Mayroon na namang trend sa TV ngayon. Kung dati halos parang mabentang hotcake ang mga “REALITY SHOWS” ngayon naman parang mga nagsulputang ukay ukay ang mga “TALENT SHOWS”. Nandyan ang Talentadong Pinoy, Pinoy Extreme Talent, Kahit Sino Pwede, Showtime, Diz ziz it, at Pilipinas Got Talent. Ang dami nga talagang talento ang mga kababayan nating mga Pinoy, ibang klase! Kaya naman medyo napaisip ako ng konti, iniisip ko kung sasali ako sa mga Talent shows na ito, ano kaya ipapakita ko…………… isip…….. isip…….(after 10 minutes)………… Punyemas naman wala akong maisip. Puwet lang ang kaya kong ipakita!
Hindi ako marunong kumanta, syete !!!. Di ko alam kung anong nangyari sa boses ko. Eh myembro ako ng choir noong bata at madalas din akong pakantahin ni Lolo ng “Blue Jeans” sa harap ng mga kumpare nya. Pero ngayon…………… langya naman oh,ang silbi lang ng bibig ko ay panglamon at pangnguya lang!Hays!
Sinubukan ko ding tumugtog ng Keyboard at Piano. Nagkaroon ako ng Piano Lesson tuwing sabado ng hapon, pero hayun …dahil adik na adik ako sa Bioman, Mask Rider Black at Buknoy (ang nagsasalitang bola) eh hindi ako umaaten ng praktis namin. Kaya makalipas ang ilang buwan, lahat ng ng kasabayan ko kay gagaling tumugtog, ako wala. Hays (butong hininga uli)
.
Okay, wala rin akong future sa pagsayaw. Tae naman oh!! Dahil sa aking mahiwang beywang at paa na ubod ng titigas. Parang may sariling buhay ang mga bwisit na beywang at paa na yan. Ayaw makisama at gusto lang nilang umepal. Sinubukan ko naman! pwamis! Kaya noong grade 2 ako, sumali ako sa program ng school namin. At sumali ako sa isang dance number.
Ang sayaw naming ay ICE ICE BABY (okay payn, luma na yan nahahalata ang edad ko! Kayo na fetus!!). Syempre nagpabili ako ng bagong sapatos sa nanay ko. Matagal pa akong naglulupasay sa simbahan (pasikat kumbaga tinapat kong nagsisimba para walang kawala si nanay) para lang ibili nya ako ng SHAIDER shoes na umiilaw ilaw pa.. At epektib naman sya dahil binili nya ako, yun nga lang may kasamang kurot yun na maliliit. at batok na pasimple (syempre nasa loob kaya kami ng simbahan para di halata). Pero okay lang at least may Shaider shoes na ako.
Hayun na nga sumayaw na ako, dahil bago ang aking sapatos nagpakitang gilas ako. Feeling ko nun ang ganda ganda ng sayaw ko. Magkatapos naming magsayaw sa stage, nilapitan ako ng ate kong grade six na noon. Sabi nya “ano bang nangyari sa iyo? Bat nagwawala ka sa stage. Baluga ka ba? Pinagtatawanan ka kaya ng mga kaklase ko!Para ka daw tanga. Kakahiya ka!”.
.
At natauhan ako noong mga araw na yun! Nalaman ko na wala talaga akong future sa pagsasayaw. Kaya hayun simula noon hindi mo na ako mapapasayaw. Kung sumayaw man ako, mukha akong TIMANG!!
Ngayon minamaster ko na ang paglulon ng apoy, habang ngumunguya ng bubog. Ayaw ko ng tumulay sa alambre dahil luma na yan, tutulay na lang ako sa barb wire para astig. Basta bwisit na yan! Wala talaga akong talent. Kaya ang lakas ng insecurities ko pagdating sa talent talent na yan.
Hays (ikatlong butong hininga). Sige okay na ako! Siguro nga hindi naman pwedeng ibigay ng Dyos lahat sa isang tao. Yun nga lang “wala” naman binigay sa akin si Lord kahit isang talent.Hahaha!Joke lang
Eh sabagay naiisip ko, ang lahat naman ay pwedeng pag-aralan. Siguro kung bibigyan ko lang ang time ang sarili ko, matuto rin akong kumanta at sumayaw tulad ng napapanood ko sa mga Talent Shows na yan!
Ganun naman nga talaga eh, ang lahat ng bagay ay pinagsisikapan at pinaghihirapan. Tulad ng talent o kakayahan itoy pinagsisikapan din. Ang lahat ay hindi nakukuha ng bigla bigla, kung gusto kong gumaling kailangan kong pagsumikapan ito. Di pa naman huli ang lahat eh! Baka may isa pang purpose ang bibig ko bukod sa paglamon, baka pwede ko naman itong ipangkanta. At siguro may silbi pa naman ang paa at baywang ko, baka pwede ko iton pagkakitaan pa (mag mamacho dancer ako)
Pero siguro sa ngayon manood muna ako ng mga Talent Shows na ito. Nga pala! Ang galing nito oh! Lalo na yun keyboardist!Partida kulang pa daliri ng keyboardist! (Teka bakit parang nahiya naman ako dun!Kumpleto pa kamay ko ah!)
Heto pa:
Ingat
Simple Kong Hiling Ngayong Pasko
-
Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo
pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa
Lo...
14 years ago
33 comments:
hindi naman kase lahat ng talento ng tao eh naaangkop na isali jan sa mga nagdadamihang talent shows na yan... may ibang paraan para maipakita o mai-share sa ibang tao ang angking talento..
tulad mo... ipinamumudmod mo)pinamumudmod talag! hahaha) ibinabahagi mo ang talento mo sa pagsulat sa pamamagitan nitong blog mo..
hindi mo na kelangan pang mapunta sa mga talent shows dahil dito pa lang panalong-panalo ka na.. sa bawat blog post mo na nakakapagpasilay ng ngiti o nakakapagpalabas ng tinatagong halakhak ng iyong mambabasa, panalong-panalo ka na..
(binayaran po ako ni drake dito sa komento ko na to! pinilit nya po akong ipost toh.. pramis! hahahaha)
Yanah, magkano binayad sa 'yo ni Drake? LOL
Ang talent po ni Drake ay ang mambola ng mga babae pero manatiling single. O-ha o-ha! :)
Ako din walang talent. Pogi lang, pero walang talent. Hay.
@yanah
Sobra naman akong natats sa sinabi mo, sulit na sulit yung sampung pisong bigay ko sa iyo yanah. Halos mahulog ang aking baba sa sobrang ngiti nung nabasa ko ang iyong mensahe. Kahit pala paano eh ako pala ay isang tarantado putcha talentado pala!
maraming maraming salamat sa iyo yanah! Thanks uli
@Gasdude
Epal???
Hindi ako nambobola, dahil puro katotohanan ang sinasabi ko. Teka talent ko ba yun o talent mo gasdude?hahha!
Dahil sa sinabi mong POGI ka!may isa ka palang talent yun ay.....magsinungaling!hahhaha
tama si ate yana, may angkin kang galing sa pgsusulat at yan ang ngsisilbing talento mo. kaya nga kami pabalik balik dto sa kwarto mo dahil lagi mo kaming pinapasaya at may moral lesson pa kung minsan ah. bongga! we labb yuuu kuya drake!!
(umaasa din po ako na babayaran din ako ni kuya drake sa mga pngssbi ko hehehehehehe)
itanong mo kung pwede sumali sa contest ang pagususulat. malamang mananalo ka. hahaha.
di ako naniniwalang wala kang talent....
uhmmm, on sekontot, ok na rin na wala kang talent. ayos lang yan... hehehe
kung pwede lang gawing talent ang blogging... seryoso... sasali ako dyan.. hahahaha
drake, 'di mo kasi pinaglaruan ang organ mo araw-araw kaya di ka naging talentado sa pagtugtog. sayang!
`http://no-benta.blogspot.com
plugging lang ng isa ko pang site about the 90's decade. hehehe. kasing-tanda yata kita kaya daan ka rin dito minsan.
salamat!
:( parang perya na lang!
ang talento ay likas sa tao... hindi pinag-aaralan at mas lalong hindi pinipilit matutunan!
wag pilitin ang sarili magkaron ng talent baka mag nosebleed ka! nyahahaha
sabi nga nila you can't have all things at the same time... baka gwapong mayaman si drake kaya walang talent!
tama tama! magaling ka sa pagsulat sa blog..
aT malay mo kaya hindi naibigay sayo ng Diyos ang talentong gusto mo e dahil nasayo na ang ka gwapuhan, e di kung may iba ka pang talento sosobra kana. Pano naman ang iba?
nga pala ang talento ko ay ang mambola.hahahahaha..
ingatz..
@Keso
Maraming salamat masyadong tumalon ang puso ko at masayang masaya sa iyong sinabi. Hayaan mo kukunin ko yung sukli ko kay yanah at ibibigay ko sa iyo. Hehhe!salamat talga dahil akong hipong hipo (tats na tats)
@Kakilabotz
At ikaw din tyak panalo! (Sige magbolahan pa ta yo)! Pag medyo naiinsecure ako sa boses ko, pumpunta lang ako sa music video mo, nabubuhayan na ako ng loob. (mayroon pa palang mas worst sa akin)!hahha joke lang!
@Chingoy
Oo nga wala nga akong talent!Masya ka na ba? On second tot, meron pala. Magaling akong mambuska!hahaha
@Gillboard
Wala ka ring talent bro??? Oo nga siguro nga mananalo ka rin kungmay paligsahan sa blogging!naks
@No BEnta
Ano ka, pinaglalaruan ko kaya ang organ ko araw araw! Nyemas, ibang organ pala yung pinaglalaruan ko!hahah!Hayaan mo add ko yang isang site mo!
@Roanne
Natawa naman ako dun sa sinabi mo! Eh paano yan roanne kung pati yun hindi rin ako biniyayaan ng dyos!Hahhaa! Masasabi palang ako na ang pinakakawawang uri ng nilalang hehehe!
@Darklady
Wala nga eh! Wala na ngang talent ngetpa pa! wala na, masyado ng unfair si Papa Jesus sa akin!hheheh! Pero ganun ba yun pag gwapo o maganda ka, okay lang ng walang talent!hahahha! Ayos yun ah!
**isip-isip ng ilang minutes**
anu nga ba ang talent ko?
haaaaaayssss...
daanin nalang sa Yabang yan at magmumuka kang Talented.. basta gawin mong consistent..lols
ang tawag dun, KAPAL NG MUKha! hahaha
apiiir
hehehe oo.kasi kapag maganda/gwapo ka plus may talent ka pa e hindi ka na magtatagal sa mundo kasi madami ng maiinggit sayo, ipapa salvage ka na.hahahaha. buti na lang hindi pa nila ako nakikita.whahahahaha..
parekoy, nuod ka Pilipinas Got Talent. madami magaling dun. haha. agree ako sa isang nagkomento dito, feeling ko, magaling kang mambola! haha. peace tayo parekoy :P
Ako walang ka-talent talent, suplado lang ako kaya maraming naaakit lolzz
Pero natuwa ako sa ate mo ah, hehehe, may talent! :D
talent kaya ang pagsulatw
i love ezra band, kakakilig sila..
anyway lahat tau bingyan ng talento ni God nasa atin ang desisyon kung hahasain natin eto o hindi at sabhin man natin wala kang talent sa pagsayaw o sa pagkanta kung may willingness ka naman na pag aralan ang mga yan magiging magaling ka d2, minsan kac hindi naman lahat nakukuha sa talent eh, nasa determinisyon un na may kasamang tiwala sa sarili...
ikaw naman ang galing mong magsulat, gumawa ng blog, and that is a talent...feel ko ang iyong sinseridad sa bawat letra na sinusulat mo.....sa pagbabasa ko lang sa blog mo nakikinita ko na parang ang sarap mong mahalin at ang sarap mong magmahal, somehow just by reading your blog naantig mo ang puso ko, napapasaya mo ko, napapangiti mo ko...may hatid kang kilig sa puso ko which is by the way rare lang mangyare sken kaya magaling ka...*wink
(uuhmmmm siya nga pala drake nakalimutan kong sabihin sau na talent ko pala ang maghallucinate at gumawa ng kwento....hahahahahahahahahha)
@Kosa
Oo pre may talent ka nga sa pagyayabang, feel na feel ko yun pre!hehhe! Iyong talent mo na yan natural na natural sa iyo halatang hindi pinilit!Pati yung kakapalan ng mukha eh master na master mo!LOLS!galing!
@Darklady
Ganun may expiration pala angmga gwapo/maganda sa mundong ito. Medyo parang bigla naman akong natakot nyan!hahah! joke lang
@Nigthcrawler
Hindi ka nagbabasa ng post ka, nagbabasa ka lang ng comment ko, at nakikicomment k lang din sa nagcocomment! I haytchu!hahaha!Nahalata ko tuloy bro!hehe
@Lord CM
Ganun so isa ka palang kaakit akit na nilalang?Naks naman!parang nagbibiro lang!
Oo may tagas sa utak ang ate ko na yun!hahha
@Pablong Pabling
Maraming salamat sa iyong sinabi Rain este pabs pala!hehe
@Lady in Advance
Bakit parang kinilig ako dun hanggang puwet! Sobra naman akong natuwa sa lahat ng sinabi mo! Nice! Talagang may "masarap mahalin" pa on the side. Oo naman masarap akong mahalin dahil di naman kasi ako nangangagat (aso??). Sobrang natuwa naman talaga ako sa sinabi mo,sana wag kang magsawa sa pagdalaw lagi sa kwarto ko!hehhee
INgat
hanglandi moh ah pinost na ang email para sa mga madlang pipol... ahehhe.. nde koh kelangan nang labandero dahil sosi ang lola moh at may washing machine... teka parang lahat naman meron na ah? lolz.. pero eemail kitah kc kelangan koh nang macho dancer... ahahha... tapos sabay kakantahan at sasayawan akoh ha... oytey? lolz.. haha... oh yeah... galing nung kumantang grupo.. actually nakuwento na yan nang kaibigan koh kaso 'la ren kmeng tfc sa haus kaya dehinz koh napanood... thanks for posting it kuya... i was gonna watch it sana later sa youtube... hanggalign nilah... ganda nang song... ramdam moh... kinilig akoh sa song... napadaydream akoh nang ilang segundo.. feeling koh kinakantahan akoh nang prince koh nung song na yon... haha.. dmeng sinabi... eniweiz they're really good... pero isa kah ren kuya drake na masasabi kong talentado.. dme moh nang fans oh... oh yan si ate yanah... bilib na bilib den sau... panalong panalo kah daw..naks naman... nd second d' motion kay kuya dude yeah isa ren talent ni kuya drake yan.. mambola.. anbilibabol... ahahaha... d' best mambola.. oh yeah kuya dude... buti na lang wafu kah ayos nang walang talent.. lolz...
linya ni kuya drake madalas eh na-tats naman akoh! ahahahha... 'la lang... oh dagdag pah sa fans.. si cheesy sexy keso & kikilabotz haha.. 'la lang.. nakibasa nang ibang komentz.. sige yon lang po... akoh bah talents koh?... takte hinahanap koh pa ren atah until now.. sometimes atah talent koh lang atah eh dumadal... haha.. lolz... laterz! Godbless! -di
p.s. abah... 'la pa atah sa komentz moh sina Jepoy & Glentot... haha.. napansin koh lang... laterz! =)
Speaking of Jepoy at Glentot! Si Jepoy nasa boracay ang nagbabakasyon ang ponkan. Kaya hiatus mode ang mokong. Si Glentot nasa Baguio at magtatanim daw muna sya ng kamote sa Banaue Rice Terraces. Kaya mga nagtatago ang dalawang puwet na yun.
Teka mukhang ngayon mo lang nabasa yung "EMAYL KUTO". Tagal na kaya! Teka add mo na ako sa FB mo, sige na!hahha!
Tungkol naman sa sinabing talentado ako! Tenkyu (Shokran in Arabic) Ayoko ko nga sabihing natats ako!haha! Basta napangiti mo ako hanggang puwet!hahaha!
Mukhang tagal mo ring nawala ah! buti naman dito na uli ikaw! Namiss na rin nga kita eh!hehe
Ingat
kuya namiss kita nang bongga.. aliwin moh nga akoh... really... kelangan koh nagn macho dancer.. haha... lolz... naks naman.. pabaka-bakasyon na lang sina jepoy at glentot.. hangsaya... ahh tagal na bah yang emayl kuto... sensya nemen... ngaun koh lang nabasa... sige add kita sa FB... padala ka muna nang video na lumalabas ka sa cake na sumasayaw at dapat walang suot ha.. ahahha... lolz.. buti naman dehinz moh na sinabi na natats ka sa komentz kc malapit na magasgas yang salitang yang sau... touched akoh non kapag sinasabi moh yon eh kaso nababasa koh sa lahat nang kinokomentan moh yon eh... so nevermind... i guess galing ka lang tlgah mambola.. haha... nabebenta moh kame pero ayos lang... wabz pa ren kitah... naks... pray moh makabili akoh nagn new laptop... and new camera.. and yung iba pagn mga wishlist koh for 2010.. ahahha... takte! dme kong gusto.. feeling koh yaman koh.... tsk!... sige pray na nga lang akoh tonight kay God... to help meeh decide.. graveh... so yonz... *hikabz* antokz nah akoh... past 2 a.m. na sa mundo koh... laterz kuyah.. ingatz lagi... Godbless! -di
p.s. natats akoh kc napangiti kita hanggang pwet... buwahahah... takteng natats yan... aysowz! haha.. 'la lang humiritz lang..laterz!
lolz! natawa nnmn ako sa comment ni dhianzkee pero true gasgas na drake yang salitang *tats na tats* mo, halos kac lahat ng reply mo sa comment laging may ganyan ei..hehehe
oh by the way may isa ka pa lang talent aside sa galing mong magsulat,, super galing mo sa pambobola..cguro nung hindi pa nagsasabog si Papa G ng galing sa pambobola eh nakapila ka na dala-dala malalaking timba,,hahaha
PS: buti nlang walang tats na tats sa reply mo sa comment ko kac kung meron nag hurumentado na ko d2...hahahaha...
sarap mo ngang mahaling...he!he!he!
@Lady in Advance @Dhianz
Ayaw ko ng gamitin ang word TATS dahil nawawalan na sya ng bisa at kapangyarihan!heheh
Ewan ko pero nung nabasa ko ang mga message nyo parang kinilig talaga ako! Yung parang bagong ihi lang!ganun ang feeling ende ko maexplain!hahaha
Tungkol sa pambobola, hindi naman ako bolero!Nagsasabi ako ng totoo, yun nga lang hindi sya kapaniniwala.
Pero basta kinilig ako kasi may dalawang babaeng napapangiti ko at higit sa lahat napakagaganda (uhmmm ,bolero nga ako!Lols)
Salamat talaga sa laging pagdalaw.
Ingat
drake, salamat at isasama mo ang isa ko pang site sa blogroll mo. Marami kc ang nagpupunta sa site ko galing dito. (naks, nambola pa. Pero totoo talaga ito!)
Ito nalang gamitin mo kasi nagloloko ung acct ko kapag yung sa blogspot ang ginagamit.
feeds.feedburner.com/NoBenta
Ngapala, pakibura na yung b'log ang mundo na di nag uupdate. Andun sa pinakababa >>>>
Salamat ha.
daming naadik sa pilipinas got talent pero ni-isang episode wala pa ako napapanood. kahit mga uploaded vids sa you tube at facebook di ko pinatulan. may diperensya ata ako. hehe.
ay kawawa ka naman kasi ako multi-talented ako haha sucks to be you
may talent ka kaya kumanta ang galing mo nga sa Next In Line eh gusto mo ipost pa namin video mo???
malamang kapag kasing kapal na ng mukha mo ang mukha ko... makakasali na ako ng ganyang mga kontes... jijijijijiji
Pareng drake! pag nasa pinas ka, sabihin mo sa akin.. tuturuan kitang sumayaw ng ala-JABBAWOCKEEZ at kumembot ng ala-NOBODY NOBODY BUT CHOO (clap! clap!)! bwehehehe..
Post a Comment