High school life, oh my high school life
Ev'ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school days
Are exciting, kay saya
High school life, ba't ang high school life
Ay walang kasing saya?
Bakit kung Graduation na'yLuluha kang talaga?
Hindi ba si ate Shawie ang kumanta nyan, nung mga panahong medyo di pa sya nakakalulon ng pakwan at lumulobo na parang siopao ang pisngi.
Siguro kung tatanungin nyo ako kung anong stage sa buhay ko ang aalisin ko, siguro sasabihin ko yung HAYSKUL LAYP, gulat kayo noh, ipapaliwanag ko kung bakit.
Noong hayskul ako, na kung saan nagsisimula akong tubuan ng kung ano anong buhok sa katawan, at pumipiyok piyok ang boses, naranasan ko ang mga ganitong mga bagay;
AKO RAW AY ISANG LATAK
Alam nyo ba yung latak? Impurity sa Ingles. Natatandaan ko nun mayroon kaming “School Play” at ka-partner ko yung kras na kras kong kaklase (greyd por pa lang ako eh pinapantasya ko na sya.) Aba walang kaabog abog ba namang sabihin,
“Alam mo Drake, ikaw lang ang latak sa pamilya mo. Kasi mga kapatid mo gwapo, mapuputi at magaganda, ikaw payatot, maitim saka pangit.” Sabi nyang ganun
Aba medyo nabingi ako sa lakas ng dating ng mga salita nya, kaya pinaulit ko para makuha ko ng maayos baka kasi mali lang ang dinig ko. Kaya inulit nya, aba iyon din ang sinabi may dagdag pa kamo, UNANO daw ako, at di pa sya nasiyahan hinigan pa nya ng komento yung isa ko pang kaklaseng babae.
“ Diba noh, ibang iba ang mukha ni Drake?”
“Ay, Oo nga” (sabay tawa na parang mga mangkukulam)
Noong mga araw na yun gustong gusto kong pagbuhol-buholin at gawing pretzel ang mga lungs at esophagus ng mga kaklase ko na yan sa sobrang inis. Kung may hawak lang akong bolpen nun malamang tinusok ko na ang mga mata nila at ipapagulong ko sa haraninang kulay orange para gawing KWEK KWEK
Basta ang sarap bangasan ng isa ang mukha ng KRAS ko. At batukan ng dalawa yung sidekick nya. Aba sabihin ba naman yun INMAY PEYS.
CADET OFFICER TAE
Naku ngayon ko lang isasambulat ang isang ito, buti na lang at walang nakakakilala sa akin dito. Well di naman sya ganun kahiya hiya, Ganito ang kwento, HELL DAY namin sa COCC. So isang araw ng pagpapahirap para patunayan ang “TEAMWORK” naming mga cadet officer. So dahil kamo ako yung mukhang uto uto. AKo yung kinustaba ng aming Commandant.
Ang sitwasyon: Habang nasa kalagitnaan kami ng aming Drill, Magkukunwari akong sasakit ang tyan at tatae sa damuhan, at para mapatunayan DAW ang aming “Teamwork”, ipapakain ang kunwari kuwariang tae ko (pinagsasama samang kornik, tinapay at puti ng itlog, medyo magaling ang pagkakagawa ng japek na tae, kasi may mais mais pa). At walang magawa ang mga ka-officer ko kundi lasapin at kainin ang aking madilaw dilaw na TAE. Hahahaha!!
Halos isumpa ako ng mga kasamahan ko, pati yung EKS GERLPREN na kasamahan ko rin, halos murahin ako nang pagkalutong lutong.
Okay sana kung hanggang ganun lang ang nangyari, kasi naipaliwanag naman ng Commandant namin sa mga kasamahan ko na paepek lang nya yun. Pero ang hindi ko kinaya eh, nung kinabukasan SUMAMBULAT na parang tae ang chismis, na natae daw ako sa aming Room, at lahat ng nakasalubong ko ang tawag sa akin ay “BOY TAE” sabay tawa ng pagkalakas lakas. Lahat ng kaskulmeyt pag nakikita akokung hindi nandidiri eh tumatawa sa akin na halos lumubo ang sipon.Eh sige nga sino ba naman ang matutuwa sa ganung pangyayari, halos isumpa ko ang buong iskwelahan namin, kasi napahiya ako ng sobra sobra, eh nagbibinata na ako nun, tapos pagtutuksuhin ka ba namang “BOY TAE”.
Talaga namang isinusumpa ko yung pangyayari na iyun.
DAKILANG TALUNAN
PERS DYIR palang ako nun medyo aktibo na ako sa klase, dahil nga medyo lider lideran ako noong elementary at Onor istyudent mula greyd wan hanggang greyd siks, kaya naman pinangarap kong maupo sa aming pinagpipitagang “ ISTYUDENT KAWNSIL” .
KAMPEYNDEY na, at halos lahat na ata ng gimik na pwede kong gawin ay ginawa ko na. Nandyan kumanta ako ng piyok piyok para maaliw ang mga baluga kong kaklase, magpasirko sirko na parang unggong nakasinghot ng acetone o rugby, sumayaw kahit parehong kaliwa ang paa ko at matigas pa sa adobe ang beywang ko,at maubos ang lahat ng kapangyarihan ko para idakdak ang mga plataporma namin(tulad ng pahabain ang oras ng recess, walang pasok tuwing exam day, at pwedeng mangulangot habang recitation, hehehe, joke lang).
Basta lahat lahat ay ginawa ko na makuha ko lang ang boto ng mga hinayupak kong mga kaklase. Pero talagang gusto lang nila akong pagtawanan, kasi hindi naman ako binoto. Ang nakakainis pa eto sasabihin sa iyo
“Congratulation siguradong panalo ka na”
Sasagot naman ako “ Salamat po”.
Pagkatapos malalaman mo na milya milya ang lamang ng kalaban at ikaw ang kulelat. Eh mga plastik pala sila eh. Ang sama pa nyan dadalawa dalawa kaming lumaban ako pa ang natalo.
So unang pagkabigo, iniisip ko nun ,eh baka sa una lang yun, kaya nung nag SEKON DYIR lumaban uli ako, at nangampanya, pero dis taym medyo itinaas ko na yung level ng pangangampanya ko, meaning kumain na ako ng buhay na manok, naglalakad sa baga at tumulay sa alambre.At maraming nagsasabi na dis taym, syur win na daw. Eh medyo pakiramdam ko nga panalo na ako, pero talagang puro kalahi pala ni Hudas ang mga kalsmeyt ko, kasi hayun kulelat uli ako.
Kaya nung kinukuha uli ako noong TERD DYIR para lumaban, eh umaayaw na ako. Syempre kailangan ko namang isalba ang maganda kong pangalan. Pakiramdam ko kasi ginagawa akong UTO-UTO o kaya clown tuwing nangangampanya.
TITSER ENEMINAMBER WAN
Eh komo, nawala na ang gana ko sa pag-aaral, lahat naman ng kagaguhan ay ginawa ko na. Ako ang suki ng pagdadamo at paglilinis ng buong skul namin kasi lagi akong leyt .Hindi na ako nag-aaral, nagnungulakot na lang ako buong maghapon, at iniintay ko na lang mag-bel. Pero sabi nila natural daw ang katalinuhan ko (Naks naman!), kasi kahit bulakbol at di ako nag-aaral eh lagi akong nasa Top Ten (hehehe!!). Ako kasi yung tipong “GUD BOY” ang dating, kahit na daw magpakagago at magpakabulakbol ako sa klase mukha pa rin daw akong uto-uto.Kaya hindi sineseryoso ng mga titser ko ang pagkabulakbol at pagiging leyt ko. Madalas sa akin pa rin inuutos ang pagtitinda ng pulburon at yema, sabay sulat sa “Class Record” ng plus 5 sa bawat pulburon at yemang bibilhin nila.
Ngayon kungtatanungin mo daw ang mga Hays skul titser ko kung ano ang naalala nila sa akin sasabihin nila:
“Ah si Drake, yung batang maliit na nahulog sa sapa at gumulong sa pilapil, whahahhaha” sabay tawa na kita ang wisdom tooth at ang maliit na bituka” iyon ang naalala nila sa akin, hindi ko alam kung bakit, gusto ko sanang sabihin:
“Ma’am ako po yung nanalong Best Presentor sa buong prabins natin, at ako rin po ang pinanlalaban nyo sa mga Quiz Bee at contest, Best in Science po ako Ma’am”
Eh sa dinami-dami rin naman ng mga binigay kong karangalan sa skwelahan namin, ewan ko ba kung bakit yun ang lagi nilang naalala sa akin. Ginagawa na naman akong katatawanan at UTO UTO. Kawawang Drake. Hahahah
Ngayon, medyo kahit papaano eh nagbago na ang lahat, medyo hindi na akong tinatawag na latak, kasi pumusyaw pusyaw na ang kulay ko, tumangkad at gumwapo na (walang pakialamanan blog ko ito!!!), Marami nga ang nagtatanong sa mga nanay at tatay
“ Anak nyo ba ito? bakit mukhang artista” hahahaha, dagdag ko na yun. Joke lang!!
Yung pagiging loser ko naman ay nakatulong para di ako sumuko agad sa buhay, kumbaga minsan kailangan nating maranasang mabigo para magtagumpay,tanggapin ang bawat pagsubok ay hamon para sa ikabubuti at ikakaunlad mo. (Naks may lesson pala!!!)
Yung pagiging Cadet Officer Tae ko naman………………. hayun wala namang naitulong sa buhay ko, hahaha!!Minsan ganyan talaga, may bahagi sa buhay natin na masarap burahin ng eraser o kaya lagyan ng LIKWIDPAPER, pero sabi nga nila kung hindi dahil sa mga kabiguan natin at mga paghihirap natin hindi tayo magtatagumpay. Masasabi ko na yung mga naranasan ko noong hayskul ang naging daan ko para makuha ko kung ano ang meron ako ngayon.
Totoong gusto kong alisin ang yugto nayan sa buhay ko pero ano pa man ang nangyari sa nakaraan ko sisiguraduhin kong hindi sya magiging balakid para sa buhay ko ngayon at sa hinaharap pa. Tandaan “Minsan kailangan natin matikman ang pait bago natin mas lalong manamnam ang tamis ng isang bagay”. Maramdaman nating magiging mababa para kung mapunta ka naman sa mataas marunong tayong abutin at maintindihan ang mga nakakababa sa atin at ituntong ang mga paa natin sa lupa.
Ngayon tinatawanan ko na lang ang lahat ng mga nangyari sa akin noon, alam ko kasi kung hindi dahil sa UTO UTONG DRAKE na yan, hindi siguro lilitaw ang totoong DRAKE ngayon.
Sige po, salamat sa time nyo,
31 comments:
hahaha.
aaaaaaang Haba!
mahilig ka talaga sa mahahaba parekoy... kakaiba ka!
pero sandali, be-base lang ako..lols
magbabasa muna ako bago ko yurakan ang iyung Hayskul layp.
**binura ang unang komento dahil sa mali-maling letra na umentra**
(pagpasensyahan mo na pero tatawa muna ko ng malakas) bwahahahahaaha ammmfffff naiimagine kita...haha...
(seryoso na) kaaliw ka tlga drake, naeenjoy kong basahin ang pagkahaba-habang blog mo dahil alam ko kahit pano eh may makukuha akong aral sau at tama nga ko....ohh well ako nmnn naenjoy ko ung hayskul layp ko kahit jan ako unang nabigo sa pagibig dahil pinagpalit ako ng ex-boypren kong ewan ko ba kung bakit ko sinagot sa babaeng kulang nlang eh iladlad ang buong katawan sa discohan...ammfff hindi ako bitter...lolz!
ako, akala ko may magandang pangalan akong iniwan sa skul ko, compared ke Kuya na naging basagulero... hanggang na-mit ko isang araw ang titser ko yeras after, at tinawag nya ako sa pangalan ng Kuya ko...kainis!
Ayoko ng mag comment kasi nabasa ko na to dati... Kelangan mag repost?! LOL
@Kosa
Wag ka ng umepal dyan! Basahin mo na lang! At hayaan mo na kung mahaba! Ngayon iinatyin ko comment mo! At wag mo na ring pigilan ang sariling magcomment ng mahaba!hahah
@Ladyinadvance
Maraming salamat Jeanne!Sobra naman akong natouch dun!heheh! Buti naman at nakakayanan mo ang kabaliwan ko!hehhe!Wag kang magsasawa ah!Ingat
@Chingoy
Naks naman napacomment kita ng mahaba haba ng konti!hindi mo na ako tintipid!hahaha!Tungkol sa kuya mo, baka naman mas gwapo sya kaysa sa iyo kaya ganun!hehhe
@Jepoy
Subukan mo kayang tumae ng sago!Nageepal ka dyan!
Jepoy, hindi nga, repost ito? Ampf. Ayoko na mag-comment. LOL
Medyo habang binabasa ko ito eh me mga naalala ako tungkol sa hayskul layp ko. Hehe medyo hindi din kasi kagandahan ang mga experiences ko nun. Haha mai-blog nga din 'yung mga 'yun.
Pero sabi nga nila, kung sino 'yung api dati, siya 'yung nagtatagumpay sa huli. Parang si Judy Ann lang. Hahahaha. :)
Hahahahahahaha basta ang importante yung mahalaga... jijijijijiji.... at nageevolve na tayo ngayon... jijijijiji
natawa naman ako dun,LOL akala ko kakampanya ulit for the third time=)
nice naman..namiss ko tuloy yung high school days ko..huhuhu ako rin laging pinagtritripan nun eh..kaso mas malala nga lang yung sayo kuya..hehehehe
Hehehe :D Kaya pala nagbubuhat ka ng bangko ngayon sa FB! lolzz
Parekoy ang lahat ng bagay o tao hindi perpekto pero meron at meron magandang parte ang isang bagay o tao na ikasisiya nito o nang mga nakapaligid sa kanya :)
Parang nabasa ko na ito..tama ba? hehehe sya ang tinanong e.pero oo nga,kasi ang natandaan ko yung sa cadet officer tae..hehehe..pero hindi naman ako nakapag comment dun kasi hindi pa pinapanganak ang blog ko noon..
kaya heto masasabi ko...
Gusto ko tong sinabi mo.
Tandaan “Minsan kailangan natin matikman ang pait bago natin mas lalong manamnam ang tamis ng isang bagay”. Maramdaman nating magiging mababa para kung mapunta ka naman sa mataas marunong tayong abutin at maintindihan ang mga nakakababa sa atin at ituntong ang mga paa natin sa lupa.
boy tae? wahahahaha. ako rin madalas rin malate eh. ayun lagi ako pinaglilinis g cr.hahahahaha. wahhhhhh. kakamiss tuloy ang highschool
@Gasdude
Nageepal yang si Jepoy! Masyadong magulo!
Sarap balikan nga pre anng nakaraan no. Iintayin ko ang post mo about highschool life mo! Sana maganda din at masaya!heheh
@Xprosiac
Oo yun ang mahalaga ang magevolve tayo into something or someone better (naks parang pokemon lang ah)
@Karen Ann
Salamat sa pagbisita sa aking kwarto, sana madalas ka sa pagbisita dito! Yup sa ikatlong pagkakataon sumuko na rin ako! Hehhe
@Superjaid
Sinabi mo pa! Ang sarap bangasan ang mga titser at kaklase ko noon!hhehe!
@LordCM
Ano yun pre?Siguro binasa mo lang yung comments ko na!hIndi mo binasa yung kwento ko!hahaha! Nahalata ko pre!hehhe
@Dark Lady
Hehhe ,napansin mo ba?Eh gusto kong mabasa naman ng iba! Oo tulad mo gustong gusto ko rin yung nasabi ko na yun!hehhee
@Kakilabotz
Sulat ka rin bro tungkol sa hayskul layp mo! Para naman mas lalo kong maimagine yung sinasabi mo!ingat
kampai tayo dyan!!!
pareho tayo ayaw na ayaw ko rin ng high school.
may reunion nga kami sa sabado, di ko sisiputin.. hehehe
Cute =)
Siguro si kras na kras mo hiyang hiya sa iyo ngayon, hehe...
napasaglit lng parekoy! ijiji...
wala pang tym magbasa...
later jijiji
ingat!
ayus yan!
tinatawanan mo na lang pala ang sarili mo kapag naaalala mo yung mga nangyari? lols
baka naman tumatawa ka sabay tulo ng laway.. uhog at luha..lols
(baliw syndrome)
kung ako ikaw, sinunog ko na ang aming iskwelahan! o di kaya ni-hostage si Principal...
sabagay... uto-uto ka nga! hehehe
jokes..
oo naman parekoy..
i agree. at dahil nasabi mo na lahat sa huli mong mga pahabol na letanya, hindi ko na uulitin pa!
at dahil dyan,
amin na ang Regalo kong Tshirt!
hahaha
Kamusta naman ang kras na kras mo ngayon? :)
Kung nagbabasa ang kras na kras mo sa blog na ito, eto lang ang masasabi ko. Uhm ka! Hehehe.. Sensha Drake.
toinks...
repost nga ba itoh? hahahaha
hmmmm binasa ko ng slight... at natawa ako ng slight din hahaha... joke lang..
parang naimagine kita. hehehe
ung bintana sa pityur... kahawig nung bintana dun sa skul ko nung highschool... hindi kaya naging magschoolmates tayo?
syet! parehas tayo ng bintana! hahaha
@gillboard
Hhahaa!Pareho wala tayo, kami din nagkaroon ng reunion, ayaw ko sanang siputin pero sa huli para makasama ako dun na ginanap sa bahay namin ag reunion!Nyemas naman!heheh
@Gremliness
Salamat sa pagbista sa aking kwarto! Sa huling balita ko sa kanya, nalosyang na ang hitsura nya dahil may 3 na syang anak.hhehee
@Jag
Asan ka ba ngayon pre?Nasa planteang Uranus ka ba?Ala na akong balita sa iyo ah!
@Kosa
Natuwa ako ng KONTING KONTI lang! Dahil napacomment kita ng mahaba (pero ang totoo nyang dinamihan mo lang ng space). Nga pala di naman ako bayolente para sunugin ang skewelahan namin! Medyo hahagisan ko na lang ng granada yung school namin!hahah
@Kaitee
E di na nagbabasa yun kasi huling balita ko eh nagtitinda na lang sya sa palengke! Nanay na kasi eh!hehehe!Ako na daw ang crush nya!hahah joke lang!
@Yanah
Teka tiga Cavite ka, ako tiga bulacan so malamang nga.......magkaklase tayo!hahaha! buti naman at napasaya kita kahit UNTE lang! Hayaan mo next time dadamihan natin ang saya mo!
Ingat
hyskul layp oh my hyskul layp.
nbsa ko n din to nung pinabasa mo saken pero khit ilang ulit ko p din tong bshin hndi pa din maubos ang tawa ko. da best to kuya.hahahahaha.
isipin n lng ntin, ang bida ang laging inaapi. hehe.
Sarap talaga balik-balikan ng hayskul layp. Maraming experiences. Pero ganun yata talaga, 'di maaalala yung mga galing at talinong pinamalas mo. mas maaalala yung mga katangahan at bloopers mo. yun ang mas masaya eh. yun ang tumatatak sa mga alaala. ganun kami sa tropa.
at tumpak, may mga code names dahil sa mga experiences tulad ni "Boy Tae".
Pareng drake, kahit masaklap ang naaalala mo nung haiskul layp, meron naman cguro kahit papaano na magaganda rin naman.. Pero aaminin ko ginawa ka talagang loser ng mga hayupak mo na kaklase at guro. 3 lang kasi ang klase ng haiskul estudent
1. hayupak na maepal o sikat-sikatan
2. yung mga walang pake at sunudsunuran sa number 1
3. mga kawawang inaander at nilalamangan ng number 1
@Keso
Hahha sorry naman!hahha! Okay lang kasi nga masarap talagang balikan ang nakaraan! Lalo pat alam mo sa sarili mo napagtagumpayan mo na rin iyon!naks lalim
@No benta
See kahit paano gumana ang time machine sa iyo at naalala mo ang hayskul layp mo kahit alam natin ubod na ng tagal nito (matanda??) joke lang! salamat sa laging bagbisita
@Ardiboi
You bet kalabet otamatik ang puwet! ako yung pang number 3 (ginagawa nila akong parang tanga) although di ko sila masisisi kasi tatanga tanga talaga ako noon (at hanggang ngayon pa rin naman)
Loser na loser ka pala talaga noon akala ko nagjojoke ka lang nung sinabi mong kaawa-awa ka noon hihihihi NICE STORIES ALAVET
Post a Comment