QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Friday, February 26, 2010

Sebong Naglalakad

Medyo kahapon halos maduling ako kakatakbo sa loob ng aking kwarto. Wala pa kasi akong nabibiling treadmill kaya inikot ko na lang yung buong kwarto. At habang ginagawa ko yan naalala ko ang karanasan ko dati (***Please insert background music here****)

Mataba ako dati (naks may dati pa!), sabihin nating umabot ang timbang ko sa 90 kilos o 198 pounds. Dahil sa kahiligan kong lumamon ng lumamon, medyo hindi ko napigilan ang sarili kong lumobo. Natatandaan ko pa nun, halos hindi ako makakain ng walang POP Cola 800ml (mahal ang coke kaya okay na yan!) tuwing kakain. Tapos may sarili din akong plato na kasing laki ng palanggana. Magana ako sa paglamon noon, sabihin na nating kahit inaamag na cake kinakain ko pa at mapanis-panis na spaghetti ay pinapatulan ko din.

Medyo nag-double chin din ako nun, at umabot ang waistline ko ng 37inches. Tapos hindi rin ako nagbibrip ng may garter (tange!alam kong lahat ng brief may garter, pero yung malapad na garter ang sinasabi ko), dahil nagbabacon sya dahil sa mga bilbil ko. Tinatawag din ako ng mga kapatid ko na “PATBOY” o patabaing baboy. Tapos minsan pinagtawanan na rin ako ng tatay ko dahil sinabi nyang mukha na raw akong may 3 anak ( 2 lalaki at 1 babae, naks may gender pa!) at mukha din daw akong MANGINGINOM.

Sa ofis naman ang tawag nila sa akin ay “PRINCE CHUBBY”, dahil mukha daw akong matabang bullfrog. Minsan nga pinipisil-pisil nila ang pisngi at braso ko , akala ko nakukyutan sila sa akin pero nagulat ako kasi sumesegway pa sila ng “Naku ang lutong lutong na ng balat mo!Sarap isawsaw sa Mang Tomas” . Gusto ko sanang hambalusin ng aparador ang pagmumukha nya sa sinabi nyang yun.

Nung minsan naman nakikipagkwentuhan ako sa mga babae kong ka-ofismate. Bigla syang lumitanya ng.

Ofismate: Uyyyy, ang ganda ganda naman pala ng LIPS mo

Ako: Tenk u (sabay byutipol eyes)

Ofismate: ang ganda ng lips mo...... sarap lagyan ng mansanas.hahahhaha (sabay tawa na parang demonya)

Eh nagwalkout na ako, kasi syempre may pilings din naman ako.Ano aakala nila sa akin LITSON para lagyan ng mansanas sa bibig? Lakas nilang mang-asar ah!

Pero alam nyo mas lalo akong nasaktan nung minsang nakasalubong ko ang ex-gelpren ko sa TYANGGE:

Ex GF: Hoy. Drake ikaw ba yan?

Ako: Uyyy! Ikaw pala yan! Kamusta na?

Ex GF: Okay naman! Gosh, anong nangyari sa iyo?

Ako: Uh? Bakit di naman ako naaksidente ah?

Ex GF: Ewwww!! Mukha kang “sebong naglalakad” at “Litsong may dalawang paa”

Ako: Sobra ka naman! (napahiya na ako)

Ex GF: Eh totoo naman! (aba galit pa)

Ako:Sori naman dahil tumaba ako, bakit ikaw pa galit dyan?Inaano ka ba ng bilbil ko? (mangiyak-ngiyak na ako)

Medyo umalis na akong bigla, dahil napahiya na ako sa kanya. Masakit kaya yun?kung hindi ko lang dating minamahal yun malamang sinalaksak ko na ngala-ngala nya. Sobrang apekted na apekted ako sa mga sinabi nya.

Pinilit kong kalimutan ang lahat pero nagising ako sa katotohanan nung nag-aaplay ako ng trabaho sa Qatar.Natanggap ako sa trabaho at sobrang impress na impress sa akin yung nagiinterview. Sabi nya sa akin, kailangan ko lang daw ipasa ang Medical Examination at next week week makakaalis na ako. Kaya atat na ata akong pumunta sa Polyclinic at nagpamedical.

Makalipas ang ilang araw bumalik ako para kunin ang resulta. At nagulat ako ng sinabi ng doktor na bumagsak daw ako. Nung tinanong ko kung bakit ako bumagsak, wala syang sinabi kundi “Eh kasi HIGHBLOOD ka dahil sa iyong KATABAAN!!MAGDIET KA NGA” Dumadagundong sa tenga ang pagsasabi nya ng “KATABAAN” at nangaral pa!

Kaya naman sobrang bagsak na bagsak ang moral ko noon. Masyado na nga akong nilalait ng mga tao sa paligid ko, napurnada pa ang trabaho ko sa Qatar. Kaya sinabi ko na sa aking sarili na kailangan ko ng magpapayat.At iyon na nga ang simula.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, nag-enroll na ako sa isang GYM malapit sa amin. Halos araw-araw akong naggym (ikukuwento ko minsan dito ang experience ko sa GYM), tapos nagdiet din ako.Hindi na ako uminom ng POP cola, at pinalitan ko na lang ng ICE TEA. Kung dati isang palanggana ako kumain, nung nagdiet ko halos 5 kutsarang kanin lang ang kinakain ko. Kaya naman halos mahilo hilo ako sa ginagawa ko na yun. Pero determinado talaga akong pumayat.

Kaya makalipas ang dalawang buwan, hindi ko inaasahan ang pagbabago sa aking katawan. Nag-loose ako ng 20 pounds within two months at nagkaroon din naman ng masel-masel kahit papaano. Medyo nadagdagan ng konti ang confidence ko sa katawan.

Sa ngayon medyo maintain-maintain na lang. Mahirap pa ring magpigil sa paglamon, pero sa tuwing naiisip ko ang mga panlalait nila sa akin noon, kahit paano ay namomotivate ko.Binago ko talaga ang lifestyle ko dahil dito. Hindi dahil para lang makaiwas sa panlalait kundi para ring maging healthy ako, lalo pat may “history” kami ng hypertension.

Tandaan natin: Ingatan ang kalusugan sapagkat ang kalusugan ay isang kayamanan. (Naks, pang Mr. Pogi ang atake!)

Salamat,









P.S

Para makita nyo ang latest picture ko suot ang tight-fitting spiderman costume (syempre para makita nyo ang bukol este yung porma ng katawan ko). Kayo na ang humusga kung gaano na kalaki ang aking pinayat:

30 comments:

kikilabotz said...

wow! astig 20 kilos in 2 mos? buti buhay k pa? ahahaha. galing nun ah? konti lng nakakagawa nun

DRAKE said...

@Kakilabotz

Naks base ka! Marami ngang nagsasabi masyado daw akong exag, at too good to be true daw yung claim ko na yan! Pero kung makikita mo ako kung gaano ko naghirap mawala lang ang ganyang taba,hindi kataka taka yan!heheh

DRAKE said...

@Kakilabotz

Hahaha, sorry pounds pala hindi kilos! Pero totoo ang hirap ng pinagdaanan ko makuha lang yung timbang ko ngayon!

No Benta said...

wow, kung nasa team ka ni pacman ay malamang ikaw ang panalo sa pa-contest niya. Buboy, ikaw ba yan?

Nakaka-motivate ang istorya ng buhay mo. Lagi na kitang maaalala tuwing kakain ako ng kabsa at shawarma dito sa saudi.

Klet Makulet said...

nakakainis ha! bagay na bagay sa kwento ng buhay ko. hmp!

Di ba nakakataba pa din ang iced tea? Kaya nga kahit nageexercise ako, dahil sa iced tea na yan ay di pa din bumabalik ang size ko. heniway, tulad mo, iced tea din kasi ang pangtanggal crave ko sa softdrinks...huhuhuh sana maging patpatin na ulit ako. pramis mamahalin ko na ang kapayatan kesa katabaan...

KESO said...

naku ,kung hirap na hirap kayo mgpapayat, ako hirap na hirap mgpataba. hehe.

hahaha. mejo natawa ako dun sa snbi ng ex mo, litsong may dalawang paa. hahaha. peace kuya. ako nman parang kawayang nglalakad lng hahaha

darklady said...

wow nice naman ng pic. mo para lang kayong kambal ni jollibee.hahahaha.peace!
Hay naku nakaka relate ako sa kwento mo, ganyan din ako dati at magpahanggang ngayon. Nung minsang makasalubong ko klasmeyt ko nung highschool. Naglalakad kasi ako kasama ate ko tapos yung dalawa kong klasmeyt na guy nakasakay sa motor. Aba pagkasigaw sigaw ba naman " Dark, tumaba ka ngayon ah." Aba agaw atensyon sakin yun pano ba namang hindi e sigawan nya sinabi yun,noon nga lang kami nagkakita ulit yunpa bungad. Ibig ibig ko naman syang hilahin sa motor nya. Tawa ng tawa ate ko nun. akala mo naman kasing sobra akong taba para ipagsigawan na tumaba talaga ako.

gillboard said...

congrats sa pagpayat!!! hehehe...

ako, mukhang kelangan ko nang magsimulang tumakbo...

ARDiBOi said...

I feel you bro.. masarap naman talagang kumain eh! Kaya kong kumain ng balyena sa sobrang takaw ko. Yun nga lang, hindi ako tumataba, at iniisip tuloy ng mga tao kung saan ko nilalagay ang nilalamon ko. Hindi naman ako athletic. Iisang parte lang ng katawan ko ang bumigay -- tiyan! hahaha mukha akong buntis! makapagGYM na nga ulit!

DRAKE said...

@No Benta

Oo nga malamang nga bro! Iniisip ko ngang magpataba rin ng sobra, then sali ako sa biggest loser, heheh!malay mo ako manalo dun!hehhe

@Klet

Di naman nagpapataba yung ice tea? Pero yun nga ang ginawa kon pampalit sa sofdrinks!epektib at refreshing ang feeling hehe!

DRAKE said...

@Keso

Oo nga lukaret yung ex gf ko na yun, pero nakabawi naman ako nung nakita ko sya last vacation ko! Sya naman ngayon ang sinasabihan kong Sebong Naglalakad!heheh nakaganti rin

@Darklady

Dapat sinungalngal mo ang bunganga nung nagsabi sa iyo ng ganun! Hehe! Pero okay lang yan, medyo siguro nagpapansin lang yun (kung lalaki), kung babae (naiingit lang yun).salamat sa laging pagdalaw

DRAKE said...

@gillboard

yup, takbo na para matunaw ang taba!hehhee

@Ardiboi

Oo nga pre panget yung malaki ang tyan. Kala mong laging may bulate! Hehe! Saka isa pa, nakakahingal din ang malaki ang tyan bro!salamat sa pagbisita!

roanne said...

bad naman ng ex mo!

anyway, drink cold water instead of hot, it burns calories more as it heats down the cold water. :)

diet din ako e... hehe minsan... at kahapon lang nakasabay ko ang aking manage sa elevator, at ito ang sinabi nya, "i think you should exercise!"

kulang na lang batukan ko e hehehe

Klet Makulet said...

yun prof ko na paulit ulit na bumabati sa katabaan ko, ayun lumobo din... KARMA! :P

Kosa said...

kikilabotz**
exagerated ka naman..lols
buto-buto na sana si drake ngayon!

totoo ba tong kwentong to?
muka ka kaseng hindi tabain sa Litato mo...

Problema ko naman ang pagdagdag ng timbang... yung itinaba ko ng isang taon, kaya kong waldasin ng isang buwan lang.
hahaha. Pero ok lang naman ang timbang ko.lols steady lang.

Jepoy said...

ako na ang sebong nag lalakad...ako na ang malaki ang tayan...ikaw na ang sexy...ikaw na ang nag bawas ng 20 lbs /mo...ikaw na ang health buff...ako na ang ma iistroke bukas... Fine! Ikaw na ang perfect!

Go!

Jam said...

I think nainspired ng bonggang bongga c kuya Jepoy neto hahaha! peace kua jepoy.. sabi nga kpag may nilaga..mas msarap ung pata hahah!

I am Xprosaic said...

Basta ako, masaya ako dahil ang lagi kong sinasabi... "healthy" lang ako... wahahahahahahahha

The Gasoline Dude said...

20 lbs. in 2 months? Wow, impressive na 'yan para sa 'kin. Hehe. Hindi ko alam kung kaya ko 'yan. Pero teka, hindi naman nakakapayat ang iced tea. Dapat nga daw pure water lang.

Kailangan ko na din mag-diet. Kakareerin ko na din ang pag-gym.

Chingoy said...

ang lupet mo drake! inspiring yan... kaya ko rin yan. ahem hehehe..;)

ch!e said...

kaw ba talaga yung sa spiderman costume? weh? di nga? haha

ako naman baliktad...gusto ko tumaba, gusto ko mag-gain ng weight...medyo payat kasi ako. kaya ako nag-start mag-gym. next time na lang din siguro ako magkwe-kwento tungkol sa gym life ko .hehe

congrats sayo! pagpatuloy mo lang yan. kailangan talaga ngayon na maging conscious sa health. bawal magkasakit! ang magkasakit panget!

God bless! :)

DRAKE said...

@Roanne

Bangasan nga natin ng isa ang mga hinayupak na yan. Hehhe! Sana sinabi mo :Bat di mo na lang pakialaman yang pagmumukha mo at hindi itong katawan ko!hhehe"

@Klet

Buti nga sa kanya, parang si ex ko!hahah! at least nakaganti na tayo sa kanila!heheh

DRAKE said...

@Kosa

Payat ako nung medyo tinedyer pa ako! Pero nung natuklasan ko ang sarap ng pagkain, hayun di ko na napigilan ang sarili kong lumamon ng lumamon!heheh!
Oo nga seksing seksi ang katawan mo, pwedeng makahiwa sa sobrang nipis!hehhe peace man

@Jepoy

May bitterness?? Hahha, wag kang masyado apekted dyan. Pero kung apekted ka, eh di simulan mo ng magdiet!! Pero sabi nga ni Glentot, payat ka naman na eh!kita na nga ang cheekbone mo eh!

DRAKE said...

@Jam

E ewan ko kay Jepoy yun, pag tinuturuan ko sya tungkol sa diet diet na yan, hayun lalong ginanahan sa paglantak ng steak.

@Xprosiac

Bakit yung kapitbahay naming mukhang bulldozer ang sabi ng mga tao sa amin "Healting-Healthy daw sya".

DRAKE said...

@Gasoline

Oo pre mag gym ka na! Medyo nakikita ko mukhang dumodoble na rin ang baba mo. Saka yung braso mo pwede nang ipaksiw (paksiw na pata!hehhe) Peace!

Gym ka na pre hanggat kaya pa ng buto mo (Lolo???)

@Chingoy

Tipid na tipid ang kumento, parang hindi pinagisipan!hahaha

@Chie

Oo ako nga yun! Tights kung tights!hehehe! Tungkol sa di mo pagtaba< payo ko lang ito subukan mo kayang......magpurga!hahah joke lang!

The Gasoline Dude said...

Ang yabang mo ah porke't anonymous ka at nakikita mo mga pictures ko sa Facebook! Ampf. LOL

Chingoy said...

hoy drakula, pinag-isipan ko comments ko... ang hirap nga eh, lalo na kung walang isip nyehehehe

DRAKE said...

@Gasdude

Naks bumalik! Syempre tinitingnan ko lang kung magrereact ka at babalik ka dito!(palusot!) Sorry naman napansin ko lang naman!hahah! Joke lang yun bro!hehhee

@Chinggoy

Aminin mo bro, binabasa mo lang yung comment ng ibang tao at nkikicomment ka lang din!hahah joke lang! peace!

glentot said...

Grabe ka naman sobrang pinapataaman mo naman sa post na ito si...

...you know...

*whispers* jeeepoooyyy

Hahahaha sana tumaba ka ulit para pare pareho na tayo.

ladyinadvance said...

hangluussoooggg moooo ngaaaaa!..hahahaha.....pero ayos ah 20 lbs in 2 mos?..impressive!!...*patingin nga ng maskels kung meron* lolz!