QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Thursday, February 11, 2010

KORNI MO!



Okay in charge na ngayon ako, si Drake na ito at hindi na si Doc.Leng. Okay payn ,alam kong korni sya! At natatawa ako sa kakornihan ni Doc Leng dahil para lang akong nanonood ng pelikula ni Dolphy noon na sinasabuyan ng ihi ang mga extra at binabambo ng dyaryo si Panchito.


Sa totoo lang, takot ako sa mga “Clown” noong bata pa ako. Hindi ko nga alam kung bakit sya ang mascot ng “Mc Donald” dahil mukha syang MANDURUGAS. Hindi sya nakakatuwa at hindi sya nakakatawa, basta nakakatakot ang pagmumukha nya.


Tuloy ubod ng daming umiiyak na bata tuwing may clown sa children’s party. Dahil pakiramdam nila kakainin sila ng ubod laki nyang bunganga (syempre make-up lang yun) at iilaw ang ilong nilang kulay RED.


Kaya nga nilagnat ako noong grade three pa ako , noong minsang umaten ako sa birthday party ni Shiela (yung kaklase kong mukhang patatas). Epal kasi yang si Shiela, lakas mambuska. So hayun nga umaten ako sa birthday nya dahil gusto kong kumain ng hotdog in stick, pasta na may ketchup (nagpapanggap na spaghetti), at super dirty ice cream ( as in kumakatas ang kamay ni manong sa ice cream) .


Nag-iisip na rin ako ng taktika noon kung paano ko babasagin ang palayok at paano ko makukuha ang trak-trakan sa “pabitin” ni Shiela. Nagpapapraktis na rin ako noon kung paano ko mapapahaba ang salitang “HAPI BERTDEY SHIELLLLAAAAAAAAAAAAAAAAAAA” . Ika nga Kariran kung kariran at buwis-buhay na ito!

.

Habang nag-iisip isip ng taktika at pasimpleng nagpaparaktis ng “Hapi bertdey Shiela”, bigla akong hinila ni Shiela at idinukdok ang pagmumukha ko sa Clown na nakatago sa may pinto. (alam ko kinuntsaba nya yung clown).


Nagulat ako sa nakita ko!Nandidilat ang mata ni Manong Clown, tapos puting puti pa ang mukha nya dahil sa Chinchansu (korni). Kaya naman sobrang takot na takot ako noon, at nagtatakbo ako sa Ate kong nagpapapraktis din ng “Hapi Bertdey Shiela” (pokus na pokus pa sya noon habang bumubulong bulong na kita ang litid sa leeg).
.

Tawa ng tawa ang mukhang patatas na si Shiela, habang ako naman ay mukhang lalagnatin na sa takot. Hindi ako sumali sa mga palaro dahil sa takot.Nakuha ni Apeng (yung kaklase kong mukhang pusa naman) yung trak-trakan na pinapangarap ko at si ate naman ang nanalo sa pahabaan ng “hapi bertdey Shiela” .Nakakuha sya ng isang kahong Pretzel at isang supot na Bazooka Bubble Gum na isang buwan nya atang nginuya (at di sya namigay ang bwisit).


Heto ang piktyur ko noong bertdey ni Shiela (suot ko pa ang maswerteng party hat na kulay red)








<------ Pamatay sa bangs! (bangs kung bangs)











Galit na galit ako kay Shiela, dahil mukhang pinagplanuhan nya yun. Doon din nagsimula ang takot ko sa Clown. Mula noon, hindi na ako pumupunta sa party kapag may clown akong nakita, umuuwi na agad ako. Nagpapabalot na lang ako ng handa sa ate kong tirador ng “birthday party”.
.

Ngayon na lang noong lumaki at nagka-isip na ako (ng konti) eh saka ko lang naunawaan ang lahat. Maari ngang nakakakatawa ang mga clown at maari ring nakakatakot sya. Pero ang layunin talaga nila ay magpasiya ng tao. Kaya may clown at kaya sila nasa Birthday party. Pero ibat- ibang bata, iba iba din ang pagtanggap nila sa clown.
.
Okay bakit ko nabanggit itong Clown? Wala lang gusto ko lang din sabihin na hindi lahat ng nakakatawa sa akin ay nakakatawa sa iba. Kumbaga sa clown hindi lahat ng bata ay natutuwa sa kanya, yung ibang bata natatakot sa kanya. Kaya kung ang kagandahan ay depende sa tumitingin. Ang “humor” ay depende din sa taong nanonood, nakikinig o bumabasa nito. Ika nga ni pareng wiki: .
.
“The question of whether or not something is humorous is a matter of personal taste”


Ako madalas korni talaga ako, madalas din pilit ang patawa ko. Pero ano pa man yun masaya ako kasi may mga taong napapasaya ng mga kwento ko. Okay na ako, kahit di kayo humagalpak sa tawa, o umutot sa sobra katuwaan, o lumabas ang utak nyo sa laki ng pagtawa nyo. Masaya na akong ngumiti kayo dahil sa kakornihan ko. Hahaha!


Iba-iba ang tao, magkakaiba din ang lebel ng kanilang kasiyahan. Marami sa atin ang mababaw, marami rin sa atin ang kahit kumain ka pa ng apoy habang tumutugtog ng plawta eh hindi mo man lang mapapangiti. Pero ano pa man yun, nasa kanilang paghuhusga kung ano ang nakakatawa at kung ano ang hindi. Maigsi lang ang buhay, tumawa ka lang at maging masaya.Hindi mo na kailangan mag-isip o humanap pa ng rason para tumawa .Basta tumawa kung natatawa ka talaga , dahil libre naman ito at walang bayad.


Mga kautak gusto kong iwanan sa inyo ang linyang ito:


“A sense of humor... is needed armor. Joy in one's heart and some laughter on one's lips is a sign that the person down deep has a pretty good grasp of life" - Clifton Paul Fadiman

Ingat,


39 comments:

darklady said...

OO nga kakatakot yung mascot ng MCDO,lalo na yung pinturahan lang ang mukha. pero nung minsan na magpunta ako sa SM nakita ko si ronald mcdonald na mascot nila na cute naman,hindi kasi sya yung pininturahan lang yung mukha. As in mascot talaga sya na katulad ng kay jollibee di suot ang costume. Nagpapictue pa nga ako sa kanya e.hahaha.cUTE! parang bumalik lang sa pagkabata...

Anonymous said...

takot din ako sa clown nung bata ako may napanuod pa kasi akong movie nun na pumapatay ng mg bata yung clown isa yun sa mga unang ala ala ko mga clown kaya natakot ako sa kanila.

actually kay jollibee natakot din ako nung makita ko ng personal. para kasi akong pinandidilatan sa laki ng mata nya. haha

Jepoy said...

Kelangan may mag eexplain na nagaganap?!

Akala ko si Jepoy lang ang defensive sa mundo, hindi rin pala.

Natawa nga 'ko sa post mo sabi ko hihihihii.

Eto naman ang two cents ko. Kung ang layunin mo sa pag susulat ay mag patawa tapos meron hindi natawa ay nakakalungkot nga 'yun subalit kung ang layunin mo sa pag susulat ay mag share lang ng kaganapan sa buhay mo kebs kebs kung may matawa o hindi, in the first place blog mo naman to. Kaya wag ka ng affected kung meron ka mang narecieve na hate mail. At online ka pala! HMP!

DRAKE said...

@Darklady

Ganun kumuyut na si Ronald Mc Donald, siguro napag-isip isip nila na hindi pambata ang pagmumukha ni Ronald Mac Donald

Salamat sa pagdalaw.


@Don dee

Salamat sa pagdalaw mo! Si Jollibee naman kyut! At peyborit na peyborit ng pamangkin ko yun! PAg hinaharap si Ronald McDonald takot na takot naman!

Salamat sa pagdalaw!

DRAKE said...

@Jepoy

Potah ka! Di ako nag-eexplain! San nanggaling yang sinasabi mo na yan!Hehhee

Marami bagay na masarap gawan ng kwento at ikonek sa buhay natin. Pramis yun lang yon!

Pakiss nga sa wetpaks mo!LOLS

Ingat

Jepoy said...

@Drake

Ayan ka nanaman sa salisaliwat mong analogy!

Makatulog na nga!

EngrMoks said...

Takot din ako sa clown pero mas gusto ko naman si Mcdonald kesa kay jollibee...

chingoy, the great chef wannabe said...

korni na kung korni... pogi naman hahahaha!!!

kikilabotz said...

wahahaha. nging nakaktakot nga yung clown yung napanood ko yung shake rattle n roll dati eh.nakaktrauma pa naman mga palabas ng shake rattle n roll.wahahahaha.psssst member ako ng mcdonals club nung bata pa ako. lalo n yung nauso yung batang x. sila kasi sponcor nun eh

2ngaw said...

Eh si Jollibee pre, trip mo? lolzz

Unahan lang yan parekoy eh, pagbakasyon mo next time punta ka mcdo, gulatin mo si mcdo, ewan ko lang kung di sya matako at maranasan ung naranasan mo dati hehehe

DRAKE said...

@Jepoy

Oom matulog ka na nga puyat ka lang!whahhaa

@mokong

Welcome sa aking kwarto sana madalas ka rin dito! dalaw din ako site mo! bkit ayaw mo kay Jolibee?hehhe

DRAKE said...

@chingoy

naks naman sa mga banat!Gumaganun ka pre ah!

@Kakilabotz

Hahha, akalain monmg member ka nyan.Eh di ibig sabihin nyan, mayaman kayo kasi nakakapag mcdo kayo!hehhee! Kmi nga nung nagcollege lang ako saka lang ako nakakain ng Jolibee at mcdo!pwamis!heheh

DRAKE said...

@Lord Cm

Dito sa saudi meron namang MCDO kasi bawal sa kanila si Ronald Mc donald. Di ko nga alam kung bakit eh?

Hayaan mo pag nagkita kami ni Ronald mcdonald ikikiss din kita sa kanya

Unknown said...

mahirap talagang hulihin ang kiliti ng tao.

different strokes for different folks.

pero kapag nag meet na kayo sa iisang wavelength, umpisa na yon para maging close na kayo. Basta ba walang utangan, mag kakasundo tayo. LOL

Xprosaic said...

Ako, korni ako... jijijijiji... eh ano naman! jijijijiji... walang basagan ng trip... jijijijiji

NoBenta said...

lintek yang mga clowns. Talagang tinatakot lang nila ang mga bata. Lalo na kapag unano yung payaso. Sarap tirisin! Isama m na rin ang mga mascot. Natutuwa ang mga bata pag nakikita sila sa tv. Pero pag nakita na si jollibee, takbuhan na sa ilalim ng mesa!

The Scud said...

ayos ang pichur. mahaba ang bangs. rocker na rocker. haha.

Adang said...

wala talagang madududlot na mabuti yang clowns,takot din ako sa clowns.

Kosa said...

at dahil TAKOT ka sa mga clown ay apiiiir tayo dyan (hindi dahil takot din ako kundi dahil, natutuwa lang ako..hehe) feeling ko kase napakabitter mo sa mga napagdaanan mo nuong bata ka lalo na sa mga clown.

at talagang ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi mo sa mga clown.. taena pero all-in-all natawa naman ako ng very very slight.

sa bungad parang walang kakwenta kwentang post pero sa huli para kang isang NAnay na nagbibigay pangaral sa mga tsismosa at tsimosong kapitbahay..lols

gillboard said...

ang tingin ko sa clown hanggang ngayon... creepy.

nagsimula yan kay German Moreno...

glentot said...

Ang ganda talaga ng blur effect nung picture... High school ka na dun?

...isa na naman ito sa mga nakakatawang post na seryoso yung dulo...

Dhianz said...

Hangsosi may internet ang cell nang ate koh kayah nakigamit. Dumaan kc ditoh sa haus ung isang ate ko. Eniweiz takte kc one minute per word atah akoh. Ang bagal koh kc mas sanay akong mag type than txt style. Nde koh na alam kokoments ko kc am lost not for words but letters. Lolz. Kc nangangapa ako nang letters. Teka usapang clown noong nag party ung niece koh ung clown na hinired nila eh nagpalit nang clown costume mismo sa harap nang mga bata which was cool. Kc dme ang takot sa clown. Cge pagod na akoh. Typing ko 80 words per minute siguro pero itoh ahh ewan. Haha. Laterz. Godbless.

RHYCKZ said...

buti pa kayo nakaranas ng bday party na may clown, sa amin ikaw mismong may bday ang gagawing clown...

Null said...

hindi lahat ng clown masaya... ung iba may mga nakatagong lungkot sa likod ng mga puting pintura sa mukha at kanilang mga ngiti.

bakit blurred ung pic? ikaw ba'y nalo-longkot din parang clown? :)

ch!e said...
This comment has been removed by the author.
ch!e said...

actually takot din ako sa mga clowns..
ewan ko..siguro kasi baka maybe mayroon silang maitim na katauhan at intensyon na itinatago lamang ng nakangiting maskara at makulay na kasuotan. (nginig..)
:p

minsan, pumunta ako sa isang birthday party. nandun si jollibee. pagdaan ko malapit sa kanya, binatukan ako. hindi naman malakas pero napikon ako ng konting-konti. si dodoy pala, classmate ko nung college. buti na lang at di ko sya dinumog sa harapan ng mga bata. tumawa ako nung sumayaw sya ng totoy bibo kaya parang nakaganti na rin ako. di ko maisip na marunong pala syang sumayaw. mukha kasi syang bouncer kung di naka-costume.

Jag said...

HIndi ko alam kung sira ang mata ko o sadyang blurred lng ang pic...hahaha nagpakita k p ng pic adik! jijiji...

Ako nmn, gustong mkakita ng clown nung bata p ako kaso d nmn ako nagkaron ng bongganga bonggang children's party eh o kaya nka-attned ng children's party jijiji...

NoBenta said...

may panahong natuwa ako sa mga mascots. Yung time na lumabas ang sex scandal ni jollibee at twirlie!

KESO said...

hahaha at kuya, tuwang tuwa ako sa bangs mo. bangs palang natatawa na ko. hahahaha. at tinitigan ko sya ng 5 mins. hahahaha.

SLY said...

ako ma'y takot din sa clown at lalong-lalo na sa mannequin. lintik na mga estatwa yan! kaya kung namamasyal kami sa mall, kapit-tuko ako ke nanay..di ko tuloy nae-enjoy ang lakwatsa..

ingat!

DRAKE said...

@Ollie

Tumpak, pasok na pasok sa banga! Heheh! ibat ibang tao nga iba iba ng rason kung bakit sila tumatawa, pero pag nagswak na riot to

@I am Xprosiac

Trip trip lang yan pre, kaya wag na tayong eepal sa trip ng iba!

@No benta

Bakit yung pamangkin ko gustong gusto nya si Jolibee!heheh! Ako rin gustonng gusto ko sya! hehe

DRAKE said...

@Scud

Yup, bangs kung bangs ang tawag dyan! Puge di ba?

@Bosyo

Kaya nga wala naman atang natutuwa dyan sa mga clown na yan eh!

@Kosa

Di naman akong muhing muhi! Sakto lang (parang coke). Hahah! Natawa naman ako sa sinabi mong parang nanay na pinagagalitan ang mga chismosa sa kanto!heheh!Hayaan mo sa sussunod direkta na kitang papagalitan!hehhe

DRAKE said...

@Gillboard

Oo nga sisihin natin si German Moreno! Naalala ko pa yung pelikula nya dati! At takot na takot ako dun kahit hindi yun horror.!hehhe

@Glentot

Aminin mo hindi ka natawa tae ka! Plasticccccccc ka!hahahha! Oo highschool pic ko yan!

@Dhianz

Mukhang hindi ka naman nagcomment sa post ko kundi sa dahil sa internet sa phone ng ate mo!heheh!Sosyal naman ang niece mo may clown!Sana sa bday ko may clown din!hehhe

DRAKE said...

@Scofield

Hindi nga ako nagkaroon ng cake, clown pa! nakikibertdey lang ako sa may birtdey!heheh

@roanne

Yup, clowns are also human! naks! Tao rin sila na may emosyon. At walang taong laging masaya sa buhay!

@Chie

Nagtrabaho ako Jolibee at per oras ang bayad nila. Kaya kailangang sulitin ang bayad sa kanya. S akanila kahit panget silang sumayaw kyut pa rin silang tingnan kasi naka mascot sila. Pero alam ko karamihan sa kinuha sa ganyan magagaling talagang sumayaw!

DRAKE said...

@Jag

Hindi naman malabo ang mata mo, malabo lang talaga ang pics ko! Naks laoit ng umuwi tyak excite na excited ka ah! Pasalubong ko ha, paki DHL na lang!

@No Benta

Ako din, natuwa ako dun!hahaha! Parang pwedeng ipantapat sa hyden kho-katrina scandal!hehe

@Keso

Mukhang aliw na aliw ka sa bangs ko! Kung di mo naitatanongn hnaggang ngayon ganyan pa rin ang bangs ko!hehhe

@Sly

Ikaw din pala takot sa clown! Bakit nga kayang ginawang pambata yun eh ang dami naman palang takot dun!hhehe!

Ayie Marcos said...

Totoong pamatay ang bangs. Buti hindi natakot ang clown sa bangs mo? Like the post, talagang mahirap magpatawa--lalo na kung ikaw mismo hindi matawa sa sarili mong jokes diba?

Pero totoong nakakatawa ang mga kabataan nating nagdaan...yun yung mga memories na masarap balik-balikan at isulat sa blog.

DRAKE said...

@Ayie

Namiss kita! Bakit ngayon ka lang uli nadalaw sa blog ko?hehhe

Ingat lagi!

Anonymous said...

ikaw ba ang ama ni bangs garcia? lol

Anonymous said...

gara ng bangs mo ah...lolz!....pero ganda ng pagkakasabi mo,, tama naman may kanya-kanya taung taste...kung sa iba hndi ka nkakatawa at least sa isa oo...hehehe....