Hindi ka ba minsan naiinis na kung ano anong chain letters ang pumapasok sa email mo, pati ang Bulletin Board sa friendster o facebook ay hindi pinatawad. Minsan nakakabuwist na excited mo pa man ding buksan at basahin ang email ng isang kaibigan tapos makita kita mo “chain letter” lang pala. Hindi ba nakakasira ng araw yun.
Noong minsan may pinadalang email sa akin yung kras ko noong grade two pa ako, ang nakalagay sa subject ” I have a secret to tell, I like you…” eh di kumakabog kabog na yung puso ko, atat na atat kong buksan yung email! Pagbukas ko………. PUNYEMAS Chain letter lang pala. Ang sarap pagmumurahin ang mga taong walang magawa kundi magpost at magpadala ng mga chain letters na ito
.
Minsan naman kung hindi mo raw pinansin yung chain letter na iyun mamatay ang mga mahal mo sa buhay. PUTCHA!! Nakakabuwang naman yun, ano ba ito DEATH THREAT?? Siraulo pala sila eh. At heto pa, hindi pa sila masaya dun, isusumpa ka pa nila at sasabihing mamalasin ka raw ng buong isang taon, pati pamilya mo pinagbantaan din ang buhay!!!Ano sila Dyos??? Kaya paano ka naman hindi mabwibwisit dun, tinakot ka na nga, inaabala pa ang oras mo kababasa ng mga hinayupak na mga chain letters na yun.
Madalas sa mga text din uso yan, sasabihing promo ng Globe, ipadala ang message n aiyon sa sampung Globe subscribers at bibigyan ka raw ng autoload na 1,000 pesos mula sa Globe. Eh uto uto lang at tanga ang kakagat dyan eh.
Kaya payo ko lang, wag kayong papauto sa mga chain letters na kumakalat sa internet o cellphone. Maluwag ang turnilyo ang sino mang magfoforward ng mga chain letters na yun. At tanga lang ang naniniwala sa mga chain letters na iyan. At sa mga nagpopost ng mga chain letters na yan ang masasabi ko lang…. MGA TIMANG KAYO!
Salamat,
P.S
Pagkabasa ng letter na ito ay ipadala sa pito mong kaibigan sa loob ng pitong araw at ipost mo sa subject ang: Isang Napakagandang Kwento, kung hindi mo susundin ito, pitong taon kang mamalasin kaya wag balewalain ang babalang ito!!
Simple Kong Hiling Ngayong Pasko
-
Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo
pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa
Lo...
14 years ago
24 comments:
letsugas talaga yang mga chain letters. kahit ako nung elementary ay nabiktima na nyan. ang malufet dati, talagang snail mail ang pagpasa sa iba. gagastusan mo talaga. di naman ako yumaman after nun.
yang mga chain letters ang naging inspiration ng pelikulang "The Ring". kung si Sadako lang naman ang bubulaga sakin, susundin ko na ang chain.
sa mga magko-comment dito, i-copy paste niyo muna itong comment ko bago kayo. otherwise, mamalasin din kayo. bwahahaha!!
kakairita talaga ang mga ganyang chain letters.
minsan nasa kuwarto ko ang cellphone ko nung narining kong may nagtext habang nasa sala ako. tinakbo ko pa kasi akala ko importante yung message na yun, yun pala yung pass this to 10 people or else something will happen to you.
WTF talaga! Sarap pagmumurahin ang mga nagpapadala ng mga ganun.
Kuya Parang..parang nabasa ko na din to.tama ba?
Anyway ay naku tama yan. nakakainis yang chain letter. Madalas mangyari sakin yan sa text. lagi kasi nasa taas yung cp ko dahil walang signal sa baba. At lagi ako may iniintay na text. Tapos pag nag ring yung cp ko akyat kagad ako at ang mababasa ko lang pala e yung ipasa mo ito sa ganitong tao kundi hindi matutupad ang wish mo o yung may mamamatay na chuvaek ek. Mga chuvaek ek din sila. hay naku!
Anyway ingat palagi kuya!
feel na feel talaga e.whahaha^_^
I'm back to my old self, maigsi lang ang comment ko.
MAIGSI.
Ang naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili. Bow.
***totoo kayang magbibigay si Bill Gates ng 20 million thousand million billion pag nag forward nung isang email na yun? wait lang, forward ko....
whatever kuyah... don sa end nang entry moh reply koh yan.. haha... ayhate! chain letters too... as bonggang hate it... sobrang sinusunod koh yan nang bonggang bongga noh... ang sarap pagsasapukin ang nagpapadala nyan... imagine kuyah... kelan bah yon... ah was somewhere in elementary... nemen... nde pa uso ang internet.. at tsaka mahirap lang kme... typewriter kamo... eh di yon.. may chain letter akoh.. send to i dunno how many people was that within some days... takte... letz say that was 'bout twenty.. so i gotta make twenty copies of that chain letter... ewan koh bah kung tanga lang akoh tlgah non or kc naalala koh eh tinype koh tlgah isa isa yung chain letter hanggang maubo koh yung total... eh alam moh bah gano kahirap mag-type non sa typewriter.. eh ilang daliri pa gumagana saken... kapag mali pah eh di liquid paper.. nyahaha... so yonz... basta asar akoh dyan.. then narealized koh later... i don't have to follow it...and i don't have to believe on wat it says.. usually kung medyo scary ang threat eh i pray 'bout it... kaya minsan if i dunno kung san galing ang mail eh diretsong deleted.. and ayhate those forwarded emails den... isa akoh sa promotor nyan noong araw.. nyahaha... so yonz... ah juz hate chain letters... asar to d' max lang... may sense pa bah.. haha.. ingatz kuyah... salamat sa pambobola moh.. appreciate it.. nyahaha... btw break nah tayoh... balik tambalan na kme nung ex labteam koh... nyahaha... at tsaka wala ka naman nang panahon saken.. ahuhu... ahehehe... hangtopakz... haha... oh devah nagamit koh lahat... ahh kulang hohoho... nyaikz.. korni! wehe... sige nah... bukas eh yeah balik touch cell internet uletz akoh... kakakomentz lang akoh nang bongga pag gamit ang computer... so yeah.. hanggang sa muli.... miss den kitah kuya drake... daw! ahehehe... ingatz... Godbless! -di
takteng typo error yan.. ahehhe...
---> sobrang sinusunod koh yan nang bonggang bongga noh - i meant noon*
---> kc naalala koh eh tinype koh tlgah isa isa yung chain letter hanggang maubo koh yung total - i meant maubos*
aheheh.. mas cute lang kc minsan magkorek nang typo error.. haha.. laterz! =)
@No benta
Naks lumeletsugas ka dyan! Mukhang pinapatulan mo rin ang snail mail noon ah! sabay wish pa!hahaha! Buti tamad akong magsulat kaya di ko painapatulan yang mga chain letters na yan!
@Andy
Hello welcome sa aking kwarto, sana madalas ka ring madalaw dito!Hayaan mo iadd kita sa aking blogroll dahil balita ko kay Jepoy-the talking ponkan at Glentot Utot! Mabait ka daw! (Pero sinungaling yung dalawang yun eh,hahha joke lang)Ingat
@Darklady
sssshhhhhhh! wag kang maingay!hahhaha! Hayaan mo na yan! Puyat ako kagabi kaya iyan muna!hahahha!Natuwa naman ako sa iyo kasi nagbabackread ka pala!Salamat talga! Dahil dyan may toblerone ka sa akin!hahaha
@Chingoy
Nangunguripot ka na naman chinggoy dyan! Hays di ka naman intsik pero bakit makunat ka pa sa belekoy kung magcomment!hahaha!
hhahahha. at chain entry pala ito.
nku, ako nman, nagiinit ulo ko at one time nga inaway ko p yung ngpadala saken ng gnyan, sbi ko wag n wag nyo kong ppshan nyan nku. nakakainit kase ng ulo, pati nanay at tatay mo dndamay pa. kesyo mamamatay dw. ayan ngiinit n nman ulo ko. hahahaha
@Dhianz (yan isang comment ka heheh!)
Yup yun ang catch dun! Kung lalaliman natin eh, ganito. Minsan sa buhay natin nabubuhay tayo sa kaipokrituhan (naks may ganun). Meaning galit tayo sa mga bagay na masama pero tayo rin pala gumagawa ng masama. Naiinis tayo sa ugali ng isang tao, pero meron din pala tayong ugaling katulad nya. Conflicting kumbaga.
Medyo malalim pa message nyan eh!pero yaan mo na!hahha
Buti ka cellpohone lang gamit mo effort ka parin sa pagcocomment sa akin! Dahil dyan may plus 10 ka sa quizes (teacher??) Basta masya lang akong mabasa ang comments mong puro z at h, nakakamiss,hehhe
Inga palagi dhianz!
Hahahaha..o sige na nga behave na ako.
Oi bagong post ni kuya Drake yan! hindi pa nya na ipopost yan dati.^_^
Yan ah binawi ko na. nakabawi na ako.hehehehe..
Medyo madami dami na din ako nabasa sa mga past na post mo. Natuwa nga ako dun yung about kay lola...ano nga ba yun? yun yung kinuwento kamo sa iyo ni nanay (naks naki nanay! feeling kapatid talaga ah.hehehe)teka tingnan ko ulit yung name nun..
ayun DA ADBENTYUR OP ALING PEKLA. tawa ako ng tawa nung mabasa ko yan.
Tapos nabasa ko din yung about sa birthday mo. Nagpasa din ng piktyur griting yung mga ka blog mo, next na birthday mo ako din magbibigay.hehehe ^_^ Ngayon pa lang sisimulan ko ng mag piktyur n g pagka ganda ganda hanggang sa makakuha ako ng magandang piktyur.^_^
Basta yung toblerone ko ah..sabi mo yan..hehehehe
hindi ako naniniwala sa chain letters, dahil kahit minsan hindi ito naging batayan na magiging successful ka o mamamatay ka kung hindi mo naipasa. Kung hindi mo nagustuhan ang chain letter, may choice ka naman na i-ignore or i-delete. nobody has the right to dictate you what to do to your life and curse you... unless... you let them.
I don't believe in chain letters...ipagdarasal ko n lng SILA sa mga kagaguhan at sa hopelessness nila sa buhay na iniaasa n lng ang kapalaran sa baluktot na practices...
nyahahaha.. ba't akoh natawa eh kc nemen nde koh man lang na getz ang message this time... haha... nde yatah gumagana yutakz koh lately.. tsk! yan nagagawa nang puyat sa brain... oh yeah ahwas looking for yah last time sa wayem pero la kah.. so yeah.. take gud care of urself lage... pra nde kah magkasakit... mahirap na baka mabawasan nang wafu sa mundo... haha... miss u lagi kuyah... i mean that... at least akoh galing sa puso... daw... haha... laterz... Godbless!
Kaya pareng drake, umpisahan mo na ang kilusan laban sa mga chain letters na yan! Mdami kaming aalalay sayo! Ipalaganap ang message na ito sa 121,057 katao, or else buong buhay kakati singit ng nakabasa nito!
Kebs lang matagal naman na akong minamalas nyahahhahahahaa!
Ayoko rin ng chain letters! Sayang yung nilaan kong oras sa pagbubura.
Pag may narerecieve nga ako sa text na ganyan eh pinapagalitan ko yung sender. Sabi ko putangina tanga ka ba ngayon ka na nga lang magtetext chain text pa.
Ayun, ubos na ang mga kaibigan ko.
Hahaha bistado repost!!!!
wala nang nagpapadala sakin ng chain emails... inaaway ko kasi... hehehe
@Dark Lady
Hahhaa! Oo maganda rin yung da adbentyur op aling pekla! Siguro pag medyo tinatamad uli akong magsulat yun na lang ang ipopost ko!hahha
Sige walang problema sa toblerone mo!Ikaw pa!hehhe
@Roanne
Hehhem tama yan, although di naman talaga tungkol sa mga chain letters, but more on tungkol ito sa mga IRONIES natin sa buhay!Di ba galit ako sa chain letter pero isa palang chain letter din yun! So pwede natin itong irelate sa buhay natin!
@Jag
Ako din naman, pero katulad ng sinabi ko kay roanne, hindi naman talaga tungkol ito sa inis ko sa chain letters!more on the reality of life. Na minsan galit tayo sa isang bagay o tao, not knowing na ganun din pala tayo.
@Dhianz
Oo nga mukhang inaantok ka ba dhianz, hahah! Miss na kita, gusto ko na uli marinig ang napakaganda mong boses!naks!Basta may message yang post na yan.hehhe
@Ardiboi
Pwede sige sisimulan ko na ang kilusan na yan at ikaw ang gagawin kong kanang kamay ko!hahaha! Pero sa totoo lang hindi naman ako galit sa chian letter! Hehehe!isa pa di naman ako gaanongnagbabasa ng email!hahaha!Ingat parekoy!
@Glentot
Halatang di mo binasa ang post ko, at binasa mo lang ang comment dito! Tae ka Glentot! Nageexpect pa man din ako na makikita mo ang message kos a sinulat ko na ito pero nabigo ako sa iyo!Iheytchu!hahahah
@Gillboard
Hayan mo magsesend ako sa iyo ng chain letters!wag mo akong aawayin ha!hahha!ingat
oi drake alam ko naman na double meaning ang post na 'to kaya double meaning din yung comment ko... walang kwentang post kasi e.. style ko yan pag wala kwenta yung post ko hehe
PUCHA!
I hate chain messages kahit sa emails at texts...
Haha!
kakairita!
true..super kaasar nga ang mga yan..kala mo importante un pala chain letter kahit d2 sa company email ko meron din nagsesend...buti sana kung totoo kaso hindi,,sarap i-chain mga nagsesend ng chain..hmmpp!..
nadala tuloy ako sa blog mo makapagsend nga mamya ng chain din..wahehehe...
Post a Comment