Eleksyon na naman, at tyak marami na namang mga pulitikong nag-fe-feeling artista, singer, dancer at tagaperya. Marami na namang Pilipino ang kikita ngayong panahon na ito, dahil sa mga pinapagawang sombrero, Tshirt, kalendaryo, mug at kung ano ano pang mga give aways (minsan pati condom may nakalagay na VOTE FOR *Name of the Politician*). Sabi nga ng mga ekonomista, eh gaganda ang takbo ng ekonomiya natin dahil lalabas ang pera ng mga Pulitikong ito. Wow parang pasko lang ah!
Medyo magtataka nga ako dahil halos magkada-ubos ubos ang mga pera ng mga pulitikong ito para lang mananalo o maluklok sa pwesto . Eh alam nyo ba kung magkano ang sweldo ng mga opisyal na ito bawat buwan:
Mayor : P25,000 plus
Governor: P35,000 plus
Congressman: P40,000 plus
President: P60,000 plus
Yung “PLUS” ay KURAKOT na tinatawag,kaya maaring plus 2 million,plus 3 million depende yan sa tigas ng pagmumukha ng mga pulitikong gustong bumawi sa puhunan nya sa eleksyon. Kaya pwede na rin pala!
“Politics is a dirty business “, ika nga! Eh puro siraan ang mga maririnig mo kabi-kabilaan. Medyo nahulog nga yung sipon ko nung sinabi ni Sen. Mirriam Defensor sa mga kalaban nya sa pulitika
.
“MUKHA SILANG MGA BUTIKE!!” (okay payn sya lang ang maganda at kamukha nya si Megan Fox).
Nung minsan naman tinanong si Sen. Jamby Madrigal sa isang Presidential Forum kung magkano ang presyo ng galungong. Natameme sya at tila natinik dahil di nya alam ang presyo nito (Di ba dapat alam nya yun kasi public servant sya eh!). Eh tanungin mo ang presyo ng “steak” alam nya yun!pwamis!
Tapos galit na galit din sya sa mga pulitikong may mga kasamang artista ngayon, eh di ba kaya nga s'yang nanalong Senador noon ay dahil kay Judy Ann Santos. Dahil akala ng mga tao ay magkapatid sila ........ dahil mukha silang pinagbiyak na putok este monay pala.
Nung minsan namang tinanong ko yung tita ko kung sino ang iboboto nya sa eleksyon, sabi nya sa akin:
"Iboboto ko si Manny Villar dahil idol ko si Willie, at ayoko ko kay Nonoy, dahil kapatid nya si Kris! At ayaw ko kay Kris dahil kerengkeng sya at tabingi ang ilong nya!!”
.
Buwal ako sa Tita ko nung marinig ko yun, dahil hindi nya iboboto si Nonoy dahil tabinge ang ilong ni Kris!Ano naman ang kinilaman ng tabingeng ilong ni Kris sa kapalaran ni Nonoy?? Adik ka tita!!
Tapos naman yung mga nanalong Governor ng Bulacan, Pampanga at Isabela, eh hindi naman daw talaga sila ang totoong nanalo kaya pinapababa sila sa pwesto. Ang gulo di ba?! Pero di ba mag-eeleksyon na at matatapos na rin ang termino nila kaya para saan pa yang mga kapuwitan na yan. (Grabe, parang lang silang mga nakasinghot ng dahon ng kamoteng kahoy)
Hindi kaya nakakabuwang talaga ang pulitika, at malaki ang kinakalaman nito sa kautakan ng bawat tao? (living proofs: Merriam at Tita kong galit sa tabinging ilong ni Kris)
Alam nyo magulo talaga ang pulitika sa ating bansa. At alam ko yan dahil nagtrabaho ako sa Munisipyo dati. Alam ko din ang mga mababahong lihim ng mga pulitiko sa atin. Kumbaga kung pabahuan ang labanan, talo nila ang baho ng nabubulok na bagoong na nakababad sa tae tapos nakulob sa garapon ng mayonnaise sa loob ng 5 taon. Ganun ang baho nila!! (Ewwww, you’re so gross drake!!! So bantot naman nun!Ewwww).
Naalala ko tuloy sinabi ni Cardinal Rosales noon sa isang homilya nya sa Simbahan na huwag natin isisi sa ibang tao kung bakit ganito kapangit at kadumi ang nangyayari sa ating kapaligiran. Dahil bawat isa sa atin ay naging bahagi kung bakit ganito ang nangyayari sa atin. Bawat isa sa atin ay may kontribusyon sa takbo ng pulitika sa atin. Kaya kaysa magturuan kung sino ang may sala mas maiging gumawa ng mga hakbang para sa ikagaganda at ikabubuti nito at ng kapwa natin.
Sana ito na nga ang pagkakataon nating mabago ang kapaligiran o ang bansa natin. Mahirap pa ring umasa at mahirap pa ring mangarap. Pero mas mahirap naman na wala tayong gagawin para mabago ito di ba?Huwag tayong sumunod na lang sa agos ng pusaling kinabibilangan natin. Kaya maging maingat tayo sa iboboto natin, maging mapili tayokung sino ang bibigyan natin ng manibela para paandarin ang naghihingalong bansa natin. Hindi man para sa atin kundi para na lang sa mga anak natin at apo.
Yun lang mga kautak at maraming salamat sa inyo (Ano kamusta ang putukan pagkatapos ng Valentines Day este ng Chinese New Year pala??)
Ingat
39 comments:
wow...
isang masigabong palakpakan muna!!!
isang makabuluhang pagtalakay mula sa utak ni Drake... Dahil dyan, maligayang puso day muna!!
hehe
naging Politiko ka pala?
______________
minsan hindi ko rin masisisi ang mga Taong bumoboto kay MIriam santiago, isa kase syang natural na komedyante..katulad mo.hehe
Tabingi ba ang ilong ni Kris? hindi ko pansin. hehe
wala akong pakialam sa mga pulitikong yan kasi wala rin naman silang pakialam sa akin. boto ko lang habol nila.
kelangan lang talga e matuto na ang mga pinoy mamili ng taong iboboto at hindi lang dahil sa iniendorso ng idolo nilang artista.
ayoko sa usaping pulitika, umiinit ulo. hahaha
@KOSA
Kosa base na nanaman! At ma regalo ako sa iyo! Ang regalo ko sa iyo eh yung bagoong na sinasabi ko sa blog ko!hahaha
eh totoo lang may seryosong post ako dyan! Siguro mga next week, kung paano nakakakurakot ang isang pulitko at kung ano talaga ang kulay nito!
Pero alam mo iboboto ko si Merriam Santiago talaga! Pambalanse lang ba at panabla!hehe
Ingat pre
@Don Dee
Ikaw pala yung sinasabi ni Cardinal rosales ha! Eh ikaw pala pala ang mga taong yun! Hehehe!
Nung sinabi yan ng tita ko, tintigan ko ang ilong ni Kris at tabingi nga sya at may konting buhok sa ilong (at may highlights pa!sosyal talaga si Kris!hehe)
hahaha..
ganun ba?
talagang 5years old na bagoong?
wahahaha... imposible naman yan!
Gawin mo nalang kayang T-shirt na itim? May nakalagay KSA..lols o basta kahit anung subinir shirt dyan.. basta itim..lols
medium size..wahaha
AT DAHIL DYAN... IBOBOTO na KITA SA DARATING NA HALALAN..
siguro wala namang perpektong pulitiko, pero may perpektong boto.
NEVERENDING story talaga kapag PULITIKA sa Pinas ang pag-uusapan...
On Jamby, I really find her annoying... For sure hindi na mananalo iyan... Isa siyang malaking sawsaw...
Sa mga Presidentiables... May pag-asa pa sina ERAP, VILLAR, GIBO, at GORDON pero NEVER si NOYNOY at ang mga itinuturing kong nuissance candidates...
HAPPY VALENTINES DAY!
KUNG HEI FAT CHOI!
Nagtatampo daw si Juday ngayon kay Jamby Madrigal. Ampf.
Madumi nga ang pulitika, pero meron pa din namang mangilan-ngilang public servants ang totoo at mapagkakatiwalaan. Saka dun sa sweldo ng mga nahahalal, it's more of power siguro ang habol nila.
At siyempre pork barrel. LOL
naks! parang banat lang ng isang talunang pulitiko ah... jowk! jijijijiji... basta ako di boboto kasi... tabingi ang ilong ni kris.... jowk! jijijijiji
wow. nice post kuya, tsk. ngsisisi ako kung bkit di ako nkpgprehistro, bsta sa mga boboto, ingat na lang at wag mgpapabola, suriin ang iboboto para di nman syang ang isang boto.
@Kosa
Sige kosa basta pag nagkasabay tayo ng uwi, bibigyan kita ng hinihiling mo! At salamat sa pagboto mo!Magkano ba gusto mo?hahah
@Anthony
Ako'y agring agri sa tinuran mo! Mabuhay ka kaibigan!naks
@Mangyan
Ako rin inis din ako kay Jamby saka kay Loren! Para silang mga papansin lang, hehehe! Teka bat ayaw mo kay nonoy dahil ba tabingi ng iling ni kris?
@Gasoline Dude
Ganun kapangyarihan lang ba?Di siguro puro pera lang din yan! Isa pa nabibili din ng pera ang kapangyarihan! Yung bato nga ni Darna 3 million eh!hehhe
@Xprosiac
Kunwari ka pa, alam kong si Ampatuan ang iboboto mo!Hahahha
@Keso
Oo nga sayang yung isang boto na yun! Isang libong piso din yun!hahah! joke lang!
natry mo na ba mag absentee voting drake dyan sa saudi?
kamusta naman ang ambiance sa presinto or sa konsulado kapag may nangyayaring absentee voting?
Ang liit lang pala ng sweldo nila noh at kung makipag agawan e akala mong kay laki ng sweldo at nakukuha pa mandaya..tsk..tsk...
sana lahat ng mga boboto ngaun mging matalino sa pagpili.
nice post pareng drake
@Ollie
Eh susubukan ko pa! Eh sana nga lang eh boto ko ang mabilang nila. Mahirap na baka mahokus pokus pa!
@darklady
Maliit nga lang talaga ang sweldo pero malaki nga yung PLUS na tinatawag
@Kakilabotz
Okay lang pare, teka kamusta na nga pala si kumare? hehehhe
Isang mainit na talakayan ito Drake, inisip ko yung plus sa sahod ng politiko, paano kung doble ang plus (++) grabeh siguro ang kurakot lalo hahahaha.
Hanggang ngaun hinahanap ko pa yung mahinang mangurakot para iboto ko hehehe.
ganyan talaga ang pulitika. kaya nga maraming Pinoy ang mas ninanaid na mamuhay sa ibang bansa.
hay. pero ang upside sa philippine politics eh isa itong magandang source of entertainment... lalo na ngayong mageeleksyon na.
hehehe
Kung maka-lecture ka naman sa eleksyon as if boboto ka, at kung boboto ka man I'm sure si ERAP iboboto mo...
Natuwa naman ako sa dami ng tidbits ng information parang mais-mais sa isang tubol na tae ang mga trivia dito at marami akong natutunan.
At tama ka ng sinabi kay Jamby alam mo bang boba yun ang dami nyang bloopers sa senado nung kainitan ng Katrina Halili scandal.
Kaya ang iboboto ko ay si... Nicanor Perlas (sino raw???)
Pekpek ka OK itong post mo pero namimiss ko si Doc Leng bwahahahahaha fuuuuck youuuuu
kaya di ako nag sisi kung baket di ako makakaboto,,,
@The Pope
Oo nga puro rin naman sila kurakot kaya hanap na lang tayo ng konti lang kung mangurakot
@Gillboard
Oo nga gill mukhang nga itong perya! Kahit mga boses palaka, kumanta.Kahit kaliwa ang mga paa sayaw ng sayaw!hehhe
@The Pope
Oo nga puro rin naman sila kurakot kaya hanap na lang tayo ng konti lang kung mangurakot
@Gillboard
Oo nga gill mukhang nga itong perya! Kahit mga boses palaka, kumanta.Kahit kaliwa ang mga paa sayaw ng sayaw!hehhe
@Glentot
TAE KA!!!! Paano mo nakita ang mga gusto kong ipahiwatig dyan!heheh! Okay heto sasabihin ko na talaga yung message dyan
Nu ng sinabi ko about Meriam, alam mo madalas na senaryo na makikita natin sa TV ang nagsisiran at batuhan ng akusasyon. Pero sa huli pare pareho naman sila!Parre-pareho lang silang mga puro personal na interes lang ang gusto (kumbaga kay meriam, gaano ba sya kaganda para magsabi sya na mukha silang mga butiki)
Yung kay Jamby, nakakabwisit na sinasabi nilang makamahirap sila pero hindi naman nila ang pakiramdam ng mahirap (presyo ng galungong di ala). para magamot ang sakit kailangan maramdaman mo muna ang sakit.
Yung tungkol sa mga pulitikong may artista, sana magbase tayo hindi dahil sa mga artista nakakabit sa kanila, kundi kung ano ang mga plataporma nila.
At tungkol sa mga governor na pinapaalis sa pwesto. Minsan maiisip mo mukhang pinagloloko lang tayo ng mga ito! At ang gulo gulo nila
Hayan halos isang buong post yan!TAE KA
@bosyo
eh di parang hindi ka rin nakatulong kasi wala kang ginawa para sa pagbabago ito!hehhe
Salamat sa comment at alam kong malapot na bakasyon mo!Sarap naman nun
ang buhay nating mga Pinoy ay PBA - pulitiko, basketball, artista. Taenang eleksyon yan. Nung tumakbo akong SK kagawad at natalo, madumi na ang nadatnan ko. Mga kabataan pa lang, mandurugas na! Paano pa kaya ang mga trapong matatanda?
aba naman. ayos ang post. hehe. ang tita ko naman gusto nya si villar dahil namimigay ng bahay at lupa. amp! vote-buying na yan kung iisipin mo. di na lang ako nagsalita.
boboto ka ba? vote anyone except villar. down with villar. :p
Onli in da pelepens yan! Politics here is so irritating, it's so interesting! Although I came from a 'politically-engrossed' clan, never in my life kong pinangarap na makijoin sa baho ng politics! mamatay ako ng di oras, bata pa naman ako, mwehehehe..
puso mo kuya...hehehe wala tayong magagawa eh mga trapo talaga sila forever eh..hehehe ^_^
Alam nyo sa inyo lang dalawa ni kosa ko nalaman na tabingi pala ang ilong ni Kris and bad for Ninoy este Nonoy pala! kc malaki ang apekto nun sa kanyang kandidatura how sad naman ng dahil sa ilong ng sister nyang palingkera e mukhang matatalo pa sya hehehe..i think tapos na ang ka cheesyhan ng mga madlang people at napunta naman ang topic sa eleksyon..well gudlak na lang kay Nonoy..d ko pa kc naranasang bumoto dahil kahit kailan wala akong nagustuhang kandidato ven in local or national..kc hangga't may nagugutom at mas marami ang naghihirap..para sakin wala pa ring mationong kandidato so bakit pa ako magaaksayang iboto sila..para ke ano pa!!!!
tsk tsk tsk mga pinoy tlga jijiji...may kinalaman b ilong ni Kris sa kandidatura ni Noynoy? hahaha...
Hindi n ako mangingialam jan kasi parang hindi n din ako mkakaboto sa darating n eleksiyon...
God Bless Philippines n lng...
At impurnes ha noong nbkaraang Valentines may libreng condom sa mga bumili ng flowers sa Dangwa jijiji...
@No Benta
Tumakbo ka palang SK kagawad!nice! dati niyaya akong tumakbong SK president di ako pumayag! Nung nalaman ko kung magkano sweldo nila, nanghinayang ako. Yung SK president ng buong munisipyo ay sumesweldo ng 20T
@Scud
Bakit naman ayaw mo kay Villar? Eh sya naranasan na nyang maligo sa dagat ng basura!heheh Joke lang!
@Ardiboi
Maraming salamat sa pagdalaw sa aking kwarto! Dito ka na lang dumalaw palagi at magiging maganda ang araw mo!naks!Salamat sa pagbisita
@Superjaid
Trapo-Tradional Politicians! We need new blood, yung malinis at ignorante sa pangungurakot!hehe
@Jam
Eh kung di tayo boboto, hindi rin tayo nakaktulongn sa pagbabago!hehehe! Teka rehistrado ka ba sa konsulada natin dyan sa Saudi?Ako nagparehistro na! salamat sa laging pagbisita
@Jag
Hahah, malas nila puro butas yung condom na pinamigay nila dun! hahaha. Wow malapit na malapit na uwi mo bro!alam kong excited na excited ka! Pasalubong ko ha!
Hindi ako nagparehistro..yaw ko talagang iboto ung mga kumakandidato e..kahit nung nasa pinas ako..siguro naman kapg meron ng bago na napatunayan nyang derserve sya baka sakali mapaboto nya ako.
tama ka.....kaya minsan nakakatamad bomoto at d mo malaman kung sino ba talga dapat iboto...daig pa kc ang mga artista kung makaarte ang mga pulitiko eh...parang kada eleksyon kaya nilang lumuha ng dumugo para lang mapaniwala ka...haaiisstt!!!....
super dumi ng politics, ive been there na kac, kahit ultimo mababang posisyon like baranggay officials super dami ng nangyayaring kababalaghan.....
Pwede ng tumakbong Baranggay Tanod si Drake! Yehey!
Hehehehe! Natawa ako sa Tita mo--hindi ikauunlad ng pilipinas ang tabingin ilong ni Kris Aquino?
Heheheh!
Never pa akong naka vote--ever! Hindi pa rin ako registered. Haizzts!
di na-post ung comment ko ah, pati ba dito may dagdag bawas na din? lols!
tabinge ba talaga ilong ni kris? di ko pansin, matutukan nga minsan.
napanood ko kanina sa tv ang labang jamby vs. Juday. Astig!
@Jam
Ganun ba!Sana kung tumakbo akong presidente, bumoto ka na at ako syempre ang iboboto mo!hhehe
@Ladyinadvance
Ang mga pulitiko kasi nagfefeeling artista! Yung mga artista naman nagfefeeling pulitiko! Ang gulo talaga ng Pinas!heheh
@Ayie
Baka malas yung ilong ni Kris kaya ganun! Siguro kung didiretso na ang ilong ni kris malamang gaganda na ang ekonomiya!heheh
@Sly
Anong di nagpost?Di ka lang talagang nagcocomment sa akin! Ayheytchu!hehhee
@ No benta
Ang sarap bangasan ng isa itong si Jamby, malamang kung hindi dahil kay Judy ann, eh kahit mayor hindi sya mananalo!
Post a Comment