Hindi ako mahilig sa party, lalong hindi ko trip ang makinig ng mga kay iingay na mga music. Di rin ako gaanong pumupunta sa mga comedy bar dahil puro laitan lang ang nandun (pero minsan masarap pa rin pumunta). Hilig ko ang tumambay sa mga “chill-out place” ko kung tawagin. Tamang ambience, tamang usap at tamang inom ng san mig light. At ito ang mga napuntahan ko noong nagbakasyon ako bukod sa Enchated Kigdom (Jologs ko!hahah)
Mogwai
Yan ang madalas kong puntahan tuwing uuwi ako (sa Cubao lang to) Masarap tumambay dyan, dahil walang basagan dyan ng trip. Karamihan mga indie film directors ang mga nandyan at may film showing din sa 2nd floor nito (mga indie films din). Kalimitang mga estudyante (yung mahihilig sa art) at mga stage actors/actresses ang madalas din tumambay dito. Masarap dito walang mangingialam kahit umutot ka, mangulangot, manghinunuli at kung ano ano pang trip mo. Basta kwento mo kwento ko. Walang gaanong music tamang usap lang talaga at malamig na beer. (Presyo ng San Mig Light 45)
Edsa Shangrila Hotel
Nagpunta kami sa pinakalobby ng hotel na ito na kung saan merong bar dun. Mahangin ang itaas at may overlooking pa ng cubao/ortigas dahil nasa itaas ka nga ng hotel (kulit mo ah!). Halos walang gaanong tao dito dahil konti lang din ang tumatambay. Kaya dito masarap makipagkwentuhan at kumain ng Dingdong. Karamihan puro mga foreigner ang makikita mong nandun (kasama ang mga asawa nilang Pilipina na mukhang katulong..... sa buhay! Hindi sa bahay, okay!Sama nyo!) kahit humilata ka sa upuan, walang mangingialam sa iyo. Yun nga lang mala ginto ang presyo ng mga pagkain dito (Presyo ng San Mig light 150)
Tagaytay
Napakasarap tumambay dito dahil bukod sa malamig talaga ang lugar medyo maganda rin yung mga music na mapapakinggan mo dito.Tapos makikita mula sa itaas ang mga mala-alitaptap na mga bahay sa ibaba.Medyo mahaba lang ang byahe pero sulit naman. Masarap ang mga pagkain at mukhang kay babait naman ng mga tao dun at kami lang ang hindi, hehehe! (Presyo ng San Mig light 45)
The Fort-Serendra
Medyo okay din dito kahit maraming tao pero masasarap naman yung mga pagkain nila dito lalo na yung mga pasta -the best. Saka yung mango icre cream cake ba yun!Sarap talaga! Maingay lang dahil nga halos napakaliit ng lugar pero solb naman nga sa pagkain, mura pa! kaya okay na rin (Presyo ng San Mig Light 45)
*Bakit may presyo ng San Mig Light dyan? dahil yan ang madalas kong inumin!Walang pakialaman.
Dyan ako madalas pumunta dahil ayaw ko talaga ng magulo!Kasama ng mga barakda kong mahilig din sa kwento.
Moving on…………………………………….
EB NG MGA BLOGGERS
Si Jepoy at Glentot ang aking kinontrata noong nagbakasyon ako. Medyo sila ang nakasama ko sa kaguguhan at kapuwitan. Dahil na rin isang RICH KID si Jepoy, nilibre nya kami ni Glentot sa ubod na sososyal na kainan.(ngayon, alam nyo na kung sino ang kikidnapin)
Tapos madalas din kaming tumambay sa paboritong tambayan ng mga Jologs ang dyaran……STARBUCKS!! Hindi naman ako mahilig sa kape pero mahilig ako sa hot chocolate nila kaya madalas yun at iyon lang ang inoorder ko.
Pagkatapos ay nagpapampam si Glentot at gustong gusto nyang manood ng Porno este ng AVATAR. At dahil dyan nagThreesome kami sa panonood ng Avatar. Nanood kami sa mumurahing sinehan lang naman ito ay ang…….. IMAX. At grabe sa ganda ng graphics tapos feeling mo pa tinatamaan ka ng boobs este ng pana ng bidang babae dahil nga 3D (you know). Sulit ang 500 pesos mo, tapos may libre pang shades (pero ibabalik mo rin pagkatapos).Medyo nakatulog lang ako sa una, pero kinurot ako ni Glentot (sa singit) kaya nagising naman ako. Astig talaga yung movie na yun panalo.
At dahil mga mongoloid kami, napagdesisyunan naming regaluhan ang isat isa(Eh kay swet namen!). Ang regalo ko kay Jepoy ay pabango ( na pinipilit nyang imitation daw!Tae ka Jepoy), Car magazine and poster, at keychain (Saudi Flag). Tapos kay Glentot naman ay bag na mamahalin (hoy hindi gawang Divisoria yan! utot ka!, DOCKERS yan!!) key chain at…. at… yun lang!Hahaha yun lang pala. Ako naman ang nakuha ko kay Glentot ay ang Tribal T-Shirt (na mukhang sa lolo nya dahil ubod ng laki), Bag Tag (nakalsulat ang blogsite nya! putares na yan ginawa pa kaming walking billboard), brief (request ko yun dahil konti lang uwi kong briefs) at Kapitan Sino Book (na hanggang ngayon ay nasa page 10 palang ako).
Si Jepoy naman naghihirap dahil binigyan lang naman nya ako ng 2 Tshirts na mamahalin (pero mukhang pinagliitan lang nya dahil malaki sa akin!joke lang), Eng Bee Ten na hopia (sarap nun grabe!) , Briefs uli (dahil wala talaga akong suot na brief noon) at kung ano ano pa (kasama dito ang panlilibre nya sa mga mamahaling resto).
Sobrang saya talaga ng EB na yun at sana maulit yun next December.Kaya nga ako nahohomesick dahil talagang nag-enjoy ko ang bakasyon kasama ang dalawang “MONGOLOID ALIENS” na sina Glentot at Jepoy!Salamat talaga sa oras nyo mga parekoy!! Maraming maraming salamat sa lahat.
REUNION
Dalawang reunion ang napuntahan ko, ito ay ang reunion namin ng mga kaklase ko nung hayskul at mga kaklase ko ng college. Nagkainan lang kami ng mga kaklase ko na yan. Kwento-kwentuhan ng mga kakaguhan noong estudyante pa kami. Sariwain kung sino ang mga titser o propesor na talagang nageepal sa amin nun, at balikan ang mga kaklase naming nagkaroon ng tatak sa amin.
Katulad ni Boy Tubol (kasi natae sa skul), Neneng Kuto (kasi parang hacienda ng mga kuto ang anit nya), si Mimi Nguso (kasi sipsip sya sa mga titser), si Totoy Pigsa (dahil nagkapigsa sya sa kilkili at pumutok yun habang recitation), si Karen Dukleng (kasi lagi syang binabato ng eraser dahil sa kadaldalan nya, nadukleng tuloy) at si Teteng Kabayo (Hindi dahil kasing laki ng Tete nya ang Tete ng kabayo, dahil ang totoo nya mukhang lang syang kabayo! Dahil dyan napahiya si Charles Darwin dahil hindi talaga galing sa unggoy ang mga tao, pagpapatunay ang existence ni Teteng!Sama ko!hehe)
____________________________________
Masarap balikan ang magagandang alaala na yan! Iyan ang mga bitbit ko sa aking pagbalik dito sa Saudi. Natutuwa ako na kahit sa 30 araw na pagbabakasyon ko sa Pinas naging masaya at makabuluhan ito. Aaminin ko nahohomesick pa rin ako,kahit na sabihin natin 4 na beses ko ng ginagawa itong pagbabalik bayan at pangingibang bansa, hindi pa rin yata ako masasanay sa pagsasabi ng “Goodbye”. Iba talaga ang bigat ng nagpapaalam at masakit pa rin ang kaisipang iiwan mo ang pamilya at mga kaibigan mo sa Pinas.
Ayokong mag-eemo dahil wala akong bangs,hehhe!Pinipilit ko na lang palitan ang aking pangungulila ng mga masasayang alaala ko sa Pilipinas. Okay na ako dun, masaya na ako dun. Alam kong darating din ang isang araw na hindi ko na kailangan magbakasyon pa sa Pilipinas, dahil sa Pilipinas na ako mananatili habambuhay. Kahit ano pa sabihin nilang hindi magagandang bagay tungol sa Pilipinas, para sa akin wala ng mas sasarap pa kundi ang makasama mo ang kapamilya, kaibigan, ka blogger, kaeskwela, at kapwa mo Pilipino sa bansang ating atin. Sa Pinas ako isinilang at sa Pinas din ako mamatay! Naks!
Sana nagustuhan nyo ang 4-Parts na kwento ko!Alam kong naboboringan na kayo at pipilit nyo lang basahin dahil sa pagmamahal nyo sa akin. MEGANUN! Sana wag kayong magbabago!
Ingat at maraming salamat sa pagbasa nyo!
32 comments:
Ahihihihihihihi sensya na talaga! next time na lang... pwede bang may abiso sa susunod para naman mapaghandaan ko... jejejejejeje...
Wahahahahahha base pala ako! jijijijiji
ayos! jejejejeje
ayos!!!!!! nalalapit na din bakasyon ko,,buwahaaa
Hoy Drake, ibig sabihin sa isang buwan mong bakasyon eh hindi ka man lang nang-chicks o kaya nakipag-date? Wala kasi sa kuwento. Pfttt.
Kailangan ko na palang gumawa ng itinerary ko dahil malapit na din akong umuwi. :)
kakainggit naman bakasyon mo parekoy.. na-miss ko ang san mig light dahil sa paulit-ulit mong binabanggit, nakapagpuslit ba galing sa pinas? penge...o kahit anong pasalubong na lang o mga salawal ng naka-date mo ..wahaha! peace!
ayan, pag kahaba haba man ng prusisyon, natapos din ang kuwento hahaha! parang LOTR, Harry Potter, at Star Wars, daming parts! i think sulit na sulit talaga ang 30-day vacation mo, daming adventures, magmula sa airport hangang sa.... hangang sa part 4 hahaha. homesick ka na ulit? sus! 11 months na lang pasko na ulit kaya! chill lang! ;)
awww.
dapat dumaa ka rin ng sandali sa mga bahay aliwan.
o kuntento kana sa pagkakainan ninyo ng mga nakakaEB mo?
lols
sabagay.. masarap naman natalag magkainan... magkainan kayo ni Glentot.. at konting iwas kay papa jepoy kase medyo di ka makakalamang dun lalo ka kung ikaw ang kakainin nya... hehehe jokeness.
Peace Papa Jepoy!!!
**************
Siryusli
ako din nakikisa sa mga angal mo.. sa pinas din ako naipanganak(hindi ko na mababago yun!) at plan ko rin na duon ako magpapakamatay..
masaya sa pinas.. walang katulad. kahit pa sabihin natin na maraming negatibo.
sana masulit ko rin ng bonggang bongga ang aking bakasyon tulad ng pagkasulit ng bakasyon mo!!
ok ok.
ingats parekoy
@Xprosiac
Hindi!Ganyan ka talaga, akala ko pa naman mailibre mo ako!!Hehehe! Layo naman pala yung sa inyo Davao! Penge na lang Durian!
@bosyo
excited???? Mukhang alam ko na kung san ka pupunta chong!
@Gasoline Dude
Nice manyak na manyak lang ang dating ah! Syempre di na kasama dito sa kwento yun! Baka kungn ano lang ang maikwento ko at lalo kang maexcite umuwi!heheh
@Sly
Magtiis ka na lang sa root beer okay na yun! hehhee! Miss ko na rin yang San mig light na yan, habang kumakain ng MANE!hehehe
@Ollie
Medyo kulang pa nga ang kwento ko na yan! Kaso di ko na pinahaba kasi baka wala ng bumasa okay na yan!heheh
@Kosa
Oo nagkainan kami, makikain ka na rin.
Nice napakamakabayan mo naman kosa. Dahil dyan pwede ka ng gawing pera!hahaha!
Excited ng umuwi ah!Ingat
sa susunod, magsama ka kasi ng sangkatutak para marami kang makuhang brip! heheheh..
basta nextym, lets join us!
Kasama na ako sa three-some this year! Nyahahah! Ang sagwang pakinggan.
May 11 months si Jepoy para magipon para madala nya tayo sa sosyal na sosyal na eat-all-you-can! Libre! Libre!
d kya ang kinkape mo eSan Mig light din hehehe..Paborito??? Pansin ko lang talgang tinakpan mo pa mukha mo hahaha bakit baka masapawan mo c Glentot at Kuya Jepoy???Nyhaha lang sumbungan!!! Hirap na tlga kapag paalis na ulit..pero wat to do yani..mafi fulus..kaya we need to go back..hayyy..TC
@gasul. meron naman siyang chick. yung babaeng nagbebenta ng sim card!!! hehehe
Tinakpan pa kuno yung muka sa litrato.. nakita na yun ng madla sa Pluma ni Jepoy..lols
*************
Hindi po ako ganun kamakabayan.. practical lang talaga ako...
masmura ang pamumuhay sa Pinas. sa Probinsya namin, maraming libre.. maraming nahihingi.. maraming hindi binibili..lolz
kaya masmakakatipid siguro ako kapag pagtanda ko at malapit na akong magpakamatay eh uuwi na ako sa Pinas.
@Chingoy
Bakit chingoy may pabrika ba kayo ng brip?penge naman o, nauubusan na ako!
@Ayie
Hindi na threesome ang tawag dun kundi foursome! Apat na kaya tayo!hahaha
@Jam
Aiwa! Ana Mafi fulus sem sem!! Ubos na rin kaya, pero sulit naman!
@Gillboard
Tumpak ka dyan bro, pasok na pasok sa bangang butas!heheh
@Kosa
Lols! I will not confim nor deny! Kung ako man yan!Swerte naman nya!Hahaha
bah, feel kita maka EB din, kais if nasa Pinas ako, wala, puro kfc, mcdo jolibee or di kaya andoks na lang takehome para tipid.Lol
kyut yung punta kayo ng Shangrila Hotel, yun pala babaon lng ng dingdong nuts, hahahah.
May alam akong dalhin if EB din tayo, BOY BAWANG!
Isang linggo na lng ako naman ang magbabakasyon weeeee!!! jijiji...
at bakit naging beybi peys ung pic mo dun? wahahaha...
ang sosyal mo naman parekoy! jijiji...
ang sikat ng mga kasama mo ah.. EB ng mga bloggers. hehehehehe.. cucute.. hahahaha
bratatatat! bratatatat! hehe idol na ata kita sa blogspot hehe. july exit na ako this yr. hope makagawa din me ng kwento hehehe. may blogger kya na mag tour din sa akin hehe. like jepoy?
Nice drake!
@Francesca
Boy Bawang mukhang masarap nga iyon lalo na kung lalagyan mo pa ng sukang maanghang! Hehehe
@Jag
Wow, hindi ka naman excited ng mga panahon na ito! Teka kontakin mo na sila jepoy at Glentot!EB din kayo!nakamputcha masaya yun!
@Tim
Oo mga cute nga kami Tim! At tama ka sikat na sikat yang dalawang yan sa munod ng blog!
@Doogie
Exit ka na di ka na babalik? Basta ienjoy mo na lang! Mas maganda yung hindi pinagpapalanuhan ang mga gagawin mo sa bakasyon, doon ka na lang magplano sa atin para mas enjoy!
wala akong mabasa.. kita koh lang puro pixs... nakita moh sina Jepoy and Glentot.. haller sa kanila... sana kahit man lang ngipin moh pinakita moh... wehe... pag nagkita tayo date kitah... hwag moh lang akoh painumin 'cuz i dunno what i'll do... haha... sige... bawi akoh laterz... Godbless! -di
@dhianz
Sige date tayo! At dahil ikaw ang nagyaya, ikaw ang magbabayad!hahah!joke lang!
@Jepoy
Next in line?oo maganda yung kantang yun! Batet?
Salamat sa libre
P.S Napalitan ko na yung pix!
iba talaga pag nagiisa ka sa buhay you can go anywhere. nice tripping bro.
as for me I'm very happy bonding with my family,, especially last year. they have grown up and mature na ka gimmick. Para lang kami mga friends :)
Thanks for sharing your talambakasyon!
HOY PUTANGINA MO MAGTRABAHO KA JAN HINDI YUNG BLOG KA NANG BLOG HAHAHA
tama na nga pag-eemo mo mamaya magpopop ka na naman sa akin sa YM para sabihing lungkot na lungkot ka EWWW
ajajaja tnx!
wow naman ang soyal talaga ni kuya jepoy forever..hehehe ^_^ anyway..im happy for you kuya drake kasi naenjoy mo ng sobra ang bakasyon mo..^_^
@Lifemoto
Masarap din yung parang magkakabarakda lang din kayo ng mga anak mo!Mukhang di na pwede sa akin yun!heheh Salamat sa pagdalaw kuya
@Glentot!
Taeng ito hindi ko naman ako emo! Sabi ko nun nahohomesick ako! Emo na ba yun!epal ka pala eh
@Jaid
Sayang di tayo nagkita, ililibre kita ng scramble pramis!ingat
...sarap nmn sumama sayo sa bakasyon lagi may san mig light..sa susunod bubusina ka ha..lolz!
Post a Comment