QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, March 20, 2010

MAHIRAP KUMITA NG PERA

Sa maniwala kayo o sa hinde (malamang hinde!!) eh maaga akong namulat sa pagbabanat ng buto. At narito ang ilan sa mga trabahong pinasukan ko:

TAGABENTA NG PRUTAS



Palibhasa bata palang ako mahilig na talaga ako sa…..PERA (okay payn mukhang pera na ako!). At dahil madalas nagbabaon lang ako ng Rebisco (yung butter flavor pa!yuckk) at Orange juice na putlang putla (basta magkulay orange sya, orange juice na ang tawag), kaya naman gusto kong magkapera pambili ng POMPOMS (chiz curls yun tange!) at Bazooka Bebelgam! Kaya naisipan kong magbisnes, at ang naisip ko ay magbenta ng.....tenen....... mga prutas.

Tuwing Sabado at Linggo dumadayo ako sa mga Lolo para manungkit at manguha ng bayabas, mangga, mabolo, alatiris, duhat at santol. At tuwing hapon naman ay nagnunungkit ako ng kaymito sa kapitbahay naming mukhang RAKETA NG PINGPONG , para may ibenta ako sa mga kaklase kong may baon na pera. Kaya kahit magkadasugat sugat kakakuha ng mga alatiris, mangati sa dami ng higad sa puno ng mabolo at magkandakulani kakasungit ng bayabas......wala akong pakialam, basta kailangan kong kumita ng pera. Yun lang! At dahil mga mukhang unggoy ang mga kaklase ko…. madalas maubos ang bayabas na tinitinda ko, at matagal namang maubos ang kaymito na ninenok ko sa kapitbahay namin.

TAGAPASTOL NG ITIK



Siguro alam nyo naman ang “itik”, ito yung bibeng kulay brown. Yung itlog nya ginagawang balot at penoy! Tuwing bakasyon naman noong elementary pa ako, sumasama ako sa mga pinsan kong magpastol ng ITIK. At kada madaling araw naman, tagapulot ako ng itlog ng itik. Kahit pa mukha akong nognog dahil bilad na bilad ako sa araw, wala akong pakialam basta gusto kong kumita ng pera pambili naman ng ROBOT na BIOMAN. Kumita din naman ako ng mga 200 piso sa loob ng dalawang buwan kong bakasyon.Pero natigil lang ang raket ko na yan nung nagpaTULE na ako. Syempre nakakahiya namang magpastol ng itik kapag binata ka na. Kaya di na ako sumama sa mga pinsan ko kasi binata na nga ako, kaya nilaro ko na lang yung ROBOT na BIOMAN na binili ko. Chungggg chunggg barabambambamam (tunog ng laser sword ng robot ko yan! )

TRICYCLE DRIVER



Tama ang nabasa nyo, nagtrabaho din ako bilang tricycle driver. Tuwing bakasyon noong hayskul pa ako, madalas akong rumaket sa pilihan ng tricycle namin.Dahil myembro ang tatay ko ng TODA, ako ang naglalabas ng tricycle ng tatay. Talagang patyagaan ang pagpila dahil halos kalahati ng araw, wala kang ginagawa kundi pumila ng pumila. Tapos habang nag-iintay ka ng byahe, kailangan mong libangin ang sarili, kaya wala akong inatupag kundi ngumuya ng CEDIE (kornik yun), at SUGO (maning kalbo naman yan). Dyan din ako natutong magkara-krus, magbidyo games, at magbidyo karera. Kumikita ako ng 150 pesos kada araw, at 100 binibigay ko sa nanay at 50 naman napupunta sa akin pambaon at gamit ko sa eskwela sa susunod na pasukan.

FACTORY WORKER SA PAGGAWAAN NG CERAMICS


May programa sa gobyerno noon na na ang tawag ay SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS (SPES). So kagagraduate ko lang noon ng port dyir, at wala akong perang pang tuition sa kolehiyo , uniporme, sapatos at bag kaya naisipan kong patulan ang programa ng gobyerno na yan. Isipin nyo walo kaming nag-aaral at apat na kaming kolehiyo kaya wala talagang pera ang nanay ko kahit itaktak nyo pa sya na parang Ajinomoto, wala talaga. Kaya sa loob ng 3 buwan...... naging "factory worker ako".Ako ang naglalagay sa molde ng malabnaw na putik. Halos maubos ang dugo ko sa dami ng lamok at magka-cholera sa dami ng langaw sa“workplace” namin. Tapos lagi pa akong sinisigawan ng matandang tagapagturo sa akin. Kaya nakakaliit at nakababa ng moral, pero tiis tiis lang. Ganun talaga kailangan kumita ng pera.

Ang sunod na naging trabaho ko ay yun nga sa Jollibee, isang taon ako dun tapos nagtrabaho rin ako sa Burger King.

.
Sa tuwing kinukwento ko ito sa mga kakilala ko walang naniniwala.Paano daw mangyayari yun eh maputi daw ako saka mukhang kay tamad tamad ko.(GANUN??). Bakit naman ako magsisinungaling ?Bakit naman ako magiimbento ng ganito? May premyo ba yun?? Wala naman di ba!!Pero bahala sila!hehhe
.

Alam nyo pinilit ko lang maging magaan ang pagkwento ko sa inyo ,ayaw ko na kasing maging madrama, at lalong ayaw ko namang iparamdam sa inyo ang mga paghihirap ko noon. Okay na sa akin na nalaman nyo ang napagdaan ko. Di naman ako nagpapaawa dito, pero siguro magbigay ng kaunting parte ng buhay ko.Sapat na yun sa akin. Marahil inspirasyon na rin.

Maaga akong namulat sa kahirapan kaya maaga din akong namulat sa katotohanang”MAHIRAP KUMITA NG PERA”. Masasabi kong maswerte ako, dahil naranasan ko ang ganitong bagay dahil natuto akong magpursige pa sa buhay. Bawat sentimong kinkita ko ay binibigyan ko ng importansya at halaga.

Ang mga natutunan ko noon ang ginagamit kong sandata ngayon. Mas masarap ang tagumpay kapag nilagyan mo ng ito ng sakripisyo, pagod, pawis, pagsisikap at mananalig sa Dyos. Wala pa man akong napapatunayan sa ngayon pero masaya na ako na hanggang ngayon may bitbit pa rin akong pangarap at pag-asa sa buhay.

Sabi nga nila “KUNG MAY TYAGA, MAY NILAGA”, siguro di pa luto ang nilaga ko sa ngayon, pero sana pagdating ng araw matitikman ko na ang nilagang bunga ng pagtyatyaga ko. Alam kong mas masarap yun dahil matagal itong pinakuluan para mas lumabas ang lasa. Alam kong matitikman ko rin sya, siguro hindi pa nga ngayon, pero baka bukas na! Sana..........

Yun lang po ingat!


47 comments:

Null said...

BASE!

Lol!!! natawa ako sorry magpo-post din kasi ako ng ganito sa mga susunod na araw, naunahan mo ko hehe kainis! pero tama ka na mas masarap malanghap ang tagumpay kung nanggaling sa sacripisyo ang lahat. Pagkinukwento ko rin sa iba lahat ng pinagdaanan ko, hindi sila naniniwala, at akala nila parati nagpapa-awa lang ako. e ibinabahagi ko lang naman sa kanila lahat ng mga naranasan ko.

naalala ko may paunang post din ako nito...
http://iheartroanne.blogspot.com/2009/07/kung-hindi-ako-arkitekto-isa-akong.html

tawa lang, masarap mabuhay :)

Kaye said...

Yup! Masarap maramdaman na after ng paghihirap mo, may magandang reward na naghihintay sayo.

Nga pala, pwede ka nang tumakbo sa election!

Si Drake ang tunay na mahirap
Si Drake ang tunay na nagmamalasakit
Si Drake ang may kakayahang gumawa ng sariling pangalan...

KESO said...

hahahaha, natawa naman ako sa banat ni kaitee. hehe.

pero kuya, iba ka talaga. dahil sa pinamalas mo, heto ang score mo! (showtime?!) hehe. pero kuya, saludo ako sayo. :))

Yien Yanz said...

May nakalimutan ka atang sabihin na naging trabaho mo noon... hmmm... diba naging.......*insert drum roll here* ......... macho dancer ka din noon.... hoy aminin mo, doon tayo nagka kilala.... kasi ako yung bugaw sa club hahahahhahah!!!!

Opo mga kapatid, isang masipag na anak si Drake... pero dapat lang niyang gawin yun sa dami ng naging kalokohan niya.... buti yan, magbanat ka buto para di lang pagja.... jackstone ginagawa mo...

hahahha!


PS... I'm back.... BALAKUBAK!!!

krn said...

as usual, very inspiring=)

Xprosaic said...

Manong tsaro ikaw ba yan!? jijijijijijiji.... basta masasabi ko na lang... maswerte pala ako... jijijijijiji

John Ahmer said...

Wow alam mo ba nag SPES din ako 3x' isa kang inspirasyon ng sambayanang Pilipino ! Apir Parekoy!

Anonymous said...

hehhe.
mahirap tlaga!! kaya nga ako minsan naiicp q maghanap nlng ng myaman n mppangasawa kht mantda! nyahhah,,
naicp q lng nman! hehehhe..

pdaan po=)

NoBenta said...

Nakakatuwa talaga ang mga pang MMK na istorya ng buhay mo. Halos pareho tayo. Kaya nga di rin maniwala sakin ang mga pinagku kuwentuhan ko ng nakaraan ko. Pareho tayong maputi at mukhang tamad. Parang ikaw, ayaw mong maniwala na nagtrabaho ako sa Jollibee.

Tama, takbo ka na sa eleksyon!

Unknown said...

mahirap talaga! uhmmm actually yang ang bukang-bibig ko pag nanonood ako ng mga talent show na buwis buhay at parang bina baba na nila ang dignity nila para lang ma please ang judge or audience tapos ang corny corny naman ng talent "Ang hirap talaga kumita ng pera!" hahaha..

kikilabotz said...

pareng drake lagi talaga akong humahanga sa kasipagan mo. sobrang hirap na ng mga dinaanan mo pero pag kwento mo na parang napakadali lng. nakkakainspire at sana madami ka pang mainspire sa mga artikulo mo. saludo ako sayo

gillboard said...

ang sipag naman ni drake... daming trabaho...

DRAKE said...

@Roanne

Ganun ba? Naiisip mo ba ang naiisip ko B2 (oo naman b1) nice para lang tayong babanas in Pajamas!Hehehe! Pati yung karansan natin halos pareho din. Maari kayang kambal tayo ng tadhana (Julio at Julia ba ito??hehhe)

@Kaitee

Natawa naman ako dun! Pero alam mo bang nakaligo na rn ako sa "ilog" ng basura?hahahha! Salamat naman sa napakagandang kanta mo kaitee

@Keso

Maraming salamat! Ano nga ba ang score mo sa akin, sana naman mataas yan!

DRAKE said...

@Yanie

Wag ka ngang maingay dyan puwet ka! Yung pagmamacho dancer ko ay part time lang, hindi naman ako nagfull time dyan!

Buti naman at gumising ka na mula sa iyong pagkakahimbing, sleeping beauty ikaw ba yan? Sorry wala palang beauty, sleeping dinosaur ikaw ba yan??

@Karen Anne

Maraming salamat sa sinabi mo Anne, nainspire ako!hehhe

@I am Xprosiac

Oo naman maswerte ka, dahil isa kang anak ng haciendero!Nice mayaman!!

DRAKE said...

@Ahmer

Talaga?? Ayos ah! Akalain mong nag SPES ka rin! Ako naman isang beses lang! Ikaw pala naka tatlo ka na! Salamat sa kometo parekoy

@Kayedee

Ahh, pwede rin naman yang naiisip mo! Basta siguraduhin mo rin na sa iyo ipamamana lahat ng ari-arian nya!hehhe

@No Benta

Nice naman talagang buong pangalan ang nakalagay!hahaha! Hayaan mo magpapadala na ako ng sulat kay Ma'am Charo, malay mo manalo pa ako ng 10T pesos dahil nasa TV ang kwento ko!heheh!

DRAKE said...

@ollie

Huling option ko na ang pagsali sa mga Talent shows na yan pag talagang desperado na akong kumita!LOL! Nagpapapraktis na akong maging snacks ang bubog! Ingat

@kikilabotz

hahaha! Hindi naman ako masipag! Masipag magsulat ng blog pwede pa! Sabi ko nga sa iyo walang gaanong maniwala kasi mukha talaga akong tamad!haha!Salamat sa sinabi mo parekoy, sana matanggap ka rin sa mga hospital na inaaplyan mo!naks naman

@Gillboard

Hindi naman ako masipag! Wala lang talagang pera!hahahha

Andy said...

naks! kala ko tapos na ang kwentong jollibee, may prequel pa pala. hehe.

kudos to you pareng drake sa tagumpay na natatamasa mo ngayon!

Anonymous said...

wow galing mo ah,, very nice....hanga ako sau kac ginamit mo ang "kahirapan" para magpursige ka at gawin lahat...and wow look at you now prang hindi halata na galing ka sa "mahirap"..hahaha

btaw very inspiring ang story mo,,i like it....and yes its true super duper mahirap kumita ng pera, ngayon sobrang naiintidhan ko na kung bakit minsan hindi kami binibigyan basta-basta ng pera ng tatay namin....

drake penge pera *batting eyelashes*..ghe na pambili lang ng pompoms...lolz!....
ingats lagi..muwah!

Admin said...

So parang Villar lang yan ah!


Hehe :)

Pero totoo naman... Mahirap kumita ng pera. Yan ang lagi kong naririnig sa Mommy lalo na kapag ang dami kong demands...

mr.nightcrawler said...

hay naku... kakampanya ka ba parekoy? sige na, ikaw na ang MAHIRAP! ikaw na ang!!! lahat na kami, mayaman! wahaha. peace tayo parekoy. tara na! inuman na :P

Jag said...

"nakaligo ka n b sa dagat ng basura, nagpasko k n b sa gitna ng kalsada...." hehehe...OK lng un parekoy, mayaman k n nmn eh hehehe...kung ano mn ang narating mo ngayon ay dahil iyon sa pagpupursige mo...

Kaye said...

Oh talaga? Hindi ko lang kasi matapos-tapos ang kanta kasi hindi ko kabisado. :)

Null said...

akalain mong naisip mo pa yun? haha baka nga julio... baka nga! julio ang kamay...! lol

mommy ek said...

nakakainspire nman ang iyong post! maswerte ka at naexperience mo ang ganyang bagay dahil paniguradong may mga lessons kang napulot jan! o diba?! look at you now! mestiso kana! hahaha! tama ba?!

Kosa said...

ayus na sana eh!
dun sa panghuli, halos malunod ako sa luhang bumaha...kasama na uhog, laway at ihi! yaaaaks.

napaka-drama mo!
haaaays...

hindi nga? nahihirapan ka talagang kumita ng pera? lols eh working period mo nga, nasa FB ka! nakaYM pa! shongaling ka! hehehe**peace**

chingoy, the great chef wannabe said...

naisulat ko na ang buod ng aking saluobin sa mga bnakaraang posts mo, pero di ko pa rin napigilang mag-comment dito.

sabi nga ng Nanay ko, hindi kasalanan ang maging mahirap, pero isang malaking kasalanan ang manatiling mahirap. Ang pagiging mahirap ay isang mindset lamang, at dapat sa murang gulang pa lang ay ma-instill na sa isip ng mga bata ang kahalagahan ng (1) pag-aaral, (2) pagtitipid, (3) pagiging entrepreneurial, (4) positive attitude, at higit sa lahat (5) trust and faith ke Bro.

bongga!

DRAKE said...

@Andy

Oo at isasalibro ko na rin yan!whahaha! Tapos isasapelikula na rin! Ang leading lady ko ay si Cristine Reyes!Panalo!LOL

@Ladyinadvance

Naniniwala ako na...... isa kang mayaman!naks! Salamat naman at nainspire ka sa kwento ko. Wala lang masarap balikan lang ang mga nakaraan, kumbaga para itong jigsaw puzzle (mga piraso ng nakaraan) at bubuuin mo para mabuo ang iyong mga pangarap (Napakatalinghaga naman nun) Maraming salamat din sa laging pagdalaw sa aking munting kwarto, nakakataba talaga ng puso! Hayaan mo pag nagkita tayo libre kita ng lugaw saka coke!hehhee Ingat

@Mangyan

Si Villar bilyonaryo nun, ako miski LIBONARYO (ano yun) hindi. Totoo sobrang hirap kumita ng pera lalo na kung kailangan mong isakripisyo muna ang kaligayahan mo para lang kumita ng pera!heheh

DRAKE said...

@nightcrawler

Sige ba, inuman na lang! Hehehe! Hayaan mo pag-uwi ko inuman tayo nila Pareng Jag (sana umuwi din sya), sa inyo ang inumin sa akin ang kwentuhan!hahah! Joke lang! Sige magpapainom ako!Hhehehe

@Jag

Hindi pa ako yumayaman, yumayabang lang!LOLS! Ano musta ang Pinas? mukhang nakakarami ka na ah! Hinay hinay lang pre!Hahaha

@Kaitee

Ako medyo nakabisa ko na, sa loob ng isangn buwan kong pagbabakasyon dyan eh nakabisa ko na yung commercial ni Villar dahil halos minu-minuto puro TV ads nya ang napapanood ko.

DRAKE said...

@ROanne

Heto na ang kamay ko Julia.... naks kambal na kambal ah! Medyo nakakatuwa nga kasi madalas din yung ibang entry mo dun meron din akong entry! Tapos yung kakapost mo pa lang, eh naiisip ko na rin yun!Nice ayos

@Mommy Ek

Sino ang mestiso?hahahah! Salamat sa pagdalaw sa aking kwarto sana madalas ang pagbisita nyo dito.Ingat

@Kosa

Ano na namang kaepalan yang mga sinasabi mo na yan!hahah! Siguro nagbasa ka lang ng comment sa itaas tapos saka ka nagcomment!Napaghahalata bro na hindi mo binabasa ang entry ko!LOLS!

@Chinggoy

Wala na akong masab kundi.....HINDI KA NA KURIPOT!hahaha! Tama yung lahat ng sinabi mo. Mukhang iyon din ang daan patungo sa pagtatagumpay ! Ganun nga kailangan imulat ang kabataan sa kahalagahan ng pera at pag-aaral. Basta sobra rin ang pagpapahalaga ko sa pag-aaral, kaya nga medyo nagsisisi ako ng konting konti dahil bulakbol ako noon! Hehhee! Pero talagang napaimportante ng pag-aaral dahil ito ang magiging unang hakbang mo rin para magtagumpay!Ingat parekoy!

Anonymous said...

kelan nmn kaya darating ang araw na malilibre mo ko ng lugaw at coke?!...ipadala mo nlang sken panlibre mo at d2 nlang ako kain ng lugaw,, pramis papapiktyur ako habang kumakain at umiinom....ha!ha!ha!.....

i like you and your blog kaya bumabalik-balik ako d2...(ahem dagdagan mo ng pambili ng desert ung ipapadala mo.lolz)

Superjaid said...

nice naman..ang swerte ko pala kasi di ko naranasang magwork para lang magkabaon at may ipangtuition..tsk tsk sana marami pang makabasa nito para mainspire din sila like me..^_^

Ayie Marcos said...

Ansaya ng post. Ako rin maagang nagbanat ng buto, sabi nga ng nanay ko maaga nya akong isinuga!

Totoo palang ang ang batang maagang nagbanat ng buto paglaki pagod.

Hhehehe! Nag update din sa wakas!

Chyng said...

Bravo! Sipag at tyaga will really bring you a good life. (eeww im not promoting the orange guy with the gazillion tv ads here)

question: ano work mo ngayon? sorry di ako updated.

re dslr, canon 500D lamang gamit ko. walang post processing kasi maganda na yung lugar.

glentot said...

Nagbabalak ka bang kumandidato? Hehehehehehehehehehehehehehehe.

Kosa said...

Hoy hoy hoy!
hoy hoy hoy!
**kumakanta lang ng mr.suave**

binasa ko buong post mo! Taeka!
paninirang puri yan!hehe

eh kung yun ang naramdaman ko sa mga huli mong sinabi eh anung magagawa ko? nakakarelate lang siguro ako sayo ng bonggang bongga, leche ka!

hayhetchu na!
ammmf

DRAKE said...

@ladyinadvance

Hayaan mo malapit na yun, intay intay mo langn dadayuhin ko rin ang dubai. Kung ikaw ililibre kita ng lugaw at coke, ako naman ilibre mo ako sa mamahaling restaurant!hahaha!Ingat

@Superjaid

Kaya pagbutihan mo ang pag-aaral jaid, kasi talagang hindi biro talaga ang pera. At kapag nakatapos ka na tulungan mo naman ang parents mo!Right??

@Ayie

San ka naman nagwork ayie? At saan ka rin naman sinuga (kalabaw??) Kaya nga ngayon nagpapakatamd na ako Ayie. Ika nga di baleng tamad.... wag lang pagod!

DRAKE said...

@Chyng

Na aadd na kita sa blogroll ko! Oo ang ganda talaga ng pagkakakuha mo pwamis! Di ko nga alam kung dahil maging ka lang kumuha o maganda talaga yung camera. Tingin ko both!nice! Salamat sa pagbisita

@Glentot

Alang kwentang comment yan bro!

@Kosa

Sige na peace na tayo. sige lab na kita ulet! Pakiss nga sa pisngi na may tunog!hahahhaha

Kala ko kasi di mo pinabasa, eh buti naman at binasa mo! (sana) hahaha may duda pa!

Ingat

darklady said...

Kuya dami mo na naranasan na work ah. Talagang mahirap kumita ng pera. At mas lalong mahirap makita ang pera lalo na kung wala ka naman pa lang makikitang pera sa iyong bulsa.( joke yan) tawa ka naman! hahaha..ang corny noh..may masabi lang.^_^

Unknown said...

Agree ako sau jan! Sana mabasa ng mga kapatid ko yung post mo at nang hindi hingi ng hingi ng pera sa kin.. hehehe

RHYCKZ said...

o eto dagdag mo pa, nung bata ako, naglilinis ako ng mga maruruming bote para gawing lalagyan ng mantika, magputol ng sibuyas (2 peso ang isang balde ng sibuyas, keber kung magamoy sibuyas ang utot mo), taz magtinda ng yema na minsan ako din ang nakakaubos. magharvest ng kape sa kapihan siyempre. magbunot ng mani na mani din ang kapalit. mag-alaga ng baka (eto karir to kase grade 4 till 4th year) na kapag nabenta, sa pamilya mo mapupunta ang pera...hehehe (salamat nay, tay at napagtapos nyo kami lahat...hehehe)...masarap na mahirap pero kung iisipin mo para ka lang palang naglalaro ng mga panahong yon, taz hindi mo namamalayan nakakatulong ka na pala in your own little ways.

RHYCKZ said...

ay hindi pala yema ang tawag sa amin nun kundi masapan na halos asukal lang bumubuo at konting gatas.....at meron pa magtinda ng singkamas na kasing nipis ng blade ang hiwa (siyempre diskarte yun sa business) at yung mga klasmeyt ko na nasa row 3 & four ang madalas kong mabiktima at mauto na makapal ang hiwa.minsan may mga taga row 2 na nauuto din...hehehe....at heto pa gaya mo hindi rin ako nakagamit ng lunchbox, usually dahon ng saging at kapag periodic test lang nagyayari na kami ay magbaon. kalimitan take a hike ang drama namin (imadyinin mo ang mula luneta hanggang remedios st. ang layo namin sa iskul)....mas matindi pa sa naranasan ni bob ong ang naranasan ko...ano laban ka...hehehhe

ingat..

Unknown said...

Meron namang online business pra sa mga pinoy na gusto sa bahay lang ang work


http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/5858501/Earn+money+working+at+home

sundan nyo lang ung link at nanjan ung easy steps
goodluck :)

Tiradauno said...
This comment has been removed by the author.
DR UMAR said...

Gusto mong bumili ng kidney o nais na ibenta ang iyong
¿Kidney? Ito ay sa iyo
Naghahanap para sa isang pagkakataon upang magbenta ng kanilang mga bato para sa pera
Dahil sa financial breakdown at hindi alam kung ano ang gagawin
Huwag pagkatapos ay makipag-ugnay sa amin ngayon at kami ay nag-aalok sa iyo mahusay na
Halaga ng pera para sa kanyang kidney. Ang pangalan ko ay Doctor UMAR
Ako nephrologist sa UMAR Clinic. Ang aming mga klinika ay
Bato-specialize sa surgery at ring subukan
Pagbili at transplant bato
nararapat na donor.
Kami ay matatagpuan sa Indya, Turkey, Nigeria, Estados Unidos, Malaysia, dubai, kuwait
Kung ikaw ay interesado sa pagbebenta o pagbili ng mga bato mangyaring
Mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng email.
Email: doctorumarclinic@gmail.com

attentively
DR UMAR.

Unknown said...

Gusto mo bang ibenta ang iyong bato? Ikaw
Naghahanap ng pagkakataon na ibenta ang iyong kidney para sa pera
Dahil sa pagkasira ng pinansiyal at hindi mo alam kung ano ang gagawin
Gawin, pagkatapos ay makipag-ugnay sa amin ngayon at kami ay mag-alok sa iyo ng mabuti
Halaga ng pera para sa iyong bato. Ang pangalan ko ay Doctor GERD
Ako ay isang Nephrologist sa GERD Clinic. Ang aming klinika ay
Nagdadalubhasang sa Renal Surgery at tinatrato din namin
Ang pagbili at paglipat ng mga bato na may
Kaukulang donor
Kami ay matatagpuan sa India, Turkey, Nigeria, Estados Unidos, Malaysia, Dubai, Kuwait, Asya
Kung ikaw ay interesado sa pagbebenta o pagbili ng mga bato mangyaring huwag
Huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng email.
Email: doctorgerdclinic@gmail.com

Taos-puso
DR GERD.

marie said...

Ito ay isang totoong kuwento tungkol sa akin na si Miss marie at Dr.Raj sa ospital ng narayana, na binigyan ko ng isa sa aking bato para sa pera at binayaran niya ako ng halaga ($ 290,000,00usd dollar)} halaga ng pera ilang araw bago naganap ang transplant , dati kong napakasakit at nahihirapan akong kumain, natuklasan ko ang patotoo tungkol sa kung paano binabayaran siya ng doktor ni Raj sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang bato sa pamamagitan ng isang ken Sean na nagsabi ng sinumang interesado
ay dapat na magbigay ng isang pagsubok at bumalik upang magpatotoo, kinopya ko ang email bilang (narayanahealthcare.in@gmail.com) at nag-email sa kanya sa mas mababa sa tatlong oras nakuha ko ang tugon mula sa Doctor at nag-bargain kami at kinuha ko ang isang naka-bold hakbang sa pagkuha lahat ng mga kinakailangang kasunduan, sa ibang mga araw ay nabayaran ako ayon sa pagkakaisa ng pareho sa amin at ang isang petsa ay kinuha para sa operasyon at pinatatakbo sa akin upang i-save ang pasyente nang walang anumang mga isyu at nakuha ko ang aking balanse ng pera, ngayon ako ay pinansyal na manirahan at matatag, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa ospital (narayanahealthcare.in@gmail.com)
Ang problema ko sa pinansya ay nasa buhay at masaya ako ngayon. SALAMAT PANGINOON

Anonymous said...

Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.