Medyo maganda ang aking pagkabata, dahil kahit 15 anyos na ako eh pakiramdam ko bata pa rin ako. Madalas pinagpapalit ko ang aking gelpren noon kay Doraemon, Blue Blink, Zenki at kay Mojaco.Nakakipag-away pa ako sa pinsang kong 9 na taon, kasi ginugulangan pa nya ako sa teks (sa tanda ko na yun, ginugulangan pa nya ako).Nakikipagbugbugan pa rin ako sa mga kalaro kong kay dudupang sa tatsing.
Okay back tayo sa pagkabata ko, alam nyo ba dati mayroon akong isang box ng sapatos na teks ,isang supot na holen, 8 gagambang panabong, dalawang trumpo, gabrasong goma at kung ano ano pang laruan.
Madalas din akong mamulot ng balat ng sigarilyo dahil napingot na ako ng nanay noong minsang nagtatsing ako ng totoong pera. Dahil nga bawal ang pera-pera, yung balat ng sigarilyo na lang ang ginagawa naming taya. Heto pa nga yung denomination noon eh :
Evergreen – 5 pesos, Camel/Hope- 10 pesos, Marlboro- 50 pesos at Phillip - 100 peso
Madalas amoy araw ako at mukhang pabrika ng kuto ang ulo ko ,kasi nga masarap maglaro ng ipunang langgam, moro-moro, putbal, at patintero. Tuwing gabi naman naglalaro ako ng taguang pung, piko, hali-halimawan at taguang singsing. Kapag medyo nagkapikunan na, may laro rin kaming….. paduguan ng nguso, sabugan ng ilong at pilipitin ang ngala-ngala ng kalaban.
Madalas akong dumalaw sa mga lolo dahil malaki ang taniman nila ng mangga, santol, bayabas, duhat at kaymito. Aakyatin ko ang bawat puno at manginginain ako na parang unggoy. At kapag nakarami na, doon din ako……….. tenen…… tumatae. Ang saya kaya kapag nakikita mong nahuhulog ang tae mo sa lupa tapos imbes maghugas ng tubig dahon na lang ng bayabas. Sing linis ngunit hindi sing mahal! Malas mo lang kung may pulang langgam ang dahon na kinuha mo, kikimbot ang puwet mo sa kati at sakit. Minsan naman pag may sumasama pang tae sa kamay, pinapahid na lang namin sa puno saka nagdodrowing ng aso o di kaya taong patpat (how gross namen!!)
Tuwing umuulan naman, tuwang tuwa ako! Bakit? Eh kasi pwede na kaming maminlit ng palaka. Una muna naming ihahanda aang bulateng gagamitin naming pain. Madalas kaming makakita ng matatabang bulate sa likod ng babuyan namin. Syempre atraksyon kaya sa mga bulate ang masasarap na tae ng baboy. Kaya hayun na nga, matapos maihanda ang pain, diretso na kami sa bukid at mamiminlit na kami ng palaka.
.
Kaso nagkaroon ako ng phobia, nung minsan namiminlit ako sa may bukid namin (kumakanta pa nga ako noon ng “alin-alin, alin ang naaiba” ng Batibot) biglang may kumagat ng pain ko. Tuwang tuwa ako dahil mukhang malaking palaka ang makukuha ko, paghatak ko ng patpat at dadakmain ko na ng kamay…. Nagulat na isa palang ubod ng laking BUBULE ang kumagat ng pain ko (at kumindat pa sya sa akin). Nagtatakbo ako sa takot kaya mula noon ayaw ko ng maminlit ng palaka. Kumakain na lang ako ng adobong palaka, sinampalukang palaka at crispy palaka.
Madalas naming laruin ang SYATO, at madalas akong atchoy o taga sigaw ng SIIIIYYYYYAAAATTOOO!! Tapos madalas din akong maglaro ng putik, mula sa NUNO sa PUNSO (o bahay ng anay). Masarap kayang gumawa ng kotse-kotsehan, truck saka refrigerator mula sa putik. Kapag medyo sawa na kami dyan, maglalaro na kami ng bangka-bangkaan sa may pusalian. Ihip doon, ihip dito, minsna sa pag-ihip ko nahalikan ko na pala yung pusaling kulay black.YUCKKKKK talaga, dahil may kasama pang TAE ni KA IKANG yun.
Madalas din akong bumili noon ng krispap na may kasamang sunda-sundaluhan at mga superheroes. Kahit magkada ubos ubos ang baon ko, magkasakit sa bato at tiisin ang lasa ng krispap na lasang gaas, okay lang! Kailangan kayanin kasi gagawin kong taya sa tatsing namin mamaya.
Halos mabulok naman ang ipin ko kakain ng CHOKOBOT, o yung choknat na may litrato ng transformer sa balat. Kapag kasi nabuo mo ang A-Z sa likod ng balat ng CHOKOBOT , makakakuha ka ng TRANSFORMER ROBOT. Eh adik na adik ako sa palabas na yun (okay na yun kesa naman rugby o katol), kaya naman ubos din ang baon ko doon. Sa huli hindi ko nabuo ang alphabet na yun kasi puro letter A ang nakukuha ko. Pnujemas na yan.Pero yung kapitbahay namin meron na syang OPTIMUS PRIME. Kaya naman halos mamatay ako sa inggit sa kanya. Kinakaibigan ko nga sya eh kahit pa bulok bulok ang ipin nya saka amoy bulok na sibuyas ang hininga nya tinitiis ko malaro ang Transformer Robot nya. Pero sa huli puro yung robot nyang walang kamay at ulo ang pinapahiram nya sa akin. Letche sya!
Prrrrttttttttttttttt (okay tama na yan)
Ang dami ko pang kwento tungkol dyan pero sa susunod na lang uli ako magkwekwento.
Alam nyo minsan masarap maging bata uli, bakit? Kasi kung bata ka, kapag may nanakit sa iyo, pagkalipas ng ilang araw, BATI na uli kayo. Kapag nasugatan ka at sinabi ng nanay mo na “gagaling din yan anak”, titigil ka na sa pag-iyak at makakalimutan mo na lang na masakit pala ang sugat mo. Pero bakit kung kailan na tayo lumaki saka pa nagiging kumplikado ang lahat?
.
Bakit nga ba ang hirap magpatawad at ang hirap kalimutan ang sakit?Bakit nga ba?
Sana bata na lang uli tayo………….
Yun lamang po at maraming salamat.
34 comments:
ang sarap maging bata...
walang iisipin kung ano kakainin.
ang sarap maging bata...
galit-bati; galit-bati lagi.
pero di naman dapat mawala ang pagiging bata ng puso at kalooban kahit may edad na tayo. Yung the child in us, dapat anjan lang palagi, kasi yun ang essence natin. Yung purity ng isang bata...
Una sa lahat! I'm Back!! hahahaha..grabe namiss ko to! May post ka na hindi ko pa napag commentan. Babalikan ko yun at mag cocoment ak0 kahit anong mangyari! sa ayaw at sa gusto mo.hehehe.
Ay naku oo kuya drake sarap talaga bumalik sa pagkabata! (e bata pa naman ako!)
Sarap balikan nung panahong naglalaro pa ako sa labas ng aming bahay.Tanda ko pa noon may isang kahon ako ng paper doll, kaso iniwan namin yun nung lumipat kami ng bahay,super nalungkot ako nun. Sana pala dinala ko yun. Haayz..sad na ako! =( drama lang e.hehehe.
Tapos nung panahong naglalaro ako ng 10-20, chinese garter at nag coconcert sa labas ng bahay namin, feeling ko ako yung isa sa M2M.hahaha. Tapos pag gabi naglalaro kami ng takutan sa labas ng bahay namin at minsan naman makikita ako sa gilid ng kalsada at nahihilo na sa kakatingin ng mga nagdadaang sasakyan, kasama ko mga kalaro ko at namimili kami ng gusto naming sasakyan.parang mga adik lang eh.hehehe.
Dami pa akong naibentong laro noong bata ako. At kapag naiisip ko yun naiisip ko napaka creative ko pala noon.whahahaha. Pero hindi ko na ikwekwento kasi parang nakakahiya na dahil ang haba na naman ng nasabi ko dito, feeling ko blog ko na naman ito.hehehe..
O Pano kuya drake dun naman ako mag comment sa isa mong post.hehehe. ^_^
Tamng emo sa huli hahaha..hmmm prang mgkahenerasyon tayo at halos ng laro mo e laro ko rin t uso ng kbataan ko hhaha..Ingat.
gagawa rin ako nito soon hahaha! hindi para may maikwwento lang... just for the purpose of having records.. sa totoo lang makulay at masaya ang kabataan ko.. naranasan ko ang maging batang maynila at batang probinsyano... for records lang, baka mamaya bigla na lang ako magkaroon ng Alzheimer at di ko na maalala si Ollie, bilang isang bata, isang adventurer ala huckleberry finn. dami ko na kasi ibang priorities ngayon eh, mga for adults only na bagay bagay! hayzzz.
fefe di ko alam un moro-moro at putbal... hanfair...
Nung bata ako, mahilig ako sa teks. Yung Fushigi Yuugi pa ang nakalagay. Ang dami kong ganun! :) Nakalaro ka pa ang crush ko nun. Hehee...
Ang sarap tlga sariwain ang mga panahong lumipas. MInsan nga naisip ko sana bata na lang ako forever. Happy and carefree...
Marami akong koleksiyon ng game cards noon na hanggang ngayon nandun pa rin sa bodega namin hehehe...
Magaling din akong maglaro ng syato hehehe...
O xa tama na ito baka maging blog na itong comment ko kung pahahabain ko pa ang pagrereminisce hehehe...
bakit nandiri ako dun sa tumatae ka sa puno?haha. at kumindat pa sayo yun bubule, bakit hindi mo kiniss?
Naisip mo na rin pala yung tanong na yun B1? Naisip ko na rin kasi yun dati, ung sugat nung bata ako mabilis gumaling at ung sakit hipan lang ng nanay wala na agad, bakit ngayon ung sakit nandun parin, ung sugat ayaw mawala....
.... Naiisip mo ba ang naiisip ko B1? hindi kaya DIABETIC na ako? LOL!
natutuwa lng ako, ang sarap ibalik ng nkaraan lalo n ung mga panahong hndi pa kumplikado ang lahat, ang pagiging bata. kung saan masaya na sa crush crush lng, tpos ngayon... hndi na. hahaha
mahirap talaga nakalimutan ang sakit at hapdi lalo na kung ang taong nag dudulot nito ay ang least na ineexpect mo na gagawa nito.
Tama ka masarap maging bata dahil pag bata ka madali lang ituun ang atensyon sa ibang bagay, hindi katulad pag matanda ka na kahit na anung dikta mo sa sarili mo na wag itong gustuhin eh hindi mo naman mapipigilan ang sarili mo basta-basta lalo na kung usaping puso ito.
Point is...
Para hindi ka makasakit sabihin mo kagad ng black and white kung ano ang naisin mo hindi yung kung ano ano pang shit na pampagaan ng loob ang gagawin mo eh sa huli naman yun din ang intention mo. Yun lang.
Bye.
Hays, kakainggit. di ko na enjoy ang kabataan - i mean di ko naranasan makipaglaro sa mga kaedad ko nung bata pa ako' sunog kilay ako noon at tulong sa gawaing bahay.
Sanay ako sa hirap, sakit at hapdi. *drama*
Kaya ngayon ako naglalaro ng apoy este ngayon ako nagpapakasaya na para bang nakawala sa hawla. Hehe
nowilive life to the fullest. : D
Apir!
namiss ko tuloy ang childhood days ko! yung saranggola, yung pagnanakaw ng mais o kaya singkamas sa bukid, yung paghuli ng gagamba.
hay.. yun yung mga araw na sobrang simple lang ang pagtanaw mo sa mga bagay-bagay. wala pang mga komplikadong problema nun.
Hahaha napatawa ako kahit GROSS NA GROSS ang kwento mo lalo yung tumatae ka sa puno like ewwwwww I can only imagine bwahahaha ay ayaw ko palang iimagine
tae mo!
"bawat bata sa ating mundo, ay may pangalan, may karapatan"
I remember the old days, lalo na yung after new year, mamumulot ka ng mga palyadong paputok then ilalagay mo sa gitna ng kambingan or manukan taz papuputukin mo... tapos mumurahin at maghahabulan kayo ni tatang...hayzzz, sarapa balikan nun...subukan ko kaya yun ngaun..,hehehhe
hays talagang ganun!
oo nga masarap maging bata! peroooo! ayaw ko naman maging Bata panghabang panahon! Ikaw nalang kung gusto mo! para ikaw ang laging Api!
tagabili ng yosi. gaas. suka. kandila. katol. at iba pang walang kwentang role sa buhay na to!
tulad ng isang Laro, kailangang maglevel up!
teka, nagkapatawaran na ba kayo ni Jepoy? hehehe
Sarap talaga maging bata. Wala kang problema kundi yung strategy kung paano mananalo kinabukasan sa mga nilalaro niyo. Kayamanan ko dati ang teks, holen, at mga pantaya sa tantsing. Sobrang asar ng ermats ko dati sa amin ni utol, pinakuluan niya yung mga teks namin at gustong ipakain. Siyempre panakot lang yun pero iyak kami ng iyak.
Pero alam niyo ba na kahit gaano tayo katanda na, BATA PA RIN ANG TINGIN SA ATIN NG MGA MAGULANG NATIN. Kaya nga namnamin natin ang mga oras na pinapagalitan at sinisita tayo nila ermats at erpats dahil dun mo mapi-feel na bata ka ulit!
@Chinggoy
"pero di naman dapat mawala ang pagiging bata ng puso at kalooban kahit may edad na tayo"
Sinong may edad??ikaw lang yung chinggoy!LOLS!Joke lang
Tama ka dapat nandun pa rin yung ugaling bata natin
@Dark Lady
Namiss kita pwamiss!! Buti naman at nakapablik ka na uli dito sa blogosphere. Nakakatuwa naman pala ng pagkabata mo. Di ba usong uso yang paper doll na yan noon. May kasama pang kendi yan di ba? Teka mukhang marami kang memories nang pagkabata mo ah bakit di ka gumawa ng katulad na post na ito. Hayaan mo babasahin ko talgaa yun!Ikaw pa ispisyal ka sa akin! Naks MEGANUN! Ingat
@Jam
Kamusta? ano ng balita sa iyo. Tagal na rin ah! Yup tamang emo lang! Hehhehe
@Ollie
Nice mukhang ubod ngkulay ng pagkabata mo ah! Sige aantayin ko yan at ako ang unang babasa nyang kwento mo!hehehhe! Ano simulan mo na! (excited??)
@Peanut
Moro- moro, habulan lang yan! Putbol yan naman yung sinisipa ng bola tapos ganun lang!heheh
@Kaitee
Paborito ko rin yang fushigi yugi na yan!hehehe! At may mga poster pa ako nyan dati!hhehe! Hahahha
@jag
Oo nga ubod sarap baikan ang pagkabata natin! kUng may time machine lang eh di sana bumalik na ako sa pagkabata! Kwento ka rin Jag about sa childhood mo!
@Karen anne
Kadiri ba yung tae?hahaha! ayos nga yun tapos may drowing pa kami sa may puno. Tungkol sa bubule, parang hanggang ngayon takot ako sa bubule!hahah
@Roanne
Oo naman b2, dahil dyan magkakaroon tayo ng OPERATION IWAS SUGAT". Naks ang kyut! Hindi nga kaya diabetic ka Roanne, kasi.....napakasweet mo eh! (cheesy line)LOL
@keso
u bet kalabet otomatik ang pwet. Ngayon kasi di na crush kundi love na! at hayun tanggal ang lahat ng defenses mo pagdating sa love.hehhe
@Jepoy
naks akalain mong nag-iisip ka rin pala pag nagcocomment ka sa akin. At ano na naman yang pinagsasabi mo na yan! san mo naman pinagkukuha yan.base ba yan Personal experiences mo?Salamat naman at dumalaw ka sa kwarto ko letche ka!hahahha!Utot mo blue!
@Ahmer
ikaw pala ay isang matalinong bata!Grabe kung kaklase kita malamang magkabarkada tayo..bakit?Ikaw kasi ang kopyahan ko eh! Nga pala di pa pala kuta add sa blogroll ko! Add na kita tenks!
@Andy
Oo nga sarap balikan no? Pero nagulat ako nagnanakaw ka pala ng mais?Eh di ba mayaman ka?Hahhaha! Siguro may family computer na kayo noon no!TOTYAL!
@Glentot
Totoo ba yung tawa mo na yan??Plasticccccc! LOLS joke lang! Bakit di mo ginagawa yun nung bata??? Tae mo green!!
@Scorfield
Oo nga subukan mo nga yun. Eh ang tanong ko nasubukan mo na bang..... maligo sa dagat ng basura?? LOLS! Ganito na lang subukan mo uli maligo sa ulan na walang damit! Parang gusto kong gawin yun!hahhaha
@
@Kosa
Bakit bro, di naman kami nag-away ni Jepoy ah?? Sana mo naman nhagilap ang chismis na yan? Hahhaa! Oo nga wag ka na ngang bumalik sa pagkabata kasi nga matanda ka na!hahahha! FYI: Lab na lab ko si Jepoy kaya di ko yan aawayin! LOLS!!
@No Benta
Tama ka Jason, napifeel ko pa rin ang pagiging bata ko pag kasama ko ang mga magulang ko!heheh hanggang ngayon kasi pinipingot at pinapalo pa nila ako sa pwet!hahahaIngat pre
namiss kita...
kaya dumaan ako.
bata ka pa pala..
sya.. magpatawad na! :)
hahahaha..yaan mo mag popost din ako ng ganon. special request by kuya drake "pogi" daw! hehehehe.
wow naman namiss mo talaga ako? talagang talaga? cross your legs man? ^_^ cross your heart pala.hehehehe
Wala man akong playmates pero naging masaya naman ang pagkabata ko... jijijijijiji
magandang araw. hehe. nakakatuwa naman dito. napadaan lang po.
OKRAYPINAY
Sarap talaga maging bata...
Bakit nga kaya ganun tayo, nun bata tayo, gusto na nating tumanda... bakit ngayong matanda na, gusto nating maging bata ulit... hay...
As usual, kapupulutan ng aral ang post mong ito. Salamat! =)
Nakakamiss talaga--ang puno ng alatiris, ang tagu-taguan, ang patintero (dahil dun ko lang sa larong yun sya mayayakap! Ayyy!)
Eheheh. nakakainis ka, emo tuloy ako!
aayyy sobrang natuwa naman ako sa post mo.....ako love na love ko ung childhood days ko kac ang dami kong ginawang kalokohan, na anjan ung magtampisaw ka sa putik, maligo sa alulod ng bahay nyo pag umuulan, tuwang tuwa pa ko nun at nakikipag agawan pa kac parang shower un nga lang may kasamang tae ng pusa o d kaya ibon,eewww!..madami din akong jolens nun, teks, goma, paper dolls, baril-barilan naalala ko pa nun nag ala ramboo ako..ha!ha!ha!..sumasama din ako nun sa pagnanakaw ng bayabas, atis, kasoy, papaya kahit eba sinusungkit naman may makain lang...naranasan ko din tumae na walang tubig noong nagbakasyon ako sa lugar ng pinsan ko pero hindi dahon ng bayabas ginamit ko, malalaking dahon!ewwnneesss!
At sinusunog namin ung mga butiki o d kaya langgam na nakikita namin lalo na pag kumpol kumpol sila.hehehe.
hangdami kong memories noong kabataan ko, ayokong isulat d2 baka mapuno comment box mo..ha!ha!ha!...basta ang masasabi ko lang walang katulad ang noon sa ngayon,, the best pa rin ung panahon natin (ammfff parang ang tanda tanda ko na..hmmph)
haaiisst about naman sa last part mong maemo....sana noh ganun lang kadali, sana pwede lang natin hipan ung sugat or d kaya balewalain lang tas laro ulet kaso hindi eh...kung kelan alam na natin paano gamutin ang sugat ng maayos saka naman tau nahihirapan gawin to...... :-(
@Azel
namiss din kita ate azel, pwede bang pakiss sa pisngi ng may tunog! Mwaaahhhh!
@Dark lAdy
Oo naman namiss talaga kita ng sobra!heheheh! Kaya wag ka ng aalis ha
@Xprosiac
Alam ko kung bakit wala kang playmates noon, dahil...... masungit ka ayaw mong magpahiram ng laruan!hahah! joke lang!ingat
@Blog Lover
Salamat sa pagdalaw, sana madalas ang pagdalaw nyo dito! Ingat
@Stone Cold angel
Salamat nga pala sa pagdalaw! Teka madalas ka na bang mapunta dito sa kwarto ko! Salamat nga pala sa laging pagbista!Ingat
@Ayie
Sarap maging bata no!heheh! Sana nga pala Ayie okay ka na, alam kong namimiss mo na si Polyne!
@Lady in advance
Naks naman punong puno ng memories ang pagkabata mo! Pwedeng gawing entry ito sa blog mo ah!hehhee
Nakakatuwa din yung mga kalokohan mo nung bata at natawa ako dun sa pagtae mo gamit ang dahon!hahaha! ikaw din pala! See totoo naman yan eh, masarap kayang gawin yun di ba?
At tama ka da best pa rin yung panahon natin dahil talagang larong pambata yun, unlike ngayon parang my mga sari-sariling mundo ang mga bata ngayon dahil nahihilig sa psp at kung ano ano pang game console
Salamat sa pagbisita! Ingat ka lagi!Miss u
Hindi ko iisipin ang mga yan ala memory lane.. dahil bata pa naman ako until now! wahahahaha!
Post a Comment