isipin na may gnyang mga tao, msyadong mahina ang loob at nagpapaalipin msydo sa knilang emosyon. awts. parang msyadong makasarili dhil ang iniisip lng nila ay ang knilang sarili, hndi nila naisip ang mrrmdaman ng ibang ngmamahal sa knila kung bgla n lng silang mgppkamatay. tsk. tsk. ngtataka lng ako, bkit mas mdming ngssuicide n lalaki kesa babae, sbi kse '8th leading cause of death for males yang pgssuicide.samantalang sa babae pang 19 lang. tapos ratio pa is, four is to one. male to female un. patunay b iyon na mas emosyonal ang mga lalaki. mas emosyonal nga ba kayo?

Ayie Marcos said...

Ang selfish ng idea ng suicide eh--k'se sure naman na may tinatakasan ang taong nagsusuicide.

Parang, "hindi ko na kaya, kaya kayo na ang bahala sa mga problema ko", hindi tama diba?

Siguro sobrang lungkot ng buhay para sa kanila, hindi na nila naisip na baka sasaya pa uli--nawalan na ng pag asa para sa bagong umaga.

hay life.

Null said...

B1, sadyang may mga tao na weak ang personality... kaya minsan nakakatagpo siya ng mga tao (strong) na makakapagpatibay sa kanila. Ang problema, kapag masyado na umikot ung mundo niya sa taong yun, kapag nawala ito, mas lalo siya nalulugmok. kaya ang tendency suicidal. Sa pamilya naman, once na ung kinakapitan mo na poste (mahalagang parte ng pamilya, tatay man o nanay) ay mabuwag, siguradong guguho ang bahay. Kaya madami rin sa kanila ang suicidal if ever naghiwalay ang parents.

HINDI KASI NILA MINAHAL UNG SARILI NILA BAGO MAGMAHAL NG IBA.

kaya hindi ako naniniwala sa phrase na "You complete me" kasi kahit sino hindi makakapagpuno sa pagkatao mo. Love in all types are INFINITE... hindi mo yun masusukat... at wala ka rin karapatan sukatin kung gaano ang ibinibigay nya.

Bothered lang ako sa impact nun sa GF nya. Im definitely sure habang buhay nya sisisihin ung sarili nya sa mga nangyari, kahit na alam ng lahat na hindi siya ang may kasalanan.

Kaya ikaw B1, wag na wag mong iisipin magpakamatay pag-iniwan ka ng gf mo... kasi siguradong hindi na yun ang iisipin ni B2! hehe

DRAKE said...

@Dark lady

Yun nga masyado nilang pinapaikot sa isang tao ang buhay nila, kaya once nawala iyon, nawawala na rin ang kagustuhan nilang mabuhay. Malungkot pero masyado silang nabubulagan sa malaking pakahulugan nila sa pag-ibig

Mahirap husgahan ang mga taong nagsuicide lalo pat hindi naman natin sila lubos na kakilala, pero sana maging aral iyon sa atin na pahalagahan ang sarili nating buhay.

Nga pala dito sa Saudi ang thursday and friday ang kinokonsider nilang weekend dito!wala kaming pasok ng ganun mga araw! Napansin mo pala yun!hhhee

ingat

@Ollie

Sabi ko nga noon, kung minsan pag may may naglalapit ng problema sa atin, hindi naman natin kailangang magbigay ng matalinong payo eh ang kailangan nila ay may taong nakikinig sa kanya. Gusto lang nyang maglabas ng sintemyento, para kahit papaano lumuwag luwag ang pakiramdam nila. Minsan hindi nila kailangan ng taong tutulong sa kanila, kundi ang taong makakaintindi sa kanila. Yun lang naman ang kailangan nila bro eh.
Hindi ako naniniwala sa diversion of attention, but more on self healing. Iparamdam mo lang sa kanila na nandyan lang ikaw para makinig sa kanya.Salamt bro!

DRAKE said...

@Keso

Tungkol sa tanong mo kung bakit mga lalaki? ang sagot ay dahil..masyadong tinatago ng lalaki ang tunay nyanng emosyon. Dahil para sa kanila ang pag-iyak ay tanda ng kahinaan. Masyado nilang sinasarili ang problema sa ideyang "dahil lalaki ako, kabaklaan kung makita nilang miserable ako".

Wala kasing emotional outlet ang lalaki, unlike ang babae marami silang paraan para mailabas ang nararamdaman nila, plus the fact na natural sa babae ang maging emosyonal.

Ganun yun keso!!hehhe

@Ayie

Sabi ko nga mahirap silang husgahan. Lalo pa't hindi natin batid ang tunay nyan emosyon at damdamin. Pero sana'y maging aral ito sa atin na, maling desisyon ang kitlin ang sariling buhay.

@B2 (Roanne)

Ako rin ayaw kong makarinig ng "ikaw ang lahat sa akin" o "mahal kita higit pa sa buhay ko".
Masyado nilang pinapa OA ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Tama ang sinabi mo dapat pahalagahan nilat at mahalin muna nila ang sarili nila bago. Sabi nga sa kanta "Learning to love yourself is the greatest love of all".

Roanne, tungkol sa pagsusuicide.Hindi naman ako ganun kadesperadong tao.Sabi ko nga ang daming pwedeng mahalin kaya bakit ko sasayangin ang buhay ko sa taong umayaw na sa akin.Eh di ayawan na!hehe

Tungkol sa GF ng anak ni Cezar Montano. Tama ka walang kasalanan yun, dahil desisyon ng anak ni cezar ang magpakamatay. Kaya wag nilang isisi sa inosente ang kasalanan ng isang taong hindi marunong tumanggap ng kabiguan.
Ingat B2

Yien Yanz said...

Dagdag ko lang sa mga punto ni Drake... kapag desidido ka naman nang magpakamatay eh wag mong kakalimutang sumulat ng suicide note. At doon eh pwede mong isulat lahat ng hinanakit mo. ako'y napapaisip lang kung si Drake ang magpapakamatay (knock on wood.... hahahah knock on wood talaga... Drake huwag, kais maaga akong mabu-biyuda...) ano kaya ag isusulat niya sa kanyang suicide note? Comedy pa rin kaya??? Tsaka nga pala, wag mong kakalimutan ang last will and testament mo ha... Sabi nang akin ang mga pabo at baboy eh... hahahha

Sorry naman Drake, may baltik pa rin ako ngayon! hehehe!!!

darklady said...

Kuya hindi ka ba nag oonline sa bahay nyo? Kahit restday mo?

NoBenta said...

Masyadong mainit ang usapin, ang hahaba ng comments. Kaya iiklian ko nalang.

Engot ang nagpapakamatay. Lalo na yung nagsu-suicide ng masakit. Tapos sabi mo nga, ang pangit pa ng hitsura ng magiging bangkay mo. Kung magpapakamatay lang naman, mag-overdose nalang ng sleeping pills. Di na masakit, parang natutulog lang yung bangkay mo!

Pero seriously, naisip ko na yan dati. Kaso nag-isip ako twice for the third time. Sarili mo lang iniisip mo kapag ginawa mo yun. EH PAANO NA YUNG IIWANAN MO? Tinatakasan mo yung reality.

Speaking of suicide, may isang taga samin na nagbigti. Nagtataka yung mga taong nakatuklas sa kanya dahil walang laman yung kuwarto. Tapos medyo mataas yung kisame. Nasolve ng mga pulis yung mystery dahil basang-basa yung sahig. Paano siya nakapagbigti kung nasa eleven feet yung taas ng ceiling? Hmmm...

Xprosaic said...

wala akong masasabi sa mga gustong magsuicide... tigas kasi ng mukha kaya alam kong useless lang na magdadadakdak pa ako... ahahahahahahahaha... yung kapitbahay namin noon nagpakamatay pero bago sya nalagutan ng hininga nagsulat muna siya sa pader gamit ang dugo niya at dun niya sinabi ang mga hinaing niya... kita ko pa mula sa bintana ng kwarto niya ang sinulat niya... wala lang... kakakilabot lang... jijijiji

PABLONG PABLING said...

very well said

chingoy, the great chef wannabe said...

“DON’T BE A SLAVE OF YOUR EMOTIONS, BE MASTER OF YOUR EMOTIONS”.

gusto ko ito.

though may nabasa rin ako na genetics has sumtin to do with being suicidal...

basta pray pray ke Bro.

A-Z-3-L said...

sampung bagsak!!! at hihiramin ko ang ilang linya... :)

Anonymous said...

Kung nalulungkot ka dahil iniwan ka ng taong mahal mo. Sampalin mo ang sarili mo ng isangdaan beses. Isipin mo na lang na may siyam na bilyong tao sa mundo na pwedeng mahalin at pwede ka ring mahalin. Kung ang aso, pusa o daga nga may nag-aalaga, sa iyo pa kaya?Siguro naman di hamak na mas masarap kang mahalin kaysa sa mga hayop na ito? Kaya wag kang papayag sa ganun?

^^^^ love this one^^.....

normal lang maging malungkot, umiyak, mag emo kung iniwan ka or na broken heart ka as long as pagkatapos nito magiging okey ka na, ipagpapatuloy mo na ang buhay...tandaan lagi Do not let your emotions control your life...

but until now hindi ko pa rin maisip kung bakit may mga taong nagpapakamatay pagdating sa pag-ibig..ang sarap mabuhay kahit minsan puno to ng pighati...

kung sana lang nalaman nya, kung sana lang nakinig xa, kung sana lang narealize nya, kung sana lang hindi xa bumitaw sa Panginoon, kung sana lang naniwala xa sa sarili nya na makakaya nya, sana kasama pa namin xa hanggang ngayon.... :-(

i love your post drake!..muwah!

Stone-Cold Angel said...

Ayos tong post mo Drake. Amen sa lahat nang sinabi mo.

DRAKE said...

@Yanie

Nabuhay ka tae ka! ano na naman yang sinasabi mo na yan! Isa pa wala akong balak magpakamatay dahil nga marami pa akong pangarap sa buhay. isa pa dadalhin mo pa ako dya sa dubai at pagbubuhayin hari mo pa ako dyan!
Tungkol sa suicide note ko, hindi na ako gagawa nun kasi nakakahiya pag napurnada pa ang pagpapakamatay ko!hahaha
O sige sa iyo na yung pabo at baboy, yung wedding ring natin itapos mo na, kasi di naman talaga para sa iyo yun!hahahaha

@darklady

Hindi ako mahilig sa YM eh minsan lang talaga ako mag YM, hehehe!

@No Benta

Marami kasing tao ang tinatakasan ang problema, pero mahirap nga silang husgahan dahil nga siguro kulang sya sa gabay ng mga taong nakapaligid sa kanya. He needs to have selfworth para mas mapahalagahan nya ang buhay.

Tungkol sa sleeping pills, mukhang maganda yan ah! Magpapaka Heath Ledger kumabaga!hahah

DRAKE said...

@Xprosiac

kakatakot naman yun, pero sigurado ka bang hindi yun isang shooting sa pelikula!hehehe! Medyo ingat ingat ka kasi tyak mumultuhin ka nun! SIGE KA ANDYAN NA ANG MUMU!!

@Paps

Salamat sa iyo paps

@Chinggoy

Para mali ata ang grammar ng pinagkuhanan ko nayan! Buti kinoquote mo kasi ngayon ko lang napansin, heto ang tama chingoy:Dont be a slave to your emotions, be a master of your emotions.

Ewan ko kung totoo yung sinabi mong nasa genes yun! Pero ang pagkabaliw ay namamana daw. Tito ko baliw, kaya ako ganito.hahah

DRAKE said...

@Azel

Salamat sa iyo! Namiss kita Ate!hehehe, sige pwedeng hiramin

@LAdy in advance

Salamat sa muling pagdalaw sa aking kwarto! Tama ka minsan talag anag kailangan natin ay pananalig sa Dyos. Madalas kasing nagtitiwala lang tayo sa sarili nating kakayahan na makayanan ang problema at masolusyunan ito, kay madals tayong panghinaan ng loob at madalas ng pag-asa. Pero kung kung mananalig tayo sa Panginoon tyak ang lahat ay kaya nating lampasan.
Sana maging aral ito sa atin, na pahalagahan natin ang buhay at mahalin ang sarali.
Salamat sa pagbisita

@Stone Cold

Salamat sa pagbisita muli! Teka matingnan nga uli ang blog mo!
Ingat

BlogusVox said...

Praktikal at nakakatuwa ang mga payo mo. Pero doon ako natawa sa mga tanong ni darklady. :D

Bakit nga ba, drake, at absent ka sa blogosphere tuwing Huwebes at Biyernes?

Ako ganun din. Kasi sa opisina lang ako nagnanakaw ng oras para mag blog. >: D

krn said...

ang pinakacool na paraan ng pagpapakamatay ay sa pamamagitan ng pag-inject ng air intraveously. patay agad yun. hindi madugo at hindi ka papanget. LOL

but what is life after death?

kaya mas cool pa din ang mabuhay. kahit gaano man kadaming hardships at pains titiisin ko na lang. And susundin ko na lang mga sinabi mo. ingat din.

salbehe said...

Alam mo, pareho tayo. Nung marinig ko na nag-suicide ang anak ni Ceasar nagresearch na ako na kung sakaling magpapakamatay ako ano ang pinaka err.. not gruesome.

Ayon sa akin research, alcohol and Zolpidem (sleeping pill). Syempre hindi ko alam kung totoo yan hindi ko pa nasusubukan at wala akong balak subukan. Naisip ko lang i-research. :)

Dhianz said...

itoh ang mga gusto kong entry moh kuyah... inspiring... at for sure may makukuhang aral from reading it... nde pa akoh makatulog kc lamig sa room... la kcng kayakap.. haha... sayk! nde nalimutan ko kcng i-on ang heater hanglamig... sosyal... haha... winawarm pa room koh so while mah heater is doin' dat eh naisipang kong kalikutin ang nanahimik at nagpapahinga at nagchacharge na na cell koh para makapagbasa nang blog muna... at dahil namiss den kitah... echoz! haha... teka usapang suicide palah...

funny ilang beses ko nang naisip gawin yan sa pinas... as in laslas nang pulso... i was thinking of doing eh pagkagaling sa skul eh bibili akoh nang blade sa tindahan then ayon... pero syempre hundred times inisip gawin pero sa yutakz koh lang... haha... kc lumilipas den ang sama nang loob eh... tapos yoko nah... then hmmm... nung medyo lumaki na eh ano anong scenario nang pagkamatay naiisip koh... yung tipong... minsan rarapin kah tapos iiwan ka na lang sa daan na naked hanggang mamatay sa lamig... or kaya naman iinom nang iinom nde lason... as in lotz of liquor na nde na kayang itolerate nang katawan moh at ill be somewhere hidden in my room pero nde nilah alam at kahit chinek na nilah eh nde raw akoh makikita hanggang irereport na sa police at matatagpuan na lang na dead after few days... haha... ewan ko minsan ang imagination koh... dmeh pang worse dyan... minsan nga sama nang loob... may time na depress-depressan... or naghahanap nang awa sa sarili... but during those moments na naiisip ko yan eh ako mismo ang naiiyak... naisip ko ren after umiyak nang lahat nang mahal koh sa buhay ay babalik sila sa reality at magpapatuloy silah sa buhay nilah... patuloy na iikot ang mundo... samantalang akoh baka maging isang lonely lost soul lang... eniweiz most of d time nasa yutakz lang drama koh... once naiyak ko na eh ok na akoh... next step iiyak kay God and ask forgiveness...

eniweiz tao lang... minsan kahit alam naten na nde dapat tayo kinokontrol nang emosyon naten eh nde naten maiwasan... may pagkakataon sa buhay naten na mas gusto nating magmukmok at magpakalungkot... pero kung iisipin naten temporary lang ang nararamdaman naten... tulad na lamang na walang bagay ang permanente sa mundo... temporary ren ang kasayahan natin... even galit naten... it takes effort para magalit ka nang years and years let say sa isang tao... i guess minsan ok ren lang maging malungkot... umemo... find a way kung pano marerelease kung ano mang emosyon meron kah... find a way to release it without hurting others nor yourself...

suicide is for sure never a way... life is so precious and a gift from Him juz to put in a waste or worse end it... nd i dont think we also have any right to do that... only Him... nd i definitely agree with u kuyah... dmeng taong nde man nila kinitil ang buhay nilah pero they are living their lives like a dead person... a lot of them are wasting their time...while would give anything juz to have one more day in this world... and some trying to fight to survive... juz to be given more time to be with their love ones and to enjoy even just for a short time all of God's wonderful creations...

Dhianz said...

buhay nga naman noh... we are all so good on talking pero sometimes lost den naman... pinaparinggan ko sarili ko... haha... pero in fairness lately eh i am trusting God more... im less emo kc i talk to Him again most of d time... nagbalik akoh sa path... still not totally perfect but im glad of my improvement....

stay close to Him lang and pray at all times and kahit ano pa yang dumating sa buhay nateng lahat eh for sure makakayanan naten... oh yeah i was gonna say pag totally perfect na akoh eh for sure kukunin na akoh ni God...wehe... pero alam Niya for Him ready ako anytime... syempre nde suicide noh... pag He thinks time ko nah... dmeng sinabi eh noh... namiss ko magkomentz... haha... pudpod na daliri koh d2 sa cell koh... haha

sige kuya warm na sa room koh... need to sleep na ren... paalam pa noh... haha... kuya keep up wat u doin... keep inspiring us... and keep living for Him... para kung nde man kita mameet sa earth eh kita kitz sa heaven... wehe...nite! ingatz lagi... God bless u and ur love ones always... =)

Jepoy said...

Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi ang haba ng ng post nakakatamad basahin.

Basta wag nating i judge ang may suicidal tendencies kasi hindi naman tayo nasa kalagayan nila. Kelangan lang siguro nila ng taong mag mamahal at iintindi sa kanila hindi katulad ng ganitong post na napaka judgemental and not encourging.

Chos!

Kosa said...

Basta ako; Hinding Hindi ako magpapakamatay. Hehe at apiiir tayo dyan. MASAYA at MASARAP ang mabuhay!

Kaye said...

Guilty po ako dito. Sorry naman po.

DRAKE said...

@Blogvoux

Maramingn salamat po sa pagdalaw natuwa naman po ako sa inyong kinomment! At alam nyo naman po kuya kung bakit ako absent ng Thursday at Friday, dahil nga weekend dito sa Saudi!hehhe!Salamat po uli

@Karen Anne

Nice nurse na nurse ang dating ah! Medyo dumugo ang ilongn ko dun! Pero tama ka, masarp mabuhay dahil maraming bagay na kailangan nating tingnan para mas maapreciate natin ang buhay! Ingat

@Salbahe

Oo nga wag mo ng subukan mamaya matuluyan ka, delikado na! Siguro nga yung sleeping pills ang medyo okay kasi nga yan ang paraan ng mga artista sa pagpapakamaty nila. Nice lumelevel na!hehehe!Ingat at maraming salamat din!

DRAKE said...

@Dhianz

Medyo nalungkot naman ako sa kwento mo, pero good thing okay ka na! Tama yung ginagawa mo ang lumapit sa Dyos. Alam naman natin na hindi naman tayo nya pababayaan. ANg problema, bahagi din yan ng buhay kaya hindi pwedeng magkaroon tayo ng problem-free na buhay. Ngayon depende yan kung paano natin tatanggapin at paano reresolbahin anng problema. Hindi natin pwedengn takasan ang problema kasi tyak n ababalik at babalik yan sa buhay natin kaya mabuting harapin na lang ito. At katulad ng sinabi mo sa tulong ng Dyos malalapmpasan din natin ang mga unos na daraan sa atin. Kaya minsan tayo nahihirapan ay dahil masyado nating niyayabangan ang Dyos, at sabihin kaya na natin itong mag-isa at reresolbahin natinitong mag-isa.Pero ang totoo hindi natin kaya, kaya imbes na magyabang tayo maiging lumapit tayo sa Dyos at tutulungan nya tayonng lampasan ang mga pagsubok na ito.
Maraming salamat sa pagshashare mo ng mga ideas at karansan mo. Sana marami rin ang makabasa nito para magising din sila.

Maraming salamat Dhianz
P.S
Bakit ka nga pala hiatus?? ang tagal na bago ka uli nakabalik dito ah! Hhehe Namiss tuloy kita!hehehe

Ingat uli

DRAKE said...

@Jepoy

Wag ka na Jepoy, utot mo blue. Masyado kang nageepal dyan! At ito pala yung sinasabi mong matalino komento mo! Wow!hahahah!Hoy tae pag-isipan mo naman next time ang comment mo!Konting effort ba!LOLS!Ingat

@Kosa

Oo naman Kosa alam kong di ka magpapakamatay dahil........mahal na mahal mo ang sarili mo! LOLS!!! Ingat pre!

@Kaitee

Uhhhh?!? Bakit naman! Buti naman at okay pa!ingat

pusangkalye said...

dati ang baba ng tingin ko sa mga taong nagpapakamatay---now my perception changed. it';s not that I admire them .kurs not pero its understandable na sakin. ang hirap kasi mabuhay talaga minsan. kung di mo problema sarili mo---ibang tao naman. hay

SLY said...

ako NEVER akong magpapakamatay.. sarap kayang mabuhay dito sa mundo, at sayang lang ang lahi ko, hehehe.

sa mga nagbabalak magpakamatay, siguraduhing gagawa ng suicide note, baka mapagkamalang massacre yan (gagaling kasi ng ating mga kapulisan). tiyaking makikita ito, IUKIT sa NOO!

pamatayhomesick said...

dapat pagibig hindi pagmamahal!

ang pag ibig mas malaki, pag-iBIG kasi.

pards musta na, ngayon nalang ako nakpasyal sa blog mo, suicide pa pamagat!..he he he

Dhianz said...

nyaikz... bat nalungkot ka kuyah... at parang lungkot lungkot tuloy nang komentz koh... sa yutakz ko lang un nd never gagawin... magaling lang ako minsan sa mga drama stories na ako ang kawawa...pero syempre may story na ako ang prinsesa...pero sometimes pag ang story eh so perfecg eh hangboring... juz saying.. emo ako minsan.. but not all d time... minsan siguro nakukulangan lang nang ligo... haha...juz wanna let u know na i always lab hearing a feedback from u pero diz time parang lungkot nang feedback mo saken... hmmmm... btw pansamantalang pagkawala lang nemen... laterz... miss u all... Godbless!

Chyng said...

Pinaka-effective yung uminom ng SILVER CLEANER. Yung kulay blue na panlinis ng alahas. Patay ka agad. Ganun ka strong yung content ng chemical na yun. I know, kasi kapitbahay namin ayun ginawa eh.

Parang tanga yang mga nagsuisuicide pero ang lalakas ng loob ha. San ka pupulutin after mo gawin yun? do you think papatawarin ka ni Lord na magdecide sa buhay mo na hiram mo lang? I dont think so...

glentot said...

Hindi naman masisisi ang mga ibang tao kung bakit gugustuhin na lang nilang mamatay, baka naisip lang nilang wala nang kwenta ang buhay nila at wala nang nagmamahal sa kanila, at valid na reason naman yun. haha.

The Scud said...

may kaibigan ako who ended an 8-year relationship. wala raw sya balak magpakamatay pero naiintindihan na raw nya kung bakit merong iba na ginagawa iyon. nagpaka-alila na lang sya sa trabaho.

siguro ang mga taong nagpapakamatay ay wala masyadong support group. o walang ibang pinagkaka-abalahan kund si gerlpren o si boypren.

tama ang sabi ng isang blogger. dapat damihan ang mga hobbies para kung may mawala man na isa (hobby ang pagkakaroon ng syota. nyahaha.) meron pang ibang pwedeng pagka-abalahan.

John Ahmer said...

sexually active people appear to be less vulnerable to depression and suicide :

DRAKE said...

@pusang kalye

Kaya nga minsan kasi may mga bagay na madaling sabihin, pero pag nandun na tayo sa kalagayan na yun, mahirap pala! Kaya mahirap humusga

@Sly

Ganun sayang ang lahi??Parang di naman kaya okay lang mawala!hahaha! Joke lang pre, ingat

@Kuya Ever

Oo nga ang tagal mong di nadadalaw nag-aalala pa man din ako kala ko kinuha mo na yung blade at...... nag-ahit ka ng bigote!hehehe!ingat pre

DRAKE said...

@Dhianz

hehehe alam ko namang matatag kang babae kaya alam kong di mo naman maiisip yun! saka ikaw pa kilala na kaya kita at alam kong marami kang mga bagay na pinagpapasalamat mo sa panginoon. Kaya grow in faith and continue to praise God all the time! naks! ako ba ito!Ingat

@Chyng

Mabisa pala yung silver cleaner na yun!masubukan nga ang bisa!hahah Joke lang!
Sabi nga daw chyng pag nagpakamatay daw ang isang tao diretso impyerno na daw sya!

@Glentot

Ganun, so kung magpapakamatay ba sya dadami din ang magmamahal sa kanya! Eh OA naman pala sya eh, gusto lang pala nyang magpasikat!LOL

DRAKE said...

@Scud

Ganun kailangan damihan ang hobbies, tingin ko temporary lang yun! kailangan nya ng inner healing. He/she must learn to appreciate life. There are so many things that life could offer, kaya wag na silang papampam!ingat

@Ahmer

Sige hayaan mo susundin ko ang payo mo para makaiwas ako sa pagsusuicide!hahah!ingat