Ayokong pag-usapan ang usaping puso,dahil nababaduyan ako. At dahil pakiramdam ko gasgas na gasgas na ang mga ito. Hindi rin ako gaanong nanonood ng mga “romantic movies" dahil kinakahon nito ang kaisipan at ideya natin tungkol sa pagmamahal. Mahilig ako sa musika pero napapansin ko halos lahat ng tugtugin ngayon ay puro kasawian at kabiguan ng pagmamahal. Tuloy binibigyan din tayo ng maling impresyon tungol sa pag-ibig.
Hindi ako nagbabasa ng mga romantic novel, dahil pakiramdam ko masyado nilang ine-exaggerate ang pagmamahal para lamang makabenta sila ng kanilang mga akda.
Sa matagal na panahon umiikot ang persepyon natin sa pag-ibig ayon sa napapanood natin sa pelikula, base na naririnig natin sa musika at mula sa mga nababasa natin sa mga nobela. Tuloy hindi na natin makita ang tunay na katotohanan tungkol sa pag-ibig.
Hindi ako perpekto sa larangan ng pag-ibig dahil ako man ay naging biktima nito. Subalit nitong mga nakaraang araw nabigyan ako ng bagong pananaw tungkol sa pag-ibig. Para sa akin,
1. Huwag mong ibase ang pag-ibig ayon sa iyong emosyon. Hindi ka nagmamahal dahil sa masaya ka at dahil sumasaya ka kasama nya. Dahil kung sakaling hindi ka na masaya kasunod din bang mawawala ang pagmamahal? Kung sakaling galit ka sa iyong minamahal kasunod na rin bang kasusuklaman mo ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay isang pangako, na kahit ano pa ang emosyon mo mangangako kang mahalin sya at mananatili ka para sa kanya.
2. Huwag mong ipangsangkalan ang “pag-ibig” kaya ka naging miserable. Ito’y isang desisyon at hindi bunga ng pagkakataon. Kung nasaktan ka umiyak ka, walang masama sa pagiging malungkot pero ang ipamuhay ang kalungkutan sa ating buhay, iyon ang kailanman ay hindi nakakabuti sa atin.
3. Huwag mong mahalin ang isang tao sa mga bagay na naibigay/nagawa nya sa iyo, mahalin sya sa mga bagay na hindi nya kayang ibigay /gawin sa iyo. . Ang pagmamahal sa kanyang kakulangan ay pagbibigay ng pagkakataon sa iyong punuin ito para sa ikakukumpleto ng pagsasamahan ninyo.
4. Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.
5. Huwag kang magtakda ng obligasyon o responsibiliad sa iyong minamahal. Ang pagmamahal ay hindi isang obligasyon o tungkuling kaakibat ng pagmamal, kundi ito ay ugnayan sa bawat isa. Mula sa unawaan doon makikita ang limitasyon ninyo at mula sa pagkakaintindihan matuto kang maging responsable sa iyong minamahal.
6. Huwag sukatin ang tagal ng pagsasama base lamang sa pag-ibig, dahil ang sikreto ng matagal na pagsasama ay hindi lang nakukuha sa pagmamahal kundi sa “pagkakaibigan”. Na kahit wala na kayong pagmamahal sa isat’isa, mananatili pa rin kayong magkasama dahil sa pagkakaibigan na mayroon kayo.
7. Huwag mong sukatin o bilangin ang iyong naibigay para sa iyong minamahal. Dahil kaya tayo napapagod sa pagmamahal kasi binibilang natin ang lahat ng ating ibinigay at kinakalkula ang mga bagay na hindi pa naibabalik sa atin. Hindi nasusukat ang pag-ibig at lalong hindi ito nilalagyan ng presyo.
8. Huwag mong sabihing “mas mahal kita” sa iyong minamahal, dahil wala kayo sa isang kumpetisyon at huwag mong ikumpara ang laki ng pagmamahal mo sa kanya.
9. Huwag kang maglagay ng “expectation” sa iyong minamahal at huwag ka ring mapaghanap. Sa taong mapaghanap kailanman ay hindi makukuntento, ang taong laging naglalagay ng expectation sa ibang tao kailanman ay hindi masisiyahan.
10. Huwag mong ibase ang pag-ibig dahil lang sa ito’y masarap sa pakiramdam at dahil kinikilig ka. Dahil kapag nawala ang “kilig”mawawala din ba ang pagmamahal? Isipin din na hindi lahat ng “masarap” sa pakiramdam ay nakakabuti sa katawan.
11. Huwag mong sabihing “mahalin mo ako kung ano ako” dahil ang totoong nagmamahal ay nagbabago para sa ikabubuti at ikakagaganda ng iyong samahan.
12. Huwag kang magmahal ng higit pa sa iyong sarili. Ibigay ang nararapat at ibigay lang ang sapat (lalo't hindi nya hinihingi na magbigay ka ng labis). Baka sa huli ikaw ang mawalan . Tandaan ang lahat ng labis ay nakakasama.
13. Huwag mong paikutin ang mundo mo sa isang tao, dahil kung nawala ang taong iyon kasunod din bang pagtigil ng mundo mo? Malaki ang mundo para ipaikot ito sa isang tao. Maraming tao para mahalin, at maraming tao din para mahalin ka.
14. Huwag kang magmahal sa taong hindi ka kayang mahalin. Nauubos din ang pagmamahal lalo na't wala naman syang ginagawang paraan para punuin ito.
15. Huwag mong mahalin ang isang tao dahil lamang sa magagandang katangian nya, mahalin mo ang hindi magagandang nyang katangian ,tanggapin ito at ipamuhay.
.
.
HUWAG KANG MAIN-LOVE SA PAKIRAMDAM LANG NG ISANG TAONG INLOVE!!!
(kaya ka tuloy miserable ka pag-iniwan at kaya ka nabubulagan sa tunay na depinisyon ng "pag-ibig")
******************
******************
Hindi ako naniniwala sa “One True Love”, dahil ang tunay na pagmamahal ay pwedeng makuha hindi lang sa iisang tao at lalong pwedeng kang magbigay ng tunay na pag-ibig hindi lang rin sa iisa kundi pwede rin sa marami,
Hindi rin ako naniniwala sa “Love at First Sight”, dahil ang pag-ibig ay hindi nakukuha ng biglaan. Itoy pinagsisikapan at pinagtutulungan sa pagdaan ng panahon. Ang tunay na pagmamahal ay makukuha rin sa pagpupursigeng paunlarin at pagyabungan ang pagmamahalan,
Hindi ako naniniwala sa kasabihang “Love is Blind”, dahil ang tunay na nagmamahal hindi mata ang ginagamit para makakita, puso ang tumintingin . Kaya nya minamahal ang isang tao hindi dahil bulag sya kundi malinaw ang mata nya para makita ang hindi nakikita ng ibang tao sa kanya.
Hindi ako naniniwala sa “Soulmate”,. Ang pagkakaroon ng isang minamahal ay mula sa ating desisyon at nasa atin kung sino ang pipiliin natin .Hindi ito tinakda at lalong walang pang magpapatunay na may naitakda na sa atin bago pa man tayo isilang. Binigyan tayo ng Dyos ng “free will” para tayo ang pumili para sa sarili natin, kasama na riyan ang pagpili kung sino ang makakasama natin sa buhay. Baka sa pag-aantay sa “Soulmate” na ito, hindi na natin mabigyan ang pagkakataon ang ating sarili na pumili kung sino ang ating mamahalin.
Hindi rin ako naniniwala sa “Destiny”, dahil ang bawat pagkakataon ay likha o bunga ng ating mga desisyon sa buhay. Tayo ang magdidikta ng kapalaran at tayo ang may hawak ng sarili natin buhay.
Marami akong ideya tungkol sa “pag-ibig” na marahil iba ito sa karamihan. Maaari ring marami ang tumaas ng kilay. Pero hindi ko naman pipilit ito sa inyo. Nasa atin naman yun kung ano ang nakakabuti sa atin at kung ano ang hindi. Tayo pa rin ang magdedesisyon kung ano ang papaniwalaan natin.
Hindi rin ako naniniwala sa “Love at First Sight”, dahil ang pag-ibig ay hindi nakukuha ng biglaan. Itoy pinagsisikapan at pinagtutulungan sa pagdaan ng panahon. Ang tunay na pagmamahal ay makukuha rin sa pagpupursigeng paunlarin at pagyabungan ang pagmamahalan,
Hindi ako naniniwala sa kasabihang “Love is Blind”, dahil ang tunay na nagmamahal hindi mata ang ginagamit para makakita, puso ang tumintingin . Kaya nya minamahal ang isang tao hindi dahil bulag sya kundi malinaw ang mata nya para makita ang hindi nakikita ng ibang tao sa kanya.
Hindi ako naniniwala sa “Soulmate”,. Ang pagkakaroon ng isang minamahal ay mula sa ating desisyon at nasa atin kung sino ang pipiliin natin .Hindi ito tinakda at lalong walang pang magpapatunay na may naitakda na sa atin bago pa man tayo isilang. Binigyan tayo ng Dyos ng “free will” para tayo ang pumili para sa sarili natin, kasama na riyan ang pagpili kung sino ang makakasama natin sa buhay. Baka sa pag-aantay sa “Soulmate” na ito, hindi na natin mabigyan ang pagkakataon ang ating sarili na pumili kung sino ang ating mamahalin.
Hindi rin ako naniniwala sa “Destiny”, dahil ang bawat pagkakataon ay likha o bunga ng ating mga desisyon sa buhay. Tayo ang magdidikta ng kapalaran at tayo ang may hawak ng sarili natin buhay.
Marami akong ideya tungkol sa “pag-ibig” na marahil iba ito sa karamihan. Maaari ring marami ang tumaas ng kilay. Pero hindi ko naman pipilit ito sa inyo. Nasa atin naman yun kung ano ang nakakabuti sa atin at kung ano ang hindi. Tayo pa rin ang magdedesisyon kung ano ang papaniwalaan natin.
Iiwanan ko sa iyo ang kahulugan ng pag-ibig na nakasaad sa bibliya, sana magamit natin ito para lalo nating maintihan ang kahulugan ng “pag-ibig”
Mga Taga-Corinto 13:4-13
Mga Taga-Corinto 13:4-13
4Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. 5Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. 6Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. 7Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay.
Maraming salamat at Maligayang Araw ng mga Puso.
30 comments:
bro masyado atang emosyonal ka ngayon. dahil ba sa malapit na araw ng puso. kahit d araw ng puso ay may puso tayong nagmamamahal at handang magmahal na walang kapalit or hinihingi. Katulad ng Agape love.
Pero di ka nageemote ha bro? :)
Wow! ang haba! di ko kinakaya... jowk! Dr. Love ikaw ba yan?! jejejejejej basta ako gusto ko serendipity lang... di pinlano di sinadya pero nagkakilala... jijijijiji
May lovelife kb?
sa lahat ng sinabi mo parekoy eh nakikiisa ako...
Hindi dahil kagaya mo akong bitter sa love kundi dahil my punto ka!
andami yata ng napagdaanan mo tungkol sa sawing pag-ibig kaya naman siguro sa tagal na nun eh lasang papaitan ka na..hehe
Peace
Ang HABA ng dialogue.. pero i love it!
Isa ka talagang Idealist
Napagod akong basahin. LOL. But I like some of your points. 'Yun nga lang, sa larangan kasi ng pag-ibig, as much as possible I don't want to overanalyze.
Saka Feb 14 pa ang Araw ng mga Puso! Haha. :)
hey dr. love mukhang madugo ang iyong mga past relationship kaya madugo rin itong post na 'to... ramdam ko ang emotion mo ah! tumagos hanggang buto! ouch tinamaan ako ng bonggang bongga!
Ayos ang post mo! Mapapakinabangan ko 'to lalo na ngayong tumitibok uli ang puso ko. Wehehe
Thesis mo yan no?
Eto ang pinakanagustuhan ko:
4. Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.
namula mata ko sa kakabasa nito! :)
Si Joe De Mango, ng Blog,
Mukhang Inlove ka ha,,hehheh
@Life moto
Kuya hindi naman ako emosyonal medyo napapaisip lang! Medyo balentayms eh kaya may lisensya kang maging cheesy
@Xprosiac
Naks John Cuisac ikaw ba yan?? Maganda nga yang Serendipity na yan kaysa sa destiny!
@Jam
may ganung mga tanong??? Eh kung sagutin kong OO ano ang masasabi mo?heheh
@Kosa
Bitter ba? Chubra naman yun! Hindi bro, may lovelife naman ako!Kaya di naman ako bitter!hehhe
@Dhon
Oo nga marami ngang nagsasabi nun sa akin! Heheh!salamat sa pagbisita
@Gasoline Dude
Wag mong sabihing Olats ka na naman ngayong balentayms! Naku pare baka magkaong na yan!hahah
@Roanne
Sabi ko sa iyo umilag ka eh! eh sana kahit paano makatulong ito sa ating ng konti!Kahit patak lang ba!
@Sly
Sino naman yang nagpatibok ng puso mo wag mong sabihing.....ARABO yan?hahaha
@Glentot
ako rin gusto ko yang sinabi ko na yan!Hehehe! Gagawan ko nga yan ng isang pang post eh!medyo light ng konti
@Chingoy
kaya ba namula dahil masyadong mahaba at sumakit angmata mo sa monitor??heheh
@Bosyo
matagal na akong inlove heheh! Lapit na uwi ah!Tyak magpapaputok ka kahit hini bagong taon!whahahha
Welcome! Hope you add me up to your bloglist and visit ka naman sa site ko! :)
salamat sa mga advices kuya drake!
inlove?
wow parang di ikaw ito kuya drake..nice naman..^_^
wow.. ahlab d' tagalog version nang bible verse nah 'un... well... i guess ibah iba naman ang definiton nang love... we all see it in different way... we all express it in different way... we all give in in different way... but it all means the same thing... LOVE... natutuwa akoh sa definition moh nagn love.. well... true we don't have one true love 'cause we have bunch of them... pero i think d' most true of all is LOVE from Him... i think He is our one true Love.. hmm... love at first sight... i kinda don't believe on that too... 'cause kung literally pag-uusapan eh medyo superficial... pero hmm... not literally naman... ahhh... love at first sight.. itz kinda like d' first time u ever met d' person... ramdam moh na ang kakaibang pakiramdam... kinda like unexplainable feelings... pero teka... nde lahat nang case nang love is blind eh nagkikita face to face... how 'bout those two people who fall inlove w/ each other... na walang idea how each other look like but fall inlove w/ one another... minahal moh ang isa tao 'cause kung ano syah on d' inside... not ' cause of what he looks like on d' outside... kung wafu.. eh bonus na lang 'un.. haha... i think that's what u call real love.. aahhhh... kinda like our love for HIM... nde naman naten syah nakikita... then why we love HIm so much?... oh devah... so see... He is our one true love and also.. Love is Blind... buhay kah pah kuyah?.. ahaha... nde pa akoh tapos humiritz.. teka.. pagsamahin na naten ang soulmate and destiny... well... nalimutan koh na yung title na book na binasa koh nah 'un... i do believe na may isang taong nakalaan si God juz for yah... before you were even born it was planned... but true we have free will... but if we juz gonna let Him run our life... don tayo mapupunta sa destination. sa path na nakalaan Nyah para sa aten... God wants d' best for us... itz kinda like juz let Him to be d' author of 'ur love story... nangyayari... dumadaan tayo sa lahat nang pains sa pag-ibig... we met different wrong person... kc sa free will nah yan.... who choose the wrong ones... we don't even listen to Him and we juz decide for ourselves... so andyan na sa kanto yung taong nakalaan nyah para sau eh nde nyah maibigan... 'cause... you keep makin' a U-turn... aheheh... hanglabo nah noh???... ahaha... kaw eh... 'bout love eh... alam moh naman akoh eh.. si talk lang eh... pero made a lot of mistakes na ren sa past... teka.. isang hiritz pah... i kinda believe na yung other half naten eh crineate tayo into one soul... then inisplist tayo when we were born into this world.. then later in our life... we'll meet that other person... and becomes one... 'ur soulmate and 'ur destiny... so yeah i do beleive.. if you just let Him.. meron Syang isang taong nakalaan juz for yah... pero since nde pa sya dumadating sa buhay koh.... or dumating na nde koh lang alam eh enjoy koh muna ang moment koh... nde koh pangungunahan si God... for now... juz wanna enjoy mah single life... all d' good opportunities that I have... and spend my precious time with my loving family, friends and lahat nang mahal koh sa buhay... and btw salamat den sau kc God used you para magsilbing inspirasyon nde lang saken kundi sa maraming bloggers kung pano moh mahalin ang pamilya moh... i think that's really very touchin' and inspirin'... i think 'ur a great person inside out... keep writing and keep inspiring us... and no matter wat happen eh kapit lang sa Kanyah... wish yah all d' best... Godbless! -di
p.s. gudlak magbasa.. ahahah... typo error.. eh.. bahala kah nah... intindihin moh na lang... rewired moh yutakz moh.. lolz.. hasta luego =)
gudlak magbasa.. haha.. laterz.. =)
btw humiritz kah nang bonggang bongga.. sayang effort koh... haha.. lolz.. later dr. LOVE daw.. ahaha... =)
Basta ako, balanse lang dapat...tamang puso...tamang isip...
Hindi ako alam kung ano tlga ang ibig sabihin ng pag-ibig pero kaya kong ipadama kung ano ang pagkakaintindi ko dito...
sawi sawi... haha
malapit na ang single awareness day :)
Haha the best ka talaga Dhianz...
@Dhianz
Natuwa naman ako sa comment mo!hehehe!Basta sabi ko nga minsan kasi nabibigyan natin ng maling pagtingin ang "pag-ibig", tuloy marami ang naghihiwalay marami ang nangangaliwa at marami ang nasasaktan!
Para sa kanila, "love" is a feeling at hindi isang commitment at hindi isang bagay na magpapatibay ng samahan.
Marami ang gusto lang ng masaya at kinikilig sila pero once na nawala na yun, hayun fall out of love daw!heheh
Salamat sa comment mo! I really appreciate it!
Ingat
@Jag
Naks naman sa mga hirit mo! Para bang tatama sila sa lotto kung sakaling sila ang pipiliin mo (take note: sila ang ginamit ko!hehhe, plural)
@Anthony
Ano yun? at kelan yun? hehehe! Mukhang sasama ka ah!
@Glentot!
Ganyan ako kalove ni Dhianz!hehehe
ohhh i love your blog pati comment ni dhianzkee..
nwey mahirap bigyan ng tamang dipinisyon ang salitang pag-ibig dahil may kanya kanyang taung pagkakaintndi nito pero isa lang ang alam ko pag nagmahal ka handa kang gawin at ibigay lahat para sa mahal mo pero dapat din bukas ang mga mata/puso/utak mo sa tama at mali....aayy may konek ba?lolz!
ahh basta isa lang masasabi ko,, masarap magmahal :D
and isang hirit pa........about one true love?!..tama si dhian God is our one true love and if you will love Him more lahat ng desire ng iyong puso ibibigay nya in His perfect time..
God bless drake....mwuah!
fisrt time ko mapadpad dito... nakakgising ung mga sinabi mo sobrang tinamaan ako sa 14. pero bago ko mabasa ung 14 naicip ko san b ako dapat lumugar. nakakatuwa :)
Post a Comment