QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, February 13, 2010

KONG HEI FAT CHOI TABATCHOY!!


Wow! Chinese New Year na naman! Medyo namimiss ko tuloy yang TIKOY, HOPIA (Eng bee ten lang ang kinakain ko), at mga MOONCAKES. At akalain mong saktong sakto pa sa Valetines Day ang Chinese New Year. At dahil magkasabay ang dalawang okasyon na yan, tyak napakaswerte mo kung magsusuot ka ng panty o brief na kulay RED. Alam nyo ba na ang kulay pula, ay kulay na nakaka-L (libog). Ayon yan sa mga scientist na mae-el na aking natsismisan nung isang araw. Totoo yan pwamis!


Okay back tayo sa Chinese New Year, kung hindi nyo naitatanong eh , isinilang ako sa Year of the Dog. At ayon sa aking nabasa ang mga isinilang sa “Year of the Dog” ay mga mukhang aso este mga “loyal” daw. Okay kapani-paniwala naman yang katangian na yan dahil nga …ehem… loyal ako. Kaya kung pagbabasehan ang mga katangian ng tao ayon sa katangian ng hayuppppppp (may poot??) na sumisimbulo ng taon ng kapanangakan nila, marahil ganito yun



YEAR OF THE….



Dragon- Mainit ang bunganga (madaldal), magagalitin (dragon nga eh), at mukhang hito (dahil may bigote)


Horse – sila yung mga bayolente (dahil laging naninipa), mga mahihilig sa sports ( lalo na sa track and field) at mae-EL (totoy mola ikaw ba yan?)


Monkey- mga mandurugas ( lagi kasing nangdedenggoy), matatalino (matalino man ang matsing, matsing pa rin), at palabiro (monkey monkey Anabel, Anabel!!).Kumokorni ka na naman.


Pig – Mga mahihilig sa pagkain (pinagandang salita sa word na “masisiba”), mga makakalat (baboy nga eh), at ubod na babait na tao (pambawi lang!hayan pinuri ko na kayo ha! Kwits na tayo)


OX (parang kalabaw yan di ba?)- mga masisipag (naks ganda ng umpisa), matyatyaga (heto pa uli) at mahihilig sa Marijuana ( eh di ba mahihilig ang OX sa damo? Ang mais ko grabe)


Rabbit- tulad ng horse maee-EL din sila (di na kailangan ng proof), mga kyut sila at malalambing (yung mukhang uto-uto lang) at sila ang mga taong malalaki ang….. IPIN sa gitna.


Rat – mga poor (joke lang), mga matatalino din (yung TUSO ba!), at mga maliliksi


Rooster – sila yung mga maagap ( laging nauuna sa bilihinan ng NFA rice), mga madadaldal (putak ng putak) at mga matatapang (lagi kasing pinangsasabong)


Sheep – Mga mababait na tao ( naks, parang tunay), mga tahimik (kahit hipuan mo di yan iimik), at hindi gaanong mga pakialamero/pakialamera (basta mind your own business ika nga)


Snake- Ayokong magsabi ng kung ano ano dyan dahil hindi magaganda ang naiisip ko!Pero ang magandang katangian nila ay ano….. basta.. ano… basta…. Basta!


Tiger (taon ngayon yan) – mga matatapang (mala tigre nga eh), mga malalambing pero pag nagalit lagot ka, at higit sa lahat…… mahilig sa damit na kulay orange. Sanggang dikit sila ng susunod na taon na sasabihin ko kaya maswerte yun......


Dog (Year ko ito) - Loyal, mabait, kyut, mapagkakatiwalaan, at wala akong maisip na panget tungkol sa kanya (bakit ba year ko ito at blog ko ito!walang pakialamanan! Kung may reklamo ka pumunta ka sa presinto o gumawa ka ng sarili mong blog at purihin mo ng purihin ang sarili mo!okay!)

Oo nga pala mga kautak, wag nyong masyadong seryosohin ang sinabi ko sa itaas. Biro lang naman yan! Pero kung nagagalit ka sa mga sinabi ko sa itaas at masyado kang apekted dyan........ ang masasabi ko lang ay .................
.
"Hoy!!!!!huwag kang ngang BITTER dyan dahil hindi ko kasalanan kung bakit wala ka Balentayms ngayon. Kaya wag kang magalit sa akin at huwag din ako ang pagdiskitahan mo."


Ngayon kung hindi mo naman ugali yung nasa itaas, at magaganda pala ang katangian mo talaga ! okay payn….. .....ikaw na ang perpekto!! Ikaw na ang peyborit son/daughter ni Papa Jesas.


Alam nyo mga kautak medyo nagtataka lang ako kasi bakit walang Year of the Elephant, Year of Zebra at Year of the Giraffe (ito ang tamang pagbigkas nyan. JI-RAP-PI). Bakit kaya napili yang mga animal na yan na nasa itaas? Ano kayang kwalipikasyon ng mga Chinese Astrologer na ito para mapasama dito?At bakit hindi nila sinama ang peyborit animale ko! Bakit kaya??Wala lang! naitanong ko lang naman!Masama??



Yun lang mga kautak HAPPY VALENTINES DAY AT KONG HEI FAT CHOI!!!!
Ingat lagi,


43 comments:

Jepoy said...
This comment has been removed by the author.
DRAKE said...

TAE KA! Walang Year of the Frog dito, at malamang kung meron , doon ka nabibilang.

Si Glentot sa Year of the Dragon siguro yun dahil nagliliyab ang bibig nun (sa panlalait)hahaha!

At oo FAITHFUL ako! Batet! Masama na bang maging FAITHFUL ngayon?LOLS!

NoBenta said...

Year of the Horse - wala akong hilig sa sports. Sex lang ang pampapawis ko!

Anonymous said...

haha. may poot si jepoy.

nakakalibog ba talaga ang kulay na pula? kaya pala tuwing nakapula ako lagi akong hinahabol ng aso nung kapitbahay namin. ampt!

Anonymous said...

tigre ako, year op da tayger grrrrr :D

Jam said...

Kya raw wala ung mga hayop na nabnggit mo kc may sakit daw cla nung pintwag ang lhat ng mga hayop para atasan ng taon...

darklady said...

"Horse – sila yung mga bayolente (dahil laging naninipa), mga mahihilig sa sports ( lalo na sa track and field) at mae-EL (totoy mola ikaw ba yan?)"


hahaha..hindi ako naninipa, nambubugbog lang.

Sayang sana naging year of the dog na lang ako para maganda rin yung kahulugan ng sa akin...hehehe

DRAKE said...

@No Beta

Na add na kita sa blogroll ko pre! Salamat sa lging pagdalaw. Tulad mo wala rin akong hilig sa sports sa Se....pa lang (Sipa)

@Don Dee

Nararamdaman kong isa ka talagang dating blogger! Di ko alam kung tama ang hula ko pero mukhang ikaw nga iyon!hehhe! Malalaman natin sa mga susunod mong entry!ingat

DRAKE said...

@Anthony

Pwede pala tayong magbespren kasi magksaundo daw yang dalawang sign na yan!heheh

@Jam

Ganun may sakit? wag mong sabihin ikaw ang gumagamot nun kaya hindi sila nakarating. Sabagay baka nagkaroon ng sinat yung elepante!hehhe

@Darklady

Uhmm pwede pa namang mabago yung birthd year mo eh, hayaan mo dokturin natin ang birth certificate mo!hheheh

Unknown said...

kaming mga rooster o tandang ay alaga ni san pedro sa langit. wala kayo!!!!!

KESO said...

Sheep – Mga mababait na tao ( naks, parang tunay), mga tahimik (kahit hipuan mo di yan iimik), at hindi gaanong mga pakialamero/pakialamera (basta mind your own business ika nga)

---natuwa nman ako dto kuya drake, parang gusto ko na maniwala. wahahaha.

Superjaid said...

hindi ako makakapayag!hehehe mababait kaya ang mga ipinanganak sa year of the monkey..(payag ka na kuya..) salamat pala sa picture greeting..^_^

darklady said...

Hehehehe..kung pwede nga lang eh.kaso mahal ang magpabago..

salamat ulit sa pag add..


ingat!!!

DRAKE said...

@Ollie

Sige na nga ikaw na! Ikaw na ang kukunin agad ni Lord!hahaha! joke lang!

@Keso

Maniwala ka sa akin totoo yan! Hindi ako nagbibiro nung ginawa ko yan!hehehe

DRAKE said...

@Superjaid

Sige na nga aayusin nalang natin yan next year! Heheh! walang anuman sa picture greetings!Happy Birthday uli

@Dark Lady

Hayaan mo ififinance ko para lang mabago ang birth year mo!heheh

Ingat

Anonymous said...

nakakatawa ka :)) but kyut blog .

gillboard said...

pareho pala tayo dog din ako!!

Happy Chinese New Year!!!

kikilabotz said...

ang daya!! bkit puro dog mggnda lahat. hahaha.

Null said...

Pig – Mga mahihilig sa pagkain (pinagandang salita sa word na “masisiba”), mga makakalat (baboy nga eh), at ubod na babait na tao (pambawi lang!hayan pinuri ko na kayo ha! Kwits na tayo)

I....am...not...a...PIG! (Nora Style) Hindi ako BABOY! haha

Kung Hei Fat Choi! :) More power!

Life Moto said...

IKANGA Ni mOks Hapy Valentiger! Sayo at sa buong katropahan mo dito!

Noel Ablon said...

Ako hindi ko alam kung anong year ko, pero ang pagkaka-alam ko ay Snake ako at buti na lang wala kang binanggit na negative hehe dahil baka maging year of the horse ako haha joke!

Anonymous said...

anong pruweba mo na dati akong blogger drake? mali yang pakiramdam mo. ako malakas ang pakiramdam ko na mali ang hinala mo. haha

Kosa said...

Dog- sila yung madalas may sariling mundo. Nakakakita ng kung anu anu sa dilim.
masisinop.kahit tae kinakain.
Buto na nga pinagti-tyagaan pa.
Palaaway.. Pati pusa pinapatulan.. pero laging talo.lols

Ang Kuleeeeet mo.
inaabangan ko ang comment ni Gentot

2ngaw said...

Dragon- Mainit ang bunganga (madaldal), magagalitin (dragon nga eh), at mukhang hito (dahil may bigote)


SAPAKAN NA LANG EH!

lolzz, happy valentines sayo :)

DRAKE said...

@Dj_cara

Salamat sa pagdalaw sa aking kwarto sana madalas ka dito

@Gillboard

Buti naman bro! Mabuhay ang mga aso

@Kakilabotz

eh blog ko ito eh, saka year of the dog ako!May angal!Hehhehe

DRAKE said...

@Roanne

Hehhee,mukhang nagkamali ako dun ah dahil hindi ka naman mukhang mahilig kumain! Sexy nga eh (nga pala mga bolero din ang mga Dog)

@Lifemoto

Happy Valentines din sa iyong buong pamilya kuya!

@Noel Ablon

Ahas ka pala! Uhmmm isa ka palang AHASSSSSSSS!!hehehe

DRAKE said...

@Don Dee

ewan ko nga ba bakit parang nararamman ko talaga! Hidni kaya may nakaraan tayo Dondee!whahahah

@Kosa

blog mo ito?bakit gumagawa ka ng sarili mong interpretasyon? Heheh! Oo nga inaabangan ko rin nga yun eh! ewan ko kung nasa si Glentot Utot!

@Lord CM

Square na lang oh! Unahan mahawak ng kalaban ang ilong oh! Ano kelan at saan sabihin mo lang ang di kita uurungan!LOLS!!!

chingoy, the great chef wannabe said...

year of the (water) rat ako... hmmm, i wonder kung may connect ito sa aking pagiging pasmado?

Xprosaic said...

Buti na lang rat ako... ahahahahahahaha

Admin said...

HAPPY VALENTINES DAY AND KUNG HEI FAT CHOI!

The Gasoline Dude™ said...

Malilibog daw ang mga pinanganak sa Year of the Dog kasi wala silang pakialam kahit sa kalye sila kuman... (ta?). LOL

Year of the Rooster ako, pero lagi akong late. Haha. :)

SLY said...

Monkey- mga mandurugas ( lagi kasing nangdedenggoy)? ganun?

sige ikaw na lang ang laging bida. ikaw! ikaw! ikaw! LOL

The Pope said...

KONG HEI FAT CHOI!!!

Happy Valentigre!!!

Anonymous said...

Drake, malakas din ang pakiramdam ko na may ugnayan tayo sa nakaraan natin. hindi kaya tayo ang original na kambal ng tadhana? lol

Dhianz said...

i forgot year of d' wat akoh?.. eniweiz.. dheinz koh pa nabasa... natawa akoh sa reply moh sakin sa isang post moh.. yung entry moh bago nitoh... haha... eniweiz.. yeah... happy V! kuyah.... tignan koh kung makapagbasa akoh laterz... Godbless! -di

Dhianz said...

ahh alam koh nah... 'un lang.. sinabi koh lang na alam koh na haha... belated happy valentines kuya drake.. laterz... Godbless! -di

glentot said...

Year of the Rabbit ako ahahahahahaha FUUUUCK YOUUUUU

bakit wala ring YEAR OF THE HIPON sa mga panget, YEAR OF THE SUSU (snail) at YEAR OF THE ECHUSERANG FROGLET!

Unknown said...

@Chingoy

Kaya ka pasmado ay dahil madalas kang magbate....... ng itlog para sa omelet mo tuwin umaga!LOL

@I Am Xprosiac

Isa ka palang rat eh di ibig sabihin nun isa ka ring POOR!heheh! Mukhang di naman!

@Mangyan Adventure

Add kita sa aking blogroll Mangyan! Dadalawa ako sa blog mo ngayon!hehe

Unknown said...

@Gasoline Dude

Bakit blog mo ito?Bakit may sarili kang interpretasyon dyan?Lol! Rooster ka pala, ibig sabihin nun MA- TANDANG hukluban ka na! Korni!

@SLy

Parang akmang akma sa iyo yung Monkey? Sabi na nga ba totoo ang lahat ng yan eh!hhehehe

@The Pope

Happy Valentines day din po!

Unknown said...

@ Don Dee

So ikaw si Julia, at ako si Julio!Hehhee! Pwede? Hindi kaya dati kitang mistress nung past life natin Don?LOL

@Dhianz

Happy valentines din sa iyo! Ano may kadate ka ba? Eh kung wala siguro next valentines meron na! Pwedeng ako ba yun? (Uyyyy ligaw!heheh)

@Glentot

Nabuhay ka halimaw ka! Akala ko nagsuicide ka na dahil wala kang kadate. Well yung sinasabi mong "Year of Etchuserong Froglet" nakapetisyon na yun sa Korte Suprema at si Jepoy ang unang beneficiary pag natuloy yan!hehe

Dhianz said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

loko ka ha.. Year of the OX ako.. mahilig sa damo kamo, ahahahaha! MAHILIG NGA! Bwehehe..

Anonymous said...

hahahahaha ay anu ba yan year of the rat ako... poor ako pero mayaman sa pagmamahal..charot =)))

ikaw ata bitter jan drake eh kac wala ka kabalentayms....d mo kac inaccept offer ko ei...hahaha =))))) :P