Teka sa pagpapatuloy na aking Kwentong Jollibee, heto ikukuwento ko ang aking karanasan dyan.
Natanggap ako sa Grill Area, bilang dakilang tagaprito ng patty para sa burger. Ako din ang gumagawa ng Jolly Hotdog, Aloha, Cheese Burger at kung ano ano pang burger doon.
Unang araw palang ng aking pagtatrabaho, may umepal nang crew ng Jollibee. Isang bading na ubod ng selan, mukha syang contruction worker na may makeup at sabog na labi dahil sa lipistik! Kaya nakakatakot ang itsura nya , heto ang eksena noon:
Manager: Okay Samantha (pangalan ng bading), ito ang magiging trainee mo, si Drake
Samantha: Ma’am bakit naman yan, hindi ba pwede yung isang gwapo kanina? (mukha ba akong may buni sa gilagid para pandirihan)
Manager: Sa Dining Area yun, turuan mo na ito gwapo din nman to ah (sabay tawa)
.
Samantha: Ma’am naman! Wag na kayong mag joke! Hindi sya nakakatawa! O sya , sya sya! dito ka na ngang hito ka! (sabay hablot sa akin)
Ako: Opo Sir!
Sa hitsura ng bading na yun, halatang masamang masama ang loob nya dahil mukhang hito ang magiging trainee nya (oo ako nga yun, letche sya). Sarap bigwasan sa ngala-ngala ang bading na yun. At maniwala kayo at sa hindi, sa loob na isang buwang training, puro sigaw ang inabot ko sa kanya at mangmamaltrato. Hindi sya makarecover sa kras na kras nyang gwapong trainee kaya sa akin binubunton ang galit nya sa mundo.
Buti naman at madali akong natuto (hindi nauto), dahil makalipas ang isang buwan eh humanga naman ang Manager namin sa akin dahil kaya kong magbalot ng sampung burger sa loob ng isanng minuto. San ka pa! Pang PINOY RECORDS ang dating!!
Dahil Franchise lang, ang Jollibee sa amin, kaya hayun medyo tinitipid kami. Hindi tulad ng ibang Jollibee store na libre ang lunch o dinner, sa amin libre naman kaso kailangan mong tiisin kung ano ang luto sa Mini Canteen namin. (Kamusta naman yun Mini-Canteen sa loob ng fastfood)
Ako: Ate ano ulam natin ngayon?
Ate: Heto sopas?
Ako: Ate di naman ulam yan eh!
Ate: naku ganun din yun, lagyan mo na lang ng kanin!Ulam na yan!
Ako: Ganun ba yun so mag-iimagin na lang ako!
Ate: Ganun na nga, eh wala tayong magagawa kuripot ang may-ari
Sa ganun na nga, sa loob ng isang taong kong pagtatrabaho sa Jollibee, madalas ang ulam ko ay sopas, miswa na may patola at lucky me. (Ulam ba yun??) Minsan naman BABOY NA BINABOY dahil ubod sa baboy ng pagkakaluto. Para kaming nasa Evacuation Center o hindi kaya mga preso sa Muntilupa. Nyemas naman oh!Kung gusto namin ng produkto ng Jollibee kailangan naming bumili na may discount na 3%. Ano yun???
Madalas din ang nakawan sa mga locker, ultimo suklay at sanitary napkin ninakaw! Langya, may klepto atang crew sa amin, at pati ang panyo kong puro uhog hindi pinatawad ninakaw din (Kahit may uhog yun Caruso naman yun!Sosyal). Kaya hayun kada pasok namin kailangan isulat naming sa notepad ang mga nakalagay sa bag namin, at chechekin naman ni Manong Guard mamayang pag-out namin.
Madalas ding panggabi ang duty ko, dahil nga pumapasok ako sa school sa umaga. Dahil hindi nman 24 hours ang dyip sa amin, madalas wala akong masakyan pauwi. Kaya ang ginagawa ko, iniintay ko na lang ang mga dyip na nagdadala ng gulay sa palengke malapit sa Jollibee. Kaya hayun inaabot ako ng 3 ng madaling araw at sanayin ang sarili ko sa amoy ng nabubulok na kamatis, sibuyas at............. paa ng katabi ko! Ganyan talaga kailangan pagtyagaan.
.
Nakakauwi ako ng mga 3:30 ng umaga at gumigising ako ng 5:30 dahil may pasok ako ngn 7AM (oo dalawang oras lang ang tulog ko). Kaya hayun pagdating ko sa school tinutulugan ko na lang ang prof ko. Madalas akong binabato ng chalk na shoot na shoot sa nakanganga kong bunganga ( na may laway pa on the side). Kaya tawanan ang buong klase pero wala akong pakialam, dahil lalabas na lang ako ng klase para ipagpatuloy ang pananaginip ko kasama si Pamela Anderson. Hehhe!
Kaya hayun dumami ang bagsak ko, dahil nga kung hindi ako late, lagi akong napapaalis ng titser ko sa klase. Hindi ko naman mahinto ang pagjo-jollibee dahil wala naman akong baon. Saka isa pa di ko panabibili ang pinapangarap kong Nokia 5110. Na ngayon ay pwede ng pamukpok ng pako o di kaya pamalo sa pwet ng batang maepal.
.
.
Marami pa akong karanasan dyan sa Jollibee,siguro sa susunod na lang uli. Pero ang masasabi ko lang ay hindi naman ako nagsisisi dahil nararanasan ko ang mga ganung mga bagay. Siguro kung hindi ko naranasang maghirap hindi ko siguro pahahalagahan kung ano ang meron ako sa ngayon. Ganun naman nga talaga eh, mas lalo mong malalasap ang tamis at sarap ng isang bagay, kung hindi mo muna natitikman ang pait at hirap ng para makuha . Kaya di ako nagsisisi dahil marami akong natutunan sa loob ng Jollibee.
Ingat
42 comments:
Hello Dito na ako! hahahaha.kamusta naman yun, nagpaalam kagabi na mawawala muna pero nandito na kagad. At una pa yata nag comment.hahahaha
Anyway napadaan lang ako (pero sa totoo lang sinadya) ^_^
Nag break lang ako sandali sa aking ginagawa at habang break namasyal muna ako sa blog.
Maganda na kahit papaano may experience kang maaalala sa Jollibee..Yun lang masasabi ko.
o Pano kuya drake bye bye muna ulit. Nakita ko na din yung padala mo.hahaha saka na ako mag comment about dun pero super mega duper thanks talaga. ^_^
WOW ang ganda ng fiction story mo. Parang pelikulang filipino ni Chikito.
@Dark Lady
Okay lang yun, teka bakit ka nga ba aalis?Ano ba ang matibay mong dahilan baka pwede kitang matulungan wag lang sa pera!hahah Ingat!
@Jepoy
Lolo mo fictional story! Totoo ito at may proof ako dyan tange! Wag ka nang mageepal dyan!Tae ka!
haha.natawa ko sa comment ni jepoy. anyways, hindi ako naniniwala na mukhang hito ang trainee ng baklang samantha, ayon sa kwento mo.i know that guy is an amazing person inside and out.ingat=)
dapat tnry mo lumipat sa mcdo. para lugaw naman ang ulam nyo.
hehe. tama ka. kung hnd sa bading mong trainee malamang hnd ka matutuo magbalot ng burger. hayipppp!! congrats pareng drake..
Hahahaha..nagpa una na noh? Ang pagpapaalam ko ay hindi muna ako makakapag post sa aking blog you know naman kapag estudyante nag bibisibihan. Pati nga yata kapag nag wowork ganon e.hehehe.
Next week kasi exam final exam na namin at next week din bakasyon na!! yehey! At dahil magbabakasyon na lam mo naman mga prof. mahilig magpagawa ng sangkatutak na project, thesis. etc. Lalo na ang rereviewhin para sa finals. Haayz...Hinga muna ako! (inhale!!! inhale!! inhale!..and then exhale!) ^_^
Buti na lang may blog si kuya drake..Basta yun na yun! hehehe
Tsoyeyt! tsoyeyt! hahahahaha
OA naman diyan parekoy. puro sabaw lang ang pinakain sa yo? kaya ka tuloy naging mal-nourished sa pic mo! nyahaha. joke lang, peace tao! di bale, balik ka dun sa jollibee na yun tapos hanapin mo yung nagtrain sayo... paglawayin mo sa angkin mong ka-pogihan na minana mo sa akin at kay pareng jag! haha. ayos :P
may kaklase ako gaya sa ginagawa mo na sa oras ng klase eh tulog.... jijijijijiji... hindi kaya ikaw yun!? jijijijijiji
ang harsh nman ng bading n yon. e ngayon nman pngistarstruck na ang hitong yon db. naks nman o. hahaha.
anh hirap pala ng napagdaanan mo pre kaya pala memorable sau c Jabee jijiji...
agree ako sa iyong tinuran, katotong Drake. ang sarap namnamin ng tagumpay lalo na't ito ay nakamit mo sa pamamagitan ng pagpupursige.
ang tagumpay mo Drake, ay nariyan na sa iyong kandungan. mabuhay ka!
haaiistt sayang d ako nakabase..hahaha...buti nalng dumaan ako d2 at nagising ang aking natutulog na diwa...
wow ha pwedeng pang MMK yang kwento mo sa JABI,, talagang mejo kinawawa ka dun..hihi...
masarap ang spag sa jabee..
sensya wala wenta comment ko,, ...balik ulit ako pag nahanap ko na ng tuluyan ang diwa ko... *yawn*
ingats lagi drake!!!!!!!!!!......
namiss ko tuloy mag Jabee...makakain nga dun mamya hehehe...
Bigla ko tuloy namiss ang masebong buhay ko sa jollibee bilang fry man.. At tulad din ng sinapit mo, nagkaroon ako ng bagsak dahil kay jollibee. Pero iba talaga ang experience na pinapatikim ni Jollibee. Mas masarap pa sa langhap sarap ;)Ako yong nag add syo sa fesbuk kuya drake ;)
@Karen Anne
Ako ba yung guy na yun?hahahha! Ang sarap naman sa feeling nun! Salamat sa sinabi mo!ingat parati
@Kikilabotz
Wala syang naitulong s abuhay ko kundi pasakit! Buti na lang nagsumikap na lang akong matuto para makaalis na sa poder ng bading na yun!hahahah
@darklady
Bentang benta ako sa iyo noh? salamat nakakataba talaga ng puso ang mga sinabi mo! Hehhe! Basta pagnakuwi uli ako sa Pinas, kailangan magkita tayo kasi para sa 2 toblerone mo!hehe
@Nightcrawler
Kaya na ang mabangis ni Pareng Jag! Hahaha! Oo grabe talaga at walang halong dagdag bawas yan! Totoong totoo yan!hehe! Eh wala na yung bading na yun sa Jollibee di ko rin alam kung buhay pa yun!Heheh
@Xprosiac
Hindi naman tayo magkabatch eh! alam kong mas matanda ka sa akin!hahah! peaceman!
@Keso
Sinabi mo pang sarap tampalin ng TI.... napay!hahah kala mo kungn ano na noh?hahah
@Jag
Oo, hayaan mo ipapakit ako ang mga paso ko sa braso para makita nyo ang hirap na inabot ko dyan!hehehe
Sobrang nakaka-relate ako sa kuwento mo parekoy. Pareho tayong jolliboy eh. Naranasan ko rin ang maging kabayo sa trabaho tulad ng sinasabi ng Yano sa kanta nilang "Mc Jo"! Sa fry ako na-assign kaya ang dami kong talsik ng mantika sa braso. Medyo mas madali ang experience ko sayo dahil opening lagi ang sked ko. paggabi kasi ang klase ko. Pero tulad mo, tinatawanan din ako pagpasok ng mga barkada ko dahil amoy chicken joy at yum burger ang katawan ko.
Miss ko na si Jollibee. Lalo na yung sex scandal nila ni Twirlie.
@Chinggoy
Naks humahaba na ang comment mo ngayon ah!hahah! Salamat at di ka na kuripot ngayon chinnggoy!hahha! joke lang!
@Lady in Advance
Hehe sige pahinga ka muna kung gusto dadalhan pa kita ng spaghetti at burger dyan mula sa Jabi!hehhee
Hayaan mo ipapadala ko na rin ito sa MMK.
@Jag
Uwian mo naman ako ng Jabi, heheh! Sarap nga kaya yan!
@Tiano
Nagfry man??hehhee ako rin nag grill, nagfry man, nagpantry at nag PC!Dining lang talag anag hindi! Namimiss ko na rin ang buhay Jollibee
@Nobenta
Hehhee nag PC din ako bro, kaso sandali lang! Nagfry man din ako, kasi rotation kami! Riceman at stockman ang hindi! Ako may paso pa ng buntoaster sa pulso ko!hehhe kakahiya!Salamat
Nag-PC rin ako pre. Tama pa ba ang mga standards ko:
leg part - 15mins cooking time
other chicken parts - 11mins
lapse time ng manok - 30mins
rice warmer - 1hr ang lapse ng kanin
hehe. Kala nila malinis ang jollibee. Oo kung di barubal ang crew! Bwahaha!
there's a woman behind every man's success at sigurado akong si samantha yun! hahahahaa yun nga lang she-man sya :)
oa naman yung trainer mo. sarap bigwasan nga. hehehe
Minsan naiisip kong magresign at mag-apply sa Jollibee dahil gusto kong maramanasan kung paano magbanat talaga ng buto. Maraming trabahong underworked at overpaid (Yes, Jepoy?) at sa Jollibee I think is overworked (ewan ko kung correctly paid). Nakikita ko ang mga crew na nagpapanic sa rush hour, walang upo-upo maghapon at naka-smile pa rin kahit namumuo na ang pawis sa noo.
Tsaka may crush ako noon sa nagwowork sa Jollibee nung college sayang kung nag-apply ako sana may anak na kami ngayon bwahahahaha
pang-MMK ang kwento mo pala Drake. at dahil sa tagumpay mo, isang tagay para sayo!!!
inuman na! dali! game! hehehe
gusto ko tuloy malaman kung anu ang naging reaksyon mo nung makuha mo yung pinapangarap mong 5110..
hahaha.
susyal ka na nun sa 5110! huh?
Pasalamat ka na lang pre at mukhang hito lang :D
Galing ka rin pala sa hirap? edi lumangoy ka rin sa dagat ng basura? lolzz
@No benta
hahah! Yun na nga ang susunod kong ikukuwento tungkol sa kabarubalan ng mga crew sa mga paborito nilang spag at hamburger! Iniisip ko pa baka mademamda ako!hahahha Pero kwento ko pa rin next time
@Roanne
Ganun?!? Hayaan mo pag nagkita kami ni Samantha, ikikiss ko sya sabagy suntok sa sikmura!hahah! Makaganti man lang!
@Gillboard
Yaan mo tulad ng sabi ko nga kay Roanne pag nagkita kami nyan! Sabog ang intestine nya sa akin!hehhe
@Glentot
OO tama ka marami talagang tarabaho overpaid (tama ikaw nga yun Jepoy). At totoo yung rush rush na yan, dahil uubusin talaga ang adrenalin mo dahil nga sa dami ng taong mga gutom na gutom! Kaya pag-uwi mo dun mo mararamdaman angn pagod!
Nga pala tungkol sa crush mong nagtatrabaho sa Jollibee, buti hindi kayo nagkatuluyan nun, at least.......... gumanda ang buhay nya!hahhaha
@Andy
Salamat sa isang tagay na yan! Nabasa ko yung sinulat mo tungkol sa buhay mo at ang masasabi ko lang ay........ sosyal ka nag-uulam ka ng Milo!hahahha! Joke lang! Hanga ako sa iyo bro!ingat
@Kosa
Hello??? Hindi pa gaanong uso ang 5110 nun! Ang uso pa nun ay yung alcatel na hugis safeguard! Dami kayang inggit sa akin sa cellphone ko na yun!
@LOrd CM
Oo lumangoy din ako sa hindi sa dagat kundi sa ilog ng basura. Habang lumulutang lutang ang patay na baboy at sanitary napkin. At madalas nakakainom ako ng tubig pag nagsuswimming ako dito! Yuck!!
lokong samantha yun..tinawag kang hito? sana pagkatapos ng taining mo sinubsob mo mukha nya sa fryer! hehehe
ang sipag mo. idol! :D
Tama yan parekoy, Jollibee Crews Exposed. Suportahan kata! Isama mo na rin ang mga "PASS OUT" at iba pang ka-blogs-tugan (nice paps, plugging)
ano daw?
Haha!
Basta ako... Mas feel ko ang Jollibee!
Marami akong karanasan diyan... Hindi na dapat ikwento kasi madalas meeting place namin iyan noon... :)
Mukhang hito na pala ngayon si Dingdong Dantes? LOL
Hindi ko naranasan ang magtrabaho sa Jollibee o sa kahit na anong fastfood chain. Gusto ko sana kaso ayaw ng Nanay ko. Gusto niya focused lang ako sa pag-aaral. Hehe as if naman.
nalulungkot ako kaya binasa ko ulet lahat ng entries mo para somehow mawala lungkot ko and nawala kahit pano...thanks ah!,,may namimiss lang ako ei,...*sob....
@Scud
Uhmm compliment ba yan?hahaha! salamat sa pagdaan Scud!
@No benta
Hayaan mo medyo paghahadaan ko ang kwento ko dyan para masaya! Kaya dapat mag-ingat ang mga maeepal na customer dahil hindi nila alam binababoy ng mga crew ang pagkain nila!haha
@Yien
Nabuhay ka halimaw ka! Buti naman at nadalaw ka sa kwarto ko! Palibhasa mayaman ka na kaya di mo na aalala na may gwapong blogger na nag-iintay ng comment mo!naks
@Mangyan
Huhulaan ko! Hindi mo binasa ang entry ko!hahah! Medyo naramdaman kong iba angn comment mo sa post ko!hahhaa
@Gasolinedude
Alam ko kung bakit di mo naranasan ang mga iyan dahil.........MAYAMAN KA!Ikaw na!!!
@Ladyinadvance
Ekaw ba ay nalololongkot at walang makaosap!Nareto aku para alewen ka!
Basa ka lang ng basa!hehehe
Kelan ka kaya makakauwi? Siguro madami na ako maiipon na tsokoleyt nun sayo noh?hahahaha
Pareng drake, nakarelate talaga ako sa kwento mong yan.. Yung JABI outlet ko naman na pinagtrabahuan noon ay company-owned, kaya libre ang isang meal namin (nagsawa na ako sa chicken-spaghetti combo, halos kada shift yun ang ulam ko dahil yun ang pinakamahal sa pwede naming kainin! bwehehehe!)..
May naririnig na rin akong mga katiwalian ng mga franchised JABI stores noon.. kawawa ka naman at biktima ka. Pero tama ka, madami magnanakaw sa locker room! Ultimo deodorant ko ninakaw! Kamusta naman un!
Post a Comment