QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, February 20, 2010

BROWNOUT

Medyo nakakaalarma na pala ang “El Nino” sa atin sa Pilipinas. Ito yung tagtuyot na tinatawag, at bakit El Nino, ang tawag dyan? Ewan ko, di ko alam, baka trip lang nilang yun ang pangalan nya!Joke lang! “El Nino” daw dahil kalimitang tuwing panahon ng kapaskuhan nangyayari ang abnormal na pagbabago ng panahon na yan!


Medyo may krisis tayo sa kuryente at tubig ngayon. Medyo paubos na raw kasi ang tubig sa Angat Dam, ang ikatlong pinakamalaking Dam sa Pilipinas na pinagkukunan natin ng kuryente at tubig. Ngayon, kung itatanong nyo kung ano ang una at ikalawang pinakamalaking dam, hindi ko alam! Wag ako ang tanungin nyo dahil hindi ako si WIKIPEDIA, okay! Basta kailangan nating magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente dahil sa pangyayaring ito.
.
Natatandaan ko noong panahon ni Pangulong Aquino, medyo umutot lang ang daga, brownout na! Bibihira tuloy akong makapanood noon ng “Batibot” at “Mara Clara” dahil sa brownout na yan. Kaya pinagtyatyagaan ko na lang panoorin ang “Kapwa ko Mahal ko” na pinapalabas tuwing umaga (basta may mapanood lang okay na). Ginawa na lang din naming aparador ang aming ref, dahil sinira din ng brownout na yan! Pakiramdam mo rin ay nakajackpot ka kapag nakabili ka ng yelo sa kapitbahay mo! Bubwisitin ka lang din na bakit tuwing gabi saka walang kuryente? Kung kelan kailangan mo ng ilaw at bentilador saka pa nagbobrown out. At ang ilaw noon ay isang malaking pandispley lang.

Dahil nga bata pa ako noon, okay lang sa akin na walang kuryente. Basta naglalaro lang ako sa labas ng patintero at taguan pung, tapos gumagawa ng aso, kuneho at ibon mula sa mga anino ng mga nanlilimahid na kamay at nakikipagtakutan sa mga kalaro kong mga mukhang BANGKA. Dahil walang TV ,puro laro ang inaatupag namin noon habang ang mga matatanda naman ay nakikisali din paminsan –minsan, nanghihinguto sa ulo ng may ulo, at nakikipagkwentuhan (ng buhay ng may buhay)

At kapag nagkailaw na,kumakanta pa nga kami ng sabay sabay ng “MAY KURYENTE NA! MAY KURYENTE NA!”. Tapos nakikipagpatayan rin ako sa aking mga kapatid para lang maka-ihip ng kandila ,habang kumanta rin ng Happy Birthday to you (ng nakapikit pa para magwish) . Sabog ang ilong nila kung inunahan akong umihip ng kandila.

Sabay sabay din kaming kumain noon tuwing hapunan dahil kailangan magtipid sa kandila. Para ka ring nasa isang mahahaling restaurant kumbaga “dinner with candlelight “ SOSYAL! Kahit ang kinakain nyo lang ay tinapa nagmumukhang lapu-lapu yun dahil nga madilim. Masarap ang kwentuhan at masarap din ang kainan.Tapos maaga din matulog ang mga tao noon, at nakakabingi na rin ang katahimikan sa labas. Kaya medyo mahimbing talaga ang tulog mo.
.
Noong maupo si Presidente Ramos, medyo nasolusyunan ang problema natin sa kuryente. At simula rin noon, bibihira na rin magkaroon ng brownout. Pero ito rin ang simula, na naging sobrang nakadepende na ang mga Pilipino sa kuryente. Kung mapansin nyo, bibihira na rin ang mga batang naglalaro tuwing gabi, dahil masyado silang nakatutok sa TV, naglalaro ng PSP at online games. Medyo hindi na nga nila alam ang mga larong Pilipino eh dahil nauubos na ang panahon nila sa mga de-kuryenteng larong ito.

Bibihira na rin magkasama sama ang Pamilyang Pilipino sa hapagkainan, dahil nga nahuhumaling sa pagtetext, panood ng tv, pagcocomputer at kung ano ano pa. Dahil hindi na nila kailangang magsamasama para sa ilaw ng kandila.

Hindi na rin maaga matulog ang tao kundi mag-uumaga na kung sila ay matulog, dahil yung iba nagvivideoke pa,kagagaling lang sa mga party, tapos yung iba nakikinig pa ng radyo (na kala mong galit sa volume), tapos yung iba busing –busy kaka chat, facebook ,farmville at friendster (may friendster pa ba?). Para silang mga autistic at mongoloid na may sariling mundo.

Alam nyo kung tutuusin simple lang naman ang buhay noon eh, binago lang ng mga de-kuryenteng gamit ngayon.Kaya nga heto, nauubusan na tayo ng kuryente ngdahil masyado nating inaabuso ito. Halos nawawala na rin ang oras natin sa ating pamilya at pakikisalamuha sa tao , mas malaki pa ang ginugugol nating oras sa ating mga cellphone, mp3 players, computer at telebisyon. Oo nga’t pinapagaan nito ang ating buhay pero binabago naman nito ang paraan ng ating pamumuhay.

Nakakatakot din na isang araw mawalan na lang tayo ng kuryente, pero tayo naman kasi ang may kasalanan nito dahil masyado nating idinepende ang ating buhay sa kuryente.Kaya ngayong nagkakaroon ng krisis, pakiramdam natin malalaki ang mawawala sa buhay natin.
.
Huwag nating abusihin ang isang bagay na alam nating may katapusan at hangganan din. Kaya maiging huwag nating idepende ang buhay natin sa mga bagay na ito. Maraming mga bagay ang ating nawawalang bahala dahil sa mga ito at marami din ang nakokompromiso dahil din ito.

Kung ikokonekta ko ang usaping kuryente sa buhay ng tao ang masasabi ko ay

“Minsan maiisip natin na bakit hindi na lang tayo bumalik sa pagiging SIMPLE, dahil minsan sa paghahangad nating mapagaan ang ating buhay mas ginagawa pa pala natin itong KUMPLIKADO. Bakit hindi lang tayo bumalik sa BASIC,dahil ang akala nating nagpapadali sa ating buhay yun pala ang nagpapaHIRAP sa atin?Kung minsan nakakalimutan natin kung ANO ANG BUHAY dahil mas pinapahalagahan natin kung PAANO MABUHAY
.
Yun lamang po at paalala : MAGTIPID NG KURYENTE AT TUBIG
.
Salamat po!


25 comments:

NoBenta said...

kapag magugunaw na ang mundo, mga pinoy ang makakaligtas. Na-train tayo ng mga brownout at kakulangan sa tubig. Isama mo pa ang kakulangan sa pagkain.

Naging parte na ng buhay natin amg mga yan. Di tayo tulad ng mga puti at itim na nagpapanic kapag namamatay ang kuryente. Sa atin, ilabas na ang kandila at bumili na ng alak sa tindahan, solve na!

Xprosaic said...

Di ko pa ramdam yan... kasi ok pa naman sa lugar kung saan ako ngayon eh... jijijijiji... dami kasi puno... jijijijiji

darklady said...

Dati man kapag nawawalan samin ng kuryente at nagkaron naghuhumiyaw kami na " May kuryente na! ".
Nabubuhayan talaga ang mga tao kapag nagkakaroon ng kuryente.
Sumasang ayon din ako sa sinabi mo na naka depende na ang mga tao ngayon sa kuryente,isa na ako dyan.=)
Nga pala nabasa ko noon sa blog mo yung about kay Efren Penaflorida. Yung kwento ng buhay nya ngayon ang tampok sa MMK. Galing nya talaga. =)

Adang said...

na alala ko tuloy yung lementary day, bad trip na badtrip ako pag brown out, kasi ang daming lamok at mainit...sabay sindi ng katol.

Kosa said...

napaghahalata ang edad!
Ang tanda mo na!
wahahaha..
kaya naman sana Mag-asawa ka na parekoy.

Teka, Back to basic ba?
taena... eh di back to kweba, bundok at gubat na tayong lahat..lols

**************

ang krisis na ito ay isang hamon sa susunod na pangulo. alagaan ang kalikasan at ang mga natural na yaman.
Bakit ba kase inubos lahat ni PGMA ang kuryente.

Unknown said...

bakit nakaramdam ako ng kakaibang kiliti at kilig nung mabasa ko ang "Kapwa ko Mahal ko"?

-------------

i think di rin naman nakakabahala ang ganyang brownout na ganyan kasi nag sisimula lang yan kung mahal na ang mga gasolina, at paubos na ang supply ng fuel, coal at kung ano ano pang nonrenewable sources...

i think mas maganda kung mag umpisa na tayong mag hanap or mag focus sa ibang source ng kuryente na mura at di nakakasira sa kalikasan like solar energy, or wind energy, dahil kung di natin to idedevelop asap baka di lang brownout ang problemahin natin eventually, eventually??? actually nangyayari ng nga eh, global warming, la nina, el nino... actually guilty ako rito.... i am sure kung ilang voltage at kung ilang litro ng langis ang naaksaya ko pag ako ay nag eelevator from second floor to first floor wahhhhhh! kaya kayo, mag tipid na rin kayo... wag na kayo masyadong nag boblog at nag susurf sa kung ano anong "sites", sayang sa kuryente hehehe

RHYCKZ said...
This comment has been removed by the author.
RHYCKZ said...

huwaw...ikaw b yan, baka naman sinasapian k lang...hehehe, anyways kaninang madaling araw ng breaktime yan din ang topic namin, yung simpleng buhay noon at ngayon, kasama na ang mga bahay na may paa, at ang ebolusyon ng ilaw, siyempre may mga taga bundok pa rin kaming kasama kaya kawawa siya napagtripan...

but then may point ka...save energy pipol...

DRAKE said...

@No Benta

Eh ang maganda sa mga puti na ito may kahandaan!Tayo hindi gaano! Kaya pag sa panahon ng kagipitan tayo ay parang mga basang sisiw. Pero yun nga lang parang ipis nga daw ang mga Pilipino kayang makasurvive kahit anong mangryari

@Xprosiac

Dyan nga kaya sa Mindanao/Visayas ang unang maaapektuhan ng kawalan ng kuryente! Wala na kaya kayong supply bro!

DRAKE said...

@Dark Lady

Oo nga daw balita ko gagawin nga raw ang buhay ni Efren sa MMk, aabangan ko yan sa youtube para mapanood ko naman yan!kapuso kasi kami eh!

@Bosyo

Pagkatapos sindihan ang katol, sinisinghot mo ba ito?hahhaha Joke lang!

DRAKE said...

@Kosa

Hoy for your info 27 lang ako, at wag mong sabihing hindi mo naabutan ang BATIBOT, baka tampalin ko nguso mo!hehe! Sinisi kay PGMA ang El Nino, sbagay palaalis na rin naman na sya!heheh

@ Ollie

Oo nga hanap tayo ng mga alternatibong solusyon, yung nature friendly! Yung BIOGAS wala na nakalimitan na!
At kamusta naman yung pag eelevator mula 1st hanggang second floor?hehehe! Sabagay nakakatamad nga namang umaakyat pa ng hagdan! At tungkol sa pagboblog at pagsusurf! Eh ako kasi nasa Ofis kaya may rason ako kung bakitako ng susurf!Hahaha!

DRAKE said...

@Scofield

Ayos ah, akalain mong swak na swak talaga sa usapin nyo. Eh pag sinabi namang basic hindi naman ibig sabihin taong bundok. Yung gamitin ang kuryente sa tamang gamit nito. Mayroon kasing mga de kuryenteng gamit na ginagawang tamad lang ang mga tao, tapos ang lakas pa sa kunsumo.

Salamat sa pagbisit uli sa blog ko!Ingat

chingoy, the great chef wannabe said...

bata ka pa nung panahon ni Cory? bata pa ba yung 28 years old? hmmm...??? peace!

Jag said...

at d ko pa naabutan ung mga palabas n pinapanood mo dati lolz jijiji...fetus pa lang ako nun malamang haha...

so mas preferd mo simple living lang ang tao hindi nagtutoothbrush, di naliligo as in BASIC talaga like kapanahunan ng mga Java man kung papano sila namuhay noon gnun ang gusto mo? lolz...hehehe

napasaglit lang parekoy...jijiji

ingat!

Kosa said...

hahaha.
Tampalin mo nguso ko? lols baka dumugo ang nguso mo pagkatapos..lolzz

haha.. oo nga noh? bakit lahat ng problema sa mundo isinisisi sa mga pangulo at namumuno?
Jas juandering...lols

Jepoy said...

What batibot?! Ang pinapanood ko kasi noon yung ATBP, yung merong kantang "A B C D E F G" na kanta na ibang version. LOL

Napag hahalataan ang mga edad dyan sa mga ganyang post LOL

HIndi lang kurente ang dapat tipirin pati water. Ang init init na dito parang disyerto lang na tutunaw ang fats ko...

YUck Drake you're so Old na!

DRAKE said...

@Chingoy

Hoy 27 lang ako! Hindi ako 28 (tumawad pa ng isang taon). Kahit ganyan ang edad ko, beybi peys naman ang mukha ko!

@Jag

Naks naman di naman ganun! Gamitin natin ang kuryente sa basic needs natin!Teka kamusta na? Ano kelan ang bakasyon mo?Mukhang busing busy ah!

DRAKE said...

@Kosa

Oo nga bat nga ba sinisisi sa Presidente lahat, eh sa dami ng problema natin sa buhay, imposible naman sya lang ang may dahilan nito! Naks naman!

@Jepoy

Okay ikaw na ang bata at ikaw na ang fetus!Wag mong sabihin hindi ka batang batibot?Tampalin ko ang gums mo!

Trainer Y said...

isyer ko lang...
ung tv namin biglang nagbrown out, ngaun ok na ulit..
hahaha walangf wenta... wala lang ..napadaan lang..

dito samen pag nagbrownout ng 1 minuto.. 6 na oras or more pang mawawalan ng tubig.. iba pa un kapag inabot ng 1sang oras ang pagkawala ng kuryente..

SLY said...

yan ang problema sa pinas, ngayon lang nagpapanic samantalang alam nilang may paparating na tagtuyot. hay buhay!

batibot? di ko alam yan, teletubbies kasi naabutan ko, wahahaha

Dhianz said...

iboto po si Drake!!! iboto!!! ahehe... akala koh nangangampanya kah eh... lolz.. yeah may point kuyah... pero dehinz akoh kokomentz nang bongga 'cause am not feelin' so well... i agree sa mga sinabi moh... ingatz.. Godbless! -di

Anonymous said...

hindi ko kakayaning mabuhay na walang kuryente ng ilang araw. yung dalawang araw okay lang pero yung tatlo masisiraan na ako ng ulo :(

glentot said...

Sige nga, paano ka makakadownload ng mga PORNO mo kung walang kuryente???

Pumunta ka sa Anawangin back to basics dun... masaya rin pero after a few months... baka magbigti ka...

Ako hindi ako mabubuhay nang walang electric fan

DRAKE said...

@Yanah

Maraming salamat sa muling pagbisita sa aking kwarto! Ganyan na ba ang nangyayari sa Cavite, kayo pala ang unang naapektuhan ng el nino

@Sly

Alam ko na kung bakit alam mo yung teletubies, dahil ikaw si Tinky Winky!hehhee. Oo nga ganyan naman tayo kung kelan na malalala ang sitwasyon saka lang kikilos!

DRAKE said...

@Dhianz

Pwede, sige makatakbo nga bilang Senador, why not coconut. Aba umupo upo ka lang sa gilid mangulangot ng konti, Viola may sweldo ka bawat buwan.hehhe

@alienferbert

maraming salamat sa pagdalawa sa aking munting kwarto sana ay lalo ka pang madalaw dito. Hayaan mo iintayin ko ang iyong pagbabalik

@Glentot

Wala nagmagaling ka lang dito na kagagaling mo lang ng Anawagin! Wenongayon!hehhehe