QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, February 22, 2010

WANTED TEXTMATE


Hindi ba usong uso ang mga textmate-textmate na yan sa atin? Eh di ba halos tadtad ng mga cellphone number ang mga upuan ng bus, CR at kung ano ano pang pwedeng sulatan. At dahil tungkol sa textmate-texmate nay an ang pinag-uusapan natin, may ikukuwento ako sa inyo. Naks

Kwento 1:

Mayroon akong kabarkadang babae na itago natin sa pangalang Me-an. Si Mean medyo isang babaeng mahilig magtextmate, palibhasa naka-unlimited call sya kaya malakas ang loob nyang makipag fonepal/textmate. Dahil maganda ang boses ng barkada ko na yun eh meron syang naging katextmate/fonepal, at itatago natin sa pangalang “Loverboy”. Medyo hindi kasi kagandahan si Mean, kaya naman nahihilig sya pakikipagfonepal/textmate na yan.

So to cut the story short, naisipan nilang mag-EB (eyeball). So heto na, dahil babae si Me-an, nagpasama sya sa akin para meron daw syang bodyguard. Usapan nila magtatagpo sa SM-Cubao (wow sosyal na sosyal), sabi nya sa akin magtago daw ako para hindi isipin ni “Loverboy” eh may kasama sya.
.
Napag-usapan nila na magre RED sila, para madaling magkakilanlan. So si Mean, suot suot nya ang paborito nyang TSHIRT na Red na may Power Ranger sa gitna este may Winnie the Pooh Character pala. Red kung red ang suot nya, para madali raw syang makilala, pulang pula din ang lips nya at kuntodo make-up din sya (mukha syang nakipagbangasan ng mukha sa hitsura nyang yun). So usapan 3:00PM sa tapat ng Jolibee.

Heto na alas 3:00 na ng hapon, pero wala pa rin si Loverboy. Medyo kinakaba-kabahan pa nga si Me-an eh. Makalipas ang 30 minuto wala pa rin si Loverboy. Kaya duon na ako nagduda, na baka hindi sinipot ni Loverboy si Mean dahil nakita na nya na hindi maganda ito.
.
Kaya iginala ko na ang aking mata , at may nakita akong 2 lalaking, nagtatawanan sa gilid ng Jolibee. Medyo nagduda ako sa dalawang yun, at ang malakas ang kutob kong isa sa kanila si Loverboy. Kung tatanungin nyo ako kung ano hitsura nila, ang masasabi ko lang ay…………mukha silang TAKURE. (kapal ng mukha nilang indyanin ang barkada ko)

So lumapit na ako sa isa sa dalawang lalaki

AKO: Hoy!!! Ikaw ba si Loverboy?

Lalaki 1: Hello???? Naka RED ba ako?? Tingnan mo nga blung-blue ang suot ko.

AKO: Eh gago ka pala eh paano mo nalamang RED ang dapat mong isuot.

Lalaki 1: huh?? (natuliro ang gago)

Hayun nagtatakbo sa takot ang dalawang kumag, dahil kung hindi pupulutin nila sa sahig ang ngala-ngala at gilagid nila. Pinuntahan ko na si Me-an dahil wala na syang tatagpuin pa. Medyo ayaw pa nga nya eh, pero nung sinabi kong ililibre ko na lang sya sa Greenwich hayun wala ng sabi sabi, sumama na. Eh makaraan ang isang araw hayun umiiyak si Mean dahil di na raw sya tinetext at tinawagan ni Lover boy. Kaya sabi ko manghula na lang uli sya ng number para may bago syang textmate.Hehhe

Kwento 2:

Si Caloy (di tunay na pangalan) isang barkada ko ring mahilig sa textmate. Feeling nya masyado syang ma-appeal kahit alam kong sya lang ang nakakaalam nun. Medyo mahangin at pakiramdam nya eh kamukha nya si Dingdong Dantes, kahit alam naman ng mundo na mukha syang……. tenen.....DOORBELL ( Dingdong rin naman). So heto na nga dahil nga nagkaroon sila ng usapan ng textmate nyang si “Pinky Pink” (hulaan ko peyborit nyang color….RED). Mag-eeyeball sila sa Odyssey Music Store sa SM North Edsa (SM na naman?), usapan nila magsusuot naman sila ng PINK (suggestion yan ni Caloy).

So heto na dumating na kami sa Odyssey ng mga 5:00 PM, pero may napansin ako kay Caloy.
.
Ako: Tae ka pare, eh di ba pink ang usapan nyo, bakit ka naka Green?

Caloy: Gago ka ba, eh paano kung panget si Pinky, eh di lugi ako!

Ako: eh paano kung maganda, eh naka-green ka naman.

Caloy: Wais to bro, may baon naman akong poloshirt na pink!

Ako: Okay !ikaw na ang matalino!

So heto na alas 5:20 wala pa akong nakikitang nakakapink sa loob ng Odyssey, at para kaming mga shoplifter na tingin ng tingin sa mga tao sa loob. Habang naglalakad lakad kami, may napansin naman akong dalawang babae na bulungan ng bulungan sa may kanto ng Odyssey. Pakiramdam ko sya si Pinky Pink, pero nagulat ako kasi………………… naka-VIOLET sila. Kung itatanong nyo ang hitusra ni Pinky Pink, ang masasabi ko lang ay…… bagay na bagay sila ni Caloy! Pakiramdam din nya maganda sya,kahit alam ng mundo na mukha lang syang nagdedeliryo! hehehe

Nagtataguan silang dalawa, at dahil nakahalata na rin si Caloy na si Pinky Pink ang babaeng nakaViolet, Kinumpirma nya sa pamamagitan ng pagtawag nito. At nung biglang nag-ring ang cellphone ni Pinky Pink, nagtatakbo si Pinky Pink palabas habang tumatawa.(parang mga tanga lang!)

Ako: Ano pre natanso ka no?

Caloy: Oo nga pre buti na lang di ako nag Pink!

Ako: Ganun! (nagkagaguhan na nga sila eh yung kulay ng damit pa ang inisip!hehe)
______________________________
Ngayon syempre ang bawat istorya may moral lesson, kaya ang moral lesson na masasabi ko ay
WAG MAKIKIPAGTEXTMATE,!!

KUNG MAG-EEB MAN KAYO, WAG NG MAGSABI KUNG ANONG KULAY NG DAMIT ANG DAPAT ISUOT!

Yun lamang po!

Maraming salamat!

43 comments:

Jepoy said...

WOw napakalalim naman ng moral lesson ni Drakula!

Kaya pala ang tamad tamad mong mag txt meron palang root cause iyon LOL

Admin said...

Parang ako lang... Haha!


Drake naman... Nag Blind Item ka pa.. Wala bang pic? Baka pwede ako... Haha! Joke lang!

Anonymous said...

bahahaha gelti ako super...gawain ko din kac yan noong nasa college ako pero taga sama lang ako sa mga friend kong nakikipag EB dahil hindi ako mahilig sa textmate churva na yan, mahirap na kac baka hindi magtagpo ang mga expectations nyo....hihihihi

namess ko blog mo drake at ikaw din namess kita... :P

Jepoy said...

Nakalimutan ko palang sabihin na kyot kyot ng doggie na may cellfon. Regulahan mo ako nyan sa birthday ko. Tenchu Mwuahugs!

Life Moto said...

para sa akin siguro malaman mo na dapat ang hitsura bago magkita. be honest sabihin mong tunay mong kulay. huli don't expect. just meet up and be friend. definitely hindi sa panlabas makikita ang tunay na kulay ng isang tao. malay mo ireto kapa sa maganda nyang friend for being honest and sincere mo! chikka.

darklady said...

Ang cute naman ng dog sa picture! ^_^
Wow kabait mo pa lang friend talagang basagan ng face para sa friend.hahahahaha..
Ako dati nahilig din makipagtxt pero 5 months lang din yun cguro after nun sobra na akong naging tamad na mag reply.hahahaha.
Yan ang hirap pag hindi ka ganon kaganda tapos makikipag meet ka at tataguan ka lang pala ng ka meet mo.hmmmmmmmp!!

NoBenta said...

usually ang nagte-textmates ay may angking kakapalan ng mukha. ang lakas ng loob maging pogi at maganda kasi di sila nakikita. kaya hayun, kapag EB na eh walang bayag at mani para magsuot ng damit na may tamang kulay!! hehehe

The Gasoline Dude™ said...

Woo shoo! Eh gusto mo ngang i-text mate 'yung nagtitinda ng SIM card sa airport. LOL

Siguro kung sino-sino na ang ka-textmate mong Arabo d'yan... Hahaha. :)

chingoy, the great chef wannabe said...

wag makipagtext mate kung walang load! nyeta!

DRAKE said...

@Jepoy

Sira kaya di ako nagtetext nun dahil wala akong load! Problema sa iyo di ka nagpapasaload!hehehe

@Mangyan Adventurer

Ano BINGO ba? hehhe hindi kaya ikaw yung katextmate ni Mean??heheh

DRAKE said...

@Lady in advance

Hahha, buti naman at di ka nahihiig sa textmate, sayang lang sa load at panahon lang yun!hehhe! Salamat sa pagkamiss mo sa akin miss din kita!

@Jepoy

Yup kyut na kyut yung doggie parang ako KYUT din pero di naman ako doggie!hehhe (teka ikaw na naman!)

DRAKE said...

@Lifemoto

Parang mga timang nga kuya, akala nila eh ang katext nila mga artista, syempre ang makakatextmate nya ay yung katulad nilang walang magawa kundi magtext!hehhe

@Darkalady

oo nga kaya kung minsan ang sarap bangasan yung mga ganun. Tulad ng kay Mean, kala mong kay ubod sa gandang lalaki! eh mukha namang TAKURE!

DRAKE said...

@No Benta

Yun nga din ang masasabi ko. Kasi parang silang mga tanga, di hindi gawain yun ng mga magaganda at gawpo ang makipagtextmate. Gawain lang yun ng mga nagfefeeling mga magaganda a gwapo. Eh hayun nakuhang pang magkataguan!

@Gasdude

Loko ka ah! Ano akala mo sa akin bading! Hindi ako nakikipagtextmate sa Arabo.......lalo na kung hindi KYUT!hahaha (nabading na nga!)

@Chinggoy

Tipid mong laging magcomment!Kuripot ka ba?LOL Ingat

Xprosaic said...

Basta ako lakas ko mangalaska nung college pa ako... kaya ako... di pumapatol sa mga gustong makipagtextmate at nang baka bumalik s akin ang ginagawa ko noon... ahahahahahahahahahha

SLY said...

"Yun nga din ang masasabi ko. Kasi parang silang mga tanga, di hindi gawain yun ng mga magaganda at gawpo ang makipagtextmate. Gawain lang yun ng mga nagfefeeling mga magaganda a gwapo. Eh hayun nakuhang pang magkataguan!

kaya hindi ako mahilig makipag-textmate e (hahahaha, kapal muks!)

kikilabotz said...

cnu p pwede mkpagtxtmate jan? lonely and single po ako. wahahahaha. ewan nkakatuwa nmn txtmate minsan eh.haha

Anonymous said...

pero may iba din naman na naghahanap ng makaka-text kasi 1) malungkot lang talaga sila, o 2) iniisip nila na baka gaya ng sa pelikula, may something magical and romantic na mangyayari. haha. pero tama ka. mas madalas, trip-trip lang din o masyado lang talaga silang maraming load. :)

napadaan lang po!

gillboard said...

gawain ko din yan noon.. pero di na ngayon.. picture muna bago eyeball para di sayang pamasahe... hehehe

Adang said...

buti nalang madalas akong walang load,,,

Kosa said...

Dahil sa mahalagang aral na ito ay mareresolba na ang Problema sa Tagtuyot ng Pilipinas.

________________

parang napaka-Bitter mo sa pakikipagtxtmate.. lols
i think, minsan sa byahe ng buhay mo, naglupasay at nag-iiyak ka na dahil lang sa Txtmate. wahaha

glentot said...

Lesson learned I think ikaw si Caloy.

Dapat kasi may MMS para kita agad ang mga pagmumukha.

2ngaw said...

Hehehe :D Naiyak naman ako sa moral lesson nito lolzz

Wag ka mag load para di ka na makapagtxt :D

Unknown said...

let say,,, matagumpay naman ang EB, walang nang one-way...


ano susunod na gagawin?

ikot ikot lang sa mall?

DRAKE said...

@Xprosiac

Isa ka rin palang dakilang alalay ng mga nakikipag EB hehe! Ayos ah! O baka ang totoo ay ikaw ang nakikipag EB!hehhe

@SLY

Naks naman yan ang tinatawag na fighting spirit! Ako rin kasi nakikipagtextmate ako eh!heheh! Hayaan mo sa susunod kukuwento ko!

DRAKE said...

@Chubster

Tamang tama ka sa laaht ng sinabi mo! Salamat ng apala sa pagdalaw sa aking munting kwarto sana madalas ka sa pagdalaw dito!ingat

@Gillboard

Naks ayos yan ah! Picture muna bago eyeball. Kailangan makilatis muna ang isda bago kainin! Pwede, tapos pag olats! Wala kalimutan na!hahah!

DRAKE said...

@Bosyo

Ako din halos wala din akong load, pero masarap din makikipagtextmate lalo na kung papasahan ka ng load!hehhe

@Kosa

Oo at ito ang masasalaba sa atin sa kahirapan. Tungkol naman sa pagiging bitter ko, medyo di naman ako umiyak....naglulupasay lang!hahha

DRAKE said...

@Glentot

Paano mo nalaman yun!ang galing mo talaga!hanga na talaga ako sa talino mo bro!hahaha

@Lord CM

Medyo sabo ko nga kay Kosa ito ang mag-aangat sa atin sa kahirapan. Pero may UNLITEXT na ngayon kaya kahit magtataho nakaunlimited.hehe

@Ollie

Uhmmm pwede siguro silang manood ng sine. Tapos kakain sa resto, pero di sila mag-uusap sa bibig, mag-uusapa sila sa text kahit magksama sila!hehhe

Trainer Y said...

weh if i know.. mei katxtmate ka rin jan eh... ilan ba? at anung lahi? hehehehe

KESO said...

hahaha. guilty din ata ako pero nung highschool pa yun. nttwa ako. hahahaha. sa totoo lng mga kbtaan lng mhilig sa gnyan, nauso n kse unlimited. heto pa sbi nga nila pg smart user ka mahirap ka pg globe ka mayman ka kse dw mapapansin mo sa mga upuan ng bus sa mga pinto ng public cr, karaniwang nkkpgtextmate ay smart user. hehe. may nkpgsbi lng. lhat n napansin. haha.

kikilabotz said...

ang daya hnd nagresponse sa una kong post.hehe. gnda pa nmn ng banat ko dun. ahehe

Noel Ablon said...

Naalala ko tuloy yung dating prend ko na may email address na piolopogi something. Natatawa pa siya nung sabihin niya na yun ang email niya - siguro alam niya kasing nakakatawa hehe! Pag nakakakita ng girl na lumingon sa kanya ay sinasabing may gusto sa kanya. Pero sa aking personal review, mukha rin siyang takure hehe! at ang malala mukhang may krash siya kay Piolo! waah!

Thanks for making me laugh adik na bro!

DRAKE said...

@Yanah

Hahhaa! paano mo nalaman may katexmate din ako dito?hehhe! Meron nga!

@Keso

Huuu, aminin mo nakipagtextmate ka then nakipag eyeball ka rin!hhehee!Kmusta ba ang EB?

DRAKE said...

@Kikilabotz

Sorry bro bigla lang akong naduling pero hindi ibig sabihin nun hindi kita lab!lab na lab kita kaya wag ng tampo!hahhaha! Hayaan mo may makakatextmate ka rin!hehe

@Noel

Sigurado bang yung friend mo na yan ang sinasabi mo?baka ikaw yan? May nagsabi na ba sa iyo Noel na kamukha mo si Piolo?? Kung wala pa, eh buti naman!hahha

Null said...

Babala:

Wag makipag-EB sa katext na walang FB!

I thank you. Bow! =)

Jepoy said...

@Roanne

Idagdag mo narin ang FB na wala namang totoong picture or picture na nakasideview parati. Yun lang :-D

Noel Ablon said...

Ikaw talaga, saan mo na nahugot ang idea na ako yung nabanggit ko? Mas aaminin ko pang mukha akong takure kesa hawig ni Piolo no.

At tanong mo kung may nagtanong na ba sa akin kung kamukha ko si Piolo ay wala dahil malayong-malayo.

Ken said...

Hi Drake, ngayon lang ako nadalaw dito kasi natatakot kasi ako sa mga horror movies, alam mo yun, hehehe

anyway. got your email. Ill email you back once nasort ko na ha.

textmate ba hanap ng aso, or chat mate or katelebabad? hehehe

nung kumuha ka ng trophy, may nakapagbulong sakin na magandang lalaki ka pa daw kaysa kay Piolo. hehehe

Ayan Noel. Kampi tayo!

DRAKE said...

@Roanne

Ganun ba?Mukha ba ang pinantetext?hehhee! Ayaw mo bang makakagulatan na lang kayo pag nagkita kayo at sasabihin "Ayyy! halimaw!"haha

@Jepoy

Umeepal ka naman dyan Jepoy! Hehhee

DRAKE said...

@Noel

Apekted?? Totoo nga! Ikaw nga yun!hahah Joke lang! Oo nga kamukha mo nga si Piolo, ayaw mong maniwala sa akin (insert ngising aso here)

@Kuya Kenji

Salamat po! Ganun po ba?Hindi naman po ako yun? Si Piolo po talaga ang pinakuha ko ng trophy ko!hehhe

Unknown said...

buti na lang hindi ako nahilig sa texmate2 na yan.. aw once lang pala, eh yung katxmate ko ang nagpupumilit, magpapakamatay daw(ganun?,) niloloadan pa ako para lang may katextmate daw xa (sino ba naman ako para tumanggi sa grasyaaaa!).. mwahaha..

Kaye said...

Haha! Gawain ko yan dati. Pero salamat sa Friendster(Uso noon.), alam ko kung karapat-dapat bang kitain. Kaso, hindi din ito makatotohanan since PHOTOGENIC ang mga gago.

Ang kwento:
May nakilala ako sa text. Naturang mabait ako. Niligawan niya ako and sinagot ko siya ng di ko alam. Siguro ay bata pa ako nun. Nagkita kami. Lintek. Yun na lang ang masasabi ko. Ayaw ko idescribe. :))

mr.nightcrawler said...

weh... di nga parekoy? meron pa ring nakikipagtxt-mate? haha. cge na nga. at talagang chaperone ka ha. mahirap palang makipagtxtmate kaya dapat hihingi muna ng picture para waqla nang magtataguan. haha. saka, wala nang pakapalan ng mukha. wahahaha. oh, and by the way, i'm back :P

Unknown said...

hahah! masaya makipag textmate! masaya din maki pag eyeball. un nga lang 85% hindi nyo ma-mmeet nyong expectations nyo. pero suggetions lang bago makipag meet, bkit hindi kau mgexchange or mag view muna ng fb, fs, multiply accounts nang sa ganun mgka-idea kayo kung anong itchura meron ang katext mo o ninyo. aun lang... :)