QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, February 8, 2010

ITANONG MO KAY DOC. LENG

Dahil malapit na ang BALENTAYMS DEY,syempre usaping puso ang pag-uusapan natin. Dahil medyo allergic ang iba sa aking pagkaseryoso mode eh medyo “PA-COOL” muna ako! Kaya ibinabalik ko ang aking isa pang katauhan si………..tenen……………… DOC. LENG (pangalan palang baduy na baduy na!Tae!).

DOC LENG: Magandang umaga/Tanghali/Gabi (wateber) sa inyong lahat, at narito na naman po tayo sa ating palatuntunang………………… ITANONG MO KAY DOC.LENG (Tae ang korni talaga).

Okay bukas uli ang linya ng telepono para sa mga may problema sa usaping puso dahil malapit na ang araw ng mga puso.


KRINGGGGGGGGGG ( aba’y kay bilis namang magring)


Caller 1: Doc, may problema po ako ngayon, kasi po iniwan ako ng boypren ko at pinagpalit ako sa iba. Ano po ba ang gagawin ko para mapabalik sya sa aking piling ? (singhot uhog, singa panyo )


DOC LENG: Iha !ang isang taong umalis na, tyak magfefeeling importante yun kung pipilitin bumalik sya sa piling mo. Baka lumaki ang ulo nya at isiping kamukha nya si Brad Pitt (Kapal ng mukha nya) .Kapag lagi mong pinipilit ang isang tao sa isang bagay laging NAGPAPAKAPAMPAM at lalong MAGEEPAL yan(Tae sya!) Kaya kung ako sa iyo, hayaan mo na lang sya. Kung ang pusa nga kahit iligaw mo nakakabalik pa sa bahay eh yung boyfriend mo pa kaya. Kaya babalik yan kung gusto nyang bumalik .Nasa iyo rin kung gusto mo syang tanggapin o hindi, pero kung ako sa iyo gagawin ko na lang SIOPAO yang boypren mo!!Yun lang IHA!


Caller1: Salamat po Doc, at Doc hindi po ako IHA, IHO po ako!


DOC LENG: Okay payn!Madali akong kausap


KURINGGGGGGGGGGG ( naks may second caller na!)


Caller2: Doc, pwede po bang magtanong?


DOC LENG: Eh nagtatanong ka na kaya, Adik ka ba? Sige ano tanong mo IHO?IHA? (nanigurado)


Caller2: IHO po! Ano po ba ang mabisang paraan para magustuhan ako ng mga babae?


DOC LENG: Okay ganito yan, gwapo ka ba?kung hindi ka gwapo, magpakyut ka! Kung hindi ka kyut magpacharming ka!Kung hindi ka charming, maging mabait ka! Kung hindi ka mabait, maging respansable ka. Kung hindi ka responsable……………………………………….magpatawa ka na lang! basta magpatawa ka, kahit hindi ka nakakatawa basta magpapatawa ka!Pleaseeee!


Caller2: Sige po Doc, magpapatawa na lang ako tutal kalbo naman po ako.


DOC LENG: Tsk tsk tsk KORNI , (Lord have mercy!) Next caller please……..


KURIRINNGGGGGGGGG


Caller3: Doc, paano mo malalaman kung inlab ka?


DOC LENG: Ganito, inlab ka kung sakaling iipunin nya sa kamay ang utot nya sabay iipapaamoy sa iyo at sasagot kang “ANG SWEET mo naman”. Inlab ka nun! Kung sakaling dumighay sya ng ubod ng lakas habang nakaharap sa iyo pagkatapos kumain at sasagot ka ng “HAY ang kyut naman ng SOUNDS!”, Inlab ka nun. Kung sakaling mangulangot sya at pinitik sa iyo ang binilot na kulangot at sa sasagot kang “ Ikaw ang lambing lambing mo sa akin!!” Inlab ka nun. At kung sakaling minumura ka na at sinasaktan ka nya…… hindi na lab yun!Kamartiran na yun! At masyado na syang abusado!Kaya wag kang masyado paabuso! (Tampalin mo sa nguso para magtanda!)


Caller3: Tenks Doc,palagay ko inlab nga ako!


DOC LENG Bakit naman?


Caller3: Dahil lahat yan ginagawa ng boypren ko sa akin!


DOC LENG: Ganun! Langya. Monica ikaw ba yan?Tae naman oh! bakit tumawag ka pa dito! Syang ang load!Sana pinasaload mo na lang sa akin, Tange!


Caller3: Si Hunnybunny naman!At least alam ko na na LAB mo ako kaya mo yun ginagawa sa akin!
.
DOC LENG: Utot mo blue!
.
.
KURIRINGKURIRINGGGGGGGGGGGG (buti may tumawag uli!)
.
.
Caller4: Doc, sino po ba nag-imbento ng balentayms, kailan ang unang balentayms, at ano po ba ang balentayms
.
DOC LENG: Ahhhhh........ ang labo ng signal mo iha, ulitin mo nga! (drama na lang di ko alam sagot eh)
.
Caller4: Doc, sino po ba nag-imbento ng balentayms, kailan ang unang balentayms, at ano po ba ang balentayms
.
DOC LENG: ahhh choppy -choppy ang linya!!
.
Caller4: Gwapo nyo Doc!
.

DOC LENG: Salamat sa papuri mo matagal ko ng alam yan!
.
Caller4: Kala ko ba choppy linya ko bat narinig nyo yun!
.
DOC LENG: Ano ulit yun! Sorry choppy talaga.........toootttttt....tooottttt (bwisit na yun ano akala nya si Erni eBaron ako!buti magaling ako sa drama!hehehe)


KURRINGGGGGGGGGGGGGGG !! !............Yung kape ko nasan na!! (sori di telepono iyun, pangalan ng P.A ko si Kuring)



Okay tapos na naman po ang isang edisyon ng “ITANONG MO KAY DOC.LENG” Sana naibigan nyo ang aking palatuntunan. Ako'y iinom muna ng kape kasi puyat na ako kakatulog.
Maraming salamat sa kautak na Drake sa pagbibigay sa akin ng espasyo sa kanyang blog. Kung nais balikan ang nakaraan kong mga episodes narito ang link:



Okay back to you KAUTAK NA DRAKE


(Ako na ito)


Huwag kayong magpapaniwala kay DOC LENG mga kautak, nagpapadiscover lang yan! Kaya nagpapakabibo kasi masyadong nag-aambisyong sumikat! Kaya wag gagaanong pansinin yang si Doc!


Iyon lang at maraming salamat!

30 comments:

Jam said...

inutot ako sa kakatawa hahahaha..ok tong post na to.. DOC LENG pede bang magtanong? Kelan kaya ako yayaman? hahaha

Jag said...

Kurrrriiiiiiinnggggg!!!!

Hello Doc Leng, may teleleng ka na ba? lol...

KESO said...

hahahahah. ang lakas ng trip mo kuya.

I am Xprosaic said...

Grabe ang lakas ah... nagkatol ka ba?! jijijijiji woi congrats mukhang bago ang signature mo ngaun ah... jejejejeje... epekto ng katol?! jijijiji

Ayie said...

Nakasinghot ka ng maraming buhangin nung sand storm noh?!

O wala lang ka-date sa balentayms kaya ka nagkakaganyan?

Hhehehe! Ihanap kita dito sa Abu Dhabi gusto mo?

DRAKE said...

@jam

Ang sabi ni Doc Leng! Yayaman ka basta manalig ka lang sa Maykapal na.....ibigay sa iyo ang tatamang number sa lotto!hheheh

@Jag

Sabi ni Doc Leng, wala pa raw syang tuleleng! Tutule meron daw!

DRAKE said...

@Keso

Di naman masyado malakas ang trip! Kaya pa namang i-manage!

@Xprosiac

Hindi ako nagkatol dahil walang lamok dito!Sosyal kami!hehehe! Teka ngayon mo lang ba nakita yung signature ko!MAtagal na yan ah!

@Ayie

Walang date, pero taken na!hehhee! Taken but still looking!hahah Joke lang! Ingat

Kosa said...

ang kulit naman ni Doc Leng.lols

(hindi ko na hinabaan ang comment ko baka matuwa ka ulit. ayokong natutuwa ka.haha)

glentot said...

Doc Leng hindi kaya ikaw ang nangangailangan ng Medical Help sa Mandaluyong samahan kita kasi dun rin ako papunta hehehe

Natawa ako dun sa paano mo malalaman kung mahala mo ang isang tao kasi nangyari na yata yun sa akin bwahaha

Fuck you happy valentines.

SLY said...

wahaha!!!
ganun pala ang mainlab?
galing mang-advice ni DOC LENG!

Life Moto said...

KRINGGGGGGGGG! matindi talga si doc magpayo, napasmile na naman ako

DRAKE said...

@Kosa

Ganun so pipigilan mo na lang ang sarili mo na magcomment ng mahaba dahil magiging masya kasi ako. Hindi kaya, tinotortyur mo ang sarili dahil pinipigilan mo ang masidhi mong damdamin!LOLS

@Glentot

Sa totoo lang ikaw sa iyo nakuha ni Doc Leng ang ideyang yun!Kung sa kanya utot sa iyo may tae pa!hahahha

DRAKE said...

@Sly

Oo ganun nga ang feeling ng naiinlab! Bakit di mo subukang mainlab pero siguraduhin mong hindi sya arabo!hahha

@Lifemoto

Coming sa iyo kuya, sobrang napangiti din ako!Maraming salamat sa pagkukumento lagi

Lord CM said...

Hehehe :D Parang Si Marlyn(tama ba) Aguilar sa BottomLine, tanong ni Boy Abunda "Sabi mo genius ka, ilan IQ mo?" sagot agad si Marlyn, ambilis "di ko alam!" nyahaha doc leng pala eh lolzz

Salamat dito parekoy, pampaganda ng araw :)

ch!e said...

hahaha..ayus!

utot mo blue! :D


God bless drake!

Doogie said...

hehehe, galing mo talaga gumawa ng kwento!! Idol na talaga kita drake!!

Doogie said...

hehe thanks for your blog. ka cute!

DRAKE said...

@Lord CM

Talaga gumanda araw mo! Naks ibang level na si Dcc Leng! Umaarya sa takilya!hehehe

@Chie

Ang tipid mo naman!Hehhe! Ilocano ka ba?Joke lang!Salamat

@Doggie

Natats naman ako sa sinabi mo! Maraming salamat sa laging pagdalaw! Ingat lagi

Chingoy said...

doc. leng.... parang pamilyar... nagpatingin na ba ako sau?

♥superjaid♥ said...

anak ng!nars may nakawala sa ward ano ba yan!hehehe mental ward po ang tinutukoy ko..hahaha peace kuya..^_^

love this post kuya thank you for making me smile..^_^

ladyinadvance said...

hahahahha loko kang drake ka ah...pinapasakit mo panga ko sa kakatawa =)))

uhmmm doc leleng pwede ba magtanong?!....

pano ako makakahanp ng date sa balentayms?!,..=)))))

DRAKE said...

@Chingoy

Oo nga parang pamilyar ka, ikaw ba yung tumawag sa akin at nagungutang?Ngayon pati blog ko nasundan mo na!heheh

@Superjaid

Hehehe the last time I checked eh nasa katinuan pa naman ako, pero mukhang malapit ng maging hindi!hahaha

@LadyAdvance

Para sa tanong mo na yang, makakadate mo ang isang taong mabait at kyut. Kasalukuyang nagtytype sya at magpopost ng comment! *click* (publish comment)
Ako yug tinutukoy ko baka di mo mapansin!hehhe

ladyinadvance said...

uhmmm drake kung ganun pano ba kita madadate sa balentayms?! :P

Jepoy said...

May last question lang po ako kay Doc Leng bago ako tuluyang lumayo here.

Doc Leng babae ka ba o lalake?

ito serious mode na.

Dear Doc Leng,

Docleng po ba talaga ang mata nyo? Sana po hindi, anweis ito po ang tunay na question ko. Meron po akong nararamdaman na kagulumihanan na bumabagabag sa aking puso at lungs hanggang gal bladder, isang feeling pero hindi ko ma define, basta alam ko masaya ako pag kasama ko sya pero sya hindi masaya at nasusuka sya sakin, ano po magandang gawin? Nahihirapan na po akong makatulog sa gabi. Tenchu po Doc Leng.

Lubos na gumagalang,
Jepoy

DRAKE said...

@Jepoy

Obvious bang lalake si Doc Leng (may GF sya si Monica, di ka nagbabasa noh??? Subukan mo kayang basahin muna bago magcomment!hahaha)

Tungkol sa katanungan, na masya ka kung kasama mo sya pero sya naman nandidiri sa iyo....... uhmmm hindi kaya may buni ka na nakakahawa?Joke lang! Okay serious mode kasi mukhang serious ka!

Minsan we just being unfair to the other person. Hindi porket masaya dapat maging masaya din yung isang tao. He has his own reasons and you have your own reasons too. At irespeto kung ano mang rason meron sya.

Kung umaasa ka sa isang bagay na alam mong di mangyayari then palayain mo ang sarili at maging fair ka sa taong yun. Hindi ibig sabihin na kapag ikaw ang nasasaktan, sya naman ang nagiging unfair sa iyo. Minsan parehong kang unfair sa kanya at sa sarili mo.

Kung kaya kayo nagkasama ay dahil sa friendship then retain the friendship at huwag ng mabuhay sa mundo ng "WHAT IF's".
_____________

Tae ka jepoy! Sumeryoso tuloy si Doc Leng, kasi nageemo ka dyan!hahah

Ingat

Jepoy said...

@Doc Leng

"He has his own reasons and you have your own reasons too"<------ FAILED

Babae po sya!

Salamat sa advised. Imma out of here for good. Take care!

DRAKE said...

@Jepoy

Sorry naman. nagkamali lang ng pronoun!hahaha! At isa hidni mo naman kasi define kung lalaki o babae, so malay ko kung ano dun! Hehehe (lumulusot lang sa aking grammar!hahah)

"Okay lets rephrase it. She has her own reasons, and you have your own reasons too"

Ingat parekoy!

darklady said...

nakakatuwa ang mga sinulat mo..more power to you and to your blog drake! nga pala sana minsan i visit mo naman yung bago kong gawa na blog.and sana ma i add mo ako..salamat!!

http://wentokoto.blogspot.com/

Ollie said...

OBJECTION!!!!!!!!!


di ako pabor sa payo ni doc leng kay caller #3!


pag mumura sa iyong mahal?

lagi ko kaya minumura ang mahal ko! at gusto gustong nya.

example

"Demonyo ka, ang sarap! F*ck ka Beh, yeah, sh*t! Ohhhh, put* ^$*#)%^ mo! ang galing mo!"

DRAKE said...

@dark lady

Hayaan mo lagi akong bibisita sa blog mong!Mukhang interesante ang mga nandun eh!salamat sa komento

@Ollie

Naks, gumaganun ah! Oo nga noh pwede nga pala yun! Hayaan mo sa susunod na edisyon, ilalagay ko yan!